Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

The end









I never been into a relationship. Nagkaroon ako ng mga crushes nung nagdalaga ako. Minsan naisip kong, sasagutin ko kaagad kung sino ang manligaw sa akin. Those are the sad days, na sana mayroon din akong kasama, na may nagaalaga sa akin. Kagaya ng mga nakikita ko sa ibang tao. They we're happy with their partners. Paano kaya maging girlfriend? Ano kayang pakiramdam na may boyfriend ka? Na may nagaalaga sayo?


"May problema ba anak?" Tanong ni Papa sa akin. Sandali akong napatitig sa kawalan habang gumagawa ako ng assignment.


Napanguso ako bago ako tipid na napangiti kay Papa. "Iniisip ko po kung paano umuwi yung kaklase kong may dalang madaming bulaklak" sagot ko sa kanya kaya naman napatawa siya.


Today is Febuary 14. May kung ano anong ganap kanina sa school dahil valentines day. Panay ang hiyawan ng mga kaklase ko sa tuwing may lalaking pumapasok sa room namin na may dalang bulaklak o kaya naman ay tsokolate. Halos mabali ang leeg ng lahat para makita kung sino ang pagbibigyan. Napaawang ang bibig ko ng makita kong yung muse namin sa room nanaman ang pinagbigyan. Ang dami na niyang tsokolate at flowers.


"Siya nanaman..." rinig kong reklamo ng ilan sa mga kaklase ko. Napanguso ako, may iba talagang ligawin.


"Ikaw may natanggap ka ba? Bawal ka pang magpaligaw ha!" Pangaasar sa akin ni Papa. Uminit ang magkabilang pisngi ko kahit wala namang nanliligaw o nagpaparamdam sa akin.


Marahas akong umiling. Hindi sa pagiging defensive pero wala naman talaga! "Wala naman pong may gusto sa akin Papa. Kahit isa walang may crush sa akin" medyo makungkot na kwento ko sa kanya kahit ang totoo ay wala naman iyong kaso sa akin.


Lunapit si Papa sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Tipid ko siyang nginitian. "Alam mo anak, kaya matagal dumating yung tao para sayo kasi, espesyal siya" pagaalo niya sa akin. Napangiti ako at napatango tango.

"May taong itinakda para sayo, wag kang magmadali. Yung taong iyon, kung nasaan man siya ngayon...dadalhin siya ng tadahan sayo. Hindi mo kailangang makipagagawan sa atensyon niya, hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kanya. Kasi para siya sayo..." paliwanag ni Papa sa akin.

Mahigpit kong niyakap si Papa. Tama siya, may taong nakalaan para talaga sa akin. At maghihintay ako sa tamang oras na itinakda para sa aming dalawa.

"May bago siyang girlfriend?" Medyo malungkot na tanong ko kay Sachi. Araw ng sabado ng dumalaw siya sa amin. Napatango tango siya habang busy sa pagtitig sa kanyang bagong manicure na kamay.

"Oh, eh bakit parang ang lungkot mo? Sanay na kami diyan, ganyan talaga si Kuya Piero" sita niya sa akin.


Habang tumatagal, mas lalo akong nawawalan ng pagasa na makilala si Kuya Piero. Gustong gusto ko talaga siya, unang kita ko pa lang sa kanya nuon, para akong nakakita ng prince charming sa katauhan niya. Dahil sa mga narinig mula kay Sachi, mas pinagtuunan ko ng pansin ang paghihintay sa taonh itinakda talaga para sa akin. Sino kaya siya?

"Oh, kanino galing iyan?" Tanong ni Papa sa akin. Valetines day ng sumunod na taon.

Napatingin din ako sa isang pirasong rose na hawak ko. Binigay iyon nung mayaman naming kaklase, lahat naman binigyan niya kaya hindi iyon ganuon kaespesyal.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Akala ko ba loyal ka kay Piero?" Pangaasar niya sa akin.

Napanguso ako. "Crush ko lang po siya Papa. Tsaka malabo pong maging kami. Hindi naman na po ako umaasa na darating ang araw na iyon. Masyado kaming malayo..."

"Eh paano kung siya nga?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Pwede po bang mangyari iyon?"

Napangisi si Papa bago siya magkibit balikat. Muli niyang itinuon ang kanyang tingin sa kaharap na libro. "There's a big reward for those who wait" mahinahong sabi niya.

Hanggang kailan kaya? Gusto kong magtanong kay Papa. Ang kaso, baka makulitan sa akim at isipin niyang atat na atat akong magkalove life.


"Someday, you'll stare at your answered prayer anak. Your waiting is worth every pain" paninigurado sa akin ni Papa.

Bayolente akong napalunok habang nakatingala ako sa taong matagal ko ng hinihintay. Ngayon marahil ang araw na sinasabi ni Papa sa akin. Itong araw na ito, nakatingin ako sa taong nakalaan para sa akin. Itong taong ito ay itinakda para sa akin. Maybe we took different paths, naging masyado kaming malayo. Masyadong malayo, na inakala kong impossible na ang lahat para sa amin.

"Naaalala na kita Piero. I'm sorry" pumiyok pang sabi ko sa kanya. Muli akong napapikit ng halikan niya ang aking noo.

"I know, you will"

Nginitian ko siya. Piero Arthur Herrer is my answered prayer. Ilang beses ko siyang itinaboy, ilang beses ko siyang pinakalawan. Nagkalayo kami, matagal kaming nawala sa piling ng isa't isa. Pero heto kami ngayon, muling pinagtagpo ng tadahan. Truly, what yours will find you.

"Nahanap mo ako" pumiyok na sabi ko pa, kahit pilitin kong ngumiti sa kanya.

Pumungay ang kanyang mga mata. "Dahil binalikan mo ako, Amaryllis"

Muli ko siyang niyakap. Hindi na ulit kami magkakahiwalay, hindi na ulit.


"Akala ko hindi na kita maabutan" sumbong ko sa kanya. Pareho kaming nakatanaw sa dagat. Nasa likod ko siya, nakayakap at paulit ulit na hinahalikan ang aking ulo.

"Hindi naman talaga ako aalis, nangako ako sa anak natin na hindi ako babalil duon ng hindi kita kasama" mabilis ko siyang nilingon. Ang anak namin! Gusto ko na siyang makita. Muling uminit ang gilid ng aking mga mata.

"Umuwi na tayo sa kanya, Piero" pakiusap ko sa kanya. Muling humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko anh kanyang pagtango.

"Let's go home. I love you" malambing na bulong niya sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi.

Wala kaming sinayang na oras. Nakapagbooked agad si Piero flight pabalik ng manila.

"Tarantado ka, ito pang si Piero ang amo mo!" Asik ni Vicky kay Eris. Napatawa ako habang pinapanuod ko silang magaway sa may sala. Bumalik kami sandali sa apartment para kuhanin ang aking mga gamit.

Tinulungan ako ni Piero magempake, kaunti lang naman ang gamit ko kaya naman hindi kami nahirapan. Kinuha ko ang malaking alkansyang matagal ko ng hinuhulugan.

"Para ito sa inyo, Vicky. Pandagdag para sa kasal niyo ni Eris" sabi ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Napangisi ako ng makita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

"Grabe naman sis...ang yaman yaman mo pala!" Asik niya sa akin, Kaya naman napatawa ako.

"Hindi ako mayaman, si Piero ang mayaman" suway ko sa kanya. Hindi ko na iyon nadugtungan ng maramdaman ko anh kanay niya sa aking likuran.

"Lahat ng sa akin, ay sa iyo din Amaryllis" marahang sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Naiyak si Vicky habang yakap yakap ang alkansya na ibinigay ko sa kanya. Hindi man kalakihan ang laman nuon, ngunit halos kabuuan ng sinasahod ko sa pahtratrabaho ang napupunta duon.

"Kailan mo ba balak pakasalan ang girlfriend mo Eris?" Tanong ni Piero dito.

Nahihiya siyang napakamot sa kanyang batok. "Nagiipon pa po, Sir" sagot niya dito.

Napatingin ako kay Piero, bumaling din siya sa akin at ngumisi. "Magpakasal na kayo, ako na ang bahala sa gastos"

Napatawa ako ng muling ngumawa si Vicky. Namumula ang kanyang mukha habang panay ang pahid ng luha sa kanyang pisngi. Nilapitan ko siyanpara aluin, naging mabuti siya sa akin sa mga panahong wala akong maalala.

"Congrats in advance. Masaya ako para sayo..."

Imbes na sumagot ay mabilis siyang yumakap sa akin. "Hulog ka talaga ng langit, Amaryllis. Ang swerte swerte talaga niyang bangs mo" napailing na lamang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

I waved goodbye to Vicky and Eris, I also waved goodbye to this place. Itong lugar na ito ang tumulong sa akin para bumalik ang aking alaala. Dito ang lugar kung saan ko naalala si Piero, kung saan din niya ako nahanap.

"Nagustuhan mo ba yung ipinangalan ko sa anak natin?" Tanong ko kay Piero ng nasa loob na kami ng eroplano. Kanina pa niya hindi binibitawan ang aking kamay.

Tipid siyang tumango bago niya kinabig ang ulo ko para mapasandal ako sa balikat niya. "She is my first love, and her Mommy is my great love" malambing na sabi nito. Matamis akong napangiti, humawak ako sa kanyang braso para mas lalong mapalapit sa kanya.

"Do you like her bangs?" Nakangising tanong ko.

Naramdaman ko ang halik niya sa aking ulo. "Kamukhang kamukha mo. Sana ay hindi matigas ang ulo" pangaasar niya sa akin.

Natawa ako bago ako mariing pumikit, dinama ko ang kanyang presencya. Sinong magaakala na darating pa ang araw na ito. Handa na akong mamatay nuon, handa na akong iwanan ang lahat. Kahit masakit para sa akin. Inisip kong, baka hanggang duon na lang ang lahat. But there's a miracle, nabuhay ako at ngayon makakasama ko na ang pamilya ko.

Dumiretso kami sa Mansion ng mga Herrer pagkadating na pagkadating namin ng Manila. May naghihintay na kaagad na sasakyan sa amin paglabas ng airport.

"Hey, relax..." pagaalo sa akin ni Piero. Kinabahan ako, hindi ako mapakali habang nakatanaw sa malaki nilang bahay. Sa loob nito, naghihintay ang aming anak.

Hinawakan niya ang aking kamay. Sabay kaming naglakad papasok sa kanilang bahay. Malayo pa lang, tumulo na ang masasagang luha sa aking mga mata. May kung anong bumara sa aking lalamunan.

Napaluhod ako ng makita ko ang pagtakbo sa amin ni Prymer. "Mommy!" Hiyaw niya. Mabilis siyang yumakap sa akin, mahigpit ko din siyang niyakap, hindi ko na napigilang mapahagulgol.

"Daddy!" Rinig kong tawag niya kaya Piero. Paulit ulit ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.

"I'm sorry. Baby, Sorry si Mommy" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Nakangiti lamang siya sa akin habang nakatitig. Nakalimutan ko siya, naging mahina ako kahit nandyan siya. Pakiramdam ko naging masama ako sa kanya. Ipinagkait ko sa kanya ang sarili ko sa mga unang beses na ako dapat ang nagaalaga sa kanya.

Tumayo ako habang buhat buhat siya. Sinalubong kami ni Piero ng yakap. Pareho niya kaming ikinulong sa maiinit niyang bisig. "You two, are my life" malambing na sabi niya sa amin.

Isindal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Pareho niya kaming hinalikan ni Prymer sa ulo. "Mahal na mahal ko kayo..." malambing na bulong pa niya sa amin.

Pareho kaming natawa sa gitna ng aking pagiyak ng umiyak din si Prymer. Marahil ay naguluhan, nagtataka kung bakit ako umiiyak.

"Shh...tahan na" malambing napagaalo ko sa kanya.

Kumpleto ang pamilya ni Piero. Tumakbo si Papa at Akie para salubungin ako ng yakap. Kapwa sila umiiyak. Panay ang hingi ko sa kanila ng tawad dahil nakalimutan ko sila. Tinaboy ko din sila sa pagaakalang hindi naman sila importante sa akin. Nagkamali ako, masakit ang makalimutan.

Masaya akong tinanggap nina Ma'm Maria at Sir Alec. Maging ang mga kapatid niya ay kumpleto din. Nginitian ko si Castellana ng makita kong emosyonal din siya habang nakahawak sa kanyang malaking tiyan. Inaalo siya ni Kuya Tadeo habang karga ang anak nilang babae.

"Sobrang saya ko" emosyonal na sabi ni Ma'm Maria habang nasa dinning kami. Napangiti na lamang ang lahat, halos hindi din kami makapagsalita dahil sa mga emosyon.

Muli kong hinalikan ang ulo ni Prymer, nakakandong siya sa akin habang kumakain kami. Nilingon niya ako dahil sa aking ginawa. "Mommy, bangs" nakangiting turo niya sa bangs niya at sa akin.

Hindi ko napigilang halikan ang kanyang pisngi. Namumula iyon ay sobrang lambot. "I love you..." malambing na bulong ko sa kanya.

Bahagya akong napanguso ng mapansin ko ang pagtitig sa amin ni Piero. He look so amuse. Maya maya ay humilig din siya para halikan ang aming anak. "Inggitero" pangaasar ko sa kanya.

Napangisi siya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Sino kaya ang inggit? Do you want a kiss too?" Pangaasar niya sa akin. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagsalita ay muli na siyang humilig para halikan din ako.

Parang panaginip ang lahat, para akong nakalutang sa ere. Sobra sobra ang nararamdaman ko. Sobrang saya!

Papa and Akie stay for tonight, pinagamit sa kanila ang isa sa mga spare room ng mansion. Late na natapos ang dinner, humaba ang usapan. Marami akong nalaman sa mga nangyari ng mga nagdaang taon. Bigla kong nakalimutan ang tatlong taon dahil kasama ko na sila ngayon.

Tulog na si Prymer ng umakyat kami sa kwarto ni Piero. Napangiti ako ng marinig ko ang kanyang mumunting hilik. Nakasiksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Marahan ko siyang inihiga sa kama ni Piero.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Gumalaw siya konti at nagsumiksik ulit sa aking tabi. Muli ko siyang hinalikan sa ulo, ang bango bango niya."Tulog na yan ah, baka pwedeng ako naman?" Pagpaparinig ni Piero.

Natawa ako ng makita ko siyang nakanguso, nakatayo sa paanan ng kama at nakatingin sa amin ni Prymer. Dahan dahan akong tumayo, nagawa pa niya akong tulungan. Kaagad ba pumulupot ang braso niya sa aking bewang, mabilis ko ding ikinawit ang mga kamay ko ss kanyang leeg.

"Thank you for giving me that, little creature. Looks exactly like you" nakangising sabi niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi pars pigilan anh hikbi, kanina pa kami nagiiyakan.

Marahan kong hinaplos ang likod ng kanyang ulo. "Kamukha mo din naman" pagaalo ko sa kanya.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang. "Alam na kung sino ang mas nagenjoy, habang ginagawa" pangaasar niya sa akin kaya naman uminit ang magkabila kong pisngi.

Napanguso ako para itago ang pagngiti. Tinaasan ko siya ng kilay. Ganuon din ang ginawa niya sa akin. "Akala ko, hindi ko na mararanasan ito..."

Iginaya ni Piero ang ulo ko sa kanyang dibdib, halos marinig ko ang pagtibok ng puso niya dahil sa lapit nuon, kahit impossible ay ramdam na ramdam ko. "Tumitibok na ulit..." paos na sabi niya sa akin.

Mariin akong napapikit. He want me to bring his heart with me. It's ok for him to be heartless kung hindi ako babalik.

Buong araw hindi umalis si Piero kinabukasan. Sinulit namin ang buong araw na magkasama kaming tatlo. Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal sa tuwing nakatingin ako kay Pieri at Prymer, they are my family. Sila ang dahilan kung bakit nagawa kong lumaban. Silang dalawa ang dahilan kung bakit kahit impossible ay nagawa ko pa din bumalik.

Again, I stared at my answered prayer.

Dinala kami ni Piero sa companya ng sumunod na araw. Bitbit niya si Prymer habang hawak niya ang aking kamay. Ngayon, hindi na ako nakasuot ng malaking jacket, or aviators para itago ang aking mukha. Pinakilala niya ako sa lahat bilang asawa niya.

"Good morning. Mrs. Herrer"

Umiinit ang pisngi ko sa tuwing naririnig ko iyon. Hindi pa din ako makapaniwala. Ilang valentines day ang nagdaan na wala akong natanggap na tsokolate at bulaklak. Ilang taon ang nakalipas na magisa lang ako.

"Wow!" Hiyaw ni Prymer ng ibaba siya ng Daddy niya sa loob ng opisina. Mabilis siyang tumakbo patungo sa malaking salamin.

Hinapit ako ni Piero sa aking bewang. "I love you..." bulong niya sa akin. He reached for my lips, sandali niya akong hinalikan.

"Dito muna kayo? After the meeting may pupuntahan tayo" paalam niya sa akin.

Tinanguan ko siya. "Goodluck" malambing na sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Amputa, pangkinder pa din ang halik mo?" Pangaasar niya sa akin kaya naman pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Naiwan kami ni Prymer sa office ni Piero. Pumasok ang secretary niya para hatiran kami ng makakain at maiinom. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng mapansin kong iba na ang secretary niya. Hindi ito yung pinagawayan namin dati.

"Mommy I want to pee..."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Prymer. Kaagad ko siyang binuhat at dinala sa Cr sa loob ng opisina ni Piero. Matapos gawin iyon ay lumabas kami para maglibot libot, tuwang tuwa si Prymer dahil sa paglalakad namin. Napailing ako, mukhang naman ang kapilyuhan ni Piero.

Ilang empleyado ang bumati sa amin. Minsan ay nahihiya pa din ako kaya naman nginingitian ko na lamang sila. Tumalon talon si Prymer sa tuwing nagagawi kami sa mga elevator, tuwang tuwa sa tuwing nagbubukas at sara iyon.

"Nice bangs"


Kaagad akong nagangat ng tingin sa lalaking nagsalita. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang nakangising si Rajiv. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya, kaagad din naman niya akong sinalubong ng yakap.

"I miss you" malambing na sabi niya sa akin.

Isa si Rajiv sa nagalaga sa akin sa US. Nanduon din siya nung ipinanganak ko si Prymer. Hindi niya rin ako sinukuan nung mga panahong hindi ko din siya maalala. Bahagya siyang yumuko para buhatin ang anak ko. Tuwang tuwa ito habang nakatingin kay Prymer.


"Kung may anak lang akong lalaki, irereto ko kay Prymer. Atleast, hindi man tayo. Yung mga anak natin" natatawang sabi niya.

Nalungkot ako para sa kanya. Alam ko namang hindi siya masamang tao, minahal ako ni Rajiv at naramdaman ko iyon. Medyo naging marahas siya pero alam kong deep inside, mabuti siyang tao.

"May girlfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya.

"May nililigawan" sagot niya sa akin kaya naman natuwa ako para sa kanya.

Marahan niyang sinuklay ang bangs ni Prymer, tuwang tuwa dahil sa pagkakapareho namin. "Damn it, Dela Rama..." rinig kong sambit ni Piero. Nagulat ako ng makita kong humahangos siya papalapit sa amin. Imbes na matakot si Rajiv ay natawa pa siya.


Mabilis na kinuha ni Piero ang anak. Hinawakan din niya ang kamay ko na para bang kukuhanin kami ni Rajiv sa kanya. "Ang damot ah" pangaasar niya dito.


Mas lalong nainis si Piero. "Ipapatapon kita palabas ng building ko" pagbabanta ni Piero dito. Hinawakan ko siya sa braso, muling tumawa si Rajiv.

"Chill Piero, may nililigawan ako dito. Pagnapasagot ko iyon, mawawalan ka ng isang empleyado" pananakot ni Rajiv sa kanya.

Kita ko ang pagirap ni Piero sa kanya. "Ligawan mo ang lahat, wala akong pakialam" inis na sabi niya dito bago niya ako hinila pabalik sa kanyang opisina. Nilingon ko si Rajiv, malaki ang ngiti nito habang kumakaway pa sa akin. I wish him all the best, he deserve to be loved.

Naging masungit si Piero pagkatapos nuon, hindi namamansin. "Ang sungit ni Daddy noh..." pagkausap ko kay Prymer. Sumulyap ako dito, mas lalo lamang kumunot ang kanyang noo.

Nakaupo kami ni Prymer sa sofa habang siya ay busy sa mga pinipirmahan. Pagkatapos daw nuon ay may pupuntahan kami."Daddy angry? Amputa!" Sabi ni Prymer na ikinagulat ko.

Nabato ako sa aking kinauupuan habang nakatitig sa anak ko. Wala lamang iyon sa kanya dahil hindi naman niya iyon alam. Inosente pa. Bumaling ako kay Piero, sinamaan ko siya ng tingin ng  makita kong nakangisi siya.

"Sa iyo niya iyon nakuha!" Asik ko sa kanya.

Napanguso siya para itago ang ngiti habang pumipirma ng mga documento. "May nakakatawa ba duon, Herrer?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Gusto mo ng parusa, Amaryllis Herrer?" Balik niya sa akin. Muling uminit ang pisngi ko pero hindi ko iyon pinansin.

Inirapan ko siya, muli akong bumaling sa aming anak na tahimik na ngayong pinalalaruan ang kanyang hawak na laruan. Hindi sinasadyang nabitawan niya iyon kaya naman kaagad gumulong sa may sahig.

"Amputa!" Hiyaw niya kasabay ng paghalakhak ng maging niyang ama.


"Piero!" Galit na suway ko sa kanya.

Panay ang daing nito habang palabas kami ng building. Tuwang tuwa pa din kaso siya dahil sa natutunan ng anak niya sa kanya. "Makakalimutan niya din iyon paglaki niya, Baby" pagaalo niya sa akin.

Muli kong niyakap si Prymer. Kamukha ko nga ang anak namin, pero mukhang makukuha ang pagkasutil ng ama.


Buong akala ko ay uuwi na kami ng pumasok ang sasakyan sa exclusive na subdivision kung nasaan ang kanilang mansion. Nagtaka ako ng lumagpas kami duon. "Ayan ang kila Tadeo" turo niya sa akin sa isang malaki ding bahay.

Napaawang ang bibig ko dahil sa ganda nuon. Huminto ang sasakyan sa isa pang malaking bahay. Hindi naputol ang tingin ko duon, kagaya nung mga bahay na nakadrawing sa mga notebook ko nung bata ako.

Kinuha ni Piero si Prymer sa akin. Dinala niya kami sa loob nuon. "Welcome home" nakangiting sabi niya sa akin.

Hindi ko napigilang maiyak. Naaalala ko na, ito yung bahay na ipinakita siya sa akin nung nasa hospital pa ako, bago kami umalis. Pinakawalan niya si Prymer sa malaking sala, nagtatakbo ang anak namin. Nilapitan ako ni Piero.

"Nagustuhan mo ba? Nagtrabaho akong mabuti para dito" sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong napaiyak.

Hinarap ako siya, ikinulong ko sa mga palad ko ang kanyang pisngi. "I'm so proud of you, Love..." malambing na sabi ko sa kanya.

Kita ko ang pagpula ng kanyang mga mata. "Hindi ko makukuha ang lahat ng ito kung wala ka, Amaryllis. Ikaw ang dahilan kung bakit napili kong magbagong buhay...tinalikuran ko anb nakaraan"


Bayolente akong napalunok. "I always dreamed this for you...kahit inakala ko nuon na makakamit mo ang lahat ng ito kahit wala ako" pumiyok na kwento ko sa kanya.


Tumulo ang kanyang luha dahil duon. "Baby, wala ang lahat ng ito kung wala ka" giit niya.


Napatango tango ako. "God send me back. Kasi napili mong magbago, nagsisi ka..." umiiyak na sabi ko sa kanya.

Napasinghap siya. "You are my reward then?" Nakangising tanong niya sa akin.

Napangiti ako. Tiningnan ko si Prymer, bago ko muling tiningnan si Piero. "Mahal ka namin ni Prymer, Piero...God want you to live also. He wants to give you a reason to live" pagpapaintindi ko sa kanya.

Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata pero nagawa pa niya akong halikan. "I promise to protect this family until my last breath. Mabubuhay ako para sayo at sa anak natin" pangako niya sa akin.

Marahan niyang hinalikan ang aking noo. "You are no longer heartless, master" nakangising sabi ko sa kanya na pareho naming ikinatawa. Tumakbo si Prymer sa amin kaya naman binuhat siya ni Piero.


This is my answered prayer.





























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro