Chapter Ten
Enjoy Reading!
CHAPTER TEN
HABANG papunta kami sa resort ay panay ang daldal sa'kin ni Kuya Henry. Kung ano anong pinagk-kwento niya sa'kin gaya nalang ngayon.
"Alam mo ba noon? Muntik na akong malunod sa dagat tapos noon muntik na rin akong mahulog sa bangin. Ang sabi sa'kin ng mga tao, ang swerte ko na daw non kasi nga nabuhay pa ako." Sabi nito na hindi ko naman maintindihan.
Nagpreno ako bigla na muntik ng magpasubsub kay Kuya sa dash board.
"PWEDE KA NAMANG MAGSABI KUNG MAGP-PRENO KA!" Nanlalaki ang matang sabi niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin at pinatay na ang makina pagkatapos ay hinugot ang susi.
Tumingin sa labas si Kuya Henry at don niya lang napagtanto na nasa resort na kami. Nag-alis ako ng seat belt bumaba siya ng kotse at hinintay makababa rin si Kuya Henry. Nang okay na ay nilock ko na ang kotse ay sinuot ko ang shades ko at naglakad na papasok ng resort.
Nang nasa receiving area na kami ng hotel papasok, lahat yata ng tao ay nakatingin sa'kin. Nagtataka sila sa hitsura ko. I'm wearing a Women Hipster Dark Black Bandage Zipper Pencil Cut Pants and a casual black leader jacket and a black crop top.
I remove my sunglasses and I walk inside.
The employees are greeting me and I'm just ignoring them. Nagpunta ako sa likod ng hotel kung saan makikita ang isang malaking pool at may hagdan sa gilid pababa papunta beach. We have our own house here kaya lang lalakarin pa dahil malayo rin yon.
"Alam mo lahat ng tao kanina gandang ganda sayo." Sabi ni Kuya Henry na nakasunod pa rin pala sa'kin.
"Hindi ko alam na legit pala yung sinabi ni Jake na napapanisan ka na ng laway kasi madalang kang magsalita." Dagdag pa niya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa rest house namin. Walang masyadong alon sa dagat. Ang araw at tumatama sa tubig na nagbibigay ng matingkad na kulay asul.
"Pag ba nalunod ako sasagipin mo ako?" tanong nito.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. "Please, stop talking. I didn't know na maingay ka pala." Iritableng sabi ko at naglakad na ulit.
NANG marating ko ang rest house namin ay nakita ko agad sa labas ng bahay ang isa pang kaybigan ni Kuya na si Kuya Benj. Nagtatawanan sila ni Blue.
"Hi Black." Bati ni Kuya Benj ng makalapit ako. Tiningnan ko lang siya saka ako pumasok sa loob ng bahay.
"Ang sungit talaga non." Rinig kong sabi ni Kuya Henry.
Tss. Hindi naman ako masungit. Ano ba kasing sasabihin ko? Wala naman din.
Nagpunta ako sa kusina kung saan ko naabutan si Kuya at si Alex na nag-uusap. Hindi yata nila ako napapansin dahil busy sa isa't isa. Naglakad ako palapit sa ref at kumuha ng pitchel ng tubig at nagsalin ako sa baso.
"Kumusta ang byahe niyo? Nahirapan ka ba?" sweet na tanong ni Kuya kay Alex but in my opinion its cringe.
"Okay lang. Medyo nakatulog naman ako non." Sabi ni Alex na halatang namumula ang mukha.
"That's good. Gusto sana kitang ipasundo ng chopper but they said na by land nalang dahil kasama mo rin ang parents' mo." Sabi ni Kuya.
Napailing ako. Si Alex ipapasundo ng chopper samantalang kami tumirik sa daan dahil sa ginamit niya ang chopper.
"Gusto mo bang mag-swimming tayo? Maganda ang sikat ng araw and malamig ang tubig." Ani Kuya.
Ngumiti si Alex. "Yes, I want that. Pwede ba?"
Tumawa si Kuya. "Yes of course, wala namang nagmamay-ari ng dagat." Sabi nito.
Hindi nga yata nila napapansin ang atensyon ko kaya pabagsak kong ibinaba ang baso ko na lumikha ng ingay. Napalingon sila sa'kin.
"Kanina ka pa jan?" tanong ni Kuya.
"Hindi naman." saka seryosong tumingin sa kanya. "Nasabi mo na ba kay Alex, Kuya?" tanong ko sa kanya.
Naging unease si Kuya. Lumapit ako sa kanya at seryoso siyang tiningnan. Pagkatapos at tinapunan ko ng tingin si Alex na halatang naguguluhan sa sinabi ko. Naglakad ako palabas ng kusina at nagpunta sa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Mabilis akong pumasok sa loob at humiga sa kama.
Nakatitig lang ako sa kisame. Hinawakan ko ang ulo ko. grabe ang sakit na naramdaman ko kanina. Normal pa ba yon?
What a stupid question. Of course it's not normal.
Should I tell this to them?
But they told me na okay lang ako. Damn! My trust issues are running now. There's nothing wrong if I ask second opinion. That's my right.
I nod to myself. Yeah, it's okay to have a second opinion. I can have a second opinion.
Napatingin ako sa cellphone kong umiilaw. Tumatawag si Blue. Mabilis kong kinuha at sinagot ang tawag.
"Labas ka dito, Black. Swimming tayo!" masayang paanyaya niya sa'kin.
Napatingin ako sa labas ng bintana at pinakiramdaman ang sarili ko. Gusto ko bang mag-swimming?
"Hey, andiyan ka pa?"tanong niya na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.
Bumangon ako. "Yes, I will go down in a minute. Just wait me." Sabi ko at ibinaba na ang tawag, pagkatapos ay naglakad ako papunta sa maleta ko. Hinila ko yon at dinala sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ang maleta at naglabas ng maikling shorts at loos t-shirt.
Nang makuha ko na ay nagpunta ako sa banyo ng kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos ko ay naglakad ako palabas. Nakita ko si Blue sa kwarto.
"Antagal moooo!" sabi niya at nakangiti sa'kin.
"Sorry. I change my clothes." Ani ko at inilagay sa laundry basket ang damit na suot ko kanina. Tumingin ako sa kanya. "Why?" I asked dahil kakaiba ang tingin niya sa'kin.
She pouted her pink lips. "Are you going to swim with your contact lens?" tanong niya habang lumalapit sa'kin. Napahawak ako sa mata ko saka tumango.
"Yes. I can't take this off.... We have visitors down there." Mahina ang pagkakabigkas ko sa mga huling salita na sinabi ko.
Kumunot ang noo ni Blue. "I think you should remove that from now. You can tell them na contact lens ang suot mo. You cannot swim with that. Masama yon." Dagdag pa niya.
I let a loud sigh. "I know... but masama rin if ever na makikita nila akong nakasuot ng contact lens. And they might not let me swim to."
"Ang hirap naman." sabi nalang niya.
I hold her hands and pinsil ko. "Don't worry too much. I can handle this. I will not dive or let my eyes na mabasa." Sabi ko.
Alanganin siyang tumango. Hinila ko siya palabas ng kwarto at sabay kaming bumaba ng hagdan. Nauna siyang lumabas ng bahay dahil napatigil ako ng makita ko ang sarili kong reflection sa salamin. I saw my eyes. It was blue like how I wanted. I feel belong when I have this.
But deep inside I'm hurting. I cannot let people see who I really am. I'm still a shadow of my twin because of this.
Hindi naman masama ang minsan...
Patakbo akong pumanik sa second floor at nagtuloy sa kwarto. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang solution ko at ang lalagyan ko ng contact lens. Naglakad ako papasok ng banyo. Lumapit ako sa may sink at naghugas ng kamay. Pagkatapos at humarap sa salamin. Inalis ko ang contact lens ko at inilagay sa lalagyanan niya.
Nang okay na ay napangiti ako habang nakatingin sa sarili ko. My smile is genuine. I'm really happy. I feel so free. I'm now free.
Hinawakan ko ang mukha ko at lumapit sa salamin pagkatapos ay ngumiti. I can really see the real me. I'm not hiding. Mabilis akong lumabas ng banyo at kwarto. Bumaba ng hagdan at nagtatakbo palabas ng bahay. Naglakad ako papunta sa may dalampasigan. Mabilis akong nag-dive ng nasa malalim na bahagi na ako. I swim.
Nang umahon ako ay napansin kong nakatingin sila sa'kin. There was astonishment on their faces.
"What?" tanong ko sa kanila at umahon. Pati si Kuya Jake ay nagtataka sa kinikilos ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makaahon ako. He look in intently in my eyes. And his eyes widened.
"Y-You...."
"I use my contact lens." Madiin kong sabi at kinuha ang towel sa gilid niya. He's still looking at me. "Right?"
"O-Oh yes... contact lens." Mahinang saad niya.
Nilingon ko ang iba ko pang mga kasama sa beach. Tinitingnan lang nila ako. The emotion in my face vanished.
"Hindi ba masama ang contact lens habang nags-swimming?" tanong ni Kuya Benj.
Tumingin ako sa kanya. "It's okay. Minsan lang naman 'to." Sabi ko.
Tumango siya at inakbayan ako ni Kuya Henry. Tiningnan ko siya ng masama. Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa'kin at inirapan.
"Alam mo Klyzene. Dapat hindi ka nagsusuot ng contact lens baka mamaya mabulag ka pa." sabi niya at hinawakan ako sa pisnge. Iniwas ko ang pisnge ko saka naglakad palapit sa kapatid ko. Tumawa siya sa ginawa ko at lumapit kay Kuya Benj.
Tumabi ako ng upo kay Blue. Nakasibangot siya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Ang mga boys ay nagpunta muli sa tubig.
Nagtataka lang ako dahil kulang yata sila. Alam ko ay apat silang magkakaybigan eh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro