Chapter 27
Hindi siya si Sachi
"Lance anong pwede kong ipainom kay Peanut?" Tanong ko kaagad dito kinabukasan pagkalabas na pagkalabas ko ng aming kwarto. Yakap yakap ko ito, ni hindi ko na nagawa pang suklayin ang buhok ko dahil sa pagaalalang gutom na ito.
Napangisi si Lance ng mapatingin sa akin. "May nabibiling gatas para sa aso sa mga groceries" sagot niya sa akin na kaagad kong tinanguan. Marahan kong hinaplos ang maiksi at malambot nitong balahibo.
Kaagad akong iginala ang aking mga mata para hanapin si Piero, wala na kasi ito sa aming kwarto pagkagising ko. "Si Piero?" Muli kong tanong kay Lance. Naghahanda ito ng dinning, ang swerte talaga ni Sarah sa kanya, husband material.
Ngumisi ito ng parang may naalalang nakakatawa. "Pinabili ko ng pandesal para matuto. Dalawa na anak niya ang tamad tamad pa din" natatawang sagot niya sa akin habang napapailing.
Naisip ko tuloy kung ano nanamang itsura ni Piero ngayon. Siguradong nakabusangot nanaman ang kanyang mukha. Awtomatikong kumislap ang aking mga mata ng makita ang paglapag ni Lance ng mga jumbo hotdog sa lamesa. Kinuha ko ang aking tinidor at mabilis na tumusok nuon.
Sarap na sarap ako sa pagkain ng halos sabay kaming mapaiktad ni Lance sa gulat ng bumukas at sumara ng malakas ang pintuan. Napatigil ako sa pagkain ng makita ko ang papalapit na si Piero, nakasimangot at nagdadabog kung maglakad.
"Good job Daddy Piero" pangaasar pa sa kanya ni Lance na hindi man lang natakot sa inaasta nito.
Tumalim ang tingin ni Piero sa kanya kaya naman nagiwas ako ng tingin. Baka mauwi nanaman sa away ang dalawang iyon. Kung minsan ay ako na lang ang nahihiya at nahihirapang lumunok sa tuwing nagaaway sila sa harapan ng pagkain.
Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin kaya naman kaagad ko siyang tiningala. "Bukas ako na lang ang bibili ng Pandesal" pagprepresinta ko para naman hindi na siya magalit at hindi masira ang umaga niya.
Marahan siyang umiling. "Ako na" laban niya bago niya marahang hinaplos ang buhok ko na hindi ko pa nasusuklay. Napakagat ako sa hotdog ng makaramdam ako ng kiliti dahil sa marahan nitong pagsuklay sa aking buhok.
"Patikim nga ako niyan" mapanuyang sabi niya kaya naman bahagya kong inilayo ang tinidor ko sa kanya.
"Kumuha ka na lang duon, may laway ko na to eh" pagdadahilan ko pero tamad lamang akong tiningnan ni Piero.
Humaba ang nguso ko, pero hindi pa din siya natinag. Itinaas niya ang kanyang kamay para hawakan ang aking palapulsuhan para ilapit ang kamay ko sa kanya. "Kaya nga yan ang gusto ko may laway mo" anya na para bang hindi siya nandidiri sa kanyang sinasabi.
Nalukot ang mukha ko. "Kadiri ka Piero, kumuha ka na lang ng bago" pagtulak ko pa sa kanya pero masyado siyang matigas at kaagad na inilapit ang kamay ko sa kanyang bibig para makakagat ng hotdog ko.
Gusto kong matawa sa itsura niya. Kaagad siyang kumagat, hindi lang isang beses kundi halos ubusin na niya yun. Sinamaan ko siya ng tingin.
Inirapan niya ako habang sarap na sarap siya sa pagnguya. "Ang sarap talaga..." nakangising sabi pa niya. Mabilis kong hinampas ang braso niya, nagsitaasan kasi ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.
"Ang bastos mo" akusa ko sa kanya at kaagad na inilapag si Peanut sa may higaan niya at umupo na sa dinning.
"Bastos na yon?" Pangaasar pa niya sa akin habang umuupo na din sa kanyant upuan.
Tatawa tawang umupo si Lance sa kanyang pwesto. "Bastusing bata talaga yang si Piero eh. Sa kanilang magkakapatid siya ata yung nahulog sa sahig" mapangasar na kwento pa ni Lance.
Binato tuloy siya nito ng table napkin. "Fuck you" malutong na mura niya dito na may kasama pang pagtaas ng middle finger.
Napasapo na lang ako sa aking noo ng pagkatapos magmurahan ay nagtawanan na lamang silang dalawa.
Matapos magagahan ay kaagad kong inaya si Piero na pumunta sa pinakamalapit na grocery sa aming lugar para bilhan si Peanut ng gatas. Walking distance lamang iyon kaya naman napagpasyahan na lamang naming maglakad.
Mabilis ang ginawa kong mga paghakbang kahit pa magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Halos hingalin ako dahil sa aking ginagawa pero parang wala lang iyon sa normal na lakad ni Piero na mahaba ang legs. "Teka..." hinihingal na pagtigil ko.
Tumabi kami sandali para makapagpahinga. Hindi pa din niya binibitiwan ang aking kamay. "Para kasing sira amputa. Ano bang minamadali mo?" Galit na tanong niya sa akin.
"Eh kasi baka gutom na si Peanut eh" pagdadahilan ko.
Napabuntong hininga ito bago ko narinig ang kanyang pag tsk. Napalingon lingon siya hanggang sa binitawan niya sandali ang aking kamay. Lumapit ito sa isang tindahan, kinausap ang tindero at naglabas pa ng pera. Dahil sa pagtataka ay kaagad ko siyang nilapitan.
"Naku hijo, hindi ko ito pinaparent" kakamot kamot sa kanyang ulo ang matandang lalaki habang nakikipaglaban kay Piero.
Hinawakan ko si Piero sa kanyang braso, seryoso pa din ang mukha nito. "Isang libo, babalik ko din kaagad" seryosong sabi pa niya dito.
Napakunot ang noo ko. "Ano bang..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng kaagad tumango si tatang at inilahad kay Piero ang kanyang pedicab.
Mabilis na dumukot si Piero ng isang libo sa kanyang bulsa at iniabot iyon kay tatang. "Basta Hijo, ibalik mo iyan. Magtitinda pa ako ng icecream mamaya" paalala sa kanya nito.
Napangisi si Piero. "Gusto niyo po palitan ko pa ito ng motor eh" pagyayabang niya habang sumasakay sa bisikleta.
Kumislap ang mata ni tatang. "Talaga Hijo?"
Napangisi si Piero at napailing. "Syempre Joke lang tay, kinuha niyo na nga yung isang libo ko eh" pakikipagbiruan niya dito.
Napailing na umalis ang matanda habang tatawa tawa naman si Piero. "Ikaw talaga, paasa" mapanuyang sabi ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Kailan kita pinaasa?" Mapanghamong tanong niya sa akin naikinanguso ko na lamang.
Pinasakay ako ni Piero sa pedicab, hindi katulad ng ibang pedicab ay wala iyong bubong kaya naman open na open iyon. Nakangiti akong nakatingin sa pumapadyak na si Piero. "Parang gusto ko ding bumili nito" natutuwang sabi niya. Parang bumalik ito sa pagkabata.
Hindi ako nagsalita, nanatili akong nakatingin sa kanya. Simula nuon hanggang ngayon, siya pa din ang paborito ko. Kahit naging masungit siya sa akin nung una naming pagkikita, siya ang pinakapaborito ko sa lahat.
"Ikaw na ang bumili sa loob, babantayan ko tong Pedicab ni tatay. Baka mawala" medyo hinihingal na sabi niya sa akin habang tumutulo ang kanyang pawis.
Tumango ako at kaagad na pumasok sa loob ng grocery. Hindi ako nahirapang mahanap ang sinasabing gatas ni Lance na pangaso kaya naman mabilis din akong nakalabas.
"Yan ang mg tipo ko, yung medyo bad boy" rinig kong usapan ng ilang kababaihan sa labas ng grocery.
Kaagad kong sinundan ang tinitingnan nila at duon ko nakumpirmang si Piero nga iyon. Patakbo kong nilapitan si Piero para iabot sa kanya ang binili kong tubig. Kaagad niya iyong tinanggap, ininom niya iyon habang nakatingin sa akin.
"Oh bakit nakasimangot ka?" Nagtatakang tanong niya. Nagiwas lamang ako ng tingin at tsaka umiling.
Hinawakan niy ang siko ko para paharapin ako sa kanya. "Sinong umaway sayo?" Patuloy na panguusisa niya sa akin.
Lumipat sa kanya ang masama kong tingin. "Marami sigurong nagkakagusto sayong babae..." paguumpisa ko habang sumasakay na pedicab.
Napangisi si Piero sa narinig. Sumakay na din siya at nagsimula ng nagpedal. "Oh eh ano naman?" Pagmamayabang niya kaya naman muli ko siyang sinamaan ng tingin.
"So madami nga?" Parang maiiyak na tanong ko sa kanya. Imbes kasi na pagaanin nito ang loob ko ay parang mas nasisiyahan pa siya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin, muli siyang napangisi at tsaka ipinagpatuloy ang pagpepedal. Hindi na siya muling nagsalita kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko. Bumilis ang pagpepedal niya hanggang sa makadaan kami kay tatang.
"Tang hatid ko lang tong Misis ko sa bahay!" Sigaw niya dito. Idiniretso niya ako sa tapat ng bahay, walang imik akong bumaba mula duon.
"Maguusap tayo pagdating ko, hindi ko gusto yang inaasal mo" seryosong sabi niya na ikinagulat ko pa.
Aba't ako pa ang nagkaroon ng kasalanan ngayon. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Pero tamad niya lamang akong tiningnan.
"Pasok na sa loob" parang batang utos pa niya sa akin kaya naman halos mapapadyak ako sa aking kinatatayuan.
Mabilis ko siyang tinalikuran at tsaka patakbong tinahak ang daan papasok. Kahit masama ang aking loob ay nagawa ko pang painumin ng gatas ang aming tuta. Hindi nga ako nagkakamali dahil gutom na gutom ito.
"Sachi si Piero?" Humahangos na tanong ni Lance, bihis na bihis ito.
"Umalis, hindi ko alam. Bahala siya sa buhay niya" inis na sagot ko. Maging si Lance tuloy ay naambunan ng pagkainis ko.
Napangisi siya. "Aalis muna ako sandali, may kailangan akong kausapin tungkol sa bussiness na itatayo namin" nagmamadaling sabi niya sa akin at patakbo pang lumabas ng bahay na para bang may hinahabol na oras.
Hindi na niya ako nahintay pang sumagot kaya naman muli kong pinagtuunan ng pansin si Peanut. Magana pa din ito sa kanyang paginom ng gatas.
Maya maya ay naramdaman ko din ang pagkagulat ng tuta dahil sa mabilis na pagbukas at sara ng pinto. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tsaka hinarap si Piero.
"Dahan dahan naman sa pagsara, masisira yung..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kaagad siyang lumapit sa akin at tsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat ko.
Titig na titig siya sa akin, parang nagaapoy ang kanyang mga mata. Maging ang kanyang mga palad ay mainit din. "Ba...bakit?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Ayoko ng nagseselos ka, kasi pakiramdam ko may pagkukulang ako sayo kaya mo nararamdaman yan" seryosong sabi ni Piero, halos hindi ko makilala ang boses niya.
"Kulang pa ba?" Maawatoridad na tanong niya sa akin.
Para akong mauubusan ng hangin sa katawan. Para kasing nakakatakot huminga dahil sa kanyang tingin sa akin. Napailing ako. "Sor..."
"Paparusahan kita" matigas na sabi niya at kaagad niyang inangkin ang aking labi.
Madiin at mapusok. Halos hindi ko mahabol ang galaw ng kanyang bibig. Dahan dahang bumaba ang kanyang mga kamay sa aking bewang mula sa aking mga braso. Napadaing ako ng marahan niyang pinisil ang aking pangupo.
"Piero..." daing na tawag ko sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya ng marinig ko ang aking sariling boses.
Ipinulupot ko sa kanyang leeg ang aking magkabilang kamay dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod. Hindi naputol ang kanyang paghalik sa akin ng kaagad niyang hawakan ang aking pangupo para buhatin. Mabilis kong ipinulupot sa ang aking nga paa sa kanya para hindi mahulog. Mula sa aking suot na shorts ay ramdam na ramdam ko ang zipper ng kanyang suot na maong sa aking gitna.
Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para dahan dahang makalakad papasok sa aming kwarto. Mahina akong napaungol ng marahan niyang sinipsip ang aking pangibabang labi. Matapos niyang gawin iyon ay muli kong naramdaman ang kanyang dila sa akin, nanunuya kaya naman ginaya ko ang kanyang ginagawa.
"Piero!" Parang maiiyak na tawag ko sa kanya ng bumaba ang kanyang labi sa aking dibdib.
Napasabunot ako sa kanyang buhok kaya naman narinig ko ang kanyang pagdaing. Dahan dahan niya akong inihiga sa kama at tsaka siya mabilis na dumagan sa akin. Sandali niy akong siniil ng halik bago niya dahan dahang itinaas ang suot kong tshirt. Huminto iyon sa gitna bago niya ipinasok ang kanyang kamay duon at tsaka hinawakan ang aking kanang dibdib.
Napaliyad ako dahil sa sensasyong dala nuon. Napakagat ako sa aking pangibabang labi at bahagyang napatingin kay Piero. Kakaiba na ang tingin niya sa akin, his eyes was filled with desires and lust. Muli niyang inangkin ang aking labi bago niya muling itinaas ang tshirt ko at mabilis na hinubad iyon.
Ibababa na din sana niya ang strap ng bra ko ng kaagad siyang mapahinto. Para itong nabato sa nakita. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at mabilis kong hinila ang isang unan para takpan ang hubad kong dibdib.
"Anong..." nahihirapang tanong ni Piero. Mariin siyang napapikit at tsaka napahilamos sa kanyang mukha.
Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at tsaka hinihingal na napaupo sa dulo ng kama. Nagawa pa niyang damputin ang tshirt ko at inabot iyon sa akin. Natataranta ko iyong isinuot tsaka ko inaayos ang aking sarili. Kaagad na naginit ang aking mga mata dahil sa nararamdamang takot.
"Piero..." nagaalalang tawag ko sa kanya pero ilang beses ko lamang narinig ang bayolente niyang paghugot ng kanyang hininga.
Gumapang ako palapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Saan mo nakuha ang peklat na yan?" Seryosong tanong niya sa akin.
Ang peklat na tinutukoy niya ay ang mahabang peklat sa gitna ng aking dibdib. Nakuha ko iyon dahil sa pinagdanan kong Heart surgery. Imbes na sumagot kay Piero ay tahimik na lamang akong umiyak sa kanyang tabi. Hindi ko na napigilan at lumabas na din maging ang mga hikbi.
Mas lalobg bumigat ang dibdin ko ng maramdaman ko ang paghila niya sa akin at niyakap ako. "Shhh...kung hindi mo pa naaalala wag mo munang sagutin. Hindi kita gustong ipressure" seryosong sabi pa niya. Ramdam na ramdam ko ang pagod at pagaalala sa kanyang boses kaya naman mas lalo lamang akong nakakaramdam ng guilt.
"Sorry" umiiyak na sambit ko.
Napailing siya. "Tsaka na ang parusa mo, baka masyadong kitang masaktan. I'm not gentle...I can't be gentle" paos na sabi niya pa. Kahit emosyonal ay hindi ko pa din napigilang hindi maginit ang aking pisngi.
Mas lalo akong kinilabutan ng marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Ayoko na nagseselos ka, pakiramdam ko nagkukulang ako sayo pag ganuon. Hindi ka dapat nagseselos dahil wala ka namang dapat pagselosan. Kahit ilang babae pa ang mapakita ng motibo wala akong pakialam. Ikaw lang ang gusto ko" madiing pagpapaintindi niya sa akin habang hindi pa din nawawala ang lambing sa boses nito.
Napayakap na lamang ako ng mahigpit kay Piero. Gustong maiyak, gusto kong napahagugol sa harapan niya at sabihin ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa pagsisinungaling ko. Pero wala pa akong lakas, hindi pa ako handa.
Buong akala ko ay hindi na ako aabutin ng kinaumagahan sa bahay na iyon. Ang iniisip ko kasi ay papalayasin ako ni Piero sa oras na malaman na niya ang totoo. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya gaanong nagusisa tungkol sa peklat ko sa dibdib.
"Good morning" nakangiting bati ko sa kanya.
Tamad siyang tumango sa akin. Nakahiga pa din ito habang nakatitig sa kisame. Hahalik sana ako sa kanyang pisngi ng mabilis siyang umiwas sa akin at tsaka umupo sa kama. "Mag shower lang ako" paalam niya at mabilis na tumayo palayo duon.
Napabuntong hininga ako. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Kahit pa sabihin ni Piero na hindi siya nagmamadaling malaman ang rason kung bakit ako may peklat sa dibdib ay alam kong nagiisip na ito. Marahil ay hindi mawala sa isip niya iyon kaya naman hindi nagint maganda ang kanyang gising.
Kahit pa sa gitna ng aming pagkain ng almusal ay tahimik pa din ito. "May bago ka bang mission?" Pagbasag ni Lance ng katahimikan.
Ramdam din marahil nitong may kakaiba. Umiling si Piero bilang sagot. "Uuwi ako sa amin" tamad na sagot niya dito kaya naman halos tumalon ang puso ko sa pagkabigla at naramdamang takot.
Nahirapan akong makalunok ng dahan dahan siyang tumingin sa akin. "I'll talk to Mom, about Sachi..." sambit niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Naginit ang gilid ng aking magkabilang mata. Kaagad akong kinain ng takot.
Piero's Pov
Naligo at nagbihis ako pagkatapos ng agahan. Inaamin kong hindi naging maganda ang gising ko ngayong umaga. Hindi ko din alam kung bakit, pero hindi mawala sa isip ko ang aking nakita sa dibdib ni Sachi.
Gusto kong malaman kung ano iyon, gustong malaman kung saan iyon galing. Pero hindi ko siya kayang pwersahin na sabihin iyon sa akin. Alam kong nahihirapan din siya, ang importante lang sa akin ay nandito siya, kasama ko siya.
Paglabas ko ng kwarto ay napansin ko kaagad ang pagkatuliro nito. Halos mahilo ako sa pabalik balik na paglakad nito. Napabuntong hininga ako ng marealize kong mali ang mga pinakita ko sa kanya kaninang umaga. Hindi ko gustong gawin iyon pero nagpadala ako sa aking emosyon.
"Aalis na ako" pagkuha ko ng atensyon niya. Mabilis siyang napahinto sa ginawa.
Lumapit ako sa kanya ng makita kong umiiyak na ito. Kumunot ang aking noo, patuloy ang pagtulo ng kanyang luha habang halos malukot maging ang kanyang labi dahil sa pagpipigil niya dito.
"Anong problema?" Bigla akong nanlambot, nanghina.
Mas lalo lamang siyang naiyak kasabay ng pagalog ng kanyang balikat. Mabilis ko siyang hinatak papalapit sa akin at niyakap. "Putang...babalik din naman ako kaagad" suway ko sa kanya.
"Natatakot ako" umiiyak na sumbong niya, dahil duon ay mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong nanghihina dahil ganyan siya.
"Saan?"
Bahagya siyang kumawala sa akin at tsaka ako hinarap. Kitabg kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. "Baka hindi na ikaw si Piero pag uwi mo, baka maging iba na ang trato mo sa akin" garalgal ang kanyang boses.
Kumunot ang aking noo. "Saan naman nanggaling iyan? Hindi magbabago ang trato ko sayo Sachi, ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Hindi ulit siya sumagot. "Hindi na lang ako aalis" pagpapagaan ko ng loob niya para tumigil na din siya sa pagiyak.
Napakagat ito sa kanyang pangibabang labi. Dahan dahan siyang kumalma. "Hindi na ako aalis, wag ka ng umiyak" malambing na sabi ko habang marahang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.
Akala ko ay ayos na, pero kaagad siyang umiling na ikinagulat ako. "Umuwi ka na" pagtulak niya sa akin kaya naman mas lalo lamang akong naguluhan.
"Sachi..." problemadong tawag ko sa kanya. Hindi ko na din kasi alam ang gagawin ko.
Niyakap niya ako at hindi umimik. "Mahal kita Piero, nuon pa man..." paos na sabi pa niya na ikinagulat ko.
Napatitig ako sa kanya. "Bago mo pa man ako mahalin, nauna na kitang minahal" paninigurado pa niya sa akin. Parang may kung anong pumiga sa puso ko.
Kinuha niya ang pagkakataon na iyon na hindi ako nakasagot para marahan akong halikan. Dinama ko ang init ng kanyang labi. Punong puno iyon ng emosyon.
Gustuhin ko mang wag ng umalis ay itinuloy ko pa din ang paguwi sa amin. Hindi pa rin nawala si Sachi sa aking isip habang nasa byahe ako. Parang biglang may nagiba sa aming dalawa. Nagtataka din ako sa mga ikinikilos niya.
"Magandang umaga po Sir Piero" bati sa akin ng aming guard ng pagbuksan niya ako ng gate pagdating ko sa aming bahay.
Ilang mga kasambahay din ang bumati sa akin. Dirediretso akong pumasok sa aming bahay para hanapin si Mommy.
"Nasa may kitchen po si Ma'm Maria" turo sa akin ng isa sa aming mga kasambahay.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na pumunta duon. Nagulat si Mommy ng makita niya ako, halos bitawan niya ang niluluto para lamang salubungin ako ng yakap at halik.
"Tamang tama ang dating mo anak, nagluto ako ng lasagna" nakangiting pagbibida pa niya sa akin.
Muli siyant bumalik sa kitchen sink. Lumapit ako sa aming kitchen counter at duon umupo habang pinapanuod si Mommy sa kanyang ginagawa.
"I want to ask you something mom" diretsahang sabi ko sa kanya at hindi na nagpaligoy ligoy pa.
Bumaling siya sa akin at matamis akong nginitian. "Anything anak, ano iyon?" Tanong pa niya.
"Saan niyo nakuha si Sachi, paano niyo siya inampon?" Magkasunod na tanong ko na ikinagulat ni Mommy.
"Why so sudden?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Hindi siguro siya makapaniwalang unuwi lang ako sa amin para itanong iyon.
"I want to know" tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan din ako.
Napayuko ito at pagod na humugot ng malalim na paghinga. "Her real name was Anamarie, hindi dapat siya ang aampunin namin yung kakambal niya..." sabi nito na halos nagpatigil ng mundo ko.
"What did you say?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"May Kakambal si Sachi, her name was Amaryllis siya dapat ang aampunin namin. But she gave way to her sister so that" kwento pa ni Mommy sa akin.
Parang huminto maging ang aking paghinga. Naginit ang gilid ng aking magkabilang mata. Hindi ko nagugustuhan ang galit na unti unting namumuo sa aking dibdib.
Naramdaman ko ang paglungkot ni Mommy maging ang pagiging emosyonal nito. "We gave her Sachi's heart when she died. May sakit kasi sa puso si Amaryllis..." malungkot na kwento pa niya na hindi ko na natapos dahil para akong biglang nabingi.
Maging ang tenga ko ay hindi na nagugustuhan ang aking mga naririnig. "Piero anak..." nagaalalang tawag ni Mommy sa akin.
Wala sa sarili akong napatayo at parang lasing na naglakad palayo sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa akin para hawakan ako. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa aking pisngi.
"Patay na talaga si Sachi, yun ba ang gusto mong sabihin Mommy?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Nagmamakaawa na baguhin niya iyon.
Naiyak din siya at napatango tango. "Anak, mahirap man tanggapin. Pero matagal ng patay ang kapatid mo...hindi na babalik si Sachi" sabi pa ni Mommy kaya naman halos manikip ang dibdib ko.
Napailing iling ako, hanggang sa napasigaw ito ng bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihina. "Buhay si Sachi ma, Buhay siya..." giit ko.
Napaiyak na si Mommy at napailing. "Wala na siya anak...please tanggapin mo na" umiiyak na pakiusap niya sa akin.
Napayakap ako sa kanya. Sobrang bigat ng akibg dibdib, hindi ko inaasahan na ganito kasakit. Parang bumalik ang sakit 2 years ago ng mawala siya. Mas double ngayon, mas masakit na paasahin ka. Masakit na magmukhang tanga.
"Amaryllis don't deserve Sachi's heart. Papatayin ko siya" madiing pagbabanta ko, kinain na ako ng sobra sobrang galit.
Napatakip si Mommy ng kanyang bibig. "Walang kasalanan si Amaryllis anak..." suway niya sa akin.Pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakakuyom ko ng aking kamao.
Ang babaeng nasa bahay ko ngayon ay hindi si Sachi kundi si Amaryllis, niloloko niya lang ako all this time at nagpapanggap bilang si Sachi. Damn her, to hell with her.
Paparusahan ko siya hanggang sa hilingin na lang niya sa aking patayin ko siya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro