Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikaw at Ako

Chapter Twenty-One

SA buong maghapong kasama ni Chantal sina Andeng at Marcy kain at tulog lang halos ang ginawa niya. Kahit maingay ang pagkukuwentuhan at asaran ng mga ito ay hindi man lang naistorbo ang tulog niya. Nasanay na yata siya sa ingay ng dalawa. Gayong kung si Jet ang kasama niya ay baka tinukuran niya ang mga mata para lang hindi makatulog. But she gave in to her body's wish--to rest. After all, sleep is the best cure for the recuperating body to heal faster.

Nang papagabi na ay nilibang niya ang sarili para hindi maisip si Jethro. Alam niyang hindi ito makababalik ng ospital para magbantay sa kanya. And she's missing him already. If only she could hear his voice. Natigilan siya nang maisip ang isang napaka-importanteng bagay. Wala siyang cellphone number ni Jethro. Napanguso siya at napukpok nang mahina ang ulo. 

Bahagya siyang napapitlag nang tumunog ang kanyang cellphone. It was an unregistered number. Sino ito? Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ang tawag o ire-reject iyon.

"Bakit para kang natuklaw ng ahas d'yan? Sagutin mo kaya at baka si may labs mo na 'yan," may panunudyong sabi ni Andeng.

"B-binigay mo number ko?"

"Oo naman. Ayaw mo ba?"

Sa halip na sagutin iyon she tapped the answer key.

"H-hello?"

"Hello. Kumusta na ang pakiramdam mo? Kumain ka na ba?"

"J-Jet?"

"Ako nga. Hiningi ko number mo kay Andeng."

Napangiti siya. "I'm glad you did."

"Kumain ka na ba?" pag-uulit nito sa tanong.

"Not yet. In a little while, I hate hospital food so I'll probably eat the food you sent me."

"Eh, di malamig na ang kakainin mo? Tiyagain mo na lang muna ang pagkain d'yan. Bukas ipagluluto ulit kita ng may sabaw."

"Tinola?"

"Gusto mo no'n?"

"Uh-huh," minsan ay nabanggit ni Andeng na isa iyon sa mga paboritong ulam ni Jet kaya isasama na rin niya sa mga paboritong ulam na nagustuhan niya.

"Sige, bukas 'yon ang dadalhin ko."

"I can hardly wait," masayang wika niya. "May work ka pa ba sa uhm, what do you call that place again?"

"Talyer?"

"Yes. Nasa talyer ka pa now?"

"Oo. Nagpahinga lang ako sandali para matawagan ka."

Kinilig siya. Gusto niya ang mga ganoong simpleng thoughts na kahit busy ito ay naaalala pa siya.

"Don't tire yourself, okay? Kung hindi kayang tapusin tonight, finished it by tomorrow. Don't stay up late, baka ikaw naman magkasakit."

"Ang sarap."

"What?"

"Ang sarap marinig mula sa taong mahal ko na nag-aalala siya sa akin."

Namula siya. 

Taong mahal ko, ang sarap pakinggan. "Do you have food over there?"

"Magluluto na lang kami ng instant noodles o pancit canton."

"That's your dinner?"

"Oo. Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapalipas ng gutom. Siyanga pala, nagustuhan mo ba 'yong mga bulaklak? Kung ayaw mo no--"

"I love it. Ang bango ng room ko, hindi amoy-hospital."

"Mabuti naman."

In her mind's eye she could picture him smiling while biting one corner of his lips. "Thank you, Jellyboo."

"Ano 'yon?"

"I said, thank you."

"'Yong huli mong sinabi."

"Jellyboo?"

"Akala ko nagkamali lang ako ng dinig. Ano ang ibig sabin no'n?"

"It's sort of an endearment for someone you love. Don't you like it?"

"Tsk, kahit jellyfish pa ang itawag mo sa akin ayos lang, kumander, basta ba it's-sort-of-an-endearment-for-someone-you-love."

She giggled. He can be really funny at times. Funny and sweet. Adorable and did she mention hot? Hot, hot, hot. At pagdating dito, hindi maubos-ubos ang kilig niya. Hindi nagtagal at kahit parang ayaw pa nitong magpaalam ay sinabi nitong babalik na ito sa trabaho.

"See you tomorrow, Jellyboo."

"Talagang pupunta ako riyan matapos man o hindi ang paggawa namin. Kailangan ko siyempreng mag-report sa aking kumander."

Natutop niya ang pisngi nang muling mag-init iyon sa dagsa ng kilig.

"You better," aniya na lang. Halos mapunit na naman ang kanyang mga labi sa matamis na ngiti.

Nang mapatingin siya sa dalawang kasama sa silid ay ipinaling niyang paiwas sa mga ito ang namumulang mukha. They were obviously listening to her conversation on the phone. Bahagya niya ring hininaan ang boses para hindi marinig ng mga ito ang sasabihin niya kay Jethro.

"I love you, Jellyboo."

Pumatlang ang katahimikan sa dulong linya. Akala niya ay naputol na ang tawag. Ngunit nang ilayo niya sa tenga ang cellphone ay on-going pa naman.

"Jet, are you st--"

"Mahal din kita, kumander."

Iyon lang at naputol na ang tawag. Awtomatikong nayakap niya sa dibdib ang cellphone habang may masayang ngiti.

"Parang may narinig akong I love you," ani Andeng.

"Sa tv 'yon. Si Laida, nag-I love you kay Miggy," sagot dito ni Marcy. "Kung saan-saan ka kasi nakatingin. Na-missed mo tuloy 'yong kilig moment."

Parang walang naririnig na itinuon ni Chantal ang pansin sa kanyang cellphone. She saved Jet's number on her phone. 

My Jellyboo. 

She put him on her favorites so she can place an immediate call to him whenever she wants. That one phone call made her night. And she slept like a baby, too, despite her companions' endless chatter.

~0~

KINABUKASAN.

"Napansin mo ba?" ang tila may pagtatakang tanong ni Andeng kay Marcy.

"Na lalo akong gumaganda?" ipinaling-paling pa nito ang ulo at feel na feel yata talaga na ito ay maganda.

"Sabunutan kaya kita para magising ka sa reyalidad," sikmat dito ni Andeng.

"E, ano ba kasi 'yon, bes?"

"Bes? Best friend tayo?"

"Ayaw mo, ayaw mo? Huwag ka ng magpaka-choosy dahil kahit maganda ka walang tatagal sa katarayan mo. Aba'y dinaig mo pa si Diamond Star."

Napairap si Andeng sa kausap.

Si Chantal na busy sa cellphone ng mga sandaling iyon ay bahagya lamang napapakinggan ang usapan ng dalawa. Binabasa niya kasi ang text ni Jet. Paggising na paggising ay tiningnan niya kaagad ang cellphone niya. At mabilis na nabahiran ng ngiti ang kanyang mga labi nang makitang may message ito.

Chan-chan ko. 

Mahal kita.

She typed her reply.

My Jellyboo. I love you, too.

Good morning! 

Sa simpleng palitan lamang ng ganoong mensahe ay maganda na ang simula ng araw niya.

"'Yong mga nurse. Kanina pa parang may sinisilip dito," ani Andeng.

"Baka nai-intriga lang sila sa kagandahan ko," sagot naman ni Marcy.

"Paturukan na rin kaya kita sa doktor? Lumalala na ang pagiging delusional mo."

"'To naman, hindi pa aminin. Insecure ka masyado sa kagandahan ko."

"Haay, malala ka na talaga."

"O, eh, kung hindi ang kagandahan ko ang inu-usyoso nila baka ang kagandahan mo. Ganoon lang kasimple 'yon, huwag kang masyadong pa-apekto, bes."

"Eh, paano pala kung may nakakilala kay Chan-chan at siya ang sinisilip?"

Natigilan ito. Pati siya na nakikinig lamang sa pag-uusap ng dalawa ay naging alert din ang pandinig. Hindi siya aware sa sinasabi ni Andeng dahil halos kagigising niya pa lang at kagagaling lang din doon ng doktor niya. Tinanong niya ito kung kelan siya puwedeng ma-discharge, in two to three days daw. Sa kanyang palagay ay masyado ng matagal iyon. Dahil kung pagbabasehan ang pakiramdam niya sa sarili, magaling na siya.

"Naku, ano ang gagawin natin?" worried na tanong ni Marcy.

Naunahan lang siya nitong itanong iyon.

"Teka, mag-o-obserba ako sa labas," sabi ni Andeng.

"Sasama ako," ani Marcy.

"Chill lang. Wala dapat makahalata na mag-o-obserba tayo. Mauuna ako. Kaswal lang dapat, after ten minutes sumunod ka."

At ganoon nga ang ginawa ng dalawa. Naghintay naman siya sa resulta ng gagawin ng mga ito. Baka kasi nag-aalala lang sila sa wala. Pero hindi nagtagal at magkasunurang pumasok ang dalawa. May nag-aalalang ekspresyon sa mga mukha.

"What happened?"

"Nasa facebook ang mukha mo," kaagad na report ni Marcy.

"Huh?"

"Mukhang may kumuha ng picture mo at ipinost sa fb," dagdag na sabi ni Andeng.

Naglabas ng kani-kanyang cellphone ang dalawang babae at hinanap ang post na tinutukoy ng mga ito.

"Heto," nakita ni Marcy ang post at mabilis na ipinakita sa kanya.

Is it just me o dead ringer talaga siya ng idol kong si Chantal Karan?
#dreamweddingdesigner #idol

Sa ibaba ng post ay nakalagay ang natutulog niyang picture. Wala siyang kamalay-malay sa larawang iyon.

"Nurse dito ang kumuha ng picture," nakatiim ang mga labing sabi ni Andeng. "Ini-report ko na sa facebook. Pero maganda rin siguro kung kokomprontahin ko ang babaing 'yon para malaman niyang mali ang kanyang ginawa."

"Sige, sasamahan kita," sang-ayon ni Marcy.

"Huwag na. Mahirap na at baka may makakilala naman sa'yo. Lalo lang titibay ang hinala nila na si Chan-chan ay hindi lang basta kamukha ni Chantal Karan."

"I-is it really necessary?" nag-aalala namang tanong niya. Ayaw niyang mapaaway si Andeng at baka lalo pang magkagulo roon.

"Huwag kang mag-alala at cool lang ako," ani Andeng para ipanatag siya.

Hinayaan na nga lamang niya ito. She's undecided kung babanggitin niya kay Jet ang pangyayaring iyon o hindi na. Tama na sigurong si Andeng na lang ang makipag-usap sa babaing kumuha ng larawan niya. They can sue, of course, because it was an invasion of privacy. At iyon naman ay gagawin lamang nila kung hindi ito titigil sa pagpo-post ng larawan niya. Pero kung puwede pa namang daanin sa diplomasya ang lahat ay iyon na muna ang paiiralin nila.

~0~

SA hallway ng hospital ay walang kangiti-ngiting sinalubong ni Andeng ang nurse na kumuha ng larawan ni Chantal.

"Nurse Jean, tama?" aniya rito.

"Ah, oho. Ako nga po. May problema ho ba sa pasyente ninyo?"

"Oo, meron," inilabas niya ang kanyang cellphone at ipinakita rito ang screenshot copy ng post nito sa facebook.

Natameme ang babae at napayuko tanda ng guilt.

"Alam mo bang puwede mo itong ikatanggal sa trabaho?"

"Naku, huwag po. Natuwa lang naman po ako, hindi ko na uulitin. Kamukhang-kamukha po kasi niya si--"

"Hindi ikaw ang unang nagsabi niyan. Pero panghihimasok sa pribadong buhay ang ginawa mo. At puwede ka naming sampahan ng kaso."

"Huwag po, Misis. Pangako po, hindi ko na--"

"Misis?!" halos mag-umusok ang ilong ni Andeng sa sinabi ng babae. Ang papahupa niyang inis dito ay muling nasindihan. Na-triple pa nga yata. "Mukha ba akong may-asawa, ha? Ha?! Nakakabastos ka sa part na 'yon."

"Sorry po ulit. Sorry, sorry," natatarantang pinagkiskis ni Nurse Jean ang dalawang palad sa takot.

"Akina ang cellphone mo."

"Po?"

"Akina ang cellphone mo at titingnan ko at baka may nakareserba ka pang mga picture riyan ng asawa ng pinsan ko."

"Ah, w-wala na po."

"Anong wala? Patingin." Pinanlakihan ito ng mga mata ni Andeng.

Atubili man ay kinuha ng babae ang cellphone nito sa bulsa ng puting uniporme. Bahagya pang nangangatal ang kamay nito nang iabot iyon kay Andeng. Kaso nang bubuksan na niya iyon ay may password.

"Password."

"Ako na po, Ate."

"Tss."

Nang mabuksan iyon ay isa-isang tsinek ni Andeng ang mga naroroong files. Wala siyang pakialam kung siya naman ang puwedeng maakusahan ng invasion of privacy. At hindi nga siya nagkamali. May ilang kuha pa ng larawan doon si Chantal. Isa-isa niyang binura ang mga iyon at sinigurong wala ng naiwan bago ibinalik sa nurse ang cellphone nito.

"Naka, Ate. Bakit pati 'yong pics ng idol kong si Chantal Karan binura niyo?" mangiyak-ngiyak na protesta ng babae.

Anak ng pating, saloob-loob ni Andeng. Malay ko ba. "Maghanap ka na lang ulit sa internet. Pero binabalaan kita, huwag na huwag ka na ulit magkakamaling kunan ng picture si Chan-chan. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Hindi ho ba dapat maging proud kayo kasi sikat ang pinagkumparahan sa asawa ng pinsan niyo? Sikat na sikat ho 'yong wedding dress designer na si Chantal Karan."

"Seloso ang asawa no'n. Ayaw na ayaw niyang ibinabandera sa social media ang mukha ng asawa niya."

"Ay, gano'n?"

"Oo, ganern. Kaya magpasalamat ka na lang na hindi niya pa alam dahil kapag nagkataon, kuu. Baka makarating pa ito sa head niyo at lagot ka."

"Huwag naman po, Ate. Please po, buburahin ko na 'yong post ko."

"Try mo kung nag-i-exist pa. Kayo talagang kabataan hindi muna nag-iisip nang mabuti bago gumawa ng kabalbalan."

"Mahirap naman po kasi ang babagal-bagal kumilos. Napag-iiwanan ng panahon."

"May pinariringgan ka?"

"Ay, wala po, Ate. Kayo naman, masyado kayong sensitive."

"Umayos ka, ha?" Itinuro pa ni Andeng ng dalawang daliri ang mga mata saka tumuro rin dito para sabihing binabantayan niya ang kilos nito.

"Sige po, Ate, work na po ako."

"Ayusin mo ang pagta-trabaho. Hindi 'yong pini-picture-an mo ang mga natutulog niyong pasyente."

"Si Ate hindi maka-move on," bubulong-bulong na sabi ng nurse nang tumalikod.

"May sinasabi ka?" 

"Wala po, Ate. Work na po ako. Ingat kayo."

Inirapan ito ni Andeng.

-

absent muna si Jethrow.

next update na siya eeksena.

frozen_delights













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro