Chapter 36
La Agrupación
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Seryosong tanong ni Piero. Ramdam na ramdam ko pa din ang bigat ng tingin niya sa akin.
Seryoso ang aming paguusap pero nanatili pa din siya sa aking loob. Para bang sinasanay niya ako sa kanyang laki.
Nagiwas ako ng tingin. "Hindi mo naman na kailangang malaman iyon" mahinang sagot ko sa kanya.
Marahan siyang umiling. Mariing napapikit si Piero. "Kailangan kong malaman, karapatan kong malaman iyon Amaryllis. Fuck...sinaktan kita" punong puno ng pagsisising turan niya.
Bayolente akong napalunok dahil sa pamumuo ng kung ano dahil sa nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha. Buong lambing na hinalikan ni Piero ang aking noo pagkatapos ay ang aking labi bago biya dahan dahang inilabas ang kanya sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil duon.
"Magbihis na tayo, baka may makakita pa sayo na ganyan" matigas na utas ni Piero kaya naman kaagad akong tumango. Nauna siyang bumangon, malaya niyany pinulot sa sahig ang mga nagkalat naming basang damit. Ginawa niya iyon kahit pa kitang kita ko ang hubad niyang katawan, wala siyang pakialam.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli kong nasilayan kung gaano kalaki si Piero. Hindi ko inakalang kinaya ko iyon. Napamura siya ng malutong nang isuot niya muli ang basang damit.
Napangiwi ako ng subukan kong tumayo. Sobrang sakit ng aking pagkababae. Mabilis kong pinagdikit ang aking mga binti para pawiin ang hapdi na nararamdaman ko duon. "I hurt you again" galit na utas ni Piero at paninisi sa kanyang sarili.
Inilingan ko siya. "Ayos lang ako" paninigurado ko sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. Hinayaan niya akong maupo sa may dulo ng pagpag habang siya ang nagbibihis sa akin.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Mas lalong nagdilim ang paligid dahil dito. Tahimik akong nakaupo sa may papag samantalang si Piero ay kanina pa malalim ang iniisip. Nakadungaw ito sa may bintana at tahimik na pinapanuod ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Tumayo ako para makalapit sa kanya. Muli akong napangiwi habang dahan dahang naglalakad. Napansin ni Piero ang paglapit ko kaya naman kaagad niya akong hinawakan sa kamay para tulungang nakalapit sa kanya. Ipinwesto niya ako sa kanyang harapan. At mula sa aking likuran ay niyakap niya ako. Dahil sa yakap ni Piero ay napawi kahit papaano ang lamig.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Kung hindi mo una iyon, hanggang ngayon nasa papag pa din tayo" pangaasar niya kaya naman muling uminit ang aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang paghinga ni Piero malapit sa aking tenga, nakakakiliti.
Mas lalong napahigpit ang yakap niya sa akin ng mapaubo ako at mapasinghot. Siguradong lalagnatin nanaman ako nito dahil sa pagkabasa ng ulan. Napamura si Piero dahil duon.
Sandali naming ninamnam ang sandaling iyon. Sobrang gaan ng dibdib ko ngayong kasama ko si Piero. Lalo na at malapit siya sa akin. Wala akong pagsisisihan sa pagbigay ko kay Piero sa aking sarili. Siya lang din naman ang gusto kong umangkin sa akin, bata pa lang ako.
Muli niyang hinalikan ang aking tenga, nakaramdam muli ako ng kiliti dahil duon. "So you watch my swimming competition" malambing na tanong niya na kaagad kong tinanguan.
"Wala kasing manunuod sayo, kaya sabi ko kay Sachi ako na lang" kwento ko sa kanya.
"Uhmmm" sambit ni Piero bago siya tumango tango.
"Tapos dinadalhan mo din ako ng pagkain sa condo ko" puna pa niya na nahihiya ko ding tinanguan.
Napangisi si Piero. "Ang sweet ng baby ko..." malambing na sabi niya na ikinagulat ko.
Kaagad akong kumawala sa kanyang pagkakayakap sa akin para tuluyan ko siyang maharap. "Baby mo na ako?" Excited na tanong ko sa kanya.
Kitang kita ko ang paglalaro ng mga ngiti sa labi nito. Titig na titig siya sa akin na para bang gustong gusto niya ang kanyang nakikita. Napahawak ako sa kanyang braso para kuhanin ang atensyon niya.
"Bati na tayo?" Pahabol na tanong ko pa dahil naghalikan na kami kanina at sabi niya sa akin pagnaghalikan na kami bati na niya ako.
Napangisi si Piero hindi makapaniwala sa aking mga itinatanong sa kanya. Kaagad niyang hinapit ang aking bewang para pagdikitin ang aming mga katawan. "Baby na kita. Akin ka na...naiintindihan mo?" Mariing pagpapaintindi niya sa akin kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti kahit pa ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking pisngi.
Tinanguan ko siya. "Sayo lang ako Piero" paninigurado ko pa sa kanya. Siya naman ngayon ang nabato sa kanyang kinatatayuan.
Napamura si Piero, hindi ko alam kung bakit pero kaagad lamang niya akong niyakap ng mahigpit. "Fuck, walang makakakuha sayo sa akin Amaryllis. Sa akin ka lang" mariing pagbabanta niya kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.
Ilang minuto kaming nasa ganuong posisyon bago unti unting tumila ang ulan. Dahil sa tagal namin duon ay halos matuyo na din ang aming mga suot na damit. Mas tumindi ang aking pagubo, nagsisimula na ding magtuluan ang aking sipon kaya naman halos hindi ako makaharap kay Piero dahil sa hiya.
"Amputa, magkakasakit ka pa ata" galit na utas niya habang nagaalalang nakatingin sa akin.
Hindi na ako nakasagot pa dahil sa patuloy na pagubo. Nang tuluyang tumigil ang pagulan ay lumabas na din kami ni Piero. Dahan dahan ang nagawa naming paglakad dahil sa paglambot ng lupa dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nahirapan ako lalo na't masakit pa din ang gitna ng aking mga hita.
"Piero!" Gulat na hiyaw ko ng buhatin ako nito na parang bagong kasal.
Matigas ang kanyang mukha, galit nanaman siya kaya naman hindi na ako nagsalita pa hinayaan ko na lamang siya at kumapit ng mabuti sa kanyang leeg para hindi ako mahulog. Kaagad kaming sinalubong ng mga taga farm.
"Ano pong nangyari Sir? Ayos lang po ba si Ma'm? Nagaalalang tanong nila na tinanguan ni Piero.
"Pwede ba akong makahingi ng mainit na tubig?" Tanong niya sa mga ito, mabilis silang nagkulasan para kumuha ng mainit na tubig na hiningi ni Piero sa kanila.
Inidiretso niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Nang maibaba na niya ako sa loob ay umikot din siya para makapasok sa driver seat. Kaagad siyang humugot ng dalawang tshirt mula sa duffle bag niyang nakalagay sa may back seat.
"Hubad na" utod niya sa akin.
Nabato ako. Hindi kaagad ako nakagalaw. "Hubad na baby. Kailangan mong magpalit ng damit" giit niya. Kikiligin na sana ako ang kaso ay nahihiya pa din akong maghubad sa harapan ni Piero.
Nagtiim bagang ito at siya na mismo ang kumilos para hubarin ang basa kong damit maging ang panloob. Napayakap ako sa aking hubad na dibdib, muling uminit ang aking pisngi. "Amputa patakip takip pa, nakita ko naman na iyan" pagrereklamo niya pero humaba lang ang nguso ko.
Isinuot niya sa akin ang kanyang tshirt. Dahil sa laki nuon ay hindi halatang wala akong suot napanloob. Napaayos ako ng upo ng may kumatok sa kanyang bintana, isa iyon sa mga trabahador na may dalang dalawang tasa ng mainit na tubig. Pagkakuha ay kaagad na inabot sa akin ni Piero iyon.
Dahan dahan akong sumimsim habang pinapanuod si Piero na maghubad para makapagpalit din ng damit. Nilingon niya ako at naabutang nakatingin ako sa kanyant hubad na katawan.
Napangisi siya. " You want me naked huh?" Puna niya kaya naman nagiwas kaagad ako ng tingin dahil sa kahihiyan.
Sandaling nagpaalam si Piero sa akin. Lumabas ito sandalinpars may pirmahan. Hindi na niya ako isinama pa dahil sa aking itsura at suot. Hindi din naman nagtagal iyon dahil patakbo siyang sumakay ng sasakyan.
"Uwi na tayo" anunsyo ni Piero. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil sa panginginig ng aking katawan, ramdam ko na din ang pagtaas ng aking temperatura.
Naging mabilis ang pagmamaneho ni Piero kaya naman mabilis kaming nakarating sa bahay.
"Oh anong nangyari?" Nagaalalang tanong ni Lance ng salubingin niya kami.
"Nilalagnat" matigas na utas ni Piero. Buhat buhat pa din niya ako, nakapikit na ang aking mga mata dahil sa pagod. Ramdam ko ang pagpasok namin sa kwarto. Dahan dahan niya din akong inihiga sa kama. Hindi na naging malinaw sa akin ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay inalagaan ako ni Piero.
Umaga na nang magising ako. Naramdaman ko kaagad ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking katawan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ang natutulog na si Piero kaagad ang aking nakita. Nakayakap siya sa akin, maging ang kanyang mga binti ay nakayakap din. Marahan akong gumalaw para sana hindi siya magising, pero dahan dahan itong gumulaw at dumilat.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Paos na tanong niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.
"Medyo ok na" mahinang sagot ko.
Hinigpitan ni Piero ang yakap sa akin. Mas lalong din akong ikinulong ng mga binti niya. "Nanginginig ka kagabi, nagpatulong ako kay Sarah at Lance. Natakot ako" sumbong niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian. Nakapikit pa din si Piero habang ikinikwento niya iyon sa akin.
"Sa tapang mong yan" mahinang pangaasar ko sa kanya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng mapanguso siya.
"Matapang ako. Pero ayoko ng ganuon ka, nanghihina din ako pagmahina ka" paliwanag niya sa akin kaya naman nagsumiksik ako sa kanyang dibdib.
"Palagi akong magiging malakas, para malakas ka" paninigurado ko sa kanya.
Narinig ko ang pagngisi ni Piero. "Good girl" puri niya sa akin na pareho lang naming ikinatawa na dalawa.
Kahit pa sabihin kong ayos na ang pakiramdam ko nung araw na iyon ay hindi pa din ako hinayaan ni Piero na gumalaw. Duon din kami sa kwarto kumain. Wala akong nagaaa kundi ang humiga at umupo lang buong araw habang siya ay busy sa tapat ng kanyang laptop. Hindi din natuloy ang sinabi niyang paguwi niya kaagad ng manila pagkagaling niya ng farm.
Nang sumunod na araw ay umalis silang dalawa ni Lance para bumalik sa Farm. Inaayos na kasi ang factory at ang mga machine. Magaani na kasi sa susunod na buwan kaya naman minamadali na nila iyon.
"Mahilig ka din sa maanghang?" Tanong ni Sarah sa akin habang kumakain kami ng mangga sa ilalim ng puno. Kasama namin ang anak nilang si Larrie na patakbo takbo sa may bakuran.
Inilingan ko siya. "Hindi pwede sa akin eh" tipid na sagot ko lamang sa kanya at tsaka muling sumubo nuon. Umalis muli si Piero at Lance para pumunta sa farm, masyado silang busy na dalawa nitong mga nakaraang araw.
Nagulat ako nang mapasigaw si Sarah dahil sa hindi inaasahang bisita. "Jules!" Nakangiting tawag niya dito kaya naman kaagad ko din iyong nilingon.
Ngiting ngiti siya habang may hawak hawak na paper bag. Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang makita niya ako. Tipid ko lamang siyang nginitian. "Long time no see" nakangising sabi niya sa akin.
"Hi Jules" balik na bati ko.
Kaagad niyang inilabas ang mga chocolates sa dala niyang paper bag. Para sana iyon lahat kay Larrie, pero dahil nakita niya ako ay kaagad niya iyong hinati para sa aming dalawa.
"Ibigay mo na iyan lahat kay Larrie" natatawang sabi ko sa kanya dahil nagmukha tuloy na inigawan ko yung bata.
Napailing si Jules. "Magdadala na lang ulit ako bukas. Hindi ko kasi alam na nandito ka" ngiting ngiting sagot niya pa sa akin ng hindi man lang pinuputol ang tingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil duon.
Tinapik siya ni Sarah ng makita ang aking naging reaksyon. Hindi siya pinansin ni Jules. "Gusto mo ulit mangabayo?" Tanong niya sa akin. Masaya sana iyon ang kaso ay inilingan ko lamang siya.
"Hindi pwede eh, kagagaling ko lang sa sakit" sagot ko sa kanya kaya naman kaagad niyang sinalat ang noo ko. Sinubukan kong umiwas pero isinunod niyang hinawakan ang aking leeg para salatin din iyon.
"Magaling ka na..." hindi na niya natapos ang itatanong niya sa akin ng pare pareho kaming napaiktad nang makarinig kami ng isang malakas na pagbusina.
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong napatayo nang makita kong sina Piero at Lance iyon. Pagkababa niya ng sasakyan ay kaagad sumalubong sa akin ang matalim niyang tingin hindi lang sa akin kundi sa katabi kong si Jules.
"Oh andito pala si Piero" nakangiting sabi pa ni Jules. Kinabahan ako nang tapikin siya ni Lance sa balikat habang nakangisi. Diretso pa din ang tingin niya sa akin, wala sa sarili kong nakagat ang lower lips ko dahil sa kaba. Nakakapanghina ng tuhod ang mga tingin ni Piero.
"Ano gusto mo bang mangabayo? Ipagpapaalam kita kay Piero..." tanong pa ni Jules sa akin. Sa sobrang pagkataranta ay nasagi ko ang baso ng juice na hawak niya. Kaagad iyong tumapon sa aking damit.
"Damn! Sorry" natatarantang sabi ni Jules at sinubukan tulungan akong pahiran ang aking damit. Pero bago pa man niya magawa iyon ay may humaklit na ng aking braso palayo sa kanya.
"Kaya na ni Amaryllis iyan" seryosong sabi ni Piero dito. Kita ko mula sa likuran ang pagngisi ni Lance.
Hindi ako nakaimik. Lalo na nang ilipat niya ang tingin sa akin. "Magbihis ka" galit na utos niya sa akin kaya naman kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanya at patakbong tinahak ang daan papasok sa bahay.
Grabe ang kaba ko, nakahinga lamang ako nang maluwag ng makapasok na ako sa kwarto, hawak hawak ko ang aking dibdib. Siguradong papagalitan naman ako duon. Saktong paglakad ko palayo sa pintuan ay kaagad din iyong bumukas. Nanlaki ang aking mga mata, iniluwa nuon ang nakasimangot pa ding si Piero.
"Ano yon ha Amaryllis?" Galit na tanong niya sa akin.
Napanguso ako. "Kinakamusta lang ako ni Jules kung magaling na daw ba ako" medyo magulong sagot ko pa sa kanya dahil sa kaba.
Kumunot ang kanyang noo. "Kailangan may kasamang paghawak?" Galit na giitpa niya.
Napaawang ang aking labi. Wala ng salitang gustong lumabas sa aking bibig, parang maging ang mga ito ay takot din kay Piero.
"Uhmm...magshoshower lang ako, ang lagit kasi nung juice" nagmamadaling sabi ko at kaagad na pumasok ng banyo para takasan ang galit ni Piero.
Napahilamos ako sa aking mga palad pagkapasok ko duon. Hinubad ko na lamang ang aking mga damit, malagit iyon lalo na sa aking bandang dibdib kung saan naitapon ni Jules ang juice. Nang mahubad ko na ang lahat ng aking saplot ay kaagad akong tumapat sa shower.
Napapikit ako para hindi pasukan ng tubig ang aking mga mata. Pero kaagad din akong napadilat nang may maramdaman akong kung anong tumutusok sa aking pangupo. "Piero!" Gulat na tawag ko sa kanya nang makita kong nasalikuran ko na ito, kagaya ko ay wala na din siyany saplot sa katawan. Ang kaninang tumutusok sa aking pangupo ay ang sa kanya.
Naginit ang aking buong mukha. "Ba...bakit ka" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kaagad kong naramdaman ang mainit niyant palad sa aking bewang. Nagtaas baba iyon duon, ang isang kamay niya ay nakatukod sa may pader na tiles.
"Mahilig ka talagang gumawa ng mga bagay na ikinakagalit ko ano?" Inis na tanong niya sa akin.
Hindi ako makasagot, hindi ako makapagconcentrate habang ang kanya ay tutok na tutok na ngayon sa aking puson. "Wa...wala naman akong ginagawa ah" laban ko sa kanya, ramdam ko ang panginginig sa aking boses.
Bayolente akong napalunok ng muling bumaba ang mga mata ko sa ibaba ni Piero. Ang kaninang kamay niya sa aking bewang ay itinukod din niya sa pader. Mas lalo kong nakita ang ganda ng katawan nito. Mas lalong nanliit ang aking katawan dahil sa pagkakaflex ng muscles niya.
"Anong gagawin mo ngayon Amaryllis? Galit na galit ako at ang alaga ko sayo..." may pagbabantang sabi niya sa akin.
Naglapat ang aking mga labi. Patuloy pa din ang pagtulo ng tubig sa aming mga hubad na katawan mula sa shower. Dahan dahan kong itinaas ang aking mga kamay papunta sa kanya. Kita ko ang panginginig ng kamay ko habang hinahawakan ang sinasabing alaga ni Piero. Kaagad siyang napaungol at napatingala sa unang paghawak ko duon.
Napaawang ang bibig ko ng makita ko kung gaano siya kasexy tingnan habang nakatingala at nakaawang ang kanyang bibig. Narinig ko ang mumunting ungol duon. Dahil sa nakitang reaksyon ni Piero ay mas lalo kong inayos ang pagkakahawak duon, nanlilit ang kamay ko habang nakahawak ako duon. Matigas at tumitbok. Dahan dahang gumalaw ang kamay ko, mas lalo kong narinig ang pagungol ni Piero dahil duon.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang patuloy ang ginagawa sa kanya. Mas binilisan ko pa, pero napamura si Piero at kaagad na tinanggal ang kamay ko duon, nadismaya ako at napanguso.
"Ikaw ang paparusahan ko" galit na sabi niya sa akin at kaagad niya akong hinila paalis duon sa ilalim ng shower.
Kaagad niya akong binuhat at inupo sa may sink. Napahawak ako ng mabuti duon sa takot na dumulas ang aking pangupo. Walang pakundangang pinaghiwalay ni Piero ang aking mga binti.
"Piero!" Hiyaw ko ng kaagad niyang itinapat ang kanyang mukha sa aking ibaba. Hinawakan niya ako sa aking magkabilang bewang bago niya isinubsob ang kanyang mukha sa akin. Hindi magkamayaw ang pagarko ng katawan ko dahil sa nararamdaman. Halos mapasabunot pa ako sa kanya nang maramdaman ko ang kanyang dila duon.
"Piero please..." naiiyak na tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang hinihingi ko sa kanya. Pero may gusto akong marating mula sa kanyang ginagawa.
Napahiyaw akong muli ng marating ko na ang sukdulan. Habol habol ko ang aking hininga. Pagod akong napasandal sa may salamin sa aking likuran. Tumayo si Piero matapos niyang punasan ng kamay ang kanyang bibig. Muli niyang hinawakan ang bewang ko para hilahin ako palapit sa kanya. Kalahati ng aking pangupo ay nakalawit na sa dulo ng sink.
Tiningnan ako ni Piero, nagaalab ang kanyang mga mata. Bayolente akong napalunok at kaagad na inihanda ang sarili. Kapwa kami napatingala sa unang pagpasok niya sa akin. Kaagad niyang ikinawit ang mga binti ko sa kanyang bewang.
"Ahhh...Piero" daing nanungol ko. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko para marahas akong itulak papunta sa kanya para salubungin ang kanyang bawat pagulos.
Napahawak ako sa kanyang mga braso, hindi ko na kinaya ang nararamdaman mula sa aking ibaba, marahas at mabilis ang paggalaw ni Piero. Para siyang nagiging ibang tao sa mga oras na ganito.
"Nag" madiing sambit niya bago niya idiniin ang sarili sa akin.
"Nag. Seselos. Ako" madiing sambit niya ulit. Kadasalita ay marahas din ang ginagawa niyang pagdiin ng kanya sa akin.
Hindi ako nakasagot. Nanatiling nakaawang ang aking mga labi. "Fuck..." sambit na pagungol niya ng pareho naming marating ang sukdulan. Muli kong naramdaman ang pagkapuno sa aking loob.
Iniyakap ako ni Piero sa kanya. Kaya naman mahigpit kong ikinawit ang mga kamay ko sa leeg niya. Muli niyang akong binuhat mula sa aking pangupo. Hindi niya pinaghiwalay ang sa amin. Humigpit maging ang pagkakakapit ng mga binti ko sa bewang niya.
Inangkin niya ang aking labi habang naglalakad siya pabalik sa ilalim ng shower. Naramdaman ko kaagad ang lamig ng tiles sa aking likuran ng isandal niya ako duon. Binuksan niya ang shower kaya naman muling nabasa ang aming katawan. Mula sa pwesto na iyon ay muling gumalaw si Piero, madiin ang bawat pasok niya na para bang gusto niyang iparamdam sa akin ang galit niya.
Hindi na ako nakalabas pa pagkatapos ng pangyayaring iyon. Si Piero ang nagpunas ng tuwalay sa pareho naming katawan. Sobrang sakit ng aking mga binti dahil sa matagal napagkakabukaka at pagkawit sa kanyang bewang. Nang suotan niya ako ng kanyang damit ay dumiretso ako sa kama at kaagad dinalaw ng antok dahip sa pagod.
Iyon ang sinasabing parusa ni Piero. Kung hindi siya nakapagpigil ay baka hindi pa niya ako tinigilan. Nakakamatay...
Muling nagpaalam na babalik ito ng Manila kinabukasan. Hindi ko tuloy naiwasang hindi magalala na baka ilang araw nanaman siyang hindi magparamdam sa akin.
Napangisi ito ng makita ang aking itsura. "Babalik din ako kaagad, kailangan kong ayusin yung sa Agrupación. Hindi ba't gusto mong umalis na ako duon?" Paliwanag pa niya sa akin kaya naman tumango ako.
Wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya. "Basta magiingat ka" pakiusap ko sa kanya.
Tiningnan ako nito bago niya inangkin ang aking labi. Dahil sa nangyari ay narinig ko ang pagsipol ni Lance. "Amputa, napakaistorbo ng gago" inis na suway ni Piero dito kaya naman napatawa si Lance.
Wala akong inisip buong araw kundi ang paghihintay sa paguwi nila. Naging mahaba ang isang oras para sa akin lalo na't iyon lang ang ginawa ko buong araw ang maghintay.
"Amaryllis, tumawag si Lance. Baka bukas na daw sila makauwi" sabi ni Sarah sa akin ng lapitan niya ako sa may bintana. Kanina pa ako nakatayo duon para maghintay.
Napanguso ako. "Si Piero nakausap mo?" Tanong ko sa kanya. Nagiwas siyang tingin sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kung ano.
"Sarah..." pagtawag ko sa kanya.
Hindi siya makatingin sa akin. "Hintayin na lang natin silang umuwi bukas" malumanay na sabi niya pa sa akin.
Buong gabi akong gising. Para akong mababaliw sa kakaisip kung anong problema. Maaga akong lumabas ng kwarto kinaumagahan para muling tumayo sa may bintana at duon ay maghintay.
"Sarah nandito na sila!" Sigaw ko dahil nasa dinning ito. Patakbo akong bumaba para salubungin ang sasakyan ni Piero. Ngiting ngiti pa ako. Pero kaagad na napawi iyon ng makita kong si Lance ang lumabas mula sa driver seat.
Malungkot lamang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko nagawang itanong kung nasaan si Piero. Pero kaagad kong nakita ang pagikot nito mula sa backseat. Napatakip ako sa aking dibdib ng ilabas niya mula duon ang walang malay na si Piero.
"Anong nangyari?" Tanong ko at hindi ko na napigilang umiyak.
Hindi sumagot si Lance. Sumunod ako sa kanya nang dalhin niya ito sa aming kwarto. Iniayos niya si Piero ng higa duon.
"Kahapon pa siya ganyan" nanghihinang sabi ni Lance.
Napahagulgol ako. Namamaga ang kanang mata nito, putok ang kanyang labi. Puno ng pasa at sugat ang kanyang buong mukha. "Bakit..." umiiyak na tanong ko kay Lance.
"Mahihirapang makalabas si Piero ng Agrupación. Yan ang ginawa sa kanya nung nagpumilit siya" paguumpisa niya ng kwento.
Kaagad kong hinawakan ang kamay nito at tahimik na umiyak. "Hindi nila papakawalan si Piero ng buhay" dugtong pa niya.
"Ang sama nila" galit na sabi ko. Umiyak ako sa kanyang tabi, hindi ko kaya na makita si Piero na ganito ang kalagayan.
Ilant minutong naghari ang mga hikbi ko sa buong kwarto bago muling nagsalita si Lance. "May nalaman pa ako..." paguumpisa niya na pumukaw sa atensyon ko.
Tiningnan ko si Lance, hininta ang karugtong ng sasabihin niya. "Isa ang pamilya Dela Rama sa likod ng Agrupación" pagsisiwalat niya na ikinagulat ko.
"Si Rajiv?" Paninigurado ko pa sa kanya na ikinatango niya na lang.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro