Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Huling Hirit

pahabol na greetings! hello po sa magagandang dilag na ito. Marian Florez Racoma. Amor Sauza, Mylene Mañosa, Gemma Mangampo, Miss Sheng M. Carbon, Lea Jore, Jovylyn, Caroline Manibale Yadao, Avic Obispo, Venessa Cansancio Quiachon, Nikks Escandelor, Brea Clouie Romero Escandelor, Glaisa Quimba, Jocelyn Biñas Songalia, Jhonefe Gonzales Bacotot, Emilyjoy Estacio Gentallan, Norrenn Gee Samson Henderin, Maxrystyna, Arlene Pitacio Pacanuayan Tabbada, Joy Delacruz, KMatalang Matalang, Jobero, Leonie Medicelo, Mary Rose Mararac, Eziel Luyong, Ern Marie Pao Taño, Prinzjandrich, Raquel Buban. at excuse me raw, makikiraan si Walter--kaway-kaway kay Ms. Hiedz ulit at Tita Mai Sbm, hello to Rizza Zacarias Alejandrino--from Walter din and Zenith, Apple Romero from #teamcalan, kaway-kaway ulit sa #teamtigang at #teamtaNod Analine Fernandez Padilla, Ec Siemer layazgirl30, Laila De Leon at Anicka Jean Lopez😂😂😂 may pa-mention nga po pala si Karit sa future wife niyang si Jeraldina Vergara at isang kaway kay Ms Che from Zenith. salamat po sa pagsama niyo sa akin hanggang sa dulo!😍😍😍


Epilogue

"AAAW, aaah...! It hurts, jellyboo... masakit na masakiiit!"

Tarantang nilapitan ni Jethro ang asawa. Hindi maalaman kung bubuhatin o hahaplusin ang likod nito. Noong unang beses na ginawa niya iyon ay tinampal nito ang kamay niya. Inintindi na lamang niya. Hindi biro ang hirap na pinagdadaanan nito. Kitang-kita niya naman ang sakit sa mukha ng asawa. Pinagpapawisan na ito kahit centralized naman ang kinaroroonan nilang silid.

Nasa Inamorada Medical Center na sila. Bago pa man ang due date ng kanyang asawa ay nagpa-admit na sila roon. Panganay ang iluluwal ng asawa niya kaya lahat ng pag-iingat ay ginagawa niya rito. Mabuti na lamang at may condo unit na malapit doon ang kapatid niya, doon na muna sila pansamantalang tumira nang tumuntong sa ikawalong buwan ang pagbubuntis ni Chantal.

"Aaah, Jeeet...!"

Pakiramdam ni Jethro ay mapipigtal na yata ang paghinga niya.

Putangina! Promise hindi ko na po bubuntisin ang asawa ko, Lord. Makapanganak lang siya nang maayos, tama na po ang isang baby.

"Chan-chan, relax. Take a deep breath," ani Marcy. Ito na ang umalalay sa kanyang asawa dahil natutuliro na nga siya. Ni ayaw namang magpahawak.

Buntis na rin si Marcy, nasa apat na buwan. Nag-aalala rin dito ang pinsan niya dahil nasa late thirties na ang babae. Bukod sa panganay rin ang ipinagbubuntis ay kambal pa.

"Kumusta na si Chan-chan?" tanong ng kapapasok lang na si Meredith.

Hindi na siya nagulat na makitang nakabuntot sa likuran nito si Vengeance. Kasunod ng mga ito si Zenith.

"Mariz will be here shortly. May tinapos lang siyang kaso sa OR," wika nito na ang tinutukoy ay ang OB-GYN na magpapaanak sa kanyang asawa.

Napahinga si Jethro nang malalim. Kung puwede lang makipagpalit ng lugar sa kanyang asawa ay ginawa na niya. Wala sa loob na napapasabay siya sa breahing exercise na ginagawa nito habang palakad-lakad. Ang isang kamay ay nasa balakang habang ang mukha ay hindi halos maipinta.

"Are you alright?" nang lingunin niya ang nagtanong ay si Vengeance pala.

Si Meredith ang kausap nito na alanganing nakangiwi at pinamumutlaan ng mukha habang nakatingin kay Chantal.

"I'm okay. And don't touch me." Lumayo ito sa lalaki.

Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Vengeance.

"Uh, anyone want a cup of Joe?" ani Zenith.

"Ako," boluntaryo ni Vengeance. "Let's go to the cafeteria. You want something?"

Nilingon nito si Meredith. 

"No. I just want you out of my sight."

"Fine," malamig na tugon nito.

Tinungo na ng dalawang lalaki ang pinto.

Nagpatay-malisya na lang si Jethro sa nasaksihang eksena ng dalawa. Noon naman pumasok si Dr. Mariz Andrade.

"Hello, how's my patient?" nakangiting bati nito sa lahat.

"Ah, Doc. Kanina pa ho siya nagli-labor, eh," alalang sabi niya sa doktora.

"Let me see," nilapitan nito ang kanyang asawa. Sandaling nag-usap ang dalawa bago ipinasok ng doktora ang kamay sa ilalim ng hospital gown ng kanyang asawa. "I think you're ready."

Tangina, sa isip ay napamura na naman siya.

Inihanda na ang kanyang asawa para dalhin sa delivery room.

"Doc, puwede ba akong sumama sa loob?" aniya.

Saglit munang tila nag-alanganin ang doktora kung papayagan siya o hindi. Ngunit nang makita marahil nito ang determinasyon sa kanyang mukha ay pumayag na rin ito. Pina-asistehan siya nito sa isang nurse at pinagsuot ng tamang attire bago pinapasok sa loob ng delivery room.

Nang makita niya ang luhaan at nahihirapang asawa ay parang sinuntok ang sikmura niya. Kaagad niyang hinawakan ang kamay nito at tumabi sa may ulunan nito.

"Kaya mo 'yan, kumander, narito lang ako sa tabi mo," malakas lamang sa bulong na wika niya sa asawa.

"A-ayaw ko na ng German sausage."

"Hindi na. Hindi ka na titikim ng German sausage kahit na kailan."

Ang nurse na uma-assist sa doktora ay tila naguluhan sa pinag-uusapan nila. Si Dr. Mariz naman ay obvious ang naaaliw na ekspresyon sa mga mata sa kabila ng surgical mask na nakatakip sa lower face nito.

"Don't leave me, please... I-I'm scared."

"Hindi. Hinding-hindi kita iiwan. Magkasama nating haharapin 'to," matatag niyang sabi sa asawa sabay pisil sa mga kamay nito.

At tila nakadagdag naman iyon sa lakas ng loob ni Chantal.

"Everything's going to be okay," puno naman ng assurance na wika ng doktora. "Your baby is healthy at nasa tamang posisyon ang bata kaya magiging ayos lamang ang lahat."

Tumango si Chantal. Ang kanina'y takot nito ay parang napalitan na ng tapang.

"Alright, inhale. When I say push, push, okay?"

Sumunod naman ang kanyang asawa.

"Alright, push!"

"Umph...!" mariing humawak sa mga kamay niya ang asawa. Kahit halos bumaon ang mga daliri nito sa balat niya ay hindi siya dumaing.

"Again, harder this time. Push!"

"Ooomph...!"

Nakailang iri pa si Chantal. Awang-awa na si Jethro sa asawa dahil ramdam na niya ang panlalata nito. Sa isip ay paulit-ulit siyang nagdarasal na sana ay matapos ang lahat ng iyon nang maayos at ligtas ang kanyang mag-ina.

"One more, Mrs. Duque, I can see the baby's head is crowning," pag-i-encourage ng doktora. "C'mon, push!"

"Umph."

Halos pigil ni Jethro ang paghinga nang sa wakas ay iluwal ni Chantal ang kanilang munting anghel. Pagkatapos niyon ay pumuno sa loob ng delivery room ang malakas na palahaw ng sanggol.

"Congratulations, it's a bouncing baby boy."

Pawisan ngunit parehong may ngiti sa mga labing napatingin silang mag-asawa sa munting nilalang na produkto ng kanilang pagmamahalan.

"Salamat," aniya sa asawa. Masuyo niyang inilapat sa noo nito ang kanyang mga labi.

Dala na rin ng pinagsamang pagod at tensyon, nakatulog si Chantal. Natakot pa nga siya. Pero in-assure siya ng doktora na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang kanyang asawa. Hindi naman nagtagal at inilipat din kaagad ito sa pribadong silid na tinutuluyan nila.

Excited ang lahat na makita ang baby nila. At tamang-tama naman nang magising si Chantal ay dala na ng nurse ang kanilang anak. 

"He's so beautiful," reaksyon ng Ate Meredith niya. May malambot na ekspresyon sa mukha nito habang nakatunghay sa sanggol na nasa mga bisig ni Chantal.

"Fifty-fifty ang genes, ano, Attorney?" ani Marcy.

"Tama ka. Anyway, may pangalan na ba kayong inihanda?" 

Nagkangitian silang mag-asawa.

"Jahziel Chad," tugon niya. "Ang magiging palayaw niya ay JC."

"A combination of a Hebrew and Celtic name," saad ni Meredith.

"Si Chan-chan ang nakaisip. Gusto niya raw kasi pinagsamang pangalan namin. Kaso mahirap pagsamahin kaya initials na lang."

"Not bad. A warrior chosen by God."


THREE years later.

Nakatanaw si Jethro sa isang tahanan na masasabing para sa isang middle class family. Lumabas doon ang dalawang teenager na hula niya ay nasa katorse at disisiete ang mga edad. Isang babae at lalaki iyon, parehong naka-school uniform. Ang babae ay may suot na de-gradong salamin sa mata at mukhang siyang nakababata sa dalawa.

"Adrien, Andrei, you forgot your lunch."

Pumitlag ang puso niya nang lumabas ang isang middle-aged na babae at humabol sa dalawang estudyante bitbit ang dala-dalang lunch box. She aged. Pero hindi maikakailang ito ang kanyang inang si Pilar Duque. Na ngayon ay may sarili ng pamilya.

"Mom, we're too old for that," reklamo no'ng dalagita.

Dinunggol naman ito sa balikat ng binatilyo.

"Don't say that. Thanks, Mom," hinagkan nito sa pisngi ang ina. Kinuha nito ang dalawang lunch box at ibinigay sa kapatid ang para rito. "Aalis na po kami."

"Mag-iingat kayo. Andrei, ang kapatid mo babantayan mong mabuti, ha?"

"Yes, Mom. Bye."

"Bye, Mom."

Nakangiting inihatid ng tanaw ni Pilar ang dalawang anak. 

Magkasabay na naramdaman ni Jethro ang tuwa at lungkot. Tuwa na pagkatapos ng lahat na pinagdaanan ng kanyang ina ay naging maayos din ang buhay nito at nagkaroon ito ng sariling pamilya. Lungkot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging bahagi ng pamilyang 'yon.

"Hindi ka ba magpapakita sa kanya?" tanong ni Vengeance na siyang nakaupo sa harap ng manibela.

Umiling siya. Ang mga mata ay nakatutok pa rin sa ina na walang kamalay-malay sa kanyang presensya. Mayamaya pa ay isang sasakyan ang lumabas mula sa driveway. Tumigil iyon sa mismong tapat ng kanyang ina. Kitang-kita niya ang kaligayahang gumuhit sa mukha nito nang lumapit sa sasakyan at bahagyang yukuin ang driver na nagmamaneho niyon. Pagkatapos ay tumuwid ito sa kinatatayuan at nakangiting kumaway.

"Masaya na siya. 'Yon lang ang importante," aniya. Nag-aalala siya na sa oras na makita siya ng kanyang ina ay mabura ang kaligayahang nakaguhit sa mukha nito.

Hindi naman niya ito ipinahanap para magpakita at magpakilala rito. Ipinahanap niya ito para makita mismo kung kumusta na ang kalagayan nito. At ngayong nakita na niya, kuntento na siya. Masaya na siya dahil nakikita niyang masaya rin ito sa buhay nito.

"Do you need a hanky?"

"Siraulo. Tara na at baka lumampas ka sa curfew."

"Hindi uso sa akin 'yon."

"Talaga lang, ha? Matawagan nga."

"Gago."

Napahalakhak na lang siya. Binuhay na ni Vengeance ang sasakyan at pinaharurot paalis doon.


NATUTOP ni Pilar ang dibdib. Sa kung anong dahilan ay parang may pumitik sa kaibuturan ng dibdib niya. Nang tingnan niya ang isang sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan ay isang tila pamilyar na mukha ang nasulyapan niya. Pero hindi kaya pinaglalaruan lang siya ng kanyang paningin? Dahil kailan pa ba iyong huling beses na nakita niya ang mukha ng kanyang panganay na anak?

Nang mabilis na humarurot ng takbo ang sasakyan ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong kumpirmahin kung sino ang taong iyon. Siguro nga ay namalikmata lang siya. Dahil bakit naman siya pag-aaksayang hanapin pa ng anak na inabandona niya? Halos nakasisiguro siyang sa mga panahong iyon ay puno ito ng galit sa kanya. At tama lang naman. She picked up the broken pieces of her life and moved on. At ngayong natakasan na niya ang bangungot na siya halos komontrol noon sa buhay niya, wala na siyang plano pang balikan ang kung anuman ang mayroon sa kanyang nakaraan. She will keep on moving forward without looking back.


"DADDY!"

Ibinaba ni Chantal ang ginagamit na pen nang marinig ang masayang tinig na anak. Napangiti siya. Matapos pasadahan ng huling tingin ang iginuguhit sa kanyang drawing tablet ay iniwan na niya iyon at lumabas mula sa kanyang working room.

Nakita niya ang kanyang mag-ama. Si JC ay mahigpit na nakayapos sa leeg ni Jethro na para bang taon ng hindi nagkita ang mga ito ganoong maghapon lang naman ang nakalipas.

"Kumander."

She saw the weariness on his face. Nilapitan niya ito at masuyong hinaplos ang mukha at dinampian ng halik sa labi.

"You found her?"

Tumango ito.

"Nagkausap kayo?"

"Hindi ako nagpakita sa kanya."

"Why?"

"Masaya na siya, kumpleto na ang buhay niya. Makakagulo lang ako kung magpapakita pa ako at magpapakilala sa kanya."

"Sad ka, Daddy?" tanong ni JC sa ama.

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng kanyang asawa saka marahang umiling.

"Hindi na. Kasama ko na kayo ni Mommy."

Mahigpit na nagyakap silang mag-anak.

"Dinner is almost ready. Do you want to rest first and take a shower?"

"Kain na muna tayo. Kanina pa ako nagugutom, hindi talaga ako kumain sa daan para makarating dito bago maghapunan."

Pumasok na sila ng komedor. Dalawang kasambahay lang ang kasama nila sa bahay. Madalas ay naroroon din si Marcy para mag-assist sa kanya. Kahit retired na ito bilang PA niya, pilay siya kapag wala ito sa tabi niya. Lalo na kapag may mga big events o kaya ay kailangan niyang umalis ng bansa. 

Matapos ang hapunan ay sabay ng nag-shower ang mag-ama. Si Jethro na rin ang nagpatulog sa kanilang anak. Matagal-tagal pang nagkulitan ang mga ito bago pumasok ng silid ang kanyang asawa.

"Tulog na?" aniya.

"Bagsak na." 

Sanay ang anak nila na nakadikit 24/7 sa ama dahil paggising pa lang nito sa umaga ay si Jethro na ang kasama. Kabuntot ito madalas ng ama sa autoshop. Kumpara sa dating talyer ni Jethro ay makabago at mas malaki ang autoshop na iyon. Pinakamalaki at advance sa buong lalawigan. Dinarayo ng mga kustomer. At hindi naman nakapagtataka iyon, napakahusay ng kanyang asawa sa trabaho nito. Katulong nito sa pangangasiwa ang kababatang si Boogie. Na nakapag-asawa na rin ng local doon. His relationship with Maribeth did not pan out. After a year, he met Rhea Ruiz and got married. They live a few meters away from their house. 

Bigla siyang may naalala nang sumagi ang mag-asawang Boogie at Rhea. Tinapos niya ang paglalagay ng night cream sa kanyang balat at nagtungo na sa kama. Hinintay niya si Jethro na dinig niyang nagsesepilyo sa loob ng banyo. Paglabas nito ay kaagad itong tumabi sa kanya.

"Jellyboo, guess what?"

"Hmm, gusto mo ng German sausage?"

Malutong na lumagapak ang abs nito nang hampasin niya ng kamay!

"Aray! Sorry na, nakalimutan kong ayaw mo na nga pala ng German sausage--ayaw mo nang hindi araw-araw."

Muli sanang babagsak ang kamay niya sa tiyan nito ngunit agad nito iyong nahuli at mabilis na hinalikan.

"I'm serious."

"Okay, sige. Seryoso na. Ano ba kasi 'yong pinahuhulaan mo sa akin?"

"Boogie is going to be a father soon."

"Good news nga 'yan. Hindi pala siya baog."

"Dum-dum."

Tumatawang tumagilid ito ng higa at pinaibabawan siya.

"Hindi ka ba pagod?" 

"Pagdating sa'yo, wala sa bokabularyo ko ang pagod."

Nakangiting hinagod niya ang mukha ng asawa.

"Let's talk about you first," aniya.

"Ano ba ang tungkol sa akin? Ayos naman ako."

"Talaga?"

Muli itong bumalik sa pagkakahiga. Nakita niya ang marahang paghugot nito ng paghinga. Then he breathes out shakily. Itinakip nito ang isang kamay sa mga mata. Nang makita niya ang pagtulo ng butil ng luha sa isang sulok ng mata nito ay parang nagsikip ang dibdib niya. Napabangon siya at niyakap ito. Narinig niya ang isang impit na hikbi at ang pag-alog ng dibdib ng asawa tanda ng pinipigilang emosyon. Tumulo na rin ang luha niya at mahigpit na niyakap ito.

"It's okay, it's okay. Let it out. I'm right here, I will always be right here..."

Hinayaan niyang nakasubsob sa dibdib niya ang asawa. He's always been tough on the outside. Pero sa kailaliman ng pagkatao nito ay naroon ang mga itinatago nitong sakit mula sa kabataan nito.

Nang magsimulang magkuwento si Jethro ay hinayaan niya lang ito. Hinayaan niyang ilabas nito ang lahat ng hinanakit. Nang sabihin nito ang dahilan nang hindi pagpapakita sa ina ay mas lalong hinangaan niya ang kanyang asawa. He's a good man with a big heart.

"You will always be loved, jellyboo, no matter what. You know why? Because you are a very wonderful man. And I love you so so much. Our son adores you. I hope someday he grow up to be a fine man just like you."

Mahigpit siyang niyakap ng asawa.

"Mahal na mahal din kita. At mababaliw ako kapag nawala kayo sa akin."

"Hinding-hindi mangyayari 'yon."

Marahan nitong pinaglapat ang kanilang mga labi.

"Speaking of baby, I want another one," aniya rito.

Bahagya nitong iniurong ang ulo at may ilang sandaling pinakatitigan siya.

"I'm ready. And this time, hindi na ako matatakot."

"S-sigurado ka?"

Natawa siya nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Jethro. Pinupog niya ito ng halik.

"Very sure. And I know you will be there for me every step of the way kaya hindi ako natatakot."

Ngumiti ito.

"Ngayon na ba tayo gagawa?"

"Oh, I'm ready when you are."

Nang pumaibabaw ito sa kanya ay sabik niyang hinintay ang gagawin ng asawa. Making love with her husband is always fun, hot, and exciting. He never ceases to amaze her. He always bring her to the pinnacle of an overwhelming pleasure every woman could only dreamed about. But her most favorite part is when he whispered those three words she loves to hear after reaching her climax.

"I love you."

"I love you, too."


The End

-

this has been my longest story so far, hindi na po ako uulit😭😭😭

sa mga nagtiyaga sa story ko, SALAMAT NANG MARAMING-MARAMI!

Jelly-Chan is now signing off 😘😘😘

by the way, 'yon pong mga nakalistang pangalan sa taas, may mga utang po sa akin 'yan. charot! 😂😂😂.

always the awesome and naughtiest,

frozen_delights






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro