Chapter 34
Matigas ang ulo
Humagpak nang tawa si Lance dahil sa naging reaksyon ni Piero. Napakurap kurap naman ako dahil sa pagkabigla. "Shut your fucking mouth Lance" inis na suway pa niya kaya naman itinaas ni Lance ang magkabilang kamay para sumuko.
Muli siyang kumindat sa akin. "Iniisip ko lang naman, sa payat ni Amaryllis, isang hagis lang ni Rajiv sa kama yan" nakangising dugtong pa niya kaya naman padabog na isinara ni Piero ang laptop niya. Galit niyang tiningnan si Lance.
"Pakyu ka" seryosong asik niya dito at tsaka nagmadaling pumasok sa kwarto, padabog pa nitong isinarado ang pinto kaya naman muling napatawa si Lance.
Napanguso ako. "Baka mamaya magsungit nanaman iyon" nagaalalang sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Palagi namang masungit iyon. Hayaan mo siya, nagseselos lang yon" sabi pa niya na ikinabigla ko. Muling uminit ang aking pisngi.
"Bakit naman magseselos si Piero? Eh hindi naman niya ako gusto" malungkot na sabi ko pa kay Lance para naman tigilan na niya ang pangaasar kay Piero.
Napanguso siya. "Eh baka si Rajiv ang gusto" pangaasar pa niya at muling humagalpak ng tawa.
Sinimangutan ko siya. "Diyan ka na nga lang, papainumin ko na lang si Peanut ng gatas" pagmamaktol na paalam ko sa kanya at tsaka mabilis na umalos duon. Hindi pa din siya natinag, tawa pa din ng tawa dahil sa kalokohan niya.
Napailing na lamang ako ng lumabas ako sa may veranda. Umupo ako sa may pangalawang baitang ng hagdan para painumin ng gatas si Peanut. "Bukas na ang mata mo Peanut!" Magiliw na sabi ko sa kanya kahit naman alam kong walang pakialam yung tuta basta ay makainom lang ng gatas.
Mas lalo ko siyang pinainom ng gatas, excited na akong lumaki siya. "Bundat na yang tuta..." seryosong puna ng kalalabas lang na si Piero. Nagulat ako at kaagad siyang nilingon.
Nakita kong may hawak siyang sigarilyo, umupo siya sa upaun malapit sa akin habang sinisindihan iyon. "Masama yan" pagpigil ko sa kanya pero nagtaas lang siya ng kilay sa akin at tsaka ipinagpatuloy ang pagsisindi nuon.
"Sabing masama eh" nakangusong bulong ko at kaagad siyang tinalikuran. Muli kong binalingan si Peanut.
"Ibabalik kita kay Rajiv pag nainis mo ulit ako" pananakot niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Naabutan ko pa siyang humihithit ng sigarilyo bago siya tamad na bumaling sa akin.
"Pag ibabalik mo ako kay Rajiv tatakas na lang ulit ako" laban ko sa kanya. "Ayoko sabi kay Rajiv eh" giit ko pa.
Bumigat ang tingin niya sa akin. Gumalaw ang bibig niya at tsaka muling humithit ng sigarilyo. "Hindi ka naman hahanapin nuon kung hindi ka mahal nun eh" paliwanag pa niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakaimik kaagad. Mas lalong humaba ang nguso ko at tsaka tinanggal ang maliit na bote ng gatas sa bunganga ni Peanut dahil baka sa sobrang inis kay Piero ay madiin ko iyon sa kanya. "Kung ayaw mo sa akin, wag mo akong ireto sa iba. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sayo ah, gusto ko lang magstay dito" parang maiiyak na sabi ko sa kanya.
Nilingon niya ako. Itinapon niya ang kanyang sigarilyo at kaagad iyong inapakan para patayin ang apoy. "May narinig ka ba sa akin na nirereto kita?" Galit na tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko.
"Kakasabi mo lang ah..." giit ko kaya naman inirapan niya ako.
"Tinitingnan ko lang kung hanggang saan yang determinasyon mo. Baka mamaya makita mo lang yung Rajiv na yun ma..." hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil halos pabulong na ang mga iyon.
Tumitig ako kay Piero, pilit pinagaaralan ang kanyang mga kilos. "Nagseselos ka ba?" Marahang tanong ko, nahihiya akong itanong iyon pero masyado na akong maguguluhan sa mga inaakto niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Amputa, ang kapal ng mukha neto" laban niya, masyadong defensive.
Gusto kong matawa dahil sa kanyang itsura pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili. "Nagtatanong lang naman ako, kasi baka mamaya..." hindi ko magawang dugtungan. Naiilang sa mariing tingin ni Piero sa akin.
Nang hindi ko itinuloy yung tanong ay kaagad siyang napasimangot. "Pumasok ka na nga duon sa loob, baka may makakita pa sayo dito" inis na pagtataboy niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tahimik na pumasok duon.
Dumiretso ako sa Sofa at tsaka humiga duon. Kaagad kong sinamaan ng tingin ang kisame. Maayos na ang pagkakahiga ko ng muling bumukas ang pinto. Nahimigan ko ang pagpasok ni Piero pero hindi ko siya nilingon at diretso pa ding tumitig sa kisame.
"Matulog na tayo" seryosong sabi niya kaya naman muling humaba ang nguso ko.
"Matutulog na nga" malumanay na sabi ko at tsaka kaagad na ipinikit ang aking mga mata.
Buong akala ko ay aalis na siya, pero muli lamang akong napadilat ng maramdaman ko siya sa aking gilid. Matalim ang tingin niya sa akin. "Matulog na tayo" masungit na paguulit niya kaya naman kumunot ang noo ko.
"Matutulog na nga ako" giit ko.
Nagtiim bagang siya. "Sa kwarto" matigas na turo pa niya sa kanyang kwarto kaya naman parang tumalon ang puso ko. Kinilabutan ako lalo na sa tono ng kanyang boses, masyadong maawtoridad.
Wala sa sarili aking bumangon mula sa pagkakahiga. "Papatulugin mo ulit ako sa kwarto mo?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya hindi pa din makapaniwala.
Inirapan niya lamang ako bago niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok. Nadaanan pa namin si Lance sa kusina na umiinom ng tubig, nakadamit na din siya pantulog.
"Oh saan mo dadalhin si Amaryllis? Baby ni Rajiv yan" pangaasar pa niya dito.
"Tangina ka, manahimik ka diyan" inis na sita ni Piero sa kanya kaya naman muling nabaliw si Lance kakatawa. Gusto ko din sanang matawa pero kaagad kong kinagat ang pangibabang labi ko para pigilan iyon. Nakakatakot, baka pagalitan ako ni Piero.
Binitawan lamang ako ni Piero ng nasa tapat na kami ng kama. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya, kaagad na akong gumapang paakyat duon. "Hindi ka na galit sa akin? Kaya papatulugin mo na ako dito?" Tanong ko sa kanya.
Muling umikot ang mata niya dahil sa pagirap. "Galit pa din ako sayo. Matutulog ka lang naman, hindi naman tayo maghahalikan" tamad na sagot pa niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.
"Ibig sabihin pagnaghalikan na tayo, bati mo na ako?" Inosenteng tanong ko pa sa kanya na ikinabato ni Piero.
Marahas itong kumamot sa kanyang ulo. "Mananahimik ka ba o papalabasin na lang kita?" Inis na tanong niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, inayos ko ang sarili ko para makapasok sa comforter.
Humiga ako at kaagad na tumingin sa kanya. Hindi na ako nagabalang talikuran siya, imbes ay pinanuod ko pa ang kanyang mga paggalaw. Napatingin din siya sa akin, kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. "Good night" nakangiting sabi ko.
"Night" tamad lang na sagot niya sa akin. Hinayaan ko na lamang iyon. Pumikit na lamang ako at tsaka pinilit ang sariling matulog. Naramdaman kong lumundo ang kama dahil sa paghiga ni Piero, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Basta katabi ko si Piero.
Muli siyang gumalaw. Naramdaman ko kaagad na nakahiga siya paharap akin. Bahagya kong dinilat ang isa kong mata, nakita kong nakapikit na din siya.
"Piero..." mahinang tawag ko, hindi siya dumilat nanatiling nakapikit.
"Wag mo akong ibigay kay Rajiv please..." mahinang pakiusap ko pa sa kanya, paos na ang aking boses, ano mang oras ay kakainin na din ako ng antok.
Akala ko ay hindi na siya sasagot pa. "Hindi kita ibibigay kay Rajiv" paninigurado niya kaya naman bahagya akong napangiti bago ako unti unting nakatulog.
Kinabukasan ay nagising na lamang ako na wala na si Piero sa aking tabi. Mataas na din ang sikat ng araw sa labas kaya naman mabilis din akong bumangon at nagayos ng sarili.
"Ako na ang bibili ng Pandesal" pagprepresinta ko sa kanilang dalawa nang maabutan ko sila sa may dinning.
Tamad lamang akong tiningnan ni Piero, pero kaagad na itinaas ni Lance ang kanyang kamay para kuhanin ang atensyon ko. "Wag na, bumili na si Piero kanina. Ang aga ngang gumising eh" pagmamalaki niya kaya naman napanguso na lamang ako at tsaka lumapit duon sa may lamesa.
Ngumisi si Lance sa aking tuluyang paglapit. Diretso lamang ang tingin ni Piero sa hawak na newspaper. Umupo ako ng lapagan ako ni Lance ng tasa. Abot kamay ko ang thermos at ang timplahan ng kape. "Binilhan ka ni Piero ng cake na gusto mo" pangaasar pa ni Lance sa akin ng iabot niya ang palagi kong binibiling cake na may kutsara.
"Wow, thank you" nakangiting sabi ko kay Piero hindi man lang siya nagabalang tingnan ako pabalik.
Habang kumakain ay hindi naiwasang mapaguspan nila ang pagalis ni Piero sa Agrupación. Masaya akong malaman na iniisip niyang kumalas duon, hindi makakabuti kung mananatili pa siya gayong alam na niya kung sino ang pumatay kay Sachi at nakakuha na din sila ng hustisya.
"Hindi ka ba mahihirapang lumabas duon?" Nagaalalang tanong ni Lance dito kaya naman maging ako ay napahinto din.
Napansin ko ang pahapyaw na tingin ni Piero sa akin. Para bang ayaw niyang marinig ko iyon kaya naman mabilis na bumagsak ang aking mga mata sa pagkaing kinakain.
"Mahihirapan, pero wala akong pakialam. Aalis ako duon" matapang na sabi ni Piero.
Plano ni Piero na magtrabaho sa kanilang Companya sa oras na makaalis na siya ng Agrupación. "Pwedeng pwede ka nang magasawa..." pangaasar pa ni Lance dito na hindi na lamang pinansin pa ni Piero.
Ako ulit ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Paglabas ni
Lance at Piero ay pareho na silang nakapanlakad, may mga sarili silang lakad. "Wag kang lalabas Amaryllis ha, baka makuha ka ulit ni Rajiv" paalala ni Lance sa akin kaya naman tumango ako sa kanya. Nabaling ang tingim ko kay Piero, mariin lamang siyang nakatingin sa akin.
"Magingat kayo ha..." paalala ko pa sa kanila. Pero muli ay hindi nagbago ang ekspreyon nito. Mayroon siyang gustong sabihin, pero hindi niya masabi.
"Ilang araw kaming mawawala..." seryosong sabi nito kaya naman nakaramdam ako ng lungkot.
Sandali siyang umalis para pumunta sa labas pagbalik niya ay nakapamewang na siyang lumapit sa akin. "Kunin mo ang mga gamit mo, duon ka muna sa Bulacan" utos niya sa akin na ikinagulat ako. Mabilis namang tinanguan iyon ni Lance bilang pagsangayon.
"Ok lang naman ako dito, hindi naman ako lalabas" paninigurado ko sa kanya pero mariing umiling si Piero.
"Hindi ako makakapagtrabaho kakaisip sayo dito, duon ka na muna sa bulacan" giit pa niya. Narinig ko ang ngisi at ang mahinang pagmura ni Lance pero hindi siya pinansin nito.
Tumango ako at tsaka mabilis na kinuha ang aking ilang mga gamit. Naligo na din ako at nagbihis. Paglabas ko ay nasa loob na nangsasakyan ang bag na dadalhin ko. "Dadalhin ko si Peanut" sabi ko kay Piero na kaagad niyang tinanguan.
Habang inaayos ko ang tuta ay muli siyanh pumasok sa loob ng bahay. Napayuko akong muli ng makita kong dala dala na niya si Rochi. Hindi niya ako pinansin at tsaka kaagad na nilagpasan. Tahimik ang aming buong byahe patungo sa San Rafael Bulacan. Tulog si Lance sa may backseat, sa kanyang gilid ay ang maliit na higaan ni Peanut na katabi naman ang nakangiti pa ding si Rochi.
Nilingon ko si Piero pero nakafocus lamang ito sa kanyang pagmamaneho. "Babalik pa naman ako duon di ba?" Mahinang tanong ko sa kanya sa takot na hindi na ako makabalil sa manila at tuluyan na lamang niya akong iwanan sa bulacan.
Sandali siyang lumingon sa akin bago niya muling itinuon ang atensyon sa kalsada. Nasa Nlex na kami kaya naman mabilis ang takbo ng sasakyan.
"Akala ko ba ayaw mong ibigay kiya kay Rajiv?" Seryosong tanong niya sa akin na mabilis kong tinanguan.
"Kaya sundin mo ako, gawin mo ang sasabihin ko. Ginagawa ko ito para hindi ka makuha ni Rajiv sa akin. Babalik tayo sa manila pag tapos na ang trabaho ko" paliwanag niya sa akin kaya naman natahimik ako.
Nakatulog din ako sa byahe pagkatapos nuon. Nagising na lamamg ng nasa harap na kami ng Lumang bahay. Nanduon na din si Sarah na naghihintay sa pagbaba ni Lance. Kaagad akong gumalaw para sana tanggalin ang seatbelt na nakakabit sa akin pero naunahan na ako ni Piero.
Nangtama ang mga kamay namin dahil duon kaya naman napaiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Tahimik akong bumaba para makuha si Peanut mula sa backseat. Habang ginagawa ko iyon ay nanlaki ang aking mga mata ng kaagad na salubungin ni Lance ng halik si Sarah. Hindi lamang iyon normal na halik. As in halikan talaga. Nakita ko pa ang ilang beses na paghampas ni Sarah sa kanya para suwayin pero hindi ito nagpatinag.
"Dalian mo nga diyan, kung saan saan nanaman pumupunta yang mata mo" asik ni Piero sa akin na ikinagulat ko kaya naman mabilis akong kumilos mula sa pagkakabato dahil sa nakita.
"Sorry" mahinang sabi ko pero narinig ko lang ang kanyang pag tsk.
Sinalubong kami ni Sarah kasama ang anak nilang si Larrie na panay ang takbo habang hawak hawak ang kanyang laruang sasakyan. "Naku, madami akong ginawang tikoy nung sinabi ni
Lance na kasama ka" nakangiting sabi niya sa akin.
"Salamat, pasencya ka na naabala ka pa tuloy" nahihiyang sabi ko sa kanya pero umiling lamang siya ay sinabing walang problema.
Yakap yakap ko si Peanut pagpasok namin ng bahay. Magaan ang pakiramdam ko duon sa bahay kaya naman kahit papaano ay masaya akong maiwan kasama sila Sarah. "Tara ihahatid kita sa kwarto" sabi ni Piero mula sa aking likuran. Bitbit niya ang aking mga gamit.
Sumunod ako sa kanya. Nagtaka ako ng hindi niya ako ihatid sa dating kwartong tinutuluyan ko nung minsang nandito ako. "Kaninong kwarto ito?" Nagtatakang tanong ko nang pumasok kami sa mas malaking kwarto, mas kumpleto ang gamit duon. May maliit na ref pa sa gilid ng bed side table.
"Akin" tamad na sagot ni Piero habang inilalapag ang mga gamit ko. Napatingin ako sa may kama, mas malaki din iyon at mukhang mas malambot. Maingat kong inilapag si Peanut sa may gilid. Napatayo ako kaagad nang makita kong pinapanuod na lamang ni Piero ang ginagawa ko dahil tapos na siya.
"Uhm...aalis na kayo kaagad?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Tamad siyang tumango sa akin.
"Ilang araw ka mawawala?" Panguusisa ko pa. Siguradong mamimiss ko siya. Nakatingin lamang siya sa akin, malalim ang kanyang mga tingin, nakakailang.
Tumikhim siya. "Mga tatlong araw, depende" hindi din siguradong sagot niya sa akin. Nanatili ang kanyang malalim na pagtitig. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Halos dumugo ang pagkakalagat ko sa aking pangibabang labi.
Tumingkayad ako para maabot ang pisngi niya. Nahihiya ko siyang hinalikan duon. "Magingat ka" nahihiyang sabi ko at tatalikod na sana ako ng mabilis niyang hinigit ang bewang ko, kaagad akong napahawak sa kanyang dibdib bilang pagsuporta.
Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Parang may lalabas na kung ano sa aking dibdib. Bayolente akong napalunok ng dahan dahan niyang ilapit ang kanyang labi sa akin pero hindi niya iyon itinuloy. Nginisian niya ako.
"Hindi kita hahalikan, hindi pa tayo bati" paos na sabi niya pa kaya naman napanguso ako sa pagkadismaya. Muling napangisi si Piero ng makita ang aking reaksyon.
Pero bulta bultaheng kuryente ang naramdaman ko ng halikan ako nito sa noo. "Mag ingat ka din dito. Palagi mong sagutin ang tawag at text ko" malambing na saad niya.
"Naiintindihan mo?" Madiin at seryosong pahabol pa niya.
"Oo..." wala sa sarili kong sagot.
Binitawan niya ang pagkakayakap sa bewang ko at kaagad na hinawakan ang palapulsuhan ko para hilahin ako palabas.
"Oh bakit namumula yang si Amaryllis?" Nagtatakang tanong ni Lance pagkatapos ang ngumisi. Kaagad akong napahawak sa aking pisngi, mainit nga iyon.
Nasa sala na din sila ni Sarah. Nakayakap ito dito at nagpapalam na. "Piero, nakabili na din pala ako ng ice cream na pinapabili mo para kay Amaryllis" sabi pa ni Sarah sa kanya na ikinatango niya na lamang.
Hindi din nagtagal ay nagpaalam na silang dalawa para umalis. Nalungkot ako habang nakatanaw sa paglayo ng sasakyan ni Piero. Ilang araw ko lang siyang hindi makakasam ay sobrang bigat na ng aking dibdib. Natatakot tuloy akong umalis sa oras na kailanganin ko na.
"Wag ka ng malungkot Amaryllis. Babalik din naman sila kaagad" pagaalo ni Sarah sa akin na tinanguan ko na lamang. Sumama ako sa kanya sa kitchen para manuod sa kanyang pagluluto. Kumakain ako ng ice cream habang nanunuod, katabi ko ang anak nilang si Baby Larrie na makalat na kumain din ng Ice cream.
Unang gabi ko duon na wala si Piero ay hindi kaagad ako dinalaw ng antok. Nakadungaw ako sa may bintana. Nagulat ako ng makita ko si Sarah na palabas ng bahay. Gusto ko sana siyang sigawan para tawagin pero hindi ko ginawa dahil malalim na ang gabi. Bihis na bihis siya.
Hindi nawala sa aking isipan ang nakita. Gumising ako kinaumagahan at nagulat ng makita ko si Sarah duon na nagaayos ng dinning para sa aming agahan. Nakangiti niya akong sinalubong.
"Sarah lumabas ka ba kagabi?" Tanong ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Hindi, natutulog na ako kasama si Larrie" pagsisinungaling niya at mabilis na nagiwas ng tingin sa akin. Sinundan ko siya ng pumasok siya sa kitchen.
"Sarah may problema ka ba?" Panguusisa ko sa kanya. Nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang aking magkabilang kamay.
"Please, wag mong sabihin kay Lance" emosyonal na pakiusap niya sa akin.
Inamin ni Sarah sa akin na na nagtratrabaho siya bilang isang waitress sa maliit na inuman sa kabilang bayan. "Kailan pa?" Panguusisa ko.
"Magiisang buwan na din, naawa na kasi ako kay Lance. Gusto kong makatulong sa mga gastusin. Hindi naman sanay iyon sa ganitong buhay. Lumaki siya sa yaman" naiiyak na kwento pa niya.
Sinubukan kong pagaanin ang loob niya kahit papaano. Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Lance kaya naman nagagawa niya ito. Sa pangalawang gabi ay ako pa mismo ang nagsara ng pintuan ng lumabas si Sarah. Tipid lamang siyang ngumiti sa akin. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa.
"Amaryllis, ako na diyan" gulat na salubong ni Sarah sa akin kinaumagahan. Maaga akong nagising para maghanda ng agahan para sa amin. Kahit puyat sa gabi ay nagagawa pa din niyang gumising ng maaga para magluto.
Pagod siyang umupo nang makitang tapos ko ng gawin iyon. "Salamat ha" pagod na sabi niya na nginitian ko lamang.
"Ok lang wala yun"
Tahimik kaming kumakain ng kaagad akong magsalita. "Pwede ba akong sumama sayo mamaya?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"Ha, gusto mong magtrabaho?"
Napatango ako. "Habang nandito ako, kasi naisip ko si Piero din ang lahat ng gumagastos para sa akin. Nahihiya na ako" kwento ko kay Sarah.
Kita ko ang pagaalinlangan sa kanyang mukha. "Malalagot ako kay Piero niyan" natatakot na sabi niya pero nginsian ko lang siya.
"Wala naman sila dito eh, Secret lang natin tong dalawa" sabi ko pa kaya naman naiilang na napatango si Sarah sa akin.
Buhay na buhay ako pagsapit ng gabi. Pinilit kong matulog nung hapon para hindi ako antukin sa buong magdamag. "Sure ka ba talaga Amaryllis? Natatakot ako pagnalaman to ni Piero" kinakabahang sabi pa niya sa akin.
"Hindi naman to malalaman ni Piero, edi pag nalaman to ni Piero malalaman din to ni Lance" pagpapagaan ko pa ng loob niya.
Mula sa tapat ng lumang bahay ay sumakay kami ng tricycle. Sinabi ni Sarah ang lugar kung saan siya nagtratrabaho. Hindi maalis ang tingin ko sa mg dinaraanan namin. Marami ding mga lumang bahay duon at mas lalong gumanda dahil sa mga ilaw.
Huminto ang tricycle tapat ng isang kainan. Punong puno iyon ng ilaw. Maingay din sa loob at may mga nagtatawanan pa. "Beer house ito ah" puna ko kay Sarah. Nahihiya siyang tumango sa akin.
"Kahera naman ako kadalasan, tapos minsan nagwaiwaitress din. May tip kasi minsan pag duon" kwento pa niya sa akin.
Dinala niya ako sa maliit na opisina ng boss niya at nagulat ako ng makitang babae iyon. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bakit hindi mo na lang ipagdancer ito. Siguradong mabenta ito" puna pa niya sa akin habang nakangisi.
Mabilis na umiling si Sarah. "Sa counter na lang din po siya kasama ko, pwede po ba? Kahit taga kuha na lang po ng order" pakiusap ni Sarah dito habang hindi pa din nawawala ang tingin niya sa akin.
Tumango siya. "Tamang tama, kulang tayo sa waitress ngayon" sabi pa niya kaya napangiti ako pero hindi sangayon si Sarah, kita ko pa din ang pagaalala sa kanyang mukha.
Si Sarah ang pumwesto sa may kaha. Kung minsan ay taga abot din siya ng mga inumin pag may ginagawa ang ibang waitress. Panay ang doodle ko sa maliit na papel na ibinigay sa akin. Sa tuwing may order kasi ay si Sarah ang tumatakbo at kung minsan ay iniuutos pa niya sa iba.
"Miss paorder" tawag sa akin ng isang costumer. Napatingin ako kay Sarah, kaagad siyang nagmadali sa ginagawa para puntahan iyon pero mabilis akong tumayo.
"Ako na" mabilis na sabi ko kaya naman nanlaki ang kanyang nga mata. Hindi na niya ako napigilan pa ng tumakbo ako patungo ruon.
"Ano pong order niyo?" Tanong ko sa lalaking kalbo na may malaking tiyan. May katabi itong babae na nakita kong nagtratrabaho din dito.
Hindi kaagad siya nakapagsalita. Nanatili ang tingin niya sa aking katawan. "Oorder po ba?" Mapanuyang tanong ko kaya naman sandali siyang bumalik sa wisyo.
"Dalawang bote pa" sabi niya kaya naman kaagad kong isinulat iyon sa aking hawak na papel. Tumakbo ako pabalik kay Sarah para ibigay sa kanya ang order.
"Binastos ka ba?" Nagaalalang tanong niya. Umiling ako.
"Hindi" nakangiting sagot ko sa kanya. Sanay naman akong maging waitress dahil ganuon ang trabaho ko sa noodle house.
"Paorder!" Sigaw pa ng isang costumer kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mata. "Ako na ulit!" Pagpreresinta ko kay Sara at mabilis na nilapitan ang mga ito.
"Ano pong order?" Nakangiting tanong ko sa mga ito. Hindi ko kaagad silang tiningnan busy ako sa pagsusulat sa papel ng number 2 bilang pangalawang order ko iyon ngayong gabi.
"Dalawang babaeng matigas ang ulo" matigas na sabi ni Lance na ikinagulat ko.
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng makita kong silang dalawa iyon ni Piero. Halos manginig ang kamay ko dahil sa talim ng pagkakatingin nito sa akin. Galit na tumayo si Lance habang nakatingin kay Sarah na nasa may kaha. "Tangina talaga" galit na sambit niya at mabilis na nilapitan ito.
Hindi ako nakapagsalita. Nanuyo ang aking lalamunan, matalim pa din ang tingin ni Piero sa akin. "Ba..." hindi ako makapagsalita.
"Hubadin mo na yan" galit na utas niya tukoy sa suot kong apron. Kaagad akong tumango, nanginginig ang aking kamay habang ginagawa iyon.
Tahimik kaming nakalabas duon. Mabuti na lamang at hindi gumawa ng gulo ang dalawa sa loob ng beerhouse, delikado dahil madami ng lasing. Walang nagawa ang boss ni Sarah ng kausapin siya ng galit na si Lance.
Sumakay kami ng sasakyan. Si Lance ang nagmamaneho habang sa passenger seat ay ang umiiyak na si Sarah. Pareho kaming nasa backseat ni Piero.
"Sinabi ko bang magtrabaho ka?" Galit na utas ni Lance dito. Nanginginig ang kanyang kamao na nakahawa sa manibela. Hindi nakasagot si Sarah, umiiyak pa din.
"Isinama mo pa si Amaryllis..." asik pa niya na kaagad kong inilingan.
"Kusa akong sumama, pinilit ko si Sarah" laban ko pa, at sandaling napahapyaw ng tingin sa katabi kong si Piero na mas lalo lamang tumalim ang tingin sa akin.
Na kay Lance at Sarah ang focus ko ngayon. Natatakot akong baka masaktan niya ito dahil sa sobrang galit niya. Galit din si Piero pero hindi ko siya pinansin. Pagkarating ng bahay ay kaagad na hinaklit ni Lance ang braso ni Sarah papasok sa loob.
"Teka Lance..." pagpigil ko sa kanya pero kaagad akong hinila ni Piero.
"Hayaan mo silang magusap" seryosong sabi niya sa akin at tsaka niya ako hinila papasok sa bahay diretso sa kanyang kwarto.
Ilang minuto pa ang lumipas, hindi talaga ako mapakali. Kahit pa ramdam na ramdam ko ang mabibigat na tingin ni Piero sa akin ay hindi ko pinansin, nagaalala talaga ako para kay Sarah.
"Amaryllis" matigas na tawag ni Piero sa akin ng mabilis akong lumabas ng kwarto.
Kaagad akong dumiretso sa kwarto nina Sarah at Lance. Mula sa pintuan ay idinikit ko ang aking tenga. Tahimik nuong una hanggang sa magsitayuan ang balahibo ko ng may narinig.
"Ughhh...Lance dahan dahan" nahihirapang daing ni Sarah mula sa loob. Bumilis ang tibok ng aking puso. Lalo na ng maramdaman ko si Piero sa aking likuran.
"Lance please" parang umiiyak pang daing ni Sarah. Halos hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Lalo na ng marinig ko ang langitngit ng kama mula sa loob.
"Amputa" matigas na sambit ni Piero bago niya ako hinila pabalik sa aming kwarto.
Wala ako sa aking sarili pagkapasok duon. Kaagad akong isinandal ni Piero sa likod ng pintuan. Galit na galit nanaman siya. "Sinasaktan ba ni Lance si Sarah?" Nagaalang tanong ko.
Kita ko mas malalim na pagtingin ni Piero sa akin. "Pinaparusahan ni Lance si Sarah dahil matigas ang ulo niya" matigas na sagot niya sa akin.
Bayolente akong napalunok dahil sa lapit ng mukha ni Piero sa akin. "Alam mo bang galit na galit ako sayo" madiing sabi niya. Nagiwas ako ng tingin, maging ang katawan ko ay nagiinit hindi ko alam kung bakit.
Itinapat niya ang bibig niya sa aking tenga. Halos mahigit ko ang aking paghinga. "Gustong gusto din kitang parusahan Amaryllis. Gustong gusto" paos at madiing bulong pa niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro