Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Bumalik na ako





Pagkauwi namin sa condi ni Piero ay kaagad akong dumiretso sa aking kwarto. Kahit wala akong kama duon hindi katulad ng kwarto ko sa bahay nila Lance sa bulacan ay ayos lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas kumportable ako dito lalo na at malapit ako kay Piero. Marahil ay dahil tumatak sa aking isip ang sinabi ni Papa, ligtas ako kay Piero.

Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon, kahit walang kama at malinis na kwarto, kampante ako. Kaya naman maganda ang naging gising ko kinaumagahan.

"Good Morning po Master..." nakangiting bati ko kay Piero pagkalabas niya ng kanyang kwarto.

Inirapan lamang ako nito kaya naman ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawang pagwawalis. Dumiretso siya sa may kusina at tsaka ginawa ang karaniwan niyang ginagawa tuwing gigising siya, gagawa ng kape sa coffee maker, pupunta sa ref at kukuha ng mansanas.

"Ayos na ba yang balikat mo?" Tamad na tanong niya sa akin puna sa aking pagwawalis.

"Wag kang magalala, ayos na ako. Kaya ko ng..." hindi na niya hinintay pang matapos ang sasabihin ko ng kaagad nanaman siyang napairap.

"Magpapaliwanag pa amputa, hindi ako nagaalala sayo. Baka mamaya ay mas grabe pa yang abutin ng pilay mo dagdag gastos nanaman" inis na sabi pa niya sa akin at tsaka ako tinalikuran para kuhanin ang kape niya.

Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin, itinaas ko ang walis at umaktong papaluin siya. "Sungit" inis na bulong ko.

Matapos kumain ni Piero ng kanyang almusal ay muli itong pumasok sa kanyang kwarto. Matagal siya bago lumabas ulit, at paglabas nito ay nakabihis na siya.

"Tandaan mo, wala kang papapasukin na kahit sino" muli pa niyang pagpapaalala sa akin.

Napatango tango na lamang ako. Nagulat ako ng ibinigay nito sa akin ang key card ng kanyang condo na may kasamang pera. "Marami akong trabaho, ikaw na ang mag grocery para dito ng may silbi ka man lang" tamad na sabi pa niya sa akin na para bang nakahilata lang ako buong araw dito.

Itinaas niya ang kanyang hintuturo sa harap ng aking mukha kaya naman halos maduling ako sa pagtingin duon. "Bumalik ka kaagad naiintindihan mo? Wala ka ng pupuntahang iba" paalala pa niya sa akin na may kasamang pagbabanta.

Napatango tango na lamang ako. Itinuro din sa akin nito kung paano ako makakapunta sa pinakamalapit na grocery. Walking distance lamang iyon mula sa tower ng condo ni Piero. Hindi naman ako nagalala dahil magaling ako sa mga directions.

Tiningnan pa muna ako nito mula ulo hanggang paa bago siya tuluyang lumabas ng condo. Kung makatingin ito ay parang nagaalinlangan pa siya sa desisyon niyang palabasin ako. Matapos kong magawa ang lahat ng gawaing bahay ay kaagad akong naligo at nagbihis para lumabas at mag grocery.

Grabe yung tibok ng puso ko at excitement dahil sa wakas ay makakalabas na din ako. Binati ako ng guard pagkalabas ko ng building. Napatingin ako sa langit, ang ganda ng panahon ngayon. Ngiting ngiti akong naglakad sa kahabaan ng East Wood. Paglabas ko pa lamang ay pinalibutan na kaagad ako ng mga nagtataasang building at malls.

Sinunod ko ang instructions ni Piero sa akin kung saan ako makakapaggrocery. Hindi naman ako nahirapang mahanap iyon. Pero kaagad akong napatakbo ng makakita ako ng payphone sa loob ng isang convinient store. Kaagad kong idinial ang phone number nina Papa sa may noodles house. Nagriring pa lang ang telepono ay naiiyak na ako.

Hindi nagtagal ay sumagot ito. "Papa!" Pagburst out ko. Nakuha ko tuloy ang atensyon ng ibang mga costumers maging yung ate na nasa may counter. Hindi ko na lamang sila pinansin lalo ng marinig ko din ang pagiyak ni Papa sa kabilang linya.

"Miss na miss na miss ko na po kayo!" Punong puno ng pangungulila na sabi ko sa kanya.

"Kami din anak, wala kaming ginagawa kundi ang isipin kung ano na ang nangyari sayo diyan" sabi pa sa akin ni Papa sa kabilang linya.

Halos hindi kami matigil sa pagkakamustahan. "Basta po Papa, wag kayong magalala dito. Ayos lang po ako, medyo masungit lang si Piero pero pinakain naman po niya ako" paniniguradong sabi ko pa dito dahil lang beses niya akong tinanong kung nakakakain ba ako ng maayos.

"Salamat naman kung ganuon, kumuha pa ako ng isang trabaho. Kaunting tiis na lamang anak, makakasunod din kami diyan ni Akie" sabi niya sa akin kaya naman napadaing ako at napapadyak pa sa aking kinatatayuan.

"Papa naman! Hindi mo na po kayo ang isa pang trabaho." Paalala ko sa kanya.

Hindi siya nakinig sa akin kaya naman kaagad na bumigat ang dibdib ko dahil dito. Bago ako magpaalam sa kanya ay hindi ko naiwasang maitanong ang tungkol kay Sachi.

"Papa, kilala mo ba yung Sachi? Kasi iniisip ni Piero na ako iyon." Kwento ko pa sa kanya kaya naman narinig ko ang pagtahimik ni Papa sa kabilang linya.

"Papa?" Tawag ko sa kanya ng tumagal ang kanyang pananahimik.

"Wa...wala anak, hindi ko kilala iyon" sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Naguguluhan na nga din po ako. Kasi kung makatingin siya sa akin parang nakikita niya si Sac..."

"Pasencya na anak, madaming costumers dito sa noodles house. Basta at magingat ka lagi diyan. Mahal na mahal ka namin" nagmamadaling paalam niya sa akin at hindi na pinatapos ang tanong ko sa kanya.

Ni hindi na nga ako nakapagpaalam dahil kaagad niyang ibinaba ang tawag. Napanguso na lamang ako kasabay ng pagtulo ng aking luha. "Kawawa naman ang Papa ko..." malungkot na sabi ko sa sarili dahil wala akong magawa para tulungan siya na makapagipon.

Kinuha ko ang lahat ng nakalagay sa listahan na ibinigay ni Piero sa akin. Nagtaka ako ng makitang may ilang galloon ng ice cream siyang ipinapabili sa akin pero hindi naman siya kumakain. Trip niya lang atang magstock ng ice cream sa freezer niya.

Matapos kong mabili ang lahat ng nakalista duon ay dumiretso ako pauwi pabalik sa condo kagaya ng bilin ni Piero na dumiretso ako uwi. Ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa condo ay kaagad na nabutas ang isa sa mga plastick na hawak ko. Kaagad akong napasigaw sa frustration. Tatlong plastick kasi iyon at hinawakan ko lamang iyon gamit ang kaliwang kamay ko dahil na din sa kundisyon ng aking kanang kamay.

Gumulong sa kung saan ang ilang mga ipinamili ko. Tiningnan at dinaanan lamang ako ng ilang mga tao na mukhang walang oras na tumulong at nagmamadali. Hindi nagtagal ay may lumapit sa akin na dalawang lalaki, pormal ang suot ng mga ito at mukhang hindi naman silang masamang tao.

"Salamat po" sabi ko sa kanila ng tumulong silang magpulot sa akin.

Nginitian lamang ako ng isa sa kanila. "Ihatid ka na namin sa inyo, kami na ang magbubuhat niyan" pagprepresinta nita.

"Naku wag na po" pagtanggi ko pero kaagad niyang kinuha ang mga dala ko.

Nagulat ako ng kaagad silang naglakad na dalawa patungo sa tower. Halos hindi ko masabayan ang lakad nilang dalawa dahil sa lalaki ng hakbang nila. Inihanda ko na ang aking sarili, may kutob kasi ako na baka itakas nila ang mga pinamili ko kaya naman sisigaw talaga ako ng magnanakaw.

Naguilty ako dahil sa naisip ng huminto sila sa harapan ng entrance ng tower. Hindi kasi sila basta basta papapasukin ng mga guards. "Ka...kasama ko po sila" sabi ko sa guard kaya naman hinayaan silang makapasok.

Magaan naman ang pakiramdam ko sa mga ito. Hindi naman din sila nakakapanghinala kaya naman hinayaan ko na lamang. "Salamat po sa kabutihan niyo" sabi ko pa sa mga ito pero nginitian lamang nila ako.

"Ako nga po pala si Amaryllis" pagpapakilala ko pa sana sa kanila pero kaagad ng tumunog ang elevator pagdating sa tamang palapag.

Nauna akong lumabas para pumunta sa harapan ng condo unit ni Piero. "Dito na lang po, salamat" nakangiting sabi ko sa kanila.

"Pwede bang makiinom?" Sabi ng isa sa kanila.

Kaagad akong nagdalawang isip. Pero naalala ko anh pagtulong nila sa akin kaya naman alanganin akong napatango. Binuksan ko ang pintuan at pumasok duon. Ilang hakbang pa lang ang nagawa namin papasok ng kaagad akong nagulat ng binitawan nila ng walang pagiingat ang mga pinamili ko.

"Kuya bakit mo..." hindi ko na naituloy pa ang tanong ko sa kanya ng kaagad akong mabato ng makitang may hawak itong baril at nakatapat na iyon sa akin.

"Bakit po?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Wag kang sisigaw miss. Ipuputok ko to sa bungo mo" pagbabanta niya sa akin.

Ang isa niyang kasama ay kaagad na dumiretso papasok sa kwarto ni Piero. "Wag!" Sigaw na pagpigil ko.

"Puta, big time pala ang hambog na iyon" nakangising sabi ng kanyang kasama ng dumungaw ito sa may pintuan na may hawak na pera.

Napangisi ang lalaking nasa harapan ko na may hawak ng baril. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para hawakan ang baril na nakatutok sa akin. Nanlaban ako kaya naman nataranta silang dalawa. Inipon ko ang lakas ko para maagaw ang baril sa lalaki, pero masyado akong mahina laban sa kanya. Malakas niya akong itinulak, na out of balance ako kaya naman hindi ko na napigilan ang aking pagkabagsak.

Naunang bumagsak sa sahig ang kanang braso ko. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa gumuhit na sa sakit dahil duon. Napasigaw ko sa sobrang sakit.

"Tapang ng girlfriend ni hambog, wala namang binatbat" nakangising sabi nila sa akin at tsaka sila nagtawanan na dalawa.

Hindi ako nakatayo. Sobrang sakit ng aking kanang braso, para akong hihinatayin dahil duon. Dahil sa aking panghihina ay kaagad na umalis ang lalaking tinutukan ako ng baril at tumulong sa kasama niyang maghalungkat sa loob ng kwarto ni Piero.

"Tingnan na lang natin kung hindi siya itakwil sa agrupacion sa oras na makita ni Big boss ang mga ito" rinig kong paguusap nilang dalawa.

Sinibukan kong tumayo, pero hindi ko na magawa dahil halos hindi ko na maramdaman ang aking kanang braso.

"Tulong!" Malakas na sigaw ko. Paulit ulit akong sumigaw ng tulong kaya naman kaagad na lumabas ang lalaking nanutok ng baril sa akin kanina.

"Aba't..." pagbabanta niya kaya naman kaagad niya akong sinipa sa tiyan. Kaagad akong naiyak at namilipit sa sakit.

Hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa niya ako sa leeg para sakalin. "Papatayin kita eh, makita mo!" Gigil na pagbabanta niya sa akin.

Tahimik akong umiyak habang iniinda ang lahat ng sakit sa aking katawan. Nakarinig pa ako ng ilang pagkabasag sa loob ng kwarto ni Piero. Hindi nagtagal ay may dala dala silang itim na duffle bag paglabas sa kwarto nito. Gusto ko sana silang pigilan ang kaso ay hinang hina na ako.

Nawalan ako ng malay pagkatapos nuon. Ang huling narinig ko na lamang ay ang pagsara at bukas ng pintuan.

"Amaryllis!" Paggising ni Piero sa akin.


Dahan dahan akong nagising dahil sa mahinang pagtapik nito sa aking pisngi. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha. "Anong nangyari dito?" Seryosong tanong niya sa akin.

Kaagad akong nagising dahil sa naramdamang takot. "Pi...pinasok tayo" naiiyak na sagot ko sa kanya.

Hindi kaagad rumehistro iyon kay Piero, kita ko ang unti unting pagsalubong ng kanyang mga kilay bago niya ako padabog na iniwanan at tsaka siya nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto. Umayos ako ng upo habang akay akay ang aking kanang balikat. Napaiktad ako ng marinig ko ang pagkabasag ng kung ano sa loob ng kwarto ni Piero.

Maya maya lamang ay halos tumalon ang puso ko sa takot ng kaagad siyang lumapit sa akin, galit na galit. Walang pagiingat niyang hinaklit  ang kaliwang braso ko para patayuin. Kaagad niya akong isinandal sa may pader bilang suporta.

"Hindi ba't sinabi kong wag kang magpapapasok ng kung sino" madiing sabi niya, ramdam na ramdam ko ang dalit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon.

"Hindi ko sinasadya, tinulungan kasi nila akong ma..." hindi niya na ako pinatapos dahil kaagad niyang sinuntok ang pader sa aking galid.

"P*tangina Amarylli napakatanga mo!" Asik niya sa pagmumukha ko kaya naman napapikit ako.

"Ang tanga mo!" Paguulit pa niya, gigil na gigil. Itinaas niya ang kanyang kamay para sana sampalin ako.

Pero napahinto siya ng mapatitig sa aking mukha. Titig na titig nanaman siya dito na para bang kahit galit na galit siya ag hindi niya kayang saktan ito.

"Lumayas ka" sabi niya pagkababa ng kamay niya mula sa ere.

"Piero..." umiiyak na tawag ko sa kanya.

Nagiwas siya ng tingin, habol habol pa din niya ang kanyang hininga. "Umalis ka na, hangga't kaya ko pang hindi ka saktan" malunanay na pagbabanta niya sa akin.

Kaagad na tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata. "Wala akong ibang pupuntahan" pumiyok na sabi ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit. "Umalis ka na" paguulit niya. Bayolente akong napalunok.

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan siya sa braso. "Wala akong pupuntahan, parang awa mo na" pakiusap ko pa sa kanya. Natatakot ako, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayong gabi.

Bayolente niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Mabilis itong umalis sa aking harapan, pumasok siya sa aking kwarto at kinuha ang backpack ko. Iniabot niya iyon sa akin at kaagad akong hinila palabas sa kanyang condo. Hindi na ako nakapagsalita pa, umiyak na lamang ako ng umiyak hanggang sa malakas niyang isinara ang pinto pagkalabas ko.

Nanghihina kong pinulot ang ilang mga gamit na nahulog mula sa aking backpack. "Piero..." mahina at umiiyak na tawag ko sa kanya kahit pa sarado na ang pinto.

Umalis ako duon kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hawak hawak ko ang backpack ko gamit ang aking kaliwang kamay. Pinagtitinginan ako ng ilang nakakita sa akin. Sa may maliit na park malapit duon ay nanghihina akong napaupo sa isa sa mga bench.

"Kaya mo to Amaryllis, matapang ka di ba?" Pagpapalakas ko sa aking sariling loob.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. "Gusto ko ng bumalik ng Hongkong, okay lang kahit nakakulong" umiiyak na sabi ko pa.

Ilang oras pa akong nagtagal duon. Bago ako nilapitan ng guard. "Naku miss, bawal matulog dito. Isasara na ang park" sabu niya pa sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko. Plano ko pa namang duon matulog ngayong gabi.

"Kahit ngayon lang po?" Pamimilit ko pa.

Napakamot siya sa kanyang batok. "Hindi talaga pwede miss, masesesante ako niyan eh" pamomorblema pa niya kaya naman tumango na lamang ako at nanghihinang naglakad palayo duon.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga dumadaang sasakyan sa may kalsada. Kung magpasaga na lang kaya ako duon? Para matapos na ang paghihirap ko. Pero sa huli, alam ko sa sarili kong hindi ko kaya iyon. Hindi ko kayang iwan sina Papa at Akie. Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi ako pwedeng mamatay sa pangalawang pagkakataon.

Dahil wala ako sa aking sarili ay hindi ko nakita ang babaeng makakasalubong ko. Kaagad akong bumangga sa kanya. "Shit" asik niya ng tumapon sa kanyang damit ang hawak na malamig na kape.

"Sorry po, Sorry po" natatarantang paumanhin ko sa kanya.

Akala ko ay sisigawan na ako nito. Nagulat ako ng mabato siya habang nakatingin sa akin. "Sachi?" Tawag niya sa akin.

Natigilan ako. "Amaryllis po ang pangalan ko" sabi ko sa kanya kaya naman napatawa siya at kaagad na pinahiran ang luha sa kanyang mga mata.

"I'm sorry. Kamukhang kamukha mo ang pinsan ko" namamanghang sabi niya.

Hindi na lamang ako umimik pa. "Sorry po ulit sa nangyari" tukoy ko sa kanyang damit.

"Wala iyon. By the way, I'm Xalaine...Xaline Herrer" pagpapakilala niya sa akin. Pinagmasdan niya ang aking ekspresyon na para bang may hinihintay siyang reaksyon sa akin pagnarinig ko ang kanyang pangalan.

Tipid ko siyang nginitian. "Amaryllis Guevarra po" sagot ko sa kanya.

Akala ko ay duon na matatapos ang lahat, pero hindi ito pumayag na umalis ako kaagad. Niyaya pa niya akong kumain sa malapit na restaurant. "You know what, kung ipapakita kita ngayon sa buong pamilya namin, siguradong iisipin nilang ikaw talaga si Sachi" kwento niya sa akin habang patuloy na namamangha.

Tipid ko lamang siyang nginitian at tsaka iginala ang tingin sa buong restaurant. Halatang mamahalin duon. "Sorry wala akong pambayad sa pagkain dito" sabi ko pa sa kanya.

Napatawa siya. "My treat, dahil kasama kita ngayon. Feeling ko kasama ko ulit si Sachi, i really miss her" malungkot na sabi pa niya sa akin.

Madaming tanong si Xalaine sa akin na tipid ko na lamanh sinagot. Bilin din kasi sa akin ni Papa na wag ako basta basta magtitiwala kahit kanino. Napansin din niya ang aking braso kaya naman hindi ko na napigilan ito ng nagkusa na siyang dalhin ako sa hospital.

"Who did that to you?" Nagaalalang tanong niya sa akin habang binabalutan ng nurse ng benda iyon. Nakaupo ako sa may hospital bed habang nakatayo naman si Xalaine sa aking gilid.

"Nahulog ako sa kabayo" kwento ko sa kanya.

Napawow ito. "You must be rich too!" Akusa niya sa niya akin na kaagad kong inilingan.

"Mayaman sa utang" natatawang sagot ko sa kanya.

Natahimik ito at muling napatitig sa aking mukha. "Alam mo, kung sasabihin mo sa akin ngayon na si Sachi ka. Hindi ako magdadalawang isip na maniwala. But, without that bangs ofcourse" nakangising sabi pa niya.

Malungkot akong napangiti. "Hindi ko alam kung gaano ko ba kamukha si Sachi, pero madaming nagsabi, inakala nila na si Sachi ako" kwento ko sa kanya.

Kaagad niyang kinuha ang cellphone sa loob ng kanyang bag. "I have here yung family picture nina Sachi" sabi niya sa akin habang may pinipindot sa kanyang cellphone.

Ipinakita ni Xalaine iyon sa akin, nang makita ang mga tao sa sinabing family picture ay para akong naninag, may naramdamang kakaiba. Bumigat ang aking dibdib dahil dito, hindi ko alam pero kumirot ang puso ko.

"May problema ba?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong nagiwas ng tingin dito.

"Wa...wala" sagot ko sa kanya.

Pass eleven ng lumabas kami ng Hospital. "Can i have your number?" Tanong pa niya.

"Wala akong cellphone eh" sagot ko. Dala ko ang cellphone ko sa bag ko, pero wala naman iyong simcard na pwede kong gamitin dito sa pilipinas.

Napanguso ito. Malungkot siyang nagpaalam sa akin, pero bago pa man siya sumakay sa kanyang sasakyan ay humabol pa ito ng yakap na ikinagulat ko.

"Gustong gusto kong yakapin si Sachi ng ganito kahigpit" emosyonal na sabi niya sa akin habang yakap niya ako.

Nakaramdaman ako ng awa para kay Xalaine. Parang si Piero ay kita ko ang pangungulila nila kay Sachi. Muli akong bumalik sa condo ni Piero. Takot akong magstay sa kalsada. Pagod kong tiningnan ang nakasaradong pinto. Maingat akong umupo sa gilid ng pintuan at tsaka niyakap ang aking dalang back pack. Salamat kay Xalaine, hindi ako matutulog ng gutom ngayon.

Titig na titig ako sa pader sa aking harapan. Napahawak ako sa aking dibdib ng muli kong maalala ang kakaibang naramdaman ko ng ipakita ni Xalaine sa akin ang family picture nila Sachi.
Napakunot ang noo ko ng isiping nanduon din si Piero. Anong ibig sabihin nuon? Magkapatid sila? Gusto ni Piero ang kapatid niya?

Nawala ang malalim kong pagiisip ng kaagad na napatingin ako sa dulong hallway. Nagulat ako ng makita ko si Piero, matalim siyang nakatingin sa akin. Dahan dahan akong tumayo para salubungin siya.

"Piero..." natatakot na tawag ko sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa akin.

Kaagad niyang binuksan ang pintuan at hinila ako papasok duon. Isinandal niya ako sa pintuan pagkasara nuon. Dahil sa lapit ni Piero sa akin at amoy na amoy ko ang alak sa kanyang bibig. Lasing ito, namumula ang kanyang mga mata.

"Kanina pa kita hinahanap..." sabi niya sa akin. Muli ay diretso nanaman ang tingin niya sa aking mga mata.

Bumigat ang dibdib ko dahil sa itsura ni Piero. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Hindi ako tumigil sa paghihintay sayo, araw araw pa din akong umaasa na babalik ka" emosyonal na sabi niya sa akin.

"Mahal na mahal kita Sachi, hindi ka kailanman namatay sa akin" pumiyok na sabi niya.

Dahil sa kalasingan ay napayakap siya sa akin at napasubsob sa aking balikat. "Bumalik ka na" umiiyak napakiusap niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bayolente akong napalunok habang dahan dahang kong itinaas ang kamay ko para marahang hawakan ang kanyang likuran para patahanin siya.

"Bumalik na ako..." emosyonal na sabi ko sa kanya.

















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro