Chapter 47
Last night
Mulat na mulat pa ang aking mga mata kahit pa lumalim na ang gabi. Nanatili akong nakatitig sa malayo habang iniisip ng mabuti ang mga bagay bagay. Parang madudurog ang puso ko sa tuwing sumasagi sa aking isipan na magkakahiwalay kami ni Piero. Para akong tatakasan ng bait, mahal ko si Piero ayoko siyang pakawalan ngunit hindi ko din naman mapapatawad ang sarili ko kung may hindi magandang mangyari sa kanya. Hindi ko din kakayanin.
Madaling araw na din ako ng dinalaw ng antok. Kaya naman pag gising ko kinaumagahan ay wala na si Piero sa aking tabi. Mabilis akong nagayos ng aking sarili at tsaka nagmadaling bumaba. Narinig ko ang tunog ng mga kasangkapan sa may kusina kaya naman kaagad akong nagtungo duon.
"Piero..." tawag ko sa kanya. Bago pa man siya makalingon ay mabilis na akong yumakap sa kanyang likuran. Mahigpit kong niyakap ang kanyang hubad na katawan.
Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa. "Umagang umaga baby, wag mo akong akitin" natatawang suway niya sa akin kaya naman mas lalo ko lamang siyang niyakap ng mahigpit.
"Please, wag mo na ulit gagawin iyon. Sobra akong nagalala sayo" sumbong at pakiusap ko sa kanya.
Gumalaw siya para makaharap sa akin. Bumitaw ako saglit para makaayos siya. Mabilis niya akong hinapit sa kanyang bewang. "Parusa ko iyon sa sarili ko dahil sinaktan kita" medyo paos na sabi niya sa akin.
Tumingala ako sa kanya, ang aking baba ay nakapatong sa kanyang dibdib. Lasing na lasing si Piero kagabi kaya naman matapos niyang lumuhod sa aking harapan ay nawala na siya sa kanyang sarili, ni hindi na nga ata niya naalala ang huling katagang sinabi ko sa kanya.
"Hindi mo naman kailangang parusahan ang sarili mo Piero, hindi ko gustong masaktan ka. Hindi ba't sinabi ko na sayong napatawad na kita" emosyonal na pagpapaintindi ko pa sa kanya.
Mas lalong pumungay ang mga mata ni Piero habang nakatitig siya sa akin. "What did I do right to deserve you Amaryllis? Lahat na lang ata ng nangyari sa buhay ko mali...ano yung nagawa ko at minahal mo ako?" Malumanay na sabi niya sa akin, ramdam na ramdam ko anh iba't ibang emosyon sa kanyang boses.
Hindi kaagad ako nakasagot kaya naman mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Sa dinami rami ng mga pagkakamali ko, alin duon ang tinanggap mo kaya mo ako minahal?" Paos na paguulit pa niya ng tanong sa akin.
Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal. "Lahat iyon Piero..." pumiyok pang sagot ko sa kanya kaya naman nakita ko ang marahang pagigting ng kanyang panga. "Minahal ko ang lahat ng iyon dahil parte mo iyon...minahal kita ng buo kaya naman wala akong iiwang parte mo, mabuti man o hindi" pagpapatuloy ko pa bago ko marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
"Mahal na mahal kita..." emosuyonal na sabi ko pa sa kanya bago ko inabot ang kanyang mga labi at tsaka iyong buong lambing na hinalikan.
Ramdam ko din ang paghigpit ng hawak ni Piero sa aking bewang para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng aming mga mukha. "Mahal din kita Amaryllis...ikaw na buhay ko" buong lambing na sabi pa niya sa akin kaya naman tipid akong ngumiti sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya hindi pwede, hindi niya dapat ako gawing buhay niya. Gustuhin ko man ay hindi ko maipapangako sa kanya na sabay kaming tatanda. Mahaba pa ang buhay niya, ako hindi na.
Matapos naming kumain ng almusal ay pinupo ko si Piero sa may sofa para magamot ko ang kanyang mga sugat. Kagaya ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nasa ganuon kaming kalagayan ay titig na titig nanaman siya sa akin. Kahit naiilang ay hinayaan ko na lamang siya.
Napanguso ako habang pinapahirap ng bulak na may alcohol ang dulo ng kanyang kilay na may maliit na sugat din. "Ang gwapo mo pa din kahit palagi kang nabubogbog" puna ko sa kanya kaya naman napangisi siya. Kita ko ang pagkagat niya sa kanyang pangibabang labi bago niya ako muling hinapit sa aking bewang.
"Bakit kung panget na ako ayaw mo na sa akin?" Pangaasar niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.
"Kahit nakapikit ako mahal kita" laban ko sa kanya at pumikit pa sa kanyang harapan. Narinig ko ang kanyang pag ngisi at bago pa man ako tuluyang makadilat ay binigyan na niya ako ng sandaling halik.
"You never failed to amaze me baby...nakakagigil ka" pangaasar niya na may kasama pang pagkagat sa kanyang lower lips.
Uminit ang aking pisngi bago bumagsak ang mga tingin ka hawak kong bulak. "Wag ka na ulit bumalik sa pagiging matamlay ha, gusto ko nagsasalita ka" puna ko sa kanya kaya naman napangiti siya.
"Nagsasalita naman ako" laban niya sa akin.
"Oo nga, pero mas gusto ko yung maingay ka. Yung kahit hindi naman kailangang sabihin sinasabi mo pa" laban ko din pabalik bago ako nagiwas ng tingin.
Humilig siya at inilapit ang kanyang labi sa aking tenga. "Kagaya ng ano?" Mapanghamong tanong niya sa akin.
Tinapunan ko siya ng tingin. Pero mas lalo lamang naging visible ang mga mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "Like i want you under me naked uhmm...i'll thrust deep, hard and fast..."
"Piero!" Hiyaw ko sa kanya kaya naman napatawa siya. Mas lalo niya akong hinapit sa aking bewang kahit pilit kong kumakawala sa kanya. "Baby stop it" malambing na suway niya sa akin habang tinutulak ko siya palayo sa akin.
Kahit papaano ay bumalik na ang sigla ni Piero. Pero hindi pa din maiiwasan ang paminsan minsan niyang pagiging tahimik. Ingat na ingat pa din siya sa akin na para bang takot na takot siyang mapahigpit ang hawak niya sa akin at masaktan ako.
"Babalik na ako ng manila sa susunod na araw" paalam ni Xalaine sa akin ng muli kaming magkita sa may palayan habang hinihintay ko si Piero na matapos sa kanyang trabaho.
"Tapos na ang bakasyon mo, paano si Rafael?" Biglaang tanong ko pa sa kanya na ikinagulat din naming pareho.
Napatawa ito. "Bakit anong meron sa lalaking iyon?" Tanong niya sa akin kaya naman napakibit balikat ako.
"Maiiwan siya dito? Sabi kasi sa akin ni tita Afrit pag mahal mo ang isang tao hindi mo iiwan" pangaral ko pa sa kanya kaya naman mas lalong natawa si Xalaine na may kasama pang paghampas sa aking braso.
"Wag kang magalala Amaryllis, magkikita naman kami sa Manila" laban pa niya sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya ng marealize kong masyado akong nangengealam sa kanila.
Sinaluhan kami ni Xalaine sa tanghalian nung tanghali. Imbes na umuwi ay nagtagal pa ako duon para panuorin at samahan si Piero. Hindi ko kailangang umuwi para sumama kay tita Afrit na magtinda ng mirienda dahil wala ito ngayon at lumuwas ng manila.
"Hindi ka ba inaantok?" Tanong niya sa akin ng sandali itong umahon sa putikan pars uminom ng tubig. Tumayo ako para iabot sa kanya ang kanyang inuminan.
"Hindi naman, mas gusto ko dito para magkasama tayo" sagot ko pa sa kanya kaya naman matamis na ngumiti si Piero.
Tumango tango ito. "Tatapusin ko lang itanim iyon, pagkatapos bibili tayo ng mirienda" sabi pa niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
Muli akong bumalik sa aking kinauupuan para panuorin si Piero. Napapangiti ako sa tuwing nakikita kong nakikipagusap din siya sa ibang nagtatanim, kung minsan ay tumatawa pa sila. Nabigla ako ng makita ko si Tita Luna, wala pang isang oras ng makauwi ito sa kanila heto at nandito nanaman siya.
"Nagdala ako ng pamalit ng tito niyo, nakalimutan niya kasi magdala kanina" nakangiting paliwanag niya sa akin na tinanguan ko lamang.
Kagaya niya ay hinanap din ng aking mga tingin si Tito Darren. Nakita kong nasa may gitna ito ng palayan. Sumigaw si tita luna para tawagin siya. Muli itong bumalik sa aking gawi para umupo sa pagpag sa aking tabi.
"Hindi ba kayo magtitinda ni Afrit ng mirienda ngayon?" Malumanay na tanong niya sa akin. Nailang ako dahil duon pero nagawa ko pa din siyang sagutin.
"Wala po si Tita Afrit ngayon, lumuwas po ng manila" magalang na sagot ko sa kanya na bahagya niyang ikinatango.
Tumingin ito sa malayo kaya naman ganuon din ang ginawa ko. Tinanaw ko ang kabuuan ng malawak na palayan.
"Sa tagal naming magasawa ni Darren, alam ko pa ding si Afrit ang mahal niya" kwento niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko naiwasang hindi siya lingonin. Nanatili ang mga mata ni Tita Luna sa malayo, para bang dinadala siya nito sa malayo.
"Tahimik lang ako, pero mabigat pa din sa aking dibdib ang sitwasyon namin. Ako nga ang asawa ni Darren, ako ang pinakasalan niya, may anak siya sa akin pero alam kong si Afrit pa din ang mahal niya..." kwento niya sa akin kaya naman nahabag din ang loob ko para sa kanya. Nitong nga nagdaang araw ay sina tito Darren at tita Afrit lang ang inisip ko, without thinking na nasasaktan din si tita luna.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi mg makita ko ang pagtulo ng kanyang luha, nagawa pa nitong ngumiti ng mapait. "Pero mahal ko si Darren, kaya naman hindi ko siya kailanman isusuko. Hindi ko kayang magparaya para sa kanilang dalawa, hindi ko bibitawan si Darren" desididong sabi niya sa akin na mas lalong nagpabigat sa aking dibdib.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Basta ang alam ko ay pare pareho lang silang nasasaktan dahil sa sitwasyon nila. Kagaya nila ang sitwasyon namin ni Piero. Hindi ibabang babae ang kaagaw ko sa kanya kundi oras. Oras na hindi namin kayang kalabanin.
Hindi din naman nagtagal si Tita Luna duon dahil kailangan niyang umuwi para bantayan ang kanilang anak ni tito Darren. Hindi ko tuloy alam kung sinabi niya iyon sa akin dahil inaakala niyang mas boto ako kay tita Afrit kesa sa kanya. Nanatili ang mga mata ko sa lupa habang iniisip iyon. Nakaramdam tuloy ako ng hiya para kay tita Luna, hindi ko naman inakalang bibigyan niya ng malisya ang pakikipagkaibigan ko kay Aling Afrit.
"Nagseselos ako sa lalim ng iniisip mo baby..."
Kaagad akong napaangat ng tingin ng marinig ko ang pagsasalita ni Piero. Nakatayo na ito ngayon sa aking harapan habang umiinom ng tubig. Habang ginagawa niya iyon ay sa akin siya nakatingin. Marahan akong tumayo paharap sa kanya, hindi pa din nawala ang tingin niya sa akin.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.
Hindi kaagad tinanggap ni Piero ang aking sagot sa kanya, pero sa huli ay sumuko na lamang siya at tumango sa akin. "Tara papakainin na muna kita ng Mirienda" seryosong sabi niya sa akin.
Hinawakan ni Piero ang kamay ko para hilahin ako duon sa may kanto. May kalayuan iyon sa palayan, pero duon daw sila minsan bumibili ng mirienda. Mula sa pagkakahawak ni piero sa akin ay kita ko ang pagbabago ng kulay ng kanyang balat dahil sa halos buong araw na pagkakabilad sa palayan.
Huminto kami sa isang tindahan, sa gilid nuon ay may estante ng iba't ibang klase ng mirienda. "Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Piero habang panay ang pahid niya sa kanyang pawis.
Itinaas ko ang kamay ko para pahiran ang pawis niya sa kanyang noo. Muling pumingay ang kanyang mga mata ng lingunin niya ako. Tipid ko siyang nginitian bago niya hinapit ang aking bewang para mas lalo akong idikit sa kanya.
"Gusto ko ng halo halo, tsaka ng turon, at cheese stick" tuloy tuloy na sabi ko kay Piero kaya naman mahina siyang napatawa. Naramdaman ko anh paghalik niya sa aking ulo.
Inorder niya iyon sa tindera, turon at halo halo din ang pinili niya. "Himala hindi ka umorder ng kikiam" pangaasar ko sa kanya. Tinaasan niya ako nh kilay. "Mas gusto ko na ang kikiam mo" diretsahang sabi niya na ikinalaki ng aking mata. Naramdaman ko ang mas lalong paginit ng aking pisngi dahil sa pagsulyap sa amin ng tindera.
Napangisi lamang si Piero hababg pinapanuod kung paano ako mahiya. Nang maibigay na sa amin ang order namin ay hinila nila ako sa may gilid ng tindahan kung saan may mahabang upuang gawa sa kawayan na pwede kaming kumain.
"Namimiss ko na sina Lance at Sarah" sabi ko sa gitna ng aming pananahimik.
Nilingon ako ni Piero at sinamaan ng tingin. "Anong sabi mo?" May pagbabantang tanong niya sa akin.
Napanguso ako. "Miss ko na kako si Lance at Sarah" paguulit ko naman kaya mas lalong nalukot ang kanyang pagmumukha.
"Yan na ang huling beses na magbabanggit ka ng pangalan ng ibang lalaki sa harapan ko Amaryllis" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking labi.
"Pero friend mo naman si Lance..." pagdadahilan ko. Bayolente itong napakamot sa kanyang batok.
"Oo nga pero ayoko Amaryllis" parang batang sabi pa niya sa akin kaya naman napangisi ako.
"Ang seloso mo Piero" pangaasar ko sa kanya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko ang pagirap nito.
Napatigil kami nang maagaw ang aming pansin ng tatlong batang babaeng tumabi sa aming upuan. Hindi naman iyon pinansin nung una pero kaagad kong napansin ang pagbubulungan nila habang nakatingin sa amin. Hindi na sana ako magrereact pero nagsalita pa din si Piero.
"Anong binubulong bulong niyo diyan?" Masungit na tanong niya sa mga ito, ako na ang nakaramdam ng takot para sa kanila.
Pero mas nabigla ako ng hindi ko man lang nakitaan ng takot sa mukha ang mga batang babae. "Iniisip lang po namin kung paano niyo nagustuhan ang asawa niyo. Ang panget po kasi niya..." sabi pa nila. Nabato ako sa aking kinauupuan, buong akala ko ay aawayin sila ni Piero pero nagulat ako ng natawa ito.
Kaagad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin na para bang nanghahamon pa. "Panget ba?" Nakangising tanong pa niya sa mga ito. Sabay sabay na nagtanguan ang mga bata na para bang tuwang tuwa sila dahil kakampi nila si Piero.
Humaba ang nguso ko at kaagsd bumagsak ang tingin ko sa lupa. Ang turon sa bibig ko ay hindi ko na magawang manguya ng maayos. "Amputa, umalis na kayo sa harap ko pumapatol ako sa bata" galit na pagbabanta ni Piero sa kanila na ikinagulat namin pare pareho.
Nagmamadaling umali ang mga iyon, sinundan ko pa ng tingin ang kanilang paglayo bago ko nilingon si Piero na nagpapatuloy lamang sa kanyang pagkain na para bang walang nangyari. "Tinakot mo yung mga bata" suway ko sa kanya pero napairap lamang ito.
"Kakampi mo nga ang mga iyon eh" may pagtatampong sabi ko pa. Bumaling ito sa akin at tsaka ako tinitigan. "Anong kakampi? Eh mga kabarkada mo nga iyon eh" balik na pangaasar niya sa akin kaya naman sumama ang tingin ko sa kanya.
Napahiyaw ako ng hilahin niya ako papalapit sa kanya at tsaka niya ako iginaya pakandong sa kanya. "Piero maraming tao..." nahihiyang suway ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan.
Napahawak ako sa magkabila niyang balikat para suporta kahit pa nakayakap ang mga kamay niya sa aking bewang. Tumingala siya para titig ako. "Patingin nga ako kung gaano kapanget" nakangising sabi niya habang nakatitig sa akin.
Napayuko ako. "Maganda naman ah" paos na sabi pa niya kaya naman uminit ang aking mukha.
"Kung magiging babae ang anak natin, gusto ko yung kamukha mo, tapos may bangs din" nakangising sabi ni Piero. Naramdaman ko ang bahagyang pagtalon ng aking dibdib.
"Gusto mong babae ang unang maging anak natin?" Tanong ko sa kanya kahit pa ramdam ko ang kung anong malikot sa loob ng aking tiyan.
Pumungay ang kanyang mga mata bago niya isinandal ang kanyang ulo sa akin. "Kahit ano tatanggapin ko...sayo ko lang gustong magkaanak Amaryllis, ikaw lang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko" sabi niya pa, pero imbes na kiligin ay kumirot lang ang aking puso.
"Paano kung hindi ako?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Tiningala niya akong muli. "Ayoko ng anak kung hindi galing sayo" pinal pang sabi niya sa akin kaya naman naitikom ko na lamang ang aking bibig.
Buong araw din akong nasa may palayan ng mga sumunod na araw para samahan si Piero. Kung minsan ay umuuwi lamang ako para gumawa ng ilang gawaing bahay pero babalik din kaagad sa kanya. Sa mga nalaman ko mula kay Lance mas lalo kong gustong palaging kasama si Piero. Bawat araw ay mahalaga para sa aming dalawa, kung pwede lang na nakadikit ako sa kanyang buong araw gagawin ko.
"Sa tingin ko kailangan nating bumili ng kulambo" sabi niya sa akin ng maghanda na kami sa pagtulog. Napapalo pa ito sa kanyang braso.
"Nilalamok ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Napailing na lamang ito. "Hindi naman, pero iniisip ko ikaw" seryosong sagot pa niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok. Umayos ako ng higa, pinanuod ko ang paghiga ni Piero.
Dumiretso ito ng higa at tsaka tumitig sa may kisame. Nilingon ko siya pero nanatili siyang tahimik. Umayos ako ng higa para makaharap ako sa kanya.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko sa kanya.
Bahagya siyang napangisi. "Secret, ang chismosa mo" asar niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Nagsumiksik ako sa kanyang tabi kaya naman napatawa si Piero at tsaka umayos ng higa para makaunan ako sa kanyang braso. Mabilis ko siyang niyakap. Namahinga ang kamay ko sa taas ng kanyang dibdib kaya naman ramdam ko ang kanyang paghinga. Hindi pa ako nakuntento, bahagya akong dumagan sa kanya para pagtapatin ang aming dibdib.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Sinasabayan ko yung paghinga mo" sagot ko sa kanya kaya naman napangiti si Piero. Hinayaan niya ako sa ganuong posisyon ng ilang minuto.
Bayolente akong napalunok ng maramdaman ko ang mas lalong pagbigat ng kanyang mga hininga. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng bumalik sa akin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
"Nasaan na yung parusa ko?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
Sandali niya akong sinulyapan bago siya muling nagiwas ng tingin sa akin. Mas lalo ding bumigat ang kanyang paghinga. "Hindi muna ngayon baby, hindi ko pa kayang kontrolin ang sarili ko, baka masktan lang kita" nahihirapang sabi niya sa akin.
"Hindi mo naman ako nasasaktan" sabi ko pa.
Napabuntong hininga siya. "But i'm still trying to be gentle, gusto kong macontrol ang sarili ko. Ikaw pa naman, hindi ka marunong magreklamo" sabi pa niya kaya naman napanguso na lamang ako dahil naging kasalanan ko pa.
Bayolente akong napalunok bago ako umalis sa pagkakadagan kay Piero. Nakaluhod na ako ngayon sa kanyang gilid. "Bakit?" Tanong niya sa akin.
Imbes na sumagot sa kanya ay yumuko ako para abutin ang kanyang labi. Hinalikan ko siya, pero marahan niya akong tinulak palayo sa kanya. "What are you doing Amaryllis?" Paos na tanong niya sa akin.
"I want you to take me Piero...please" paos na sabi ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking buong mukha dahil sa sobrang hiya.
"Fuck baby you don't need to beg for that" frustrated na sabi pa niya sa akin pero hindi na ako nagpapigil pa sa kanya.
Inipon ko ang lahat ng lakas at tapang ko bago ako tuluyang dumagan sa kanya. "Amaryllis!" Suway niya pa sa akin bago ko inangkin ang kanyang labi. Hindi niya iyon tinugon nung una pero nagpaubaya na lamang din siya.
Mas lalong lumalim ang halik ko kay Piero ng maramdaman ko ang pagbaba ng kanyang magkabilang kamay sa aking pangupo at tsala niya iyon marahang pinisil. Bahagya akong napadaing dahil sa kanyang ginawa pero nagawa ko pa ding ibaba ang mga halik ko papunta sa kanyang leeg. "Fuck baby..." daing niya ng ipasok ko ang aking mga kamay sa loob ng kanyang suot na tshirt para hubarin niya iyon.
Sandali akong bumangon mula sa pagkakadagan sa kanya para mahubad din ang aking suot na damit. Ganuon din ang ginawa ni Piero kaya naman ng matanggal ko na ang lahat saplot ko sa aking katawan ay muli na akong dumagan sa kanya.
Sa aking muling pagkakadagan sa kanya ay mas lalo kong naramdaman ang init ng aming parehong hubad na katawan. Ramdam na ramdam ko ang kanya sa aking bandang puson. Ang mga halik ko sa kanya ay unti unting bumaba sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib.
"Tangina" malutong na mura niya ng halikan ko ang kanyang dibdib. "Amputa, pinagdiskitahan mo nanamn ang nipples ko" matigas na utas niya. Gusto kong matawa dahil sa kanyang itsura pero nagpatuloy lamang ako. Muli ko siyang hinalikan sa kanyang dibdib pababa, ngunit ng nasa bandang puson na ako ay kaagad niya akong pinigilan.
"I won't let you do that" seryosong sabi niya sa akin kaya naman mas lalong uminit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.
Sandali akong napatigil, pero buo na ang aking desisyon. Titig na titig si Piero sa akin habang hinihintay ang susunod kong gagawin. Napakagat siya sa kanyang labi at kaagad na napatingala ng hawakan ko ang sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay dahil sa aking ginagawa.
Mula sa aking pwesto ay malaya kong nakita kung paano magflex ang mga muscles ni Piero habang patuloy sa pagtaas baba ang aking kamay sa kanya. "Amaryllis..." daing na tawag niya sa akin.
Ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aming kumunot ay kaagad niyang ginamit para hilahin ako palapit sa kanya. Kaagad akong sumubsob sa kanyang dibdib. Kitang kita ko ang pamumula nuon. Umayos ako ng upo sa kanyang itaas, tumapat ako sa kanya at tsaka dahan dahang pinagisa ang sa amin.
Nanghina ako dahil duon kaya naman napahawak ako sa kanyang dibdib para kumuha ng supporta. "Ughh.." mangiyak ngiyak na daing ko habang dinadama pa din ang kabuuan niya sa aking loob.
Bumaba ang kamay ni Piero sa aking bewang para igaya ako sa paggalaw. Nang makabawi ay dahan dahan akong gumalaw sa kanyang itaas. Sinabayan ko ang ritmo ng kanyang katawan, napapadaing ako sa bawat pagsalubong ng aming bawat pagulos.
Itinukod ko ang aking magkabilang kamay sa may kasama para mas lalong makagalaw sa kanyang itaas. "Damn baby!" Hiyaw ni Piero ng mas lalong bumilis ang galaw ko pataas baba.
"Piero..." pagtawag ko sa kanya ng maramdaman ko ang namumuong kung ano sa aking puson.
Sinabayan niya ang bilis ng aking paggalaw kaya naman sabay kaming napahiyaw ng marating namin pareho ang sukdulan. Kaagad na lumupaypay ang katawan ko sa kanyang itaas. Kapwa namin habol ang aming paghinga. Nanatili siya sa aking loob, ramdam na ramdam ko ang pagkapuno ko ng mainit na likido mula sa kanya.
"Nasaktan ba kita?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Dahil narin siguro sa paminsan minsan niyang pagpisil sa aking dibdib at ang marahas na pagsalubong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi Piero..." malumanay na sagot ko sa kanya.
Bahagya akong umusog para muling pagtapatin ang aming dibdib. Mas lalo kong naramdaman ang kapwa namin paghahabol ng hininga. Naramdaman ko ang kamay ni Piero sa aking likuran para mas lalo akong idikit sa kanya.
"Hangga't nararamdaman ko ang paghinga mo, patuloy akong mabubuhay" sabi ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking luha.
"Baby..." malambing na tawag ni Piero sa akin.
Imbes na sumagot ay mas lalo kong lang siyang niyakap, mas lalong dumiin ang hubad kong dibdib sa kanya. Pumulupot ang magkabilang kamay ni Piero sa akin. Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking ulo.
"Breathe with me baby, breathe with me"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro