Chapter 51
Kalayaan
Mabibigat ang nagawa kong paghakbang habang papalapit kami sa conference room kung nasaan si Rajiv at si Piero. Maging ako ay naguguluhan din kung bakit magkasama sila ngayon sa iisang kwarto sa kabila ng nangyari. Hinarap ako ng secretary ni Rajiv nang binuksan niya ang pintuan ng conference room.
"Ipapaalam ko lang po ang pagdating niyo"
Kabado ko siyang tinanguan. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko kung paano mas lalong lumakas ang kabog nito. Bayolente din akong napalunok sa takot na manikip ang dibdib ko dahil sa nararamdaman. Muli kong nahigit ang aking paghinga ng lumabas ang secretary ni Rajiv, ngiting ngiti niya akong nilapitan.
"Pwede na po kayong pumasok" kahit pa narinig ko ang kanyang sinabi ay para pa din akong nabingi dahil ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng conference room. Mula sa maliit na pagkakabukas ng pintuan ay nakita ko ang dilim sa loob.
"May nagprepresent po kasi sa loob kaya ang projector lang ang bukas, makikita niyo naman po kaagad si Sir Rajiv, o gusto niyo pong ihatid ko kayo?" Magalang na paliwanag at tanong niya sa akin. Napansin niya marahil ang pagtitig ko duon.
Maagap akong umiling at tinanggihan ang kanyang suwestyon nang paghatid pa sa akin sa loob. Napahigpit ang hawak ko sa lunch box na dala dala ko habang dahan dahan akong humakbang papasok duon.
Naaninag ko ang hindi bababa sa limang tao sa loob ng kwarto. Dim ang lights at tanging ang ilaw mula sa projector lamang ang nagsisilbing liwanag. Sa isang mahaba at malapad na lamesa ay nakita ko ang maayos na pagkakaparte ng mga bulto ng tao. Dalawang tao ang nakaupo sa may kanang bahagi at ganuon din sa kaliwa. Kapwa sila lahat nakatingin sa babaeng nagprepresent sa harapan.
Nangkit ang aking mga mata para hanapin kung nasaan si Rajiv. Isa sa mga iyon ay si Piero, para akong atatakahin sa puso habang iniisip kong nasa iisang kwarto na lamang kami. Halos magdadalawang buwan ding hindi ko siya nakita, miss na miss ko na siya. Tahimik akong lumakad sa kaliwang bahagi ng lamesa ng makita ko ang pamilyar na bulto ni Rajiv.
Maingat kong hinila ang swivel chair sa kanyang tabi, napansin mo ang pagikot niya mula sa pagkakatingin sa harapan dahil sa aking pagupo. "Dinalhan kita ng Lunch" nanginginig pang sabi ko sa kanya at hindi sinasadyang napahawak ako sa armrest ng kanyang swivel chair.
Kakaibang kuryente ang naramdaman ko nang magtama ang aming mga kamay. Nagulat ako ng hawiin niya iyon. "Rajiv?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Mula sa dilim na nagtatakip sa kanyang mukha ay naramdaman ko ang kanyang matalim na tingin sa akin.
Hindi pa ako nakakabawi nang maramdaman ko ang paglapit ng secretary ni Rajiv sa aking likuran. "Ma'm nasa kabila po si sir Rajiv anunsyo niya sa akin na parang isang malamig na tubig na bumuhos sa akin.
Napaawang ang bibig ko ng marealize ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Muling kong naramdaman ang bayolenteng pagtatambol ng aking dibdib dahil sa kanyang presencya. "Piero..." pumiyok na tawag ko sa kanya. Mahina lamang iyon, sapat na para marinig niya ang aking pagtawag sa kanya.
"Leave, I don't want you near me" matigas at galit na pagtataboy niya sa akin kaya naman para akong nahigitan ng hininga.
Sa kabila ng pamamanhid ay naramdaman ko ang marahang paghawak sa akin ng secretary ni Rajiv. "Tara na po sa kabila Ma'm" marahan niyang yaya sa akin na para bang maging siya ay nasaktan dahil sa pagtataboy nito sa akin.
Bayolente akong napalunok. Nanginginig ang aking kamay ng abutin ko ang lunch box na inilapag ko sa kanyang harapan. Walang imik akong tumayo at lumipat sa kabilang parte ng lamesa kung nasaan si Rajiv. Pinahiran ko ang nabasa kong pisngi dahil sa pagtulo ng luha.
Mula sa maiging pakikinig ni Rajiv sa nagprepresent kanina ay lumipat ang tingin niya sa akin. Napatayo pa siya para ipaghila ako ng mauupuan sa kanyang tabi. Nanatili akong nakayuko kahit naman alam kong hindi niya mapapansin ang pahiyak ko. Mas lalo akong nanlamig nang pagkaupo ko ay kaagad niya akong hinalikan sa aking bandang sintido.
Hindi pa nakuntento si Rajiv, humilig pa siya sa akin at bumulong. "Sabay tayong maglunch"
Nagtaasan ang balahibo ko sa batok pababa sa braso hindi dahil sa lambing ng kanyang pagkakasabi kundi dahil sa nararamdaman kong matalim na tingin ng tao sa aking harapan ngayon. Kung kanina pagpasok ko ay bahagyang nakatagilid ang swivel chair sa nagprepresent, ngayon ay diretso ang upo nito paharap sa aking gawi, hindi ko man maanig nang maayos ang kanyang mukha ay alam kong nakatingin siya sa akin. Ang kanyang magkabilang siko ay nakatukod sa may lamesa habang ang kamay ay nasa may baba.
Imbes na manatili sa pagkakayuko ay hinarap ko siya, nakipagtitigan ako sa kanya sa dilim habang mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Hindi ganito ang inaasahan kong pagkikita namin, kung bukas lang ang ilaw kanina ay baka tumakbo pa ako payakap sa kanya. Ngunit nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi niya sa akin.
Ayaw niya akong malapit sa kanya. Hindi ko siya masisisi, sinaktan ko siya.
Nakita ko ang pagpalakpak ng mga tao sa loob ng conference room nang matapos ang nagprepresent, pero hindi ko iyon narinig dahil mas lalo lamang akong nanigas sa aking kinauupuan ng bumukas ang ilaw at ang matalim na tingin ni Piero ang kaagad na sumalubong sa akin.
Naginit ang gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdan ko siya. Mas lalong nadepina ang magandang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot na suit. Itim na itim ang suot ni Piero, maging ang button down sa loob ng kanyang suit ay itim din. It gives me a more powerful vibe. Masyadong malakas ang dating niya at the same time nakakatakot din. Intimidating.
Naglapat ang aking mga labi habang patuloy ko siyang pinagmamasdan, nanatili din namam siyang nakatitig sa akin na para bang kami lang dalawa ang tao sa loob ng conference room. Ang gwapo ni Piero. Hindi, mas lalo siyang gumawapo. Malinis ang kanyang mukha malayo sa duguang Piero na iniwan ko sa bulacan. Malayong malayo sa Piero na isang secret agent.
"Amary..." tawag ni Rajiv sa akin na nagpalabalik sa aking wisyo. Bumagsak ang tingin ko sa aking hita, marahan kong pinaglaruan ang aking mga daliri habang pilit na ikinakalma ang sarili para hindi ako maiyak.
"Aalis na lang ako" medyo pumiyok pang paalam ko kay Rajiv. Matalim niya akong tininganan.
"No. You'll stay here with me" giit niya. Ramdam ko ang iritasyon sa kanyang boses. Malakas ang kutob ko na pinaplano nila ni Mommy ito. Alam nilang nandito si Piero kaya naman gusto nilang ipamukha dito na gusto ko si Rajiv by giving him a lunch box.
Hahawakan pa sana niya ang kamay ko, maagap ko iyong itinaas sa ibabaw ng lamesa para hindi niya mahawakan. Hindi naman na siya nakapagprotesta pa ng may lalaking lumapit sa kanya at kinausap siya.
Muli kong inipon ang aking tapang para muling sulyapan si Piero, nagulat ako ng imbes na sa akin ay sa kamay ko siya nakatitig. Hindi lamang iyon basta titig, matalim ang tingin niya duon kaya naman bumaba din ang tingin ko duon. Kumunot lamang ang noo ko, muli akong tumingin sa kanya.
Muling nanginig ang aking kamay nang makita ko kung paano niya hinubad ang singsing sa kanyang kamay. Sumakit ang dibdib ko. Ginawa niya iyon habang diretso ang matalim niyang tingin sa akin na para bang may gusto din siyang patunayan.
"So do you like the presentation Mr. Herrer?" Tanong ng matandang katabi ni Rajiv. Pareho silang may katabing matandang lalaki na nakasuot din ng formal kagaya nila.
Inalis niya ang tingin niya sa akin at inilipat iyon sa nagtanong. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko kung paano niya ibulsa ang hinubad na singsing. Akala sigiro niya sarili kong desisyon ang paghuhubad ko ng sa akin.
"I was not satisfied, i want more" matigas na sabi niya dito na para bang wala siyang pakialam kung may maooffend siya, basta sasabihin niya ang gusto niyang sabihin.
Bahagyang napahampas si Rajiv sa lamesa, imbes na si Piero ang kausapin niya ay kinausap niya ang lalaki sa kanyang tabi. Inutusan niya itong magsalita para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang gawin iyon gayong pwede naman niyang diretsong sabihin kay Piero iyon.
Muling kinumbinsi ng kasama ni Rajiv si Piero. Para akong lumulutang habang nakatingin sa kanya. Matigas na ingles ang lagi niyang sinasagot sa mga ito na para bang he was born to be there, he was born to be the CEO. No hint of Piero who killed people, no hint of Piero na tumira sa isang kubo at nagsikap na nagtanim para mabuhay.
Sumakit ang lalamunan ko dahil nanaman sa nagbabadyang pagiyak. Masyado na akong nagiging emosyonal na sa tuwing maalala ko siya ay gusto kong umiyak. Nanatili akong nakatitig sa kanya, maging ang mga galaw niya ay iba na din. Parang hindi na siya yung Piero na nakilala ko, pero siya pa din yung Piero na mahal ko. Alam ko iyon dahil hindi naman nagbago ang pagmamahal ko para sa kanya.
Sa halos dalawang buwan na hindi ko siya nakita ay mas lalo lang lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. Napapansin ko ang paminsan minsan niyang pagsulyap sa akin. Pakiramdam ko ay naiilang siya dahil sa pagtitig ko, hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong nakatitig sa kanya.
"I'll give you a chance then" tamad na sabi niya sa mga ito matapos ng ilang pagpilit sa kanya na pagbigayan ang companya ng isa pang beses.
Nagsimulang manlabo ang aking paningin ng makita kong naghahanda na sila sa pagalis. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, naantig ang puso ko nang makita ko ang kanyang kabuuan. Just like how i want him to be. Kung sakali mang aalis ako, mapapanatag ako dahil alam kong nakapagbagong buhay na si Piero.
Tumayo ako kasama ni Rajiv ng lumapit sa kanila ang kasama ni Rajiv para makipagkamay. Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa, nagawa pa din nilang sandaling magkamayan for formalization. Iginaya ako ni Rajiv paharap sa mga ito para sana ipakilala.
"This is my fiance, Ama..." hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya nang talikuran kami ni Piero. Parang wala siyang narinig, nahiya ang kasama niya dahil sa inasal nito kaya naman siya na lang ang nakipagkamay sa akin.
Hindi ko na napigilang maluha habang pinapanuod ang diretsong paglakad niya paalis. Sumakit ang dibdib ko ng maalala ko kung paano niya ako lingonin nuon sa bulacan sa tuwing aalis siya patungo sa palayan. "Piero..." mahinang tawag ko sa kanya.
Naging abala si Rajiv sa kanyang mga kausap kaya naman hindi na niya ako napigilan nang mabilis akong tumakbo patungo sa elevator para sundan si Piero. Tumakbo ako patungo duon, nasa loob na siya at mariin nakatingin sa aking paglapit.
Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay kaagad akong napahinto. "Piero wag mo akong iwan..." umiiyak na bulong ko sa aking sarili.
Nanlambot ang aking mga tuhod sa klase ng tingin niya sa akin. Walang kamemoemosyon iyon. Mas lalong tumulo ang aking mga luha ng unti unting sumara ang elevator at wala man lang siyang ginawa. Muntik na akong mapaupo ss sahig dahil sa panghihina ng kaagad akong haklitin ni Rajiv sa aking braso.
"What the hell Amaryllis!" Galit na asik niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin, umiyak lang ako ng umiyak. Wala akong nagawa, natatakot akong gumawa ng hakbang na pwede naming ikapahamak pareho.
Sumama si Rajiv sa akin pauwi. Hindi ko alam kung talaga bang wala na siyang trabaho para sa araw na iyon o dahil nasira ang araw niya sa sagot ni Piero sa kanila at paghabol ko dito.
"Grabe yung tingin eh, ang lagkit" mapanuyang sabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin, nanatili akong nakayuko, bagsak ang balikat at bigong bigo.
"Ginawa mo iyon sa harapan ko Amaryllis. Kitang kita ng mga empleyado ko" madiing giit pa niya sa akin, kagaya nang nauna niyang sinabi ay pumasok at lumabas lamang iyon sa aking magkabilang tenga.
Napaiktad ako nang muli niyang hinaklit ang braso ko para paharapin ako sa kanya. "Nakikinig ka ba sa akin?"
Napatitig ako sa kanya. Hindi ako natakot sa kanyang galit na asik sa akin, mas takot pa din ako sa matalim na tingin sa akin ni Piero. Wala siyang ibang sinabi sa akin, titig lamang iyon pero ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Masaya ka na ba?"
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Masaya ka na bang nasira mo kami ni Piero?" Mapanuyang tanong ko pa sa kanya. Nang makabawi ay napangisi siya.
"Sobrang saya" nakangising sagot niya sa akin. Mabilis na lumipad ang palad ko sa kanyang pisngi, namula kaagad iyon dahil sa lakas ng aking pagkakasampal sa kanya.
"Wag sanang dumating ang araw na maranasan mo ang nararansan ni Piero ngayon. Kasi Rajiv, masakit...sobrang sakit" madiing pagpapaintindi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran at dumiretso sa aking kwarto.
Sinigurado kong inilock ko iyon pagkapasok ko kahit pa alam kong wala ding kwenta dahil mayroon siyang susi. Humahangos akong lumapit sa kama at dumapa duon. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa lamig ng pakikitungo ni Piero sa akin.
"Tayong dalawa na lang..." umiiyak na sambit ko habang nakahawak sa aking sinapupunan.
Naging mabuti para sa akin ang mga sumunod na araw, buong araw lamang ako nagkulong sa kwarto. Nagpapahatid lamang si Rajiv ng pagkain para sa akin. Ni hindi din siya nagpapakita sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil duon.
Ilang araw lang nagtagal ang ganuong set up dahil ng sumunod pang araw ay siya na mismo ang kumatok sa aking pintuan isang umaga. Hindi ako nagising dahil sa kanyang pagkatok, nagising ako dahil sa muling pagikot ng aking sikmura. Imbes na sa pinto ang diretso ko ay napatakbo ako patungo sa banyo.
Muli akong naiyak dahil sa pagkakaduwal. Hinabol ko ang aking hininga dahil sa pagod na naramdaman. Napatingin ako sa may salamin nang makita kong nasa likuran ko na si Rajiv. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Nagpunas ako ng bibig bago ko siya hinarap.
"Anong kailangan mo?" Tamad na tanong ko sa kanya.
Nabigla ako ng mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking magkabilang balikat. "Buntis ka? Matagal ko na itong napapansin pero hindi lang ako nagsasalita" madiin at may pagbabantang sabi niya.
Hindi ako nakasagot. "Buntis ka ba Amaryllis?" Mas madiing tanong niya ulit.
Dahan dahan akong napatango, napahiyaw ako ng suntukin niya ang salamin sa aking likuran. Nabasag iyon kasabay ng pagdugo ng kanyang kamay. "Tangina!" Galit na sigaw niya. Napatakip pa ako sa aking tenga dahil sa takot.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa takot, nawala si Rajiv sa loob ng aking banyo. Halos lumipad sa ere ang lahat mg mahawakan niya. Dahan dahan akong napaatras at tsaka nagsumiksik sa gilid.
"Tangina ng Herrer na iyan!" Muli pa niyang sigaw.
"Tama na..." suway ko sa kanya.
Napayakap ako sa aking sarili ng humahangos siyang lumapit sa akin. Muli niya akong hinawakan sa aking magkabilang balikat, mas madiin ngayon kesa kanina. "Tatanggapin ko ang bata" hinihingal pang sabi niya na ikinagulat ko.
Napailing iling ako. "Aakuin ko ang bata Amaryllis" desididong sabi pa niya sa akin.
"Hindi! Si Piero lang ang kikilalaning ama ng anak ko" laban ko sa kanya at tsaka nilabanan ang matalim ng tingin.
Nagtiim bagang si Rajiv. "Ako ang magiging Ama ng batang iyan" madiing paguulit niya.
Pinagsusuntok ko siya sa dibdib. "Hindi! Hindi!" Paulit ulit kong laban sa kanya. Nang mainis ay hinawakan niya ako sa leeg dahilan kung bakit napatigil ako. Sapat na ang hawak niya para pumirmi ako.
"Sa oras na malaman ni Piero ang pagbubuntis mo. Gigising ka isang araw na wala ng laman ang tiyan mo" pagbabanta niya sa akin.
"Napakasama mo" galit na sabi ko sa kanya.
Para siyang baliw na napatawa bago siya sumigaw ng malakas. "Tangina Amary, nilagay kita sa pedestal. Hindi kita ginalaw hangga't hindi ka pa naikakasal sa akin tapos magpapabuntis ka sa ibang lalaki!?" Galit at mapanuyang sabi niya sa akin.
"Mahal ko si Piero..." laban ko sa kanya. Pagod na pagod na akong makipagsagutan sa kanya.
Inalog alog niya ako gamit ang muli niyang paghawak sa aking balikat. "Walang magagawa ang pagmamahal mo sa oras na mamatay ka na!" Asik niya sa akin. Imbes na magalit ay mas lalo lamang akong nanghina dahil sa sinabi niya.
Mariin siyang napapikit ng maglaon. Mukhang nabigla din siya sa kanyang sinabi. "Kung ganuon hayaan mo akong mamatay na masaya Rajiv" mahinahong pakiusap ko sa kanya. Kita ko ang panlulumo ng kanyang mga mata.
"Minsan ka nang pinatay ni Piero, sinagasaan ka niya. Ako wala akong ginawa kundi ang alagaan at mahalin ka. Bakit hindi ako Amaryllis?" Mapait na tanong pa niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Nanghihina siyang lumabas ng aking kwarto. Napaupo na lamang ako sa sahig ng aking banyo at napatulala.
Minsan sumasagi sa isip kong mas mabuti ng malayo ako sa kanya, mas mabuti nang magalit siya sa akin para sa oras na mawala ako hindi ko siya kasama. I don't want to take my last breath with him. Mas masakit iyon.
Dahil sa nangyari ay kaagad kaming ipinatawag nila Mommy ag tito Benedict sa kanila. Galit na galit ito sa akim dahil nalaman ni Rajiv ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi ito ang plano niya, gusto niyang ipaako kay Rajiv.
"Don't worry tita, aakuin ko ang bata" paninigurado ni Rajiv sa kanila kaya naman kaagad na nagliwanag ang mukha ni Mommy at tito na para bang nanalo sila ng jackpot.
"Hindi ako papayag!"
"Amaryllis!" Sigaw ni Mommy sa akin.
Tahimik lamang na nakatingin si Rajiv at Tito sa akin. "Kailangan nating mas paagahin ang kasal" kalmadong suwestyon ni Tito kaya naman tamad ko lamang siyang tiningnan. Bakit ba gustong gusto nila si Rajiv. Bakit kaya hindi na lang silang dalawa ang magpakasal.
Nawala ang paguusap tungkol sa aking pagbubuntis. Nalipat iyon sa usapain tungkol sa pakikipagpartnership nila sa Herrer.
"Pumayag ka?" Galit na tanong ni Mommy sa kanya na tila ba'y may alam siya sa mga ganuon.
Napabuntong hininga si Rajiv. Halatang problemado. "Iyon po ang gusto ng boards. We need a bog investment dahil medyo tagilid ang companya. Ang mga Herrer lang ang makakapagbigay nuon" sagot ni Rajiv sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata. "At si Piero ang bagong CEO?" Tanong pa niya dito.
Tumango si Rajiv kaya naman mas lalong nanlaki ang mata ni Mommy. Bumaling siya sa akin bago bumaba ang tingin niya sa aking sinapupunan. Bumigat ang tingin ko sa kanya dahil sa kanyang iniisip.
"Kay Piero ibinigay ni Maria Herrer ang Cargo and Steel na pagmamayari ng mga Arenas" kwento pa niya dito. Halos lumuwa ang mata ni Mommy habang nakikinig.
Napautol iyon ng magsalita si tito Benedict. "Hindi lang iyon ang issue Rajiv, may balibalita na ikinukulong mo si Amaryllis sa bahay mo. Maraming mata ang nakatingin sa inyo ngayon gayong inanunsyo mo na sa board ang pagpapakasal niyo. Kailangan mong hayaang makita siya ng ibang tao sa labas...yung hindi ka kasama, parang may normal na buhay" suwestyon pa ni tito sa kanya.
Kita ko ang pagdisgusto ni Rajiv sa plano pero mukhang kapit na din siya sa patalim kaya naman hinayaan niya na ako. Lumuwag ang bantay ko ng sumunod na araw. Kung lalayo man ako ay may isang body guard ang nakasunod sa akin. Nilubos ko ang kalayaan ko ng mga araw na iyon kaya naman halos sunod sunod na araw akong bumisita sa bahay na tinutuluyan nila Papa.
"May gustong makipagkita sayo Anak" nakangiting sabi sa akin ni Papa isang araw ng muli akong bumisita sa kanila.
"Lance!"
Napasigaw ako ng makita ko ito sa may salas, kaagad niyang tinanggap ang aking yakap sa kanya. May dala itong peanut butter na gawa ni Sarah para sa akin. Naging emosyonal ako dahil sa muli naming pagkikita.
Tahimik akong nakinig sa kanya tungkol sa pagkakaligtas niya kay Piero ng iwanan ko ito sa bulacan. Hindi ko naiwasang hindi maiyak dahil duon.
"Kinausap siya ng Mommy mo nung nasa hospital pa siya. Pinagbantaan niya si Piero na wag ng lalapit sayo dahil wala naman daw itong ginawa kundi ang saktan ka...at binalak ka pang patayin" kwento ni Lance sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.
Ngayon alam ko na kung bakita ganuon ang pakikitungo ni Piero sa akin. "Ang sabi pa ng Mommy mo sa kanya, kung talagang mahal ka niya lalayuan ka niya"
Dahil sa aking nalaman ay sumama ako sa bagong tinutuluyang condo unit nila Lance at Sarah. Nalaman kong sa Herrer steel na din siya nagtratrabaho kasama si Piero. Ilang doorbell ang nagawa ko bago bumukas ang pintuan. Kaagad na nanlaki ang mata ni Sarah ng makita ako, napayakap pa siya sa akin.
"Pasok ka Amaryllis" pagpapatuloy niya sa akin.
Mula sa kanilang sala ay natanaw ko si Piero sa may dinning. Nanlaki ang aking nga mata. "May tinatapos lang silang trabaho ni Lance"
Muli akong nabato sa aking kinatatayuan. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng magangat siya ng tingin sa akin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanila. Napatayo pa si Lance para salubungin ako.
Napahinto ako dahil sa tahol ng maliit na aso. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. "Peanut!" Emosyonal na sigaw ko at kaagad na binuhat iyon. Halos mapipi siya dahil sa aking pagkakahawak.
Napangiwi ako ng maamoy ko siya. "Ang panghi mo Peaunut" puna ko sa kanya at maingat siyang inilapag sa sahig. Narinig ko ang pagtawa ni Lance mula sa aking likod.
Nagulat ako ng kaagad na humarang si Piero sa aking harapan. Masama nanaman ang tingin niya sa akin kaya naman napayuko ako. "Anong sabi mo sa aso ko?" Galit na tanong niya.
Napaawang ang aking bibig. "Aso ko din si Peanut" laban ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.
"Hindi mo na aso si Peanut dahil iniwan mo na siya. Paginiwan mo na hindi na sayo" laban pa niya sa akin na parang double meaning pa.
Napanguso ako. "Kasama ka ba duon?" Tanong ko sa kanya kaya naman tamad siyang bumaling sa akin.
"Hindi ba si Peanut ang pinaguusapan natin, bakit mo isinasama ang sarili mo?" Laban ko pa sa kanya kaya naman kaagad kumunot ang noo niya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin. "Ang kapal ng m..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng kaagad ko siyang itinulak palayo sa akin. Alam kong mamahalin ang gamit niyang pabango pero hindi ko iyon nagustuhan ng gumuhit iyon sa aking ilong.
"Ikaw din Piero, ang panghi mo" iritadong sambit ko. Narinig ko ang paghalakhak ni Lance.
"Amputa" galit na sambit niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro