Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Turn back







Maganda ang gising ko kinaumagahan. Pagkamulat ng aking mga mata ay kaagad dumapo iyon sa singsing na nakasuot sa aking daliri. Hindi man maayos ang seremonyas ng naging kasal namin ni Piero handa akong paglingkuran siya at maging asawa niya. Sa harap ng diyos namin tinanggap ang isa't isa. Hindi kailangan ng madaming tao, hindi kailangan ng engrandeng handaan. Ang mahalaga nangyari iyon sa pagitan namin ni Piero kasama ang Diyos, sa harap nh altar.

Napakapit ako sa kumot na nagtatakip sa aking hubad na katawan, wala na si Piero sa aking tabi kaya naman mabilis akong bumangon at nagayos ng sarili para hanapin siys. Pababa pa lamang ako ng kwarto ay narinig ko na ang ingay ng mga kasangkapan mula sa may kusina. Kaagad akong nagtungo duon, napangiti ako ng makita ko ito, nakatalikod at busy sa pagluluto. Wala rin itong suot na pangitaas kaya naman kitang kita ko kung paano nagfleFlex ang muscles niya sa tuwing may ginagawa.

"Ako dapat ang gumagawa niyan Piero" nahihiyang sabi ko sa kanya pagkalapit ko.

Nilingon niya ako at tsaka nginisian. "Bakit katulong ka ba?" Pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad akong napanguso.

"Hindi, pero asawa mo ako. Dapat ako ang nagluluto para pagsilbihan ka" mahinang sagot ko sa kanya, kahit magasawa na kami ay naiintimidate pa din talaga ako sa kanya sa tuwing magkausap kami.

Kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. "Hindi naman kita pinakasalan para pagsilbihan mo ako Amaryllis. Pinakasalan kita dahil mahal kita..." sabi niya sa akin habang ang kanyang mapupungay na mga mata ay diretso pa ding nakatingin sa akin.

Napayuko ako at kaagad na pinaglaruan ang singsing na nakasuot sa aking daliri. Lumapit si Piero sa akin at hinalikan ako sa noo. "Wag nang pahabain ang nguso, baka ikaw ang makain ko imbes na itong agahan" pangaasar niya sa akin kaya naman muli kong naramdaman ang paginit ng aking pisngi.

Tahimik akong nanuod sa pagluluto ni Piero. Hindi din maalis ang tingin ko sa suot niyang singsing. "May gusto ka bang ulam para mamaya?" Tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako at tsaka ako nginitian."Kung anong gusto mong ipakain sa akin baby, kakain ko naman" nakangising sabi niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin.

"Sige, magluluto na lang ako ng adobo" pagsuko ko kaya naman tumango si Piero sa akin.

Pagkatapos naming kumain ng agahan ay kaagad na siyang nagayos para sa pagpunta nila sa palayan. Panay pa din ang paalala nito sa akin na magstay lang sa bahay, tumatango naman ako sa kanya kahit ang totoo ay palagi ko siyang sinusuway.

"Ingat ka" sabi ko sa kanya bago ako tumingkayad para halikan siya sa kanyang labi. Malugod naman niya iyong tinanggap.

"Oh, papasok pa ba tayo Piero?" Kaagad akong humiwalay sa kanya dahil sa pangaasar ni tito Darren sa amin.

Napangisi si Piero. Kaagad niyang itinaas ang kamay naming dalawa kung nasaan ang singsing. "Asawa ko na tito" pagmamayabang niya kaya naman kaagad na napatawa si Tito Darren.

"May nagkasal bang pari sa inyo?" Mapanghamong tanong ni Tito Darren sa kanya kaya naman mabilis na napasimangot si Piero.

"Wala. Basta magasawa na kami" nakabusangot na sagot niya dito na ikinatawa ko na lamang din. Dahil sa aking pagtawa ay napatingin si Tito Darren sa akin. "Naku, mahirap na ang ganda pa man din nitong asawa mo. Kailangan mo talagang bantayan Hijo" patuloy na pangaasar pa sa kanya nito, napayuko na lamang ako dahil sa nararamdamang hiya.

Napanguso ako dahil sa nadinig. "Si Piero nga po ang kailangang bantayan..." mahinang sabi ko kaya naman kaagad na napahalakhak si Tito Darren.

Ramdam ko ang matalim na tingin ni Piero na nasa aking tabi ngayon. "Babantayan saan Amaryllis?" May pagbabantang tanong niya sa akin kaya naman bahagya akong sumulyap sa kanya. Nakatuon ang buong atensyon niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot, alam naman niya kung ano ang tinutukoy ko pero palagi niyang itinatanggi iyon sa akin. Kahit pa ilang beses niyang sabihing hindi naman niya pinapansin ang mga babae ay hindi pa din ako napapakali, lalo na kung ang makatapat niya ay yung babaeng mapupusok kagaya ni Vera.

"Tama na iyan, unang araw niyo bilang magasawa tapos magaaway kayo?" Tanong ni Tito Darren sa amin.

Muling bumagsak ang aking mga mata sa lupa. "Hindi naman po sa nagaaway Tito. Medyo selosa lang po kasi, pero hindi ko naman nakitang ipinagdamot ako sa iba. Wala nga po siyang pakialam kahit kinakausap na ako nung Vera, tahimik pa din" mahabang sabi ni Piero pero ramdam ko ang pagtatampo niya.

Muli ko siyang sinulyapan pero kaagad din siyang nagiwas ng tingin. Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil sa sinabi niya sa akin. Mas lalong humaba ang nguso ko habang nakatanaw sa kanilang paglayo, kita ko pa ang paminsan minsang paglingon nito sa akin. Gusto ba ni Piero na lumaban ako at makipagaway? Hindi ko din alam, naguguluhan ako.

Naglilinis ako ng bahay ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Aling Afrit mula sa aming gate. Mabilis kong binitawan ang hawak kong walis tambo at tsaka tumakbo papunta sa kanya.

"Magandang umaga po aling Afrit" nakangiting salubong ko sa kanya.

"Tatanong ko lang sana kung gusto mo pang maglaba sa mansion, naikwento sa akin ni aling Betty yung nangyari" sabi pa niya sa akin.

"Pasencya na po Aling Afrit, baka po kasi pagtumuloy pa ako ay pagawayan pa namin ng asawa ko" malumanay na sagot ko sa kanya, kita ko ang bahagya niyang pagkagulat. Nasundan ko din kung paano bumaba ang tingin niya sa aking kamay at napangiti siya ng makitang may suot na akong singsing.

"Congrats sa inyo ni Piero. Naku mabuti pa nga at sundin mo na lang ang asawa mo, iyong batang iyon pa naman" natatawang sabi pa ni Aling Afrit sa akin kaya naman napangiti na lamang ako.

"Pero kung gusto mo talagang kumita, pwede kang sumama sa akin. Naglalako ako ng mirienda tuwing hapon" paanyaya pa niya sa akin kaya naman kaagad na lumawak ang ngiti sa aking labi.

"Talaga po? Pwede po akong sumama?" Paninigurado ko pa sa kanya na kaagad din naman niyang tinanguan.

Mas binilisan ko ang pagaayos ng bahay. Nag magtanghali ay nagluto ako ng adobo para kay Piero, dinamihan ko na din para may extra. Saktong pagdating namin duon ni Tita Luna ay kakaahon lamang nila sa palayan, kita kong hinubad ni Piero ang kanyang damit at pinunas iyon sa kanyang pawis na katawan. Bago pa man ako makalapit sa kanya ay nakita ko na ang ilang kabataan sa bukana ng pahingahan.

"Ang pogi nung pamangkin ni mang Darren, grabe...taga maynila daw iyan at mayaman" rinig kong sabi ng isa sa kanila habang nakatanaw kay Piero. Napanguso ako.

"Ang kaso may asawa na daw" inis na sabi pa ng isa kaya naman kaagad kong naikuyom ang aking kamao at humarang sa tinitingnan nila.

"Bakit kayo nandito mga bata? Magsiuwi na kayo tanghali na" suway ko sa kanila, malumanay iyon at kung pagsabihan ko sila ay parang nakakatandang kapatid lang na babae.

Imbes na pakitunguhan ako ng maayod ay inirapan pa nila akong tatlo. "Eh sino ka po ba ate?" Tanong niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko. Wala na si tita Luna sa aking tabi, nauna na itong lumapit kina tito Darren.

Nakita ko ang pagbulong ng isa sa nagtanong kung sino ako. Nanlaki ang kanyang mga mata matapos marinig iyon. "Ikaw po pala ang asawa ni Kuya Pogi, ang panget niyo naman po" asik niya sa akin kaya naman mas lalo akong napanganga. Grabe ang mga batang ito walang respeto.

"Ang panget nung bangs" sabi pa nung isa sabay tawa nilang tatlo. Kaagad akong napahawak sa bangs ko.

"Hoy mga bata kayo, wala kayong galang mas matanda ako sa inyo" suway ko pa din sa kanila, pero hindi sila natinag dahil malumanay pa din ang pagkakasabi ko nuon. Gusto kong magtunog na masungit pero nagmumukha lang akong bata na nagmamaktol pag ginagawa ko iyon.

"Basta po, hindi kayo bagay ni Kuya Pogi" laban pa ng isa kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi.

"Wala na kayong magagawa, asawa ko na siya...akin na siya" sabi ko pa sa kanila at medyo nahiya pa ng maramdaman ko ang paginit ng aking pisngi.

Kumunot ang noo ko ng makita ko ang pagkabato nung tatlo. Magtatanong na sana ako kung anong nangyari sa kanila ng kaagad akong mapaiktad ng maramdaman kong may humawak sa aking bewang. Mas lalong naginit ang mukha ko ng sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Piero.

"Tangina..." natatawang bulong niya.

Naglapat ang aking mga labi dahil sa kanyang presencya. "Sige na mga bata, umuwi na kayo...narinig niyo ang asawa ko" suway ni Piero duon sa mga kausap ko kaya naman kaagad silang napatayo ay tumakbo paalis duon.

Nang tuluyang mawala ang mga iyon ay kaagad akong pinaharap ni Piero sa kanya. "Amputa hindi ko alam kung kikiligin ako o ano. Pinagaawayan ako ng mga bata hayop" naiiling na sabi niya sa akin kaya naman napasimangot ako.

"Hindi na ako bata"

Mas lalo siyang napangisi. "Parang mga kabarkada mo na ang mga iyon. Kung hindi kita kilala aakalain kong magkakasing edad lang kayo" pangaasar pa niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.

Hinapit niya ako sa aking bewang. "Ganyan dapat, ipamukha mo sa kanila na sayo ako. Walang pwedeng umagaw sa akin dahil sayo ako" medyo paos na sabi niya sa akin kaya naman may parang kung anong naglilikot sa loob ng aking tiyan.

"Sorry Piero. Gusto mo ba maging possesive din ako sayo?" Tanong ko sa kanya. Napakagat siya sa kanyang pangibabang labi bago siya tumango.

Tipid ko siyang nginitian. "Sige susubukan ko" paninigurado ko sa kanya. Dahil sa aking naging sagot ay mas lalo akong hinapit ni Piero palapit sa kanya.

"Masyado kang mabait Amaryllis, tangina mas lalo akong maguguilty" sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Saan ka naguguilty?"

Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Pakiramdam ko masyado akong masama para sayo. You deserve someone na mas mabait, yung marangal na tao" sagot niya sa akin. Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko ng maramdaman ko ang lungkot sa boses ni Piero.

Inabot ko ang kanyang pisngi para paharapin siyang muli sa akin. "Asawa mo na ako, bakit mo naman ako pinamimigay sa iba?" Nakangusong sabi ko sa kanya.

Bumigat ang tingin niya sa akin. "Sino nagsabing pinamimigay kita?" Tanong niya kaya naman napangisi ako.

Imbes na sumagot ay niyakap ko na lamang siya na kaagad din naman niyang ginantihan. "Sana inayos ko na lang yung buhay ko...hindi sana tayo nasa ganitong sitwasyon" mababang tonong sabi pa niya sa akin. Imbes na sumagot ay mas hinigpitan ko na lamang ang yakap ko sa kanya.

Pagkatapos ng tanghalian ay umuwi din ako kaagad para puntahan si Aling Afrit. Maglalako kami ng turon at ilang mga mirienda.

"Oh andito ka na pala Amaryllis" nakangiting salubong niya sa akin. Nakita ko ang dalawang bilao na may turon at mga nakasupot na iba't ibang pang mirienda.

"Kayo po ang gumagawa niyan?" Tanong ko ss kanya na kaagad naman niyang tinanguan.

"Ito na talaga ang trabaho ko dalaga pa lang ako" kwento pa niya sa akin. Binigyan niya din ako ng turon para ipatikim iyon sa akin.

May tig isa kaming bilang dala ni Aling afrit, nasa aking bilao ang mga turon at ilang bananaque. Una kaming napahinto sa may toda ng tricycle sa may kanto. "Oh sino naman itong kasama mo?" Panguusisa sa kanya ng mga ito.

"Asawa iyan ng pamangkin ni Darren" sagot niya sa mga ito. Napatingin ako sa kanya, hindi naman nagbago ang kanyang ekspresyon ng banggitin niya ang pangalan ni Tito Darren.

Pagkatapos duon sa may mga tricycle driver ay muli kaming nahinto sa may mga binatang naglalaro ng basketball. Panay ang parinig nila sa akin, para hindi mapahiya si aling Afrit ay nangingiti lamang ako.

"Ang bilis maubos ng paninda natin Amaryllis. Kung ako lang magisa ito baka inabutan pa ako ng dilim" sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lamang ako.

Magaalasingko na ng hapon kaya naman medyo bumilis na din ang lakad ko, takot akong maunahan ni Piero sa bahay.

"Ayos lang bang mauna ka ng umuwi. May dadanana pa kasi ako" paalam ni aling afrit sa akin. Bago pa man kami maghiwalay ay ibinigay na niya sa akin ang sweldo ko.

Napahinto ako sa paglalakad pauwi ng madaan ako sa may fishball vendor. May ilang nakatayo duon at tumutusok. "Kikiam po sa akin" order ko sa tindero. Hinintay ko iyong maluto bago ako muling naglakad pauwi sa amin. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng kaagad na bumuhos ang ulan. May araw pa pero biglang bumuhos ang ulan. Sabi sa amin nuon para ganito may kinakasal na tikbalang.

Tinakbo ko ang distansya ng bahay. Pagkadating duon ay kaagad akong nagulat ng makita ko si Piero. Mabigat na kaagad ang tingin niya sa akin kaya naman grabe ang pagtatambol ng aking dibdib.

"May kinasal na tikbalang" sabi ko sa kanya, pilit na pinapahupa ang kabang nararamdaman ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Anong tikbalang? Saan ka nanggaling?" Matigas na tanong niya sa akin.

Halos makagat ko ang aking dila, lalong naghurumentado ang aking dibdib ng lumapit siya sa akin. "Binilhan kita ng kikiam" sabi ko sa kanya sabay abot nung plastick.

Bayolente akong napalunok ng kuhanin niya iyon sa aking kamay. Bago pa man makapagsalita si Piero ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Kain ka muna, maliligo lang ako kasi nabasa ako ng ulan" natatarantang sabi ko sa kanya at tsaka ko siya mabilis na nilagpasan.

Napahawak ako sa aking dibdib pagkapasok ko ng banyo. Hindi talaga maiiwasang kabahan ako dahil sa presencya ni Piero. Matapos kong mahubad ang lahat ng saplot ko sa katawan ay nagbuhos ako mula sa tabo. Halos tumatalon pa nga ako sa kada buhos dahil sa lamig ng tubig. Napahilamos ako sa aking mukha ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo.

Nanlaki ang aking mata ng makita kong pumasok si Piero, wala na siyang suot na pangitaas at kasalukuyan niyang hinuhubad ang kanyang suot na pantalon. "Hindi mo ba kakain yung kikiam na binili ko para sayo?" Tanong ko sa kanya.

Napangisi siya. "Yung kikiam mo?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad na naginit ang aking pisngi.

"Yung uwi ko..." pagtatama ko sa kanya.

Bayolente akong napalunok ng tuluyan niyang mahubad ang kanyant pantalon. Kagaya ko ay wala na ding saplot si Piero. Kitang kita ko kung paanong handang handa na ang sa kanya. Naglakad siya papalapit sa akin. "Maligo muna tayo, sabay tayong kumain" sabi niya sa akin.

Kinuha niya ang tabo sa aking kamay, sumalok ng tubig bago niya iyon binuhos sa kanyang katawan. Nagiwas ako ng tingin, para kasi itong nasa commercial ng kung ano sa tv sa paraan niya ng pagbubuhos. Matapos ang ilan niyang pagbuhos ay ako naman ngayon ang binuhusan niya, napahawak ako sa braso niya dahil sa lamig nuon.

"Tangina ang lamig ah, magpainit tayo" sabi niya dahilan kung bakit halos mamanhid ang aking mga braso.

"Ng tubig" sambit ko na ikinangisi niya.

Imbes na sumagot ay hinapit niya ako sa bewang. Kaagad niyang inangkin ang aking mga labi dahilan kung bakit kaagad kong ipinulupot sa kanyang leeg ang aking mga kamay. Dahil sa mas lalong paglapit ng aming katawan ay ramdam na ramdam ko ang sa kanya sa may bandang puson ko. "Piero..." napadaing ako ng bumaba ang kamay niya sa aking pangupo at pinisil iyon.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng bumaba ang halik niya sa aking leeg, hanggang sa aking dibdib. Napasabunot ako sa kanyang buhok dahil sa sensasyong dala nuon.

"Turn back" matigas na sambit niya. Hindi na niya ako hinintay pang gawin iyon dahil siya na mismo ang nagikot sa akin patalikod sa kanya.

"Piero...ughh" halos maiyak na daing ko ng walang sabi sabi niyang hinawakan ang sa akin mula sa likuran. Ang isa niyang braso ay nakapulupot pa din sa aking bewang bilang suporta.

Napahawak ako sa dingding ng banyo, mas lalo niya akong idiniin duon ng medyo lumakas ang aking pagungol. Dahil sa nararamdamang panghihina ay naisandal ko na ang noo ko duon sa dingding mismo. Malayang naglabas masok ang daliri ni Piero duon sa akin. Halos bumigay ang tuhod ko kasabay ng panginginig.

Iikot na sana ako ulit para harapin siya ng pinigilan niya ako. "Stay..." paos na sabi niya sa akin. Pinaghiwalay niya ang aking mga binti. Muli akong napadaing ng pagisahin niya ang sa amin habang nasa ganuon kaming posisyon.

Nanatili ang isang kamay niya sa aking bewang habang gumagalaw si Piero sa aking likuran. "Ughh...Fuck" matigas na sambit niya kasabay ng mas lalo niyang pagdiin ng kanya sa akin.

Dumulas ang isang kamay ko mula sa dingding, kinuha iyon ni Piero at pinagsiklop ang mga kamay namin bago niya iyon muling idiniinin duon.

Napuno ng daing at ungol naming dalawa ang buong banyo. Hindi pa natigil si Piero sa ganuon posisyon dahil pagkatapos nuon ay binunat na niya ako paraharap sa kanya. Ang dapat sanang ligo ko lang ay tumagal. Pagod na pagod ang aking katawan habang kumakain kami ng hapunan na si Piero na din ang naghanda.

"Wala naman kaso iyon sa akin baby, pero baka maipit ka kina Tita luna at tita Afrit" pangaral niya sa akin habang nasa gitna kami ng pagkain.

"Pareho ko naman silang gusto, tsaka mukha namang ok na si aling Afrit" sabi ko pa dito.

Napatango na lamang si Piero. Gumaan ang loob ko dahil pinayag na niya akong sumama kay Aling Afrit na maglako ng mga mirienda. Maaga kaming natulog ng gabing iyon dahil na din sa pagod. Sinadya kong maunang gumising kinaumagahan para ako ang magluto ng almusal namin ni Piero. Muli siyang umalis patungo sa palayan. Ilang oras bago iyon ay nagulat ako sa biglaang pagdating ni Xalaine, halos ilang araw ko din siyang hindi nakita.

"Amaryllis Congrats!" Hiyaw na bati niya sa akin. Nabalitaan daw niya mula kay tito Darren ang pagpapakasal namin ni Piero. Ngiting ngiti pa ito habang nakatingin sa aking suot na singsing.

"Kaya pala niya binenta yung sasakyan niya. Sweet din pala ang kuya Piero ko" hindi makapaniwalang sabi pa niya kaya naman napangiti na lamang ako.

Inaya ako nitong manguha ng mangga sa may villa de montero. Gusto ko sanang tumanggi dahil baka magkita kami duon ni Vera. "Anduon naman ako Amaryllis" paninigurado niya sa akin kaya naman sumama na lamang ako.

May ilang tauhan sila Rafael na nasa itaas ng puno. May ilang basket na din na nakahilera sa baba. Ang iba ay dadalhin sa maynila ang iba naman ay ipamimigay sa mga kapitbahay.

"Magdala ka nito, kumakain din niya si Kuya Piero" sabi pa sa akin ni Xalaine kaya naman tumango ako. Dala dala ko na ang basket ng pananghalian namin ni Piero para makadiretso na ako duon sa palayan. Kaagad kong inilagay ang mangga sa basket, para gawing panghimagas namin mamaya.

"You again" mapanuyang sabi ng kararating lamang na si Vera. Kababa lamang nito sa kanyang kabayo.

"Vera, wag mong gagalawin itong pinsan ko" mataray na pagbabanta ni Xalaine sa kanya.

Napangisi si Vera. "Sa pagkakatanda ko, si Piero ang pinsan mo hindi itong babaeng ito"

"Pinsan ko na din si Amaryllis dahil asawa na siya ng kuya Piero ko kaya kung pwede chupi ka na" asik ni Xalaine sa kanya.

Kita ko ang pagbaba ng tingin ni Vera sa aking mga kamay at mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang singsing ko.
"This can't be!" galit na sambit niya bago siya patakbong pumasok sa kanilang mansyon.

"Spoiled brat talaga ang isang iyon. Nakakainis" sambit ni Xalaine kaya naman nanahimik na lamang ako. Mas lalo akong napanatag na hindi na niya ako sasaktan ng hindi na ito lumabas mula sa mansion at dumating na si Rafael. Muli nanaman silang nagaway ni Xalaine sa aking harapan, hindi ko din talaga alam kung anong meron sa dalawang ito.

"Xalaine mauna na ako, tanghalian na hinihintay na ako ni Piero" paalam ko sa kanya. Kaagad siyang tumayo para umalis na din pero pinigilan ko siya. Narinig ko kasing nagpahanda si Rafael ng lunch para sana sa aming dalawa.

"Ako na Xalaine. Malapit na lang naman dito ang palayan...kaya ko na" pagpigip ko sa kanya. Ilang pagpupumilit pa niyang ihatid ako duon ang tinanggihan ko bago niya ako hinayaan.

Nagmadali ako sa paglalakad papunta sa may palayan. Mula sa aking pwesto ay natanaw ko na kaagad si Piero, sakto dahil kakaahon lamang nila mula sa pagtatanim. Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng tunog nang paparating na kabayo. Mabilis kong nakita ang galit na si Vera, ilang hakbang mula sa akin ay bumaba siya mula sa kabayo.

"Hindi mo maaagaw si Piero sa akin" galit na asik niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao, halos maipon na ang lahat ng galit ko para sa kanya.

"Nababaliw ka na ba Vera, asawa ko na si Piero...hindi siya isang bagay na pag ginusto mo makukuha mo. Asawa ko iyon" laban ko sa kanya kaya naman mas lalong tumigas ang kanyang mukha.

"You bitch!" Singhal niya at tangkang sasampalin ako ng mabilis kong nahawakan ang kanyang kamay para pigilan iyon.

"Tama na Vera. Pwede ba..." suway ko sa kanya at padabog na binitawan ang kamay niya. Sandali ko siyang sinamaan ng tingin bago ko siya tinalikuran.

"Hindi ako papayag!" Galit na sambit niya at kaagad na hinila ang aking buhok. Imbes na magpaubaya ay kaagad ko ding hinila ang buhok niya dahilan para mapadaing siya. Hindi ko na siya hahayaang saktan niya ako, lalaban na ako ngayon.

Napasigaw siya at kaagad na humingi ng tulong nang kapwa kami bumagsak sa lupa. Hawak hawak ko pa din ang buhok niya, napahiga siya sa lupa kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon para dumagan sa kanya at sampalin siya.

"Punong puno na ako sayo!" Sigaw ko sabay sampal ulit sa kanya. Naiyak na siya at kaagad na sumigaw.

"Tulong!" Umiiyak na sigaw niya.

Gigil na gigip kong itinaas muli ang kamay ko para sampalin siya muli ng kaagad akong hinapit ng kararating lamang na si Piero sa aking bewang.

"Tama na iyan" galit na utas niya.

Kaagad na tumayo si Vera at aambang sasaktan akong muli ng mabilis na humarang si Piero sa kanyang harapan. "Subukan mong saktan ulit ang asawa ko, tangina kahit babae ka" matigas na pagbabanta ni Piero sa kanya.

"Siya ang nauna! Nakita mo naman...siya ang nakadagan sa akin" sumbong ni Vera sa kanya at tsaka naiyak sa harapan ni Piero.

"Tangina maghanap ka ng sarili mong nobyo at duon ka magsumbong. Wala akong pakialam sayo" gigil na suway pa ni Piero sa kanya bago niya ako hinila palayo duon.

Tumulo ang masasagang luha ko dahil sa nararamdamang inis. Napuno na ako, hindi ko na halos macontrol ang galit ko kaya naman nagawa ko iyon kay Vera. Nang makalayo layo na ay huminto si Piero at hinarap ako.

Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya, tuloy pa din ang pagtulo ng aking mga luha. Muling napamura si Piero bago siya nanlambot, marahan niyang inayos ang aking buhok.

"Napuno na ako, Sorry..." pumiyok na sumbong ko sa kanya.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Naiintindihan ko baby...shhh" pagpapatahan niya sa akin.

Tuluyan na akong naiyak ng muli kong maisip kung ano yung nagawa ko. "Kasalanan ko ito...dapat hindi ko na hiniling sayo na ipagdamot mo ako" pamomorblema niya.

Napailing ako. "Gusto ko yun, gusto kong ipagdamot ka. Kanina lang ako nakakuha ng lakas ng loob kasi napuno na ako ni Vera" paliwanag ko kay Piero.

Napamura siya bago niya ako hinila para yakapin. "Tangina baby masyado mong ginalingan"




















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro