Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Harana

pasensya na sa mga utang-uta na sa kantang Moon. but the first time I heard this song, ito na talaga ang naka-set sa utak ko na theme song nina Jethro at Chan-chan.


Chapter Thirty-Three

PAPAGABI na ulit ngunit wala pa rin si Jethro. Wala naman siyang ibang mapagka-abalahan kundi ang maglakad-lakad sa baybayin, tumunganga sa dagat at magmukmok. Pinipilit siyang aliwin nina Marcy at Andeng pero kahit anong gawin ng mga ito ay hindi niya magawang ngumiti. Niyaya siya ng mga ito na pumunta sa Daruanak, nagprisinta na rin si Manoy Dison na samahan sila roon sakay ng bangka nito. Ngunit magalang na pagtanggi lang ang tugon niya.

Dumagdag pa sa bigat ng dibdib niya ang natuklasan na may naging kasintahan din doon si Jethro. Bagaman ayon kay Andeng ay matagal na raw iyon. Parang summer fling lang at hindi naman seryoso. Pero naisip niya, kung hindi seryoso bakit parang iniisip ni May Azon na may kasamang iba si Jethro? 

Iyon ang ideyang nabuo sa isipan niya nang maalala niya ang usapan kagabi sa mesa. May sasabihin sana si May Azon ngunit mabilis itong napigilan ni Manoy Dison bago pa man nakapagsalita. It pained her to think na magagawa ni Jethro na ibaling ang atensyon sa iba dahil lang may kaunti silang hindi pagkakaintindihan. Ngunit naisip niya, ganoong klase ba ng lalaki ang minamahal niya?

Tiningnan niya ang kanyang cellphone. Wala pa ring reply sa message niya.

"Chan-chan, uwi na tayo," yaya ni Andeng.

Tumayo na siya at pinagpagan ang suot na pants para maalis ang dumikit doon na buhangin. Nauuna sila ni Andeng. Paglingon niya sa kanilang likuran ay nakita niyang magkasabay namang naglalakad sina Marcy at Manoy Dison. Tila seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. O nagtatalo ba ang dalawa?

"Hayaan mo lang. Kanina pa ang mga 'yan," natatawang bulong sa kanya ni Andeng. "Pero may kakilala ako, sa ganyan din nagsimula." 

Tipid lang siyang napangiti. Para kasing alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

Dumiretso na sila sa malaking bahay. Dahil as usual, oras na iyon ng hapunan. She missed Jethro. At kung lilipas ang gabing iyon na hindi pa rin ito bumabalik, magpapatulong na siya sa mga naroroon para hanapin ito.

Matapos nilang kumain ay may narinig silang parang naggigitara sa labas ng bahay.

"May nanghaharana ulit?" excited na tanong ni Marcy.

Nagmamadaling nagtungo ito at si Andeng sa tabi ng bintana. Impit na napatili ang dalawa at parang mga kinilig.

"Chan-chan, halika. Bilis!" Kinawayan siya ng dalawa palapit sa mga ito.

Naririnig pa rin niya ang malamyos na tunog ng gitara. Pero bakit parang wala pang kumakanta?

Para masagot ang pagtataka niya ay dumungaw na nga siya. Atat na atat kasi ang mga kasama niya na dungawin niya ang kung sino mang nasa ibaba ng bahay. 

Napasinghap siya at natutop ang bibig nang makita kung sino ang naroroon.

"Jet."

Ako'y sa'yo, ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

"Oh, God," hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha at paninikip ng dibdib nang marinig na ang boses nito.

Ayokong mabuhay nang malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina tayo'y humiga

"Saan kaya?" ani Boogie sabay kalabit sa gitarang tinutugtog nito.

"Go, Boogie," impit na pag-cheer ng dalawang babae sa tabi ni Chantal. 

Na-apprecate niya ang husay ni Boogie sa pagtugtog ng gitara ngunit ang mga mata niya ay nakatutok lamang kay Jethro. Ang guwapo-guwapo nito sa kupasing maong at sa puting t-shirt na...

"Oh," their couple shirt! He wore it!

Tumayo pa ito nang maayos at sadyang inayos ang suot na damit para ipakita sa kanya. 

"Ay, iba talaga si Mayor," ani Andeng.

Grabe, para ng puputok ang dibdib niya sa kilig. Balewala ang magdamag niyang iniyak sa nakikita niyang effort ngayon ng nobyo. At hindi niya napigilan ang magpalipad ng halik dito na tila nahihiya naman nitong sinambot sa hangin at saka idinikit sa sariling mga labi.

Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdamin

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Nang matapos ang kanta ay bahagyang yumukod si Jethro. Ganoon din si Boogie.

"Thank you, thank you," kumaway-kaway pa ito na akala mo'y artista. "Hello, pans."

Nagpalakpakan ang mga kapitbahay na noon pala ay halos mga nangakadungaw sa kani-kanilang bahay at pinapanood ang mga kaganapan.

"Grabe, grabe," pumapaypay sa mukhang reaksyon ni Marcy. "Taob ang lahat ng loveteam."

"Agree ako riyan, Mars," nag-apir ang dalawang babae.

Si Chan-chan ay hindi na napigil ang sarili at mabilis na sinalubong ang nobyo na noo'y papasok na ng bahay.

"Oh, God. Where have you been? You made me worry."

"Sorry," sabi nito na mahigpit na yumakap sa kanya.

"It's okay. You're here now," naluluhang sagot niya. Ang bango-bango nito at mukhang amoy bagong paligo. "The shirt looks good on you."

"Talaga?"

"Tagalang-talaga."

Natawa ito.

"What's so funny?"

"Wala. Ang galing mo talagang magsalita ng Tagalog."

"Makikiraan ang walang lablayp," di-kawasa'y biglang sumingit si Boogie.

Tawanan ang mga naroroon. Gumilid naman silang magnobyo at hinayaang makaraan si Boogie.

"Sawi ka, boy?" tanong ng isa sa mga anak ni Pay Abel.

"Hindi, naman. Ayaw niya lang daw talaga sa mga lalaking artistahin. Masyado raw kaming alangan sa isa't isa."

Muli na namang sumabog ang tawanan. Bidang-bida talaga lagi si Boogie--dakilang sidekick lang naman (bulong ni Author). Nang yayain ito ng mga kabinataan at kadalagahan doon na muling maggitara ay nagpaunlak naman ito. Napuno ng kantahan at kasiyahan ang malaking sala. Naisip ni Chantal na pamilya yata ng mga singers ang angkan nina Andeng dahil walang itulak-kabigin sa husay ng timbre ng boses ng mga ito. Pati nga si Pay Abel ay nakikanta rin sa mga naroroon.

Nang pasimpleng higitin ni Jethro ang kamay ni Chantal ay nakaunawang nagpatangay ang dalaga nang disimulado silang lumabas ng bahay. Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa baybayin. Hindi nila masyadong inalala ang kadiliman ng gabi dahil maliwanag naman ang buwan. Kapag hindi nila masyadong makita ang nadadaanan ay ginagamit ni Chantal ang cellphone para magkaroon sila ng ilaw.

"By the way, tumawag ako sa'yo kahapon. I also sent you a message," aniya sa kasintahan.

"Pasensya na po. Walang signal sa bundok."

"Saan 'yon?"

"Sa koprahan. Doon ako pumunta at nagpalipas ng gabi. Tumulong ako kina Pay na magsalang ng kopra."

"You're not with a girl?"

"Girl? Sa pagkakaalam ko puro kami barako ro'n."

"Swear?"

"Oo nga po. Teka, sino ba ang nagpasok ng ideya sa ulo mo na may babae akong kasama?" 

Tumigil sila sa paglalakad at iniharap siya nito.

"I-I heard that you had a summer fling here."

"Dios ko naman, kumander. 'Yong utak at puso ko okupado mo na, sa palagay mo ba may makakasingit pang iba?"

Natigilan siya.

"O, hindi ka naniniwala? Kahit tanungin mo--"

"Can you translate that in English?"

"Ang alin?"

"What you just said."

He chuckled. But he sounds amused, though. He took her hand and put it on his chest. Sa mismong tapat ng puso kaya ramdam niya sa ilalim ng kanyang palad ang pagpintig niyon.

"Ito," tukoy nito sa puso. Pagkatapos ay inabot ang isa pa niyang kamay at inilapat sa sentido nito. "At ang utak ko, fully booked na 'yan sa pangalan ng isang Chantal Karan. They can no longer accommodate anyone because there's no room left. Tang juice naman, talaga. Napapa-English ako. Chan-chan ko, ikaw na lang ang mag-adjust. Tutal sabi mo nam--um."

Iniyakap niya ang dalawang braso sa leeg nito at sinarhan ang bibig nito ng kanyang mga labi. Gets niya naman kung ano ang ibig nitong sabihin. Hindi lang talaga siya maka-get over sa kilig. 

Hm, he smells nice and tastes delicious. 

Mukhang nagmumog ito ng isang basong mouthwash. At naalala niya, hindi pa nga pala siya nakapag-toothbrush dahil katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Akmang ilalayo niya ang sarili nang hawakan siya ni Jethro sa likod ng kanyang ulo at lalo pang idiin ang paghalik. Tila sabik nitong hinuli ang kanyang dila at sinipsip. Matagal at mainit na naglapat ang kanilang mga labi. Nang maghiwalay sila ay pareho silang naghahabol ng paghinga na akala mo'y galing sa pagsisid.


NAGLAKAD pa sila hanggang sa makakuha sila ng magandang spot sa isang maliit na shade na ginagawang pahingahan ng mga naliligo sa dagat. Pinagpagan muna ni Jethro ang upuan bago pinaupo roon ang nobya. Humilig ito sa balikat niya nang tabihan niya ito. Nang gagapin niya ang kaliwang kamay nito at dalhin sa kanyang labi ay saka lamang niya napansin na suot na nito ang ibinigay niyang singsing. Kumislap iyon sa liwanag ng buwan.

"It's so beautiful. Thank you, I love it," sabi nito nang mapansing nakatingin siya roon. "Please, don't think for one minute that I rejected you when you gave me this ring. I'm just worried. I don't want you to get into trouble because of this, especially because of me."

Inilapat niya ang kanyang mga labi sa noo nito.

"Huwag mong isipin 'yon. Walang mangyayaring masama sa akin."

"Promise me that you won't do anything against the law."

Napalunok siya. Ang totoo kasi ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang ipapagawa sa kanya ni Vengeance kapalit ng lahat ng iyon.

"Jellyboo."

"Pangako."

Iniyakap nito ang dalawang braso sa kanyang beywang at sumiksik sa kanyang dibdib.

"This shirt really looks cute on you."

"Huwag mo ng ipaalala. Sa totoo lang ay para na akong matutunaw kanina."

Napabungisngis ito. Nang umihip ang malamig na hangin ay tila nailig ito. Hinapit niya ito sa balikat.

"Chan-chan ko."

"Hm?"

"Sigurado ka ba talaga na gusto mo akong maging asawa?"

"Oo naman. I'm not gonna ask you if you feel the same because right now I am demanding you to marry me."

Pinigil niya ang mapangiti sa sinabi nito. Na para bang kailangan pa talaga nitong mag-demand.

"Aren't you gonna ask me why?"

"Kailangan pa ba? Kasasabi mo pa lang na you are demanding me to marry you. Sino ba ako para tumanggi?"

"Aw, you are so sweet."

Yumuko siya at sinakop ang mga labi nito. Kaagad naman itong tumugon at yumakap ang isang kamay sa batok niya. Idiniin pa niya ang mga labi rito at ibinuka ang bibig nito upang magtagpo ang mga dila nila. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit adik na adik siya sa lasa at amoy nito. Walang kasawaang ginalugad niya ang loob ng bibig nito. Nang pareho na silang mangailangan ng hangin ay palitan naman niyang sinimsim ang mga labi nito.

"Jet."

Inangat niya ito mula sa kinauupuan at kinalong. Isiniksik niya ang ilong sa leeg nito at sininghot ang napakabangong amoy ng balat nito. Nang hindi makuntento ay pinatakan niya iyon ng maliliit na halik bago dinilaan. Kahit gustong-gusto niyang mag-iwan ng marka roon ay hindi niya ginawa dahil alam niyang magiging kapansin-pansin iyon. Napakaputi pa naman ng balat nito. Para nga silang kape't gatas. Inipit niya sa pagitan ng mga labi ang tenga ni Chantal. Napaungol ito. Kinagat-kagat niya iyon at sinipsip. Ang isang kamay nito ay sumuot sa ilalim ng suot niyang t-shirt. Dinama ang kanyang tiyan pataas sa kanyang dibdib. At nang damahin nito ang isa niyang nipple ay siya naman ang napadaing. Parang may kuryenteng dumaloy patungo sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Masakit pa ba?" tanong niya habang hinahalik-halikan ang gilid ng mukha nito.

"No."

"Sigurado ka?" hinalikan niya ito sa sulok ng mga labi.

"Hm, yes."

Muli niyang sinakop ang mga labi nito sa mapusok na halik. Baba-taas na humaplos sa tagiliran nito ang kanyang kamay habang ang isa'y nakasapo sa gilid ng mukha ng kasintahan. Tinugon nito ang kanyang halik at lalo pang kinabig ang kanyang batok. Nagtalik ang kanilang mga dila. Ang isang kamay ni Chantal na nanatili sa loob ng t-shirt niya ay patuloy na humagod sa kanyang nipple. Paikot nitong hinahagod ang tuktok. Bagay na nagpapatindi ng nararamdaman niyang init sa katawan.

Sa isip ay lihim siyang napamura. Sumisikip na ang harapan ng pantalon niya. Nakadaragdag pa roon ang malikot na pagkilos ng balakang ni Chantal, kumikiskis iyon sa kayo ng kanyang pantalon.

"I want you. Make love to me now, Jellyboo," paungol na bulong ng nobya. Tulad niya ay tila darang na darang na ito sa pinagsasaluhan nilang halik.

Bago pa siya tuluyang matukso na angkinin ito roon ay mabilis niyang binuhat ang kasintahan at halos takbuhin ang daan pauwi. May nag-iikot kasing mga barangay tanod doon kapag gabi. Ayaw naman niyang malagay ito sa kahihiyan kapag nahuli silang nagla-lovemaking sa publikong lugar.

Panay ang halik ni Chantal sa leeg niya. Ramdam niya pa ang paghagod ng dila nito at magkaminsa'y pagsipsip sa kanyang balat. Napamura siya. Mukhang mamarkahan na naman siya nito. May bakas pa nga ng ngipin nito ang kanyang leeg. Pasimple niya lang tinatakpan ng bimpo dahil alam niyang uulanin siya ng katakot-takot na kantiyaw.

Nang malapit na sila ay lumigid siya sa kabila upang hindi na sila mapadaan sa harapan ng malaking bahay. Tila nagkakasiyahan pa roon sina Boogie. At kapag ganoong ganadong kumanta ang tiyuhin, paniguradong may kasama ng alak iyon. At wala siyang balak maglasing ngayon. Ibang klase ng alak ang gusto niya. Iyong klase ng alak na aroma pa lang ay nalalango na siya.

Naudlot ang kanyang paghakbang nang may maaninagan siyang pareha sa dilim. Tulad nila ni Chantal ay tila nagnanakaw rin ng mainit na sandali ang mga ito.

"Je--" mabilis niyang inilapat ang mga labi sa bibig ng nobya para patahimikin ito.

"Huwag kang maingay, may tao," bulong niya rito bago dahan-dahang umatras at nagkubli. 

Maingat niyang ibinaba ang nobya bago sumilip sa pareha. Malapit sa may puno ng mangga ang mga ito, napapagitnaan ng nakaparadang SUV.

"Shiiit. Lower, yes, yes," padaing na ungol ng babae.

Nagkatinginan silang magkasintahan. Kilalang-kilala nila ang boses ng babaing 'yon!

"Oh, my gosh," mahinang tili ni Chantal.

Tinakpan ni Jethro ang bibig nito.

"Hindi ko na kayang pigilan 'to," ungol ng lalaki.

Muntik ng mapahalakhak si Jethro nang makilala kung sino iyon. Medyo kakaiba ang dating ng boses. Ganoon pala talaga kapag nababalot ng libog. Nag-iiba ang modulation ng boses.

"Di-son..."

"Ah, Marcy, Marcy."

Mabilis na pinihit pabalik ni Jethro ang nobya at hindi na lamang sila tumuloy. Nang makalayo na ay nagkatinginan sila saka malakas na napabunghalit ng tawa!

-

ang magsabi raw ng bitin ay mababaog.

may sumpa? hala.

the naughtiest,

frozen_delights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro