Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Mundo Ko

Chapter Fourteen

"KAPIT kang mabuti."

Iniyapos ni Chantal ang dalawang braso sa beywang ni Jethro matapos isuot ang helmet na ibinigay nito. Past ten-thirty na ng umaga at medyo mainit na sa balata ang sikat ng araw kaya ipinasuot nito sa kanya ang denim jacket nito para hindi raw siya mainitan. Umalis sila ng bahay habang busy ang mga kasama nila roon sa paghahanda ng kanilang pananghalian. Alam niyang trabaho ang pupuntahan nila ni Jethro pero hindi niya pa rin mapigil sa pagka-cartwheel ang puso niya sa ideyang lalabas silang dalawa nang magkasama.

Crazy, she thought. Nakagat niya ang ibabang labi para awatin ang sariling mapangiti. Isipin pa ng kasama niya ay maluwag ang kanyang turnilyo sa ulo dahil ngumingiti siyang mag-isa.

Banayad na tumakbo ang motorsiklo paglabas nila ng talyer. Ang totoo ay iyon pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na nasakay siya ng motorcycle. Hatid-sundo kasi siya ng driver simula nang pumasok siya ng eskuwela. Nang magkaroon naman siya ng driver's license ay bihira pa rin siyang maupo sa harapan ng manibela dahil may personal chauffeur siya.

Nang maramdaman niya ang bahagyang pagtulin ng kanilang takbo ay humigpit ang pagkakayakap niya sa beywang ni Jethro. Alalay lang naman ang pagpapatakbo ng binata dahil medyo malubak at rough ang kalsada. Ayon kay Andeng ay para raw nakalimutan na ng local government ang parteng iyon ng lugar nila. At naaalala lamang kapag oras ng eleksyon, kapag kailangan ng mga flying voters at mga patay na kailangang buhayin. Hindi niya masyadong naunawaan kung ano ang ibig nitong sabihin maliban sa isang bagay, talamak ang corruption doon.

Palabas na sila ng Purok 6. Sa mga araw na nakalipas at sa paglabas-labas nila nina Andeng ay naging pamilyar na sa kanya ang mga lugar na dinadaanan nila. They passed through the talipapa. Dikit-dikit na tindahan iyon ng mga gulay, isda at karne na minsan na niyang napuntahan kasama si Andeng. Kasunod niyon ang isang maliit na groserya, mga kabahayan na ang likuran ay maliit na ilog at kasunod ang concrete bridge. Pagkalampas nila roon ay makinis at pantay na ang kalsada. Magagandang kabahayan na ang mga sumunod.

Habang tumatakbo ang sinasakyan nila ay nakita niya ang malaking kaibahan ng mga nadadaanan nilang lugar sa pinanggalingan nilang Purok gayong kung iisipin ay nasa loob pa rin naman sila ng isang bayan. Kumpleto ang mga streetlights at may kaayusan. Malinis din ang mga gilid ng kalsada at wala kang makikitang balut-balot na basura. Hindi tulad sa Purok 6 na kanya-kanyang pamamaraan ang mga tao sa pagdi-dispose ng basura. Nakakalungkot na kahit saang panig ng mundo ay walang pagkakapantay-pantay ng sistema.

"Ayos ka lang?" ani Jethro na bahagyang lumingon sa kanya.

Tulad niya ay nakasuot din ito ng helmet.

"Oo, ayos lang ako," nilakasan niya ang boses tulad ng ginawa nito para marinig siya. 

Muli nitong binilisan ang kanilang takbo. Awtomatikong humigpit ang mga braso niya sa beywang nito. Hindi siya sigurado kung sinadya nito iyon o nagmamadali lang ito na makarating sa kanilang pupuntahan.

Mayamaya lamang ay natanaw niya ang isang arko na nagsasabing papalabas na sila ng bayan ng Sta. Catalina at ngayo'y papasok na sa susunod na bayan. Isang mahaba at maberdeng palayan ang dinaanan nila bago niya natanaw ang isang sasakyan sa di-kalayuan. Dahan-dahang nag-menor ang kanilang takbo hanggang sa tumigil sila sa gilid ng daan. Inalalayan muna siyang makababa ni Jethro bago ito bumaba ng motorsiklo. He took off his helmet. Nang makita nitong nahihirapan siyang mag-alis ng suot na helmet ay tinulungan siya nito.

"Thank you," hinagod niya ng mga daliri ang buhok sa alalahaning baka nakasabog na iyon sa kanyang mukha.

Mataas na ang araw at bahagya siyang nasisilaw sa liwanag nito. Gayunma'y malamig ang dapyo ng hangin na humahaplos sa kanyang mukha. 

"Heto, isuot mo," inabutan siya nito ng shades.

"Paano ikaw?"

"Hindi ko kailangan 'yan. May titingnan akong makina," bahagya nitong ikiniling ang ulo sa likuran nito kung saan may nakahimpil na magandang sasakyan na may ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Puwede kang mag-sightseeing dahil kahit na papaano ay maganda ang tanawin dito."

Napangiti siya atsaka tumango. Maganda nga ang tanawing nakikita niya. Luntiang kapatagan na napaliligiran ng matataas na kabundukan. Tanaw niya ang malalayong kabayanan. Na marahil kung gabi ay isang magandang tanawin dahil sa mga ilaw na nagmumula roon.

"Kumusta?"

Sabay silang napatingin ni Jethro sa direksyon ng nagsalita.

Isang guwapong lalaki ang nakita niyang lumabas mula sa backseat ng sasakyan. Ngunit sa kung anong dahilan ay may naramdaman siyang takot sa presensya nito. Was it his eyes? He looks so handsome but dangerous.

"Vengeance."

Did she hear it right? Jethro called him Vengeance? Anong klaseng pag-iisip meron ang mga magulang nito para pangalanan ng ganoon ang lalaki?

Nakatawang nilapitan nito si Jethro at nakipag-fist bump sa binata. Pagkatapos ay binigyan nito ng bear hug si Jet at tila natutuwang tinapik-tapik ito sa likuran.

"Mukhang asensado ka na, ah."

"Tsk, ano bang asensado ang sinasabi mo? May asensado bang laging naghihilamos ng grasa at nagkakalikot ng mga makina?"

"Oo naman. Ikaw. Hayan nga at mukhang nakayari ka ng imported na makina."

"Gago!" sinuntok ito ni Jethro sa balikat.

Humalakhak lang ang lalaki na tila hindi ininda ang suntok na ibinigay rito ni Jethro.

Lumingon ang binata sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"Huwag kang matakot. May kaunting bait pa naman 'yang natitira sa katawan," ani Jethro na parang gustong ipanatag ang kalooban niya sa lalaking kausap nito. "Siya nga pala si Vengeance Liu. Venj, si Chantal nga pala."

Vengeance held out his hand for a handshake. May pag-aalangan man ay inabot na rin iyon ni Chantal.

"It's a pleasure meeting you, Miss Chantal."

"S-same here."

Bahagya nitong ikiniling ang ulo na tila saglit na pinag-aralan ang kanyang mukha. May kabang sumibol sa dibdib niya. Namumukhaan kaya siya nito?

"Parang may kamukha ka. Have we met?"

"Style mo, bulok," ani Jethro na mabilis binaklas ang pagkakadaop ng kanilang mga kamay at hinila siyang palapit sa tabi nito.

Napahalakhak ang lalaki sa ginawa ni Jethro.

"Talagang ang matsing ay hindi magugulangan ng kapwa niya matsing."

"Ulol."

Habang nag-uusap ang mga ito ay dumistansya na muna si Chantal sa dalawa. Mabuti na lamang at dala niya ang kanyang cellphone. Nilibang niya ang sarili sa pagkuha ng mga larawan.

~0~

"SIYA na ba?"

"Ang alin?" patay-malisyang tanong ni Jethro nang itaas ang hood ng sasakyan ni Vengeance.

"Ang nawawalang kapares ng medyas mo."

"Tss." Napailing-iling siya.

Sa mga nakasama nila noon sa bilangguan ay walang mag-aakala na ang isang Vengeance Liu ay marunong ding magbiro. Seryoso kasi ito. Noong una nga akala niya ay hindi ito marunong ngumiti. Madalas ay nasa isang tabi lamang ito, tahimik na nagbabasa ng libro habang alertong nakabantay ang dalawang alalay nito sa loob na pareho ring preso. Unang pagtatama pa lamang ng tingin nila ay alam na niyang hindi ito isang pangkaraniwang tao. Maging ang ilan sa mga bantay sa loob ay pinangingilagan ito. Kalaunan ay nalaman niya kung bakit. Isa diumano itong mataas na miyembro ng Chinese Triad. Bagaman ang alam ng nakararami ay isa itong negosyante. Nagmamay-ari ito ng isang malaking shipping company at may kasong parricide.

Anim na buwan lamang sila nitong nagkasama sa kulungan. Inihabla siya sa kasong attempted rape and kidnapping. Napawalang-bisa ang kasong attempted rape ngunit nadiin siya sa attempted kidnapping. Iyon ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay na hangga't maaari ay ayaw na niyang alalahanin.

Ipinagpatuloy na niya ang pagtse-check sa sasakyan ni Vengeance. Tiningnan niya ang ignition module. Maayos naman. Isinunod niya ang computer box. Mayamaya ay napabuga siya ng hangin sa bibig.

"May diperensya ang fuel gauge sensor mo. Tsk, wala ka ng gasolina kaya hindi nakapagtataka kung bakit tumirik 'yan."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagpapatawa?"

"Anak ng...! Ang babaeng 'yon talaga."

Napailing-iling si Jethro habang nagpupunas ng narumihang kamay sa basahan. Diyata at ang isang Vengeance Liu ay kaya rin palang paikutin ng isang babae? Napangiti siya nang wala sa loob. Natitiyak niyang isang pambihirang babae iyon para mapaikot ito sa palad.

Napasulyap siya sa direksyon ni Chantal. Suot nito ang kanyang shades at busy ito sa pagkuha ng mga pictures. Nang tawagan siya kanina ni Vengeance at sabihin sa kanya kung saan ito nasiraan ng sasakyan ay kaagad niyang naisip na isama si Chantal. Highway ang lugar na iyon na may malawak na palayan sa magkabilang gilid ng daan. Sa umaga ay madalas na may ilang nagdya-jogging sa lugar na iyon.

"Curious lang ako. Saan kayo nagkakilala?"

Nilingon ni Jethro ang kausap. Naglabas ito ng sigarilyo at inalok siya. Kumuha siya ng isang stick. Bihira naman siyang manigarilyo. Ginagawa niya lamang iyon kapag bagong kain o kapag may gumugulo sa isip niya.

"Sa talyer," sagot niya matapos nitong sindihan ang stick ng kanyang sigarilyo.

"Nagpagawa ng sasakyan?" sumandal ito sa hood ng kotse sabay buga ng usok sa bibig.

"Hindi. Ginawa niyang hotel suite ang isa sa mga ipinapagawang jeep sa talyer," naaaliw siyang napangiti nang maalala ang araw na iyon.

"Kilala mo ba kung sino siya?"

Natigilan siya. Pagkuwa'y dahan-dahan niyang muling nilingon si Vengeance.

"Hindi."

"Gusto mong alamin ko kung sino siya?"

Isang bahagi ng utak niya ang nagsasabing ayaw niya ngunit ang isang bahagi naman ay sumasang-ayon.

Ibinuga niya ang usok sa bibig saka pinanood ang paglalaho niyon sa hangin.

"Sige."

"Ikaw na ang bahala sa kotse ko."

"Ano?"

"Nothing comes for free, my friend. Ikaw na ang bahala sa sasakyan ko at ako na ang bahala sa impormasyong kailangan mo."

Napapalatak siya. Sinasabi na nga ba at mapapasubo siya sa tsekwang ito, eh. Ano kaya kung huwag na?

"Huwak na ikaw bago isip. Pala lin sa iyo akin gagawin," pabirong sabi nito bagaman may laman. "Alam mo naman sina Eba. Madalas tayo ang sinisisi nila kapag sila'y brokenhearted. Pero hindi ba nila naiisip na minsan ay sila rin ang dahilan kung bakit tayo nasisiraan ng bait?"

Isang hitit pa ang ginawa ni Jethro sa sigarilyo at pagkatapos ay inihagis iyon sa lupa at niligis ng sapatos.

"Oo na. Payag na ako. Impormasyon kapalit ng paggawa ng kotse mo. Namputsa, parang talo ako ro'n, ah. Alam mo ba kung magkano ang piyesa na papalitan sa sasakyan mo?"

Inilahad ni Vengeance ang kamay sa direksyon ni Chantal.

"Gasino na ang piyesa ng kotse ko kung mundo mo naman ang kapalit."

Para siyang napipi sa sinabi nito.

Mundo ko?

"Maganda siya. Mukhang inosente. Sooner or later, mare-realize mong hindi na lang siya ang mundo mo kundi siya na rin ang source ng oxygen na kailangan mo para mabuhay."

Pakahol siyang natawa sa sinabi nito. Gusto niyang sabihin na hindi mangyayari 'yon. Na kaya niyang rendahan ang kanyang sarili para hindi na maulit ang pangyayaring halos dumurog sa kanyang pagkatao. Ngunit habang pinagmamasdan niya si Chantal ay parang may kung anong takot na unti-unting umusbong sa kaibuturan ng kanyang dibdib.

Pisikal lang ang nararamdaman niya. Normal lang naman 'yon sa mga lalaki, di ba? Hindi iyon kasinlalim ng sinasabi ni Vengeance. Hindi puwede.

"Paano? Mukhang naririto na ang sundo ko," tinapik ni Vengeance ang balikat niya.

Noon niya lamang napansin ang isang paparating na sasakyan. Pamilyar iyon sa kanya. At nang tumigil iyon sa mismong tapat nila ay hindi na siya nagulat nang makita ang lalaking umibis mula roon.

"Zenith, my man. Haymisyu!" parang bata itong sinalubong ni Vengeance. 

"Istorbo ka talaga kahit kelan, Liu."

Namukhaan niya ang lalaki. At nagtiim ang kanyang mga labi nang maisip na ito ang amo ng dalawang tukmol na nambastos kay Chantal.

"Kaibigan mo?" tanong ng lalaki kay Vengeance.

"Ah, oo. Si Jethro nga pala, Jet, si Zenith Fujimori the pogi."

Blangko ang mukhang tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaki.

"Pasensya ka na sa nangyari no'ng nakaraan," wika nito.

"Huwag na sanang mauulit," aniya.

"Magkakilala na kayo?" takang nagpalipat-lipat ang tingin ni Vengeance sa kanilang dalawa ni Zenith.

"Sa hindi sinasadyang pagkakataon," sagot ng lalaki.

"At mukhang hindi maganda ang pagkakataong 'yon," ani pa ni Vengeance.

"Parang gano'n na nga," sang-ayon niya.

Naramdaman niya ang paghawak ni Chantal sa braso niya. Marahil ay nag-alala ito nang mapagsino ang bagong dating. Hinawakan niya ang kamay nito upang ipanatag ito.

"I'm sorry for what had happened," ani Zenith na tumingin kay Chantal. "I promised you that it won't happen again."

Tumango lang ang dalaga.

Hindi na rin nagtagal ang dalawa roon. Ayon kay Zenith ay paparating na ang towing truck na tinawagan nito at ipahahatid na lamang sa kanyang talyer ang sasakyan ni Vengeance.

"Masaya akong nagkita tayo ulit," ani Vengeance bago lumulan sa kotse ni Zenith.

"Ako rin."

Nang makaalis ang dalawa ay iginiya na niya sa motorsiklo si Chantal. Kinuha niya ang helmet at akmang isusuot na iyon dito nang matigilan siya.

Ang mundo ko.

"I-is there something on my face?"

Matagal siyang napatitig sa mukha nito. 

"Moon dust."

"What?"

"Baka nagugutom ka na. Umuwi na tayo," aniya. 

Isinuot na niya rito ang helmet upang hindi na ito makapagtanong pa. Mukhang kailangan na niyang talian ang puso niya. Delikado na ang lagay.

-

frozen_delights











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro