Kapalit ng Buhay
readers can be really unpredictable :) thank you, darlings. from the bottom of my apdo, THANK YOU!
huwag pong kalimutang i-save at i-share ang mga stories ko sa inyong mga friendship at friends ng inyong mga friendship. huwag ding kalilimutan ang aking pangalan. CALIXTA MONROE or frozen_delights.
mwah!
Chapter Forty-Six
"ANG lalim yata ng iniisip mo?"
Nilingon ni Jethro ang pinsang si Andeng.
"Huwag mong sabihing isang linggo pa lang kayong nakakasal ni Chan-chan ay may problema na kayo?"
Tinabihan ni Jethro sa upuang kawayan ang pinsan. Pinagsalikop ang dalawang kamay at itinukod iyon sa noo na para bang ang bigat-bigat. Nakatukod ang magkabilang siko niya sa magkahiwalay na tuhod.
"Andeng, kapag umalis ako puwede bang ikaw na muna ang bahalang umalalay at mag-alaga sa asawa ko?" seryosong saad niya.
"Anong drama 'yan? Hindi naman imbalido ang asawa mo para mangailangan ng tagapag-alaga at aalalay. Atsaka... teka, ano ba ang sinasabi mo? Anong aalis? Saan ka pupunta?"
"May kailangan akong gawin kapalit ng kaligtasan ni Chan-chan."
Puno ng pag-aalala at kalituhan ang mukha ni Andeng nang lingunin niya.
"Ano ba ang sinasabi mo? May pinasok ka na naman bang gulo? Sabihin mo sa akin," palakas nang palakas ang boses nito.
Inabot niya ang kamay ng pinsan at pinisil iyon para pakalmahin ito at hindi gumawa ng anumang bagay na makakatawag ng pansin ng kanilang mga kasama. Nasa tabing-ilog sila at nagpi-picnic. Nagpaalam sa kanya si Chantal na kukuha ng pagkain. Medyo napatagal na ito ng balik dahil mukhang nagkakasiyahan ito ng kuwentuhan nina Marcy at Maribeth.
"Ano nga? May ginagawa ka bang illegal?" may diing tanong ng pinsan. "Umayos ka, Jet. Kahit mas matanda ka sa akin ng edad ay matanda ako sa dugo. Sasapatusin kita."
"Naka-tsinelas ka," pilosopong sagot niya rito.
Dinampot nito ang suot na tsinelas at inihampas sa hita niya.
"Aray! Andalusia, ha?"
"Ano nga?!" pigil ang pag-alsa-boses na pinandilatan siya nito ng mga mata.
"Babalik ako sa loob."
Napaawang ang mga labi nito. "L-loob ng kulungan?"
Dahan-dahan siyang tumango.
"Ano bang katarantaduhan ang sinasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng bait? At paano si Chanchan? Kung ganyan din pala ang gagawin mo sana hindi mo na lang siya pinakasalan!"
Alam niyang may punto ang kanyang pinsan. At sa totoo lang ay tama ito. Pero kahit minsan lang sa buhay niya ay gusto niyang maging makasarili. Minsan sa buhay niya ay gusto niyang sundin kung ano ang idinidikta ng puso niya. Mahal niya si Chantal at handa na siya sa anumang magiging kapalit ng desisyong ginawa niya.
"Ito lang ang tanging paraan para masiguro ko ang kaligtasan niya."
"At paano mo matitiyak ang kaligtasan niya kung nasa loob ka?"
"Iyon ang kundisyong hiningi ko sa pagbalik ko sa loob."
"Napakalaking katangahan ng gagawin mo. At sa sandaling malaman ni Chantal ang lahat, natitiyak kong hindi niya magugustuhan ang ginawa mo."
"Para sa kanya ang gagawin ko."
"Kahit pa. Nakikita ko kung gaano ka niya kamahal. Sa palagay mo ikatutuwa niya na isasakripisyo mo ang sarili mo para sa kanya? Masasaktan siya. At baka sa huli," mabilis na itinikom ni Andeng ang bibig at nag-iwas ng tingin.
"Hindi niya ako iiwan. Kahit na ano ang mangyari ay hindi ako makapapayag na muling maiwan."
"Gaano katagal ka na namang magbabakasyon doon?" sarkastikong tanong nito. "Isang taon, dalawa?"
"Tatlong buwan ang pinakamatagal."
Matiim itong tumitig sa kanya.
"Ang sarap mong murahin at sapakin, alam mo ba?"
"Alam ko. At alam ko rin na maipagkakatiwala ko sa'yo si Chantal."
Tila napakarami pang gustong sabihin si Andeng. Ngunit pinanatili na lamang nitong pinid ang bibig nang makitang pabalik na sa puwesto nila si Chantal. Tumayo na ito para umalis doon.
"Hey, are you guys fighting?" tanong ng kanyang asawa nang makasalubong si Andeng.
"Oo. Siraulo 'yang asawa mo. Pakisapak nga para sa akin."
Napangiwi si Chantal nang dire-diretsong maglakad palayo si Andeng.
"She looks so pissed. What did you say to her?" may bahid-paninitang tanong ng asawa kay Jethro.
"Sabi ko lang naman huwag masyadong maging masungit para naman magka-lovelife. Kita mo nga si Boogie, o. Nakabingwit ng Haponesa."
Hinampas siya ng asawa sa braso. "Ikaw talaga. You're a meanie."
Hinuli niya ang kamay ng asawa at hinagkan ang likuran ng palad. "Hindi naman masyado. Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Kahit na. Bad pa rin 'yon. You should apologize to her."
"Oo na po," tiningnan niya ang dala nitong pagkain.
Hinog na langka.
"Wow, kaya mo bang ubusin 'yan? Baka sakitan ka ng tiyan." Sa tantiya niya ng laki niyon ay kalahati iyon ng isang buong langka.
"Yep. Don't worry, jellyboo. I can finish it in one sitting."
"Sigurado ka?" matawa-tawang tanong niya rito.
Naninibago siya sa gana nitong kumain. Hindi niya rin maiwasang punahin na parang medyo bumibilog ito. Pero siyempre sinasarili niya na lang ang obserbasyong 'yon. Sensitive ang mga babae pagdating sa katawan nila. Kahit wala namang dapat ika-insecure ay madali silang ma-apektuhan. Alam niya dahil halos buong buhay niya ay may kasama siyang babae sa bahay, si Andeng.
"Teka, sino ba ang naghati n'yan at hindi man lang tinanggalan ng ubod?"
"Si Boogie."
"Tsk. Dito ka lang at kukuha ako ng itak para matanggalan natin ng ubod. Mahihirapan kang kainin 'yan nang ganyan."
Ngunit parang hindi siya nagsalita na nagsimula na itong atakehin ang langka. Naaaliw na napailing na lang siya saka pumunta sa kubong kinaroroonan nina Boogie at kumuha ng itak. Kinuha na rin niya ang naroroong maliit na bote ng langis ng niyog saka binalikan ang asawa.
Sarap na sarap ito sa pagkain at namumukol pa ang pisngi sa nginunguyang langka ay abala na naman ang kamay sa pagkuha ng panibagong laman.
"Teka, awat muna. Akina ang kamay mo."
Mabilis muna nitong hinimay ang kapilas ng isang laman at isinubo bago iniabot ang kamay nito sa kanya. Naglagay siya ng kaunting langis ng niyog sa kamay at ini-apply iyon sa magkabilang palad at mga daliri nito.
"What is this for?"
"Para hindi dumikit 'yong dagta."
"Ah, so that's the purpose of this coconut oil."
"Opo. Layo ka muna nang kaunti. Hahatiin ko sa gitna itong langka."
"But it's mine."
"Sa'yo nga lang. Hindi ako makikihati," natatawang sabi niya. "Aalisan ko lang ng ubod. 'Yan, o. Iyang puti sa gitna tatanggalin ko para hindi ka mahirapang kainin."
"Bawal kang kumuha kahit isa."
"Hindi nga po. Pangako."
"Okay."
Habang tinatanggalan niya ng ubod ang langka ay kulang na lang na maglaway ang kanyang asawa habang pinapanood ang ginagawa niya.
"Parang gustong magselos ng abs ko."
"What do you mean?"
"Aba'y mas naglalaway ka pa sa langka na 'to keysa sa abs ko."
"Not true."
"Hindi ako naniniwala."
"What proof do you want?"
"Kiss."
"You want me to kiss your abs in front of everyone?"
"Mamaya na ang kiss sa abs, pag-uwi natin sa bahay. Kiss na lang muna sa lips."
Ngumiti ito bago lumapit at inilapat ang mga labi sa bibig niya. Inabot niya ang batok nito at idiniin ang halik. Pinadaan niya ang dulo ng dila sa ibabang labi nito hanggang sa kusang bumuka ang bibig ng kanyang asawa at pahintulutan siyang manghimasok at galugarin ang loob ng bibig nito. Nalasahan niya ang flavor ng langka sa dila nito. Hinuli niya iyon at sinipsip. Napaungol ito at napakawit ang dalawang kamay sa kanyang balikat.
Wala siyang pakialam kung may nakakakita man sa paghahalikan nila. Mainit at mapusok niyang inangkin ang mga labi ni Chantal hanggang sa pareho na silang mangailangan ng hangin. Saka lamang naglayo ang kanilang mga labi. Pahabol pa niyang kinudlitan ang tila namamantal nitong mga labi bago iyon tuluyang pinawalan.
NANG sumunod na mga araw ay tinutukan ng pansin ni Jethro ang ilang bagay na kailangang baguhin sa kanilang bahay. Tulad ng request ng kanyang mahal na asawa, gusto nitong magkaroon ng sariling working area na nakaharap sa dagat. Bago siya umalis ay gusto niyang matapos iyon. Kahit mekaniko siya ay marunong naman siya sa pagka-karpintero. May ilang pinsan din siyang marurunong sa paggawa kaya itinulong na niya ang mga ito para mas mapabilis ang trabaho.
Mabigat sa loob niya ang gagawing pag-alis. Ngunit hindi niya gustong pag-isipan iyon nang husto dahil baka magbago pa ang isip niya. Ayaw niyang malayo kahit isang saglit lang sa kanyang mahal na asawa. Ngunit masyado siyang nabahala sa huling sinabi ni Anderson bago niya ito pinatay.
"Sa akala mo ba ako lang ang binayaran niya para burahin si Ms. Karan? Marami kami. At kahit patayin mo ako ngayon ay wala kang magagawa para mailigtas ang buhay niya!"
Isang walang mukhang dimonyo ang utak sa likod ng kill order para patayin si Chantal. Kaya naisip niyang dimonyo lang din ang puwedeng makatunton dito. Kung siya lang ang kikilos para gawin 'yon, wala siyang sapat na resources o tao para magawa iyon. Sa kabila ng katauhan ni Vengeance, naniniwala siyang may isang salita ito.
"Jellyboo."
Pumulupot sa beywang niya ang dalawang braso ng asawa mula sa kanyang likuran. Kaagad na nanuot sa kanyang ilong ang preskong amoy nito. Bagong paligo.
"It's getting late. Let's go to bed."
Binitiwan niya ang ginagawa at hinarap ito. Tulad ng kanyang inaasahan, mamasa-masa pa ang buhok nito. As usual, kamiseta niya ang suot nito. Paborito nitong gawing pantulog at pambahay ang mga t-shirt niya. Lalo na iyong medyo luma at may kanipisan na ang tela. Gaya na lamang ng suot nito sa mga oras na iyon. Anag-ag ang dalawang butil ng dibdib nito sa ilalim ng puting tela dahil wala itong suot na bra.
Hinapit niya ito sa beywang at pinadaplisan ng halik ang noo nito, ilong at pakudlit na hinagkan sa labi bago ito inangat at iniupo sa gilid ng mesang ginagamit niya.
"Hmm, impressive drawings," wika ng kanyang asawa sabay dampot sa mga sketches na naroroon.
"Sabihin mo kung may gusto kang idagdag o ibawas sa mga idea na naririyan," aniya.
Ibinuka niya ang mga hita nito at pumaloob doon. Awtomatik namang kumawit ang mga binti nito sa lower body niya.
"I want this whole section in clear glass," tukoy nito sa drawing.
"Areglado, kumander. Iyon lang ba?"
"Yes. I'm quite satisfied with it," ibinaba nito ang drawing at iniyapos ang dalawang braso sa kanyang batok.
Yumuko siya at kaagad na naglapat ang kanilang mga labi sa banayad ngunit mainit na halik. Napaungol ito nang salubungin ang kanyang dila. Hinaplos niya ang hita nito at ipinasok ang isang kamay sa loob ng suot nitong t-shirt. Malalim itong napahigop ng hangin nang sapuhin niya ang isang dibdib nito. Panay ang haplos niya sa hita nito habang ang isa niyang kamay ay palitang minamasahe ang kaumbukan ng mga dibdib nito.
"Jellyboo."
Bumaba ang mga labi niya sa leeg ng asawa. Niyuko niya ang naninigas nitong utong at sinipsip sa kabila ng nakapagitang manipis na tela. Napaarko ang likuran ni Chantal at napadiin ang mga kuko sa anit niya. Salitan niyang ginawa iyon. Sabay na sumuot sa loob ng short ni Chantal ang dalawang kamay niya at kinubkob ang kambal na pisngi ng puwetan nito. May gigil niyang pinisil-pisil ang mga iyon na nagpahalinghing dito.
"Angat nang kaunti, kumander."
Kumapit ang dalawang braso nito sa kanyang batok para maiangat ang pang-upo sa mesa. Kaagad niyang hinila ang shorts nito kasama ang panty. Makinis naman at malinis ang mesa kaya hindi siya nag-aalalang hindi komportable ang pang-upo ng kanyang asawa nang mahubad ang pang-ibaba nito.
"Hindi ba tayo papasok sa kuwarto?" paungol na tanong nito nang muli niyang balikan ang mga nipples nito. Ang dalawang kamay niya ay baba-taas na humahaplos sa magkabilang tagiliran nito paakyat sa ilalim ng dibdib.
"Dito muna kita papasukin," may landing bulong niya sa asawa. "Panghuling round sa kuwarto."
Napaliyad ito at napaungol. Itinaas niya ang suot nito at halos buong hinigop ang kaumbukan ng dibdib.
"Oooh, gaaad. Hmm, do it some more, jellyboo."
Muli niya iyong inulit habang pinaiikutan ng dila ang naninigas na nipple.
"Aah, I love it. I think I'm wet."
Ibinaba niya ang isang kamay sa pagitan ng mga hita nito. Sa loob ng halos dalawang linggo na nilang pagiging mag-asawa ay pamilyar na siya sa katawan ng esposa. Alam na alam niya ang mga lugar na nakakapagpabaliw rito. Sabi nga ng tiyuhing nagpalaki sa kanya nang 'pabinyagan' siya nito, iba-iba ang kiliti ng mga babae. At kailangan daw niyang malaman kung saan-saan ang mga iyon para mabaliw sa kanya at hanap-hanapin ang kanyang romansa.
Pinadulas niya ang gitnang daliri sa pagitan ng mga labi ng pagkababae ng asawa. Medyo basa na nga iyon. Ngunit hindi pa rin sapat para sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paghagod sa kaselanan nito. Kumiwal ang katawan ni Chantal at marahang umindayog sa bawat hagod niya. Lumipat siya sa kabilang dibdib nito at sinipsip iyon at pinaikutan ng dila ang nakatirik na tuktok. Pasalit-salit ang bibig niya sa pagsamba sa mga dibdib ng asawa habang ang kamay niya ay walang tigil sa pagpapaalab sa pagitan ng mga hita nito.
Marahan niyang ipinasok ang gitnang daliri roon, bahagyang ikinawit at inilabas-masok. Napahalinghing ito sa sarap. Pinagsabay niya ang pagsipsip sa mga nipples nito at pag-stimulate ng G-spot nito. Lalong lumakas ang mga ungol ng kanyang asawa at mas lalong naging madulas ang puwerta. Dinagdagan niya ng isa pang daliri ang nakapasok dito at mas binilisan ang pag-ulos.
"Jet, Jet," lumakas ang mga ungol ni Chantal at halos bumaon na ang mga kuko sa kanyang braso. "Shiiit... make it f-faster, jellyboo. Oh!"
Binilisan niya ang paghugot-baon ng dalawang daliri. Sa bawat labas-masok ay pakawit niyang hinahagod ang sensitibong parteng iyon sa loob ng pagkababae nito. At sa tuwing gagawin niya iyon ay halos mapahiyaw ito sa sarap.
"Oh, fuck, oh, fuck, oooh...!" malakas na pumilantik ang balakang nito kasunod ang pagbuhos ng mainit na katas.
Nang muli niyang igalaw ang dalawang daliri ay napahalinghing ito at mariing hinawakan ang kanyang palapulsuhan.
"E-enough. Oooh, jellyboo," napaliyad ito nang kawitin niya ito sa loob. Muling dumaan ang tila lindol sa katawan nito.
Hinawi niya ang lahat ng bagay na nasa likuran nito at dahan-dahan itong pinahiga.
"Jet."
Binuksan niya ang kanyang pantalon at inilabas ang kanina pa naghuhumindig na pagkalalaki. Ibinaba-taas niya ang kamay roon at pumuwesto sa nakabukang hita ng asawa. Kahit mukhang nanghihina pa sa katatapos lamang na orgasmo ay itinukod ni Chantal ang dalawang siko sa mesa at tiningnan ang ginagawa niya.
Ngumiti siya at inabot ng isang kamay ang dibdib nito at piniga ang kalambutan niyon. Napakagat-labi ito sabay ungol. Napakaganda talaga nito. Inilapit niya ang ulo ng pagkalalaki sa ubod nito at paikot na inihagod iyon doon. Para na naman itong nagdidiliryong napahalinghing. At musika sa kanya ang mga ungol at halinghing ng kanyang asawa.
Bumaba ang dalawang kamay nito sa magkabilang puno ng hita at ibinuka iyon ng husto.
"Come inside me, jellyboo, please..."
Hindi na siya naghintay pa ng ikalawang imbitasyon. Kanina pa rin siya nasasabik na lumusong sa basa at makipot na lagusan ng kanyang asawa. Ipinosisyon niya ang sarili at saka unti-unting pinag-isa ang kanilang mga katawan. Sagad. Napaungol siya sa masarap na sensasyong bumalot sa buong pagkalalaki niya.
Ipinailalim niya ang isang kamay sa balakang ng asawa habang ang isa'y nakasuporta sa likuran nito. Muli niyang inabot ang nipple nito at sinipsip. Pinalibutan niya iyon ng mga pinong halik. Pasalit-salit. Inabot ni Chantal ang kamiseta niya at hinubad. Hinaplos nito ang katawan niya, pinisil ang mga siksik na kalamnan.
Gumalaw siya sa mabagal na ritmo.
"Aah, ang sarap mo talaga, kumander," sakal na sakal ang pagkalalaki niya kahit madulas na madulas ang lagusan nito.
"Jellyboo," sinalubong nito ang bawat ulos niya. Lumikha ng nakakalibog na tunog ang salpukan ng kanilang mga katawan. Sumasabay ang langitngit ng mesa na nawawala sa dating ayos sa bawat bayo niya.
"Ah, tangina."
Bumilis ang banggaan ng kanilang mga katawan. Kapwa naghahabol ang kanilang paghinga.
"Aah, jellyboo..." mahigpit na napakapit sa braso niya ang dalawang kamay ni Chantal.
Sa bawat bayo niya ay umaalog ang dibdib nito. Kita niya rin ang pamumula ng balat nito roon pataas sa leeg at mukha.
"Oh, gad. Jellyboo, I'm getting close... oh, oh!"
Tila nagkaroon ng desperasyon ang mga ulos niya.
"Hintayin mo ako, aah, h-heto na... tangina. Chan-chaaan...!"
Mahigpit silang nagyakap nang marating ang kasukdulan.
-
naka-bull's eye na kaya ang ating shooter?
your naughtiest author,
frozen_delights is no longer frozen due to extreme heat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro