Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Huling misyon





"Mahal kita Amaryllis" malambing na bulong niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil duon dahilan kung bakit hindi ko siya kaagad nasagot.

Ramdam ko ang ilong ni Piero sa aking tenga. Ginalaw galaw niya iyon duon para mas lalo akong kilitiin. Naramdaman ko pa ang paghugot nito ng malalim na paghinga.

"What, hindi ka sasagot?" May pagtatampong tanong pa niya sa akin kaya naman tipid akong napangiti.

Hindi na siya nakapaghintay pa at tsaka niya ako hinarap. Nagtaas siya ng kilay sa akin, nagsungit nanaman. "Hindi mo ako narinig?" Inis na tanong pa niya. Uminit ang aking magkabilang pisngi. Napakagat ako sa aking pangibabang labi para itago ang pagngiti.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa aking bewang habang naghihintay ng aking sagot sa kanya. "Mahal mo ba ako dahil kamukha ko si Sachi?" Nahihiyang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa aking bibig.

Tumalim ang tingin ni Piero sa akin kaya naman nagiwas kaagad ako ng tingin. "Anong sabi mo?" Mariing tanong niya.

Halos dumugo ang labi ko dahil sa pagkakalagat ko dito. Hindi ko alam kung tama ba itong plano ko. Pero sa tingin ko ay mas madali kong maiiwanan si Piero kung magagalit siya sa akin, kagaya ng dati na wala siyang pakialam sa akin. Mas madali pag ganuon.

"Kasi iniisip ko, baka kaya mo lang ako mahal dahil nakikita mo si Sachi sa akin" mahinang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata kaya naman kaagad bumagsak ang aking mga mata sa aking mga hita.

Kahit hindi nakatingin ay ramdam na ramdam ko pa din ang matalim na tingin sa akin ni Piero. "Baka naguguluhan ka lang..." pagpapatuloy ko pa din para galitin siya. Alam kong sinisira ko yunh moment pero wala na akong maisip na paraan. Gusto kong maging madali sa amin ang pagbitaw sa isa't isa sa oras na kailaganin ko nang umalis.

"Ginagalit mo ako...gusto mong magalit ako" mariing sabi niya na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan na mapapansin niya ang gusto kong mangyari.

Nilingon ko siya at ang kanyang mga naniningkit na mata ang kaagad na sumalubong sa akin. Hindi ako nakasagot sa kanyang akusa. Bumaba ang tingin niya sa aking labi, bago niya ako muling tinitigan.

"Gusto mo ng parusa?" Mapangakit na tanong niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Hindi ah!" Laban ko sa kanya na ikinatawa niya. Sinubukan kong kumawala sa kanyang pagkakayakap sa akin. Pero mas lalo lamang iyong hinigpitan ni Piero.

"Tatayo na ako" sabi ko pa at pilit na kumakawala sa pagkakakandong ko sa kanya. Narinig ko ang paghalakhak nito, tuwang tuwa sa naging reaksyon ko.

"You naughty" nakangising sabi pa niya bago niya ako pinilit ihiga sa kama. Napatigil ako sa pagpupumiglas  nang maramdaman ko na sa aking likuran ang malambot na kama.

Kaagad na dumagan sa akin ang kalahating katawan ni Piero. Halos maduling ako dahil sa lapit ng aming mga mukha. "You're hurting me big time Amaryllis, i'm confessing my love for you. Tapos kukwestyinin mo?" Galit na sabi niya sa akin kaya naman bahagya akong nagiwas ng tingin.

"Eh kasi..." pagsabat ko pa sana kaya naman naramdaman ko ang paghampas ni Piero sa unan na nasa aking gilid.

"Aba't sasagot ka pa talaga ha" galit na suway niya sa akin kaya naman muling humaba ang aking nguso. Nakita ko ang pagbaba nang tingin ni Piero duon kaya naman kaagad ko iyong binawi at pinaglapat ang aking mga labi.

Pumungay ang kanyang mga mata. "Kasalanan ko naman..." paguumpisa niya kaya naman muli akong napatitig sa kanya.

Hindi ako umimik. Hinayaan ko siyang magsalita. "Masyado kasi kitang inikumpara kay Sachi. Buong akala ko kasi siya yung kasama ko sa lahat" paliwanag pa niya sa akin. Kitang kita ko ang sinseridad ng mga sinasabi ni Piero sa akin, nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Sa kung paano niya ako tingnan.

Marahan niyang pinagdikit ang aming mga noo. Nakita ko ang pagpikit niya habang nasa ganuon kaming posisyon. "Mahal kita Amaryllis" punong puno ng sinderidad na paguulit pa niya habang nakapikit siya sa aking harapan.

"Kahit nakapikit ako, kahit hindi ko nakikita ang mukha mo. Mahal kita..." paninigurado niya sa akin kaya naman hindi ko napigilang hindi maging emosyonal.

Marahan kong itinaas ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Dahil sa aking ginawa ay napamulat si Piero. "Naniniwala ako sayo" malambing na sabi ko.

Kita ko ang pagkalma nang ekspresyon ng kanyang mukha. Tipid niya akong nginitian bago niya ako niyakap. Nagtagal kami sa ganuong posisyon hanggang sa napagpasyahan naming lumabas nung hapon. Naabutan namin sina Sarah at Lance sa may labas ng bahay.

"Ano nga palang ginawa niyo sa farm?" Panguusisa ni Piero sa akin kaya naman kaagad akong nagiwas ng tingin.

Kita ko ang pagbaling niya sa akin dahil sa matagal kong pagsagot sa kanya. "Uhmm...nagiisip ka nanaman nang palusot mo. Sa farm ba talaga kayo nanggaling?" Mariing tanong niya sa akin.

Bumagsak ang aking mga mata sa sahig. "Sa farm talaga kami nanggaling" pagsisisnungaling ko pa din.

Narinig ko ang pagtikhim ni Piero. Itinuro nito ang kanyang sasakyan sa karaniwang pinagpaparkan nito. "Kung sa farm kayo nanggaling bakit malinis ang gulong nangsasakyan ko. Maputi ngayon duon dahil sa pagulan" sabi pa niya kaya naman nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko inakala na kahit ganuon kaliit na detalye ay papansinin niya.

"Ayoko nang sinungaling Amaryllis. Galit ako sa mga sinungaling" seryosong pagbabanta pa niya sa akin. Napabuntong hininga ako.

Nanginig ang aking mga kamay. Malambing si Piero kung sa lambingan, pero hindi pa din nawawala ang pagiging strikto niya. Nakakatakot kung magtanong siya at magseryoso parang akala ko kinakausap ka ng mas nakakatanda sayo.

"Sa farm naman talaga..." natatakot na sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang pag tsk nito. Mukhang nainis na dahil sa aking patuloy na pagsisinungaling. "Lance!" Sigaw na tawag niya dito. Napatigil si Lance sa ginagawa nila ni Sarah. Kinabahan ako dahil paniguradong pipilitin din niya itong magsalita. Kung patuloy akong pagtatakpan ni Lance ay baka pagawayan lang nilang dalawa iyon.

Bago pa man makalapit si Lance ay kaagad ko nang hinawakan si Piero sa kanyang braso. Mabilis niyang inilipat ang tingin niya sa akin. "Nagpasama ako kay Lance, nakipagkita ako sa Papa ko" pagsisinungaling kong muli kaya naman kaagad na kumunot ang noo ni Piero.

Hinarapan niya ako. "Wag na!" Sigaw na baling niya kay Lance kaya naman huminto ito sa paglapit sa amin. Muli siyang sinenyasan ni Piero kaya naman wala na itong nagawa kundi ang tumalikod at bumalik kay Sarah.

Mahigpit kong pinagsiklop ang aking mga kamay. Ramdam ko ang tilim ng tingin ni Piero sa akin. "Nakipagkita ka sa Papa mo? Bakit?" Seryosong tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot, nanatiling nagiisip ng idadahilan ko sa kanya. Hinawakan ni Piero ang aking magkabilang balikat kaya naman dahan dahan kong sinalubong ang kanyang mga tingin sa akin. "Binalak mo bang sumama sa kanya at tumakas?" Matigas na tanong niya sa akin.

Hindi pa din ako nakasagot, nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. "Iiwan mo din ako, balak mo akong iwanan Amaryllis?" Matigas na akusa niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

Kaagad akong umiling. "Hindi ganuon Piero..." hindi na niya pinatapos pa ang aking pagpapaliwanag.

"Kulang pa ba ako? Ano pang ayaw mo sa mga ipinapakita ko. Para hindi mo isiping iwanan ako?" Giit niya sa akin. Ramdam ko ang pagsusumamo sa kanyang boses.

"Hindi ako nakipagkita kay Papa para tumakas. Kailagan ko lang siyang kausapin. Papa ko pa din siya, pamilya ko sila...kailangan ko ding malaman kung kamusta na sila" paliwanag ko pa kay Piero.

Napabuntong hininga ito. Mariin siyang napapikit. "Hindi ko na hahabulin ang Papa mo. Hindi ko na siya sisingilin...just stay with me. Kakalimutan ko lahat" pakiusap niya sa akin kaya naman naramdaman kong may kung anong bumara sa aking lalamunan.

Kitang kita ko ang sakit sa mukha ni Piero habang nakikiusap sa akin na wag ko siyang iwanan. Nahihirapan na ang kalooban ko, gulong gulo na din ako. Hindi na ako makapagisip ng maayos.

Napayuko ako. Naramdaman ko muli ang kamay ni Piero na humawak sa aking bewang. "Ang hirap mong hawakan, sinusunod mo nga lahat nang sinasabi ko pero masyado kang masikreto" pagod na sabi niya sa akin. Ramdam ko iyon ng tingnan ko ang kanyang mukha.

"Ikaw ang pahinga ko sa tuwing magkasama tayo. Pero palagi din akong natatakot na baka isang araw iwanan mo din ako. Give me peace of mind Amaryllis..." pakiusap pa niya sa akin.

"Bumabalik naman ako pala..."

"Ayoko nung bumabalik. I want someone who stays" mariing paliwanag niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagiwas sa akin ni Piero pagkatapos naming magusap. Humiwalay siya sa akin, sa tuwing nakikita ko siya ay malalim ang kanyang iniisip. Pakiramdam ko hindi din masyadong maganda na idinidepende namin ang sarili namin sa isa't isa. Ang mga bagay na sobra ay nakakasakit din.

"Nababaliw na ata si Piero" nakangising sabi ni Lance sa akin nang lapitan niya ako. Pagod ko lamang siyang nginitian.

"Marami lang siyang iniisip" sabi ko pa.

Napasuklay si Lance sa kanyang buhok gamiy ang kanyang mga daliri. "Sabihin mo sa kanya ang totoo. Mas makakagalaw kayong dalawa ng maayos kung magkasama niyong inaayos ang problema. Hindi mo kailangang magsakripisyo para makalabas siya ng Agrpación" pangaral niyo sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

"Hindi mo kilala si Rajiv..."

Napangisi si Lance. "Hindi mo din kilala si Piero. Pag yan may naisip, gagawin niya talaga. Siraulo kaya yan" nakangising sabi pa niya sa akin kaya naman napangiti na lamang din ako.

Napatigil kami ni Lance nang makita namin itong humahangos sa lumapit sa amin. Matalim ang tingin niya sa akin. "Magayos ka, uuwi tayo sa amin" seryosong sabi niya na ikinagulat ko.

Narinig ko ang pagngisi ni Lance. Nagtataka akong bumalinh sa kanya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Ba...bakit?" Tanong ko sa kanya.

Mas lalo lamang siyang sumimangot sa akin. "Kakausapin ko sina Mommy at Daddy" sagot niya sa akin.

"Kasama ako?" Paninigurado ko pa sa kanya. Hindi pa kasi alam ng parents niya ang tungkol sa amin. Last time na pumunta kami duon ay parang hindi kami magkakilala.

"At ano pa nga ba" mapanuyang sabi niya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at sundin ang gusto ni Piero. Naiwan siya kasama si Lance.

Tapos na akong magayos ng aking mga gamit nang pumasok si Piero sa aming kwarto. Kaagad siyang naghubad ng kanyang pangitaas kaya naman nanlaki anh aking mga mata at kaagad na nagiwas ng tingin.

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lamang din siya sa kanyang ginagawa. "Piero..." pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ata iyon narinig.

Tumayo ako para puntahan siya sa may walk in closet. "Piero" pagtawag ko ulit sa kanya. Nilingon niya ako bago siya muling tumutok sa inaayos niyang gamit.

"Paano yan, makikita nila yung mga sugat mo" nagaalalang tanong ko sa kanya. Siguradong magaalala ang mga ito lalo na si Ma'm Maria.

"Sanay naman sila naumuuwi ako duon na ganito" tamad na sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako. Nanatili akong nakasandal sa hamba ng pintuan, tahimik ko siyang pinanuod.

"Wag ka nang magalit sa akin" malumanay na sabi ko sa kanya. Sandali niya akong sinulyapan.

"Wag na tayong magaway please" malambing na pakiusap ko pa sa kanya kaya naman mahina itong napamura.

"Amputa. Ang galing manuyo ah" inis na sabi niya sa akin kaya naman tinawanan ko siya.

Inis na inis siya dahil kaunting pakiusap ko lang ay bumigay na siya. "Lumabas ka nga muna duon at bala hindi pa tayo makaalis. Wag mo akong nginingisian ng ganyan Amaryllis, bukas na tayo makakalabas sa kwarto na to" pananakot niya sa akin. Bayolente akong napalunok.

"Sige na nga, duon na muna ako sa labas" nakangusong sabi ko pa. Nauna akong lumabas sa may sala, naabutan ko duon sina Sarah at Lance.

Ang nakangising si Lance kaagad ang aking napansin. Umupo ako sa sofa kaharap nilang dalawa. "Ano daw gagawin namin sa bahay nila Piero?" Tanong ko dito dahil sigurado akong nasabi niya kay Lance kung anong balak niya.

Nagkibit balikat ito at nangaasar pa. "Basta ang sabi niya, hindi ka daw niya hahayaang makatakas" pangaasar pa niya kaya naman kumunot ang aking noo.

Hindi na ako nagtanong pa dito dahil ayaw din naman niyang sabihin sa akin ng diretso ang plano ni Piero. Napatayo ako nang marinig ko ang paglapit nito. Nakabihis na din siya habang bitbit ang aming mga gamit.

"Mga ilang araw kami duon, magingat kayo dito" sabi niya sa mga ito kaya naman kaagad na tumango si Lance. Kita ko pa ang pagtayo nito para lapitan si Piero.

"Congrats in advance pare" pagbati pa ni Lance dito na may kasama pang pagkamay. Kumunot ang noo ko, bumaling ako kay Sarah para humingi ng sagot pero matamis niya lamang akong nginitian.

Nagpaalam na kami sa mga ito. Ibinilin ko din sa kanila si Peanut. Kumaway pa sina Lance at Sarah habang papalayo ang aming sasakyan. Napabuntong hininga ako bago ko nilingon si Piero. Seryoso lamang siyang nagmamaneho.

"Magpahinga ka na muna, dadaan na lang tayo sa drive thru para bumili ng makakain" seryosong sabi pa nito kaya naman napatango na lamang ako. Umayos ako ng sandal at tsaka tinanaw ang labas. Ang dami kong iniisip, pero sa tuwing magkasama kami ni Piero, gumagaan ang dibdib ko. Kumakalma ako.

Dinalaw ako ng antok sa byahe. Ginising lamang ako ni Piero nung dumaan kami sa drive thru at pagkatapos nuon ay muli akong natulog. Madilim na paggising ko, kita ko na din ang magagarang ilaw mula sa naglalakihang bahay. Nasa loob na kami ng kanilang subdivision.

Napaayos ako ng upo at napakisot sa aking mga mata nang matanaw ko na ang mansion ng mga Herrer. Pinagbuksan kami ng gate nung guard. Bumati pa ito sa pagdating ni Piero. Muli kong nakita ang nakahilerang iba't ibang klase ng sasakyan sa kanilang garahe. Bumukas ang kanilang front door, lumabas mula duon si Kuya Tadeo.

Nagmadaling bumaba si Piero para umikot at pagbuksan ako ng pinto. "Amaryllis" gulat na tawag ni Kuya Tadeo sa akin. Tipid ko siyang nginitian, lumapit siya sa akin para sana halikan ako sa ulo nang kaagad siyang pinigilan ni Piero.

"Hindi ko hinahalikan si Castellana pag nagkikita kami. Get your hands off her, this is my woman" matigas na sabi ni Piero sa kanya kaya naman napaawang ang bibig nito. Hindi makapaniwala sa sinabi ng kapatid.

Napangisi si Kuya Tadeo, hindi pa din nagsisink in sa kanya ang sinabi ni Piero. Kumunot ang kanyang noo. "Do you mean..."

Hindi pa nakukumpleto ni Kuya Tadeo ang itatanong niya ng muling magsalita si Piero. "We're together" diretsahang sabi niya.

"Wow" gulat na sambit nito kaya naman napayuko na lamang ako dahil sa naramdamang hiya.

Nang maiabot na ni Piero ang mga gamit namin sa isa sa mga kasambahay na lumapit ay hinawakan na niya ang kamay ko para hilahin ako papasok sa kanilang bahay. "Piero anak!" Salubong sa kanya ni Ma'm Maria. Nawala ang pagngisi nito nang makita ang itsura ng anak.

Naging emosyonal ito habang nagpapaliwanag si Piero sa kung anong nangyari sa kanya. Napapanguso na lamang ako habang nakikinig sa imbento niyang kwento. Hindi pa din niya gustong malaman ng pamilya niya ang totoong trabaho niya.

Mariing nakikinig si Ma'm Maria sa anak, hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata ng makita ako. Gulat na gulat siya, mukhang hindi niya ako napansin kanina dahil masyado siyang nagalala para dito.

"Bakit kasama mo si Amaryllis?" Nagtatakang tanong pa niya dito. Tumayo pa ito para makipagbeso sa akin.

"I have an announcement to make Mommy. Anong oras po ba uuwi si Dad?" Parang iretadong tanong pa niya.

Napangisi si Ma'm Maria. "Pauwi na ang mga iyon. Tinawagan ko na din si Kenzo na umuwi na muna dito para naman kumpleto tayo" sagot niya sa anak.

Napatingin ako sa babaeng kasama ni Kuya Tadeo. Kabababa lamang nito mula sa itaas. Maganda siya, maamo ang mukha, mahaba ang kulot at itim na itim niyang buhok. Mala anghel ang itsura. Bumaba ang tingin ko sa maliit na umbok ng kanyang tiyan.

Nakangiti siya sa akin kaya naman nginitian ko na lamang siya pabalik. Pansin ko pa ang pagbulong nito kay Kuya Tadeo. Siya marahil ang asawa nito. Si Castellana.

Nagulat din sina sir Alec, kuya Kenzo at kuya Cairo nang makita nila ako. Masaya nila akong sinalubong at kagaya ng ginawa niya kay kuya Tadeo kanina ay pinigilan niya din ang mga ito na humalik sa akin.

"So what's the announcement?" Seryosong tanong ni Kuya Kenzo sa kanya. Lahat sila ay nakatingin kay Piero habang naghihintay ng sasabihin niya. Ganuon din ang ginawa ko dahil kahit sa akin ay hindi din naman niya iyong sinabi.

Nagulat ako nang hawakan nito ang aking kamay. Kaagad ba uminit ang pisngi ko, lalo na ng lahat sila ay tumingin din sa kamay naming magkahawak.

"Papakasalan ko si Amaryllis" sabi niya na ikinagulat naming lahat. Maging ako ay nagulat.

Si Kuya Tadeo at Castellana lang ang napapalakpak nang mahina dahil sa anunsyo ni Piero. Ako maging ang magulang niya ay gulat pa din.

"Are you serious?" Seryosont tanong sa kanya ni Kuya Kenzo.

Napatango si Piero. "What, Am I a joke to you?" Inis na balik niya sa kapatid.

Napailing na lamang ito. "Congrats anak" maluha luhang sabi ni Ma'm Maria ng makabawi. Tatayo na sana ito para yumakap sa amin ni Piero ng kaagad na magsalita si Kuya Cairo.

"You can't marry Amaryllis this year. Kung gusto niyo next year" seryosong sabi niya kaya naman naramdaman ko ang pagprotesta ni Piero sa aking tabi.

"I want to marry her as soon as possible" giit niya sa kapatid.

Ngumisi si Kuya Cairo at napailing iling. "Kakatapos lang ng kasal nila Tadeo at Castellana. Sukob iyon, that's bad luck" paliwanag niya sa amin.

Napamura si Piero dahil sa sinabi ng kapatid. "Alam mo Cairo, tatanda kang binata. Wag mo na kaming idamay sayo..." mapanuyang sabi niya sa kapatid.

Muli niyang binalingan sina ma'm Maria at sir Alec. "Papakasalan ko si Amaryllis as soon as possible" laban pa din niya. Hindi nakasagot sina ma'm Maria.

"Your brother is right Piero. Bakit ka ba nagmamadali, if you want to marry Amaryllis then paghahandaan natin, isang beses lang kayong ikakasal. Why not give her a damn grand wedding?" Seryosong pagpapaintindi pa ng kanyang ama.

Napayuko na lamang ako dahil dito. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking pisngi. Siguradong pulang pula na ako. Nanigas si Piero sa aking tabi. "I want to marry her now, i want to make her a Herrer" desididong sabi niya sa mga ito.

"Piero..." malumanay na suway ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. "If you want her to be Herrer, edi aampunin na lang siya nina Mommy" pangaasar pa ni Kuya Tadeo sa kanya.

"Fuck you!" Matigas na sabi niya dito kaya naman natawa na lamang si Kuya Tadeo.

Tumayo siya para lumapit kay Ma'm Maria. Nakiusap siya dito na para siyant batang may hinihinging laruan sa ina. Napanguso na lamang ako habang pinapanuod siya.

Sa huli ay walang nagawa si Piero. Hindi sila tutol sa kasal, pero ang gusto nila ay wag namin itong madaliin.

"Hayaan mo na" pagpapakalma ko kay Piero. Nasa kwarto na niya kami para ibaba ang aming mga gamit. Galit pa din ito dahil sa nangyari.

Sinimangutan niya ako. "I want to marry you. Ayaw mo bang makasal sa akin?" May bahid ng tampong tanong niya sa akin. Bumigat ang aking dibdib. Tipid ko siyang nginitian. "Syempre gusto ko. Pero wag nating madaliin" pagpapaintindi ko pa sa kanya kaya naman muli niya akong inirapan.

Nagpaalam si Piero sa akin na lalabas sandali. Nang mainip ako ay lumabas ako sa kanyang kwarto para hanapin siya. Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si Castellana, kakalabas lamang din nito sa kwarto nila ni Kuya Tadeo.

"Hi" nakanhiting salubong niya sa akin. Nahihiya akong ngumiti pabalik sa kanya. Mas lalo kong napatunayan na maganda nga siya lalo na sa malapitan.

Kaagad kong naalala na isa ring Secret agent si Castellana sa Agrupación kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na magtanong sa kanya.

"Pwede mo ba kaming tulungan?" Seryosong tanong ko sa kanya kaya naman unti unting napawi ang ngiti sa kanyang labi.

Kaagad kong ikinwento kay Castellana ang lahat. "Hindi nabanggit ni Piero na gusto na niyang umalis" sabi pa niya sa akin.

"Ayaw kasi ni Piero na humingi ng tulong" malungkot na sabi ko sa kanya kaya naman naramdaman ko ang paghaplos ni Castellana sa aking likuran.

"Nakaalis ako ng maayos sa Agrupación dahil tapos na din ang lahat ng misyon ko. May hindi pa ba natatapos na misyon si Piero?" Tanong niya sa akin kaya naman napaisip din ako.

Nakatingin lamang si Castellana sa akin. Unti unting napaawang ang bibig ko ng mayroon akong naalala.

"May misyon pang hindi natatapos si Piero" maluha luhang sabi ko sa kanya kaya naman kaagad na nagalala si Castellana sa aking biglaang pagiging emosyonal.

"Kailangan niyang mahuli at patayin ang Papa ko" pumiyok na sabi ko pa sa kanya.
















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro