Chapter 55
Can I sleep?
Letting go of someone ismgood sometimes, not just good. But, for the better. Hindi porket alam kong mahal ako ni Piero ay hahatakin ko siya pababa kasama ko. I know he can do more, marami nga namang magagawa kung kasama ko si Piero. He has everything. Money, power, name it. Pero he can never pay for my life. Kahit ilang milyon ang ilabas niya kung hindi ako makakasurvive, hindi ako makakasurvive.
"Kain na Amary" marahang tapik ni Rajiv sa akin. Nanatili akong nakahiga kahit pa gising na ako. Pumikit, habang maraming iniisip.
Masyado silang busy ni Daddy para sa pagalis namin patungo sa america. Duon, lalaban ako.
Tipid ko siyang nginitian ng buksan ko ang aking mga mata. "Good morning..." pagod na bati ko sa kanya. Ramdam ko ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha.
Hindi nakangiti si Rajiv, nagiwas itonng tingin. Hindi magawang ibalik ang pagbati ko ng magandang araw.
"Ako ang nahihirapan sayo Amary. Why do you keep acting like everything is normal?" Giit niya. Sinubukan kong umayos ng upo, kahit galit ay nagawa niya akong alalayan. Rajiv is indeed my bestfriend. May naging problema man kami ay alam kong siya pa din yung Rajiv na bestfriend ko nuon.
Nang makaayos ng upo at makasandal sa head board ng kama ay muli ko siyang tipid na nginitian. "Everything is normal Rajiv..." puna ko, nagtaas siya ng kilay. Ayaw tanggapin ang aking sinabi.
Bayolente akong napalunok. "Lahat naman ay mamamatay, ganuon talaga. May mga taong mauuna" paliwanag ko sa kanya. Kita ko ang pagpula ng kanyang mga mata.
Marahas niyang pinawi ang nagbabadyang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tumalim ang kanyang tingin sa akin. "And you seems ok with that? Naiiwan mo kami, ganuon?" Galit na tanong niya, may halong tampo ang kanyang boses.
Ngumiti ako, puno ng sakit. "Because, hanggang dito na lang ako" pumiyok na sagot ko sa kanya. As much as i want to stay, what can i do? This is my timeline. Bago pa man ako maipanganak sa mundong ito, nakatakda na kung hanggang kailan lang ako. What can i ask for? Hiram ko lang din naman ang buhay ko.
Hindi nawala ang talim ng tingin ni Rajiv sa akin. Sa huli, kita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata, imbes na ipakita iyon sa akin ay lumabas na lamang siya at tsaka ako iniwan duon. Kahit nanghihina, pinipilit ko pa ding kumain. Para iyon sa baby ko, kung ako lang naman hindi ko nakailangan pang pumunta ng America para magpagamot. Pero dahil nandito siya, susubok ako.
Kahit siya lang. Basta ay makaligtas siya.
Mahina ang katawan ko, pero hindi ganuon kahina para maging bed ridden ako. I can still do my daily routine.
"Do you need anything?" Salubong na tanong ni Rajiv sa akin ng makita niyang pababa ako mula sa second floor. Umiling ako, nagpatuloy sa paglakad.
"I booked us a ticket. Next week...5 days from now to be exact" paliwanag niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa kanyang laptop. Tumango na lamang ako at hindi na umimik pa. 5 days, i still have 5 days to do something? Anong pwede kong gawin?
Sa huli, mas pinili kong puntahan si Mommy. Kahit pa hindi ko gusto ang mga sinasabi niya kung minsan ay kailangan ko pa ding siyang kausapin. Kailangan niyang malaman ang mga pwedeng mangyari.
"At wala talagang kasal?" Galit na tanong niya sa akin. Hindi ako umimik, nanatiling kalmado. Mariing pinagmamasdan ang kanyang mga galaw habang siya ay patuloy sa pagrereklamo. Inis na inis dahil sa mga nangyari.
"Alam mo bang mahal ka pa din ni Papa, Mommy?" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya dahil duon, sandaling nabato at hindi nakaimik.
"Mahal ka pa din ni Papa. But then, he choose to let you go kasi alam niyang diyan ka sasaya. Just want you to know na, you got your great love back there..." pagpapatuloy ko. Ramdam ko ang pagkawala niya sa sarili.
"Everyone has their great love, yung iba swerte if they end up together. Yung iba naman hindi." Pagpapatuloy ko. Diretso pa din ang tingin ko kay Mommy, nanatili ang kanyang mga mata sa baba. Hindi magawang tumingin sa akin, i hope she is thinking.
"Papa is your great love. And you let him go" deklara ko. Pagkasabi ko nuon, nakita ko kung paano unti unting pumula ang kanyang mga mata.
Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal. "I'm going to let go Piero too...my great love" pumiyok na sabi ko sa kanya. Nang marinig ang aking pagpiyok ay tsaka lamang niya nagawang tumingin sa akin.
Napatango tango ako. "Maybe you have your reasons kung bakit mo iniwan si Papa. Ako din meron" pagpapatuloy ko.
Nabigla ako sa biglaang paghagulgol ni Mommy. Inasahan ko na ang pagiging emotional niya, pero hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng pagiyak mula sa kanya. "Iniwan ko ang Papa mo, dahil hindi ako nakakabuti sa kanya. I was toxic for him! Too toxic..." umiiyak na sumbong niya sa akin. Hindi ko napigilang mapaluha kasama siya.
Naiintindihan ko Mommy, naiintindihan ko. Na kahit siya ang lakas ni Papa, siya din ang kahinaan nito. We're on the same boat.
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko matapos ang paguusap naming iyon. I wish, kahit papaano I touched her heart. Bumalik ako sa bahay ni rajiv, anduon na si Papa at naabutan jo silang magkasama sa may sala, seryoso ang paguusap.
"Ate!" Sigaw ni Akie sa akin, tumakbo ito sa akin para salubungin ako. Niyakap ko siya ng lumapit siya sa akin, excited sa aming pagalis. Matagal na niyang gustong makapangibang bansa.
Dahil hindi naman sinasabi ni Rajiv at Papa sa akin ang ilang mga problema, pinili ko na lamang na bumalik sa aking kwarto. Muli akong tumingin sa kama, kailan kaya magsasawa ang katawan kong humiga dito? Habang namamahinga ay nagbasa basa ako ng libro. Kailangan ko iyon para sa baby. Sana maging matalino din siya kagaya ng Daddy niya.
Kasabay ng paglipas ng isa pang araw, unti unting nababalot ng lungkot ang aking buong sistema. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sariling ganito talaga ang buhay, hindi pa din madaling tanggapin.
"Amary, hold on. Hold on!" Natatarantang sabi ni Rajiv. Binuhat niya ako mula sa pagkakasalampak sa sahig ng aking kwarto. Muli nanaman akong inatake ng paninikip ng dibdib. Hindi ko kinaya ang kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib kaya naman mas pinili na nilang dalhin ako sa hospital.
Kumalma din ako matapos ang ilang oras. Nang imulat ang aking mga mata, ang mugtong mga mata ni Papa ang kaagad na sumalubong sa akin. Kahit nanghihina, nagawa ko pa din siyang ngitian. Gustuhin ko man sanang paabutin iyon hanggang tenga ay hind ko na nagawa pa.
Marahas akong napaupo ng muling naramdaman ang pagikot ng aking sikmura. Mabilis na dumalo si Papa para tulungan ako. Kasabay ng aking pagkaduwal ay ang muling pagkirot ng aking dibdib.
"Ahhh!" Daing ko dahil sa sobrang pagkirot ng aking dibdib. Kaagad na pinindot ni Papa ang kung ano sa itaas ng aking higaan para tumawag ng tulong.
"Sobrang sakit po, Papa..." umiiyak na sumbong ko.
Hindi rin naman nagtagal iyon lalo ng dumating ang doctor at ilang nurse. Mas lalong nanlata ang aking katawan dahil sa naging tagpo kanina. Habol habol ko pa rin ang aking hininga. Marahan kong minulat ang aking mga mata. "Papa..." tawag ko sa kanya para sana sabihing ayos lang ako at hindi niya kailangang magalala.
Tipid niya akong nginitian kasabay ng pagpahid niya sa kanyang sariling luha. "May gustong kumausap sayo anak..." marahang sabi niya sa akin. Kaagad kong nilingon ang sofa, nagulat ako ng makita si Ma'm Maria herrer.
Kumislap ang kanyang mga mata dahil sa luha. Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hi..." pumiyok pang bati niya sa akin.
Nagpaalam si Papa na lalabas na muna para makapagusap kami ni Ma'm Maria. Halos hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata. Sinaktan ko ang kanyang anak, pakiramdam ko ay wala akong karapatang tumingin man lang sa kanya.
"Laban anak..." emosyonal na sabi niya. Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa malambing niyang sabi sa akin. Paulit ulit akong tumango sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha.
Umupo siya sa gilid ng aking kama. Marahang hinaplos ang aking buhok. "Maiintindihan niya kung ipapaalam natin" malambing na sabi niya sa akin. Bayolente akong napalunok sa gusto niyang mangyari, gusto niyang ipaalam ko kay Piero ang totoo.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. "Galit po si Piero sa akin, nagsinungaling ako para magalit siya sa akin" paliwanag ko sa kanya. Mapait siyang ngumiti sa akin, mariing napapikit at napatango tango ng imulat ang mga mata.
"Mahal na mahal ka ng anak ko. Hindi iyon susuko kaagad" marahang laban niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala.
"Mahal na mahal ko din po ang anak niyo, kaya akong masaktan siya. Mas mabuti na pong ganito" garalgal na paliwanag ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko, marahang pinisil iyon.
"Matapang ang anak ko. Kakayanin niya ito" laban niya sa akin. Kita ko ang determinasyon ni Ma'm Maria na kumbinsihin ako.
Sandali akong natahimik, halos walang salitang gustong lumabas sa aking bibig. "Amary..." malambing na tawag niya sa akin, umakyat ang tingin ko sa kanyang mga mata.
Hindi pa din ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Wala akong maramdaman. "Nung nasa kalagayan mo ako, ayoko ding ipaaalam kay Alec. Pero naisip ko, karapatan niyang malaman. Mahal niya ako, kaya karapatan niyang malaman kung ano ang mga pwedeng mangyari" paguumpisa niya.
Ramdam ko ang sakit sa boses ni Ma'm Maria. Alam ko din ang kwento niya, sa kung paano niya din isinakripisyo ang sarili para mabuhay ang mga anak. "Kagaya ng Daddy niya, kailangan malaman ni Piero ang mga ito. Hindi pwedeng wala siyang pakialam dito, mahal ka niya kaya tama lang na maapektuhan din siya" pagpapaintindi pa niya sa akin.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Sa kabila ng mga sinabi kong masasakit na salita sa kanyang anak ay heto siya. Ako pa ang sinusuyo para ipaalam sa kanyang anak ang tunay na kalagayan.
Hinaplos niya ang aking pisngi. "Kung ayaw mo siyang kasama sa America, hayaan mong maalagaan ka niya dito"
Wala akong nagawa kundi ang marahang tumango para sa kanyang hiling sa akin. Sino ba naman ako para tanggihan ang hilinh niya. Ina siya ni Piero, minsan na din niyang naranasan ang kalagayan ko. Alam kong ang makakabuti lang ang gustong mangyari ni Ma'm Maria.
Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iniisip ko kung paano sasabihin ni Ma'm Maria ang lahat kay Piero. Anong magiging reaksyon niya? Siguradong masasaktan siya.
Naalimpungatan ako kinaumagahan dahil sa marahang paghaplos sa aking ulo. Sandali akong nakiramdam, sigurado akong kung hindi si Papa iyon ay si Rajiv. Kahit gising na ang aking diwa, pinili kong manatiling nakapikit.
"Baby..." marahang bulong ni Piero.
Naginit ang aking mga mata. Hindi pa tuloy nakakamulat ay nauna na iyong tumulo. Hindi ko napigilan ang mga mumunting hikbi ng tuluyan ko siyang makita. Mapupungay ang mga mata, halatang galing ang mga iyon ss pagiyak. Mas lalong namanhid ang aking katawan ng maramdaman ko ang malambing niyang paghaplos sa aking pisngi. Marahang pinupunasan ang aking luha.
"Good morning..." paos na bati niya sa akin bago niya ako hinalikan sa aking noo. Isa iyong magaang halik na para bang ingat na ingat siyang hawakan ako.
Huminahon ako. Walang imik din niya akong tinulungang makaupo ng maayos. Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Nahihiya akong tumingin sa kanya, lalo na at parang wala din itong balak na magsalita. Nanatili ang titig niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay, napaawang ang aking bibig ng makita kong nakabalot ito ng puting benda ay may dugo.
"Anong nangyari sa kamay mo?" Nagaalalang tanong ko. Gusto ko sanang hawakan iyon ngunit marahang ininalayo ni Piero sa akin.
Mas lalong bumigat ang tingin niya sa akin, ramdam na ramdam ko iyon. Parang may kung anong kumirot sa puso ko ng makita ko ang pagluha nito. "Madali lang para sayong saktan ako, palibahasa alam mong mahal na mahal kita" akusa niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Parang batang nagsusumbong, namumungay ang mga mata.
"Ginawa mo iyon kahit alam mong kahit anong mangyari, Babalik at babalik pa din ako sayo. Amaryllis, luluhod ulit ako sayo para tanggapin mo ako" giit niya. Patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Sa tingin mo, titigil ako sa kabila ng lahat ng sinabi mo? Binigyan lang kita ng oras na magisip. Dahil baka napreressure ka lang. Tangina, magpapakita ka sa akin kasama ang dela rama na iyon sa opisina"
"Galit na galit ako..." madiing sabi niya.
Itinaas niya ang kanyang kamay para haplusin ang aking pisngi. "Hindi mo ako isasama?" May bahid ng pagtatampong tanong niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Kita ko sa kanyang mga mata ang sakit.
Nanduon ang galit at sakit, ngunit mabilis iyong natabunan ng pagmamahal niya sa akin. Kaya naman kahit gusto niyang magalit ay heto pa din siya at nagmamakaawa sa akin
Marahan kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Mas magiging mahirap duon Piero..."
"Kaya ko, matapang ako!" Agap niya.
Alam ko. Alam ko kung gaano katapang si Piero, pero ako hindi. Hindi ako matapang. "Mas lalo akong manghihina pag mahina ka, matapang ako kung matapang ka..." pagpapaintindi ko sa kanya.
Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. "Matapang ako. Baby, magiging matapang ako" laban pa din niya, nagmamakaawa.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na muling magsalita. "Piero, I'm dying..." pumiyok pang sabi ko sa kanya.
Mariin siyang pumikit at marahas na umiling. "Wag mong sabihin iyan" madiing utas niya. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ganuon din ang sa kanya.
"Tanggapin mo. Kailangan nating tanggapin" mariing pagpapaintindi ko sa kanya. Umiling lamang siya sa akin at tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ako iniwan ni Piero, nanduon siya sa tabi ko. Duon natulog, naligo at kumakain kasabay ko. Pero sa mga oras na iyon, hindi ko na ulit siya nakitang umiyak. Ramdam kong hindi pa din niya tinatanggap ang sitwasyon namin.
"Kain ng kain Amaryllis" masungit na utos niya sa akin. Napanguso ako ng muli niyang itapat sa aking bibig ang kutsara. Inalagaan niya ako, siya lahat ang gumagawa ng lahat para sa akin habang nandito ako sa hospital.
Nakita din niya kung paano ako mamilipit sa sakit sa tuwing kumikirot ang dibdib ko. Nanatili siyang matapang sa mga oras na iyon sa kabila ng takot. Kita ko ang takot sa kanya, ngunit gusto din niyang ipakita sa aking matapag siya para baguhin ang desisyon kong wag siyang isama sa akin sa america.
"Hindi ka ba hinahanap sa companya?"
Sinimangutan niya ako dahil sa aking tanong sa kanya. Pakiramdam niya ay pinapaalis ko nanaman siya. "Hindi. Shut up and it" masungit na utos pa din niya sa akin kaya naman napanguso ako at napangisi. Mamimiss ko ang kasungitan ni Piero, panigurado.
Napatingin ako sa kamay niya. Nalaman kong nagwala ito sa kanila nung aminin ni Ma'm Maria ang lahat. Malala ang sugat ni Piero pero kagaya ng gusto niyang ipamukha sa akin, Matapang siya.
Tahimik kaming dalawa habang pinapakain niya ako. Pagod din si Piero dahil sa pagaalaga sa akin. Tabi kaming matulog sa hospital bed kaya naman alam kong hindi din siya nakakatulog ng maayos.
"I love you..."
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi mo ako mapapalis Amaryllis" pagmamatigas pa din niya. Napanguso ako, hindi ko naman siya pinapaalis. Nag I love you lang naman ako.
Nabigla ako ng mabilis siyang humalik sa aking labi. "I love you too baby, pero hindi ako aalis dito" inis pa ding sabi niya. Parang batang nagmamatigas.
Matapos niya akong pakainin ng tanghalian ay muli siyang tumabi sa akin sa pagkakahiga sa hospital bed. Hinayaan niya akong yumakap sa kanya. Tahimik kaming dalawa, sinusulit ang bawat oras na magkadikit ang aming mga katawan.
Nagsumiksik ako sa kanyang tagiliran kasabay ng paghigpit ng aking yakap sa kanya. "Ipasyal mo ako Piero" paos na sabi ko.
Bahagya siyang gumalaw para harapin ako. "Saan mo gusto?"
"Kung saan mo ako gustong dalhin. Basta ibalik mo ako dito mamaya, wag mo akong itatanan" biro ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako kaya naman tinawanan ko siya.
Parang mga teenager, tumakas kaming dalawa sa hospital. Suot ko ang malaki niyang jacket, tawang tawa kaming dalawa ng nagtagumpay kaming makalabas ng hospital. Hindi ako nagtanong sa kanya kung saan kami pupunta, hinayaan ko siya. Hawak hawak niya ang aking kamay habang nagmamaneho siya, maya't maya ang sulyap sa akin na para bang mawawala ako bigla sa kinauupuan ko kung hindi ako titingnan.
Napaawang ang bibig ko ng makita kung saan niya ako dinala. Sa tabing dagat kung saan kita ko ang ganda ng langit. Pinagsiklop ni Piero ang aming mga kamay at tsaka sabay na lumakad sa pino at maputing buhangin.
"You like it here?" Malambing na tanong niya sa akin. Kaagad akong tumango. Sa sobrang saya ay napayakap pa ako sa kanya. Nilakad namin ang shore ng magkahawak ang kamay, natatawa sa paminsan minsang pagtama ng tubig sa aming mga paa dahil sa maliliit na alon.
Nang mapagod, umupo kami sa buhangin. Parehong nakaharap sa dagat at hinihintay ang mabagal napaglubog ng araw. Nanatili ang ulo kong sa pagkakasandal sa dibdib ni Piero. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
"I'm sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi ko"
Humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi iyon totoo..." pahabol ko pa.
I heard his soft chuckle. "I know baby, at kung totoo man. I'll still pursue you. I'm so inlove with you Amaryllis, anong pumasok sa isip mo at inakala mong maitataboy mo ako sa pamamagitan ng nga iyon?"
Tipid akong ngumiti sa nagaagaw na kulay ng liwanag at dilim. The sunset is so calm, parang napawi ang bigat na nararamdaman dahil duon. Tiningala ko si Piero, inabot ang kanyang mga labi para mahalikan. Hindi na ako nahirapan ng malugod niya iyong tinugon.
Matamis ko siyang nginitian matapos ang halik. "Ikaw pa din ang pinakapaborito ko sa lahat..." malambing na sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata.
"Mahal na mahal kita. You are my miracle"
Bahagyang napaawang ang kanyang bibig. "Gusto kitang makasamang tumanda" emosyonal na sabi ko at muling tinanaw ang paglubog ng araw.
"Kung ganuon isama mo ako. Sasama ako Amaryllis" desididong sabi niya sa akin. Sa kabila ng lahat buo pa din ang aking desisiyon.
Inilingan ko siya. "Dito ka lang Piero, dito ka lang"
"Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Kaunti na lang ay ramdam ko nanaman ang galit sa kanyang boses.
Mariin akong pumikit ng maramdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. "Bata pa lang ako, naniniwala akong kung ano ang para sayo. Babalik at babalik sayo...pakawalan mo at kusang babalik sayo" makahulugang sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang kanyang pagkabato, mariing nakikinig.
"Kung tayo talaga..."
"Tayo talaga Amaryllis" giit niya, humigpit pa ang yakap sa akin.
Bahagya akong tumango. Sana nga kami. "Kung ganuon, let me go Piero. Hayaan mo ako..."
Hindi siya nagsalita, ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga. "Mas magiging malakas ako kung alam kong maayos ka dito. Mas makakalaban ako kung hindi kita nakikita duon...siguradong kakaawaan mo lang ako pag nanduon ka" medyo pumiyok pang sabi ko.
"Baby..." protesta niya.
"I'll let you go too..." masakit man ay nasabi ko. Rinig ko ang pagsinghot niya mula sa aking likuran.
"Hindi ko kaya" nanghihinang utas niya. Kaya mo iyan Piero, kaya mo iyan.
Hindi ko siya sinagot. Muli kong nakita ang pagkain ng dilim sa araw.
"Can i sleep?" Paos na tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagkabato niya. Hinalikan pa muna niya ako ss ulo bago siya marahang tumango.
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Gaya ng araw na paulit ulit na namamatay para mabuhay ang buwan. Indeed, Piero is my miracle.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro