Special Chapter
This is the last part of the Heartless Master! Thank you for reaching this far. Maraming salamat, my heart is so full. See you sa story ni Kenzo and Cairo Herrer. Love lots, Maria.
------------------------------------
Until forever
Para pa din akong nananaginip. Sa tuwing nakikita ko si Piero, sa tuwing nahahawakan ko siya, sa tuwing hinahalikan niya ako. Hindi pa din ako makapaniwala na ang lahat ng pinangarap ko lamang nuon ay nararanasan ko na ngayon.
Nagstay pa din kami sa mansion ng mga herrer bago kami lumipat sa aming bahay. Mayroon pa kasing mga inaayos kaya naman ayaw ni Piero na mahassle kami, ingat na ingat ito sa anak namin. Natatawa na lamang ako minsan sa pagiging over protective niya.
"Feeling ko, mahihirapan si Prymer na magkaboyfriend" nakangising sabi ko sa kanya. Tulog na ang anak namin, nakaharap ako sa vanity mirror habang sinusuklay ang buhok ko. Nasa likod ko si Piero, nakaharap sa kanyang laptop. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Muli akong napangisi ng makita ko ang pagtaas niya ng kilay sa akin.
"Hindi magboboyfriend si Prymer" masungit na sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko.
"Hindi mo mapipigilan iyon Piero. Wag kang masyadong strict sa anak natin paglaki niya. Baka gayahin ka niyan" pangaasar ko sa kanya. Bumigat ang tingin niya sa akin, naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.
Matapos kong suklayin ang buhok ko ay lumakad ako papunta sa kanya. Diretso pa din ang tingin niya sa akin na para bang may hindi siya nagustuhan sa sinabi ko. Umupo ako sa sofa katabi niya.
"Ano ulit yung sinabi mo?" Masungit na tanong niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang laptop. Hindi din nagtagal ang tingin ko duon dahil para akong nahilo sa mga nakita kong graph. Ang komplikado naman nung ginagawa niya.
Sinalubong ko ang kanyang titig, imbes na matakot ay inihilig ko na lamang ang ulo ko sa kanyang balikat. Napangiti ako ng marinig ko ang mumunting mura nito. "Alam mo talaga kung paano ako aamuhin ano?" Pangaasar niya sa akin.
Hindi ako imimik, nanatili akong nakahilig sa kanyang balikat. Kung mabubuhay ako ulit, si Piero pa din ang pipiliin kong mahalin. Hindi ako magsasawang lumaban para maranasang mabuhay ulit para sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
"Aalis ako bukas, dadalawin ko sina Papa. Tsaka pupuntahan ko din si Mommy" pagpapaalam ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango.
"Sasamahan kita"
Napaayos ako ng upo para magkatapat kami. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Wag na, alam kong busy ka. Kaya na namin iyon ni Prymer" pagtanggi ko sa kanya. Kahit sina Daddy alec at kuya tadeo ay busy din.
Nakita ko ang paghaba ng kanyang nguso. "Ayoko, gusto kong sumama" laban niya sa akin.
"Pero Piero..." pagsuway ko.
Hindi siya nagsalita. Ibinalik niya lamang ang tingin niya sa kanyang laptop. Muli siyang nagseryoso habang tinitingnan ang powerpoint duon. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya sa tuwing nagseseryoso ang kanyang mukha, mas lalo siyang gumagwapo. Mas lalong lumalakas ang dating niya.
"Hindi naman ako tatakas sayo ah" laban ko. Dahan dahan kong nakita ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. Nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko kung paano niya dilaan ang lower lips niya para basain iyon. Bumaba ang tingin ko sa kanyang adams apple. Bayolente iyong nagtaas baba.
"Uhm. Please..." pakiusap ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung natrauma ba siya o ano. Hindi kasi siya pumapayag na umaalis ako ng bahay na hindi siya kasama. Pakiramdam daw kasi niya aalis nanaman ako ng hindi nagpapaalam sa kanya.
Nagulat ako ng mabilis niyang isinara ang laptop niya at inilagay iyon sa tabi. Hinila niya ang aking palapulsuhan at iginaya ako pakandong sa kanya. Uminit ang pisngi ko ng mapagtanto ko ang position namin ngayon. Nakakandong ako paharap sa kanya ngayon. Itinaas ko ang kamay ko para ilagay iyon sa kanyang magkabilang balikat.
"Paano ako makakasigurado? Matigas ang ulo mo" puna niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Hindi ko naman mapagkakailang totoo iyon, naging matigas nga ang ulo ko sa kanya at palagi akong naglilihim.
"Bakit naman ako tatakas sayo? Mahal kita Piero. Hindi na ulit ako tatakas" nakangising paninigurado ko sa kanya.
Dumilim at bumigat ang tingin niya sa akin. Dahil duon ah parang gustong bumagsak ng talukap ng aking mga mata. Halos mamanhid ang braso ko ng maramdaman ko ang marahang pagtaas baba ng kanyang kamay sa aking bewang. Mas lalo niya din akong hinigit patungo sa kanya. Dikit na dikit na ang aming katawan ngayon, ramdam na ramdam ko ang tigas ng katawan niya mula sa suot kong silk na pantulog.
Nilingon ko ang anak namin na tulog na tulog sa kama. "Piero, nandito si Prymer" nahihiyang sabi ko sa kanya. Mas lalong uminit ang pisngi ko ng marinig ko ang pagngisi niya. Nalipat ang tingin ko sa kanya.
Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, pagkatapos ay muli iyong bumalik sa aking mukha. Inilapit niya ang mukha niya sa aking tenga. "Let's take a shower" mapangakit na bulong niya sa akin. Halos maduling ako ng bahagya akong lumingon sa kanya.
"Pero, kakashower ko lang" pagdadahilan ko. Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking pangupo.
"Take a shower again, damn it baby...wala akong pakialam kung lumaki ang bill ng tubig" pagdadahilan niya sa akin na ikinatawa ko.
Naunang pumasok si Piero sa banyo. Binagbantaan ako nito ng mas mabigat na paruso kung hindi ako susunod sa kanya. Nilagyan ko ng unan ang magkabilang gilid ng hinihigaan ni Prymer para masiguradong hindi siya mahuhulog. Hinalikan ko pa muna ang anak namin, napangiti ako ng bahagya siyang gumalaw. She pouted, kaya naman muli ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.
Naghuhurumentado ang dibdib ko habang tinatahak ko ang daan patungo sa banyo. Rinig ko ang pagagos ng tubig muli sa shower. Dahan dahan kong hinubad ang suot kong silk na pantulog. Halos manigas ako dahil sa panlalamig ng umapak ako sa tiles ng banyo, mas malamig iyon ngayon. Kanina naman ay hindi. Sa ilalim ng shower ay ang nakatalikod na si Piero, parehong nakahilig sa pader ang kanyang mga kamay kaya naman kitang kita ko ang magandang hulma ng kanyang braso. Makisig, halatang naalagaan ng mabuti sa gym o kung ano mang workout niya ngayon.
Dumiretso ako sa kanya, wala na din akong suot na kahit ano. Uminit ang pisngi ko ng bumaba ang tingin ko sa kanyang pangupo. Bilog na bilog iyon, napanguso ako. Parang nahiya ang sa akin. Nabigla ako ng mabilis siyang pumihit paharap sa akin.
Bumaba ang tingin niya sa aking buong katawan bago siya napangisi. Napasinghap ako ng mabilis niyang hinawakan ang aking kanang dibdib kasabay ng pagkakahigit niya sa aking bewang palapit sa kanya. Dahil sa kanyang ginawa ay nabasa na din ako ng tubig galing sa shower.
May lumabas na mumunting ungol mula sa aking bibig ng muli niyang pinisil ang aking dibdib, saktong sakto sa kanyang kamah iyon na para bang inihugis iyon para lang sa kanya. "This is mine" pangaakin niya. Bago pa man ako makapagreact ay mabilis ng bumaba ang mukha niya sa aking dibdib. He sucked both ny nipples hard, napakapit ako sa kanyang basang buhok habang ginagawa niya iyon.
"Piero..." daing ko, tanging ungop lang din ang isinagot niya sa akin habang inaangkin niya ang aking magkabilang dibdib. Hindi ko alam kung aalisin ko si Piero duon o mas lalo ko siyang ididiin dahil sa sensasyong ibinibigay niya sa akin.
Naramdaman ko ang kanyang pagikot. Napaliyad ako ng maramdaman ko na ngayon ang lamig ng pader na gawa din sa tiles. Halos idiin ko ang ulo ko duon habang dinadama ang kanyang labi at dila na naglalaro sa aking magkabilang dibdib. Nang magsawa siya ay muling umakyat ang mga halik niya pabalik sa aking labi.
"Ugh...fuck!" Daing ni Piero ng walang sabi sabi kong inabot ang kanya. Hinawakan ko iyon, dahan dahan kong ginalaw ang aking kamay sa kanyang kabuuan. Halos maginit ang buo kong katawan ng makita ko kung paano bumuka ang bibig niya at bahagya pang napatingala habang dinadama niya ang ginagawa ko sa kanya.
Dahil sa kanyang itsura ay mas lalo kong ginalingan ang ginagawa ko, bumagsak ang mukha ni Piero sa gilid ng aking leeg, naramdaman ko din ang paghalik niya sa aking tenga.
"Baby..." malambing na daing niya.
Maya maya ay inilayo niya ang kanya sa aking kamay. Muling uminit ang pisngi ko ng makita ko kung paano naiwan sa ere ang aking kamay. Muling lumapit si Piero sa akin, napasinghap ako ng sandali niyang idikit ang gitna naming pareho. Naramdaman ko kung paano tumusok iyon sa akin, nanunuya.
Muli niya akong nilasing ng kanyang nga halik bago niya binuhat ang magkabila kong hita para ipulupot ang binti ko sa kanyang bewang. Pareho kaming napapikit ng mariin ng dahan dahan niyang pinagisa ang sa amin.
"Ahh...Piero!" Mangiyak ngiyak na daing ko ng isagad niya kaagad ang kanya sa akin. Ramdam na ramdam ko anb kanyang kabuuan sa akin. Diniinan niya iyon na para bang gusto niyang sagadin ang lahat sa akin. Malaya siyang gumalaw sa gitna ng aking mga hita.
Napuno ng aming mga ungol at hinaing ang buong banyon. Malakas si Piero, nagawa niyang buhatin ako kahit ilang beses naming parehong narating ang sukdulan.
Tulog pa si Prymer ng magpaalam si Piero kinabukasan para pumasok sa trabaho. May importanteng meeting sila ngayon kaya naman kailangan niyang umalis ng maaga. Ayaw pa nga sana niya dahil mas gusto niyang gising ang anak namin sa tuwing aalis siya.
"Good luck" malambing na sabi ko sa kanya. Inabot ko ang labi niya para halikan siya, siya ang magprepresent ngayon kaya naman hindi pa nagsisimula ang meeting ay proud na proud na ako sa kanya. Hinapit niya ang bewang ko.
"Ang lahat ng ito ay para sa inyo ni Prymer" malambing na sabi niya sa akin. Matapos kong ayusin ang kayang necktie ay niyakap ko siya.
"Mahal na mahal ka namin, proud na proud kami sayo" malambing na pagpapaalala ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
"Thank you for giving me another reason to live, another reason to be better. To be the best version of my self...I love you Amaryllis" malambing na sabi niya pa sa akin.
Tinanaw ko ang paglayo ng sasakyan ni Piero. Napangiti aki, parang dati tinatanaw ko ang pagalis niya, naglalakad patungo sa palayan para magtrabaho.
"Amary anak, nagbreakfast ka na ba?" Tanong sa akin ni Mama Maria ng makasalubong ko siya, paakayat ako ng hagdan para puntahan si Prymer. Bumeso pa muna ito sa akin bago ko sinabi sa kanya na kukuhanin ko muna si Prymer.
Saktong pagpasok ko sa kwarto ay nakaupo na ito sa kama. Namumula ang kanyang pisngi at kinukusot ang kanyang nga mata, umiiyak siya.
"Baby, bakit?" Malambing na tanong ko sa kanya. Kaagad akong lumapit sa kama para kuhanin siya. Muli siyang sumibi ng makita ako, kaagad na naglahad ng kamay para magpabuhat.
"Mommy, I'm scared" sumbong niya sa akin. Kaagad ko siyang kinarga, mabilis niyang isinuksok ang mukha niya sa aking leeg ay niyakap ako. Natakot siguro ito ng makita niyang magisa lang siya sa kwarto kanina.
Bumaba din kami patungo sa dinning ng maayos na siya. Kahit tumahan na ay kita ko pa ding wala pa din siya sa mood hanggang ngayon. Tahimik lamang siya habang pababa kami. Panay ang punas ko sa kanyang mata ng makita ko ang mga natirang luha.
"Hi, Good morning" bati ni Castellana sa akin. Kaagad ko siyang nginitian at bumeso na din, hinalikan nito si Prymer sa pisngi at natawa ng mapansin niyang wala pa ito sa mood. Sabay kaming pumasok sa dinning, nanduon na si Cassy na tumakbo patungo sa akin para humalik sa aking pisngi.
"Good morning, Tita Amaryllis" malambing na sabi niya sa akin. Hinalikan ko din siya sa pisngi. Ang ganda ng mukha niya, maamo kagaya kay Castel pero may view siya na parang matapang kung titingnan mo, parang si Kuya Tadeo.
Sabay sabay kaming kumain ng breakfast kasama si Mama Maria. Kagaya ni Piero ay busy din si Kuya Tadeo. Sinusubuan ko ng pancake si Prymer na hanggang ngayon ay tahimik pa din. Hindi matago ang tuwa ni Mama Maria ng ibalita ni Castel na lalaki ang susunod na anak nila ni Kuya Tadeo, natuwa din ako para sa kanya.
Gusto ko din magkaanak ng lalaki. Gusto ko ding bigyan pa si Piero ng maraming anak, kagaya ng pangarap niya na magkaroon ng malaking pamilya.
"Anak..." tawag sa akin ni Mama Maria, mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nasa table kaming tatlo kasama si Castel sa may garden. Nagsimula ng maglaro sina Cassy at Prymer.
Tipid ko siyang nginitian. Nahiya ako ng marealize kong mukhang napansin nila ang pagiging malungkot ko. "Nahihiya lang po ako kay Piero. Gusto din niya ng malaking pamilya" kwento ko sa kanila. Nakita ko ang pamumungay ng mga mata nilang dalawa.
Unti unting namula ang mata ni Castel, naging emosyonal siya kaagad, dahil siguro sa kanyang pagbubuntis. Marahang pinisil ni Mama Maria ang kamay ko. "Sapat na iyon kay Piero. Ikaw at si Prymer, kuntento na siya sa inyong dalawa...wag mong isipin iyan anak" malambing na pagpapaintindi niya sa akn. Tipid akong ngumiti at tumango.
"Sobrang saya ni Piero, ikinikwento sa akin ni Aziel yung paguusap nilang dalawa. Wala siyang bukambibig kundi ikaw at si Prymer" sabi pa ni Castellana kaya naman mas lalo akong napangiti. Imbes na Tadeo ay Aziel ang tawag niya dito. Hindi ko alam kung bakit pero nasanay na din kami sa kanya.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Tama naman sila, ramdam ko naman ang pagmamahal sa amin ni Piero. Wala naman akong narinig sa kanya tungkol sa hindi ko na siya kayang bigyan pa ng anak.
Piero's Pov
Nakatulala ako sa powerpoint habang pinaglalaruan ang aking pangibabang labi. Kahit nasa trabaho ay nasa bahay pa din ang isip ko. Walang oras na hindi ko iniisip ang magina ko. Gusto kong makasama sila ng mas matagal sa isang araw. Ang kaso, kailangan kong magtrabaho dahil para din naman sa kanilang dalawa ito.
"So what do you think?" Tanong ni Tadeo sa akin. Duon ko lamang napagtantong tapos na ang nagprepresent sa harapan. Mas naging close ako sa kanya. Nagiba ang lahat simula ng magkaroon na kami ng sarili naming pamilya. Mas nagmature at mas naging focus.
Matapos ang meeting ay muli akong bumalik sa aking opisina. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Tadeo maging ni Lance. Naguusap silang dalawa, buntis si Castellana at kapapanganak lamang ni Sarah, nagkasundo ang mga loko.
Nagtawanan silang dalawa kaya naman nairita ako. "Amputa! Napakaingay ng mga bunganga niyo, pwede ba" sita ko sa kanilang dalawa. Tinawanan lamang nila ako, nagawa pang umupo ni Tadeo sa upuan sa harap ko.
"Dito na tayo magpadala ng lunch" suwestyon ni Lance. Tumango na lamang kaming pareho ni Daddy. Tamad kong binuklat ang folder sa aking harapan.
"Paano mo nalaman yung kay Kenzo?" Tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko, Amputa, parang babae kung magchismiss. Napangisi siya ng samaan ko siya ng tingin.
"Nakita kong nanunuod ng korean drama ang gago, malay ko ba. Akala ko nga bakla" sagot ko sa kanya, humagalpak ng tawa si Tadeo.
"Magugulat nanaman sina Mom at Dad" paninigurado niya. Hindi ako tumanggi, nasisigurado ko ding mawiwindang ang parents namin kung sakaling malaman nila ang sikreto ng doctor naming kapatid. Hindi namin siya papangunahan, bahala siya sa diskarte niya.
"Sana makahanap din si Cairo" sabi nito. Napairap ako, tatanda na atang binata ang isang iyon.
"Iyon ata ang bakla" sita ko na muli niyang ikinatawa.
Nagtaas siya ng kilay sa akim pagkatapos. Inis ko siyang binato ng ballpen. "Amputa, dinaig mo pa ang babae sa pagiging chismosa!" Sita ko sa kanya.
Naging busy ako ng mga sumunod na araw. Ngunit hindi ko hinayaan na mawalan ako ng oras para sa magina ko. Lumalabas kaming tatlo sa weekend para makapagbonding. Minsan naman ay buong pamilya kaming lumalabas para maglunch sa labas.
"Anong problema?" Malambing na tanong ko kay Amaryllis ng makita kong nakatayo ito sa may veranda, sa malayo nakatingin. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. Hapon iyon, at mahimbing ang tulog ng aming anak.
"Naghiwalay si Mommy at tito Benedict" paguumpisa niya. Nanahimik ako para makinig sa kanya.
"Nagkausap kami ni Papa, tinanong ko siya kung tatanggapin niya pa ulit si Momny kung sakaling bumalik sa kanya"
Ipinatong ko ang baba ko sa kanyang balikat. "Anong sagot ni Papa?" Malambing kong tanong.
"Oo daw. Pero si Mommy ang ayaw bumalik. Mahal niya pa si Papa pero ang sabi niya sa akin, hindi na daw niya kaya. Hiyang hiya siya..."
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya lalo na ng maramdaman ko ang sobrang kalungkutan sa kanyang boses. "Hindi ba ang sabi mo sa akin, kung para sayo talaga babalik at babalik sayo?" Malambing na tanong ko sa kanya. Bahagya siyang lumingon sa akin kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi.
This is my home, this is my life.
"Kung para talaga sa isa't isa ang mommy at papa mo. Magkakabalikan din sila. Hindi pa siguro ngayon...pero soon" pagpapagaan ko ng loob niya. Kumawala siya sa yakap ko para makaikot paharap sa akin, siya na ngayon ang yumakap sa akin. Hinalikan ko siya sa kanyang noo.
Mahal na mahal ko ang babaeng ito.
"Parang tayo..." nakangiting sabi niya na tinanguan ko bago ko sandaling inangkin ang labi niya.
Wala na atang salitang pwede ko pang sabihin sa kanya bukod sa mahal ko siya ang makakapagpaliwanag kung gaano ko siya kamahal. I love her, every bit of her. Siguro nga, nabulag ako nuon sa pagmamahal ko kay Sachi dahil sa pagaakala kong siya yung nagmahal sa akin.
Kaya pala, kaya pala nung minsnag umuwi siya kasama si Mommy ay may naramdaman akong kakaiba sa kanya. Ni hindi ko nga matanggal nuon ang tingin ko sa kanya dahil may nakita kong malaking pagbabago sa kanya. Kalaunan ay ipinagsawalang bahala ko na lamang, hanggang sa nalaman kong si Amaryllis ang una kong minahal.
"Naghanda ako ng peanut butter at Kikiam para sa mirienda. Nagustuhan din ni Prymer" nakangising sabi niya sa akin.
"Nagustuhan niya din yung Amputa" pangaasar ko sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
Pareho naming nilingon ang anak naming yakap yakap ngayon si Rochi. Sachi will forever be part of our life, hindi namin siya maalis duon, malaki ang parte niya sa buhay naming dalawa.
"Piero..." malambing na tawag niya sa akin kaya naman muli ko siyang binalingan.
"Uhm?"
"Ok lang ba talaga sayong, hindi kita mabibigyan ng madaming anak?" Malungkot na tanong niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba, pansin ko ding malungkot siya nitong mga nagdaang araw.
Pinagdikit ko ang noo naming dalawa. Damn baby, sobrang saya ko na sa inyo ni Prymer. "Ikaw at si Prymer lang ang mahalaga sa akin ngayon. Baby, wala na akong ibang hihilingin pa" paninigurado ko sa kanya. Mariin siyang napapikit, pinagdikit jo ang ilong naming dalawa para kilitiin siya duon.
"Sapat na kayo. Ok, sapat na kayong dalawa"
Isang healthy baby boy ang isinilang ni Castellana. Halos tawanan namin si Tadeo ng makita ang pagiyak nito. Nagmayabang pa ang gago na kamukha niya ang bagong anak.
"Ang gwapo" nakangiting sambit ni Amaryllis habang pareho kaming nakatingin sa may nursery kung nasaan ang anak nila. Hinapit ko siya sa bewang, ayokong isipin niya na naiinggit ako kay Tadeo. Masaya ako para sa kapatid ko, at masaya din ako kung ano ang meron ako ngayon. Si Amaryllis at Prymer.
"Aba, unang lalaki ng 3rd gen. Mukhang maraming paluluhain" pangaasar ni Lance ng bigla silang dumating kasama si Sarah. Unti unting nawala ang ngiti ko ng bumaba ang tingin ko sa anak nilang si Larry na hawak hawak ang kamay ng anak ko.
"Amputa" asik ko sabay buhat kay Prymer. Natawa ang gagong Lance, nanatiling nakatingala si Larry kay Prymer kaya naman kaagad kong itinalikod ang anak ko sa kanya.
"Hoy Larson. Wag itong anak ko ha" sita ko sa bata. Larson ang totoong pangalan pero Larry ang palawa. Amputa, bakla ba ito!
Naramdaman ko ang pagtampal ni Amaryllis sa braso ko. Tumawa silang tatlo pero hindi ako natawa. Walang pwedeng manligaw sa anak ko, pwera na lang kung deserving siya. Tangina dadaan muna siya sa butas ng karayom!
Nagkaroon ng intimate family dinner para sa paguwi ni Castel at sa anak nila. Muli kaming nakumpleto, ilang mga kaibigan at relatives ang nanduon. Nakita ko din sa pamilya ni Castellana yung mga dati naming nakalaban. Nakakatawang isipin na magkakasama na kami ngayon.
Natahimik silang lahat ng nagtungo ako sa gitna. Alam nina Castel at Tadeo ang plano ko at suportado nila akong dalawa. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni amaryllis ng makita niya ako sa gitna. Umupo ako sa nakahandang highchair na may nakatapat na microphone. May nagabot sa akin ng guitara kaya naman narinig ko ang kantyaw sa akin ni Lance.
Tangina! Gusto ko sana siyang sigawan kung wala lang mga bata. Kinakabahan na nga ako at mangaasar pa ang gago. Bayolente akong napalunok ng unti unting kong sinimulan ang pagstrum ng gitara.
"105 is the number that comes to my head, When i think of all the years I wanna be with you. Wake up every morning with you in my bed, that's precisely what I plan to do..."
Sa aking pagdilat ay nakita ko ang pagkislap ng mata ni Amaryllis dahil sa luha. Damn baby, papakasalan kita. Sa kahit saang simabahan.
And you know one of these days
When I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough
I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me
Hindi ko na tinapos ang pagkanta. Ipinasa ko yung gitara at mic sa totoong singer para siya ang kumanta. Bayolente akong napalunok habang tinatahak ko ang daan patungo kay Amaryllis. Nilapitan siya ni Castellana para dalhin sa gitna. Nanginginig ang kanyang mga labi habang panay ang pagluha.
"Hush baby, yayayain kita ng kasal" nakangising suway ko sa kanya. Mas lalong siyang napaiyak. Nakita kong karga ni Momny ang anak namin, emosyonal din siya. Tumingin ako sa Papa niya, tumango ito sa akin tanda na payag siyang hingin ko ang kamay ng anak niya.
"I want to have my heart again Amaryllis. My heart isn't with me, nasa iyo iyon umpisa pa lang. I'm so inlove with you...mahal na mahal kita" paguulit ko pa, halos hindi ko na din makontrol ang sinasabi ko dahil sa naguumapaw na damdamin.
"I was born for you. Para tayo sa isa't isa..." paninigurado ko sa kanya. Wala na siyang magagawa, magpapakasal siya sa akin kahit anong mangyari.
Napangiti din siya habang patuloy sa pagiyak. "I hurt you so many times Amaryllis. Pero minahal mo pa rin ako, i don't deserve your love, but you love me still"
Napamura ako sa aking isipan ng marinig ko ang aking sariling pagpiyok. "Marry me Amaryllis. Be my Mrs Herrer. My wife" sabi ko at tsaka ako lumuhod sa kanyang harapan at inangat sa kanyang harapan ang singsing.
Napatakip siya sa kanyang mukha dahil sa mas lalong pagiyak. Wala ng mas sasaya pa sa pagtango niya sa akin.
"Yes, Piero. Magpapakasal ako sayo, magpapakasal ulit ako sayo"
Walang pagdadalawang isip kong isinuot kagaad ang singsing sa kanyang daliti. Akin ka na, wala ka ng kawala sa akin. Ilalaan ko ang buong buhay ko para sa asawa at anak ko. My heart is with me now.
Amaryllis is my heart, she is with me. I'm no longer Heartless.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro