Bagong Labtim?
salamat sa translator ko na ayaw magpabanggit ng pangalan. haha! 'love you, tsup, tsup!
.
Chapter Twenty-Seven
INIYAKAP ni Jethro ang dalawang braso sa beywang ni Chantal. Matamis ang ngiting lumingon ito at bahagyang pumihit upang ilapat ang bibig sa kanyang mga labi.
"Good morning," bati nito sa kanya.
"Good morning. Ang aga mong nagising."
"I want to watch the sunrise. It's so lovely."
"Oo."
Nasa Pasacao na sila, isang bayan sa Camarines Sur na binubuo ng labinsiyam na baranggay. Hatinggabi na silang nakarating doon. Tagaroon ang namayapang asawa ng tiyo niya na si May Vacion, taal na taga-Balogo. Mababait ang pamilya nito. At kahit hindi naman talaga siya kadugo ay hindi niya naramdamang outsider siya sa tuwing magbabakasyon sila roon. Katulad ng pagturing kay Andeng, ganoon din ang pagtanggap ng mga ito sa kanya.
Pagdating nila ay kaunting kuwentuhan lang ang namagitan sa kanila at ipinahatid sila ng panganay na kapatid ni May Minda na si Pay Abel sa bakanteng kubo ng mga ito. May dalawang silid iyon at maliit na sala at kusina. Dati iyong tirahan ng bunsong anak nito na ngayon ay sa Mindoro na raw naninirahan. Iyon na raw ang gamitin nila para meron silang privacy lalo pa nga at may mga kasama sila.
"Oh, look. What are they doing?" Itinuro ni Chantal ang mga kalalakihang naghihila ng lambat.
"Nangingisda sila. Tara, tumulong tayo sa paghila ng lambat para makahingi tayo ng pang-ulam."
Kahit parang naguguluhan sa sinabi niya ay sumunod ito nang hilahin niya sa kamay patungo sa baybayin. May ilang nakaabang ng mga mamimili roon.
"Jet!"
Nilingon niya ang tumawag. Mabilis na gumuhit ang masayang ngiti sa kanyang mga labi nang makilala iyon.
"Manoy Dison." Pinsan nila ito at panganay na anak ni Pay Abel.
Lulan ang lalaki ng isang maliit na bangkang pangisda. Inihagis niyon ang tali sa baybayin. Na kaagad naman niyang kinuha at hinila sa pampang.
"Kasuarin ka pa?" tanong nito na ang ibig sabihin ay kung kelan pa sila dumating. Tumalon ito sa buhangin at masayang umakap sa kanya at tinapik siya sa likod.
"Kasubago lang. Paaga na." Kanina lang, papaumaga na, ibig sabihin ng sagot niya rito.
"May kairibanan ka bagang mestisa. Agom mo?" May kasama raw siyang mestisa. Asawa niya raw ba ito?
Nakangiti siyang tumango at tila may pagmamalaking ginagap ang kamay ni Chantal.
"Si Chan-chan. Chan-chan, siya si Manoy Dison, pinsan namin."
"Hello po," matamis namang ngumiti ang kanyang nobya at naglahad ng kamay.
Para namang napapahiyang ikinuskos muna ni Manoy Dison ang kamay nito sa likuran ng suot na pantalon bago tinanggap ang pakikipagkamay ng dalaga.
"Kamo lang duwa?" Kayo lang bang dalawa? Ang ibig sabihin ng tanong nito.
"Kaibanan mi sa Andeng tapos si Boogie atsaka may saro pa kaming kairibang bisita. Daraga." Kasama namin sina Andeng at Boogie atsaka may isa pa kaming kasamang bisita. Dalaga.
"Daraga?" Tila nangislap ang mga mata ni Manoy Dison.
Binata pa ito. Kung hindi siya nagkakamali, nasa early forties na ito. Baby face lang kaya hindi masyadong halata ang edad. Na-indespair daw ito sa una't huli nitong nobya na sumama sa isang lalaking mapera kung kaya't hindi na nag-asawa.
"Dalagang-dalaga," may pang-i-engganyo pang sabi niya.
"Magayon man?" Maganda ba?
"Depende baga sa mata kang naghihiling ang magayon." Depende sa mata ng tumitingin ang maganda, aniya.
"Kunsabagay."
Lumapit na sila sa bangka at inusisa kung marami itong huli.
"Tamang-tama palan ang abot ko. Makakanamit kamo nin labas na sira," ani Manoy Dison.
"Tamang-tama talaga ang dating mo. Ngayon lang kami makakatikim ng isda na hindi pa nababad sa yelo."
Tumulong na siya sa paghahango ng mga huli nito. Marami-rami rin iyon. Sa tantiya niya ay mahigit sa isang banyera. May nakabukod pa ito sa isang timba na halu-halong isda. May isdang bato, isang pusit, alimasag at isang malaking hipon. May lumapit na dalawang mamimili rito. Hinayaan niyang makipag-transaksyon dito ang pinsan habang sila namang magkasintahan ay inilagay na sa isang tabi ang timba. Alam na kasi niya ang kalakaran kapag nangingisda ang pinsan. Ibinubukod nito ang pansariling ulam. At kadalasan na ay iyong nasa timba. Twice na siyang nakasama ritong mangisda kasama ang kanyang Tiyo Narding. Mahina lang ang huli sa dalawang beses na iyon na nakasama siya. Kaya naman nakantiyawan siya ng mga ito na may balat sa puwet.
"Manoy Dison!"
Patungo sa baybayin ang magkakasamang sina Andeng, Boogie at Marcy.
"Aba, nag-abot palan ang pinakamagayon kong pinsan," masayang sabi ni Manoy Dison na ang ibig sabihin ay : Dumating pala ang pinakamaganda kong pinsan.
"Ay, ano pa daw."
Masayang nagyakap ang mga ito.
"Ano na? Nuarin ka maagom?" Kelan ka mag-aasawa? tanong nito.
"Ika muna. Matua ka baga sako." Ikaw muna. Matanda ka kaya sa akin, sagot naman ni Andeng.
"Lalaki ako. Maski singkuwenta na akong mag-agom, puwede pa."
"Hmp, katwiran ng mga sawi."
"Hindi, uy. Pihikan lang."
"Pihikan daw, 'sus!"
Tumatawang ginulo nito ang ibabaw ng ulo ni Andeng na para pa rin itong batang munti.
"Mga bisita nga pala namin. Bisto mo na ni si Boogie, Manoy."
"Kumusta po, Kuya Dison?"
"Ayos na ayos naman. Mabuti at nakabalik ka ulit dito sa amin. Matagal-tagal na rin mula noong huli kang mapunta rito."
"Oo nga po. Ang pogi niyo pa rin."
"Ha-ha. Hanggang ngayon bolero ka pa rin."
"Heto naman ang aming muse, si Marcy," pakilala ni Andeng sa babaing katabi lamang halos nito.
Mistulang mayuming dalaga na inipit ni Marcy sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok nito bago naglahad ng kamay kay Manoy Dison. Tila naaaliw namang napangiti si Chantal sa tabi ni Jethro habang nasasaksihan nila ang eksenang iyon.
"Ikinagagalak kitang makilala, Kuya."
Parang naaasiwang napakamot sa ulo si Kuya Dison bago nakangiting tinanggap ang pakikipagkamay ng kaharap. Obvious din na sadyang pinatagal ni Marcy ang pagkakahawak sa kamay ni Manoy Dison na tila ikinapamula ng mukha ng huli.
"Hala, mukhang magkakaroon tayo ng bagong love team, ha?" ani Andeng.
"Binata ka pa ba, Kuya?" prangkang tanong ni Marcy.
Isang asiwang tawa ang umalpas sa mga labi ng lalaki sa tanong ni Marcy.
"Binatang-binata pa 'yan si Manoy Dison," sagot ni Jethro sa usapang iyon.
"Ay, ito na yata 'yong tinatawag nilang destiny."
Nagkatawanan sila nang tila mangamatis ang mukha ni Manoy Dison sa sobrang pamumula. Hindi masyadong sunog ang balat nito sa araw kaya naman kitang-kita ang pagbabago ng kulay ng balat nito. Lihim na naaaliw si Jethro sa nangyayari. Mukha kasing nakakuha na ng katapat ang kanyang pinsan. Bukod kasi sa mukhang dinamdam talaga nito ang nangyari sa una nitong nobya, torpe rin ito at hindi marunong manligaw. Diumano'y naging nobya lang naman nito ang dating kasintahan dahil iyon mismo ang gumawa ng paraan upang magkalapit ang mga ito.
"Ah, baka gusto niyong mag-ihaw ng tamban. Kumuha na kayo ng ilang piraso bago pa madala lahat 'yan sa palengke," ani Manoy Dison na tila pinapawi ang pagka-asiwa sa sitwasyong iyon. "Matataba 'yan kaya masiram asalon."
"Kukuha ako, Manoy," ani Jethro.
Kumuha siya ng ilang piraso at inilagay sa timba. Malalaki iyon at matataba. Masarap talaga iyong iihaw lalo at bagong huli.
"Inot na kamo. Masunod na lang ako," pagtataboy ni Manoy Dison sa kanila.
"Anong sabi ni Kuya?" ani Marcy kay Andeng.
"Mauna na raw tayo at hindi niya ma-take ang pagmumukha mo."
"Ganern? Ang harsh mo talaga sa akin. Maghahanap na ako ng ibang best friend."
"Ito naman, joke lang," natatawang ikinawit ni Andeng ang isang braso sa braso ni Marcy. "Ang sabi ni Manoy Dison mauna na tayo at hindi pa raw siya paligo. Nakakahiya sa'yo."
"Ang haba ng translation mo, eh, ang iksi lang naman ng sinabi niya."
"Hayaan mo at tuturuan kitang magsalita ng Bicol dialect para naman hindi ka maibenta nang walang kamalay-malay."
Nauna na nga sila. Dumiretso sila sa bahay nina Pay Abel upang dalhin ang huling isda ni Manoy Dison. Pagdating nila ay nagkakatay ng ilang manok ang tiyuhin. Ganoon ang mga ito kapag bumibisita sila, parang araw-araw piyesta. Kaya naman kapag dumadalaw sila, kung anu-ano ring pasalubong ang bitbit nila sa mga ito.
"Ano ba ang gusto niyong luto sa mga tamban?" tanong ni May Azon, ang asawa ni Pay Abel.
"Iihaw namin, May," ani Jethro.
"Aasinan ko na lang."
"Opo. Saan ba puwedeng magpabaga?"
"Doon na sa labas ng kubo nina Marlene," tukoy ng tiyahin sa may-ari ng kubong tinutuluyan nila. "Nagpapalagay na ng mahabang mesa si Pay niyo at doon na raw tayo magsalu-salo sa ilalim ng punong mangga."
"Sige po."
Nakita ni Jethro na nakikipag-usap at tumutulong sa paghihimay ng gulay si Chantal sa mga pinsan nila. Napangiti siya. Marunong din talaga itong makisama. Hindi na niya ito tinawag. Naroroon din sina Andeng at Marcy. Hindi ito 'maibebenta' kahit karamihan sa mga kakuwentuhan nito ay hindi masyadong nakakapagsalita ng diretsong Tagalog.
~0~
"GANITO ba talaga dito sa inyo? Parang piyesta kapag may bisita?" tanong ni Marcy kay Andeng.
"Ang totoo n'yan, Mars, mga aswang kami. Bubusugin ka muna namin tapos pagdating ng gabi, ilulublob ka namin sa kumukulong tubig at gagawing hapunan."
Nanlalaki ang mga matang inikot ni Marcy ang tingin sa mga kaharap. Seryoso at tahimik na tahimik ang mga ito.
"H-huwag ka ngang magbiro ng ganyan."
"Tuwing kabilugan kasi ng buwan, ipinagdiriwang namin ang masaganang ani ng aming pamilya," seryosong sabi ng isang pinsang babae ni Andeng, si Janet. Anak ito ng pangalawang kapatid ng sumakabilang buhay na ina ni Andeng. "At bilang alay nakatoka kina Ate Andeng ang pagdadala rito ng mga bisita.
Napalunok si Marcy. Sumulyap ito kay Chantal na walang naiintindihan sa lahat ng iyon.
"Chan-chan, tara na. Uwi na tayo."
Noon biglang sumabog ang malakas na tawanan ng magpipinsan! Nang ma-realized ni Marcy na pinagti-trip-an lang ito ng mga kausap ay sinamaan nito ng tingin si Andeng.
"Buwisit ka talaga."
"Mapagpatol ka naman kasi. Sa ganda kong 'to, aswang?"
"Bakit sa mga movie? Di ba ang gaganda ng mga gumaganap na aswang? Si Jean Garcia noong araw. Si Alma Concepcion at si Cristine Reyes."
"Movie 'yon. Natural ang ika-cast nila magaganda."
Nagpatuloy sa balitaktakan ang dalawa. Talagang hindi kumpleto ang araw ni Andeng kapag hindi naaasar si Marcy. Si Chantal naman ay manaka-nakang tinatanong ng mga pinsan ni Andeng. Kung saan niya nakilala si Jethro, kung paano siya niligawan ng binata at kung ano ang trabaho niya. Paminsan-minsan ay sumisingit si Andeng sa usapan upang magsilbing taga-translate ng mga pinsan. Kahit kasi marunong mag-Tagalog ang iba sa mga iyon ay naaasiwa dahil nakakantiyawan. Nauuwi tuloy sa asaran at biruan.
Nang matapos sila sa paghihimay ng mga lulutuin ay nagpaalam si Chantal sa mga kausap at hinanap ang nobyo. Kaagad naman niyang nakita iyon sa labas ng kubong tinutuluyan nila. Busy ito sa pag-iihaw. Dahan-dahan siyang lumapit dito at niyakap ito sa beywang.
"O, nagugutom ka na ba?" tanong nito na lumingon sa kanya.
"Nope. Kumain kami ng nilanggang banana atsaka uminom ng brewed coffee. It was delicious, the coffee."
"Nilagang saba. At oo, masarap talaga 'yong kape kasi sariling ani nila 'yon. May maliit na taniman ng kape sina Pay Abel, kaya kapag anihan hindi na sila bumibili ng instant coffee sa tindahan."
"Your relatives are very nice, too."
"Hm, oo. Kahit hindi naman nila talaga ako kadugo, tinanggap nila ako."
"Family is not just by blood."
"Tama ka. 'Yon din ang sabi ni Kuya Dison sa akin."
Nang sumapit ang pananghalian ay masaya nilang pinagsaluhan ang maraming pagkain na inihain sa mahabang mesa. At katulad ng sabi ni Marcy, para nga iyong piyesta. Kumpleto. May isda at karneng nakahain at meron pang minatamis na mga kakanin at prutas. Nagsama-sama ang lahat ng magpipinsan sa dalawang kapatid ng ina ni Andeng. 'Yong iba ay may kani-kanya pang bitbit na pagkain. Nang mga mabusog ay nagkayayaang mag-swimming. At dahil malapit lamang ang beach, nagtungo ang karamihan sa mga ito roon kasama sina Marcy, Boogie at Andeng. Si Jet ay sinabing susunod na lamang sila dahil katirikan ng araw.
"Puwede kayong mag-siyesta sa duyan. Presko ro'n," suhestyon ni May Azon. "Mas masarap maligo mamayang bandang alas singko o kaya bukas ng umaga. Kapag ganito, naku. Sun burn ang aabutin niyo."
"Oo nga po, May. Sige po, dito po muna kami."
Niyaya ni Jethro si Chantal sa balkonahe ng kubo. May nakakabit na malaking yantok na duyan doon.
"Life seems very simple here," ani Chantal na umunan sa braso ng nobyo nang mahiga sila sa duyan, nakalapat ang kanilang mga paa sa sahig.
"Napakasimple nga. Simple lang kung hindi ka na maghahangad ng kahit na ano. Mabubuhay ka at kakain ng tatlong beses sa isang araw kung masipag kang magtanim o mangisda."
"I think I will like living here."
"Tsk, nasasabi mo lang 'yan ngayon."
"Here you go again," tonong naiinis na sabi ni Chantal sa kasintahan.
Natawa naman si Jethro at mabilis na hinagkan sa tongki ng ilong ang nobya upang hindi na lumala ang pagtatampo. Masama pa rin ang tingin dito ni Chantal. Nakakulot ang mga labi na talagang mukhang naiinis. Hinigit siya nito sa batok hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. She refused to open her mouth when his tongue brushed the corner of her lips. Naiinis siya at gusto niya iyong iparamdam dito. Na hindi siya madadaan sa halik at paglalambing.
Taas-babang humagod sa kanyang tagiliran ang isa nitong kamay. Banayad na pinisil ang kanyang beywang bago unti-unting tumaas. Naramdaman niya ang pagtatayuan ng mga pinong balahibo sa kanyang katawan. Isang bahagi niya ang gusto pa ring manikis, ngunit ang isang bahagi ay gusto na lamang magpatianod sa mainit na sensasyong ngayon ay binubuhay ng marahang paghaplos ng kamay ni Jethro sa kanyang balat.
"Jet," napahigop siya ng hangin nang tuluyang sakupin ng nobyo ang kanyang mga labi. Napakuyom na lang ang isa niyang kamay sa ibabaw ng dibdib nito nang magtagpo ang kanilang mga dila.
Nagpatuloy sa paghaplos ang kamay nito sa kanyang balat, papunta sa kanyang likuran. Mayamaya pa ay umangat ang kanyang likuran mula sa duyan hanggang sa mapaibabaw siya sa nobyo. Mas lumalim pa at naging mapusok ang paglalapat ng kanilang mga labi. Hindi siya nag-aalalang may makadiskubre sa kanila sa mga sandaling iyon. Medyo kubli ang kanilang puwesto dahil sa mga halamang nakatanim sa paligid ng kubo. Maliban na lamang kung may papasok na tao sa mismosng balkonahe ng bahay. Ngunit sa palagay naman nila ay wala dahil busy sa paliligo sa dagat ang tatlo nilang kasama.
Mula sa batok ni Chantal ay bumaba sa beywang ng dalaga ang isa pang kamay ni Jethro. Sumuot iyon sa ilalim ng suot na kamiseta. Naitukod naman ni Chantal sa duyan ang isang siko habang ang isang palad niya ay nakalapat sa dibdib ng nobyo.
"Jet..." kapwa may bahagyang hingal na naghiwalay ang kanilang mga labi.
"Hm," lumipat ang mga labi nito sa kanyang leeg. "Bakit ang bango-bango mo?"
Natawa siya. "I love your smell, too. You smell like barbecue."
"Ah, gano'n?" Mabilis na pinagpalit ni Jethro ang kanilang posisyon.
Napahagikhik siya nang tadtarin nito ng halik ang kanyang leeg. But what started in a playful kiss turned into amorous.
"Jellyboo," napaungol siya nang ipitin ng mga labi nito ang kanyang tenga at humagod doon ang mainit nitong dila. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang dibdib. Hinaplos nito iyon, marahang pinisil at hinagod ng hinlalaki ang maliit na butil.
Muli siyang napaungol. Dumausdos itong pababa, itinaas nito ang laylayan ng suot niyang tee. Hinagkan nito ang kanyang tiyan, pataas, at pataas pa...
-
next week pa raw bababa. parang spaghetti lang 'yan.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro