
Chapter 22
Ang puso ni Sachi
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Papa. Walang pa ding tigil ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. "Kakayanin ko po ito Papa" matapang na paninigurado ko sa kanya.
Kitang kita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata, hanggang sa naluha na din ito. "Gustong gusto na kitang isama sa akin, para magkakasama na tayong tatlo ng kapatid mo. Pero may pumipigil sa akin, hindi ko mawari kung ano" nagpaisip na sabi niya habang pinagmamasdan ang aking mukha.
"Siguro yung mga ngiti mo..." emosyonal na sabi pa niya. "Yung mga ngiti sa labi mo sa tuwing kasama mo siya, ramdam at kita ko na masaya ka sa piling ni Piero anak." Emosyonal na sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang aking mga mata dahil sa panibagong luha na gustong tumulo.
Hindi ko na sinubukan pang magsalita sa takot na pumiyok ako sa oras na may lumabas na salita sa aking bibig. Mula sa aking pagkakayuko ay dahan dahan niyang itinaas ang aking mukha paharap mismo sa kanya. "Marahil ay dahil may parte siya sayo na mas lalong naglalapit sayo kay Piero" konklusyon pa niya kaya naman ng muli ko iyong maalala ay mariin na lamang akong napapikit.
Naramdaman kong hinalikan ni Papa ang aking ulo. "Palagi kitang bibisitahin dito, alam ko at nakasisiguro ako na ligtas ka kay Piero hangga't hindi pa niya alam ang totoo" pagaalala niya pa.
Bayolente akong napalunok. Hindi pa kailanman sumagi sa aking isipan ang mangyayari sa oras na malaman ni Piero ang totoo. Kaagad akong tinubuan ng takot, takot na baka hindi niya tanggapin ang rason kung bakit ko nagawa ito.
Nagpaalam din si Papa pagkatapos nuon. Mahirap talaga ang nagtatago, hindi mo kayang gumalaw sa naaayon sa kagustuhan mo. Sobrang hirap.
Bagsak ang aking balikat habang naglalakad ako pauwi sa amin. May ilang luha ang bigla na lamang kumakawala sa tuwing naaalala ko kung paano ako pakitunguhan ni Piero. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa pagsisinungaling ko. Sana dumating ang oras na matanggap niya din ang mga rason ko. Para din naman ito sa kanya
Ilang hakbang pa ang layo ko mula sa aming bahay ay natanaw ko na ang kulay itim na civic ni Piero. Parang nagmamadali itong bumaba sa kanyang sasakyan dahil hindi man lang biya nagawang iparada iyon sa loob ng garahe. Binilisan ko ang lakad dahil dito.
"What the hell..." matigas na sambit niya ng makita niya akong papasok sa gate.
Hindi na niya nahintay pang makalapit ako sa kanya dahil siya na mismo ang kumain ng distansya sa pagitan naming dalawa. Imbes na salubungin ang mabibigat niyang mga tingin dahil za galit ay napaiwas na lamang ako ng tingin. Ramdam ko ang galit nito sa pamamagitan ng kanyang mga mabibigat na paghinga.
"Saan ka nanggaling?" Madiing tanong niya na naglaon ay naging parang pabulong na lamang.
Unti unting humupa ang galit nito. Pagkatapos ay bigla na lamang niya akong hinala papalapit sa kanya para yakapin. "Palagi mo akong binabaliw Sachi, para akong tatakasan ng bait ng hindi kita naabutan dito sa bahay, ni hindi mo sinasagot ang text at tawag ko" frustrated na paliwanag niya sa akin.
Dinama ko ang yakap nito. Mariin akong napapikit habang dinadama iyon. Maiinit, punong puno ng pagmanahal. "Wag mo naman akong baliwin..." paos na pakiusap pa niya.
Nang hindi ako kaagad sumagot ay kaagad niya akong hinarap sa kanya. Nagulat ito ng makita niyang umiiyak na ako. "Bakit may nangyari ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Napailing ako at napayuko. Pero mabilis niyang inangat ang aking mga tingin. "Bakit? Sabihin mo sa akin..." malambing na tanong pa niya.
Parang pinipiga ang aking puso sa sobrang lambing ng kanyang boses. Nanlalambot si Piero sa tuwing kaharap niya ako, ilang beses niyang sinasabi na ako ang lakas niya pero at the same time ako din ang kahinaan niya. Mas lalo akong natakot, mas lalo akong natakot na lumabas ang totoo. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi namin kayaning dalawa.
"Naisip ko lang na hindi ko deserve ang lahat ng ito...hindi ako deserving para sayo Piero" emosyonal na sabi ko pa sa kanya.
Napakagat ito sa kanyang pangibabang labi. Ikinulong niya ang aking nagkabilang pisngi gamit ang kanyang maiinit na palad. "You deserve it Sachi, kusa kong ibinibigay ang sarili ko sayo. Kasi ganuon kita kamahal..." malambing na paninigurado niya sa akin na para akong dadalhin sa ulap.
"Sisikapin kong hindi magkulang, dahil ibibigay ko sayo ang lahat ng higpit pa sa kaya ko" dugtong pa niya na mas lalo lamang nagpapabigat sa dibdib ko.
Muli niya akong niyakap. "Pwedeng pwede mo akong ubusin, hindi ako magrereklamo" pahabol pa niya.
Gusto kong matuwa sa mga narinig ko mula sa kanya. Pero sa kabila ng mga iyon ay mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili kong masama ako. Ang sama ko para gawin ito kay Piero.
Pansin ko ang mas lalong pagiging sweet nito kinaumagahan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay may inaalala din siya. "Gusto mo ba yung medyo soft lang?" Tanong niya out of nowhere sa kalagitnaan ng aming pagkain ng almusal.
Nanliit ang aking mga mata. "Paanong soft?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pagkairita nito ng mahirapan siyang iexplain ang gusto niyang sabihin. Napangiwi siya ng may maisip siya pero nagdadalawang isip siyang sabihin iyon sa akin.
"Sige na sabihin mo na" nakangising paguudyok ko sa kanya.
Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. "Do you want me to be sweet...i mean mas sweet pa kung hindi pa sapat yung sweetness na ipinapakita ko, kasi hanggang dun lang kasi talaga ang sugar level ko" mabilis na paliwanag niya sa akin na para bang binilisan niya talaga ang pageexplain dahil sa kahihiyan.
Napatawa ako ng mahina. "Anong sugar level ka pa diyan..." naaaliw na sita ko sa kanya pero sinimangutan lamang ako nito.
"Nakakatawa ba yon?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napakagat sa aking pangibabang labi para pigilin ang tawa. Umiling ako sa kanya bilang sagot.
Akala ko hindi na ulit siya magsasalita pa. "Ano kulang ba yung sweetness ko?" Seryosong tanong pa din niya na mukhang seryoso na talaga.
Napanguso ako. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Hindi mo kailangang masyadong mageffort, tanggap ko kung hanggang saan ka lang, kung ano lang yung kaya mong ibigay. Wag mong ubusin ang sarili mo para sa akin. Ayokong maubos ka dahil sa akin" makahulugang sabi ko sa kanya kaya naman napatitig lamang siya sa akin.
Nginitian ko siyang muli para ipakita na ayos lang. Na i mean what i say. Wala ka ng hahanapin pa kay Piero.
Katulad lang din ng ibang araw ay muli nanaman itong umalis para sa kanyang trabaho. May tinatapos itong misyon kaya naman kung misan ay panigurado daw na gagabihin siya.
"Please, sumagot ka sa text at tawag ko" pakiusap pa niya sa akin bago siya tuluyang umalis. Nangako ako sa kanya na sasagutin ko iyon kahit anong mangyari.
Wala din naman kasi akong rason na hindi sagutin iyon para jay Piero gayong ang alam niya lang ay nandito ako sa bahay buong araw.
Pagkapasok ko sa karinderya ay naabutan kong nagbubukas ang bagong tayong bakery sa tapat namin. Nakita ko pa si Aling Chona at ilang nga kaibigan nito na nakapamewang habang pinaguusapan iyon.
"Eh wala namang siniwerte sa pwesto na yan. Panigurado ilang buwan lang sarado at bakante nanaman yan" sabi pa niya sa mga ito na para bang siguradong sigurado siya.
Napatango tango ang kanyang nga kausap. "Buti nga at napakaswerte mo dito sa pwesto mo" puri pa ng mga ito sa kanya kaya naman nagtaas na lamang noo si Aling Chona na para bang proud ba proud pa.
"Kaya nga sa isang buwan ay mapagtatapos ko na ng kolehiyo ang aking anak na si Chito. Sasampa kaagad iyon ng barko" pagmamayabang pa niya sa mga kausap kaya naman mas lalong lumapit ito kay aling Chona.
Hinayaan ko na lamang sila at kaagad na pumasok sa may kusina. Bago ko isuot ang aking apron ay nakatanggap pa ako hg text mula kay Piero na nakarating na ito sa Agrupación.
"Oh, tama na ang text. Bawal iyan sa trabaho" masungit na puna nito sa akin ng maabutan niya ako.
Kaagad kong naitago ang akibg cellphone. "Pasencya na po. Hindi na mauulit" nakangiting paumanhin ko sa kanya pero muli nanaman niya akong inirapan.
Napangusonna lamang ako. Hindi ko alam kung bakit parang napakainit ng ulo nito sa akin, eh wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Pagpasencyahan mo na Sachi, ganyan talaga iyan. Galit sa magaganda" natatawang bulong ni Mang Tino sa akin isa sa mga tagaluto.
Nginitian ko siya. "Naku ayos lang po"
Pailan ilan lang ang kumakain ng bandang alas diyes kaya naman sinabihan ako ni aling Chona na hintayin munang dumami ang hugasin bago ako maghugas para hindi masayang ang tubig. Mula sa labas ay narinig ako ng paguusap.
Napasilip ako pero kaagad ding napalabas ng tawagin kami ni Aling Chona. Isang babae ang nasa harapan ng karinderya ngayon. May hawak hawak itong tray na may mga tinapay. Ngiting ngiti siya sa amin. "May pa free taste kami ng mga tinapay. Bukas ay magbubukas na kami" anunsyo pa niya sa amin.
Kaagad na kumuha ng sample ang iba. Panghuli akong lumapit sa kanya at kagaya kanina ay ngiting ngiti pa ito. "Ako nga pala si Julie" pagpapakilala niya sa akin.
Bago ko abutin ang kanyang kamay ay napatingin ako sa pangalan ng bakery nila. Mukhang nahalata niya iyon kaya naman napatawa siya.
Julie's Bakeshop
"Julie ang pangalan ko, pero hindi ako ang may ari niyan. Tagabantay lang ako" natatawang kwento pa niya sa akin kaya naman napa tango na lamang ako at tsaka tinanggap ang pakikipagkamay niya.
"Sachi..." pagpapakilala ko din.
Makwento ito. Kaya naman ng medyo tumagal ang aming paguusap ay pareho kaming napaiktad ng sumigaw si aling Chona mula sa loob, nagpaparinig.
"Sige ha, magtratrabaho muna ako" nagmamadaling paalam ko sa kanya.
Alas dose ng muling dumami ang costumers kaya naman hindi kami halos lahat magkandaugaga. Mabilis ang kilos ko lalao na't halos matambakan na ako ng mga plato. Sa gitna ng aming ginagawa ay halos magulat kaming lahat ng sumigaw si Aling Chona mula sa may counter.
"Anong hindi ka gragraduate!?" Galit na galit na tanong niya sa kung sino.
Nagkatinginan kaming mga nasa kitchen. "Sino iyon?" Usisa ng isa sa aking mga kasama.
Humahangos na pumasok si Mang Tino dala dala ang isang kaldero, kakasalin lamang niya ng Caldereta mula sa labas. "Dumating si Chito. Hindi daw gragradute sa susunod na buwan" sabi niya sa akin kaya naman nasagot na ang katanungan ng lahat.
Napayuko kami at kaagad na napaayos ng tayo ng umiiyak na pumasok si Aling Chona sa kitchen papasok sa kanilang bahay. Nakasunod lamang sa kanya ang anak na si Chito. Nakayuko ito at kakamot kamot na lamang sa kanyang batok.
Napailing na lamang ang iba kaya naman muli akong bumalik sa aking ginagawa. Panganay na anak iyon ni Aling Chona, yung nagtanong kung may boyfriend ako nung isang araw ay ang bunso niya. Galing pa itong Manila, asang asa daw si Aling Chona na makakagraduate na ang anak at makakahanap ng magandang trabaho.
"Eh ano't sunod ang lahat ng luho nuon" rinig kong paguusap pa nila Mang Tino.
"At nakadorm pa iyan sa Manila, eh madami daw babae sabi ng kapatid, napabayaan ang pagaaral" segunda pa ng isa. Tahimik lamang akong nakinig sa kanila. Pagkatapos maghugas ay sumama na akong kumain ng tanghalian magaalas dos na ng hapon iyon.
Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay dumating muli si Julie. May bitbit itong plastick ng tinapay. "Hi" nahihiya pa niyang salubong sa akin.
Tipid ko lamang siyang nginitian. "Kain tayo" yaya ko sa kanya na kaagad niyang tinanggihan.
Ibinigay niya sa akin ang sobrang tinapay. Gusto niyang makipagkaibigan sa akin lalo na't bagong salta lamang siya dito sa Manila. Sinigurado ko naman sa kanya na walang problema, wala din naman akong kaibigan at kailangan ko ng isa.
Dahil sa pagdating ni Julie ay mas naging magaan ang trabaho ko sa karinderya araw araw. Kahit pa magkaiba kami ng ginagawa ay masaya naman. Kasakasama ko na din siyang maglakad pauwi.
"Miss na miss ko na nga ang aking nobyo" kwento pa niya sa akin isang hapon habang naglalakad kami pauwi.
Tinawanan ko na lamang siya dahil sa pagmamake face nito. "Eh bakit ka kasi dito nagtrabaho sa Manila?" Tanong ko sa kanya.
Napapadyak siya sa inis ng muling maalala ang siguro'y dahilan kung bakit siya nandito ay kung bakit siya nagkahiwala'y ng nobyo niya. "Sina nanay at tatay kasi, ako ang ipinadala nila dito imbes na si Ate" pagmamaktol na kwento pa niya.
Napapangiti na lamang ako sa tuwing nagkwekwento ito, minsan kasi ay may kasama pang action pag nagkwekwento siya. Nakakaaliw talaga ito. Lalo na ang buhok niyang kulot na kulot ba parang sa poon.
"Ako ang pinadala nila dito dahil, ako daw ang pinakapanget sa aming magkakapatid" inis na sabi pa niya.
Kaagad nanlaki ang aking nga mata. "Hindi yan totoo...maganda ka" pagpapalakas ko ng loob niya pero napairap lamang siya.
"Maganda ako dahil kaibigan kita, pero kung hindi tayo magkaibigan..." sita pa niya sa akin.
Para pagaanin ang loob ni Julie ay kaagad kong ipinakita ang peklat ko sa aking noo. Namangha ito. "Naku, may itinatago naman pala talaga iyang mga bangs mo" puna pa niya na ikinangiti ko.
Pero sa huli ay muli siyang napanguso. "Eh kahit naman may peklat ka sa noo magand aka pa din!" Inis na sabi niya na para bang napakaunfair ng mundo para sa kanya.
Pinanuod ko ang pagmartsa nito palayo sa akin. Malungkot akong napangiti. Unfair naman talaga ang mundo.
Nagluto ako para sa aming hapunan. Dinamihan ko na dahil uuwi din sa Lance galing sa bulacan. "I'm here!" Anunsyo niya sa akin at kaagad na lumapit sa akin ng maamoy ang niluluto ko.
"Wow, nagluluto ka na ngayon ha. Napabuti ata ang paguwi ko ng bulacan" pangaasar pa niya sa akin.
Napanguso na lamang ako dahil dito, para tumatayong Kuya na din si Lance para sa akin. Kaagad itong bumalik sa may dinning para kuhanin ang pasalubong niya sa akin.
"Oh ito na ang tikoy na peanut butter mo" mapangasar na sabi niya sa akin kaya naman kaagad kong iniwan ang niluluto kong adobo para lumapit duon.
Napatawa ito dahil sa aking ginawa. "Paborito mo talaga iyan noh" puna niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
Kumakain ako ng tikoy sa may dinning kaya naman si Lance na ang nagtuloy ng niluluto ko. Saktong dumating si Piero.
"Andito ka na pala" seryosong bati niya kay Lance. Kaagad ko siyang tiningala. Mabilis akong napatayo at napalapit sa kanya ng makita kong may galos ito sa kanyang kanang pisngi.
"Anong nangyari diyan?" Nagaalalang tanong ko. Hindi niya ako sinagot, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
Kaagad akong pumihit. "Teka kukunin ko yung medicine kit" kaagad na sabi ko pero mabilis niyang pinigilan ang aking pagtakbo. Niyakap ako nito mula sa aking likuran.
"Galos lang ito" paos na bulong niya sa akin.
Walang sabi sabi niya akong pinaikot paharap sa kanya at tsaka siya yumakap at sumubsob sa pagitan ng aking leeg. "Pacharge, pagod na pagod ako" paglalambing niya kaya naman kaagad kong ginantihan ang yakap niya.
Marahan kong sinuklay ang buhok nito. Na para bang inihehele siya. "Get a room guys. Respeto sa akin LDR kami" pagpaparinig ni Lance.
Hindi siya pinansin ni Piero pero ramdam kong tumaas ang kamay nito sa ere mula sa aking likuran kaya naman napangisi na lamang si Lance. "Kumain ka muna bago magpahinga. Gusto mo ng Peanut butter?" Pagaalok ko pa sa kanya. Pero ngumisi lamang siya.
"Kulang pa nga yan sayo eh" pangaasar niya sa akin.
"Ang sama mo!" Inis na sabi ko na ikinatawa niya.
Sandali umupo ito sa sofa habang hinihintay namin ang pagluto ng ulam. Muli silang nagusap ni Lance tungkol sa trabaho, narinig kong mayroon silang gustong itayong bussiness na dalawa kaya naman hinayaan ko na lamang. Dumiretso ako sa may freezer na may mga ice cream.
Kaagad akong kumuha duon para bigyan si Piero. "Kumain ka nito, nakakarelax" payo ko pa sa kanya.
Napanguso ito na parang bata pero sinunod pa din niya ang payo ko sa kanya. Aalis na sana ako sa harapan niya para bumalik kay Lance sa may kusina ng kaagad niyang hinala ang kamay ko pabalik sa kanya. Natumba ako paupo sa kanyang mga hita.
"Magayos na ako, para makakain na tayo" suway ko sa kanya pero hindi niya ako pinakawalan, nanatili akong nakakandong sa kanya.
Kinain nito sa aking harapan ang ice cream habang nakayakap ang isang kamay niya sa aking bewang bilang suporta. Dinila dinalaan niya ang drum stick na ice cream habang nakatingin sa akin. Napapaiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang kaya naman mas lalo siyang natatawa.
"Come on, tikman mo" alok niya sa akin at tsaka inilapit ang ice cream sa mukha ko.
Tatanggi na sana ako pero siya na mismo ang naglapit nuon sa bibig ko dahil para kumalat iyon sa paligid ng labi ko. "Hay naku..." hindi ko na naituloy pa ang pagproprotesta ng kaagad niyang kinabig ang batok ko at siya na mismo ang naglinis nuon.
Halos mapapikit ako sa nararamdamang kiliti sa tuwing nararamdaman ko ang dila niya sa aking labi at pisngi. Nang masigurado niyang wala na iyon ay kaagad niyang inangkin ng buong buo ang labi ko. Dahil sa takot na mahulog ay kaagad kong ipinulupot ang magkabilang kamay ko sa kangyang leeg.
Dahan dahan niyang inilipat ang kanyang mga halik pababa sa aking leeg, at tsaka siya muling namahinga duon. Hinayaan ko siya, mukhang pagod nga talaga.
"Akala ko ba sabay sabay tayong kakain, bakit nagkakainan na kayong dalawa diyan?" Biglang dating ni Lance.
Napatawa si Piero kaya naman nakiliti ang leeg ko. "Napakagago talaga amputa" inis na sabi nito at tsaka ako kaagad na hinila papunta sa dinning para kumain ng hapunan.
Tahimik si Aling Chona kinabukasan. Ramdam na ramdam ng lahat ang kanyang pagiging matamlay. Hindi pa rin siguro nito matanggap na hindi makakagraduate ang anak sa susunod na buwan. "Bakit parant biyernes santo yang amo niyo?" Tanong ni Julie sa akin nung hapon, bumili ito ng turon at samalamig.
Pansamantalang pinapatulong nila akong magserve sa mga costumer habang wala pa masyadong hugasin. Wala kasi sa sarili si Aling Chona, kulang kami sa workforce. Naikwento ko tuloy kay Julie ang rason.
"Tsk, tsk. Kawawa naman" sabi niya pa at muling nilingon si Aling Chona na nakayuko lamang habang nagpapaypay ng langaw sa mga paninda.
"Ganun talaga, baka mahirap ang mga subject ni Chito. May susunod na sem pa naman" sabi ko na ikinatanong ni Julie.
Bago siya umalis ay muli kong ipinaalala sa kanya ang order kong egg pie. Nabanggit ni Lance sa akin na mahilig si Piero duon kaya naman uuwian ko siya.
"Nga pala, hindi ako makakasabay sayo mamaya ha. Kukuha kami ng harina sa kabilang palengke" tamad na tamad na sabi niya sa akin na para bang labag ang pagsama sa kanyang kalooban pero wala siyang magagawa dahil parte iyon ng trabaho niya.
Pagkatapos ng aking trabaho ay kaagad akong dumaan sa bakery nila Julie para kuhanin ang pasalubong ko kay Piero. Mula sa aking paglalakad ay napahinto ako ng makita ko si Papa. Nagtatago ito sa may isang sulok, kagaya ng ipinangako niya ay binabantayan niya nga ako. Hindi ko man napapansin minsan, imbes na dumiretso uwi ay kaagad ko siyang nilapitan.
"Kanina pa po ba kayo dito Papa?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Pansamantala kaming umupo sa may bench sa labas ng palengke. Paunti na ang mga tao magaalasais na. Binilhan ko ito ng tubig at tsaka ko siya binigyan ng isang slice ng egg pie na para kay Piero. Kinain niya iyon na para bang gutom na gustom siya. Bumigat ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Alam kong hirap na hirap na din ito.
Naiyak ito habang kumakain. "Nasayang ang ilang taong pagaaral ko ng medisina. Hindi dapat ganito ang buhay natin" punong puno ng panghihinayang na sabi niya.
Nalungkot ako para kay Papa. Pagkatapos niyang kumain ay nagmadali siyang nagpaalam sa akin. "Para kanino iyan?" Puna niya sa hawak ko.
Napatingin ako duon. "Para kay Piero po" nahihiyang sagot ko sa kanya.
Hinawakan nito ang aking balikat. "Anak, hindi ikaw si Sachi. " paalala niya sa akin.
"Nasa iyo marahil ang puso niya, pero hindi ikaw si Sachi"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro