Chapter Three
CHAPTER THREE
NAGLAKAD ako papasok ng common room naming ni Blue, kaalis lang ng mga Villafuerte ngayon ngayon lang dahil natapos na ang kanilang usapan about sa kasal nila Kuya. I don't know why Allyson is not here too. Ang akala ko pa naman ay makakausap ko siyang muli dito.
When I entered the room. Loud music greet me and I saw my twin sister sitting in her chair in front of her study desk. She's journaling again. I thought she's sleeping now, kanina kasi ay halos hindi na niya maidilat ang mata niya sa antok.
Lumapit ako sa kama ko at humiga don. Kinuha ko ang isang libro ko sa ilalim ng kama at nag-umpisa naulit magbasa.
"Bakit hindi ka pa tulog?" tanong ni Blue sa'kin habang ang mga mata niya ay nakatuon lang sa ginagawa.
Sumandal ako sa head board ng kama at tiningnan ang likod nito. Sinara ko rin ang libro ko pero inipitan ko muna ng book mark na gawa mismo ni Blue.
"I can't sleep. I think my insomnia is attacking again." Sagot ko sa kanya. "Ikaw? Why are you not sleeping? Kanina lang ay inaantok ka na." puna ko.
Napatigil siya sa ginagawa niya at nilingon ako. Napanguso siya. Suot niya ang eye glasses protector.
"Paano kasi ako makakatulog, busog na busog ako at nakakatakot namang mahiga dahil baka hindi ako matunawan." Sabi niya at hinawakan pa ang tiyan.
Napailing nalang ako. Kanina kasi ay niloloko niya si Kuya patungkol sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Alex. Ang ginawa ni Kuya ay nilagyan niya ng madaming pagkain sa plato si Blue na halos mangiyak ngiyak habang inuubos ang pagkain.
Naiwasan ko kasi si Kuya kanina nung lalagyan ng pagkain pa ang plato ko.
"It's your fault too. Inasar mo si Kuya kaya gumanti din siya sayo." Sabi ko at binuksan ang libro na hawak ko. Nagsimula akong magbasa.
"I know, but it's too madami naman talaga eh. Alam mo kapag ako talaga tumaba dahil kay Kuya, nakooo!" aniya. Hinayaan ko nalang siyang magsalita ng magsalita sa rants niya about kanina.
"And you think na kapag nakaupo ka ay mababawasan yang mga nakain mo?" tanong ko. "Dapat ay naglakad lakad ka muna para matunawan ka. Hindi yang nakaupo ka lang diyan." Dagdag ko.
Mas lalong napanguso si Blue. "Ihhhh. Alam mo naman na ayokong naglalakad di ba? Saka gabi na rin kaya. What if may magpakita sa'king multo?"
Napailing ako sabay ngisi habang nakasilip kay Blue. That's our difference. I love all about supernatural but she scared of that. Kaya nga nagpabago ako ng interior ng kwarto dahil hindi makapasok don si Blue. Before, my room is full of skeleton, creepy paintings, and many more about supernatural. But sister can't take that kaya ayon. Binago.
Instead of creepy room, naging astronomy room na siya. My room is color black and grey. The ceiling is full of stars and moon, glow in the dark. My walls are full of pictures, and I have a book shelf near my window. I really love to read books about supernatural, witch craft and many more.
"You are afraid of ghost but you are not scared of being hurt and ghosted by those you chat on the internet?" ani ko.
Maarte naman siyang napahawak sa dibdib at animo nasaktan.
"Ay pasmado bunganga mo, Black." Aniya at inirapan ako ng pabiro saka tumayo at lumakad palapit sa'kin. Tumayo siya sa gilid ng kama ko. "Wala ka kasing love life kaya ganiyan ka. Ang sarap kayang makipag-chat."
Napailing ako saka ngumisi sa kanya. "Anong masarap sa walang label? Sa iniwan pagkatapos pagsawaan?"
Nanlaki ang mata nito saka ako hinampas sa braso.
"Pasmado talaga bunganga mo." Aniya pa at lumakad na palabalik sa table.
"Nagsasabi lang ng totoo."
"Wisshhshsh"
Napailing nalang ako dahil sa kaniya. Nakatalikod na siya sa'kin at busy na sa pagj-journaling nito. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari nung nakaraan. Namutla siya sa tanong ko. Ngayon ko nalang kasi ulit tinanong ang tungkol sa mga mata ko.
Pagkatapos niya kasing mamutla at matulala ng sandali ay mabilis lang lumabas ng kwarto ko si Blue. Naiwan akong nag-iisa. Hindi ko na ulit binuksan ang topic na yon dahil pakiramdam ko ay hindi naman niya ako sasagutin ng maayos.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas yon. Pumasok sa loob si Kuya na may dalang mga ice cream. Yes, mga dahil madami.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya, samantalang si Blue ay pinatay na ang speaker.
Lumapit ito samin at umupo sa gitna kung nasaan ang personalized, pink and black furr carpet. Ibinaba nito ang hawak na tray ng ice cream at tumingin sa'kin.
"Why are you asking me that? Bawal na ba akong pumasok sa kwarto ng mga kapatid ko?" tanong niya at binuksan ang Chocolate Ice cream.
Tumayo ako at bumaba sa kama. Tumabi ako ng upo sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Blue. Ngayon ay nasa magkabilang side kami ni Kuya.
"It's not like that. I'm just curious." Sabi ko at binuksan ang cookies and cream na ice cream.
"Okay. Bakit gising pa kayo? Dapat tulog na kayo dahil maaga tayong aalis bukas." Sabi niya at ibinigay kay Blue ang chocolate ice cream.
Pinag-scoop niya ako ng ice cream.
"Saan ba tayo pupunta bukas?" tanong ni Blue habang kumakain.
Nakatingin ako sa kanya saka ngumisi. "Akala ko ba busog na busog ka?" tanong ko dito.
Nanlalaki ang matang tumingin siya sa'kin bago nag-finger heart at nilantakan na ang ice cream. Pagkatapos ay inabot sa'kin ni Kuya ang ice cream ko. Naglagay ito ng para sa sarili.
Napangiti ako. Lahat ng alalahanin ko ay nabawasan ng kaunti dahil dito. Eating ice cream make me calm. Naalala ko kapag ka gusto ni Kuya na makabonding kami ni Blue ay magdadala siya ng pagkain para mapalapit kami.
"We're going to Alex' house tomorrow. We'll bring some wedding coordinator and a dress maker." Sabi ni Kuya.
"Eh, why not here nalang Kuya? Bakit hindi kanina?" tanong ni Blue.
"Because... ngayon lang kami nagkita and I think it will be awkward if may dala na agad na wedding coordinator kahit na hindi pa kami magkakilala."
"Hmm. Kaya pala."
Silang dalawa lang ni Blue ang nag-uusap dahil busy ako sa pagkain ko ng ice cream. And I was thinking about Alex sister. May gagawin kaya siya? I already told her that she should stop the wedding.
Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay kumakain ng ice cream at nakikipagtawanan kay Blue. How can you manage to laugh when you know that you will hurt Alex at the end?
Ngayon palang naawa na ako kay Alex. She doesn't deserve this. No one deserve to be hurt and to be cheated. Napatigil sila sa pagtatawanan ng makitang nakatingin ako kay Kuya. I don't know If he know that I knew his secret.
"Napagtanto mo na bang gwapo ako kaya ganiyan kang makatingin sa'kin?" malokong tanong niya at kinuha ang baso ko ng ice cream at nilagyan ulit. "Your ice cream is already melted, you should eat it right away." Aniya pa at inabot sa'kin ang bagong lagay na ice cream.
Ngumiti ako sa kanya.
"You know Daisy Ford, Blue?" tanong ko habang nakatingin kay Kuya na napatigil sa pagkain at napatingin sa'kin.
"Hmm... nope. I never heard her name before." Sagot niya sakin.
Kumain ako ng ice cream. "She's an actress here in our country. They say that she's pretty good kaya madalas siyang manalo ng awards."
"Talaga?"
"Yup." Ani ko pa. ibinaba ko ang hawak kong baso ng ice cream and I look at my brothers eyes. Nakatingin lang din siya sa'kin. Hinihintay ang susunod kong sasabihin. "They also said that Daisy have a secret boyfriend and it's a business man. A good looking businessman but they can't say who that guy is." Sabi ko pa.
Napatigil sa pagkain si Kuya.
"Hmm... I will search it later. Tingnan ko kung sino yong si Daisy?" ani Blue at tumayo na. Tumingin kami dito. "I'm going to sleep na. Goodnight!" aniya at lumapit kay Kuya para halikan siya sa pisnge. Ganun din ang ginawa niya sa'kin.
Naglakad na si Blue paalis ng common room naming dalawa at naiwan kami ni Kuya. Siguro ay nakaramdam si Blue ng kakaiba kaya siya umalis. Dahil sa pagkakakilala ko don. Hindi siya aalis pwera nalang kung paalisin siya.
Walang nagsasalita sa pagitan naming ni Kuya. Tahimik lang kaming pareho at nakikiramdam.
Si Kuya ang nagpatigil sa mahabang katahimikang namahay samin.
"Paano mo nalaman?" tanong nito at inumpisahang ligpitin ang pinagkainan namin.
Sumandal ako sa gilid ng kama ko.
"I saw you too."
"Where?"
"Mall."
Napatigil siya at tumingin sa'kin. "Yes, I saw you at the Mall. Holding hands while walking. Both of you wearing a mask and a cap. And in the parking lot. I saw you two kissing." Pagk-kwento ko dito kung paano ko sila nakita.
Napabuntong hininga si Kuya saka nag-aalalang tumingin sa'kin.
"Kaylan mo pa alam?" tanong niya.
Nag-cross arm ako sa harap niya. "Since last year pa I have a doubt with you na wala kang girlfriend. Then my suspicion confirmed when I saw you two kissing. Akala ko nga ipapakilala mo na kina Mom." dagdag ko pa.
"Don't tell this to anyone." Maikli niyang sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro