Epilogue
At last, Epilogue na. Nakakaiyak AHAHHA. Isang taon ko ring sinulat 'tong story and finally, eto na tayo sa last part!
I want to say thank you to my active readers. Nakikita ko po ang votes and comments niyo na nakakatulong sa'kin to continue the story. Hindi ko kayo ma-mention pero kilala ko po kayo! Thank you ng madamiii! Syempre, thank you rin sa silent readers ko, ramdam ko kayo dahil sa reads HAHAHAHHA.
Wala na pong book 2 ang TGED, magkakaroon siya ng special chapter(s) pero di ko knows kung kailan ko siya maipo-post.
Wag kayong magalit sa'kin dahil sa ending ha. HAHHAHAHAH.
Enjoy reading, loves!
EPILOGUE
HUNTER'S
KANINA pa ako naghihintay sa labas ng banyo sa may grocery pero hanggang ngayon ay walang klyzene na lumalabas. Dala-dala ko ang mga pinamili naming stocks. Pinuntahan ko na siya dito para sabay na kaming bumalik sa kotse.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago tiningnan ang relos ko. Higit sampung minuto na ko dito, tapos kinse minutos akong namili. Sobrang tagal naman nito.
Nagpasya akong lumapit na sa pinto. Kinatok ko muna ito dahil baka may ibang babae sa loob makasuhan pa ako.
Napa-atras ako nang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang matangkad na babae. Tiningnan ko nito na para bang isa akong kahina-hinalang tao. Napakamot ako sa batok ko.
"Have you seen a girl of this height? Her hair is medium length. Is she inside?" pa-describe kong tanong dito.
She shook her head. "There's no one inside, Mister. Maybe she left already," sagot nito sabay lagpas sa'kin.
Kumunot ang noo ko. Anong wala!
Pabalya kong binuksan ang pintuan at pumasok ako sa loob. Wala ngang tao dito sa labas, pero paano sa cubicles? Isa-isa kong binuksan ang bawat pintuan ng cubicles pero hanggang sa makarating ako sa dulo ay walang Klyzene akong nakita.
Bigla akong sinipa ng kaba.
Mabilis akong lumabas palabas ng banyo at pumunta sa parking lot sa harap. Baka naghihintay siya sa kotse. Pero nang makarating ako sa kotse ay wala ang hinahanap ko do'n.
Ipinasok ko muna sa loob ng kotse ang mga pinamili namin. Ini-lock ko ang pinto bago tumakbo pabalik sa loob. Baka nagkasalungat kami.
Bawat aisle ay pinuntahan ko. Nalibot ko na ang buong supermarket pero 'di ko nakita si Klyzene.
Pumunta ako sa security room. I didnt bother to knock dahil sa pagmamadali ko.
Nagulat pa yata sa'kin ang mga nakatokang magbantay nang bumukas ang pinto.
Nilapitan ko sila.
Tumayo ang isa at hinarang ako.
"You're not allowed here--"
"My fiancee is missing! She told me she was just going to the comfort room, but I went there, and she was not there. Let me check the CCTV. I need to find her," pagpuputol ko sa sinasabi nito.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki bago tumango ang kausap ko. Bumuntonghininga ito at tinuro ang CCTV.
"Where you last saw her?" he asked.
"Meat section," mabilis kong sagot.
May tinipa ito sa keyboard bago lumitaw sa malaking screen ang meet section. They replayed it hanggang sa umabot kung kelan nagpaalam sa'kin si Klyzene.
Isinunod ang sumunod na footage kung saan nagpunta si Klyzene hanggang sa maka-abot sa may exit.
Napahawak ako sa baba ko. May mali...
"Can you rewind, please? I-I think she's following someone," ani ko.
Umirap ang matabang lalaki bago sumunod sa'kin. Inulit nito hanggang sa umpisa.
"Pause!" I shouted. The guy pauses the video. "Zoom in," utos ko.
Nakilala ko ang babaeng katiningnan ni Klyzene. What the hell is she doing here?
"Play," utos ko ulit na sinunod naman nito. Hanggang sa ibang footages ay nakitang nakasunod ang fiancee ko sa babaeng 'yon. "Can I see the CCTV outside."
Sinunod ng lalaki ang sinabi ko pero blank lang lumabas do'n.
"What happened?" nagtatakang tanong ko.
"I think the CCTV is broken," ani ng nakahawak sa keyboard.
"Since when? You have CCTV inside, but you don't have it outside?" inis kong tanong.
"No! That's working a while ago!" giit nito.
"Thanks!" tanging nasabi ko at lumabas na. Naglakad ako papunta sa exit kung saan nagpunta si Klyzene. Pagbukas ko ng pinto ay napamura ako sa nakita ko.
Mabilis kong dinaluhan si Dean na walang malayat tinapik ang pisnge nito. Puno pa ng galos ang mukha at may sariwang dugong lumalabas sa ilong nito.
Ilang sandali pa ay nagdilat na ng mata ang lalaki.
"Boss?"
"What happened here, Dean?!" natataranta kong tanong. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid para hanapin si Klyzene o kung sino mang gumawa nito sa tauhan ko.
"S-some took her..." iyon lang ang sinabi nito bago muling nawalan ng malay.
Galit akong napamura at sinubukang gisingin ang lalaki pero hindi na 'to nagising. Tumayo ako at lumakad sa may gilid. Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag ng 911.
Bumaba ang tingin ko sa lapag nang may matapakan ako. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang basyong syringe. Inilabas ko ang panyo sa bulsa ko. Pinulot ko 'yon at tiningnan.
Napatiim bagang ako. Tanginang 'yan! Sinong putanginang kumuha sa girlfriend ko?!
Ibinalot ko sa panyo ang nakuhang syringe.
"Hello, this is 911. What can I help you?" ani ng babae sa kabilang linya.
"I'm at the back of the Elzon Supermarket. My friend is unconscious, and my girlfriend is missing. I think someone kidnapped her. I saw a syringe at the crime scene," mabilis kong Sabi dito.
"Okay! I'm already tracking your location. Did you know if someone has a hidden motive to--"
"I saw this girl on the CCTV. My girlfriend is following her here! And now they are both gone! Her name is Bea; she's my ex-fiancee's best friend!"
"I understand, Sir. The ambulance and Police are now on their way to you," anito.
Pinatay ko ang tawag. Puno ng gigil kong sinipa ang walang muwang na basurahan sa gilid.
Putangina! Ano bang kasalanan ko at nangyayari sa'kin ang lahat ng 'to?!
I-dial ko ang numero ng isang taong sinabi kong hinding-hindi ko na lalapitan pero kinain ko lang ang salita ko ngayon.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.
-----
"WHO AGAIN?" tanong ni Grant.
"Bea! She's a Divine best friend. I saw her at the supermarket. Klyzene is following her to the back of the supermarket," asik kong pagpapaliwanag dito.
"Chick mo?"
"Gago, hindi!"
Nasa hospital kami kung saan dinala si Dean. Hindi ko pa siya pwedeng iwanan dahil gusto kong malaman kung sinong kumidnap sa fiancee ko.
Hindi ko pa tinatawagan ang pamilya ni Klyzene dahil gusto ko munang masiguradong okay ito bago ko ipaalam sa pamilya niya. Ipinangako kong hindi masasaktan at pro-protektahan ko ang anak nila pero ganito ang nangyari.
Kanina pa ako hindi mapakali. Para akong nababaliw sa nangyayari. Natatakot ako. Natatakot akong maulit 'yung nangyari kay Divine noon.
Naging pabaya ako.
"I hacked the CCTV across the street. Nakita ko 'yung kotseng ginamit nila," anito.
Napa-deretso akong tayo. Dinalawang hakbang ko ang pagitan namin. Tiningnan ko ang screen ng laptop nito.
Isang itim na kotse ang pinagsakyan kay Klyzene. Inilagay ang fiancee ko sa trunk ng sasakyan. Tangina nila!
"Check the plate number."
"On it."
Iniisip ko kung anong kinalaman ni Bea sa nangyayari. She's a sweet girl. Noong buhay pa si Divine ay madalas siya sa bahay na tinutuluyan namin. Halos hindi siya makabasag pinggan at hindi makapatay ng langgam eh. Kaya siya kinaybigan ni Divine.
Bumalik sa alaala ko ang hitsura ng babae nang malaman niyang may nililigawan na ako nung huling kita namin. Hindi kaya'y may gusto siya sa'kin? Pero hindi naman pwede. Kapatid lang ang turing ko dito.
"The car is stolen. Isang linggo nang pinaghahanap."
"Bullshit!"
Sinuntok ko ang pader ng maraming ulit bago ako pinigil ni Grant ang braso ko at tinulak paupo sa lapag.
"Gago! Walang maitutulong 'yang pagbasag mo sa buto mo! Ang mainam mong gawin ay tawagan ang ibang tauhan mo para makakilos tayo!" galit nitong bulyaw sa'kin.
Isinandal ko ang ulo ko sa pader.
"M-malas ba talaga ko? Putangina pangalawang fiancee ko na 'yan!! H-hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may masamang mangyayari kay Klyzene, Grant! Hindi ko kakayanin! Baka sumunod na ako sa kaniya kapag nagkataon," pabulong kong sabi.
"Tanga!" gigil na sigaw nito. "Tawagan mo na nga ang mga tauhan mo't papuntahin dito! Alam na natin 'yung kotse. Susundan ko sa CCTV."
Saktong paglabas ko ng phone ay ang siyang pag-ring nito. Rumehistro ang pangalan ng kapatid ni Klyzene na si Ivan.
A...ano na lang ang sasabihin nila sa'kin kapag nalaman nila ang nangyayari? A-ano na lang ang pwede nilang gawin?
Imbis na sagutin ang tawag ay iblinock ko ang number nito. Hindi pwedeng magkaroon ng sagabal ngayon. Mamaya ko na sila haharapin. Mas importanteng mahanap ko muna ang fiancee ko.
Tinawagan ko sina Pineda at Garcia. Alam ko kasi'y kasa-kasama sila ni Dean dito sa New York. Nasa bakasyon kasi ang mga ito. Hindi ko alam kung paano napadpad si Dean sa supermarket kung saan kami namimili.
"Bring all your weapons here. We have to do some work," malamig kong sabi bago binaba ang telepono.
Napatingin ako sa wala pa ring malay na si Dean. Wala naman daw severe na nangyari dito. Nabugbug lang talaga at nabali ang ilong.
Ilang sandali pa akong nakatinginin dito nang dumilat na ang lalaki. Mabilis pa sa alas-kwarto ko siyang nilapitan.
"Dean, naalala mo ba ang nangyari?! Sinong kumuha sa fiancee ko? Anong nangyari, putangina!" frustrated kong tanong.
Hinila ako palayo ni Grant.
"Magtigil ka, Hunter! Hindi ganiyan! Nakita mong kakagising lang! Gago ka talaga! Para kang hindi dating Agent ah!" asik nito.
"Wala akong pakialam! Fiancee ko na ang nakasalalay dito! Magkakamatayan muna bago nila makanti miski dulo ng daliri ni Klyzene!"
"Si Bea, Boss!"
Sabay kaming napalingon kay Dean. Nakahawak ito sa tagiliran na umuupo kahit nahihirapan.
"Anong meron kay Bea? Nakita ko siya kanina sa Supermarket. Sinusundan siya ni Klyzene," ani ko.
"Kasi, Boss. Isang taon na 'yang g-ganiyan."
"Isang taon?! Ni hindi mo nagawang ipaalam sa'kin?!" galit kong tanong.
"Boss, akala ko coincidence lang dahil may biniling bahay din dito sa New York si Bea. Akala ko nagmo-move on dahil hiniwalayan ng asawa," laban ng lalaki.
"Oh, saan mo unang nakita?" tanong ni Grant.
"Nung una madalas ko siyang nakikitang naka-buntot kay Ms. Klyzene. Hindi ko sigurado kung napapansin ni Ms. Klyzene kasi halos kahit saan sila magpunta ay nakasunod 'yung babae. Minsan nga'y pareho pa ng suot sa fiancee niyo 'yung suot. Sinubukan kong kumprontahin, itinanggi naman. Ilang buwan din yatang nawala sa radar ko 'yung babaeng 'yon hanggang sa lumitaw ulit nung nag-propose ka kay Ms. Klyzene," salaysay nito.
"Tsk! May gusto sa'yo, Pre! Mahirap 'yan. Baliw pa naman yata!" side comment ni Grant.
"Hindi ako mapalagay, Boss kaya kahit bakasyon namin ay nakasunod ako. Sinubukan ko talagang huwag magpapansin sa inyo para hindi kayo mabahala lalo na't masaya pa naman kayo. Kanina ay nakita ko silang magkasunod na lumabas sa supermarket. Pinapanood ko sila hanggang sa aalis na dapat si Ms. Klyzene nang may banggitin 'yung Bea tungkol sa'yo. Mukhang gusto pa ata kayong pagsiraain ni Ms. Klyzene, Bossing. Baliw na baliw sa'yo 'yung babaeng 'yon. May iilang beses akong naririnig na binabanggit niya ang pangalan mo kapag nakatingin sa fiancee niyo. Nakita ko na sa gilid 'yung mga palaboy na may tinusok kay Ms. Klyzene. Pampatulog ata. Nung lumapit ako pinagtulungan ako, hinampas pa ata ako ng tubo sa ulo nung isa kaya ako nawalan ng malay," dagdag pa nito.
Napamura ako.
"Pasensya na, Bossing."
Napapikit ako ng mariin dahil sa guilt na lumalamon sa'kin. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Wag kang mag-sorry. Ang gusto ko ituro mo sa'kin ang lokasyon nila. Kung nasaa sila!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok. "Kung talagang baliw ang babaeng 'yon nasa panganib si Klyzene."
Gusto kong bugbugin ang sarili ko. Nangangalawang na ata ako't hindi ko man lang napansing may nakakasunod na pala sa'min. Kung hindi ako naging palagay sana'y hindi nangyayari ang lahat ng 'to.
"Wag ka mag-alala, Boss. Nakapagdikit ako ng tracker sa isa sa kanila bago nila ko iwanan kanina. Naka-connect 'yon sa cellphone ko," anito.
Nakita ko ang pag-abot ni Grant sa cellphone ni Dean. May ginawa do'n ang lalaki bago ipakita sa'kin ang map at location ni Klyzene.
Sa Central Brooklyn nakahito ang dot.
"Hindi kaya humiwalay ang isa sa kanila?" ani ko.
"Imposible, Bossing. Idinikit ko sa mas nakita kong may pakinabang sa kanila ang tracker."
"Okay! Pupunta akong police station para manghingi ng back-up. Hindi pwedeng patagalin pang magkasama ang dalawang 'yon. Baka kung anong masama ang gawin niya sa fiancee ko. Maiwan ka dito. Darating si Garcia para samahan ka. Grant, tara!" Kinuha ko ang jacket ko't sinuot. Lumabas ako nang kwarto at naglakad papunta sa elevator.
Nakasunod sa'kin si Grant. Sabay kaming pumasok sa lift. Pinindot ko ang first floor. Tinawagan ko si Pineda para sabihing sumunod sa Police station at hayaang samahan ni Gracia si La Pierre.
Si Grant ang nagprisintang mag-drive dahil mamatay daw kami agad kung ako ang magmamaneho. Madaling-madali akong makapunta sa police station dahil sobra akong nag-aalala sa mahal ko.
Putangina. Pasensyahan na lang kapag nasaktan si Klyzene. Wala akong sasantuhin kahit babae pa siya.
Halos kinse minutos rin ang byahe namin papunta sa station. Dahil maraming kakilalang pulis si Grant dito ay siya ang hinayaan kong kuma-usap sa Cheif dito.
"It's kidnapping. The suspect is mentally unstable. She might do something with the hostage," ani Grant sa kausap.
Tumango ang Chief. "Okay. You said you know the place, Grant. I'll let you have the best of our Team. Bring them."
"Thanks, Chief. I will be grateful for this."
"You helped me with the Serial Killer before. This is nothing."
Nakipag-shake-hands muna ang lalaki bago kami hinatid sa harap ng team nito. Mukha nga silang magagaling. Sunod naming pinuntahan ang Armory nila. Ang daming baril.
Kumuha ako ng isang Glock G17 na baril. Chineck ko kung mayroong bala. Lumapit ako sa lalagyan ng mga bala. Nilagyan ko ang magazine.
"Take it all. We will fucking need it," malamig kong utos sa kanila.
"Para naman tayong papasok sa Giyera niya," ani Isabella.
"This is fucking war," walang buhay kong sagot bago ikinasa ang baril pagkalagay ng bala.
------
MAGTATAKIP-SILIM na nang makaring kami sa lugar kung saan dinala si Klyzene. Wala man lang bantay sa labas ng isang luma at abandonadong bahay. Nag-iisa na itong nakatayo do'n kaya mabilis lang naming nakita.
May ibang police kaming kasama na naka-stand by lang sa tabi. May ambulance rin para kung may mga magiging sugatan.
Nakasunod sa'kin ang dalawa sa mga tauhan ni Chief. Hinati namin sa tatlo ang grupo para mas mapadaling mahanap si Klyzene.
Nagkatingnan kami ni Grant, nagtatanong kung sinong unang papasok. Sinenyasan ko siyang sila na ang mauna at tumango naman ito. Lumingon ako kina Isabella na naghihintay ng signal ko. Sinenyasan ko rin ito para dumeretso na sa likod.
Nang pareho nang wala ang dalawa ay sumunod ako kina Grant. Maingat kaming lumakad dahil luma an ang bahay. Lalagitik ang kahoy na lapag nagkamali kami ng tapak.
Bumaba kami sa may basement, ang team nina Grant ay nagpunta sa second floor at ang kay Isabella ay sa kusina at backyard.
"Alpha, nandito ang kotseng ginamit nila. I repeat. Confirm," ani Isabella sa micropone namin.
"Copy." Pinindot ko ang bud sa may tenga ko at tiningnan ang dalawang kasama ko. Sinenyasan ko silang tumigil dahil may yapak akong narinig.
Sumilip ako sa gilid. May aninong paparating.
Sinigurado ko munang nakakabit ng mabuti ang silencer ng baril ko bago ko binaril sa ulo ang lalaking akmang papanik sa itaas. Nang bumagsak ang lalaki ay nilapitan ng dalawa kong kasama at tinago sa may gilid.
Nandito sila sa basement.
"This Alpha, they are in the basement. Beta one, Beta two, do you copy?"
"Copy."
"Copy."
May isang pinto sa pinakadulo. Walang bantay pero nakakandado ang pintuan. Lumakad ako palapit do'n. Kinuha ko ang isa sa mga pambukas namin ng pinto at inalis ko ang lock ng kadena. Dahan-dahan ko inalis ang kadena. Inabot ko 'to sa nasa likod ko at sumilip sa loob.
Nakatayo do'n si Klyzene na namumutla dahil sa nakatutuk na baril dito.
Putangina niya papatayin ko siy!
"Kaya bago mo pa tuluyang agawin sa'kin ang mahal kong Hunter...Dapat ka ng mawala," malamig na sabi ni Bea kay Klyzene.
Mauuna ka! Tinulak ko pabukas ang pinto. Nakatutok na ang baril kay Bea nang may umagaw sa'kin nang baril ko. Sinapak ko ang lalaki at bumaling ulit kay Klyzene. Lalapitan ko na siya nang may sumakal sa'kin.
Hinawakan ko ang kamay ng kung sino 'yon at pinalipit ito.
Umiling si Klyzene. "Please...do'nt do this--"
"Shut up, bitch! This is all your fault! Kung hindi mo niladi si Hunter, hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to."
Before she even finish ay kinalabit na ni Bea ang gatilyo.
Parang nag-slow mo sa'kin lahat. Kinalabit ko rin ang baril ko sabay sigaw nang pangalan ni Klyzene dahil tumama ang bala dito.
"KLYZENE!!!"
Umawang ang labi ko nang mag-angat ng kamay ang babae. May pula...
Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa nang mapaluhod ito. Inunan ko ang ulo niya sa hita ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko habang nakatingin sa maputla niyang mukha.
Nag-unahan ang pagpatak ng luha ko. Diniinan ko ang paghawak sa tiyan nito para mapigil ang paglabas ng dugo.
Mamatay ako kapag nawala sa'kin si Klyzene. Hindi ko kakayanin na sa ikalawang pagkakataon mamatay sa kanlungan ko ang babaeng mahal ko.
Pilit siyang ngumiti sa'kin na mas lalo kong kina-iyak.
"Y-you came..." anito sab ay ubo ng dugo. Hinaplos ko ang pisnge niya. Inaalis ang dugo--napapikit ako nang maramdaman ang kamay niya sa pisnge ko.
Nag-unahan na namang bumagsak ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"B-baby...don't l-leave me. H-hang in there, ha. The medic is here. I-I will bring you to the hospital. D-don't close your eyes," nahihirapan kong paki-usap.
Mas lalo akong nadurog nang makita kong umiyak ang babaeng mahal ko. Putangina! B-bakit--Gusto ko lang naman siyang makasama pero bakit ganito!
"D-dont cry," hirap na pigil ni Klyzene.
Hinawakan ko siya sa pisnge. Tiningnan ko ng deretso sa mga mata.
"I-I'm s...sorry. This is all my fault. I-if..."
"Shhh." Inilingan niya ako at muling napa-ubo. "That's her fault...n-not yours."
Umiling ako. Unti-unting pumikit ang mga mata nito na kinataranta ko.
"MEDIC!!!!"
"I l-love you, babe. Don't sleep! Please!!! MEDIC!!! CALL THE AMBULANCE!!!" pumiyok kong sigaw sa mga kasama ko.
Putangina mamatay na 'yung fiancee ko pero walang dumadating na medic!
"D-don't leave me....please," pagmamakaawa ko sa kaniya.
Maliit siyang ngumiti bago tuluyang pumikit ang mga mata niya. Nanlaki ang mga mata ko. Niyakap ko ng mahigpit ang katawan niya.
"MEDIC!!! AMBULANCE!! KLYZENE! OPEN YOUR EYES, B-BABY! DON'T LEAVE ME! PLEASE! I-I BEG YOU! DON'T LEAVE ME! TANGINA, KLYZENE. DUMILAT KA PARANG-AWA MO NA!!! MEDIC!!"
Para akong nababaliw nang makita kong halos wala na itong buhay. H-hindi ako makalagaw. P-parang dumikit ang katawan ko sa lapag. Hindi ko alam kung paano ako naihiwalay sa katawan ng mahal ko.
Namanhid ang buong katawan ko.
Humahangos ang mga taong papasok sa basement. Sumisigaw sila pero wala na akong marinig. Hindi ko na alam ang nangyayari. Nakatingin lang ako sa mahal ko.
Tinulak ako ni Grant pero hindi ako tuminag. May sinasabi siya sa'kin pero hindi ko naman marinig.
Nagising na lang ako dahil sa suntok na dumapo sa pisnge ko. Hinanap ng mata ko kung sinong gumawa no'n. Si Ivan.
"FUCK YOU, FUCKER!! YOU FUCKING TOLD US YOU WILL PROTECT MY SISTER, BUT SHE'S INSIDE A FUCKING OPERATING ROOM!!"
Nang marinig ko ang operating room ay tumingin ako sa nakasaradong pinto. Nasa loob si Klyzene...nasa loob.
"Hunter, what happened?"
"Who did that to her?"
"Answer us!"
"Is she in jail?!"
"You will not marrying my sister, anymore!! Ilalayo ko siya sa'yo!!"
"Ivan!"
Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Hindi ko maintindihan. Tumawa ako habang nakatingin sa pinto ng OR. There's no humor in my laughed. Dumapo ulit sa kabilang panga ko ang kamao ni Ivan.
"GAGO KA! ANONG TINATAWA-TAWA MO!!"
"Tama na, walang gustong may mangyari 'to!!"
"Kasalanan 'yan lahat ng kaybigan mo!"
"Walang may kasalanan!"
Tama siya. Kasalanan ko lahat ng ito. Palakas ng palakas ang tawa ko hanggang sa nauwi ito sa hagulgul. Parang bata akong umupo sa lapag at umiyak ng umiyak.
THIRD PERSON
WALANG ibang maririnig sa hallway ng OR kundi ang iyak ng isang lalaki na punong-puno ng hinanakit na animo siya batang inagawan ng laruan.
Nakatitig lang ito sa pinto ng OR. Paminsan-minsang titigil pero iiyak na naman.
Awang-awa si Henry sa kaybigan dahil ngayon niya lang nakita kung gaano ito kamiserable. Ni hindi ganito ang lalaki no'n kay Divine, pero sa nakikita niya at mukhang nasisiraan ng ulo ang kaybigan.
Lumapit si Mrs. Anderson kay Hunter ay niyakap ang binata na walang alinlangan kahit na puno ng dugo ang damit, kamay at mukha ng lalaki.
Ang ama naman ni Klyzene ay naka-upo sa waiting area at tahimik na lumuluha katabi ang kambal ng anak ni Klyzia. Ang matandang Anderson naman ay tahimik na inaalo ang anak.
Si Ivan ay paulit-ulit na nagmura at paulit-ulit na sinuntok ang pader.
Lahat ay miserable dahil sa nangyari kay Klyzene.
Nagpaalam si Henry na tatawag ng nurse dahil masama na ang hitsura ng kaybigan. Kung hindi siya mapapatulog baka matapos ang operation ni Klyzene na baliw na ang kaybigan.
Huminto sa Nurse station si Henry. Lumapit ito.
"Nurse, can you sedate my friend? He's been crying since earlier. He might lose it," paki-usap ni Henry dito.
Ngumiti ang Nurse.
"Where is he, Sir?" tanong ng babae.
Itinuro ni Hunter ang hallway kung nasaan si Hunter. Tumango ang Nurse at nagtawag pa ng ibang kasamahan. May dinala ding bed para sa kaybigan ni Henry.
Natulala sandali ang nurses ng makita ang kalagayan ni Hunter. Napangitin kay Henry ang mga ito. Walang nagawa ang lalaki kundi ang magkamot ng ulo. Sino ba naman kasing hindi magugulat na makita ang lalaki ng gano'n.
Sinundan ng tingin ni Henry ang mga nurse nang turukan si Hunter ng pampakalma. Walang tutol ang lalaki, palibhasa'y wala rin sa sarili. Wala pang limang minuto nang mawalan na ng malay si Hunter.
Nakahinga ng malalim si Henry bago lumapit sa asawa na niyakap ito ng mahigpit.
------
HUNTER'S
NAGISING ako nang mataas na ang sikat ng araw. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari kay Klyzene. Hinanap ng mga mata ko ang dalaga, at nakita ko siyang nakahiga sa kama.
May nakatusok na dextrose sa kaliwang kamay at nakapikit ang mga mata.
Bumangon ako. Akma akong lalapit sa kanya nang mapigil ako. Tiningnan ko ang kaliwang kamay ko. Meron ding dextrose na nakakabit sa'kin. Inalis ko 'to at nilapitan ang mahal ko.
Hinalikan ko siya sa ulo. Sunod-sunod hanggang sa punuin ko ng halik ang mukha nito. Nabasa ang pisnge ko.
"B-baby...so-sorry! Kasalanan ko lahat! Gumising ka lang, lalayuan na kita. Gumising ka lang magpaparaya na ako, mahal ko," pagmamakaawa ko dito.
"Wag mo lang akong iiwan, mahal. Handa akong mahalin ka mula sa ma-malayo..."
Napahagulgul ako. Sumiksik ako sa leeg ni Klyzene at pilit kinakalma ang sarili ko.
"Gumising ka lang," paulit-ulit kong binanggit ang mga salitang 'yon. Suminghot ako at hinawakan ang kamay nito. Hinalikan ko ng maraming beses ang likod ng pala niya.
"Mahal na mahal kita. Sobra pa."
Lumingon ako nang bumukas ang pinto. Pumasok ang mag-asawang Anderson na nagulat pa sa'kin.
"Gising ka na pala," ani Mrs. Anderson. Lumapit siya sa'kin.
"K-kagigising lang ho," paos kong sagot.
Hindi ko magawang makatingin sa kanila. Nakakahiya. Kasalanan ko lahat ng 'to. Kasalanan ko.
"Pina-sedate ka kagabi ni Henry. Mukha ka rin kasing restless," anito.
"Magpahinga ka muna," ani Mr. Anderson.
Napaluha ako.
"P-pasensya na ho...pinangako kong hindi ko hahayaang masaktan si Klyzene pero--"
"Walang may gusto nito, Hunter. Ipinaliwanag ng mga kasama mo lahat. Wag kang mag-alala," ani Mrs. Anderson.
"K-kung gusto niyo po ay iiwanan ko si Klyzene--"
"Tangina ka! Kapatid ko kausapin mo tungkol diyan huwag kami!! Lintik ka!" sigaw sa'kin ni Ivan na kakapasok lang sa loob ng silid.
Napatingin ako sa mahal ko.
"Sige..." sa kanya ko na lang sasabihin. Hindi ako aalis hanggang hindi siya nagigising.
MABILIS LUMIPAS ang isang linggo at hindi pa rin gumigising si Klyzene. Pumasok ako sa loob ng silid nito. Hawak ko sa kaliwang kamay ang isang rosas.
Madaming dugo kasi ang nawala dito kaya hanggang ngayon ay nakaratay ito sa kama. Wala namang tinamaang organs ang bala kaya safe pa rin ang dalaga.
Inayos ko kumot sa katawan nito at hinalikan siya sa noo. Hindi ako umaalis sa tabi ni Klyzene simula nang magising ako. Ayoko siyang iwanan dahil baka may mangyari na namang masama sa kaniya.
Araw-araw ang pagbisita ng pamilya niya sa kaniya. Si Jake ay dumating galing Pinas. Nagalit sa'kin pero hindi ko naman daw kasalanan kaya sandali lang 'yon.
May tampo sa'kin ang Papa ni Klyzene dahil sa nangyari pero civil namang makitungo. Nagpapasalamat na ako dahil do'n. Kasi hindi ako masyadong naiilang kapag nandito silang lahat. Kay Ivan na lang ako may problema. Hindi pa rin ako kinaka-usap.
"Babe, isang linggo ka nang nakahiga diyan sa kama. Hindi ka ba napapagod kakahiga?" pagka-usap ko dito.
Sinabi ni Doc na pwede naming kausapin si Klyzene upang mag-respond ang isipan nito. Baka daw kasi naririnig lang kami ng dalaga.
"I miss you. Miss ko na 'yung boses mo, 'yung mga mata mo at mga yakap mo, babe. Gising ka na," ani ko.
Kinuha ko ang isang bulaklak at inilagay sa may bed side nito. Araw-araw akong naglalagay ng roses para dito.
"Sinabi ni Klyzia na uuwi daw muna siya ng Pilipinas. Si Hardy kasi ay nangungulit na sa magulang ni Henry. Sumabay si Jake, dumalaw dito nung nakaraan."
Binuksan ko ang bintana at tumingin sa labas. Maganda ang araw ngayon.
"Pwede tayong mag-swimming kung gising ka, babe. Maganda ang panahon," dagdag ko pa.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang babae. Walang reaksiyon. Umupo ako sa may upuan sa gilid ng kama nito. Pinaglaruan ko ang buhok niya.
"Puyat na puyat ka, babe, ah. Baka naman pag-gising mo niyan ay hindi na tayo makatulog," pagbibiro ko dito.
"Babe, gusto mo bang dito na lang o do'n sa condo mo? Ayoko kasing nasa hospital ka dahil baka may makuha kang sakit."
"Kakausapin ko na lang 'yung parents mo tungkol do'n. Pwede akong magpasama ng nurses at doctor para ma-monitor ka pa rin."
Walang sagot.
Bumuntong hininga ako at tumayo. Nag-lean ako sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo, sa tungki ng ilong, at panghuli sa labi. Tumagal ng ilang segundo ang halik bago ko pinakawalan. Pinagdikit ko ang noo namin. Pumikit ako.
"Mahal na mahal na mahal kita, Klyzene Black. Araw-araw kong papatunayan sa'yo 'yon. Kasama mo man ako o hindi," pumiyok kong bulong. Dumilat ako.
Nakasarado pa rin ang magaganda nitong mata.
Akmang tatalikod ako papunta sa may banyo nang bumaba ang mga mata ko sa kamay nito.
Kumunot ang noo ko.
Tinitigan ko itong mabuti. Napansin ko kasing parang--nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang nakita ko.
Gumalaw ang hintuturo ni Klyzene.
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro