Chapter 10
Family Lunch
Rafreal's POV
Naknang! Friends pa nga lang kami tas may pa meet and family lunch na. Pano pa kaya pag naging kami?
Nararamdaman ko namang mabait yung mama ni Kriesthal, pero yung papa at lolo? Parang pag may sinabi kang mali ay di mo na masisinagan yung araw. Lalo na si Khaizuo.
Potcha na! Ayoko pa mamatay. Andami ko pang pangarap noh. Pano ba ako humantong sa ganito? Tss
Bahala na nga lang. Ang importante, gwapo ako at di yun magbabago.
Andito na kami sa labas ng mansion nila. Dito lang daw kasi sila magfa-family lunch dahil meron naman silang mga chef. Oo, MGA chef. Andami kasi.
Di na raw ilalagay ni Kriesthal yung sasakyan niya sa garage kasi babalik pa naman kami papuntang school.
Biglang bumukas yung Golden Double-Door nila. Alam na yata ng mga magulang niya na andito kami. Pero alam ba nila na sinama kami? Naknang
Bigla akong kinalabit ni Javein.
Ampotcha ang lamig ng katawan niya at namumutla na siya. Parang mas kinakabahan pa ata sakin to eh.
"Tol, parang gusto ko nang umalis. Tara na kaya? Di na ako nagugutom bigla." mahinang sabi niya sakin.
"Naknang! Sina-sapian ka na naman ng ka-baklaan mo. Tumigil ka nga." bulong ko pabalik.
"Kasi naman. Parang sila yung pamilya na hindi mo gustong banggain kasi nakaka-takot sila." ani Javein
May biglang tumikhim kaya napatayo kami ng matuwid.
Si Kriesthal lang pala, narinig niya ata pinag-uusapan namin kaya napa-kamot nalang ako sa ulo ko sabay ngiti kahit awkward.
"Aren't you guys going to come in? Ano inaantay niyo? Pasko? New year? Valentines? Buwan ng wika? Nutrition Month? Intramurals?" sarkastikong tanong ni Bella.
Minsan nalilito na rin ako kung pano to nagustuhan ni Javein eh. Magka-iba kaya sila ng ugali. Sobra.
"Hehehe. Sabi ko nga papasok na kami. Di ka naman makapag-antay Bell-oves." nakaka-lokong sagot sa kanya ni Javein.
Ampotcha, bumanat pa nga naman.
Pag pasok namin sa loob ng mansion nila, well pareho lang naman ang itsura nito.
Pero ako, mas gumwapo ata.
Andito na kami sa Kusina nila and wow, ang ganda ng table setting ah. Parang may kasal lang. Pag kami kasi yung kumakain sa bahay, kutsara, tinidor, baso at plato lang sapat na.
*** Nasa media yung table setting***
May mga kandila, wine glass, mga prutas at iba pa. Ang gara ah. Kahit mayaman kami, di naman kami ganito kumain. Ang hirap kaya maghugas ng pinggan.
"I see that you brought some friends with you darling." sabi ng mama niya.
"And look what we have here? Aren't they both the ones who we talked with on the day that you guys were gone?" Pag e-english ng papa niya.
Naknang! Condolence nalang samin ni Javein
"Karthier" boses pag-babanta na tawag sa kanya ng lolo ni Kriesthal
"Maupo muna kayo. We will talk about things while eating lunch since kailangan niyo pa ring bumalik sa school" pag-aaya ng lolo ni Kriesthal.
Naupo naman sina Kriesthal, Bella at Khylan kaso naiwan kaming nakatayo.
Kahit chismoso kami, marunong parin kaming mahiya noh. Di kaya ganun kakapal mukha namin.
Tinignan naman kami ng masama ng mga lalaking Monteremo kaya nine-nerbyos na ko ng sobra.
Alam ko rin na ang putla at lamig na ni Javein ngayon. PWUAHAHAH
"Dito na kayo maupo sa tabi nina Bella at Kriesthal." sabi samin ng mama ni Kriesthal kaya dali-dali naman kaming naupo.
Tila ganto yung arrangement namin
Khylan > Kriesthal > ako > Javein > Bella
Tas kaharap namin ay
Lolo nila> Papa nila> Mama nila> Khaizuo
Buti nalang yung mama nila yung kaharap ko.
"So darling, ka ano-ano mo ang dalawang ito besides them being your classmates?" nakakatakot na tanong ng papa ni Kriesthal.
Naknang! Ano ba tong pinasok ko?
"They're my friends daddy." sagot ni Kriesthal at sumubo na ng hotdog.
Yung mga pagkain kasi na hinanda ay Hotdog, Beef Steak, Ham, Carbonara at iba pang di ko alam ano tawag.
Palihim kong sinulyapan si Javein at napapansin kong ang konti ng kinakain niya. Naknang! Naniniwala na akong nag-babago ang mga tao.
Ang takaw kaya ni Javein tas biglang ganon? Ano yan? Magic?
"So I've heard na gusto mo ang isang to. Am I right Kriesthal?" walang hiyang tanong ng papa ni Kriesthal.
Nakakahiya kaya ipagsabi na may gusto ka sa isang tao.
"Yes dad." ani Kriesthal
"Name? Age? Dream Job? Attitude? Grades?" sunod sunod na tanong ulit ng papa ni Kriesthal. Kaso ngayon ay sa akin na siya nakatingin.
Ano to fast-talk? Tonights with Boy Abunda?
"Rafreal Dameon Fuenza. 18 years old. CEO. Okay lang naman. Straight A po, Sir Monteremo." sagot ko. Bat ba kasi nakakatakot pamilya nito?
"So nanay mo si Rena Fuenza?" putol ni Mrs. Monteremo sa aming dalawa ng papa ni Kriesthal. Tinaasan pa ako ng kilay ng mama niya.
Luh ano kaya ginawa sa kanila ni Mama? At bat nila kilala?
"O-opo. Bakit po?" naguguluhang tanong ko.
"Ayyyyyy! Mama mo pala yung bestfriend ko. Bat di yata kita nakita sa mga reunions namin?" maligayang sambit ni Mrs. Monteremo
"Di kasi ako yung tipong sumasali doon. Mrs. Monteremo" sabi ko nalang.
"Ow i like your attitude ha, pareho kayo ng mga anak ko. By the way, Just call me Tita Aya. Ang haba naman ng Mrs. Monteremo noh." ani niya.
"U-uhm. Tita Aya." sambit ko. Syempre dapat testing muna noh
"Sorry and don't mind what my husband is saying to you. He's just like that kasi syempre we all love Kriesthal kaya ganyan." pang-hihingi ng paumanhin ni Tita Aya.
"Okay lang po." ako
"And also, just call my husband Tito Arth short for Karthier." ani ulit ni Tita Aya.
Ga-ganda ng pangalan at nickname niyo ah sana all.
Pagka-tapos nun ay naging tahimik na ulit kaya pinagpatuloy nalang namin ang kinakain namin.
"Have you guys heard anything about Lharqin? The last time I've heard about him was a few months ago" pam-babasag sa katahimikan ng Lolo nila.
"I hadn't heard anything about him. How about you Kriesthal. Diba magbe-bestfriends kayo? Ikaw Bella?" ani Khaizuo.
First time niya magsalita ah. Bat ba english sila ng English? Nakaka-bobo joke
"None" yun lang ang sinabi ni Bella at uminom na ng wine.
"Same with me. You know him naman, he's very secretive." sang-ayon ni Kriesthal.
Naramdaman ko nalang na parang may namuong galit at inggit na hindi ko mai-paliwanag sa puso ko.
Who's Lharqin at ano siya sa buhay ni Kriesthal?
++++++++++++++++++++++++++++++++
Hi sa inyo. Sino usto mag ka dedication sa story na ito? Just comment. Hehehe.
-natasha-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro