Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two


CHAPTER 2

TUMINGIN ako sa kaharap ko ngayon. Nakangiti siya sa'kin pero alam kong nagtataka siya kung bakit ko siya tinawagan para pumunta dito.

"By the way, why did you want to talk to me? I mean, ngayon dapat yung pagkikita ng mga kapatid natin. You should come with them." Mahinhing sabi nito.

Ininom ko ang juice ko at nag-cross arm sa harap niya.

"I'm not here because I want to have a sisterly talk to you." Malamig kong sabi saka umayos ng upo. Tiningnan ko siya ng mariin.

"I want you to stop the wedding." Mabilis kong sabi na kinakunot ng noo niya.

"I'm sorry?"

"You heard me I will not say it again."

Tumikhim ito dahil mukhang hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi ko. Ang kausap ko ngayon ay si Allyson Naomi Villafuerte, ang kapatid ng babaeng papakasalan ni Kuya.

Yes, my only brother will marry her sister in instant because of a freaking deal before. We're in 20th century pero uso pa rin ang ganitong set up. Getting married for business is damn.

"Why? Alam mo mabait naman ang kapatid ko kahit hindi halata. Alex is a good woman. She's a good person. Makakasundo mo siya if you will give her a chance." Mahabang sabi niya.

Napailing ako sa kanya.

"And I'm giving her a chance to cancel the wedding. Im actually giving her a choice." Sabi ko.

"Hindi ba dapat ay sinasabihan mo ako tungkol sa dalawa. Na dapat ay tulungan kita para magkahulugan sila ng loob?" aniya.

"Yuck! Sa libro lang merong ganiyan. You can't just push two people para magkagusto sila sa isa't isa. Dapat kung magugustuhan niya si Kuya ay dahil ginusto niya talaga hindi dahil nadala lang siya sa mga pang-aasar. And I don't want her to be married with my brother, tell her to stop the wedding. You should stop the wedding." Sabi ko pa.

Umiling siya sa'kin at nag-iwas ng tingin.

"Give me one valid reason to stop the wedding." She firmly said. Her voice is soft but there's a hint of annoyance.

I rolled my eyes. She's annoyed? Well, I'm mad. Her freaking sister will fucking come in hell. Her sister will be hurt and it's going to be a bomb to their life.

Should I tell her?

But it's not my fucking business!

Tiningnan ko siya sa mata saka umiling. Hindi ko pwedeng sabihin dahil malalagay naman sa alanganin ang Kuya ko.

"Just... please, don't let your sister marry my brother. I can't tell my reason but I know it's valid. You will make a big mistake if you will not follow me." Yun lang ang sinabi ko at mabilis na tumayo. Naglakad ako palayo at hindi pinansin ang pagtawag sa'kin.

Pagkalabas ko ng coffee shop ay nagsuot ako ng head phones. Nagpatugtug ako at naglakad palayo don. I've done my part. Nasa kanila na yon if susundin nila or hindi. I don't care anymore.

Ngayong araw kasi ang pagkikita nina Kuya and Alex? If I'm not mistaken that's the girls name. Wala namang pasok pero hindi nila kami sinama. Well, kung ako lang ay hindi sasama pero si Blue, oo. Mahilig pa namang gumala sa kung saan saan yon.

Pumara ako ng taxi at sumakay sa loob.

"Sa Mall po." Sabi ko at sinuot na ulit ang isang ear phone sa kaliwang tenga ko. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang bumabyahe kami papuntang mall.

I'm not with Blue today, she's still sleeping ng umalis ako ng bahay and hindi naman niya pwedeng malaman na kinausap ko si Allyson. I know si Kuya ang kakausapin niya hindi si Alex. And hindi niya pwedeng malaman na may alam ako kung hindi magagalit din siya sa'kin.

Nang nasa mall na kami ay bumaba ako at nagbayad. Dumerecho agad ako sa EO kung saan ako bibili ng bago kong contact lens. Hindi lang dahil sa malabo ang mata ko pero dahil na rin—Napailing ako sa mga naiisip ko.

Pagkapasok ko sa loob ng EO ay inalis ko ang suot kong ear phones at lumapit sa taong nasa may cahsier.

Nakangiti sa'kin ang babae.

"Good morning, Ma'am." Bati niya.

Tinanguan ko lang siya. "I want a blue contact lens." Mabilis kong sabi.

"May grado po ba, ma'am?" tanong niya habang may kung anong kinakalikot sa likod ng mahabang table na naruruon. Siguro ay kumukuha ng contact lens.

"Yes, 200 both eyes." Ani ko at tiningnan ang buong lugar. Walang masyadong tao ngayon. Dinadagsa ba ang EO?

Mabilis ang naging kilos ng babae at nagbigay sa'kin ng apat na pagpipiliang contact lens. Pinili ko ang katulad ng kulay ng mata ko at bumili na rin ako ng bagong solution dahil paubos na ang solution ko. Naka-two thousand ako sa binili ko lang na 'to.

Nang lumabas ako ng EO ay sinuot ko ulit ang ear phones ko at nakinig ng kanta ni Taylor Swift. Isa si Taylor sa mga hinahangaan kong singer. I like how she became what she is right now. Ang pinapakinggan ko ay 'Blank Space'.

Bago ako umalis ng mall ay dumaan muna ako sa National Book Store. Kaylangan kong ibili si Blue ng pampa-kalma. I buy her a new set of high lighter, washi tapes, stickers at kung ano ano pang ginagamit niya sap ag-bu-bullet journaling niya.

I choose the color Blue and Pink. She love those color. After I get what I need. I start walking to the cashier and paid for those.

Lumabas na ako ng NBS and naglakad na papunta sa exit ng mall. I badly want to go home. I need to sleep na. May kaylangan pa akong puntahan mamaya. Pumara ako ng taxi ng makalabas ako ng mall. Sumakay ako at nagpahatid ako sa village kung saan kami nakatira.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ang langit ay nagbabadya ng ulan. Napangiti ako ng maliit. Mas gusto ko talaga ang panahon kapag ka umuulan dahil pakiramdam ko ang payapa lang ng lahat.

Nakarating ako sa bahay ay bumubuhos na ang malakas na ulan. Mabilis akong nagbayad at inilagay ang hoodie sa ulo ko. Pagkatapos ay naglakad papasok ng bahay. Nagmamadali ang mga guard na lumapit sa'kin ng Makita akong nababasa na sa ulan.

"Nako! Ma'am Klyzene! Bakit kayo nagpaulan?!" natatarantang tanong sa'kin ni Nay Mildred.

Tumingin lang ako sa kanya at nagmano. Gawain na naming ng kambal ko yon dahil si Nay Mildred ay kasama na naming simula ng magkaisip kaming dalawa ni Blue, para na naming siyang Lola. Ang grandparents kasi naming ay nasa Canada at nasa New York. Hindi naman kami makapunta don dahil nga dito kami nakatira sa Pilipinas.

"Sorry po. Hindi ko alam na uulan pala." Ani ko sa kanya. Yes, I usually talk using English but when it comes to our kasambahay and guards, I speak in tagalog

"Osiya, siya. Pumanik kana sa itaas at magpalit ka na Ma'am Klyzene! Baka ka makasakit." Aniya at kinuha ang basa kong hoodies. Ngumiti ako ng maliit at lumakad na paakyat ng hagdan.

Ganung nakakapanik ay sumalubong na sa'kin ang nakakunot noong si Blue. I smiled awkwardly at her.

"Saan ka galing? Bakit hindi mo ako sinama!" nagmamaktol niyang tanong sa'kin ng nag-simula na akong umakyat sa hagdan. Lumapit ako sa kanya.

"Sorry. I need to buy a new contact lens." Sabi ko at kinuha ang kamay niya. Ibinigay ko dito ang paper bag na may lamang mga gamit pang-bullet journaling. "But I buy you a bunch of journaling kits." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

Naglakad na ako papunta sa pinto ng kwarto ko at binuksan yon. Pumasok ako at nagtuloy sa banyo. Lumapit ako sa full length mirror at inalis ang suot kong contact lens. Naghubad ako ng damit at lumakad papunta sa tapat ng shower. Binuhay ko ito at tinapat ang sarili sa ilalim ng tubig. I

Dinama ko ang tumutulong tubig sa katawan ko at tumingala para sa mukha ko bumagsak ang tubig. Ilang sandali akong nasa ganuong posisyon at kinuha na ang sabon at nag-umpisa ng maligo.

NANG matapos ako ay pinatay ko ang tubig at kinuha ang towel na nasa may gilid. Ibinalot ko ang katawan ko dito. Naglakad ako palabas ng banyo. Lumakad ako palapit sa may closet ko at kumuha ng damit. Mabilis akong nagbihis.

Gamit ang towel ay pinatuyo ko ang buhok ko. Kinuha ko ang bagong bili na contact lens na nasa may ibabaw ng kama ko. Pagkatapos ay ipunulupot ko sa basa kong buhok ang towel ko at naglakad papasok ng banyo. Humarap muli ako sa salamin.

Tumingin lang ako sa sarili kong reflection. Napangiti ako ng malungkot. Kaya minsan nakakaramdam ako na para bang hindi ako ang ako na sinasabi ng lahat. Dahil napakadami kong tanong na hindi nila masagot kahit ng kakambal ko.

Alam mo yung pakiramdam na may dati kang buhay pero hindi mo mapangalanan kung saan at ano yon ang daming tanong sa'kin na kaylangan ng sagot.

"Antagal mo namang maligo." Ani mula sa may gilid ko. Tumingin ako don at nakita ko ang kakambal ko na nakatayo at nakangiti sa'kin. Pumasok ito sa loob at pumuwesto sa likod ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at tumingin rin sa salamin.

Nahawak si Blue sa braso ko at nakangiti sa'kin.

"Why are you here? I thought you will swatch the thing I bought?" tanong ko sa kanya.

Napanguso siya. "Pwede ko naman siyang gawin mamaya. Saka I really want to talk to you. Umalis ka nalang ng hindi sinasabi sa'kin." Aniya.

Tumingin ako sa salamin. Iisa lang ang histura ng mukha naming dalawa. Iisa lang din ang pinagkaiba. Ang kulay ng mga mata naming. Ang kaniya ay kulay asul.... Samantalang ang akin ay kulay berde.

"Ano ang iniisip mo?" tanong niya habang nakatingin rin sa'kin mula sa salamin.

"I want to know the truth behind my eye color." Mahinang sabi ko.

Sa sinabi ko ay namutla si Blue na ngayon ko lang napansin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro