Chapter 14
Si Jules, Si Cairo
Dahil sa tagpong iyon ay kaagad na sumingit si Lance sa aming pagitan.
"Pre tama na yan" suway niya dito at kaagad na tinanggal ang mahigpit na pagkakakapit ni Piero sa akin.
Nagtagumpay si Lance na maihiwalay ito sa akin. Kaagad akong napayuko at napahawak sa braso kong halos malamog dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Ano bang nangyayari dito?" Naguguluhang tanong ni Lance sa amin.
Hindi ako sumagot nanatiling nakayuko. "Iiwan ko yan dito, kayo na ang bahala sa kanya. Ayoko na siyang makita" galit na sabi ni Piero kaya naman napanguso ako. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko dahil sa kanyang sinabi.
"Paano yung mga gamit k..." hindi ko na naituloy ang tanong ko ng muli nanaman itong sumigaw.
"The hell i care" asik niya.
Kaagad siyang nilapitan ni Lance, hinawakan sa braso at kinausap ng malumanay para pakalmahin. Nakinig siya sa sinasabi ni Lance pero hindi pa din maiwasan ang matalim na pagsulyap niya sa akin.
Pasimple akong kumuha ng tikoy habang naguusap silang dalawa, paborito ko talaga iyon at ang gawa ni Sarah ay sobrang nakakatakam. Kagat labi akong kumuha ng isa, dahan dahan para hindi niya ako mahalata. Susubo na sana ako ng kaagad akong mapatingin kay Piero na nakanganga ngayon habang nakatingin sa akin. Napanguso ako, labag sa loob kong binitawan iyon. Nakakainis.
Magana akong kumain ng tanghalian, masarap magluto si Sarah kaya naman siguradong mapaparami ang kain ko. "Anong ginagawa mo sa Hongkong, Amaryllis?" Tanong ni Lance sa akin, parang hindi pa nga ito sigurado na tawagin akong Amaryllis.
Napainom ako ng juice para malunok ng mabilis ang pagkain sa aking bibig. "Madami, maid, waitress, online seller" nakangiting sagot ko dito.
Namangha si Sarah at Lance dahil sa sinabi ko. Palihim akong sumulyap kay Piero pero nakatuon lamang ang kanyang buo ng atensyon sa kanyang pagkain.
"Masipag ka pala" puri ni Lance sa akin.
Napatawa ako. "Kailangan eh" sagot ko na lamang.
Matapos kumain ay nagpahinga lamang kami sandali. Nakaupo ako sa may sala habang kumakain ng tikoy na ginawa kong panghimagas. Kanina pa talaga ako takam na takam duon kaya naman ng iabot sa akin ni Sarah ang isang box ay hindi na ako tumanggi pa. Nakapatong iyon sa aking binti, ngunguya nguya ako habang nakatitig duon, pinagiisipang mabuti kung paano ko iyon kakainin lahat.
"Aalis na ako" anunsyo ni Piero na ikinagulat ko.
Kaagad akong napatayo dala dala ang isang box ng tikoy. "Aalis na tayo?" Tanong ko pa sa kanya.
Tamad akong tiningnan nito. "Ako lang, maiwan ka na dito" tamad na sagot niya sa akin. Napanguso ako, kaagad na nalungkot. Umasa ako na hindi niya siseryosohin ang sinabi niya kanina, na baka nadala lamang siya ng kanyang emosyon.
"Pero Piero..." pagpigil ko sana sa kanya pero inirapan niya na lamang ako.
Natingin siya kay Lance kaya naman kaagad na lumapit si Lance sa akin. "Wag kang mag alala Amaryllis, kami ang bahala sayo dito. Gagawa si Sarah ng maraming tikoy para sayo" pagaalo pa niya sa akin.
Malungkot akong napatingin kay Piero, bagsak na ang aking balikat. "Sama ako..." parang batang sabi ko sa kanya.
Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. "Kayo na ang bahala, aalis na ako" pinal na sabi niya at tsaka siya dirediretsong lumabas duon.
Kaagad akong dumungaw sa may bintana. Malungkot na tinanaw ang paglayo ng sasakyan ni Piero. "Siraulo" malungkot pero may bahid ng inis na sabi ko na lamang sa aking sarili.
Nagulat ako ng marinig ko ang pagngisi ni Lance sa aking likuran. "Wala naman akong ginagawa sa kanya eh" nakangusong pagsusumbong ka sa kanila.
Napangiti Lance. "Kahit naman kasi ako, hindi makapaniwala kamukhang kamukha mo si Sachi, lalo na pag wala yang full bangs mo" paliwanag niya sa akin.
Muli akong nailang at marahas sinuklay ang aking bangs. "Eh anong magagawa ko eh hindi naman talaga ako si Sachi" laban ko kay Lance.
Mas maganda ang ibinigay nilang kwarto sa akin. May kama, may aircon at may sarili banyo. Pero hindi pa din mawala sa isip ko si Piero, kawawa naman siya magisa nanaman siya sa condo niya.
Nakarinig ako ng tawanan mula sa bintana ng aking kwarto. Kaagad kong binuksan iyon at duon ay nakita ko si Lance at Sarah na nagtatawanan sa ilalim ng puno ng mangga. Anduon din ang nakababatang kapatid ni Sarah habang nakabantay kay Baby Larrie.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Tara Amaryllis, kain tayo ng mangga!" Sigaw na yaya ni Sarah sa akin kaya naman kaagad akong tumango at lumabas para sumama sa kanila.
Si Lance ang umakyat sa puno ng mangga, nakatingala kaming dalawa ni Sarah habang naghihintay ng ihuhulog niya. Maya maya ay napahinto kami ng may dumating na lalaki. Matipuno ang pangangatawan nito, matangkad at maamo ang mukha, hindi pa man siya gaanong nakakalapit sa amin ay nakangiti na siya, kung maglakad pa ay akala mo model na nasa runway.
"Jules!" Tawag ni Sarah dito at napakaway pa.
Nakatingin lamang ako sa kanya. "May bisita pala kayo" puna nito tukoy sa akin.
"Ah Oo, kaibigan ni Piero" sagot ni Sarah sa kanya.
Napanguso ako. "Hindi kami magkaibigan, palagi naman akong inaaway nuon" sabi ko pa, napatawa si Sarah maging yung Jules.
Ngiting ngiti siya sa akin. "I'm Jules by the way" pagpapakilala pa niya sa akin.
Tinanggao ko ang kanyang kamay. "Amaryllis" pagpapakilala ko.
Nakisali siya sa amin sa pagkuha ng mangga. Silang dalawa na ni Lance ngayon ang nasa taas ng puno. Nang makakuha na kami ng sapat ay naupo kami sa may lamesa sa ilalim nito, sina Lance at Jules ang nagbalat nuon.
"Nakasakay ka na ba ng kabayo Amaryllis?" Tanong ni Jules sa akin. Napailing ako.
"Tamang tama, madaming kabayo sina Jules. Try mo minsan" sabi pa ni Sarah kaya naman lumaki ang aking mga mata.
"Talaga? Pwede akong sumakay, libre?" Tanong ko sa kanya kaya naman napangisi ito.
"Oo naman, kailan mo ba gusto?" Tanong pa niya sa akin kaya naman kaagad akong naexcite.
"Mamaya!" Sabi ko kaya naman maging si Lance at Sarah ay nagulat.
"Pero hindi ka pwedeng lumabas Amaryllis, mapapagalitan kami ni Piero" pagpigil ni Lance sa akin.
"Wala naman si Piero dito eh, hindi naman niya malalaman" pagsingit pa ni Jules na kaagad kong tinanguan.
Pinaglapat ko ang magkabila kong mga palad sa harapan ni Lance. "Please, isang beses lang" pakiusap ko pa sa kanya.
Napakamot na lamang siya sa kanyang batok. "Isang beses lang ha, malalagot talaga ako duon eh" sabi pa niya sa akin kaya naman napapalakpak ako.
Matapos kumain ng mangga ay kaagad akong sumama kay Jules. Mukha naman itong mabait at kilala naman siya nila Sarah at Lance.
"Sa inyo ba ang mga kabayo na ito?" Tanong ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan.
Napanganga ako. "Ang yaman niyo naman pala" puri ko pa sa kanya pero napakamot lamang ito sa kanyang ulo.
Tinulungan ako ni Jules na makasakay duon. Medyo natatakot pa ako nung una pero nangmaglaon ay nasanay na din ako. May paminsan minsang nabibitawan na ni Jules ang tali ng kabayo. Napapasigaw na lamang ako pagmedyo bumibilis ang galaw nito.
Gumalaw ang ulo nito kaya naman kinabahan ako. "Jules!" Tawag ko dito ng makitang medyo malayo siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng lumakad palayo kay Jules ang kabayo at hindi nagtagal ay bumilis na ang takbo nito.
"Jules!" Sigaw ko. Dahil sa sobrang kaba ay napabitiw ako sa pagkakahawak sa tali at kaagad akong nahulog mula dito. Nagpagulong gulong ako pagkababa.
"Amaryllis!" Nagaalalang sigaw ni Jules sa akin at tsaka mabilis na lumapit sa akin.
Napadaing ako sa sakit dahil sa pagkakatama ng braso ko. "Aray..." umiiyak na daing ko.
Kaagad niya akong binuhat pabalik kina Lance at Sarah. "Fuck, mapapatay ako ni Piero nito eh" pamomorblema nito.
Napaiyak ako dahil sa sakit. Inihiga nila ako sa may sofa. Hindi mapakali sina Sarah at Lance sa kung anong gagawin sa akin. "Don't worry tumawag na ako ng Doctor" pagpigil ni Jules sa pagkataranta ng dalawa.
Ilang sandali lamang ay dumating na ang Doctor na sinasabi nito. Tiningnan niya ako bago niya nilagyan ng benda ang aking kanang balikat pababa sa aking braso. "Mukhang hindi naging maganda ang pagkakabagsak niya..." paliwanag nito sa kanilang tatlo.
Nagbigay ito ng ilang mga gamot. Dahil sa benda na nakakabit sa aking kanang braso ay dahan dahang humupa ang sakit na nararamdaman ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Sarah sa akin.
Tipid ko siyang nginitian, nanatili akong nakahiga sa may sofa. "Medyo ayos na" sagot ko sa kanya.
Kita kong nalihis ang tingin niya sa may bandang noo ko. Nahawi kasi ang bangs ko dahil sa pagkakahiga. "May malaking peklat ka pala sa noo" puna niya dito.
Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang marka ng sugat sa aking noo. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ako nagfull bangs, para itago ang peklat sa aking noo.
"Sabi ni Papa naaksidente daw ako nung bata ako, kaya ayan" kwento ko pa sa kanya.
Napatango tango na lamang si Sarah dahil sa aking kwento. Ilang sandali lamang ay nakayanan ko na ding tumayo. Mukhang umepekto na ang pain killers na ibinigay sa akin ng Doctor.
"May gusto ka bang kainin sa hapunan?" Tanong ni Sarah sa akin ng puntahan ko siya sa kusina.
Napailing ako. "Makikiinom lang" sabi ko pa sa kanya.
Kaagad itong tumayo mula sa pagkakaupo niya at siya na mismo ang nagsalin ng tubig para sa akin. "Salamat" sabi ko pa sa kanya.
Habang naghihiwa ay nakailang sulyap ang nagawa ni Sarah sa akin. Nang hindi na siya nakuntento ay kaagad niyang sinalat ang aking leeg.
"Naku, mukhang lalagnatib ka pa ata" pagaalala niya.
Dahil sa kanyang sinabi ay sinalat ko din ang aking sariling leeg. "Wala to, itutulog ko lang to mamaya" nakangiting sabi ko pa sa kanya at hindi na lamang iyon pinansin.
Hindi nga nagkamali si Sarah dahil nung gabi ding iyon ay inapoy ako ng lagnat. Sobrang bigat ng aking pakiramdam, hindi din ako makagalaw dahil sa sobrang panghihina. Hindi ko iyon sinabi kina Lance at Sarah dahil ayoko silang maabala.
Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa ginaw na nararamdaman, hanggang sa marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan ng aking kwarto. Ni wala akong lakas na dumilat para tingnan kung sino iyon. Nanatili akong nakapikit, nakikiramdam sa paligid.
Lumundo ang kama sa aking gilid, naramdaman kong may umupo duon. Hanggang sa naramdaman ko ang malaking kamay na sumalat sa aking noo. Narinig ko pa ang pag Tsk nito. Maya maya ay naramdaman kong may inilagay ito sa aking gilid, malambot iyon. Hindi na ako nagkaroon pa ng chance na tingnan kung sino iyon dahil kaagad na din akong kinain ng antok.
Mabigat ang ulo ko paggising ko kinaumagahan. Napahawak ako sa aking batok ng maramdaman kong para akong masusuka dahil sa pagkahilo. Bahagya akong napasulayap sa malambot na bagay na nakalagay sa aking tabi at ganuon na lamang ang aking pagkabigla ng makita ko ang kulay green na palaka.
"Rochi..." gulat na tawag ko dito.
Kaagad ko itong kinuha at ikinandong sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito kahit alam kong hindi naman ako sasagutin nuon.
Kahit medyo nahihirapan ay pinilit kong makatayo. Lumabas ako ng kwarto habang dala dala si Rochi. Naabutan ko si Sarah sa may dinning, naglalapag ng mga pinggan.
"Oh Amaryllis, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.
"A...ayos na" paos na sagot ko sa kanya.
Napalingon lingon ako, pilit na hinahanap si Piero kahit hindi naman ako sigurado kung nandito nga siya.
"Bumalik ba si Piero?" Tanong ko kay Sarah.
Tumango tango ito kaya naman parang tumalon ang puso ko. Pero kaagad ding nabawi iyon sa sumunod niyang sinabi. "Pero maagang umalis" sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Bigo kong ibinalik si Rochi sa kwarto. Iniupo ko ito sa aking kama at tsaka kinausap. "Salamat sa pagbabantay sa akin Rochi..." nakangiting sabi ko sa kanya kahit mukha akong tanga dahil sa pakikpagusap ko sa stuffed toys.
Tinawag ako ni Sarah para kumain ng agahan. Hindi pa din natigil ang pagaalala nilang dalawa sa akin kahit magana akong kumain sa harapan nila. Magsasalita pa sana ulit si Lance ng kaagad kaming napatigil lahat ng dumating si Piero. May dala itong paper bag na galing sa isang drug store.
"Oh Piero, tara kumain na tayo" yaya ni Lance sa kanya.
Nagulat ako kaya naman nakatingin lamang ako sa kanya. Sandali ako nitong tinapunan ng tingin bagkatapos ay inirapan din. Tahimik siyang umupo sa aking tabi kaya naman ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain.
"Meet me at the verenda" seryosong sabi ni Piero sa akin matapos niyang sumimsim sa kanyang kape at kaagad na tumayo.
Napaawang ang bibig ko at napatingin kina Sarah at Lance. "Bakit, may nagawa nanaman ba ako?" Nakangusong tanong ko sa kanila dahil baka awayin nanaman ako nito.
Bahagyang napangiti si Lance. "Hala ka, ginalit mo nanaman" pangaasar niya sa akin.
"Bakit ba siya nandito, di ba umuwi na siya ng manila kahapon?" Nagtatakang tanong ko pa.
"Dumating si Piero dito bandang ala una ng madaling araw, sinabi kasi namin ang nangyari sayo" sagot ni Sarah sa akin.
Hindi naman na ako nagtagal pa at kaagad ng sumunod sa kanya papunta sa may Veranda. Naabutan ko itong nakaupo habang nakaharap sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang nandito na ako. Kaya naman sa huli ay tumikhim na lamang ako.
Kaagad niya akong nilingon. "Sit" utos niya sa akin at tsaka itinuro ang upuan sa kanyang tabi.
Umupo ako duon at hinayaan siyang gawin ang gusto niyang gawin. Ang laman ng paper bag na dala dala niya kanina ay mga gamot at panlinis ng sugat.
"Sorry kung sinuway kita kahapon. Kung hindi sana ako lumabas..." paghingi ko ng paumanhin.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Buti alam mo. Napakatigas ng ulo mo...puputulin ko yang bangs mo eh" galit pang pagbabanta niya sa akin.
Napanguso ako at kaagad na hinawakan ang bangs ko. "Ayaw mo ba nitong bangs ko?" Tanong ko sa kanya.
Sinamaan niya lamang ako ng tingin at tsaka inirapan. Ginamot nito ang ilang galos na natamo ko dahil sa pagkakahulog ko kahapon.
"Isaoli mo na si Rochi sa akin, baka mahawa pa iyon sayo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako.
"Sa sakit ko? Magaling na ako" laban ko pa sa kanya.
Muli nanamang umikot ang mata nito. "Sa katangahan mo" sagot niya kaya naman napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Napakasama talaga ng tabas ng dila netong isang ito.
Bago mananghalian ay dumating si Jules, may dala dala itong isang basket ng iba't ibang klase ng prutas. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.
Nginitian ko siya. "Ayos na, medyo kumikirot lang yung balikat ko, pero kaya ko naman" sagot ko pa sa kanya.
Nagulat ako ng hawaka nito ang kamay kong nakapatong sa may lamesa. "Sorry Amaryllis, hindi ko sinasadyang pabayaan kang mahulog sa kabayo" paumanhin niya pa sa akin.
Pero bago pa man ako makasagot kay Jules ay narinig na namin ang pagtikhim ni Piero. Mabilis kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jules dahil sa takot. "I'm thirsty, ikuha mo ako ng maiinom" utos niya sa akin.
Pareho kaming nagulat ni Jules dahil dito. Nang hindi pa din ako tumayo ay nainis na siya. "Hindi mo ba narinig? Hindi ba't katulong kita dito? Ikuha mo ako ng tubig" madiing paguulit niya.
Kaagad akong napatayo para sundin ang utos niya sa akin pero sumabat si Jules. "Teka Piero, hindi pa magaling si Amaryllis" paalala niya dito.
Nagtaas ito ng kilay. "So what? Binabayaran ko siya...trabaho niya iyan" laban nito.
Kaagad kong hinarap si Jules. "Ayos lang ako Jules, tama siya trabaho ko ito" pagsangayon ko dito at kaagad na tumalikod para ikuha ng tubig si Piero.
Nakabusangot akong bumalik sa may veranda kung saan ko sila iniwan ni Jules. Pero pagdating ko duon ay si Piero na lang ang naabutan ko. Ang sama ng tingin nito sa basket ng prutas na ibinigay ni Jules sa akin parang sasabog ang mga iyon ano mang oras dahil sa talim ng kanyang tingin.
"Ito na yung tubig mo" sabi ko sa kanya kaya naman kaagad siyang nagiwas ng tingin duon sa kaaway niyang prutas.
"Ihanda mo na yung mga gamit mo. Isasama kita balik ng manila" sabi niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.
"Yehey!" Masayang sabi ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
"Anong nakakatuwa duon?" Iritadong tanong niya sa akin.
Nailapat ko ang aking mga labi dahil dito. "Wala naman po Sir Piero..." mapanuyang sagot ko sa kanya.
Kita ko ang pagawang ng kanyang mga labi, ramdam na ramdam kong gusto na nitong magmura.
"Call me Master" tamad na utos niya kaya naman tawa ako.
"Master pa ang gus..." bulong ko na hindi natuloy.
"Do i look like a joke to you Amaryllis?" Maypagbabantang tanong niya sa akin.
Kaagad akong napayuko at napailing. "Good, hindi tayo close. Ito ang itatak mo diyan sa kokote mo. Hindi ako mabait, sa oras na makita ko ang tatay mo papatayin ko siya" seryosong sabi pa niya sa akin kaya naman sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam nanaman ako ng pagkabigo.
"Layas, nakakairita ka" sabi niya pa sabay iwas ng tingin.
May sapak ata talaga sa utak si Piero. Minsan mabait, minsan ubod ng sama. Kawawa naman baka hindi mahal ng mama niya.
"Pagbalik mo dito, gagawa ulit ako ng tikoy" nakangiting sabi ni Sarah sa akin ng ihatid nila kami pasakay sa sasakyan.
Nginitian ko siya. "Salamat" sabi ko pa.
Mabigat ang loob ko habang nasa byahe kami pabalik ng manila ni Piero. Dapat sana ay masaya ako, pero nagbago ang lahat ng iyon dahil sa sinabi niya sa akin. Kung totoo mang papatayin niya talaga si Papa sa oras na makita niya ito ay dapat akong umalis sa poder niya.
Kailangan kong makaisip ng paraan para makapagipon at makaalis. Dahil sa dami ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan na huminto ang sasakyan ni Piero sa isang fastfood.
"Baba" utos niya sa akin kaya naman tahimik akong sumunod sa kanya papasok duon. Kaagad siyang pumila habang nakatingala sa may menu. Nakitingala na lang din ako.
"Libre mo ba?" Malumanay na tanong ko sa kanya kaya naman poker face ako nitong nilingon. Magsasalita pa lang sana siya ng kaagad na may tumawag dito.
"Piero!" Sigaw na tawag sa kanya ng isang lalaki. Hindi ko nagawang lingonin iyon dahil sa pamimili ko ng oorderin.
"Cairo what are you doing here?" Gulat na tanong ni Piero sa kanya.
Lilingonin ko na sana ito ng kaagad akong inakbayan ni Piero papalapit sa kanya. Kaagad na sumobsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Girlfriend mo?" Tanong nung tinawag niyang Cairo.
Hindi ito sumagot. "Nice bangs" nakangising puri nito sa akin kahit pa hindi niya naman ako nakita ng maayos dahil sa ginawa ni Piero.
Hindi nagtagal ay umalisnna din ito kaya naman kaagad akong binitawan ni Piero. "May Problema ba?" Tanong ko sa kanya.
Sumama ang tingin niya sa Menu pagkatapos ay muli siyang napatingin sa aking mukha.
"I'm just protecting them, baka pagnakita ka nila isipin nilang si Sachi ka" tamad na sagot niya sa akin.
Napanguso ako. "Kamukhang kamukha ko ba talaga siya?" Namamanghang tanong ko pero hindi na sumagot pa si Piero.
"May Secret akong sasabihin sayo" natatawang sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Kaya naman kaagad kong itinaas ang bangs ko at ipinakita ang noo ko sa kanya.
"May third eye ako" natatawang biro ko sa kanya kaya naman napatitig siya sa peklat ko sa noo.
"Saan mo nakuha yan?" Seryosong tanong niya sa akin.
Nang makita naging seryoso nanaman ito ay mabilis kong inayos ang bangs ko para itago ulit ito. "Naaksidente ako..." sabi ko sa kanya.
"2 years ago?" Tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.
Sandali akong nagisip. "Parang hindi naman. Hindi ko sure, hindi ko na maalala" sagot ko sa kanya.
Hindi nawala ang tingin niya sa bangs ko na para bang kahit may nakaharang na buhok duon ay kita pa din niya ang peklat na ipinakita ko sa kanya.
Hinawakan ko ang noo ko. "Hindi ako nasagasaan 2 years ago, hindi ako namatay 2 years ago, kasi andito ako sa harapan mo" naiilang na paliwanag ko sa kanya. Dahil baka iconnect nanaman nito ang nakita peklat ko kay Sachi.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ang swerte ni Sachi kasi love na love mo siya...nakakainggit. Sana all" biro ko pa dito.
"Shut up. Ang tanga mo sa part na naiinggit ka sa taong patay na" masungit na sabi nanaman niya.
Hindi pa ito tapos. "At tsaka anong sana all? Gusto mong patayin kita ngayon at ipadala ko yang ulo mo sa tatay mo para patas na kami" pagbabanta niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Bakit parang kung makapagsalita ka si Papa ko ang pumatay kay Sachi. Baka nga ikaw pa ang pumatay kasi di ba sabi mo nga mamamatay tao ka" tuloy tuloy na sabi ko, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Nangmarealize ko ang mga sinabi ko ay kaagad akong napahawak sa aking bibig.
"Pagbibigyan kita ngayon, pero sa oras na ulitin mo yan. Hindi ako magdadalawang isip na putulin yang dila mo" pagbabanta pa niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro