
Chapter 60
Fishport
Liwanag mula sa sikat ng araw ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng pintuan ng aming tinutuluyang apartment. Mariin akong napapikit habang dinadama ko ang pagtama nuon sa aking mukha. Bihira ko lamang ito maabutan, madilim pa madalas kung lumabas kami ng bahay para bumili ng isda sa may fishport. Araw ng linggo kaya naman pahinga namin iyon ni Vicky sa palengke.
Napagdesisyunan kong magsimba ngayon, araw araw naman akong nagdadasal at humihingi ng tulong sa kanya para bumalik na ang aking alala. Pero iba ngayon, ako mismo ang babalik sa kanya. Ako mismo ang lalapit sa kanya.
"Magandang umaga Amary!" Bati sa akin ng ilang mga kapitbahay. Kagaya ko ay maaga ding nagumpisa ang kanilang araw. Masyadong busy ang buhay dito, ni halos hindi na nga ata nakakapagpahinga ang mga tao. Kahit linggo ay mayroon pa din silang pinagkakaabalahan para kumita ng pera.
Puno na ang loob ng simbahan pagkarating ko, hindi naman ako late, sadyang marami lang tao lalo't mas gusto ng mga tao ang pangumagang misa dahil hindi pa ganuon kainit. Napili kong tumayo duon sa gilid ng simbahan, tahimik akong pumikit at nagdasal.
Bukod sa aking pangalan, ano pa kaya ang kailangan kong maalala? Sa tuwing nakatanaw ako sa may dagat, pakiramdam ko may nakatanaw din sa akin sa kabilang dulo nuon, hindi ko alam kung gaano kalayo ang dulo. Ngunit, pakiramdam ko may naghihintay sa akin. Gusto ko siyang makilala.
"Hija..."
Nakuha ng isang matandang babae ang aking atensyon habang palabas ako ng bahay. Nakangiti siya sa akin, hindi ko alam kung sadyang ganuon lamang siya o baka nahipnotismo ako. Nginitian ko din siya pabalik, wala sa sarili akong lumapit sa kanya ay umupo sa kaharap niyang lamesa. Matagal ko na silang nakikita sa tuwing nagsisimba ako, parang kagaya sa quiapo church, mga manghuhula.
"Patingin ako ng palad mo" sabi niya sa akin. Napangiti ako.
"Naku, pasencya na po kayo nay, pangbili na lang nang sampaguita ang pera ko" nahihiyang sabi ko sa kanya. Buong akala ko ay papaalisin na niya ako dahil wala naman akong maibabayad sa kanya.
Marahan niyang kinuha ang palad ko. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Hindi nagbago ang kanyang reaksyon, nanatili siyang nakatingin sa aking mga palad. Bumaba din ang tingin ko duon.
"Maswerte ka hija. Isang kang regalo para sa isang tao" sabi niya sa akin, napakunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.
Ako regalo? Kanino? Para kanino ako kung ganuon?
Halos mamanhid ang katawan ko ng marahan niyang haplusin ang palad ko. "Para talaga kayo sa isa't isa. Kahit gaano kayo kalayo, babalik at babalik pa din kayo sa isa't isa. Sana maalala mo na siya..."
Napaawang ang aking bibig, nagulat ako sa kanyang huling sinabi sa akin. Paano niya nalamang hindi ako nakakaalala? Tumingin siya sa akin. "Sa tingin ko naman, mabilis mo siyang maaalala. Lalo na't mahal na mahal mo ang taong iyon" nakangiting paninigurado niya sa akin. Hindi ako kaagad nakapagreact.
"Si...sino po ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ko pa sa kanya. Isang matamis na ngiti lamang ang iginawad niya sa akin.
"Ang taong nakalaan para lang sayo" magulo pa ding sagot niya sa akin.
Binigyan ko pa din si Lola ng kahit na kaunting barya bago ako umalis duon. Sapat na ang natira kong pera para makabili ako ng sampaguita. Tinitipid ko ang perang kinikita ko sa pagbebenta ng isda. Para sa oras na bumalik ang aking alaala, makakabalik ako sa aking pamilya. Kung mayroon man.
"Naku, nabudol ka Amary. Masyado ka kasing malambot" sita sa akin ni Vicky ng ikwento ko sa kanya ang sinabi sa akin ng matandang babae duon sa may simbahan. Lunes ngayon kaya naman marami ang trabaho.
Napanguso na lamang ako at napakibit balikat. Pareho kaming naging abala sa pagtitinda, marami na kaming suki dito kaya naman hindi na namin kailangan pang sumigaw sigaw para makahakot ng costumer.
"Oh Vicky, hindi ka susundo sa nobyo mo? Balita ko uuwi ah?"
Maging ako ay napahinto dahil sa anunsyo ng isa sa kakilala ni Vicky, nabato siya sa kanyang narinig. Pamilyar ang mukha nuon, nakikita ko siya sa may bigasan sa may kanto. "Uuwi si Eris?" Nagtatakang tanong ko kay Vicky.
Lukot na lukot ang kanyang noo. "Aba malay ko? Kakaalis lang nun ah! Ano, namiss kaagad ako?" Wala sa sariling tanong niya. Napangisi tuloy ako dahil duon.
Ilang minutong naging balisa si Vicky, panay din ang kalikot niya sa kanyang cellphone. Wala pang apat na araw nakaalis si Eris patungo sa manila, impossible nga namang uuwi na ito kaagad. Ako ang nagasikaso sa mga costumers habang busy siya sa kanyang ginagawa.
"Aba't ang tarantado..." asik ni Vicky. Nagulat ako dahil sa kanyang pagsinghal, mabilis kong sinundan ang kanyang tingin, maging ako ah nagulat din sa aking nakita.
Ngiting ngiti si Eris habang naglalakad papalapit sa amin, bitbit niya pa din ang travelling bag na dala niya nung umalis siya dito. "Hoy! Bakit ka umuwi kaagad?" Galit na salubong ni Vicky sa kanyang nobyo. Napatawa ako at napailing, parang hindi siya umiyak nubg umalis ito. Ngayong nandito ay nagagalit siya.
Imbes na harapin si Vicky ay sa akin nakatuon ang tingin ni Eris. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Nagpapalit palit na ang tingin niya sa akin at sa kanyang nobya. "May kasama ako, dito na muna kami magtratrabaho sa fishport pansamatala" wala sa sariling sabi ni Eris. Muli nanaman namin narinig ang malutong na mura ni Vicky. Napangiti ako habang pinapanuod itong maghysterikal sa harap ng kanyang boyfriend.
Sa pagkakaalam ko ay talagang nagiipon sila ngayon para magpakasal. Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng mahagip ng aking mga mata ang sinasabi ni Eris na kasama niya, hindi ako nakagalaw. Titig na titig ito sa akin, halos tumagos iyon sa aking ikabuturan. Nang hindi ko na kinaya ang titig niya ay ako na lamang din ang nagiwas ng tingin.
"Ito nga pala si Sir Piero..."
"Sir?" Asik ni Vicky na hindi pa din humihinahon.
"Este...Piero" alanganing sagot ni Eris. Hindi ko sila pinansin, nanatili ang tingin ko sa mga isda, mas pinagigihan ko pa ang pagpapaypay para hindi lumapit ang mga langaw.
Bahagya akong nagangat ng tingin sa kanyang kasama. Uminit ang pisngi ko ng makita kong titig na titig pa din siya sa akin. Hindi lamang iyon, namumula din ang kanyang mga mata. Kumunot tuloy ang noo ko habang tinitingnan ang mga isda. Ano kaya ang problema ng isang ito.
"Amary. Ipapakilala kita sa kaibigan ko" tawag sa akin ni Eris. Napanguso ako, masyado siyang kabado. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Tipid akong ngumiti sa kanya pero hindi sa kasama niya, masyado kasing creepy. Grabe makatitig!
Lumapit ako sa kanila para naman hindi ako magmukhang masungit. Hinubad ko ang suot kong rubber gloves. Nanatili sa kanyang dibdib ang aking tingin, isipin ko pa lang na salubungin ang kanyang titig sa akin ay para ng manginginig ang aking tuhod.
"Hi ako si Amary..." pagpapakilala ko sa kanya. Inabot ko sa kanyang ang aking kamay. Napasinghap ang halos lahat ng nakatingin sa amin ng mabilis niyang hinila ang aking kamay, halos sumubsob ako sa kanyang dibdib. Hindi ako nakagalaw kaagad, ramdam na ramdam ko ang kanyang matitigas na brasong mabilis na pumulupot sa akin.
"Diyosmio Eris!" Hiyaw ni Vicky.
Rinig na rinig ko ang pagrereklamo ni Vicky sa kanyang nobyo dahil sa ginawa ng kanyang bisita. Hindi naman ako nakagalaw, parang biglang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin.
Mas lalong humigpit ang yakap sa akin nito. "I miss you so damn much. I miss you Amaryllis" paos na sabi nito. Napaawang ang aking bibig, nang makabawi ay mabilis akong kumawala sa kanyang yakap.
"Ano ba!" Asik ko sa kanya. Matalim ko siyang tiningnan. Halos manuyo ang aking lalamunan ng makita kong ang kaninang namumula niyang mata ay lumuluha na ngayon.
Nakita ko ang paghampas ni Vicky sa kanyang nobyo. "Ano ba yan. ang gwapo ng kasama mo, pero may pagkamanyak ha!" Galit na sabi ni Vicky dito. Napakamot si Eris sa kanyang batok, nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at sa kanyang kaibigan.
Nanatili ang tingin sa akin nung lalaki. Mabilis ko siyang inirapan bago ako bumalik sa aking pwesto.
"Naku, pasencya ka na Amary. Gwapo sana pero medyo bastos"
Sinamaan ko din ng tingin si Vicky. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siyang nagsosorry o nangaasar pa. May naglalarong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.
"Infairness ang gwapo ni Piero" kinikilig na sabi niya kaya naman muli ko siyang inirapan. Sinasabi ko na nga ba!
Muling bumagsak ang tingin ko sa mga paninda naming isda. Umuwi na muna sina Eris at Piero sa aming tinutuluyang apartment. Gustuhin ko mang magalit sa kanya ng todo ay hindi ko magawa, lalo na nung makita ko kung paano siya naiyak kanina.
Tinawag din niya akong Amaryllis? Kilala niya ako? Sino ba siya at bigla bigla na lang siyang nangyayakap!?
Iyon ang naging usap usapan sa palengke buong araw. Hindi ang ginawa nitong pagyakap sa akin ang main topic, si Piero mismo ang pinagusapan nila. "Saan naman iyon napulot ni Eris, napakagwapo at makisig!"
Kanina pa ako nakabusangot. Rinding rindi na kasi ang tenga ko sa paulit ulit nilang paguusap tungkol dito. Panay ang puri nila duon, hindi ba nila nakitang manyak ang isang iyon?
Biglang nagbago ang mundong ginagalawan ko sa pagdating ni Piero. Hindi pa din malinaw sa akin kung ano ba talaga ang koneksyon naming dalawa, ngunit hindi na ata babalik sa normal ang lahat hangga't nandito siya. Kagaya ni Eris, sumasama siya sa amin tuwing madaling araw sa fishport para mamili ng isda. Silang dalawa din ni Eris ang nagbubuhat ng ilang balde ng isda at isinasakay iyon sa lumang pick up.
Tahimik ako siyang pinapanuod habang ginagawa niya iyon. Napapairap na lamang ako sa tuwing sumusulyap din ito sa akin at kung minsan ay ngumingiti pa.
"Naku po, ayan nanaman ang mga haliparot" naiiling na sabi ni Vicky. Sinundan ko ang kanyang tinitingnan at kaagad kong nakita ang grupo ng ilang babae. Kilala sila bilang mga babaeng nagtratrabaho sa isang bar sa may bayan.
Naikuyom ko ang kamao ko ng makita kong kay Piero sila lumapit. Pangalawang araw pa lamang ni Piero dito sa fishport ay nakakuha na kaagad siya ng mga fans niya.
"Ito talagang si Ara matinik eh" rinig kong reklamo pa ni Vicky. Nagtiimbagang ako. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero naiinis ako.
Tinapik ni Vicky ang aking braso. Inis ko siyang nilingon. "Buti na lang hindi gwapo si Eris..."
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng makita niya ang aking pagkainis. Walang sabi sabi ko siyang iniwan sa kinatatayuan namin malapit sa pick up. Lumapit ako sa kanila, halatang halata na ipinapakita ni Ara ang kanyang dibdib dito sa manyak na Piero na ito, gustong gusto naman niya!
"Piero, pwede bang isakay mo na iyang mga isda sa pick up. Bago ka makipaglandian diyan" mapanuyang sabi ko sa kanya. Laglag ang panga nila pareho, nainis ako lalo ng makita ko ang amusement sa mukha ni Piero dahil sa sinabi ko.
Kumunot ang noo ko ng makita ko kung paano maglaro ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi naman ikaw ang amo ni Piero, pareho lang naman kayong trabahador ah" maarteng suway ni Ara sa akin, nagtaas ako ng kilay sa kanya bago ako humalukipkip.
"Ayun na nga, nagtratrabaho si Piero. Bayad ang bawat oras niyan" balik ko sa kanya. Bayolente akong napalunok ng makita ko muli ang tingin ni Piero sa akin, nakangisi na siya ngayon.
Sa inis ko ay pareho ko silang inirapan. "Bahala na nga kayo diyan" sabi ko ay kaagad ko siyang tinalikuran. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi habang naglalakad ako pabalik sa pick up. Damn it! Ano bang nangyayari sayo Amary?
Napanganga ako ng makita kong nauna pang nakalapit si Piero sa may pick up, nagulat ako! Muli kong nilingon ang pinanggalingan namin ngunit ang nakabusangot na si Ara na lamang ang nanduon
Nakangisi si Vicky sa akin habang naglalakad ako palapit sa kanila. Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Ano bang nagawa ko?
"Napagalita ko tuloy Piero. Time is gold kasi para kay Amary" nakangising puna ni Vicky sa kanya. Nanatili ang mata ko sa lupa, ramdam ko ang pagtingin ni Piero sa akin.
"Walang kaso sa akin. Medyo nagselos lang siguro" nakangising sabi niya. Nagtawanan silang tatlo kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit naman ako magseselos, hindi ako nagseselos!" Laban ko sa kanya. Mas lalo lamang siyang ngumisi sa akin. Nakakainis! Simula nung dumating siya dito mas lalo na akong naging ilang, hindi na halos ako makagalaw ng maayos. Paano ba naman kasi, sa tuwing titigin pa lang ako sa kanya ay nahuhuli kong nakatingin na siya, at hindi lang basta iyon tingin. Titig iyon!
Mas lalo akong inasar ni Vicky. Hindi na lamang ako umimik, pareho naming hindi kilala si Piero pero nung minsang misinsinan siyang kausapin ni Eris ay nagkaganyan na siya. Naging magaan kaagad ang pakikitungo niya dito.
Magkatabi kami sa likod, si Eris ang nagmamaneho katabi si Vicky. Nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko ang pagusog ni Piero sa aking tabi. Halos magsitayuan ang balahibo sa braso at batok ko ng humilig siya sa akin at bumulong.
"Baby wag ka ng magselos" bulong niya. Napasinghap ako dahil duon, mabilis ko siyang nilingon. Nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. Sumulyap ako sa harapan ngunit parang wala lamang iyon kins Eris at Vicky.
Tinulak ko ang kanyang balikat, ngunit sa laki ng frame ng kanyang katawan ay hindi man lang siya natinag. "Lumayo ka nga" pagtataboy ko sa kanya.
Muli ko siyang tinulak sa kanyang bandang dibdib. Bumaba ang tingin niya duon na para bang gustong gusto niya ang paghawak ko sa kanya. Nabato ako sa aking kinauupuan ng ihilig niya ang noo niya sa aking balikat.
"Hindi na ulit. Hindi ko na ulit hahayaang makalayo ka sa akin Amaryllis, tama na" marahang sabi niya sa akin. Bayolente akong napalunok, parang may kung anong humaplos sa aking dibdib ng marinig ko ang kanyang boses. May halong pait, sakit at pagod.
Sinubuka ko siyang paalisin pero mas lalo siyang nagmatigas. Mas lalo niyang isiniksik ang mukha niya sa aking leeg. Muli kong sinulyapan si Eris sa rear view mirro, bahagya siyang sumulyap sa amin pero kaagad ding nagiwas ng tingin. Ano bang nangyayari?
"I miss you. I miss you so much...tatlong taon akong nabuhay na parang patay. Alam mo ba iyon baby? Ang hirap"
Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang dibdib ko habang pinapakinggan ko siya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng maramdaman ko anh paginit ng gilid ng aking mga mata.
"Vicky, pwede bang sa bahay na muna ako. Masama ang pakiramdam ko" sabi ko dito.
Mabilis na umayos ng upo ang katabi kong si Piero. Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Itinuon ko ang aking tingin sa may binta, papasikat na ang araw. Naramdaman ko ang pagbaling ni Vicky sa akin, ramdam ko ang kanyang pagaalala sa akin.
"Sige, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala ni Eris sa pwesto"
Wala akong pinansin ni isa sa kanila pagkatapos nuon. Huminto ang pick up sa harap ng tinutuluyan naming apartment. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong umalis ang pick up kasama si Piero. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha, hindi ko alam kung para saan iyon ngunit, sobrang bigat ng aking dibdib. Masyado akong naapektuhan ng mga sinabi ni Piero. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang boses.
Nagkulong ako sa kwarto. Sinubukan kong umidlip para tanggalin ang sakit ng aking ulo maging ang bigat ng aking dibdib. Nakaidlip ako ng ilang minuto, nang gumising ay muli akong nakaramdam ng inis ng maabutan ko si Piero sa may sala. Nakaupo sa may sofa habang nakapikit.
"Anong ginagawa mo dito?"
Marahan niyang iminulat ang kanyang mga matal. Kita ko ang pagod duon. Bayolente akong napalunok, bakit ba masyado akong apektado para sa lalaking ito?
"Binilhan kita ng Peanut butter" sabi niya sa akin at sinubukang iabot sa akin ang isang plastick.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang hawak. Muling uminit ang gilid ng aking mga mata. "Sino ka ba?" Matapang na tanong ko sa kanya. Kita ko din ang gulat sa kanyang mga mata.
"Sino ka?" Naiiyak ng tanong ko. Pakiramdam ko, hindi lang siya basta kaibigan ni Eris. Marahil kagay nung doctor at ni rajiv ay matagal ko na din siyang kilala.
Nakita ko ang panlulumo ng kanyang mga mata. "Baby..." tawag niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Sino ka ba Piero!?" Sigaw ko sa kanya. Ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa aking ulo.
"Damn baby, wag namang ganyan. Alalahanin mo naman ako" emosyonal na pakiusap niya sa akin.
Mas lalong nanigas ang aking katawan. Mukhang hindi kinakaya ng aking utak ang mga emosyon at impormasyon gustong ibigay sa akin ni Piero.
"Hindi kita kilala, hindi kita maalala. Layuan mo muna ako, parang awa mo na..." pakiusap ko sa kanya.
Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. "Tangina Amaryllis, hanggang kailan ka ba magmamakaawa sa akin na palayain kita?" Galit na tanong niya sa akin. Nabigla ako,hindi ko inaasahan ang biglang galit niya.
Hindi ko napigilang humikbi. "Walang akong maalala, nagsisikap pa akong makaalala. Makakagulo ka lang sa akin" paliwanag ko sa kanya.
Sinubukan niyang humakbang papalapit sa akin. Humakbang ako paatras. Muling gumuhit ang sakit sa kanyang mukha. "Baby tama na. Tama na" pakiusap niya sa akin. Napailing iling ako.
"Asawa mo ako. Asawa mo ako Amaryllis"
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa kanyang sinabi. Sa sobrang sakit nito at para akong nasusuffocate.
"Anong nangyayari?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Sinubukan niya akong lapitan. Mabilis akong umiwas sa kanya, nang makakuha ng lakas ay mabilis akong pumasok sa kwarto. Tatakas ulit ako, kagaya ng pagtakas komsa Doctor at kay Rajiv. Hindi ko sila kilala, sino ba sila?
"Anong ginagaw mo? Saan ka pupunta?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin, tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha habang nagmamadali akong ilagay ang mga damit ko sa aking backpack.
"Tangina Amaryllis" frustrated na sabi nito. Pilit niyang pinipigilan ang aking pageempake. Nang hindi siya nagpapigil ay kaagad ko siyang pinagpapalo sa kanyang dibdib. Hindi siya umagal, hinyaan niya lang ako.
"Sabing wala akong maalala! Hindi kita kilala!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya. Nahihirapan na ako, hindi kaya ng utak ko ang mga impormasyon.
Nagpatuloy ako sa pananakit kay Piero. Hinayaan niya ako hanggang sa ako na mismo ang napagod. Nang manghina ang aking katawan ay niyakap niya ako. "Mahal kita Amaryllis. Mahal na mahal kita..." malambing na bulong niya sa akin, ramdam ko din ang kanyang pagiyak.
"Hindi kita kilala, hindi kita maalala.." umiiyak na sumbong ko sa kanya. Gusto kong pilitin ang sarili kong makaalala. Gusto kong ipush ang limit ko pero sa tuwing hindi ako nagtatagumpay ay mas lalo lamang akong nasasaktan. Mas lalo ko lamang gustong makawala.
Pakiramdam ko nasa isang kulungan ako. Pakiramdam ko, kagaya ng memorya ko ay nakakulong ako. Mas lalong humugpit ang yakap ni Piero sa akin, ramdam ko ang malambing niyang paghaplos sa aking buhok para patahanin ako.
"Anong gusto mong gawin ko baby? Kahit ano?" Pagsuko niya, ramdam ko ang sakit duon.
Bayolente akong napalunok. "Gusto ko munang mapagisa, gusto kong bumalik ang memorya ko. You are not healthy for me..."
Narinig ang kanyang mahihinang mura. "Palagi mo na lang akong tinataboy, ako namang si gago susunod sayo" may bahid ng pagtatampong sumbong niya sa akin. Hindi ako nakaimik, hinayaan ko siya.
"Amputa, ikaw palagi ang nasusunod" sabi pa niya. Gusto kong gantihan ang yakap niya sa akin pero wala akong lakas.
"Please..." pakiusap ko pa. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang kanyang pagtango.
"Bumalik ka kaagad please. Kailangan ka namin ni Prymer. Baby, kailangan ka namin" malambing na sabi niya sa akin.
Naramdaman ko ang paghalik ni Piero sa aking noo. Parang may kung anong nabuhay sa akin dahil duon. "Aalis ako bukas kung iyan ang gusto mo. Aalis ako baby" paninigurado niya sa akin kahit ramdam kong hindi niya iyon gusto.
Matapos kong magising mula sa hospital, ngayon ko na lamang ulit naramdaman ito. Ngayon ko na lamang ulit naramdaman ang pagkalma mo. Piero is a trigger for me, but at the same time he can be my peace.
Iginaya niya ako pahiga sa kama. Marahan niyang sinuklay ang aking buhok, halos dalawin ako ng antok dahil duon. Titig na titig siya sa akin.
"Ang mahalaga para sa akin buhay ka. Hindi mo kami iniwan" marahang sabi pa niya sa akin. Dahan dahan niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha, napapikit ako ng maramdaman ko ang labi niya sa akin.
Dahan dahan akong hinatak ng antok matapos iyon. Kasabay nuon ang pagbuhos ng isang mabigat na alaala.
"Anak, lumaban ka..." emosyonal na sabi ni Papa sa akin. Kita ko ang luha sa kanyang mga mata.
Gusto ko siyang ngitian pero hindi ko magawa, masyadong mahina na ang aking katawan. Nakahiga ako sa hospital bed para sa gagawing operasyon sa akin. Sasailalim ako sa caesarian section para ipanganak ang anak namin ni Piero. Hindi na pwedeng umabot ako sa labor dahil hindi iyon kakayanin ng aking puso. Kailangan na itong gawin ngayon.
Sinubukan kong ngitian si Papa, imbes na mangiti ay naiyak na lamang ako. "Papa...natatakot po ako" sumbong ko sa kanya, simula ng dumating kami dito ay ngayon ko lamang nasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman, natatakot ako.
Hinihintay na lang nila ang go signal ni Papa para ipasok ako sa operating room. Sumikip ang dibdib ko ng muli kong maalala si Piero, maging ang batang dinadala ko.
Makikita ko pa kaya sila? Makakasama ko pa ba sila?
"Si Prymer, para siya kay Piero. Ibigay mo siya kay Piero, Papa" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Narinig ko ang kanyang pagpiyok. Marahas siyang umiling. "Sabay kayong babalik kay Piero. Sabay kayo anak" umiiyak na sabi niya sa akin.
Marahan akong napailing. "Baka hindi ko na kayanin Papa, hirap na hirap na ako. Pagod na ako..."
Hindi na siya nakapagsalita, bumuhos ang kanyang luha. Hinalikan niya ako sa aking noo at niyakap. "Mahal na mahal kita anak..." umiiyak na sabi pa niya.
"Mahal ko din po kayo Papa. Ikaw, si Akie at si Mommy"
Mariin akong napapikit habang pinapakinggan ang iyak ni Papa. Marahan kong hinaplos ang aking sinapupunan. Nagbigay na siya ng signal sa mga doctor para isailalim ako sa operation. Walanh kasiguraduhan kung makakabalik pa ako. But i want to take the risk. Kahit para na lang sa anak namin ni Piero.
"Pakisabi kay Piero, I'm sorry..." pumiyok na sabi ko. Dahan dahang umaandar ang hospital bed papasok sa operating room.
"Mahal na mahal ko siya. Silang dalawa ni Prymer"
Mula sa isang panaginip ay nagising ako. Hingal na hingal ako, ramdam ko din ang pagtulo ng malalaking butil ng pawis sa aking noo. Sumulyap ako sa may bintana, maliwanag na sa labas. Nagmadali akong bumangon.
"Si Piero?" Tanong ko kay Vicky ng maabutan ko siya sa may sala. Emosyonal din ito.
"Umalis na sila ni Eris, babalik na daw ng manila" sabi niya sa akin, kaagad na nanlaki ang aking mga mata. Nagulat din si Vicky sa aking biglaang paghangos.
Wala akong sinayang na oras. Mabilis akong lumabas ng bahay. "Saan sila? Sa port or sa airport?" Aligagang tanong ko sa kanila.
"Ayaw ni Eris sa eroplano, magbabarko sila" sagot niya sa akin.
Sinamahan ako ni Vicky sa may pier. Gulat na gulat pa din siya sa mga ikinikilos ko. Pero hindi na niya nagawang magtanong. Mabilis akong tumakbo pagkababa ng pick up.
"Piero!" Sigaw na tawag ko sa kanya.
Bumigat ang dibdib ko ng makita kong unti unti ng umalis ang barko. "Piero..." umiiyak na tawag ko.
Bumuhos ang luha ko habang tinatanaw ang paglayo nila. "Naaalala ko na. I'm sorry..." umiiyak pa ding sabi ko pero huli na. Tahimik akong umiyak duon.
"Nice bangs" nakangiting bati sa akin ng isang tourista.
Nagiwas ako nangtingin sa kanya. Marahan kong pinahiran ang luha sa aking mga mata. Uuwi ako, kukuhanin ko anh ipon ko at magtutungo kaagad sa maynila.
Tatakbo na sana ako ng mabilis akong mabunggo sa aking malaking bulto. Halos mabunggo ang mukha ko sa kanyang dibdib. Pamilyar ang kanyang amoy, muling nanggilid ang luha sa aking mga mata.
Marahan niyang hinawakan ang aking magkabilang siko. Bayolente akong napalunok, akala ko nawala ko na siya.
"I love the bangs" malambing na sabi niya bago niya ako hinalikan sa aking noo.
(A/n) Watch out for Epilogue and Special chapter.
Thank you.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro