Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kumander

Chapter Nineteen

THE kiss only lasted for a few seconds. But it was enough to shake the living daylights out of her. Nang bahagyang ilayo ni Jethro ang mukha nito ay may munting ngiti sa mga labi ng binata. Napakurap-kurap si Chantal. Pagkatapos ay muli siya nitong hinagkan sa noo.

"Kain na," sabi nito.

She never thought that a kiss could actually blow her mind. Akala niya sa mga romantic movies lang 'yon nangyayari. Iyong after the kiss ay mapapatulala ka na lang. And her heart, it's beating like crazy again. Nang hindi niya kaagad damputin ang kubyertos niya ay si Jethro na ang kumuha niyon at sinimulan siyang subuan. Kokontra pa sana siya ngunit wala na ring nagawa kundi ang i-open ang bibig nang itapat nito ang pagkain doon. Ipinaghimay pa siya nito ng isda. Gustong-gusto niya talaga iyon kahit matinik. Kaya naman nang mamalengke minsan sina Andeng at Marcy ay nagpabili siya ng ganoong isda. Ang binili ng mga ito ay bangus belly para raw hindi siya mahirapan pagtatanggal ng tinik.

Kumutsara ng sabaw si Jethro at hinipan iyon bago isinubo sa kanya. Sa mga sandaling iyon ay siya naman yata ang namumula dahil para siyang bata na pinakakain nito. Nasa ganoon silang kalagayan nang pumasok ang doktor at nurse.

"You're recovering well, Misis. Mukhang mahusay mag-alaga si Mister," nakangiting wika ng doktor.

Namula siya sa pagtukoy nito sa kanyang Misis. Nang tingnan niya si Jethro ay nangingiti lang ito.

"Oo nga, Doc. Sana all," wika naman ng nurse.

"Simulan mo ng maghanap, Nurse Jean at baka maging extinct na ang mga katulad ni Mr. Duque. One in a million na lang ang mga kagaya niya."

"Ahm, Doc. Am I contagious?"

Nang makahulugang magpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Jethro ay napangiti ito.

"As of now, yes. Pero kung malakas naman ang immunity system ni Mister, a peck on the lips won't do him any harm."

Nakahinga siya nang maluwag. Kahit naman gustong-gusto niyang halikan si Jethro ay hindi naman niya ipakikipagsapalaran ang kalusugan nito para lang mapagbigyan ang kanyang sarili.

Hindi na rin nagtagal ang doctor at nurse at lumabas na ang mga ito.

"Kain pa at lumalamig na ang sabaw."

Dinampot na niya ang kanyang kubyertos. 

"You should eat, too. And eat some veggies."

"Opo, Nanay," nangingiting sagot nito at ipinagpatuloy na rin ang pagkain.

"Kelan ka pa nagkasakit?"

"Hindi ko na maalala. Bakit mo naitanong?"

"You don't get sick?"

"Nagkakasakit naman. Ubo, sipon. 'Yong mga pangkaraniwan na nadadala ng pag-inom ng kape."

"Gamot ang coffee?"

Natawa ito. "Biro lang, huwag mong seryosohin. Ako kasi hindi kaagad umiinom ng gamot at hinahayaan lang minsan na labanan ng katawan ko ang mga simpleng sakit. Hayun, alam yata na wala akong pampadoktor kaya kusa na lang na lumalayas."

Is that even possible?

"Minsan kasi, mind over matter. Pero madalas, kapag mahina talaga ang resistensya mo magkakasakit ka. Katulad mo, hindi ka masyadong exposed sa environment na katulad sa amin kaya ka siguro nagkasakit."

She smiled, nadagdagan na naman ang pagkabilib niya sa lalaking ito. Sa pagkakaunawa niya ay hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. At may ibang kahit nakatuntong ng kolehiyo ay hindi ganoon kahusay umunawa ng mga bagay-bagay. But with Jet, para bang lahat ng bagay na lumalabas sa bibig nito ay may kabuluhan.

Nang matapos silang kumain ay tinulungan siya nitong magbanyo. Naghugas siya ng kamay at nagsepilyo. Isa lang ang ayaw niya sa bangus, madikit ang lansa. Kaya ilang ulit siyang naghugas ng kamay pati na ng bibig.

"Gamitan mo ng tooth paste para matanggal ang amoy," naaaliw na sabi nito.

Inilahad niya ang dalawang kamay at pinigaan nito ng kaunting tooth paste iyon. Pinagkiskis niyang mabuti ang dalawang kamay pati mga singit-singit ng kanyang daliri at kuko.

"Baka matanggal ang suwero mo, dahan-dahan."

"Hindi pa ba ito puwede tanggalin?" nakakunot-noong tanong niya.

"Hindi pa siguro. Bukas, itanong natin kay Dok."

Tumango siya.

Nang matapos ay inakay siya nitong pabalik sa kanyang hospital bed.

"Gusto mong manood ng tv?"

"Sige." 

May pinapanood na telenobela sina Marcy at Andeng. Gabi-gabi ay inaabangan ng mga ito iyon at nakikipanood din siya kaya nasubaybayan na rin niya ang istorya. Nang mailagay nito iyon sa channel na gusto niya ay iniwan siya nito saglit para ito naman ang gumamit ng banyo. Paglabas nito ay tinapik niya ang espasyo sa kanyang tabi. Bahagya pa siyang umusog para hindi na magbago ang isip nito sa imbitasyon niya.

Alam niyang masyadong nagiging forward ang mga ginagawa niya. Ngunit lumaki siya sa isang liberated na bansa na hindi ginagawang pasikot-sikot ang mga bagay-bagay lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon. Hindi naman ito naghintay ng ikalawang imbitasyon at matapos magpunas ay naupo ito sa space na pinagpag niya. Hindi na siya nagdalawang-isip na ihlig ang ulo sa balikat nito. Mabuti na rin lang at bago ito dumating ay natulungan siya ni Marcy na i-shampoo ang kanyang buhok kaya hindi siya nag-aalalalang mabaho iyon.

"Jet?"

"Hm?"

"Do you... ahm, are we, uh." Darn it. Why is this so hard?

"Liligawan kita."

"Ha?" nagkamali ba siya ng dinig?

"'Kako, liligawan kita. Kung... k-kung ayos lang sa'yo. Alam mo naman na ordinaryong tao lang ako at--"

"No need."

Natigilan ito. Hindi yata inaasahan ang sagot niya.

"Ah," parang bigla itong nalito.

"To my understanding, you already claimed me as your wife."

He blinked once, twice, and another. Napatitig ito sa kanya na para pa ring nalilito na natutuwa na hindi niya maintindihan. She covered her mouth with the back of her hand and giggled. Napailing naman ito saka nahagod ang batok.

"Tayo na?" ang tila hindi pa rin nakatitiyak na tanong nito.

"If you'll have me."

He tsked. "Para namang katanggi-tanggi ka."

"What?"

"Katanggi-tanggi."

"Katangi-tangi?"

Napahalakhak ito! And she could hear pure joy in his laughter. Ang sarap nitong panooring tumawa. Kitang-kita ang kinang ng katuwaan sa mga mata nito habang bahagya pang namumula ang mga puno ng tenga. And he has pearly white teeth, too, na bumagay sa mapupula nitong mga labi. 

"You should stop smoking," wala sa loob niyang sabi rito.

"May batas agad ang aking kumander?"

Natutop niya ang bibig. Hindi niya dapat sinabi iyon. 

"Sorry."

Inabot nito ang kanyang kamay at marahang ibinaba. Pagkatapos ay tumaas ang isa nitong kamay sa kanyang mukha at hinagod ng hinlalaki ang kanyang pisngi.

"My moon dust."

"This is the third time already that you said that."

"Sa tuwing makikita ko kasi ang mga ito," binakas nito ang ilang mumunting mantsa sa kanyang balat. "Naaalala ko ang milky way."

"What's that got to do with moon dust?"

"Nakita mo na ba ang buwan kapag maliwanag na maliwanag?"

"Hm, sometimes."

"Nakita mo ang reflection ng liwanag sa paligid ng buwan? Naisip ko na para silang moon dust. Katulad ng mga pekas na ito."

Napalabi siya. Sa lahat naman ng magugustuhan nito sa kanyang mukha ang mga freckles niya pa. Hate na hate niya pa naman ang mga iyon.

"So, you're a selonophile."

"Ano 'yon?"

"A person who is fond of the moon."

"Ah," napatango-tango ito. "Pero hindi naman talaga 'yong moon ang gusto ko. 'Yong reflection ng liwanag sa paligid ng buwan na parang maliliit na glitters. Teka, sandali."

Bumaba ito ng kama at sumilip sa labas ng bintana. 

"Sakto."

Bumalik ito at inalalayan siyang pababa ng kama. Itinuro nito sa kanya ang bilog na bilog na buwan.

Napangiti siya.

"I get it."

Naramdaman niya ang pagyakap ng mga braso nito mula sa sa kanyang likuran. Tila pumitlag ang kanyang puso. Marahan nitong ipinaikot ang mga braso sa kanyang beywang saka idinaiti ang mukha sa gilid ng kanyang ulo.

"Liligawan pa rin kita kahit ayaw mo."

Marahang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"I'll look forward to it."

Sandali muna nilang pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan. It felt like they were on a date. And it was the most romantic date ever.

"I have a question."

"Puwede bang yes or no lang ang sagot?" 

Mahina niyang tinampal ang braso nitong nakayakap sa kanya.

"Hindi masasagot ng yes or no."

"Parang mahirap, ah."

Nilingon niya ito at pinormalan ng mukha.

"Sige, sige. Sasagutin ko na kahit quadratic equation pa 'yan," napapakamot sa noong sabi nito.

"Bakit mo ako pinauwi?"

"Pinauwi? Kelan?"

"Nakalimutan mo na?"

Nang bahagya itong ngumiwi ay may palagay siyang nagsisinungaling lamang ito sa kanya.

"Don't lie to me. You know what I'm talking about, don't you?"

"Ah, kasi naman, kumander. Napakadumi sa talyer."

"Commander?"

"Oo. Mula ngayon ikaw na ang kumander ng buhay ko."

Kinilig siya. Pinigil niyang mapangiti nang malawak kahit ang puso niya ay para ng sasabog sa tuwa. 

" Ayaw mo?"

"Did I say that?" ngumiti siya. "Continue."

"At isa pa, may mga lalaking nagpupunta ro'n. Iniiwas lang kita sa maraming mata. Baka may makakilala sa'yo, atsaka..."

"What else?"

"Ayokong dumami ang mga tagahanga mo."

"Y-you're jealous?"

"Oo. Lahat ng lalaking tumitingin sa'yo nang may paghanga ay gusto kong dukutin ang mga mata. Kung hindi ko nga lang kaibigan 'yong si Boogie matagal ko ng binulag ang loko-lokong 'yon."

Bigla siyang napasimangot nang may maalala.

"How about that woman with an air balloon for boobs?"

"Huwag mo ng pagselosan 'yon. Kababata ko 'yon at mabait naman talaga si Maita. At huwag mong pag-initan ang boobs niya. Kahit sampung boobs na gano'n kalaki hindi ko papatulan. Mas cute kaya 'yong halos walang boobs."

"Like mine," she cupped her breasts.

Napaubo ito sa ginawa niya.

"Halika na, balik na tayo sa higaan mo. Baka mabinat ka pa." Inakay siya nitong pabalik sa higaan niya.

Nangingiting nagpaakay na lamang siya rito.

"Tulog ka na. Huwag ka ng magpuyat at baka lalong mapatagal ang paggaling mo."

"Are we really going to the beach?" tanong niya rito habang maingat siyang iginigiyang pahiga.

"Opo. Nangako ako, di ba?"

"I'm already excited."

"Mabuti. Paghahandaan ko 'yon para hindi ka ma-disappoint."

"Lay down beside me."

"Ha? Ah, dito na lang ako sa upuan."

"Oh, I forgot," natakpan niya ang kanyang bibig. "I'm contagious."

"Tsk," sumampa ito sa gilid ng kama at nahiga sa tabi niya. 

"Hey, Mister," may pananaway sa tono niya.

"Yes, Misis. Matulog ka na."

Inayos nito ang pagkakaunan niya sa braso nito at marahan siyang kinabig. Halos magkasalubong na ang kanilang mga hininga sa lapit nila sa isa't isa. Pumihit siyang patalikod dito.

"O, walang ganyanan. Gusto mo akong katabi pero tatalikuran mo lang."

"Just hug me until I fall asleep. Then you can sleep on the couch later."

"Masusunod, kumander."

Napangiti siya. Pakiramdam niya ay mapupunit na ang kanyang mga labi dahil wala na siyang ginawa kundi ang ngumiti.

Commander. She loves the sound of it.

Parang ang hirap isipin na ang isang katulad ni Jethro ay magpapasilong sa kagaya niya. But it's worth a try. Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.

-

papatayin ko na si Chan-chan next chapter.

frozen_delights






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro