Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

She is gone








Halos malunod ako ng aking mga luha. Ang mga matang nakatingin sa akin ngayon ay kapareho ng mga mata ni Amaryllis sa tuwing tinititigan niya ako. Inosente at nangungusap, hindi ko napigilang mapahikbi. Kumunot ang noo ng bata dahil sa aking itsura.

"Cry? Stop cry" nakangusong sabi niya sa akin. Maging ang kanyang boses ay malambing din. Halos mamanhid ako ng hawakan ng maliit at malambot niyang kamay ang aking pisngi.

Hinawakan ko din ang kamay niya at dinala iyon sa aking labi para halikan. "Where's Mommy? Uhm..." malambing na tanong ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot, nanatili siyang nakatingin sa akin. Damn, kamukhang kamukha ni Amaryllis.

Marahan ko siyang hinila at mahigpit na niyakap. Hindi pumalag ang anak ko, naramdaman ko din anh pagkakawit ng kanyang braso sa aking leeg. "I love you..." bulong ko a kanya, at para na din kay Amaryllis.

Paulit ulit ko din siyang hinalikan sa kanyang pisngi. Ngumuti siya dahil duon. "What's your name?"

Halos masakop ng pareho kong mga kamay ang kanyang maliit na mukha. "Prymer" tipid na sagot niya sa akin. Tipid akong tumango.

"Lolo!" Sigaw niya sabay turo sa aming likuran. Kaagad akong lumingon duon at nakita ang marahang paglapit sa amin ni Doctor Guevarra. Tipid niya akong nginitian.

"Her name is Prymer Amora Herrer..."

Mas lalo akong napasinghap ng marinig ang buong pangalan ng aming anak. Prymer Amora in spanish means First love. Damn, it was love at first sight, anak. Muli kong binalingan ang bata sa aking harapan, ngiting ngiti pa din ito sa akin.

"Nasaan ang asawa ko?" Matapang na tanong ko kay Doctor Guevarra ng makaroon ako ng lakas ng loob.

Muling kumirot ang dibdib ko ng bumagsak ang kanyang mga mata sa lupa. "She is gone Piero..." halos pabulong na sagot niya sa akin.

Marahas akong umiling. Hindi ito totooo! Hindi pwede!

"Bakit? Bakit hindi bumalik?" Pumiyok na tanong ko. Punong puno ng pait at sakit ang aking boses. Akala ko ba ay babalik? Naghihintay ako!

Nakita ko ang pagod at sakit sa mga mata nito. "Bumalik siya sayo Piero...look at your daugther" marahang paliwanag ni Doctor Guevarra sa akin. Nagpatuloy ako sa pagiling, hindi ako tatanggap ng ganitong sagot mula sa kanila. Hindi ko tatanggapin ang sagot na ito.

Nanigas ako ng maramdaman ako ang paghawak nito sa aking binti. Bumaba ang tingin ko sa kanya, sinalubong ako ng kanyang nangungusap na mga mata.

"Dad...daddy?" Tawag niya sa akin. Bayolente akong lumunok, patid ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang buhatin ko siya pero hindi ko ginawa.

I want Amaryllis!

Simula ng bumalik kami sa loob ng bahay ay hindi ko na muling tinapunan ang bata ng tingin. Hindi ko kaya...hindi ko na kayanh tingnan pa siya.

"Matalinong bata ito, hindi mo aakalaing 2 years old pa lang" puna ni Mommy habang kandong ang kanyang apo. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang tuwa nila sa bata.

Nanatili akong tahimik, ramdam ko ang mga pagsulyap ni Doctor Guevarra sa akin. Wala akong ganang makipagusap, muli nanamang sumagi sa aking isipan ang pagtapos sa akin buhay. Biglang namanhid ang buong katawan ko, wala na akong ibang maramdaman. I want Amaryllis, gusto ko siyang makita. Siya ang kailangan ko, siya lang ang gusto ko!.

Dumating ang mga kapatid ko dahil sa balita. Narinig ko ang pagsinghap ni Castellana ng makita ito. Mas lalong bumigat ang loob ko ng makita ko ang may kalakihan na nitong sinapupunan. Napuno ako ng pait, ni hindi ko man lang nakita si Amaryllis na ganuon. Ni hindi ko man lang naranasang bilhin ang mga pinalilihian niya, ang alagaan siya sa tuwing nahihirapan siyang dalhin ang anak namin sa sinapupunan niya.

"Congrats" alanganing sambit ni Tadeo. Dumilim lamang ang tingin ko sa kanya. Hindi niya iyon pinansin.

"C'mon Piero, anak mo iyan" mahinahong sabi niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. Marahan na lamang siyang napailing dahil sa hindi ko pagimik.

Tuwang tuwa ang lahat sa pag dating ni Prymer, tahimik ko lamang silang pinapanuod sa malayo. Gusto kong umiyak at magwala. Ngunit dahil sa sobrang sakit, nawalan ako ng nararamdaman. Umurong maging ang mga luha. Para akong namatay, nawalan ng emosyon.

"My name is Castaniel, you can call me Cassy" magiliw na pagpapakilala nito sa pinsan. Mas matanda ito ng halos isang taon sa aming anak.

Narinig ko din ang pagpapakilala sa kanya ng anak ko, medyo bulol pa at hindi klaro ang kanyang mga salita. Hindi ko naman mapagkakailang tama si Mommy, matalino ang aming anak. Nakita ko iyon sa kung paano siya gumalaw, sa kung paano siya makipagusap kahit halos tango at iling palaging ginagawa, at sa kung paano siya makinig sa mga taong nagsasalita sa paligid niya.

Parang may kung anong sumaplos sa puso ko ng makita ko ang pagtingin nito sa akin. Muli niya akong nginitian, imbes na suklian iyon ay nagiwas ako ng tingin.

Muli akong sumimsim ng alak mula sa hawak kong baso. Bigong bigo akong nakaupo sa bar counter namin sa bahay habang paminsan minsang sumusulyap sa kanila na hanggang ngayon ay aliw na aliw pa din dito.

"Ano itong pinapakita mo, Piero?" May diing tanong ni Kenzo sa akin. Hindi ko siya pinansin, kagaya ng hindi ko pinansin Tadeo kanina.

Nanatili ang mata ko sa baso ng alak. "Anak mo iyon. Bakit parang pakiramdam namin ayaw mo sa kanya?" May bahid ng sakit na tanong niya. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha, hindi ko alam kung saan niya nakuha anh emosyong ipinapakita niya ngayon sa akin.

"I welcome her, hindi ba't naiyak pa nga ako" tamad na sagot ko sa kanya. Nanggigil si Kenzo, ramdam kong gusto niya akong saktan. The hell I care, palibhasa ay hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko.

"I want Amaryllis" madiing sambit ko.

"At ang anak mo?" Laban na tanong niya sa akin.

Nagtiim bagang ako. Hindi ko ito gustong sabihin, pero kailangan ko si Amaryllis. "I want Amaryllis" madiing sagot ko sa kanya. Napahiyaw sila sa may sala ng makita kung paano ako kinwelyuhan ni Kenzo.

"You're unbelievable!" Asik niya sa pagmumukha ko, galit na galit.

Sinubukang lumapit ni Cairo at Tadeo para pumagitna sa amin. Nakipaglaban ako ng titigan kay Kenzo. Gigil na gigil pa din siya sa akin ngayon.

"Tama na iyan. Please stop this" marahan ngunit may diing suway ni Mommy sa amin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng muli kong makita kung paano pumungay ang kanyang mga mata, kung paanong nagbabadya ang kanyang mga luha. "Wag dito, wag sa harap ng mga bata" emosyonal na dugtong niya.

Bumaling ako sa may sala. Nakita kong nakayakap na ngayon si Castaniel sa Mommy niya. May kung anong bumara sa aking lalamunan ng nagiwas ng tingin si Doctor Guevarra sa akin. Mabilis niyang niyakap si Prymer. Tangina Piero! Iniisip marahil niya na hindi ko tanggap ang anak namin. Ofcourse not! Give me time, i need time.

Walang may gustong umimik, kahit pa nung nasa dinner na kami. Si Daddy, si Mommy at Doctor Guevarra lang ang halos naguusap.

"Should i expect a girl from you too, Kenzo?"

Tanong ni Daddy sa kanya, kita ko ang kakaibang tiningnan nila ni Tadeo. Napairap na lamang ako sa isip may tinatago ang dalawa.

"From you Cairo?" Baling ni Daddy dito.

Tumaas ang kilay ko ng makita ang kanyang pagiling. "Wala akong planong magpakasal Dad, focus ako sa companya" seryosong sagot niya dito. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mommy. Alam kong gusto niyang magsalita ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili.

Tuwang tuwa si Daddy sa unang dalawang babaeng apo. Ngayon pa lang nasisigurado kong magiging spoiled ang dalawa. Ofcourse, i'll spoiled my daughter too. I just need time.

Ramdam ko pa din ang titig ni Doctor Guevarra sa akin. Alam kong marami pa kaming dapat pagusapan. Marami din naman akong gustong malaman, pero hindi ngayon. Kung gusto niya lamang idetalye sa akin kung paano nangyari ang sagot niya kanina na wala na si Amaryllis, ayoko ng malaman.

Nagpaalam sila na aalis na after ng dinner. Gusto kong magprotesta, gusto kong kuhanin sa bisig niya ang anak ko para wag niyang ialis dito. Pero alam kong sa ngayon, mas mabuting sa kanya muna si Prymer. Gustuhin ko man siyang alagaan, hindi ko alam kung paano.

"Dadalhin ko ulit siya dito, hanggang sa masanay siya at pwede ng iwanan dito" paliwanag niya sa amin.

Nanatili ang titig ko sa aking anak. Kita sa kanyang mga mata ang antok. Bumigat ang aking dibdib, sa aking isipan ay pilit ba kinakausap si Amaryllis.

I need you here baby, We need you here.

Nalipat ang tingin ni Doctor Guevarra sa akin. Naghihintay din sa kung ano ang aking gagawin. Mula sa mabibigat na hakbang ay nagawa kong lumapit sa kanila.

"Bye Daddy" malambing na sabi niya sa akin at nagawa pang kumaway. Muling uminit ang gilid ng aking mga mata ng halikan ko siya sa noo. Kung paano ko halikan ang mommy niya. Kung paano ko tinanggap ang bangs niya at halikan siya kahit may ganuon.

"I think you need time anak. Naiintindihan ko, hindi madali. Naramdaman ko din yan nung una. Pero walang kasalanan si Prymer dito" malumanay na paliwanag ni Doctor Guevarra sa akin. Kaagad kong naramdaman ang pagtakas ng luha mula sa aking mga mata. Napatango tango ako, tama siya. Walang kasalanan ang anak namin dito.

Nagpaalam at humalik din sa kanya ang mga kapatid ko, pati sina mommy atb daddy. Mas lalo kong naramdaman ang kalungkutan ng makita ang kanilang tuluyang pagalis. Kasama niya, wala na namang natira sa akin. Naubos ako nung umalis si Amaryllis, mas lalo akong naubos ngayon.

Imbes na dumiretso sa aking kwarto, mas pinili ko na lamang na lumagi muna sa garden. Kung saan madilim, tahimik at ako lang magisa.

"Anak..." tawag ni Mommy sa akin. Nilingon ko siya, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tahimik siyang tumabi sa aking kinauupuan.

"Kita mo iyon? Ganuon ka kamahal ni Amaryllis kaya ka niya binigyan ng anak"

Napakagat ako sa aking pagibabang labi para itago ang emosyon. I know, ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin sa pamamagitan ng anak namin. Nilabanan niya ang sakit niya para bigyan ako ng anak. Damn it, baby...I love you so much.

Marahan akong tumango. "Mahal ko siya ma. Anak ko iyon, anak namin, mahal ko siya. It's just that, i need time..."

"I don't know how to love anymore, I'm heartless" pahabol ko pa. Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Mommy sa aking pisngi.

"Hindi iyan totoo...as long as nabubuhay ka, makakayanan mong magmahal. Tama ka, kailangan mo ng oras. Pero makakayanan mong magmahal ulit anak. Lalo na sa anak niyo" marahang paliwanag ni Mommy sa akin.

"I want her back Mom. I want her back..." sumbong ko kay Mommy. Para akong batang humihingi sa kanya ng gusto kong laruan, batang nakikiusap na ibigay sa kanya kung anong gusto niya.

Mas lalong naiyak si Mommy. "Mahal kita anak, kung kaya ko lang ibigay sayo ang hinihingi mo ibibigay ko" paninigurado niya sa akin.

"Pero may mga bagay talaga tayong kailangang tanggapin. Hindi lahat naayon sa kagustuhan natin"

Hindi naging maayos ang tulog ko ng gabing iyon, pero nagawa ko pa ding gumising ng maaga kinabukasan. Nagulat ako ng makita ko si Prymer ss may dinning, katabi ni Mommy at kumakain ng hotdog.

"Piero anak, maaga siyang dinala dito ni Doctor Guevarra" nakangiting salubong niya sa akin. Humalik muna ako sa kanya bago ako alanganing lumapit sa bata para halikan din siya sa kanyang ulo.

"Morning" sambit ko sa kanya pero nginitian niya lamang ako at ipinakita ang hotdog na kinakain niya na nakatusok sa tinidor.

"Tabihan mo na ang anak mo. Kailangan niyo ding magbonding, para masanay siya sayo anak" paliwanag ni Mommy na kaagad kong pinutol.

"Busy ako sa companya, Mommy" sabi ko at nagiwas ng tingin. Ramdam ko pa din ang titig niya sa akin.

"Ok lang anak, I'm sure your daughter can wait..." makahulugang sabi niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Tangina Piero, ang anak mo pa talaga ang magaadjust para sayo!

Halos hindi ako makakain ng maayos dahil sa pagsulyap ko sa kanya. May makailang beses na hinahawakan niya ang aking kamay. "Yummy..." sabi pa niya at muling itinaas ang hawak na hotdog.

Tumagal ang titig ko sa kanya ng makita kong magulo ang pagkakaayos ng kanyang bangs. Marahan ko iyong inayos para sa kanya.

"Daddy...daddy" paulit ulit niyang tawag sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nagawang tawagin ako kaagad ng ganuon gayong kahapon lang naman kami nagkita.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dumating si Tadeo kasama ang anak na si Castaniel. "Pinakiusap ko kay Castel na dito iwanan si Cassy para may kalaro itong si Prymer" paliwanag ni mommy sa akin.

"Asaan si Doctor Guevarr?"

Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng pakiramdam na baka may itinatagi ito sa akin. Na baka itinatago niya sa akin si Amaryllis. "Kasama ni Kenzo sa hospital, duon na siya magtratrabaho" sagot ni Mommy sa akin.

Hindi ko tinanggap ang excuse na iyon. "Sabi ng secretary ko kahapon, nandito si Doctor Guevarra at ang kanyang anak. Si Amaryllis iyon hindi ba?" Desididong tanong ko kay Mommy. Desperado na talaga ako.

Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Baka nagkamali lang ang secretary mo anak. Si Prymer ang tinutukoy niyang kasama ni Doc Guevarra kahapon" malungkot na sagot niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.

Unti unting namuo ang galit sa aking sistema, pero mabilis din iyong naglaho ng bumaba ang tingin ko sa aking anak. Kumalma ako ng makita ko siya. Kung paano niya ako tingnan, parang si Amaryllis.

Nagstay kami sandali sa garden pagkatapos kumain ng breakfast. May importanteng meeting kami ngayon kasama si Daddy kaya naman napagpasyahan naming sabay sabay ng pumunta sa office. Tahimik kami ni Tadeo, kapwa kami nakatayo habang pinapanuod ang mga anak naming naglalaro sa malaking playgroung set sa may garden.

"Prymer Amora means First love, right?" Tanong niya sa akin. Sandali ko siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa dalawang bata.

"Yeah..." sagot ko.

Prymer deserves everything, kayang kaya kong ibigay sa kanya ang lahat ng kailanganin, gustuhin at hinhin niya. Walang pagdadalawang isip kong ibibigay iyon sa kanya. Anak ko siya, isa siyang Herrer at karapatan niya iyon. Pero sa ngayon, aayusin ko muna ang sarili ko. Kaunting tiis lang anak.

Narinig namin mula sa loob ang pagbaba ni Daddy. Nalaman naming aalis na kami dahil sa boses ni Mommy. Kahit sa malayo ay rinig na rinig pa din namin ang boses niya. Pareho na lamang kaming napatawa ni Tadeo dahil duon.

"Cassy, baby aalis na si Daddy" tawag ni Tadeo sa anak. Mabilis na tumigil ito sa paglalaro at tumakbo patungo sa ama.

Nakita ko ang pagtawa ni Prymer, ginaya ang pinsan at tumakbo din palapit sa amin. Ilang hakbang mula sa akin ay tumugil siya, tahimik na pinapanuod kung paano binuhat ni Tadeo ang anak at hinalikan.

"Daddy, up!" Baling niya sa akin, itinaas ang dalawang kamay para magpabuhat din.

Tinitigan ko lang siya. Nanatiling nakataas ang kanyang mga kamay sa aking harapan. "Damn it, Piero! Naglalambing ang anak mo" inis na sita ni Tadeo sa akin ng mukhamg mapansin ang nangyayari.

Wala sa sarili akong yumuko para buhatin ito. She giggle because of that, humigpit ang yakap niya sa aking leeg.

"I love, Daddy" deklara niya habang paulit ulit na hinahalikan ang aking pisngi.

Para akong natauhan. Ako naman ngayon ang humalik sa kanya. "I love you too, baby" malambing na sabi ko sa kanya.

Unti unting gumaan ang dibdib ko. Kahit madami akong iniisip ay nagawa ko pa ding magfocus sa aking trabaho. Dahil sa pagdating ni Prymer, mas lalong kailangan kong doblehin ang ginagawa ko. Mas lalo kong gagalingan sa trabaho.

"Sir, may bisita po kayo" salubong sa akin ng aking secretary pagbalik ko sa aking opisina galing sa conference room.

Itinuro niya ang receiving area. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang babae. Ngiting ngiti ito habang papalapit sa akin. Pamilyar ang kanyang mukha, pero hindi ko na maalala.

"Long time no see Piero, remember me? Vera Montero, Rafael Silvestre's cousin. Sa bulacan..." pagpapakilala niya sa akin.

Mas lalong akong nagtaas ng kilay sa kanya. Biglang uminit ang ulo ko ng maalala ang ginawa niya sa asawa ko nuon. Tumalim ang tingin ko sa kanya, pilit kong ipinapakitang ayoko sa kanyang presencya.

She smiled widely. Hindi pinansin ang talim ng aking tingin. "Ako ang ipinadala ng company to be the representative, for the new project" tuloy tuloy na kwento pa niya.

Inirapan ko siya. "You can talk to my secretary about appointments" malamig na sabi ko at tangkang tatalikuran na siya ng humarang pa siya sa aking daraanan.

"Can I, invite you for lunch then?"

Bayolente akong napalunok. "No"

Napaawang ang kanyang bibig. Umiinit ang ulo ko dahil sa babaeng ito. "For the project?" Pamimilit pa niya.

Tinalikuran ko siya. "My wife won't like that idea" napahinto ako sa tuluyang pagpasok ng marinig ko ang kanyang pagngisi.

"What wife? The last time I check, you are very single. Hindi ba't patay na si Ama..."

Bagopa niya matapos ang kanyang sasabihin ay kaagad ko ng kinain ang distansya naming dalawa. Kita ko ang pagkabigla at takot sa kanyang mga mata.

"I can kill, Vera. Kayang kaya kong pumatay" pananakot ko sa kanya. Halos maiyak siya dahil sa galit at talim ng titig ko sa kanya.

"But Piero..."

"Leave, or else...ipapatapon kita palabas ng building na ito" panghahamon ko pa sa kanya. Tuluyan siyang naiyak ay kaagad na tumakbo palayo sa akin. Damn it!

Mas lalong naging busy sa companya ng mga sumunod pang araw. Ilang mga project ang kailangan naming mafinalize kaya naman panay ang meeting. Si Cairo ang nakaupong CEO para sa Jimenez and Herrer group of companies. Ang companyang hinahawakan ko ngayon ay ang companya ng pamilya nila Mommy nung dalaga pa siya.

Araw ng biyernes at mas lalong dumoble ang trahaho. Everything was on its fucking deadline.

"Sir Piero, nandito po ang Mommy niyo" anunsyo ng aking secretary mula sa intercom.

"Papasukin mo"

Mula sa aking laptop, nalipat ang tingin ko sa pintuan kung saan pumasok si Mommy. Nagulat ako ng makitang hindi ito nagiisa. Hawak niya kanyang kamang kamay ang aking anak, may suot itong maliit na backpack at para siyang manika dahil sa suot na dress.

"What brought you here, Mom? Bakit kasama mo si Prymer?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Napahilot ako sa aking sentido ng marinig ang dahilan ni Mommy. She needs to attend a meeting with Dad, Dala niya si Prymer para sana sa simpleng pagbisita, hindi niya inaasahang makita ang ilang kaibigan ni Lolo sa negosyo kaya naman kinailangan niyang sumama sa meeting ng mga ito.

Napasulyap ako sa aking anak na natahimik na nagkukulay sa may center table. Walang kamuang muang sa mundo at mapakanta kanta pa. Dahil sa kanyang presencya ay gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam.

Naputol ang tingin ko sa kanya ng kumatok at pumasok ang aking secretary.

"What the hell is this?" Mahinahon ngunit galit na tanong ko sa aking secretary ng ipakita niya sa akin ang isang report. Ilang araw na namin iyong tinatrabaho pero hindi pa din niya makuhakuha.

Hindi siya nakasagot sa akin. "I need the fucking updated price, do you hear me?" Asik ko sa kanya, hindi ko napigilang hindi magtaas ng boses dahil sa frustrstion.

Pagod akong napalingon sa aking anak. Nagulat ako ng makita ko ang pamumula ng kanyang mukha, nakasibi at umiiyak. Takot siyang tumingin sa akin.

"It's not you Prymer..."

Parang isang putok ng baril ay kaagad siyang umiyak. Napahilot ako sa aking sintido. "Prymer stop it" pagod na suway ko sa kanya. Hindi pa din siya tumigil mas lalo siyang umiyak.

"I said stop it!" Asik ko.

Sandali siyang natigil. Nagulat din ako dahil sa aking biglaang pagburst out.

"Lola!" Umiiyak na sigaw niya.

"Lola!"

Bayolente akong napalunok. Damn it! Sinubukan ko siyang lapitan. Takot siyang umatras para makalayo sa akin.

"Baby..." malambing na tawag ko sa kanya. Lumuhod ako sa kanyang harapan.

"Lola. I'm scared" umiiyak na sumbong niya. Kumirot ang dibdib ko dahil duon.

"I'm sorry. I'm sorry baby..." malambing na pagaalo ko sa kanya. Nanatili siyang malayo sa akin. Napasandal na siya sa sofa para lang makalayo sa akin.

Tinuro niya ako. Patuloy ang pagpatak ng malalaking butil ng kanyang luha. "Daddy is Scary. I don't want" inosenteng sumbong niya sa akin.

"I'm sorry. Daddy loves you Prymer" malambing ko pa ding pagaalo sa kanya.

Napanguso siya. Mas lalo akong nasaktan ng marinig ang kanyang mumunting hikbi. Muli kong sinubukang hawakan siya, nakahinga ako ng maluwag ng haayan niya ako.

Umupo ako sa may sofa at kaagad siyang kinandong. Marahan kong pinunasan ang basa niyang mukha, namumula iyon ngayon.

"Daddy, angry at me?" Garalgal ang kanyang boses ng nagtanong sa akin. Bumigat ang dibdib ko.

"Hindi anak, hindi"

Imbes na dugtungan ko iyon ay niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. Napakagago ko para iparamdam sa kanya ang ganito. Walang kasalanan ang anak ko, pareho lang kaming nangungulila kay Amaryllis. Muli kong hinalikan ang kanyang pisngi.

Marahan kong inayos ang kanyang bangs. Pinanuod niya ako habang ginagawa iyon, napapapikit pa sa tuwing lumalapit iyon sa kanyang mga mata.

Napangiti ako ng itaas niya ang kanyang kamay. Hinawakan din niya ang kanyang bangs. "Bangs like, Mommy" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Ilang minuto kong hindi naproseso iyon. "Where's Mommy?" Tanong ko sa kanya, sobrang desperado na.

Napaawang ang kanyang bibig. Ang kanyang kamay ay tumuro sa kung saan. "Boat, Home..." magulong sagot niya sa akin.

"Saan anak?" Paguulit ko, hindi ako titigil.

"Lolo and Prymer left Mommy, home...it's far"























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro