Chapter 28
Gusto kong mabuhay ka
Amaryllis Pov
Hindi ako mapakali habang hinihintay ang paglabas ni Piero mula sa aming kwarto. Pinaghalong takot at kaba ang nararamdaman ko habang iniisip ang mga pwedeng mangyari sa oras na makausap ni Piero si Ma'm Maria. Kaagad na uminit ang gilid ng aking mga mata at tsaka nagumpisang manlabo ang aking paningin dahil sa luha.
"Aalis na ako" anunsyo ni Piero na ikinagulat ko. Kalalabas lamang nito sa kwarto, bihis na bihis na siya at handa ng umalis.
Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan ng muli ko siyang makita. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng masasaganang luha mula sa aking mga mata. Nanghihina ako, nanlalambot ang aking mga tuhod. Kumunot ang noo ni Piero sa pagtataka kaya naman kaagad siyang lumapit sa akin, nagaalala.
"Anong problema?" Tanong niya sa akin. Parang biglang nanlambot ito, ang kaninang matigas na ekspresyon ng kanyang mukha ay biglang nanlambot.
Hindi ako nakasagot at mas lalo lamang naiyak dahil sa sobrang lambing ng kanyang boses. Ramdam na ramdam ko ang pagaalala ni Piero. Kahit gaano siya katigas, nagiging malambot siya pagdating sa mga taong importante at mahal niya.
Kaagad niya akong hinatak papalapit sa kanya at niyakap. "Putang...babalik din naman ako kaagad" matigas na suway niya sa akin pilit akong pinapatahan.
Halos malukot ang kanyang suot na damit dahil sa pagkakakapit ko duon. "Natatakot ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Halos pumiyok na ako dahil sa pagiyak.
"Saan?" Nagaalalang tanong nito sa akin, naguguluhan na din siya.
Bahagya akong kumawala sa kanyang yakap para harapin siya. Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata, duon ay muli kong nakita ang pagaalala ni Piero sa akin. Mas lalo akong nasaktan na isiping baka iyon na ang huling beses na titingnan niya ako ng ganuon.
"Baka hindi na ikaw si Piero pag uwi mo, baka magiba na ang trato mo sa akin" halos maging ang sarili kong boses ay hindi ko na makilala.
Kumunot ang kanyang noo. "Saan naman nanggaling iyan? Hindi magbabago ang trato ko sayo Sachi, ano bang nangyayari?" Paninigurado niya sa akin habang patuloy pa ding naguguluhan sa aking mga pinagsasabi.
Hindi ako nakasagot. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. "Hindi na lang ako aalis" pagsuko niya.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Dahan dahan kong ikinalma ang aking sarili. "Hindi na ako aalis, wag ka ng umiyak" paguulit pa niya habang marahang pinupunasan ang aking mga luha sa pisngi.
Nagkaroon ng pagasa ang puso ko. Pero naisip kong walang sikreto na hindi mabubunyag. Sobrang buti ni Piero, karapatan niyang malaman ang totoo. Mahal ko siya at kung ito ang nararapat na mangyari ay wala na akong magagawa pa. Kung hindi man niya malaman ngayon, malalaman niya din iyon. Walang magiging pagkakaiba, ayoko na ding patagalin pa ang panloloko ko sa kanya.
"Umuwi ka na" pagtulak ko sa kanya. Kaagad kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Mga salitang pumapatay din sa aking sarili.
Mariin siyang napapikit. "Sachi..." problemadong suway niya sa akin.
Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Sandali akong hindi umimik bago ako muling nagsalita. "Mahal kita Piero, nuon pa man..." emosyonal na sabi ko sa kanya.
Mas lalong humigpit ang yakap ko. "Bago mo pa man ako mahalin, nauna na kitang minahal" paninigurado ko sa kanya habang pigil na pigil ko ang nagbabadyang pagpiyok.
Hindi siya nakasagot. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para halikan siya. Marahan iyon at punong puno ng emosyon, umaasang sa pamamagitan nuon ay maramdaman ni Piero na totoo ang aking mga sinasabi. Mahal ko siya at kaya ko lamang ito nagawa dahil ayokong mawala siya.
Wala ako sa sarili habang naglalakad papasok sa karinderya. Parang pinipiga ang puso ko habang tinatanaw ko ang paglayo ng sasakyan ni Piero paalis sa aming bahay. Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal habang naglalakad habang unti unting bumalik sa akin ang lahat.
(Flashback)
"Sinabihan na kita na dapat nagfocus ka sa finals mo" malungkot na sabi sa akin ni Sachi ng malaman niyang hindi ako ang Valedictorian sa aming batch.
Napakamot na lamang ako sa aking batok. "Hahanap na lang ako ng ibang scholarship program" nahihiyang sabi ko pa.
Napanguso na lamang ito habang patuloy sa pagtipa sa kanyang mamahaling cellphone. Tahimik ko siyang tiningnan, pinagmasdan kong mabuti ang aking kapatid. Kampante na ako na maayos ang buhay niya, kahit pa ilang beses sumagi sa aking isipan na ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon. Hindi kailanman ako magsisisi na nagpaubaya ako para sa kanya. Mas importante siya para sa akin, kesa sa aking sarili.
"Pumunta kami ni Kuya Piero sa Enchanted kingdom" pagbibida niya sa akin habang ipinapakita ang mga litrato nila mula sa kanyang cellphone. Napangiti ako habang nakatanaw duon.
Bigla niya itong itinago. "Kaso napagalitan siya ni Mommy dahil nabinat ako" malungkot na kwento pa niya sa akin.
Kaagad kong sinalat ang leeg ni Sachi dahil sa pagaalala. "Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos na, inalaagan ako ni Kuya Piero habang wala sila Mommy" nakangiting kwento pa niya. Hindi man tama ay para akong nakaramdam ng kaunting inggit.
Naging abala ako sa mga sumunod na araw para maghanap ng ibang scholarship program na pwede kong applyan para makatulong ako kay Papa. Nang malaman niyang hindi ako makakakuha ng full scholarship ay nakita kong nalungkot siya, pero kahit ganuon hindi niya ako sinisi o sinumbatan.
"Bakit hindi mo subukan ang inalok na scholarship ng mga Herrer, maganda din iyon anak. Makakasama mo pa ang kapatid mo" kwento ni Papa sa akin kaya naman kaagad na nagliwanag ang aking mukha. Para akong nanalo sa lotto sa sayang nararamdaman.
Dahil interisado ako sa scholarship na sinasabi ni Papa ay inimbitahan ako ni Ma'm Maria na kumain sa labas para makausap ako tungkol dito.
Parang akong nanliit at napayakap na lamang sa aking sarili habang pumapasok sa isang mamahaling restaurant. Hindi mawala ang pagkamangha ko sa ganda ng loob nuon, parang hotel parang hindi kainan. Nahihiya akong napatingin sa suot kong mint green na tshirt at maong pants, ipinares ko lamang iyon sa white na converse at tsaka itim na backpack.
"Amaryllis" nakangiting tawag sa akin ni Ma'm Maria ng makita niya ako.
Kaagad akong lumapit sa kanyang lamesa. "Magandang umaga po" magalang na pagbati ko sa kanya.
Ngiting ngiti siya sa akin, mabait si Ma'm Maria kung pakitunguhan ako nito ay para na din niya akong anak. Maswerte talaga ang kapatid ko dahil naging legal na Mommy niya ito.
Bago kami nagsimula ay umorder pa siya ng pagkain. Puro masasarap na pagkain iyon kaya naman tuwang tuwa ako.
"Kumain ka ng madami, para sayo lahat iyan" sabi pa niya sa akin. Halos manlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa dami nuon.
"Pwede po bang yung iba kong kakainin, iuuwi ko na lang po sa bahay namin?" Nahihiyang tanong ko sa kanya, pero hindi ko naman maaatim na ako lang ang kakain ng masarap.
Lumambot ang kanyang ekspresyon at tsaka napangiti. "Kainin mo lahat ng kaya mo. Bago ka umuwi magtatake out tayo para sa Papa at kapatid mo" paninigurado niya sa akin kaya naman muling lumaki ang aking ngiti.
Paulit ulit akong nagpasalamat kay Ma'm Maria, napakabait niya talaga. Kung may ibang pagkakataon, hindi din ako magdadalawang isip na piliin siyang Mommy. Inexplain niya sa akin ang scholarship na sinasabi ni Papa. Mayroon foundation ang kanilang companya. Madami din silang mga scholar na nagaaral sa iba't ibang university.
"Hindi ka naman na iba sa akin Amaryllis, kung gusto mo sa school ni Sachi pwedeng pwede"
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Pero, mahal po duon. Nakakahiya naman po. Buwan buwan pa kayong nagpapadala ng pera para sa mga gamot at check up ko" nahihiyang sabi ko pa. Ayaw naman namin ni Papa na abusuhin ang kabaitan nila. Ang bigyan nila ng magandang buhay ang kapatid ko ay sobra sobra na.
Napangiti siya bago niya hinawakan ang aking kamay na nasa taas ng lamesa. "Ang bait mo Amaryllis, ang swerte ng Papa mo sayo" puri pa niya sa akin.
Napanguso ako. "Ako nga po ang isang dahilan kung bakit nabaon si Papa sa utang..." malungkot na kwento ko pa.
Marahang umiling si Ma'm Maria. "Hindi yan totoo. Alam mo ba, nung nalaman kong magsasakripisyo ka para sa kapatid mo, sobra akong humanga sayo. Hindi lahat kayang gawin iyon..." emosyonal na sabi niya pa. Nagulat ako ng tumayo pa ito para yakapin ako.
Wala na akong mahihiling pa pagkatapos nuon. Excited akong hinintay ang pagsapit ng sabado para muling makita ang aking kakambal. Siguradong matutuwa din iyon pag nalaman niya ang aking ibabalita.
Pero nalungkot ako at nagalala sa una niyang ibinalita sa akin. "Pinalayas ni Daddy si Kuya Piero" kwento niya sa akin.
"Ba...bakit, paano na si Kuya Piero?" Nagaalalang tanong ko sa kanya..
Nagtaas siya ng kilay. "Kuya Piero ko, Kuya Piero ko lang" paalala niya sa akin kaya naman natahimik ako.
"Bakit naman hindi pwedeng tawagin ni Amary ng Kuya ang mga Kuya mo anak?" Tanong ng kararating lamang na si Papa.
Napanguso si Sachi. "Eh Papa, lahat naman kay Amary na eh. Palagi na lang si Amary ang iniisip niyo ni Mommy dati. Ngayon gusto niya ding kunin ang mga Kuya ko?" Parang batang pagmamaktol nito.
"Hindi naman niya kukunin" natatawang suway ni Papa para sana pababain ang tensyon.
"Ah basta..." laban pa niya kaya naman tahimik na lamang na umalis si Papa duon. Natahimik si Sachi at tsaka muling tumutok sa kanyang cellphone.
"Nabanggit nga pala sa akin ni Papa, na inaalok ako nina Ma'm Maria at Sir Alec ng scholarship..." nahihiyang sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit natakot akong iopen sa kanya iyon.
Kaagad siyang napatigil sa kanyang ginagawa at naniningkit ang mga matang tumingin sa akin. "So, gusto mo bang sabihin sa akin na pagtinaggap mo yung scholarship duon ka din magaaral sa school ko?" Tanong niya, ramdam ko na sa kanyang boses ang pagdisgusto sa naiisip.
Bayolente akong napalunok bago ako tumango. "No!" Giit niya.
"Wag mong tatanggapin Amary. Hindi pwede!" Nagmamaktol na sabi pa niya na ikinagulat ko.
"Ayaw mo bang magkasama tayo sa school?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Sinimangutan niya lamang ako. Napahalukipkip pa ito. "Nagbago ka na Anamarie, bakit ka ganyan?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Kambal kami, pero sa mga oras na ito parang hindi ko na maabot ang aking kapatid. Mas lalong humaba ang kanyang nguso. "Kung gusto mong hindi tayo magkagalit, wag mong tatanggapin. Mangaagaw ka nanaman, gusto mo lahat sayo" sumbat niya sa akin at tsaka kaagad na tumayo at umalis duon.
Sinubukan ko pa siyang tawagin para pigilan pero hindi na siya nagpapigil pa. Malungkot akong nilapitan ni Papa, tumabi ito sa akin para aluin ako.
"Pagpasencyahan mo na ang kapatid mo, mabait naman si Anamarie eh. Kasalanan namin ng Mommy niyo, masyado kasi naming naiparamdam sa kanya na mas inuuna ka namin" malumanay na paliwanag ni Papa sa akin na kaagad kong tinanguan.
"Alam ko naman po yun Papa. Naiintindihan ko po si Anamarie. Sa akin lang naman po siya ganyan, ang mahalaga po maging mabuti pa din siya sa bago niyang pamilya dahi
Wala naman po silang kasalanan sa kanya, ako lang po" malungkot na sabi ko kaya Papa kaya naman kaagad niya akong niyakap.
"Wala ka namang kasalalan Anak. Hindi mo naman ginusto na maging mahina ang katawan mo dahil sa sakit mo" pagaalo niya sa akin.
Sa huli ay hindi ko tinanggap ang scholarship na inaalok sa akin ni Ma'm Maria. Kapalit ng relasyon namin ng aking kapatid.
"Ano pa yung isang kondisyon mo?" Tanong ni Sachi sa akin.
Nakayuko ako, nahihiya sa tuwing humihingi ng pabor sa kanya. "Pwede ka bang maging mabait kay Piero?" Paguumpisa ko, sinadyang tanggalin ang salitang kuya.
Kumunot ang kanyang noo. "Kasi, naaawa ako sa kanya. Parang sa mga kwento mo sa akin walang may gusto sa kanya, walang may paborito sa kanya" pagdadahilan ko pa kaya naman napatawa si Sachi.
"Ano ka ba, malaki na si Kuya Piero hindi na niya kailangan na maging paborito pa siya" natatawang suway pa niya sa akin.
Napanguso ako. "Eh bakit ikaw, paborito mo ang kuya Tadeo mo...tsaka close ka sa kuya Cairo at Kenzo mo" balik na panghahamon ko pa sa kanya.
Napanguso siya. "Kasi mabait sila sa akin, si Kuya Piero minsan ang sungit" kwento pa niya.
"Mabait din naman siya, Naniniwala akong mabait siya" paninigurado ko sa kanya kaya naman muli niya akong nginisian.
"Ikaw lang ang naniniwalang mabait si Kuya Piero" pangaasar niya sa akin.
Mas lalo akong nasaktan para dito. Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Sachi na ikinagulat niya. "Yung pangalawang pabor ko. Pwede bang maging mabait ka din sa kanya, itrato mo din siya kung paano mo itrato ang iba mong Kuya. Sabihin mo sa kanyang naniniwala kang mabait siya..." pakiusap ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Sachi. "Bakit?" Naguguluhang tanong niya sa akin.
"Dahil gusto kong malaman niya na naniniwala akong mabuti siyang tao. Dahil siya ang pinakapaborito ko..."
(End of Flashback)
Wala ako sa aking sarili buong araw. Galit na galit si Aling Chona ng makabasag ako ng ilang plato dahil sa aking pagkatuliro.
"Anak ng...balak mo bang basagin ang mga plato dito?" Asik niya sa akin habang nakapamewang siya sa aking harapan. Pangalawang plato na iyon na nabasag ko, nauna na din ako nakabasag ng baso kanina kaya naman inis na inis siya.
"Pasencya na po" natatarantang sabi ko at kaagad na lumuhod para pulutin ang nabasag na plato.
Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Aling Chona sa pamamagitan ng paghawak sa aking balikat. Nawala ang aking balanse kaya naman kaagad kong naitukod ang kamay ko duon mismo sa may bubog.
Napahiyaw ako sa sakit na ikinagulay din niya. Tumulo ang dugo dahil sa maliit na pagkahiwa ng aking palad.
"Jusko naman, tatanga tanga pa" kabadong sita pa niya sa akin. Kaagad din niya akong hinaklit sa braso para patayuin.
"Hugasan mong mabuti ng tubig yan, baka magpadala ka pa sa hospital" mapanuyang sabi pa niya kaya naman tahimik na lamang akong umiling.
Kita ko ang takot sa mukha ni Aling Chona. "Bahala ka na nga diyan, gamutin mo yan" mapanuyang sabi pa niya at kaagad akong iniwan duon.
Tahimik akong umiyak habang nakatapat ang aking sugat sa gripo. Hindi sakit mula sa sugat sa aking kamay ang nararamdaman ko, kundi ang bigat ng aking damdamin.
Binigyan ako ni Mang Tino ng rubber gloves para hindi mabasa ang aking sugat. Nagpatuloy pa din ako sa pagtratrabaho kahit na kumikirot ang sugat sa aking kamay.
"Ang sama talaga niyang si Aling Chona. Itulak ka ba naman sa bubog. Sumbong mo yan kay Papa Piero" tuloy tuloy na sabi ni Julie habang ginagamot niya ang sugat ko ng magpahinga ako para makakain.
Napayuko lamang ako at hindi na siya sinagot pa. "Oh Sachi, kanina ka pa matamlay. Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Tumango lang ako. "Ayos lang ako" pagsisinungaling ko.
Hindi na nagsalita pa si Julie, pero ramdam ko pa din ang mga tingin niya sa akin. Nagtataka pa din kung bakit matamlay ako. "Hihintayin kita, sabay tayong umuwi mamaya. Lutang ka girl baka masagasaan ka pa niyan" biro niya sa akin pilit akong pinapangiti. Kanina pa siya gumagawa ng paraan para patawanin ako, pero kahit anong pilit kong bigyan siya kahit na pekeng ngiti ay hindi ko magawa.
Parang ayoko ng sumapit ang hapon. Ngayon lang ako hindi na excite umuwi. Kadalasan kasi ay ang paguwi ang pinakahihintay ko. Pero iba ngayon, mas lalong bumigat ang aking dibdib. Kaagad akong kinain ng takot. Maging ang aking paglakad ay naging mabigat.
Ilang metro mula sa aking kinatatayuan ay natanaw ko ang bahay ni Piero. Ngayon lang ako natakot na tingnan iyon, hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin pagkapasok ko duon.
Hindi natanggal ang tingin ko sa nakaparadang itim na Civic ni Piero sa tapat ng bahay. Muli akong kinabahan, pagkabukas ko ng gate ay kaagad kong nakita si Lance. Nakaluhod ito habang pinapainom si Peanut ng gatas. Kaagad akong lumapit sa kanya.
"Naku, salamat Lance. Ikaw pa tuloy ang gumawa niyan" puna ko sa kanya pero nginitian niya lamang ako.
"Kanina pa yan gutom. Sabi ko nga kay Piero painumin niya ng gatas ang kaso may topak ata...si Rochi lang daw ang anak niya" natatawang sabi ni Lance mukhang wala pang alam sa nangyayari.
Nahigit ko ang aking hininga dahil sa narinig. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Lance sa akin ng makita din niya ang panginginig nuon. Hindi ako nakasagot, walang salitang gustong lumabas sa aking bibig. Kinain din sila ng takot.
Naputol ang katahimikan sa pagitan namin ni Lance ng gulatin kami ng pagkabasag ng kung ano sa loob ng bahay kasabay ng malakas na pagsigaw ni Piero. Mabilis kaming tumakbo papasok sa loob.
Ilang hakbang lang ang nagawa ko mula sa pintuan. Kaagad akong napahinto ng makita ko ang sitwasyon ni Piero. Nakasandal ang noo nito sa pader habang paulit ulit niyang hinahampas ang pader. Nagsimulang tumulo ang akong mga luha. Alam na niya.
Mabilis na lumapit si Lance sa kanya. "Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa naglalasing!" Galit na suway sa kaibigan.
Hindi ako nakapagsalita, tahimik na umiyak habang pinapanuod siya. He was so wasted. Kitang kita sa kanyang bawat pagiyak kung paano biglang gumuho ang mundo niya. Kasalanan ko, ako ang may kasalanan nito.
"Ayusin mo nga yung sarili mo. Hindi ka ba nahihiyang nakikita ka ni Sachi ng ganyan" suway pa ni Lance sa kanya na parang isang putok ng baril na gumising kay Piero.
Naikuyom niya ang kanyang kamao. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko kung paano manginig iyon dahil sa sobrang galit. Natakot ako, gusto ko na lamang tumakbo palabas.
"Patay na si Sachi" madiing sabi niya kay Lance, galit na galit.
Dahan dahan niya akong nilingon. Halos tumagos ang talim ng tingin niya sa akin. "Peke ang babaeng yan!" Sigaw niya sabay duro sa akin.
Nagulat ako sa bilis ng galaw niya halos mabato ako sa aking kinatatayuan. Hinigit niya ng mahigpit ang braso ko, namilipit ako sa sakit.
"Nasasaktan ako Piero" umiiyak na daing ko sa kanya. Hindi katulad ng dati ay hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naghari ang galit sa buong katauhan ni Piero.
Mas lalo siyang nagalit dahil sa pagiyak ko sa kanyang harapan. Mula sa mahigpit na pagkakahawak sa aking braso ay kaagad niya akong isinandal sa pader. Napahawak ako sa likod ng aking ulo dahil sa pagkakauntog nuon.
"P*tangina!" Singhal niya sa pagmumukha ko. Halos yugyugin niya ako habang hawaka ang magkabilang braso ko.
Ilang beses siyang sinuway ni Lance pero hindi siya nagpapigil. "Sino ka! Sino ka!?" Sigaw na tanong niya sa akin at napapiyok na lamang dahil sa pagiyak.
Tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata. "Sorry..." garalgal na sabi ko.
Muli siyang napamura ng malutong. Ilang beses niyang sinuntok ang pader sa likod ko kaya naman napapapikit na lamang ako sa takot. "Papatayin kita, Hayop ka" madiin at gigil na pagbabanta niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa leeg ko. "Piero!" Sigaw ni Lance sa kanya.
Pero kaagad niya lamang tinulak si Lance palayo sa kanya. "Piero..." umiiyak na daing ko, halos mawalan ako ng hangin dahil sa pagkakasakal niya sa akin.
Napahawak ako sa kanyang kamay ng unti unti kong naramdaman ang pagangat ng paa ko sa sahig dahil sa pagkakasakal niya. "Piero please..." umiiyak na pakiusap ko. Halos hindi na din ako makapagsalita dahil sa kawalan ng hangin. Muling tumulo ang mainit ng luha mula sa aking ,ga mata, konting konti na lamang ay malalagutan na ako ng hininga.
Kaagad siyang napasigaw sa galit at tsaka ako mabilis na itinulak sa kung saan dahilan kung bakit halos sumubsob ako sa sahig. Panay ang pagubong nagawa ko dahil sa paghahabol ng hininga. Nakaramdam ako ng pagguhit ng sakit sa aking dibdib kaya naman mabilis akong napahawak sa aking puso.
Hindi pa ako nakakabawi ng kaagad akong hinila ni Piero patayo gamit ang pagkakasabunot sa aking buhok. "Tama na please" pakiusap ko sa kanya pero masyado na siyang kinain ng galit.
Nahiyaw ako ng pilit niyang pinunit ang aking damit. Tumigil lamang siya sa ginagawa ng makita na niya ang gusto niyang makita. "You don't deserve Sachi's heart" madiing sabi niya sa akin.
Napahawak siya sa kanyang ulo na para bang ano mang oras ay tatakasan na siya ng bait. Ibinato niya ang lahat ng mahawakan ng kanyang kamay. Napaluhod ako, pinagdikit ang aking mga palad. "Sorry...Sorry" paulit ulit na sambit ko. Nanginginig na ang aking katawan dahil sa sobrang takot. Kayang kaya niya akong patayin ngayon.
Hindi siya tumigil sa pagwawala. Humahangos siyang pumasok sa aming kwarto. Mas lalo lamang akong napaiyak ng makiga kong hawak niya ang mga gamit at damit ko. Mabilis niya iyong itinapon sa labas. Nang mahusto na siya ay muli siyang lumapit sa akin. Bayolenteng hinaklit ang braso ko.
Dahil sa kawalan ng lakas ay malaya niya akong nakaladkad palabas ng bahay. Pagkadating sa pinto ay marahas niya akong itinulak papunta sa mga gamit kong nagkalat sa lupa. Kung hindi ko naitukod ang mga kamay ko ay paniguradong tatama ang mukha ko sa lupa.
Basang basa ang mukha ko dahil sa pinaghalong luha, pawis at sipon. Napuno ng dugo ang suot kong damit ng ipunas ko duon ang kamay ko ng muling dumugo ang sugat ko. Halos habulin ko ang aking hininga dahil sa paninikip ng aking dibdib.
Dahan dahang lumapit sa akin si Piero. Mas lalong umigting ang panga niya. Halos mabali ang leeg ko ng mahigpit niyang hinawakan ang aking panga para paharapin ako sa kanya.
"Bakit Amaryllis...Bakit?" Madiing tanong niya. Gigil na gigil siya dahil ramdam ko na ang pagbaon ng kuko niya sa aking pisngi.
Unti unting bumalik sa akin ang dahilan kung bakit ko naisip na gawin ito. Muli kong naalala yung mga salitang sinabi ni Lance sa akin.
"Gusto na lang mamatay ni Piero, wala naman na daw kasing rason para mabuhay siya. Wala na si Sachi"
Muling tumulo ang aking masasagang luha. Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata. "Dahil gusto kong mabuhay ka Piero" pumiyok pang sabi ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro