Basta't Kasama Ka
Chapter Forty-Three
BUONG pagmamahal na pinagmasdan ni Jethro ang nahihimbing na kasintahan. Papaumaga na ay kausap pa niya ito sa cellphone. Wala itong kaalam-alam na papauwi na siya habang magkausap sila. Nang sabihin niya ritong baka mag-extend pa ng ilang araw ang trabaho niya ay parang maiiyak ito. Missed na raw siya nito. Parang bata ito kung maglambing. At siya naman ay parang nalulusaw ang puso.
Yumuko siya at hinagkan ito sa noo. Gumalaw ito at bumaling sa kabila.
"Nakakatampo ka talaga. Ayaw mo ba sa akin?" aniya.
Walang reaksyon. Ang lalim yata talaga ng tulog nito. Palibhasa puyat.
Maingat niyang inangat ang ulo nito at inilipat sa kanyang braso. Umayos na rin siya ng higa at kuntentong iniyapos ang braso sa beywang ng nobya. Nang ipikit niya ang mga mata ay unti-unti na rin siyang hinila ng antok.
Hindi siya sigurado kung gaano katagal siyang nakatulog. Nang magising siya ay may nagpi-piano sa kanyang mukha at may nakapatong sa kanyang katawan. Hindi niya kailangang magmulat para malaman kung sino iyon. Sa amoy pa lang nito ay kilalang-kilala niya na. Itinaas niya ang dalawang braso at mahigpit na ipinulupot iyon sa katawang nakapatong sa kanya saka isiniksik ang mukha sa leeg nito.
"Jellyboo...!" pumiglas ito na tila nakikiliti ngunti hindi niya ito tinigilan. Pinanggigilan niyang simsimin ang amoy nito.
"Na-missed kita nang sobra," bulong niya at sinimulan itong halikan sa leeg pataas.
"I missed you, too. But you can't distract me with your kisses, jellyboo," kumalas ito at naupo sa ibabaw niya. Ang dalawa nitong tuhod ay nakaluhod sa magkabilang tagiliran niya. "Ano ang nangyari sa mukha mo?"
Napalunok siya. Kung hindi lang talaga siya para ng masisiraan ng bait sa pagkasabik na makasama ito ay hindi muna siya uuwi at hihintayin niyang tuluyang maghilom ang lahat ng injury niya sa katawan.
"Ahm, nagkaroon ng maliit na aksidente."
"What kind of accident? Were you hurt somewhere else?" napuno ng pag-aalala ang mukha nito.
Yumuko ito at pinaling-paling ang mukha niya para tingnan kung meron pa siyang sugat sa ibang parte ng kanyang mukha. Hindi pa ito nakuntento at kinapa ang kanyang ulo, sinuyod ng mga daliri ang kanyang anit.
"Take off your shirt."
"Now na?" nangingislap ang mga matang tanong niya. May naglalarong kapilyuhan sa utak.
"Now!"
Nagmamadali siyang kumilos at inihagis na lang kung saan ang kanyang hinubad. Mabusisi nitong sinuri ang kanyang katawan. Pinadapa pa siya para makita kung ayos lang din ang kanyang likuran. Nang makitang wala siyang kagalos-galos doon ay bumalik sila sa dating puwesto, ito habang nakaupo sa ibabaw ng kanyang tiyan.
"Ah, ayaw mo bang ipahubad ang shorts ko?"
Parang hindi siya nito narinig na inabot ang kaliwa niyang braso. May benda pa iyon bagaman kung makikita nito ang sugat niya roon ay tiyak na mag-aalala ito. Medyo hilom na ang sugat ngunit kung makikita nito iyon ay natitiyak niyang magdududa ito kung ano ang totoong nangyari sa kanya.
"Can I see it?"
Umiling siya saka marahan itong kinabig padapa sa kanyang dibdib.
"Huwag na. Ayos na rin naman at hindi na masakit."
"Are you sure?"
"Opo. Puwede bang huwag ka ng umiyak? Umiiyak ka na naman buhay pa naman ako. I-reserve mo na lang 'yan kapag bumalik ako sa'yong hindi na humihinga."
Lumagapak ang kamay nito sa tagiliran niya.
"Aray."
Lumayo ito sa kanya at sunod-sunod ang naging hataw nito sa kanyang dibdib.
"I hate you, I hate you, I hate you! Why are you doing this to me?!"
Na-guilty siya nang makitang pulang-pula ang mukha nito habang panay ang tulo ng luha. Hindi niya ito pinigilang hampasin siya nang hampasin. Kahit mahapdi na ang kanyang balat sa mga palo nito ay ayos lang. Sa pamamagitan man lang niyon ay mapawi ang galit nito. Napahigop siya ng hangin nang tumama ang bato sa singsing nito sa kanyang dibdib. Mahapdi. Tanginang engagement ring 'yan!
Saka lamang ito tumigil nang mapansin nito ang nangyari.
"Oh, my God! I'm sorry."
Bumangon siya at niyakap ito.
"Sh, ayos lang 'yan. Tahan na," pinalis niya ng magkabilang hinlalaki ang luha nito. "Sorry rin. Lagi na lang kitang pinag-aalala."
Mahigpit itong yumakap sa kanya habang humihikbi.
"Wait. I need to," humikbi ito. "I need to treat your w-wound."
"Ayos lang 'yan. Galos lang naman. Payakap muna ako nang matagal na matagal."
Nagpaubaya na lang ito. Hanggang sa ang mga hikbi nito ay tuluyang tumigil.
Ikinulong ni Jethro sa pagitan ng dalawang palad ang mukha ng nobya. Hinagkan niya ito sa noo at sa talukap ng magkabilang mata, tinuyo niya ang bakas ng luha sa pisngi nito sa pamamagitan ng kanyang mga labi. Hinagkan niya ito sa tongki ng ilong at sa huli'y magaan na pinaglapat ang kanilang mga labi.
"Mahal kita."
"Mahal din kita. Promise me that you will never leave me, jellyboo."
"Hinding-hindi mangyayari 'yon. Pakakasalan na nga kita, di ba? Kaya wala ka ng kawala sa akin."
Ngumiti ito at muling yumakap sa kanya.
"Jet, Chan-chan. Pangudtu-an na raw, mamaya na ang labing-labing," wika ni Boogie mula sa labas ng silid.
"Pangudtuhan," sagot niya. Hindi siya sigurado kung pandinig ni Boogie ang may diperensya o ang pang-unawa nito. "Oo, susunod na kami."
Muli niyang hinagkan sa noo ang nobya at nag-ayos na sila ng kanilang mga sarili.
Pagkatapos nilang mananghalian kasabay ang pamilya ng mga tiyuhin ay masinsinang kinausap ni Jethro ang mga ito. Sinabi na niya ang plano nilang magnobyo na magpakasal. Alam niyang kakilala ng tiyuhin ang alkalde roon kaya naman ito ang kinausap niya. Ito raw ang bahala. Sa araw ring iyon ay magtutungo ito sa tanggapan ng alkalde para magpa-set ng appointment.
Habang kausap ni Jethro ang tiyuhin ay masinsinan namang kausap ni Chantal sina Marcy at Andeng. At kita ang excitement sa mukha ng dalawa nang ibalita rito ng kanyang nobya ang plano nilang pagpapakasal.
"Pero bakit naman sa huwes lang? Puwede naman sa simbahan kahit simple lang," wika ni Marcy.
"Oo nga. Kahit hindi na tayo magpakagarbo sa reception," sang-ayon naman agad ni Andeng.
"I'm fine with it. A simple civil wedding will do."
"Ganoon ba talaga ang gusto mo?"
Si Jethro na nakikipag-usap sa tiyuhin ay bahagyang natigilan sa tanong ni Marcy. Nakaramdam siya ng guilt sa isiping hindi niya maibibigay ang isang magarbong kasal sa kasintahan. Alam naman niyang lahat ng babae ay nangangarap makapagsuot ng magarbong wedding gown. Kahit pa sabihing designer ito ng mga kasuotang iyon, sigurado siyang pangarap din nito ang makapagsuot ng ganoon habang nagmamartsa patungo sa altar.
"Of course."
Pinagmasdang mabuti ni Jethro ang nangingislap na mga mata ng nobya.
"As long as we can be together, I'm fine with it," nagniningning ang mga matang sabi pa nito.
At hayun na naman ang tila pagsisikip ng dibdib niya nang dahil dito. Ganoon parati ang epekto nito sa kanya. Ke natutuwa ito o nalulungkot ay nagsisikip ang dibdib niya sa hindi mapangalanang mga emosyon para sa babaing ito.
Bandang hapon ay niyaya niya itong maglakad-lakad sa dalampasigan. Magkahawak-kamay nilang binaybay ang tabing-dagat habang manaka-nakang humahalik sa kanilang paanan ang banayad na paghampas ng alon.
"Sigurado ka na ba talaga na gusto mong tumira rito?" tanong niya sa nobya.
"Yes. I can work here better. Fresh air, good neighbors, fresh fruits and vegetables. And most of all, the beach. I love it. I wanna have my own working area facing the sea. Puwede ba 'yon, jellyboo?"
"Oo, bah. Halika, may ipapakita ako sa'yo," hinila niya ito malapit sa duluhan ng binabaybay nilang beach.
Tumigil sila sa tapat ng isang beach house.
"Ayos na ba sa'yo 'yan?"
Tumingin ito sa bahay at pagkatapos ay sa kanya.
"Are you kidding me? It's... beautiful. Is it for sale... or rent?"
"Sold na 'yan."
"Oh, bummer, huh? Pero bakit mo ipinakita sa akin?"
"Tsekin natin ang loob."
"We'll be trespassing."
"Huwag kang mag-alala. Hindi magagalit ang may-ari ng bahay."
"Kilala mo?"
"Oo. Kilalang-kilala ko. Halika, tingnan natin ang loob kung magugustuhan mo."
Napanguso ito. Itinago niya ang pagngiti at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.
"Wow, the view here is very nice."
Nasa sun deck sila, maluwag iyon at puwedeng paglagyan ng set ng mesa at upuan atsaka malaking beach umbrella. Binuksan niya ang malaking sliding glass door. Panay salamin halos ang pinto at mga bintana ng bahay. Ayon sa tiyahing si May Azon ay dati iyong pagmamay-ari ng mag-asawang Pranses at Pinay na ngayo'y tuluyan ng naninirahan sa France. For sale iyon at negotiable raw ang presyo basta't direct buyer.
May pera siya sa bangko. Hindi niya alam kung saan galing iyon. At kahit anong pilit niya sa tiyuhin noong nabubuhay pa ito, hindi niya ito napilit na sabihin sa kanya kung saan iyon nanggaling. Hindi niya kailanman naisip na galawin ang salaping iyon. Pero nang sabihin ni Chantal na gusto nito ng isang beachfront house, iyon kaagad ang naisip niya para maibigay ang gusto ng nobya. Semi-furnished na ang bahay at kasama na rin sa bilihan ang mga naroroong muwebles. Tatlo ang kuwarto, may sariling banyo ang master's bedroom, isang common toilet and bath at isang banyo sa kusina na accessible din sa bisita.
Malaki ang sala at dining area. Maaliwalas ang interior ng buong bahay dahil lagusan ang hangin at malalaki ang bintana. Kung may gusto mang ipabago ang kumander niya ay makakatulong pa siya sa paggawa.
"Ano ang masasabi mo?" aniya sa nobya.
"Nice, I like it. Are we gonna rent the place?"
"Hm, sa atin na 'to."
"You're joking."
Natatawang hinapit niya ito sa beywang. "Hindi ako nagbibiro. Sa atin na 'tong bahay."
"B-binili mo?"
Tumango siya. Agad na bumakas sa mukha nitong ang pag-aalala. At nauunawaan niya kung para saan iyon.
"Tsk. Huwag kang mag-alala, wala akong ginawang illegal. Sa maniwala ka at hindi, may sapat akong pera sa bangko para mabili ang bahay na ito."
"Don't take it the wrong way. I was just worried," sabi nito sabay subsob ng mukha sa kanyang dibdib.
"Alam ko naman 'yon. Pero gusto kong magtiwala ka sa akin, puwede ba 'yon?"
Gumalaw ang ulo nito tanda ng pagtango.
"Gusto mong binyagan na natin ang kama sa master's bedroom?" pilyong nagtaas-baba ang kilay niya.
Napakagat-labi ito.
"I would love to, jellyboo. But let's buy a new bed. I don't want to share other people's memory on that bed," nakapulupot ang dalawang braso nito sa beywang niya habang nakatingala sa kanya.
Napangiti siya. "Sige. Bumili tayo."
TWO days later legal na tinaglay ni Chantal ang apelyido ni Jethro bilang asawa nito. Siya na ngayon si Mrs. Chantal Duque. Nang paglapatin ni Jethro ang kanilang mga labi ay napapikit na lang siya. Saglit na saglit lamang iyon. Ngunit nagdulot iyon ng hindi matatawarang kaligayahan sa kanyang puso. Kapwa may matamis na ngiti sa kanilang mga labi nang humarap sila sa mga bisita.
Nakasuot siya ng semi-formal white dress na above the knee ang haba. Si Jethro ay hindi niya akalaing makukumbinsi nina Andeng na magsuot ng suit. At hindi maikakailang napakakisig nito. Palibhasa maganda ang built ng pangangatawan kaya maganda rin ang lapat dito ng damit. Formal man o rugged.
"You look so guwapo," bulong niya sa lalaking ngayon ay asawa niya na. He chuckled, then he kissed her temple.
"At ikaw naman ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko."
Pinagbuhol nito ang kanilang mga daliri na parehong nasusuotan ng kani-kanyang wedding ring, simbolo ng bigkis na nagtatali sa kanila bilang mag-asawa. The reception that soon followed was very festive. Masaya ang lahat para sa kanila.
Ginanap ang handaan sa bahay nina Pay Abel. At ganoon pala sa probinsya, hindi humuhupa ang dami ng bisita. Hatinggabi na ay maya'tmaya pa ring may humahabol. Simple pa raw ang handaang iyon ayon kay Manoy Dison. Marahil daw kung sa simbahan sila nagpakasal ni Jethro ay abutin pa ang kasiyahang iyon ng dalawang araw.
"Ang mabuti pa yata iuwi mo na si Jet," ani Andeng kay Chantal. "Kapag nagpatuloy pa ang pakikitagay n'yan, hindi mo na 'yan mapapakinabangan mamaya."
Sinulyapan ni Chantal ang asawa. Mukhang nagkakasiyahan pa ito kasama ng mga pinsan at tiyuhin. Ayaw niya naman itong pangunahan. They will be spending their first night in their new house. A day before their wedding their new bed was delivered. Magkatulong nilang inayos ang lahat ng furniture sa kanilang magiging kuwarto. May ilang gamit pa silang kailangang bilhin ngunit ipinasya nilang gawin iyon pagkatapos na ng kanilang kasal dahil na rin sa superstition ng matatanda. Ang mga taong ikakasal daw ay malapit sa disgrasya kaya hangga't maaari ay iwasan daw nilang maglalabas. Laki siya sa ibang bansa kaya hindi siya naniniwala roon. Pero dahil nakita niya ang hitsura ni Jethro nang araw na magisnan ito, naisip niyang mabuti na ang nag-iingat.
"Kumander."
Bahagyang napapitlag si Chantal nang dumapyo sa kanyang tenga ang mainit na hininga ng asawa.
"Tara na."
Nang hilahin ni Jethro ang kanyang kamay ay napasunod na lang siya. Hindi na niya nagawang magpaalam pa kina Marcy at Andeng nang para silang mga kriminal na tumakas sa mismong reception ng kanilang kasal. Nagkakatawanan pa sila nang magkahawak-kamay na tumakbo sa direksyon ng baybayin. Mayamaya ay umuklo ito at pinasakay siya sa likuran.
"Kaya mo pa ba? You look drunk na."
"Aba, huwag mo akong hamunin, kumander. Baka hindi ka makalakad bukas."
She giggled. Sumakay siya sa likuran nito at tila walang anuman ang bigat niya na binuhat siya nito.
"I want that, too, jellyboo. I want that delicious soreness between my thighs after you claimed me over and over and over again..."
-
hala, may naghahamon.
sexcited na sila, Jellyboo :)
always the naughtiest,
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro