Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Sofeia Del Vueno

Kriesthal's POV

"Hoy Krie! San ka pupunta?! Pag ako natapilok dahil sa kakatakbo na may suot na Clarks Kaylin Cara Black Patent. Malilintikan ka sakin!" sabi ni Bella sakin.

Hinabol niya kasi ako matapos kong tumakbo palabas nang classroom kanina.

Nasa malawak na parking lot na kami ngayon. Gusto ko lang naman kasing umalis dito sa school dahil sumama yung loob ko.

Kasalanan talaga to ni Bella eh! Kung di lang naman siya madaldal. Kami lang sana ng pamilya ko kasama si Bella ang nakaka-alam na may sakit ako sa puso. Kaso ngayon, alam na ng buong classroom.

Baka nga malaman rin ng buong school mamaya. Over-protective kasi mga magulang namen, lalo na si Gramps. Kaya I'm sure na mag-papatawag yun ng rescue team para lang mahanap kami.

Dali-dali akong sumakay sa Red Volkswagen Sports Car ko. Inantay ko pa si Bella na sumakay, syempre di yan marunong mag-drive at takot pa kaya alangan namang iwan ko siya dito? Baka mapahamak pa siya.

"Yah! Bella! Di kaba sasakay?" sigaw ko. Antagal niya sis. Baka aabutin pa kami ng curfew dito. Charot.

"W-wait. Parang gusto kong mag-drive ng sasakyan ngayon." wala sa sariling sabi niya.

"Baliw ka ba? Di ka nga marunong tas baka mapahamak ka! Ako pa una mong multuhin kaya tumigil ka. Kundi sasagasaan talaga kita." natatawang sabi ko.

Other than people knowing my sickness, takot rin ako sa multo. Kaya no no no! Baka ako pa ma-buntungan ng galit nina mommy at daddy. Tas ako pa mapili mong multuhin kasi ako kasama mo. Lol

"Edi samahan mo nalang kaya ako?" suhestyon niya. What the hen?

"Ano gusto mo? Sabay tayo mamatay? Bahala ka diyan uy. Wag ka mandamay." sarkastikong sabi ko.

I'm effing fighting my sickness just to survive and be with my family and for my future also, tas gusto niya pa ko idamay sa kamatayan niya? Chos.

"Oh diba ayaw mo rin? Kahit hanggang sa kabilang highway lang. Tas iwan na natin yung sasakyan doon. You know, dapat ko rin naman kasing i-over come ang fear ko. Kaya help me please?" paki-usap niya.

"Yaman mo ah? Iiwan mo talaga yung sasakyan? Sagasaan kaya kita? Chos. Kanino bang sasakyan gagamitin mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Duh! Ano silbi ng mga sasakyan ng bodyguards natin? I can steal one." sarkastikong sabi niya.

"Eh kung ipakulong kaya kita? Hiramin mo, wag mo nakawin. Atin rin naman yan, so no use ang pag-nanakaw mo!" I said.

"Tss. Tara na nga! I'm excited to drive. Pero syempre, dapat dahan dahan lang. But wait! San ba tayo pupunta para makapag-emote ka?" kupal na tanong niya.

Kaya ayaw ko sa bunganga neto eh. Walang zipper kaya kahit ano nalang nasasabi.

"Tssssssss. Siguraduhin mo lang talaga na hanggang sa kabilang highway lang yang pag-da drive mo. Kundi, nako!

Surprise na yung lugar nang page-emote ko. I'm sure na gusto mo rin doon." I emphasized the letter S sa sinabi kong tss.

Nagmukha pa tuloy akong ahas, lol.

Kung nag-tataka kayo kung saan yung lugar na gusto kong puntahan. Well, walang iba kundi sa pinag-tataguan ni Ate Sofeia. Isang lugar na walang nakaka-alam kundi ako lang at si Ate.

Kaclose rin kasi ni Ane si Ate Sofeia.

Tawag ko kay Bella is either Ane or Bel or Bella... actually, depende sa mood ko. Bellane nga kasi name niyan.


"HOLYYYYYY FOXXXXX!!!! HELP!!!!! SHIIIIZZ! AYOKO MAMATAY!" sigaw ni Bella.

Deputche! Kaka andar pa nga lang nung sasakyan tas mamamatay na siya?

"Hoy Bel-letche! Kaka-andar mo pa sa sasakyan tas sumisigaw kana? Tunginu! Nasi-stress bangs ko sayo. Tumigil ka diyan!" sigaw ko sa kanya.

Katabi ko kasi sa labas yung pintuan nang Driver's seat. Syempre baka mamaya tumakas to.

Huma-hangos na lumabas ng sasakyan si Bella. Pinag-pawisan pa nga amp.

"Matanong ko lang, marunong ka ba talaga mag-drive kahit noong di pa nangyari yun?" tanong ko. Syempre parang marunong kasi talaga siya, kaso na aksidente siya.

"Of course naman, baka nakakalimutan mo na marunong nako magdrive simula nung 14 pa ako." sagot niya at inirapan pako.

Tusukin ko kaya mata nito. Joke lang.

In-adopt siya nina Mader at Pader chos. Mom and Dad. Noong 12 pa siya. Yung aksidente naman ay naganap noong 14 na siya. Kaya siya nakapag-drive kasi.............

Yoko nga sabihin para may thrill

Iniwan nalang namin yung sasakyan sa may gubat na parte sa labas nang school.

Yung pangalan pala nung school namin ay
Intelligentious University. Or IU. Parang yung korean lang.

"Pst Bella" gising ko kay Bella. Amputche nakatulog siya sa shotgun seat habang papunta pa kami sa lugar nina Ate Sofeia.

Grabe ata trauma naabot habang nagpapa-andar ng sasakyan HAHAHHAHA

"Pst!" Tawag ko ulit sa kanya habang kinukurot yung pisngi niya. Ang lambot kaya ng pisngi niya.

Para siyang siopao kasi bilog yung mukha niya tas maputi rin siya. Siguro pag nag-blush to, para na siyang siopao na may ketchup.

Note to self: kumain nang maigi para di akalaing pagkain yung katabi

Galing ko na mag-rhyme ah. Pwede nako gumawa nang tula.

"Hoy!" sigaw ko sakanya tas sinampal nang malakas yung pisngi niya. Joke, hindi malakas hindi rin mahina. Kaya katamtaman lang yung pagsampal ko sakanya.

"What the!"

"Buti nagising na ang inyong diwa prinsesa sleeping beauty. Kahit di naman pretty." salaysay ko sakanya na para bang butler nang mga prinsesa.

"Tss"

"Andito na tayo!" maligayang sabi ko sakanya.

"So nasaan na tayo? Kahit walang tayo." tanong niya. Grabe ka-bitteran neto ah.

"Kumain ka nang gulay para magkaroon ka ng buhay. Di yung bitter ka lagi, sarap mo tuloy itapon sa mga chocolate fountain" sagot ko sa tanong niya, kahit wala namang konekta.

"Tss. Pag ikaw nasaktan dahil sa kalandian mo, remember ako talaga una tatawa sayo." ani nito.

Di ko nalang siya pinansin at pumasok nalang sa bahay sa harap namin.

"Yohooo! Tao po. Mamamasko po!" sigaw ko habang kumakatok.

"Baliw ka ba? Anluma na ng bahay na yan ah. Baka mamaya may multo diyan. Iiwan talaga kita, wala kong pake kung magkapatid tayo." sita niya sakin.

Ako pa tinakot ampupu.

Biglang bumukas yung pintuan at nakita namin si ate Sofeia na kakagising lang.

"Ano ba yan Krie at Bel. Ang aga aga naninira na kayo ng tulog." bati nito samin at humikab pa.

"Andito kami kasi masama pakiramdam ko." pag-dadahilan ko. Alam niya rin kasi na may sakit ako.

"Omg bij what happen?" nag-aalalang tanong niya. Parang tropa lang namin to kung makapag-salita.

Nakatunga-nga lang si Bella at hindi parin gumagalaw.

"Kamusta pre? Ano meron, Statue dance? Bat di ka gumagalaw?" bati sa kanya ni ate Sofeia.

"O-omg ate! Akala ko kung nasaan kana! Andami mong dapat ikwento ha!" sagot sakanya ni Bella pagkatapos nitong masink-in yung mga nangyayari.

Pumasok na kami at nagkwentuhan nalang

++++++++++++++++++++++++++++++++++

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT 😃😃😃😃

SORRY IF HINDI AKO MASYADONG MARUNONG SA MGA WORDS NA GAGAMITIN.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro