Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Paano pag nawala ako?



Kaagad din niyang pinutol ang kanyang mapupusok na nga halik. Sa huli ay maingat at buong lambing na lamang niyang hinalikan ako sa aking noo.

"Not now baby...alam kong hindi ka pa handa" pagpapagaan niya sa aking loob. Naramdaman siguro niya ang pagiging uneasy ko. Tipid ko lamang siyang nginitian bago niya ako muling inayos ng higa.

Muli siyang inihiga ang ulo ko sa kanyang dibdib. Bago siya pagod na napabuntong hininga. "Hindi ako marunong magpigil, ikaw lang ang nagpapahinahon sa akin" kwento pa niya.

Bahagya ko siyang tiningala pero nakita kong nakatingin lamang ito sa kisame, nakatulala.

"Pero pag galit ka..."

Kaagad niya akong pinutol. "Pag galit ako, galit ako. Kaya lumayo ka pag alam mong nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko" paalala pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Napabuntong hininga ako. "Gaano kalayo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Basta kita pa din kita, kumakalma ako pagnakikita kita" malumanay na sabi niya sa akin. A feel so much comfort in his voice na para bang sa akin nakadepende ang kanyang emosyon. Na inaamin niya he have a bad temper, pero kaya ko siyang paamuhin.

"Paano pag nawala ako?" Mapanghamon na tanong ko sa kanya.

Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. "Mawawala din ako..." paos na sabi niya pa.

"Minsan ka ng nawala, hindi na sa pangalawang pagkakataon. Baka hindi ko na kayanin" pagamin pa niya sa akin. Sinasabi niya ang lahat ng ito na para bang he let his guard down. Ako ang kahinaan niya, si Sachi ang kahinaan niya. Sa likod ng isang matapang, at matigas na Piero Herrer. Ngayon alam ko na at naiintindahan. Tama siya, Sachi is his heart. Niyakap ko na lamang ng mahigpit si Kuya Piero bago ako tuluyang kinain ng antok.

Alas otso ng umaga ako nagising kinabukasan. Wala na si Kuya Piero sa aking tabi pero ayos na ayos ang pagkakalagay ng kumot sa akin, ang kanyang gamit na unan kagabi ay inilagay pa niya sa gilid ko na akala mo ay isa akong sanggol na mahuhulog sa kama.

Kaagad akong pumunta sa kusina pagkalabas ko ng kwarto. Nasa pinto pa lang ay amoy na amoy ko na ang niluluto sa kusina. Nagtungo ako duon at nagulat ng hindi si Lance ang nagluluto kundi si kuya Piero. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ko siya inaasahan na gagawin iyon.

"Good morning" wala sa sariling bati ko sa kanya.

Nilingon ako nito. Ngumisi lamang siya kaya naman kaagad nanamang nanindig ang aking mga balahibo sa batok pababa sa may braso. Hindi maalis ang tingin ko sa suot nitong apron. Naputol lang ang pagtingin ko kay kuya Piero ng kaagad ba dumating si Lance mula sa labas. May dala dala itong maliit na paper bag na may lamang pandesal.

"Uy Sachi gising ka na pala, may bagong ube pandesal duon sa may kanto, tikman mo" yaya pa ni Lance sa akin. Tinanguan ko na lamang siya at nginitian.

Inilapag niya iyon sa lamesa kaya naman lumapit ako duon para kumuha dito. "Hindi lang pala magaling si Piero humawak ng baril, pati sandok" pangaasar ni Lance dito kaya naman halos mabulunan ako sa kinakain kong pandesal.

Nang lingonin ko silang dalawa ay naabutan ko pang nakataas ang middle finger nito kay Lance. Mabilis din naman niya iyong binawi ng makita niyang nakatingin ako. Napanguso ako at tsaka tipid na ngumiting napailing iling na lamang sa pinaggagawa nilang dalawa.

Si Lance at si Kuya Piero, pareho silang may dalawang pagkatao. Kaya nilang maging seryoso at matigas sa isang banda at the same time pag dating sa mga taong importante sa kanila ay para silang mga bata, malambot, may puso.

Naunang umalis si Lance pagkatapos ng agahan. Galing ito sa mayamang pamilya, pero itinakwil siya ng mga ito dahil hindi nila gusto si Sarah para sa kanya. Kahit hindi sanay sa mahirap na buhay ay nagawa ni Lance na humanap ng trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang magina niya. Naikwento din nila sa akin ni kuya na sa Agrupación sila nagkakilala.

Naghihintay ako sa may sala sa paglabas ni Kuya Piero mula sa aming kwarto. Paro't parito ang lakad ko habang naghihintay sa kanyang paglabas. Nahinto lamang ako ng marinig ko na ang pagsara at pagbukas ng pintuan.

"May mission ka nanaman?" Nagaalalang salubong ko sa kanya.

Seryoso ang kanyang mukha ng tumingin sa akin. Tinanguan niya lamang ako na para bang ayaw pa sana niyang sagutin iyon. "Delikado ba?" Pahabol na tanong ko pa.

Hinigit nito ang bewang ko dahilan para magdikit ang aming mga katawan. Hinalikan niya ako sa aking noo. "Charging..." nakangising sabi niya habang nakayakap sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Napakasiraulo niya talaga, akala ko kanina pag labas niya ay galit nanaman siya. Dahil sa kanyang sinabi ay niyakap ko din siya pabalik. "Ilang percent ang full charge?" Nakangiting pangaasar ko sa kanya at pagsakay na din sa kalokohan niya.

Naningkit ang kanyang mga mata na tila mo ay nagiisip talaga siya. Pinapanuod ko lamang siya habang ginagawa niya iyon hanggang sa kaagad niyang angkin ang aking labi. Madiin iyon na para bang sabik na sabik pa din siya kahit pa ilang beses na niya akong nahalikan.

"100 percent" nakangiting anunsyo niya ng maghiwalay ang mga labi namin.

Pagkahiwalay niya sa akin ay kaagad niyang binitbit ang kulay itim na duffle bag na palagi niyang dala dala sa tuwing nagpupunta siya sa Agrupación. Nakita ko pa ang pagsuot niya ng kulay itim na leather gloves.

"Para saan yan?" Tanong ko out of curiosity.

Sandali niya akong sinulyapan habang isinusuot iyon. "Para hindi mabahiran ng dugo ang mga kamay ko" kaswal na sagot niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Alam ko na ang trabaho niya pero sa tuwing inoopen up niya ito sa akin ay hindi ko pa din maiwasang hindi mabigla.

Mula sa aking pagkabato ay muli niya akong hinalikan sa noo. "Hintayin mo ang paguwi ko, wag kang lalabas dito" pangaral niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Napangisi siya. Kita ko ang pagsulayap nito sa nakaupong si Rochi sa may sofa. "Next time marami na kayong maghihintay sa paguwi ko" sabi niya pa sa akin na nakataas ang isang kilay.

Napakurap kurap ako sa pinagsasabi niya. "Aanakan kita ng madami, para may kasama ka dito sa tuwing nasa trabaho ako" seryosong sabi pa nito na para bang kayang kaya niyang gawin iyon ngayon din mismo.

Bayolente akong napalunok, halos manuyo ang aking bibig at lalamunan. Muli siyang napangisi. "Aalis muna ako, Love..." paalam pa niya at tsaka na lumabas ng bahay.

Nakatanaw ako mula sa may front door ng sumakay ito sa kanyang kulay itim na civic. Hindi ko lubos maisip na kaya ni Kuya Piero ang payak na pamumuhay gayong kayang kaya niyang maging mas mataas pa, kaya niyang maging kung ano man ang gustihin niya. Pero mas pinili niyang lumayo sa karangyaan na meron ang pamilya nila.

Dahil ako lang magisa ang naiwan sa bahay ay nagligpit na lamang ako. Nilabhan ko na din ang mga damit namin. Sinubukan ko ding manuod ng mga cooking tutorials sa may internet para may magluluto na dito sa bahay at hindi na kailangan pang bumili sa labas.

Nang makakita ako ng madaling gawin at lutin ay nagpasya akong magtungo sa bayan para bumili ng mga ingredients na kakailanganin ko. May iniwang pera si kuya Piero incase of emergency daw kaya naman yun ang ginamit ko para bumili ng nga sangkap. Balak ko siyang lutuan ng siningang dahil sa lahat ng pinanuod ko ay mukhang iyon ay mas madaling lutuin para sa beginner na katulad ko.

"Dito ka na sa akin palagi bumili ha..." sabi sa akin ng aleng pinagbilhan ko ng baboy.

Nginitian ko siya at tinanguan. Binigyan kasi ako nito ng discount para makaanyaya ng mga bagong costumer. Pagkatapos nuon ay nagtungo ako sa bilihan ng mga gulay, pero bago pa man ako makapunta duon ay napadaan na ako sa mga frozen goods.

"May Kikiam po?" Tanong ko sa ale.

Limang balot na ng kikiam ang binili ko para kay Kuya Piero. Halos nitong nakaraang araw puro ang gusto ko na lamang ang binibili niya, nagawa pa niyang bumili ng freezer para may paglagay ng ice cream para sa akin kahit pa wala na siya halos pera.

Ngiting ngiti ako palabas ng palengke dahil sa surpresa kong Kikiam para sa kanya. Lulutuin ko iyon mamaya bago siya dumating. Dahil sa init ay sandali akong sumilong sa may tindahan at bumili ng palamig. Sa tabi nuon ay isang karinderya. Madami din ang kumakain duon, mukhang masarap silang magluto kaya naman madami silang costumers. Pero bukod duon ay kaagad kong napansin ang maliit na karatulang nakapaskil sa labas.

Wanted Dishwasher

Hindi na ako nagdalawang isip pang kuhanin ang maliit na karatulang iyon at pumasok sa loob para magtanong.

"Naghahanap pa po ba kayo ng taga hugas?" Tanong ko sa may babaeng nasa likod ng nga estante ng ulam.

Mataray niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Wag mo sabihing magaapply ka?" Masungit na tanong pa niya sa akin.

Nagawa ko pa din siyang ngitian kahit ang sungit niya sa akin. "Opo sana" sagot ko na ikinataas ng kanyang kilay.

Ilang discrimination ang natanggap ko mula sa kanya. Ilang beses niyang sinubukang ipamukha sa akin na hindi ko kaya ang trabaho na iyon. Marahil dahil sa itsura ko at pagiging mahinhin. "Kailangan dito yung mabilis kumilos" sabi pa niya na kaagad kong tinanguan.

"Kaya ko po, makakaasa po kayo" paninigurado ko pa sa kanya. Pero muli lamang niya akong tinaasan ng kilay at tsaka inismiran.

Mas lalong dumoble ang ngiti ko habang pauwi. Dalawa hanggang sa tatlong daan ang maiuuwi ko sa isang araw depende sa dami ng tao. Bukas kaagad akong magsisimula. Alas diyes hanggang ala sais ng gabi ang pasok ko dahil sa loob ng nga oras na iyon madaming tao at hugasin.

Bago pa ako umalis duon kanina ay muling nagbanta si Aling Chona. Anak siya ng may ari ng lumang karinderya na talaga namang binabalik balikan ng mga tao duon lalo na ang kanilang kulay dilaw na lugaw.

Pasado ala una na ako nakarating sa bahay dahil na din sa pakikipagusap ko kay aling chona. Naisip kong mamayang na lang iluto ang sinigang para sa hapunan. Nagbukas ako ng delata para ulam sa aking tanghalian. Hindi pa rin kasi sigurado kung kailan ang balik ni Lance dahil kailangan din siya ng kanyang pamilya sa bulacan.

Matapos kumain at makaligo ay nakatulog ako ng hapon na iyon. Alasingko na ako nagising at kaagad na nagluto ng hapunan para sa aming dalawa ni Kuya Piero. Sinunod ko ang napanuod ko sa internet kung paano lutuin iyon. Habang pinapakuluan ay kaagad akong nag prito ng isang pack ng kikiam.

"Nandito na ako" anunsyo ni Kuya Piero. Napatingin ako sa orasan at nakitang pasado alasais imedya na ng gabi at hindi ko man lang napansin ang kanyang pagdating.

Saktong naghahanda na ako sa may lamesa kaya naman kaagad itong lumapit sa akin at tsaka humalik. Kita kong ang pagkamangha sa kanyang mga mata. "Ikaw nagluto niyan?" Tanong pa niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Kaagad na nagaya ito na kumain. Pareho kaming umupo pero imbes na ako ang magsilbi sa kanya ay siya na mismo ang naglagay ng kainin at ulam sa aking plato. "Hindi ko alam kung masarap yan, wala naman kasi akong alam na lutuin nung sa Hongkong kundi noodles" laban ko sa kanya para naman alam na kaagad niya na baka hindi iyon ganuon kasarap.

Nginitian ako nito. "Tsaka kung hindi mo magustuhan, nagluto na lang ako ng Kikiam" pahabol ko pa.

"Hindi ko pa nga natitikman, ang defensive mo masyado..." nakangising puna niya sa akin.

Napanguso na lamang ako. "I'm so proud of you Sachi, hindi na sunog ang Kikiam mo" pangaasar niya sa akin kaya naman napasimangot ako.

Hindi ko alam kung totoong nagustuhan ni Kuya o baka sinasabi niya lang na masarap para hindi ako masaktan. Pero halos maubos niya ang ulam na niluto ko para sa kanya maging ang kikiam. Sandali siyang nagpaalam sa akin na maliligo pagkatapos kumain kaya naman ako na ang ligpit ng mesa at naghugas ng plato.

Nagtatalo ang aking isipan habang ginagawa ko iyon. Hindi ko kasi alam kung kailangan ko pang sabihin kay Kuya Piero ang pagtratrabaho ko o isisekreto ko iyon sa kanya.

Saktong tapos kong maghugas ng lumabas siya ng kwarto. Wala itong suot na pangitaas, tanging kulay asul na basketball shorts lang ang suot niya. Sinusukalay suklay pataas ng kanyang kanang kamay ang basang buhok. Ang kaliwang kamay naman nito ay nay hawak na maliit na paper bag na kaagad niyang iniabot sa akin.

"Ano po ito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang aking mga mata ng makitang android phone iyon. "Hala kuya, hindi ko naman po kail..."

Pinutol niya kaagad ang pagrereklamo ko. "Kailangan mo iyan, para macontact kita palagi pag nasa trabaho ako. Pagtyagaan mo muna iyan, ibibili kita ng mas mahal pag nakaipon ako" paliwanag niya pa sa akin.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko, marami siyang utang at problema pero nauuna pa niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ko.

"Halos lahat kasi ng sahod ko, pambayad utang" dugtong pa niya sa akin.

Imbes na sagutin siya ay niyakap ko na lamang siya. Mahigpit iyon, napakabuti ni Kuya Piero.

"Thank you Kuya" emosyonal na sabi ko sa kanya.

Mahina itong napatawa. "Maliit na bagay lamang iyan sa kung ano pang kaya kong ibigay sayo Sachi. Sabi ko nga sayo, kahit maubos ako" paalala niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko para sa kanya.

Sa huli ay mas pinili kong isekreto na lamang kay Kuya Piero ang pagtratrabaho ko sa may karinderya. Hindi naman niya iyon malalaman dahil mauuna akong makauwi sa kanya. Naisip ko din kasing hindi ako papayagan nito sa oras na malaman niya.

"Ginawan kita ng Sandwich Kuya..." pahabol ko sa kanya kinaumagahan bago siya umalis.

Naputol ang pag ngiti niya at kaagad na napangiwi. "Stop Calling me Kuya. Umuwi ako sayo na parang magasawa tayo tapos tatawagin mo akong Kuya" inis na pangaral niya sa akin.

"Sorry...eh anong itatawag ko sayo?" Tanong ko pa.

Imbes na sumagot ay napaiwas siya ng tingin. "Ikaw, kung anong gusto mo" pagpapaubaya niya.

Napangiwi ako sa pagiisip. Dahil sa tagal ng aking pagiisip ay nainip na ito. "Aalis na ako" inis na paalam niya pa.

Dahil sa pagtatampo ay nagdalawang isip pa ito kung hahalik siya sa akin o hinde. Pero sa huli ay siya din ang sumuko. Hinalikan niya ako sa noo at sandali sa aking labi. Tatalikod na sana siya ng kaagad akong magsalita.

"Magiingat ka love..." nahihiyang sabi ko pa. Napatigil ito sa paghakbang.

Dahan dahan niya akong nilingon at tumalim ang kanyang nga tingin. "That' better than Kuya" pagsuko na lamang niya kaya naman napangiti na lamang ako.

Hindi din nagtagal pagkaalis ni Kuya Piero ay nagayos na ako para pumunta sa bayan at magtrabaho sa Karinderya. "Aba ang aga mo" puna sa akin ni aling Chona.

Matamis ko lamang siyang nginitian. "Excited lang po ako sa unang araw ng trabaho" sagot ko sa kanya.

Halos mabilaukan ito sa kanyang sariling laway at tsaka mapanuyang ngumisi ng makabawi. "Anong nakakaexcite sa paghuhugas ng plato?" Natatawang tanong niya sa akin at tsaka ako inirapan.

Naramdaman ko ang bigat ng paghuhugas ng masimulang dumoble ang dami ng costumer ng magtanghali. Kung hindi dahil sa suot kong apron ay baka nabasa na ng tuluyan ang aking suot na damit. Wala ding rubber gloves kaya naman halos mangulubot na ang kamay ko sa tagal na nakababad sa tubig.

Hindi pa ako tapos maghugas ng kaagad na pumasok si Aling Chona na may dala dalang balde na puno ng hugasin. "Ano kaya pa?" Panghahamon niya sa akin.

Napabuntong hininga ako at tsaka pilit na ngumiti sa kanya. "Kaya po" sabi ko pa.

Halos alastres imedya ng tuluyang maubos ang hinuhugasan kong plato. Napangiwi ako dahil sa sakit ng likod. "Sachi, kumain ka na...kumuha ka na lang ng ulam sa labas" sigaw ni aling Chona sa akin.

Sandali akong nagpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at nakitang may mga text duon si kuya Piero. Nagtatanong ito kung kamusta at anong ginagawa ko. Napanguso akong pinatay ang cellphone. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Kumain ako ng tanghalian. Libre iyon kay aling chona, ang kaso ay swertihan na lang kung may matira sayong gusto mong ulam. Halos araw araw kasi ay ubos ang mga luto nila. Sa huli ay tilapia na lang ang nakuha ko. Ang ilang trabahador niya ay kumakain na din.

"Kamusta ang unang araw?" Lapit sa akin nung isang lalaking sabi nila ay anak ni aling Chona.

Tipid ko lamang siyang nginitian. "Ayos lang po" tipid na sagot ko sa kanya.

Imbes na umalis ay umupo pa ito sa kaharap kong upuan habang sumisimsim ng kanyang softdrinks. "May boyfriend ka na ba?" Diretsahang tanong niya sa akin kaya naman mabilis akong napainom ng tubig.

Naikuyom ko ang aking kamao. Ni hindi pa nga ata alam nito ang pangalan ko. Tapos kung makapagtanong kung may boyfriend na ako. Ang kapal ng mukha.

"Wala po..." sagot ko dahilan para lumaki ang ngiti sa kanyang labi.

"Pero may asawa na po ako" dugtong ko pa kaya naman nagulat siya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad din siyang umalis. Duon na ako nakahinga ng maluwag. Nagsara ang karinderya ni Aling chona sakto ala singko ng hapon. May binibenta pa kasi itong pang mirienda kaya naman kahit ubos na ang ulam ay may mga dumatdating pa ding costumers. Sikat at kilala ang kanyang halo halo.

Ala sais ng makalabas ako duon. Natapos ko lahat ng hugasin ko kaya naman dumiretso ako sa loob ng palengke para tumingin kung ano ang pwede kong lutuin sa hapunan namin ni Kuya Piero ngayon. Muli akong nakatanggap ng message sa kanya na pabalik na siya galing sa pampanga.

Imbes na magtanong kung anong ginawa niya sa pampanga ay nagtext na lang ako na magingat siya. Dahil wala na din namang oras ay bumili na lamang ako ng relyenong bangus. Nakakita ako ng bilihan ng prutas kaya naman bumili na din ako duon. Habang naglalakad palabas ng palengke ay nakaramdam ako ng kakaiba. Sinubukan kong lingonin kung sino ang kasunod ko, pero mga normal na tao lamang iyon, mga hindi kahinahinala. Kaya naman sa takot ay mas binilisan ko ang aking lakad.

Dahil alasais na ng hapon ay palubog na din ang araw. Paunti na din ang mga tao sa palengke. Ilang hakbang mula sa labasan ng palengke ay may nakita akong nakatayong lalaki. Nakaitim na jacket ito at nakasumbrero. Sinubukan kong kilalain ang bulto ng kanyant katawan, ngunit kaagad din akong natakot ng naglakad ba siya palapit sa akin. Sinubukan kong tumakbo pero naabutan niya ako.

"Anak..." tawag niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Papa" emosyonal na tawag ko sa kanya at tsaka kaagad na yumakap sa kanya.

Ilang beses akong humingi ng tawad sa kanya dahil sa hindi ko pagsama. "Hindi kita pipiliting sumama ngayon, pero isipin mo sanang delikado para sayo pagnalaman ni Piero ang totoo" nagaalalang sabi niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. "Pero Papa..."

Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Anak, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para maintindihan mo. Baka mapatay ka pa ni Piero pag nalaman niya" madiing sabi niya sa akin.

Mariin akong napapikit. "Hindi ko po siya kayang iwanan" nahihiyang sabi ko kay Papa na ikinalaki ng mata niya.

"Hindi pwede" giit niya sa akin.

Napahikbi ako sa dahil sa emosyon. "Hindi pwede anak, baka hindi kayanin ng puso mo..." paalala pa niya.














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro