Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Sinong asawa?






Magaan ang aking dibdib paggising ko nang sumunod na umaga. Wala na si Piero sa aking tabi, suot ko ang kanyang tshirt at maayos ang pagkakalagay ng kumot sa aking katawan. Mabilis akong bumangon para lumabas ng makarinig ako ng pagsisibak ng kahoy mula duon.

Maingat akong bumaba sa may tatlong baitang na hagdan na gawa sa kawayan. Napayakap ako sa aking sarili ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Madilim din ang kalangitan dahil sa nagbabadyang pagulan. Naglapat ang aking mga labi ng makita ko si Piero. Pawis na pawis ito habang nagsisibak ng kahoy. Wala din siyang suot na pangtaas na damit kaya naman kitang kita ko kung paano tumulo ang mga butil ng pawis sa kanyang mabatong katawan.

Napatigil siya sa pagsisibak ng mapansin niya ako. Ngumiti siya sa akin bago niya ibinaba ang hawak na pangtaga ng kahoy. Mula sa alambreng sampayan ay kinuha niya ang isang puting sando at iyon ang pinangpunas niya ng kanyang pawis.

"Ang ganda talaga ng asawa ko" nakangiting sabi niya matapos niya akong hapitin sa aking bewang tsaka niya ako hinalikan sa ulo.

"Pasencya ka na, ngayon lang ako nagising. Ano gusto mong kainin?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito bago bumaba ang labi niya sa aking tenga.

"Ikaw" paos na sambit niya kaya naman halos itulak ko siya palayo sa akin dahil sa kiliting naramdaman ko.

Napatawa siya ng tumingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pagmumukha. "Medyo masakit pa..." nakayukong sabi ko. Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil dito.

Nagtaas baba ang kamay ni Piero ss aking bewang. Ramdam ko ang pagamoy niya sa aking buhok. "Wag na kasing magseselos, palagi mo akong ginagalit. Gustong gusto mo atang pinaparusahan ka eh" mapangasar na sita niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang aking nguso.

"Eh kasi, pakiramdam ko may gusto sayo si Vera" mahinang sumbong ko sa kanya.

"Wala akong pakailam sa kanya. Sayo lang ako, nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong pangaral niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan. "Akin ka lang din..." pahabol na bulong pa niya bago niya ako hinila papasok sa kubo.

Nagulat ako ng makita kong may mga pagkain na duon sa ibabaw ng lamesa. "Ikaw nagluto nito?" Gulat na tanong ko sa kanyang kaagad niyang tinanguan.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tingnan mo ha, handa na ang almusal mo. Amputa baka naman ipagpalit mo pa ako niyan" pagmamayabang at pangaasar pa niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"Wala naman akong nagustuhang iba bukod sayo" nakanyusong sabi ko pa bago ako umupo katabi niya. Kita ko ang pagtitig sa akin ni Piero kaya naman tiningnan ko siya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Kita ko ang paglambot ng kanyang ekspresyon. "Bakit ako Amaryllis? Sa lahat ng pwede mong magustuhan bakit ako?" Seryosong tanong niya sa akin na para bang manghang mangha siya na siya ang gusto ko.

Inabot ko ang kanyang pisngi at ikinulong iyon ng aking kamay. "Kasi masungit ka..." natatawang sabi ko sa kanya kaya naman sinimangutan ako nito.

"Tsaka bugnutin, at palaging mainitin ang ulo" pahabol ko pa na pangangasar sa kanya. Nanatili ang titig ni Piero sa akin.

Dahan dahan kong inabot ang kanya labi para sandaling taniman iyon ng halik. "Minahal kita dahil isa kang mabuting tao Piero...kahit inaway mo ako nuon dahil sa kikiam mo" natatawang naiiyak na sabi ko sa kanya.

Kita ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang mga labi. Marahil ay naalala niya yung araw na pinaiyak niya ako dahil sa kikiam niya. "Amputang kikiam yan" nakangising sambit niya.

Nagumpisa na kaming kumain. Kahit pa nakabili na kami ng mga gamit sa bahay ay nagpresinta pa din si Piero na magisang plato na lamang kami at siya na ang magsusubo sa akin ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto niyang gawin iyon.

"Kamusta na kaya si Peanut?" Malungkot na tanong ko sa kalagitnaan ng aming pagkain. Tamad niya akong tiningnan, kita ko ang pagod sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi naman kasi ito sanay na magsibak ng kahoy kahit pa magaling siyang makipaglaban.

"Babalikan din natin sila ni Rochi pagayos na ang lahat" seryosong sabi niya sa akin na kaagad ko lang tinanguan.

Mula sa labas ay rinig na rinig na namin ang mahinang pagbuhos ng ulan. "Ligo tayo sa ulan Piero!" Yaya ko sa kanya. Hinawakan ko pa siya sa kanyang braso.

"Hindi pwede, baka magkasakit ka" suway niya sa akin kaya naman humaba lang ang nguso ko at tsaka muling itinuon ang atensyon ko sa aming pagkain.

Nilaro ko ang aking mga daliri sa kamay na nakapatong sa itaas ng lamesa. Bumagsak ang mga mata ko duon. Napaiktad ako sa gulat ng mahinang hinampas ni Piero ang lamesa. "Ang hirap mong tanggihan..." problemadong sabi niya na may kasama pang pagmura kaya naman napanguso ako para itago ang pagngiti.

"Ok lang naman kung hindi. Tama ka, baka magkasakit pa ako. Gastos lang iyon" sabi ko pa sa kanya kaya naman muling bumigat ang titig niya sa akin.

Nang tumila ang ulan ay muling bumalik si Piero sa pagsisibak ng kahoy. Sinabihan daw siya ni Tito Darren na maghanda ng madaming panggatong lalo na at nabalitang may paparating na bagyo. Tahimik lamang akong nakaupo sa kanyang gilid habang pinapanuod siya.

"Amaryllis!" Tawag sa akin ng humahangos na si Xalaine. Nakita ko ang pagsama ng tingin ni Piero sa parating na pinsan.

"Ano nanamang kailangan mo?" Iritadong tanong ni Piero sa pinsan.

Inirapan siya nito. "Si Amaryllis naman ang pinunta ko dito, hindi naman ikaw" masungit na sabi pa niya bago niya ako muling nilingon.

Lumapit siya sa akin at tsala niya inabot sa akin ang isang paper bag. "Mga damit ko yan na hindi ko na ginagamit, ibibigay ko na sa iyo" sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad kong tiningnan ang loob ng paper bag. Napaawang ang aking bibig dahil sa mga iyon, magaganda at halatang mamahalin.

Nagulat ako ng inagaw ni Piero ang paper bag mula sa aking kamay. Mabilos niyang ibinalik iyon kay Xalaine. "Anong akala mo sa asawa ko...kaya ko siyang bilhan ng bagong mga damit" galit na suway nito sa pinsan.

Hindi nagpatinag si Xalaine. "Hindi naman ito ganuon kaluma. Hindi ko lang nagagamit kaya ibibigay ko na lang kay Amaryllis. Duh kuya Piero wala naman akong masamang intensyon" nakangusong sabi pa niya kaya naman kaagad ko siyang hinawakan sa braso.

"Nagustuhan ko, maraming salamat" pagaalo ko sa kanya para pagaanin ang sitwasyon.

Muling lumaki ang ngiti nito. "Paniguradong bagay yan sa iyo Amaryllis. Suotin mo yan pagmamamayal tayo minsan" sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinanguan.

Bumaling ako kay Piero pero nakasimangot pa din ito. Napahigpit ang hawak ko sa paper bag na muling inabot sa akin ni Xalaine. "Kailangan mo ba ng tuloy kuya Piero? Sabi ni Tito Darren naghahanap ka daw ng trabaho dahil wala ka ng pera" tanong ni Xalaine sa kanya kaya naman nanlaki din ang aking mga mata.

Kita ko ang pagiwas ng tingin ni Piero. Ramdam kong nahihiya dahil sa sinabi ng pinsan. Napayuko na lamang ako. "May inalok na trabaho sa akin si tito Darren, hindi na kailangan" tamad na sagot niya sa kanyang pinsan na mabilis namang tinangaun ni Xalaine. Hindi na ito nagtagal pa pagkatapos nuon at nagpaalam din siya kaagad.

Muli kaming kinain ng katahimikan. Muling bumalik si Piero sa pagsisibak ng kahoy. Kunwari namang tinitingnan ko ulit yung laman ng paper bag. Pero ang totoo ay gustong gusto ko na siyang tanungin tungkol sa sinabi ni Xalaine.

"Wag mong intindihin yung sinabi ni Xalaine. May nahanap na akong trabaho" seryosong sabi niya sa akin ng siguro ay mapansin niyang nagiisip ako.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at kaagad na napatayo. Lumapit ako sa kanya. "Anong trabaho?" Panguusisa ko sa kanya.

"Sa may palayan...kila tita Elaine iyon. Pero gusto kong paghirapan ang perang gagastusin ko para sa atin" sabi pa ni Piero kaya naman nakaramdaman ako ng pagkahabag.

"Kaya mo ba ang trabaho duon?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya kundi nagaalala lamang ako dahil hindi naman ito sanay sa mga ganuong klaseng trabaho lalo na at bilad sa araw.

"Wala akong hindi kakayanin para sa iyo Amaryllis" paninigurado niya pa sa akin.

Nang bandang hapon ay nagpaalam sa akin si Piero na aalis muna para pumunta sa palayan nila Tito Darren, maghahanda ito para pagsisimula ng trabaho niya bukas. Dahil wala naman akong magawa sa bahay ay kaagad akong lumabas para sumunod sa kanya. Alam ko naman ang daan patungo duon maging ang shorcut na sinasabi nila. Nabanggit sa akin iyon ni Xalaine nung isang araw na nakasakay kami sa kanilang golf car.

Para mas mapadali ang aking pagdating duon ay pumasok ako sa medyo liblib na lugar na parte ng gubat. Hindi naman nakakatakot na dumaan duon dahil hindi naman ganuon kakapal ang mga damo at halos mga nagtataasang puno lamang.

"Niloko mo ako..."

Napatigil ako sa aking paglalakad ng makarinig ako ng dalawang taong naguusap. Nang maramdaman kong hindi ko dapat marinig iyon ay humakbang ako paatras. Pero halos atakihin ako sa puso ng may nagtakip sa aking bibig. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makita ko si Piero. Sumenyas siya sa akin na wag maingay kaya naman tumango ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong ng tanong ko sa kanya. Tamad siyang tumingin sa akin.

"Ikaw dapat ang dapat tatanungin ko niyan. Anong ginagawa mo dito? Naglalakad ako pauwi ng makita kong pumasok ka dito sa gubat. Akala ko naeengkanto lang ako" kwento pa niya sa akin na ikinangisi ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Anong nginingisi ngisi mo diyan?" Mapangasar na tanong niya sa akin.

"Naniniwala ka pala sa engkanto?" Natatawang tanong ko pa sa kanya.

Magsasalita pa sana si Piero ng kaagad kaming napatago sa may likod ng puno ng marinig namin ang mas lalong paglapit ng mga boses sa aming puwesto.

"Hindi ko sinasadya...hinintay kita. Naghintay ako sayo Afrit" rinig naming emosyonal na sabi ni Tito Darren.

Nanlalaki ang aking mga mata ng lingonin ko si Piero. Halos magtama ang ilong naming dalawa dahil sa lapit. "Tanginang mata yan" nakangising sabi niya sa akin kaya naman humaba ang aking nguso.

Natahimik kami para makinig ulit. "Kung hinintay mo ako, bakit may asawa ka na pagbalik ko Darren. Saan banda duon ang sinasabi mong paghihintay?" Umiiyak na sabi sa kanya ni Aling afrit.

Rinig na rinig ko ang kanyang pagtangis. Bumigat ang aking dibdib para sa kanya. "Ikaw lang ang minahal ko Darren. Sandali lang akong nawala" emosyonal na sabi pa niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit at puot sa kanyang boses.

Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal dahil sa naririnig. Naramdaman ko ang mas lalong paglapit ni Piero sa akin. "Bakit ka umiiyak?" Mahinang bulong niya sa akin. Umiling lamang ako.

"Hindi ko sinasadya Afrit" mahinahong sabi pa ni Tito Darren. "Hindi mo sinasadyang nabuntis mo si Luna!?" Galit na tanong ni Aling Afrit dito.

Hindi kami nakarinig ng sagot mula kay Tito Darren. "Mahal mo ba siya Darren?" Pumiyok pang tanong ni Aling Afrit dito.

Mula sa aming gawi ay nakita ko ang pagtango ni Tito Darren dahilan para mas lalong mapahagulgop si Aling afrit. "Hindi mahirap mahalim si Luna, natutunan ko na siyang mahalin" mahinang paliwanag ni Tito Darren sa kanya.

Narinig ko mula sa aking likuran ang mahinang pagmumura ni Piero ng makita niyang patuloy pa din ang aking pagiyak. "Ako Darren, mahal mo ba ako?" Punong puno ng hinanakit na tanong niya dito.

Kumirot ang puso ko sa isinagot sa kanya ni Tito Darren, hindi ko din kinaya. Awang awa ako kay aling Afrti. "Mahal kita nuon Afrit. Minahal kita..." sagot ni Tito Darren sa kanya.

Narinig na lamang namin ang pagtakbo nito palabas sa gubat. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng maiinit na luha sa aking pisngi. Nang masigurado nitong nakaalis na din si Tito Darren ay mabilis akong hinarap ni Piero sa kanya at tsala niya pinahirapn ang aking pisngi.

"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong niya sa akin habang marahan niyang pinupunasan ang aking pisngi.

"Nalulungkot lang ako para kay Aling Afrit?" Medyo paos pang sagot ko kay Piero dahil sa aking pagiyak.

Pagod siyang ngumiti sa akin bago niya ako hinalikan sa aking noo. "Baka hindi talaga sila ang para sa isa't isa..." malumanay na sabi ni Piero sa akin na mas lalo lang nagpabigat sa aking dibdib.

Hinawakan nito ang aking kamay at tsaka ako hinila palabas sa may gubat. Panay pa din ang punas ko sa aking mga mata para pawiin ang luha. "Wag kang magalala, hindi mo mararanasan iyon. Hindi ko ipaparanas iyon sayo Amaryllis" paninigurado pa sa akin ni Piero bago lumipat ang kamay niya sa aking bewang. Nanatili iyon duon habang naglalakad kami pauwi.

"Paano kung hindi rin tayo ang para sa isa't isa?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Dahan dahang napawi ang ngiti sa kanyang labi.

"Tayo pa din. Gagawin ko ang lahat para tayo pa din ang para sa isa't isa" matigas na sabi niya sa akin kaya naman bumagsak ang aking mga mata sa lupa.

"Hindi ko na kaya magmahal ng ibang babae bukod sayo Amaryllis. Wag mong isiping kaya kitang iwanan para sa ibang babae. Wag mong isipin na magpapakasal ako na hindi ikaw ang kasama kong haharap sa altar. Hindi ako haharap duon na hindi ikaw ang kasama ko" punong puno ng emosyon na sabi pa niya sa akin. Ramdam na ramdam kong desidido si Piero duon.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko kayang sumagot. Ilang taon na lang ang natitira sa akin.

Maaga akong gumising kinaumagahan para ipaghanda si Piero ng almusal. Ngayon ang unang araw niya sa pagtratrabaho sa palayan. Napangiti ako ng makita kong nakasuot ito ng longsleeve na karaniwang sinusuot ng mga magsasaka. May nakasampay ding puting bimpo sa kanyang balikat.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. "Ang gwapo mo pa din Piero" nakangiting puri ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang paghalakhak nito.

Hanggang sa may gate ko lamang siya inihatid. Kasabay kasi nito si Tito Darren papunta duon. "Sasama ako mamaya kay Tita Luna na maghatid ng tanghalian" sabi ko pa kay Piero kaya naman kaagad siyang lumapit sa akin para sandali akong halikan sa aking labi.

"Hihintayin kita" nakangiting sabi pa niya sa akin bago sila tuluyang umalis ni tito Darren.

Pagbalik sa bahay ay kaagad akong nagayos at naglipit. Naligo na din ako at kaagad na naghanda para sa pagpunta namin sa may palayan. Bitbit ang basket ng pagkain para sa amin ni Piero ay mabilis akong lumabas sa aming gate para duon na hintayin si Tita Luna.

Napatabi ako ng may dumating na sasakyan. Huminto iyon sa tapat ng bahay nila aling Afrit. Isang may edad na babae ang lumabas mula duon at hinanap si aling Afrit.

"Ano hong maitutulong ko sa inyo Manang betty?" Rinig kong tanong ni Aling afrit. Nanatili ang tingin ko sa basket na hawak ko. Hindi ko rin siya kayang tingnan lalo na dahil sa nangyari kahapon.

"Baka naman may mahanap kang pwedeng maglaba sa mansion, kulang kami sa tao ngayon. Everyother day naman, maglalaba lang" rinig kong sabi nung babaeng bumaba mula sa sasakyan.

"Naku, baka po matagalan bago ako makahanap. Halos lahat po kasi nang nagkakatulong dito ngayon ay may trabaho na sa bayan" pamomorblema ni Aling Afrit.

Sandali pa silang nagusap bago ito nagpaalam. Hindi kaagad pumasok si Aling Afrit sa kanilang bahay, sandali pa nitong tinanaw ang tuluyang paglayo ng sasakyan. Nagulat siya ng makita ako, kaya naman tipid niya akong nginitian. Iyon na ang naging senyales ko para lumapit sa kanya.

"Mawalang galang na po, narinig ko po kasi yung paguusap niyo. Gusto ko po sanang magapply" nahihiyang sabi ko pa sa kanya na ikinagulat niya.

"Hindi ba't ikaw yung asawa ng pamangkin ni Elaine. Sigurado ka bang magaaply kang labandera sa villa montero?" Nagtatakang tanong pa niya sa akin.

Nginitian ko lamang siya at napatango tango. "Sigurado po ako, kailangan po kasi namin ng pera" diretsahang sabi ko pa sa kanya kaya naman wala sa sarili itong napatango.

"Sige, tatawag ako kay manang betty ngayon. Sasabihin kita mamaya kung kailan ka papasok" malumanay na pagpapaintindi pa niya sa akin kaya naman kaagad na lumaki ang aking ngiti.

"Maraming salamat po aling Afrit" sabi ko pa sa kanya pero tinanguan niya lamang ako at nginitian.

Saktong paglabas ni tita Luna ay nakapasok na si aling Afrit. Dumiretso na kami kaagad patungo sa palayan kung saan nanduon sina tito Darren at si Piero. Malayo pa lang ay itinaas na ni Piero ang kanyang sumbrero para makuha anh aking atensyon. Hindi ko napigilang tumakbo papalapit sa kanya. Sinalubong kaagad niya ako ng ngiti at nang yayakap sana ako ay natatawa siyang umilag.

"Amoy pawis ako baby..." sabi pa niya kaya naman humaba ang aking nguso.

Sumilong kami sa malaking puno ng acasia. Naglatag ng kumot at tsaka kami duon umupo. "Namumula ka na" nagaalalang puna ko sa kanyang balat.

Hindi pinansin ni Piero iyon, patuloy lang siya sa pagkain na para bang gutom na gutom siya. Dahil siguro iyon sa pagod at sa halos buong araw na pagkakatayo.

"Piero, magpapalam sana ako" mahinang sabi ko.

Kaagad na lumipat ang tingin niya sa akin. "Magtratrabaho ako sa may Mansion, hindi naman araw araw. Maglalaba lang" sabi ko pa sa kanya habang ramdam ko ang kaba.

Kaagad tumalim ang tingin niya sa akin. "Hindi. Sa bahay ka lang, ako ang magtratrabaho para sa atin. Sa bahay ka at hinatayin mo akong umuwi" matigas na sabi pa niya sa akin kaya naman bumagsak ang aking balikat.

"Please Piero" pakiusap ko sa kanya.

Marahan siyany umiling at kaagad na nagiwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingin ako sa malayo sa kabilang parte ng palayan ay ang malawak na kapatagan. Kaagad nakuha ang atensyon ko ang pagdating ng isang kabayo. Nanliit ang aking mga mata habang sinusuri kung sino iyon. Pero naglapat lamang ang aking mga labi ng makita kong si Vera iyon.

Hindi kalayuan sa amin ay huminto ang kanyang kabayo. Bumaba siya dito at kaagad na naglakad patungo sa aming gawi. Naka kulay abuhing sando lamang ito na nakatuck in sa kanyang maong na pantalon, nakasuot din siya ng boots at may toon din siyang maliit na cowboy hat. Bakat na bakat din sa kanyang suot na sando kung gaano kalaki ang kanyang hinaharap at kung gaano kaliit ang kanyang bewang.

Tunay ngang agaw atensyon ito lalo na sa iba pang mga nagtratrabaho. Sumulyap naman ako kay Piero, nakita kong nakatuon pa din ang kanyang buong atensyon sa kanyang pagkain.

Kita ko ang pagirap niya sa akin ng magtama ang aming paningin. Lumawak naman ang ngiti niya ng lumipat ang tingin niya kay Piero.

"Hi Piero, you look more attractive with that magsasaka outfit" nakangising sabi niya kaya naman napanguso na lamang ako.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula kay Piero. Pero hindi pa din tumigil si Vera. "May gagawin ka ba mamaya after ng work?" Pasweet pa niyang tanong dito. Kitang wala siyang pakialam sa aking presencya.

"Meron, uuwi ako sa asawa ko" tamad na sagot ni Piero sa kanya.

Napatawa ng pagak si Vera. "Sinong asawa? Hindi ako naniniwalang may asawa ka" maarteng pangaasar pa niya kay Piero. Sumulyap siya sandali sa akin pero inirapan niya lamang.

"Wala naman akong pakialam kung naniniwala ka o hindi" tamad na sagot ni Piero sa kanya. Napaawang ang bibig ni Vera, bayolente naman akong napalunok.

"Then sino ang asawa mo, si Amaryllis?" Parang nandidiri pang tanong niya dito sabay sulayap sa akin. Kita ko ang pagkairita niya sa aking bangs.

"At sino pa nga ba, pwede ba tigilan mo na ako? Ayokong nagseselos sayo ang asawa ko. Hindi naman ikaw yung klase ng babaeng dapat niyang pagselosan dahil hindi naman yung kagaya mo ang tipo ko" seryoso at tuloy tuloy na sabi ni Piero.

Kita ko ang pamumula ng mata ni Vera. Bumaba ang tingin nito sa akin na para bang may hinahanap.

"Kung asawa mo talaga si Amaryllis. Then bakit wala siyang suot na singsing?" Mapanghamong tanong niya kay Piero na para bang naging dahilan pa ng pagasa niya.


















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro