Chapter 7
"Depression is feeling like you've lost something but having no clue when or where you last had it. Then one day you realize what you lost is yourself."
Ang daming pagbabago na nangyayare araw-araw,wala kang kontrol sa mga mangyayare sa kinabukasan kaya habang andito kapa sa kasalukuyan pag isipan mo na lahat ng gagawin mo.
Hindi mo pwedeng sabihin na "okay nayan" at okay lang ang palaging magkamali.
"Goodmorning,sobrang aga mo na naman today"bati ng head namin.
"yes po,ang dami kaseng gagawin ngayon at sa susunod na araw kaya naman bawat oras ay sinusulit ko na po"tugon ko.
"wala ka na namang baon ngayon right?tama yan magpagutom ka kung gusto mo na talagang magpakamatay"pasimpleng sabi nya.
Napangiwi nalang ako sa tinuran n'ya,tama naman kase nakakaligtaan ko na ang kumain dahil mas inuuna kopang matapos ang trabaho.Tutal sanay naman akong hindi palaging piliin ang sarili ko.Natawa nalang ako sa isiping 'yun.
Himala nga hindi masyadong masama ang gising ko.Nakatulog din naman ako kahit tatlong oras lang at mahaba na para sa akin 'yun.
"Ashanti pakikuha naman ng pencil dyan sa lamesa ko."sabi ni maam kay
dali ko namang inabot sa kanya dahil ayokong masigawan ako dahil alam ko naman na nagmamadali rin siya.Ang daming deadline na paperworks ngayon.
Hindi ko namamalayan ang oras alas tres na pala.Nag inat muna ako dahil mukhang sumakit na ang buong katawan ko kakatype,namamanhid nanga rin ata 'tong mga kamay ko hindi ko masyadong maramdaman eh.Hindi ako masyadong pansinin ng mga tao ngayon dahil hindi ako kumain sa pantry.Kahit inaaya nako ng iba ay tanging tango lang ang isinagot ko.Alam ko naman kase na pag nandun ako,tyak ako na naman ang tampulan ng tukso.Hindi konga alam kung bakit sa dami ng mga tao eh ako palagi ang napagdidiskitahan nila.
Mas pinili kong kumain mag-isa kase pakiramdam ko sobrang payapa.Hindi ako napapagod at hindi nakakasawa kahit maghapon pa akong hindi magsalita.
Alam mo kung anong natutunan ko simula ng nagtrabaho ako?
kailangan mo lang magtiis at tiisin lahat ng ibabato sa'yo dahil kailangan mo ng trabaho.Kailangan mo ng pera pantustos sa pamilya.
Kahit pakiramdam mo,hindi patas ang mundo.Ang dali lang para sa iba na magbitiw ng mga salita pero hindi nila alam kung gaano kabigat ang bawat salita na binibitawan nila.
Ilan taon na akong lumalaban sa lahat ng pasakit.Lumilipas ang mga araw na minsan nakakalimutan ko na kung ano ba ang purpose ko sa mundo.Kung bakit pa ako nabubuhay?
Kakaisip ko sa future ng ibang tao,ako tuloy ang nawalan.Sumasabay nalang ako sa agos ng buhay,bumangon sa bawat umaga para kumita ng pera.
Sabi nila,mahalin at piliin mo palagi ang sarili mo ngunit paano mo ba pipiliin sa paraang wala kang matatapakang mga magal sa buhay.
Ang pagmamahal daw ay hindi makasarili pero bakit pakiramdam ko habang minamahal ko sila ako ang nawawalan.Ako ang nais magpahanap pero iba ang aking nagtapuan- ang sakripisyo para sa kapakanan ng mas nakararami.
kaya mas pinili kong masaktan basta makita kolang sila na masaya.Ganon siguro ang pagmamahal lahat magagawa mo.
Sana sa susunod makita ko rin ang sarili kong pinipili rin ng iba at minamahal din nila.
Sa bawat gabi,umiiyak ako na sana ako naman ang may happy ending.
Hindi naman siguro masama na kahit minsan maisip ko rin ang sarili kong kaligayahan.
Sana isang araw magkaroon din ako ng dahilan para hindi sumuko sa buhay.
Maramdaman ko ulit yung sigla sa bawat pagmulat ko ng aking mga mata.
Sana-Maging malaya na rin ako sa tanikalang gumagapos samin ni tadhana.
Ang maiwang mag-isa at pasanin ang problema.
Makita ko ulit ang sarili kong naiwan ko na para sa iba.
Sanaaaa....
Hoyyy!"sigaw ni ken sa harapan ko
"Tulala kana naman,sobrang dami bang iniisip?feeling ko hindi kana nakakatulog?kelan kaba nakatulog ng matino?dugtong pa n'ya.
"Kanina nakatulog ako 3hrs,mahaba na iyon para sa akin na hindi na halos nakakatulog dahil alam mo na hindi na ata ako sanay"sagot ko pa.
"Matulog ka rin alam ko hindi ka bayani pero 'wag mo antayin na mailagay ka sa piso kase malabo 'yun" tawa nya pa.
" oo naman,medyo mahirap lang talaga minsan pero nakakatulog naman"ngiti kong sagot.
" o edi mabuti,o sige na tapusin mo nayan at maya-maya uwian na para makapagpahinga kana rin." sabay talikod niya.
Si ken ang isa sa mga maituturing ko na kaibigan.Hindi man halata pero alam n'ya kapag may dinaramdam ako.Pasimple lang s'ya kung mangumusta pero alam mo na sincere 'yun.
Minsan 'yun lang naman ang inaantay natin eh ang mapansin din ng iba na hindi tayo okay na hindi kailangang ipangalandakan sa lahat na hindi ka okay para lang damayan ka.Kung totoong kaibigan ang mga kaibigan mo mararamdaman nila 'yan..
Hindi masama na humingi ng tulong minsan sa ibang tao para maramdaman din nila na hindi sa lahat ng oras kaya mo.
Pero minsan piliin mo rin ang pagsasabihan mo dahil hindi lahat ng nakikinig sa'yo ay mayroong pakialam.Yung iba tuwang tuwa panga 'yan kapag nakikita nilang nahihirapan kana.Hindi naman mag aalok ng kamay ang iilan sayo kapag nadapa ka 'yung iba tatawanan kalang.
Niligpit kona ang mga gamit ko para makauwi na.Bibili pa ako ng ulam para mamaya at bukas.Magkano nalang 'yung pera ko pero kailangan ko pa tong pagkasyahin hanggang sa susunod pang araw.Di bale nalang na 'wag na muna akong makabiling sapatos pang trabaho,unahin kona muna ang kailangan sa bahay.Makakapag extra rin ako ng trabaho bukas yung alkansya ko na nasa damitan ko medyo malapit ng mapuno para sa pasko meron ng pang noche buena.Ayoko naman na makitang sobrang tahimik ng bahay sa araw ng pasko.
kaso iniisip ko paano ako makakauwi ng matiwasay,sigurado kase sermon na naman ang aabutin ko.Kahit minsan hindi kona alam kung ano pa ba ang iba kong kasalanan o dahil mainit lang ulo nila dahil wala silang pera?iniisip ko palang na masisigawan na naman ako ay nanghihina na yung tuhod ko.Wala lang akong choice,sa susunod mag iipon naman ako para mangupahan.
Yung pasa ko sa hita at braso hindi pa ito gumagaling kaya sana 'wag muna madagdagan ngayon kase kota naman na ako masyado hahaha.
Itinatawa ko nalang ang lungkot at sakit na nasa loob ko maging positive nalang sa buhay para mabuhay parin sa mundo.
Magigising din ako isang umaga na masaya na ulit katulad ng dati.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro