Chapter Thirteen
Hi Belladonna's!!!!!!
sorry for late update! and sorry for this short UD. bawi ako sa susunod.
Enjoy Reading!
CHAPTER THIRTEEN
HUNTER'S P.O.V.
I woke up with a fucking headache. Again!
Napailing ako at napabalikwas ng bangon ng maalala ko ang nangyari kagabi. Shit! How can I forgot what I saw?!
Patakbo akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa tapat ng kwarto kagabi kung saan ko siya nakitang pumasok. Pero saktong pakatok palang ako ng lumabas don ang kapatid ni Jake. Hindi ko alam ang pangalan dahil hindi naman kami close at madalang ko silang kausapin.
Ngumiti siya sa'kin.
"Hi po. May kaylangan kayo?" magiliw niyang tanong sa'kin.
Sunod sunod akong tumango. Kinakabahan ako kahit hindi ko alam ang dahilan. Excitement?
"Ano po yon?" tanong niya niya pa at sinarado ang pinto saka tuluyang lumabas.
"May kasama ka ba diyang kulay green ang mata? I saw her last night and I know that person." Ani ko sa kanya.
Natigilan ang kapatid ni Jake at ngumiti na napipilitan. Napakamot pa siya sa batok niya saka tumikhim. Alanganin siyang tumingin sa'kin. Ako naman ay naghihintay sa sagot niya.
"Uhmmm.... Wala...." Aniya na para bang hindi pa siya sigurado sa isasagot niya sa'kin.
"Are you sure? I saw her last night, diyan siya pumasok sa loob." Pamimilit ko.
Ilang beses na tumango ang dalaga at umiwas na sa'kin. Nauna siyang naglakad pababa.
"Yes po. I'm sure. Ako lang po at si Black ang nasa room kaya sure na wala." Sabi niya saka mabilis na bumaba ng hagdan. Napabuntong hininga nalang ako. Damn. This is so hard.
Ilang minuto na rin akong nakatayong mag-isa dito sa hallway. Nakayuko ako. Siguro talagang namamalikmata lang ako. Maybe I'm really drunk last night kaya kung ano ano na ang naiisip ko at nakikita. Miss na miss ko na siya.
Bagsak ang balikat na bumaba ako ng hagdan. Ayoko mang malungkot ay di ko magawang pigilan.
Naabutan ko sa sala si Benjamin at Henry na nag-aasaran.
"Alam mo, pre, sa susunod maliligo ka ha. Hindi yang amoy imbornal ka na." pang-aalaska ni Henry kay Benj.
"Gago di ka pa nasanay eh yun naman ang pabango mo!" pambabara rin naman ni Benj.
"Ulul! Hindi ah! Mabango ang pabango ko." Pagmamayabang ni Henry sabay amoy sa sarili.
"Oo nga mabaho."
Inilingan ko ang dalawa. Lumapit ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Henry. Ngumisi sila sa'kin saka tinaas ang hawak na tasang may kape para bang inaalok ako. Umiling ako sa kanya at hinawakan ang ulo ko. Headache is attacking me now.
Sumandal ako at pumikit.
"Deymmmm..... mukhang nasobrahan sa inom si Hunter bebe ah HHAHHAHA." Nakatawang sabi ni Henry.
Dumilat ako at tumingin sa kanya.
"This is your fault. Dapat ay beer nalang ang ininom natin hindi yung mga pinaghalo halo mong alak." Ani ko.
Nagkibit balikat siya at tinuro si Benj. "Ano yon... mas malakas pang uminom ngayon sa'yo si Benji?" tanong nito. "Pare, humihina na ata ah HAHAHHAHA."
Binato ko siya ng nakita kong kutsara na mabilis niyang nailagan. Tumayo ako at inilibot ang tingin ko sa buong bahay. Parang tahimik naman yata masyado. Humarap ulit ako sa kanila.
"Nasaan ang ibang tao? Nauna na ba sila?" tanong ko at naglakad papunta sa kusina.
May nakita akong pagkain sa lamesa. Mukhang almusal namin 'to. Lumapit ako sa may counter at kumuha ng tasa, nagtimpla ako ng sarili kong kape. I want it black with no sugar. Nang tapos na ako ay lumapit ako sa mesa. Hinila ko ang isang upuan at umupo don.
Nakatingin lang ako sa pagkaing nakahain sa mesa. May mga ulam na seafoods katulad ng mga alimango, sugpo at isda. Meron rin namang bacon, hotdogs and eggs. May rice at kung ano ano pa.
Dahil wala naman ako sa mood kumain ay inubos ko nalang ang kape ko.
"Ayaw mo bang kumain?"
Napatingin ako sa nagsalita mula sa likod ko. Nakangiting si Tita ang sumabulong sa'kin. Jake's mother. I smiled at her.
"No thanks, Tita. I'm still full." Magalang kong sabi at ngumiti. Tumango siya at naglakad palapit sa'kin.
Umupo siya sa katapat kong upuan. Kumuha ng pagkain niya.
"Alam mo gago ka kasi dapat sa susunod galing-galingan mo naman!" ani Henry
"Puta ka. HHAHAHHA. Magaling naman ako ah." Ani Benj
Napatigil lang sila sa pagmumurahan ng makitang nasa kusina rin si Tita at nakatingin sa kanila. Namutla silang dalawa saka ilang na ngumiti at lumapit sa'kin.
"Akala ko w-wala na kayo Tita..." sabi ni Henry at umupo sa tabi ko.
"Oo nga po.... Akala namin nauna na kayo sa location."
Napailing ako. Mga gago kasi. Para silang mga teenager na nakapunta sa bahay ng classmate na masungit ang magulang. Hahahaha.
"Umuwi ako kasi sobrang mainit sa labas. mamaya nalang ako babalik don." Malumanay na sabi ni Tita at ngumiti. "Kumain na muna kayong dalawa. Si Hunter ayaw eh." Yaya niya.
Umiling ang dalawang gago.
"Salamat Tita pero hindi na po."
"Busog na po kasi kami, Tita" sabi Benj.
"Okay, if hindi ko kayo mapipilit. Enjoy yourselves and I will go to your Uncle. Baka mamaya eh naduduling na yon kakahanap sa'kin." Sabi niya habang nakangiti. Lumakad na siya paalis ng kitchen ay naiwan kaming tatlo sa kusina.
"Hindi mo naman sinabing nandito pala si Tita." Akusa ni Henry na kinakamot pa ang ulo.
Inubos ko ang kape ko saka tumayo.
"Hindi ko naman kasi kasalanang mahilig kayong magmura kahit nasa ibang bahay kayo." Turan ko at lumapit sa may sink. Ibinaba ko ang tasa ko don at hinarap sila. "We need to go there already. Anong oras na rin." Sabi ko.
Nag-inat ng katawan si Benj habang tumatayo.
"Sige nga, tara na. Kaya lang hindi ba ngayong araw rin ang dating ng mga kaybigan ni Alex? May chicks kaya don?" sabay tanong niya.
"Oo nga. Sana may chicks." Dagdag ni Henry at inakbayan si Benj. Sabay silang naglakad palabas ng kitchen at ako naman nakasunod lang.
Lumabas kami ng bahay. Nagsuot ako ng shades, ganun rin ang dalawa. Nagtuloy kami sa pinakaresort kung saan gagawin ang kasalan. Nandun na sina Jake at Alex habang kausap ang mga wedding organizer. Ang kapatid naman ni Jake na nakausap ko kanina ay busy sa pagtingin sa lupa at paghahanap ng mga shells.
Alam ko ay kambal ang kapatid ni Jake, iisa palang ang nakikita ko nasaan na?
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Wala akong nakikitang kahawig nung kapatid ni Jake. Tinigilan ko na at lumapit kina Jake.
Pero napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagr-ring ng phone ko. Mabilis ko itong kinuha at chineck. Kumunot ang noo ko ng makitang informer ko ang tumatawag. Sinagot ko ito.
"Hello?"
"Bossing, may nakuha akong lead sa hinahanap natin." Maligayang sabi nito.
Napangisi ako. "Good job, PJ" ani ko at lumayo sa mga tao. Hindi kasi pwedeng tawagin siya sa tunay niyang pangalan. Baka mamaya ay malagay pa sa alanganin ang buhay niya.
"May nakakita daw po don sa bata, Bossing. Malapit-lapit lang dito kung saan siya na kidnap." Dagdag pa niya.
Napatango ako. "Okay. Send me the location I will get there as fast as I can." Ani ko. ibinaba ko na ang tawag at lumapit kina Jake.
"Jake." Tawag ko. lumingon siya sa'kin at ngumiti.
"Pre."
"Aalis muna ako. May kaylangan akong gawin sa Manila."
"Ngayon na ba?" tanong niya. Humarap na rin samin si Alex.
"Hindi pre, bukas pa kaya nga ngayon ako nagpapaalam." Pamimilosopo ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama saka umiling at ngumisi. "Tarantado, sige, umalis ka na. Just make it sure that will you come in my wedding day"
"Okay. I will go now, Alex." Paalam ko dito.
She smiled at me. "Take care, Hunter. Come back as soon as you can ha."
I just nod at her. I go to Benj and Henry, nagpaalam ako sa kanila.
"I will go now. Kita nalang tayo sa Manila." Sabi ko sa kanila. Kumunot ang noo ni Benj.
"Did something bad happened?" tanong ni Herny.
Umiling ako sa kanya. "Nope, this is all about work." sagot ko at tinapik sila sa balikat at tumalikod na. naglakad ako papunta sa exit ng resort.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro