Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Ang unang Sachi







Maingat kong inayos ang pagkakahiga ni Piero. Kinumutan ko din siya bago ko nilinis ang mga kalat sa kanyang kwarto. Mapait na lamang akong napangiti ng muling maisip na parang nung isang araw lang ay malaya akong nakakahiga katabi niya, nayayakap siya at nahahalikan. Pakiramdam ko ngayon kayang kaya akong saktan ng mundo. Hindi kagaya pag kasama ko si Piero, alam kong walang kahit anong pwedeng makasakit sa akin.

Tahimik ako lumabas sa kanyang kwarto, naglinis ng sarili at pagod na humiga sa sofa. Pangdalawahan lang ang laki nuon kaya naman binalultot ko na lamang ang aking mga paa. Pilit kong pinagkasya ang sarili sa maliit na kumot. Muli akong nakipagtitigan sa kisame. Kung aalis ako at sasama kila Papa para magtago at magpakalayo layo, parang dinagdagan ko lang ang kasalanan ko kay Piero.

Dahil sa malalim na pagiisip ay unti unti akong dinalaw ng antok. Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon. Mula sa mahimbing natulog ay mabilis akong napabangon kinaumagahan ng binato ako ni Piero ng mga marurumi niyang damit.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. "Tutulog tulog ka diyan. Ano ka ba dito?" Mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman marahan akong napasuklay sa aking buhok.

Napaubo pa ako ng makaramdam ng pangangati ng aking lalamunan. Hindi ko siya muling tiningnan, tahimik kong pinulot isa isa ang mga nagkalat niyang damit sa sahig. "Maglaba ka nang may silbi ka man lang" pahabol pa niya kaya naman tumango na lamang ako.

Hindi ko naiwasang hindi mapaubo kasunod ng pagsinghot. Mukhang tinamaan ako ng sipon at ubo dahil sa pagkakabasa ko ng ulan nung isang gabi. Tahimik lamang akong pinanuod ni Piero habang ginagawa ko iyon.

"Magaalmusal na!" Sigaw na tawag ni Lance mula sa dinning.

Inaasahan ko ng aalis si Piero para magtungo duon pero nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin. "Ang kapal ng mukha mo para lokohin ako, ang lakas ng loob mong makipaghalikan sa akin peke ka lang naman" may halong pandidiring puna niya sa akin kaya naman mas lalo akong napayuko dahil sa hiyang nararamdaman.

"Kung hindi ko pa nakita yang peklat mo...muntik pa tayong magsex" nakangising sabi niya. Punong puno ng panunuya ang kanyang mga salita.

Unti unting uminit ang gilid ng aking labi. Kaagad na sumakit ang aking lalamunan dahil sa pilit na pagpigil sa aking luha. Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik dahil inaamin kong may kasalanan naman talaga ako sa kanya, pakiramdam ko ay tama lamang iyon. Sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinakita ni Piero ay nagawa ko siyang lokohin.

Napadaing ako ng muli niyang akong pinatanggal gamit ang mahigpit na pagkakahawak sa aking panga. "Wag mo nga akong iyakan. Ang arte mo, nakakabwiset ka" galit na asik niya sa akin at tsaka ako marahas na binitawan.

Narinig ko ang paglapit ni Lance sa amin kaya naman muli akong yumuko para itago ang aking pagiyak. Marahan kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Kakain na, kanina ko pa kayo tinatawag" galit na sabi nito sa amin.

Nakita ko ang pagalis ni Piero. Ilang segundong nakatayo si Lance sa aking harapan. Nanatili akong nakayuko, hawak hawak ang maduduming damit ni Piero na gusto niyang ipalaba sa akin. "Kain na tayo..." malumanay na yaya niya sa akin.

Kumawala ang mga hikbing itinatago ko, naantig ang puso ko ng marinig ang pagaalala sa boses nito. Mabilis kong pinahiran ang mga luhang patuloy na naglalaglagan at pinilit ngumiti sa harap ni Lance. "Hindi na, kayo na lang. Hindi naman ako gutom" pagtanggi ko, kahit ang totoo miss na miss ko ng kumain kasama sila. Misa na miss ko na yung pagbabangayan nila sa gitna ng aming pagkain.

Kita ko ang panlulumo sa mga mata ni Lance. "Hindi ako naniniwala, matakaw ka eh" pilit na pangaasar pa niya sa akin para kahit papaano ay pagaanin ang mabigat kong loob.

Napatawa na lamang ako dahil sa kanyang sinabi. "Sige na kumain ka na, bibili na lang ako sa labas ng makakain ko" paninigurado ko sa kanya dahil pati siya ay naapektuhan sa pagaalala sa akin.

Hindi pa sana aalis si Lance ng kaagad siyang tinawag ni Piero. Napasinghot na lamang ako dahil na din sa pagtulo ng aking sipon. Natawa ako sa sarili. "Ano ba yan Amaryllis, kadiri ka" sabi ko sa aking sarili at tsaka tatawa tawang pinahiran ang tumulong sipon.

Matapos kong maipon lahat ng labahin ni Piero ay lumabas na muna ako para pumunta sa malapit na bakery para bumili ng makakain ko. Ayaw na kasi ni Piero na sumabay akong kumain sa kanila. Nung minsang tinirahan ako ni Lance ng pagkain ay nagaway lang sila. Hindi ko naman gugustuhin na masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa isang katulad ko.

"Tsaka isa rin po nito..." turo ko sa tindera ng chocolate cake na nakalagay sa isang maliit na plastick cup mas kasama din iyong maliit na kutsara kaya naman napangiti ako ng makita iyon. Madami na din ang binili kong tinapay para hanggang mamaya, pati cup noodles na kakain ko mamayang tanghali ay meron na din ako.

Pagbalik ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa likod ng garahe kung saan may laudry area. Hindi ako mahihirapan dahil may washing machine naman at dryer. Inubos ko ang pagkain bago ako nagsimulang magsalang ng labahin sa washing. Habang naghihintay duon ay muli akong pumasok sa bahay para ayusin ang unan at kumot ko.

"Kumain ka na Amaryllis?" Tanong ni Lance sa akin ng maabutan niya ako sa may sala.

Kaagad ko siyang nilingon at tinanguan. Iiwan na sana niya ako ng pigilan ko siya. "Lance meron ka bang gamot lagnat, pwede ba akong makahingi?" Tanong ko dito. Lagnatin din kasi ako dahil mahina ang aking immune system, sigurado akong ang simpleng ubo at sipon ko ay didiretso sa lagnat.

Kumunot ang noo ni Lance at kaagad akong nagulat ng salatin niya ang aking leeg. "Mainit ka ah..." puna niya kaya naman maging ako ay sinalat ang aking sarili.

"Hindi naman" pagtanggi ko pero hindi niya ako pinakinggan kaagad niyang kinuha ang medicine kit at binigyan ako ng gamot.

"Wag ka ng maglaba, magpahinga ka muna. Linggo ngayon, araw ng pahinga" pangaral pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Napaayos ako ng tayo ng dumating si Piero. "Sinong magpapahinga?" Masungit na tanong niya kay Lance.

Imbes na matakot ay sinamaan siya ng tingin ni Lance. "May lagnat si Amaryllis, hindi siya pwedeng maglaba. Magpalaundry na lang tayo" giit at suwestyon pa ni Lance sa kanya.

Hindi umimik si Piero. Tamad niyang inilipat ang tingin sa akin at tsaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Napayuko ako ng marinig ko ang kanyang pagngisi. "Hindi nakamamatay ang lagnat Lance" mapanuyang sabi niya dito.

Napahigpit ang hawak ko sa mga gamot na ibinibay ni Lance sa akin. Patuloy pa din ang pagpahid ko sa aking ilong dahil sa pagtulo ng sipon duon. "Piero naman, maawa ka naman" pakiusap ni Lance sa kanya.

"Anong awa? You don't have the right to demand something you don't deserve. Hindi nakakaawa ang babaeng iyan, kung hindi ko lang siya kailangan para mahuli ang tatay niyang isa ding sinungaling hindi mo na yan makikita dito" mapanuyang sabi pa niya kay Lance.

Tahimik na lamang akong umalis sa harapan nila. Pakiramdam ko sa tuwing nakikita ako ni Piero ay mas lalo lang nagiinit ang ulo niya. Wala naman akong maisip na paraan para hindi kami magkita sa isang buong araw, hindi naman mansyon ang bahay niya para hindi kami magkakitaan.

"Hindi ka pwedeng lumapit sa akin, may sakit ako eh" pagkausap ko kay Peanut habang pinapainom ko siya ng gatas. Malayo ako sa kanya habang inaabot ng kamay ko ang maliit na bote ng gatas para hindi mahulog.

Sa kalagitnaan ng aking paglalaba ay mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. Hindi nga ako nagkamali, ramdam ko na paginit ng aking temperatura. Kahit pa hirap na hirap ay pinilit ko pa ding ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Para akong manginginig sa ginaw sa tuwing hahawak sa tubig. Nanghihina ang aking mga tuhod, kumakapit na lamang ako sa kung anong pwede kong makapitan para hindi ako matumba. Muli kong pinaandar ang washing machine para sa pangalawang ikot ng mga damit, hindi na ako nakabalik pa sa aking kinauupuan, duon na ako naupo sa tabi ng washing machine at tsaka iniyuko ang aking mabigat na ulo. Hinang hina ako, ang paghabol ko sa aking paghinga ang tanging naririnig ko.

"Sino nagsabing pagpahinga ka?" Narinig kong matigas na tanong ni Piero sa akin. Pinilit kong tingalain siya, maging sa aking mga mata ay nakakaramdam ako ng init.

"Hinihintay ko pa..." turo ko sa umaandar na washing machine. Tamad lamang siyang nakatingin sa akin, ni hindi nga siya halos kumukurap.

Nagiwas ako ng tingin bago ako muling napaubo. Hindi ko napigilang hindi mapayakap sa aking sarili ng makaramdam ng panlalamig nung umihip ang hangin.

"May iuutos ka ba?" Nanghihinang tanong ko sa kanya dahil hindi na siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

Napahiyaw ako sa gulat ng kaagad niyang haklitin ang braso ko patayo. "Pumasok ka na sa loob, baka lumala pa yang sakit mo maistorbo mo pa kami" matigas na utas niya habang hila hila niya ako papasok sa bahay.

Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa, halos umikot ang paningin ko. Nanlalambot ang aking mga katawan at the same time mabigat din ang aking pakiramdam. Pagkapasok sa bahay ay kaagad akong binitawan ni Piero paupo sa sofang hinihigaan ko. Awtomatikong bumagsak ang kalahati ng katawan ko pahiga duon.

Ang binubuga kong hangin ay sobrang init na din. "Lance!" Malakas na sigaw nito habang nakatingin sa akin.

Humahangos na lumapit si Lance sa amin. "Anong nangyari diyan?" Nagaalalang tanong niya at kaagad akong nilapitan.

Mabilos niyang sinalat ang noo at leeg ko. "Inaapoy ng lagnat to" problemadong sabi ni Lance.

Kaagad kong hinuli ang kamay niya. "A...ayos lang ako" mahinang sabi ko.

Hindi siya nakinig sa akin. Binuhat niya ako para iaayos ng higa sa may sofa. Si Lance ang nagaligagang magpabalik balik habang nanatili si Piero sa kanyang kinatatayuan simula kanina. Tahimik siyang nakatingin sa akin, hindi ko alam kung anong inisip niya. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang basang bimpong ipinatong ni Lance sa aking noo.

"Uminom to ng gamot ng hindi kumakain" patuloy na pagsasalita ni Lance.

Nakapikit lamang ako, pero rinig na rinig ko pa din ang kanilang paguusap. "So kasalanan ko ba?" Rinig kong inis na tanong ni Piero sa kanya.

Hindi na lamang umimik si Lance. Nahirapan akong umubo dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa tuwing gagawin ko iyon. Naramdaman kong may umalis na isa sa kanila, pero hindi ko alam kung sino. Napahigpit ang hawak ko sa kumot ng muli akong nakaramdam ng ginawa. Halos mamaluktot ako sa kinahihigaan ko dahil sa sobrang ginaw.

Napatigil ako ng may maramdaman akong kamay sa aking ulo, marahan nitong hinahaplos ang aking buhok na para bang gusto niya akong pakalmahin. Bayolente akong napalunok, kaagad ba naiyak habang iniisip na pwedeng si Piero iyon. Hindi ako umimik, hinayaan ko siya.

Nakatulog ako dahil duon. Ginising na lamang ako ni Lance ng magtanghali para makakain. Handa na ang tray ng pagkain sa may maliit na lamesita, sinigang na baboy iyon. "Humugop ka ng mainit na sabaw" sabi pa niya sa akin.

"Salamat" paos na sabi ko sa kanya at tsaka ko pinilit ang aking sarili na makakain para gumaling ako kaagad. Nagpaalam si Lance na iiwan ako para bumalik sa dinning. Pinilit ko ang sarili na ubusin iyon, hindi ako pwedeng maging mahina. Kailangan kong gumaling kaagad.

Dahil sa mga gamot na ininom ko at pagpapahinga buong araw ay gumaan din ang pakiramdam ko kinagabihan. "Salamat sa pagaalalaga sa akin Lance" pasasalamat ko dito na ikinagulat pa niya.

Napatingin ito sa nakatayong si Piero, sandali ko lamang siyang sinulyapan at kaagad na ibinalik ang aking atensyon kay Lance. Alanganin itong ngumiti sa akin. "Wala iyon Amaryllis" sabi pa niya kaya naman tipid ko siyang nginitian.

Muli akong nahiga sa sofa ng tumahimik ang bahay paglalim ng gabi. Nasa kanya kanyang kwarto na sina Piero at Lance. Halos hindi ako dalawin ng antok dahil sa pagtulog ko buong araw. Nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko si Peanut. Hindi siya nakainom ng gatas dahil sa sakit ko. Mabilis akong tumayo at pinuntahan ang higaan nito. Nagtaka ako ng makitang malaki ang tiyan nito at mahimbing ang tulog, mukhang busog.

Napaluhod na lamang ako para haplusin ang malambot niyang balabiho. "Nakakainom ka na ba ng gatas?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko namang hindi ako sasagutin nito.Nakatulog din ako ng mga alauna ng gabi. Kailangan ko din iyon dahil may pasok pa ako sa karinderya kinaumagahan.


Maayos na ang pakiramdam ko paggising ko kinaumagahan. Pagkalabas sa common cr ay kaagad akong tinawag ni Lance para kumain ng almusal. Napahinto ako, napatingin kay Piero na tahimik na kumakain sa kanyang tabi.

"Hindi na, sa daan na lang ako kakain. Bibili na lang ako sa bakery" pagtanggi ko at kaagad na bumalik sa sofa para ayusin ang aking mga gamit na dadalhin sa aking trabaho.

Bago pa man ako makalabas ay nakita ko na ang paglabas ni Piero mula sa dinning, dirediretso ito palabas ng bahay hawak hawak ang isang tasa ng kape. Kinabahan tuloy ako, baka awayin nanaman niya ako bago ako umalis. Nagdalawang isip ako kung lalabas na ako o hindi pa. Pero mas natakot akong mapagalitan ni Aling Chona pag nalate ako kaya halos dumikit ang baba sa leeg ko dahil sa pagkakayuko ng madaan ako kay Piero.

Nakatayo ito sa may veranda habang sumisimsim ng kanyang kape. Hindi ko na sana siya papansin, pero kailangan ko siyang kausapin tungkol sa hindi ko natapos na labahin. "Pasencya ka na kahapon. Paguwi ko mamaya tatapusin ko yung labahin" paninigurado ko sa kanya.

Nakita ko ang pagirap nito. Hindi siya sumagot at muling sumimsim ng kape niya. "Aalis na ako" paalam ko pa sa kanya.

Tamad niya akong nilingon. "Sa tingin mo ba may pake ako?" Mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman nagiwas na lang ako ng tingin.

"Hindi ka importante, wala akong pakialam sa mga gagawin mo. Basta ang sa akin lang, wag na wag kang tatakas sa akin hangga't hindi ko nahuhuli yang tatay mo" pagbabanta pa niya kaya naman tahimik na lamang akong umalis duon.

Tanaw ko na ang karinderya ni Aling Chona ng kaagad akong mapahinto sa paglalakad ng mapansin ko si Papa sa isang eskinita. Itinaas nito ang kanyang kamay para makuha ang aking pansin. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa at kaagad na yumakap dito.

"Papa..." umiiyak na tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilang hindi maging emosyonal lalo ng gantihan niya ang aking yakap sa kanya.

"Bakit ka umiiyak anak, may problema ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong umiling. Pinilit kong ngumiti sa kanyang harapan habang pinapahiran ang luha sa aking mga mata.

"Sobra ko lang po kayong namiss Papa, kayo po ni Akie" emosyonal na sabi ko kaya naman muli akong hinila ni Papa para yakapin.

"Miss na miss ka na din namin anak, pero magulo pa ngayon" problemadong sabi niya kaya naman kaagad na kumunot ang noo ko.

"Bakit, ano pong nangyayari Papa?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Kita ko ang pangangayayat nito. Kita sa kanyang mukha ang pagod.

"Papa sorry po..." umiiyak na sabi ko sa kanya kaya naman nagulat siya.

Muli niyang hinawakan ang aking magkabilang braso. "Bakit ka Amaryllis?"

Napailing ako. "Naisip ko lang po kasi, kung nakakuha ako ng scholarship at nakapagtapos ng college. May magandang trabaho sana ako ngayon at nakakatulong ako sa inyo" lumuluhang sabi ko.

Mapait na napangiti si Papa. "Hindi mo kasalanan iyon, nagawa mo na ang lahat para tulungan si Papa. Ang gusto ko, maging ligtas ka...ayokong nasasaktan ka" malambing na paalala niya sa akin kaya naman muli na lamang akong napayakap kay Papa. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nangyayari. Ayokong magalala pa siya para sa akin.

"Kung magpakasal na lang po ako kay Rajiv?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagkabato nito.

"Wag na wag mong gagawin iyan anak. Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong hindi mo naman mahal. Hindi biro ang kasal, habang buhay mong dadalhin iyan. Kung magpapakasal ka man, gusto ko duon sa taong mahal mo at mahal ka" pangaral niya sa akin kaya naman mariin akong napanguso.

Hinalikan ako ni Papa sa ulo. "Hindi ka lang basta pambayad utang anak...hindi lang ganuon ang halaga mo" paalala pa niya sa akin.

"You are worth it, you deserve the best. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Matagal ka ng nagsasakripisyo para sa iba, paano ka naman?" Malumanay na sabi pa niya sa akin.

Punong puno ng pagmamahal ang bawat salitang binibitawan ni Papa sa akin. Sa tuwing kausap ko siya, muling bumabalik ang pagpapahalaga ko sa aking sarili. Siya lang ang naniniwala sa akin.

Ibinigay ko kay Papa ang lahat ng pera na mayroon ako sa loob ng aking bag. Ayaw pa niyang tanggapin iyon nung una pero pinilit ko siya. Mas kailangan nila iyon kesa sa akin, kung kaya ko lang ako na ang magbabayad ng lahat nangpagkakautang ni Papa para hindi na niya kailanganin pang magtago.

Nakayuko akong dumiretso sa karinderya ni Aling Chona. Nagulat ako ng makitang may magarang sasakyan sa harap nuon. Pagkalapit ko ay nanlaki ang aking mga mata ng makita kong lumabas mula duon si Ma'm Maria.

"Amaryllis..." malambing na pagtawag niya sa akin at kaagad akong niyakap.

"Ma'm Maria ano pong ginagawa niyo dito?" Nagtatakanh tanong ko sa kanya.

Napatingin din ako sa nakapamewang na si aling Chona sa may gilid nakatingin lamang ito sa amin. "Gusto sana kitang imbitahin sa bahay" anya.

Kaagad na lumipat ang tingin ko kay Aling Chona, tinaasan ako nito ng kilay. "Pero may trabaho po kasi ako eh" nahihiyang sabi ko sa kanya kaya naman napalingon siya kay Aling Chona.

"Magkano ang araw ni Amary?" Tanong niya dito na ikinagulat ni Aling Chona.

Nagtaray pa ito nung una, pero kaagad ding umamo nang naglabas na ng pera si Ma'm Maria. Halos ipagtulakan pa ako ni Aling Chona pasakay sa magarang sasakyan ni Ma'm Maria.

"Excited akong ipakilala sa kanila" nakangiting sabi pa niya kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil sa kabang nararamdaman. Hinaplos pa ni Ma'm Maria ang aking buhok.

Pumasok ang kanilang sasakyan sa isang magarang subdivision. Pero mas lalo akong napanganga ng muli kong makita ang mansion ng mga Herrer. Kaagad na gumaan ang loob ko sa lugar na iyon ng maisip na duon lumaki at nagkaisip si Piero. Pinagbuksan kami ng guard ng pintuan. Kaagad na hinawakan ni Ma'm Maria ang aking kamay para isama ako papasok sa kanilang bahay.

Kahit pa nakapunta na dito nuon ay hindi pa din maalis sa akin na humanga sa disenyo ng kanilang bahay. Para kang nasa ibang bansa pagpumasok ka duon, para ka na ding nakarating sa spain.

"What the f*ck" asik ng isang lalaking kamukha ni Piero.

"Cairo..." pagbabantang tawag ni Ma'm Maria sa anak.

Nahihiya akong tumingin dito. Halos mabitawan niya ang hawak na tasa. Titig na titig ito sa akin, hindi makapaniwala sa nakikita. Tipid ko siyang nginitian ng malaman kong siya si Kuya Cairo. Nilapitan na siya ni Ma'm Maria. "She is Amaryllis, Sachi's twin" pagpapakilala pa nito sa akin.

"For real?" Hindi pa din makapaniwalang sambit niya. Tumango lamang si Ma'm Maria. Lalapit na sana ako para makipagkamay ng kaagad niya akong niyakap.

"I thought it's Sachi" seryosong sabi niya bago niya ako binitawan.

Napayuko ako bago niya ako nginitian. "Welcome home..." nakangiti pang sabi niya sa akin kaya naman nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Tama nga ang mga kwento ni Sachi sa akin, mabait si Kuya Cairo. Sumama ito sa amin hanggang sa itaas, halos hindi mawala ang tingin niya sa akin. Namamangha pa din sa kanyang nakikita.

"Parang nakita na kita dati" naniningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Kaagad akong nagiwas ng tingin. Naalala ko na kung saan ko siya nakita. Nagkita na kami nuon kasama si Piero sa isang fastfood chain at inakala pa niyang girlfriend ako ni Piero.

Napailing na lamang siya. "Anyway, nice bangs" nakangising sabi pa niya sa akin kaya naman nahihiya kong sinuklay ang bangs ko.

Dinala ako ni Ma'm Maria sa kwarto ni Sachi. Anduon pa din ang kanyang mga gamit. Kumpleto pa din.

"Sayo na itong mga damit ni Sachi hija. Sayang naman kung walang gagamit" sabi pa niya sa akin matapos niyang buksan ang walk in closet nito.

Halos malula ako sa dami at ganda ng mga damit niya. Hinaplos ko ang isang kulay dilaw na dress, ang lambot ng tela nuon halatang mahal. "Hindi ko po ito matatanggap Ma'm Maria. Kay Sachi po ito" magalang na pagtanggi ko sa kanya.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking mga kamay. "Sigurado akong mas gusto ni Sachi na mapunta ito sayo, kapatid mo siya there's nothing wrong about it" pangungumbinsi pa niya sa akin.

Mabilis siyang humila ng isang dress at iniabot iyon sa akin. "Come on try this, ito ang isuot mo sa dinner natin mamaya" panghihikayat pa niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang isuot iyon.

Tuwang tuwa si Ma'm Maria pagkalabas ko. Maluha luha niya akong tiningnan. Napayuko ako dahil sa nakita, mukha kasing naalala nanaman niya si Sachi sa akin. "Ang ganda ganda mo hija" puro niya pa sa akin.

"Salamat po" nahihiyang sabi ko at kaagad na napayuko.

Inutusan din niya akong pumili ng sapatos na iteterno ko sa suot na dress. Matapos nuon ay sandali akong iniwan duon ni Ma'm Maria. Nakiusap siya sa akin na magstay duon buong araw hanggang dinner. Tiningnan ko ang mga gamit ni Sachi, muli akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ang aking kapatid.

"Sana nandito ka pa..." malungkot na sabi ko habang nakatingin sa kanyang litrato.

Marahan kong pinunasan ang luhang tumaka sa aking mga mata. Maingat kong ibinalik ang picture frame na nakapatong sa kanyang study table.

Napatalon ako sa gulat ng bumukas ng malakas ang pinto. "Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ni Piero.

Kaagad akong nakaramdam ng takot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagigting ang kanyang panga ng makita ang suot kong dollshoes.

"Hubarin mo yan!" Humahangos na sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong nataranta.

Napasandal ako sa pader dahil sa pagatras. "Hindi yan sayo, ibinigay ko yan para kay Sachi!" Madiin at galit na galit na sabi niya sa akin.

"Pinasuot ni Ma'm Maria sa akin..." laban ko sa kanya.

Halos pumutok ang ugat sa kanyang leeg dahil sa panggigigil. Siya na ang kusang lumuhod para marahas na hubarin ang dollshoes na sinasabi niya. Galit niya akong tiningnan nang makabalik na siya sa pagtayo.

Dinuro duro niya ang kanyang sentido. "You can never be Sachi, kahit anong gawin mo...kahit isuot mo pa lahat ng damit niya dito" matigas na utas niya.

"Hindi ko naman..." hindi na niya ako hinayaang magpaliwanag.

"Masyado kang trying hard. Hindi kailanman nahigitan ng peke ang original Amaryllis" pangiinsulto pa niya sa akin.

Mapanuya niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Napangisi siya ng huminto siya sa aking mukha. "You can have her things, her name, her heart...but you can never have me" matigas na paalala niya sa akin.

Napayuko ako at naiyak. "Anong nangyayari dito?" Gulat na tanong ng kararating lang na si Ma'm Maria.

"Piero anong ginagawa mo kay Amaryllis?" Galit na tanong niya sa anak at kaagad akong nilapitan para aluin.

Hindi nagsalita si Piero. "I hate her" matigas na sabi niya.

Napabuntong hininga si Ma'm Maria. "Piero..." problemadong tawag sa anak.

"Remeber the Crying chanak you are talking about? Si Amaryllis iyon...yung pinaiyak mo dahil sa kikiam" kwento pa ni Ma'm Maria sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang lingonin ako.

"That's not true, si Sachi iyon" laban pa niya.

Napailing si Ma'm Maria. "Si Amaryllis iyon, Siya ang unang naging Sachi"














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro