Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventy-Four


CHAPTER SEVENTY FOUR

IKINUYOM ko ang kamao ko ng makitang pumasok si Klyzene sa isang itim na kotse. Mas lalo akong nainis dahil lalaki pa ang sinamahan niya. Sino ang tarantadong 'yon?!

Natuwa ako kanina ng makita siyang nasa clubhouse din. Halatang iniiwasan niya ako kaya naman sinadya kong hintayin siya dito sa labas ng bahay ni Jake kung saan nagpa-iwan ang dalaga. Buong akala ko ay magkakaroon kami ng pagkakataon mag-usap sa nangyari sa'ming dalawa pero hindi pala.

Hindi na ako nakakapagpatulog dahil sa pag-iisip sa kanya.

Iniwan niya ako sa harap ng bahay ni Jake at naglakad palabas. Hindi ako mapakali kaya sinundan ko siya. Hindi ko akalaing ganito ang aabutan ko.

Nangangating kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga kaybigan ko.

"What?!"

"I have a work for you."

"Hmm..."

"Investigate Ivan Law for me! I will pay!" pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko na ang tawag saka sinundan ng tingin ang kotseng sinakyan ni Klyzene na papalayo na. Tangina! Hindi pwedeng may pumalit sa pwesto ko sa buhay mo Klyzene!

Hindi ako nagpakatanga ng ganito para lang iwasan mo. Araw-araw na ako sa school nila para mamataan siya pero ang galing umiwas ni Klyzene. Napaka-galing. Hindi ko siya naabutan, kung minsan ay nakikita ko na siya pero nakakawala pa rin.

Galit na muli kong tinungo ang bahay nila Jake dahil nandon ang kotse ko. Galing ako sa party ni Jake na in-organize ng asawa nitong si Alex pero may nangyaring wala naman sa plano. Dumating ang ex ni Jake na si Katherine at sinabing buntis pa ito.

Ang laking gulo ang nangyari kanina sa clubhouse. Muntikan pang mapatay ni Jake si Katherine dahil sa galit. Napa-iling ako.

May mga baliw silang ex!

Hindi namin alam kung saan nagpunta si Alex at ang kasambahay nilang si Abby. Basta na lang umalis ang dalawang babae.

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar 'yon paalis. Nagpunta ako sa malapit na seven-eleven. Huminto ako sa isang gilid at bumaba ng sasakyan ko. Lumakad ako papasok sa loob ng store saka agad na tinuro ang pinaka-dulo kung nasaan ang mga beer.

Kumuha ako ng apat na kahon, pati na rin ang mga junk foods. Tumigil ako sa tapat ng breads. There is a cookie in front of me. I remember her.

She'll love this. Kinuha ko na rin ang cookies at dinala ang lahat ng 'yon sa counter.

Walang tao sa loob ng store, mula sa may salamin, kitang-kita ko ang kalsadang halos wala ng dumadaan. Malalim na kasi ang gabi at wala na talagang buma-byahe ng ganito. Mabuti nga't may bukas pang mga store na tweny-four-seven.

"Sir, eto lang po ba?" malambing na tanong ng babae sa cashier. Inginuso pa nito ang labing mapula dahil sa kolorete.

"Kung meron pa sana ibinaba ko rin diyan, 'di ba?" supladong sagot ko sa kanya.

Umawang ang bibig ng babae at mukhang nahiya naman kaya mabilis ang kilos na ipinunch ang pinamili ko. Kinuyom ko ang kamao ko.

"O-one thousand... f-five hundred, Sir." Inabot nito ang resibo sa'kin tangay na ang naka-plastic kong pinamili.

Inabot ko sa kanya ang saktong halaga na hinihingi niya saka padabog na kinuha ang pinamili ko. Nilimang hakbang ko ang pagbalik sa kotse ko. Mabilis akong sumakay do'n. Pagkapasok ko ay inilagay ko agad sa passenger seat ang pinamili ko.

Pinaandar ko ang kotse saka pinaalis do'n. Nag-drive ako pauwi sa condo ko. Nasa may basement na ako ng gusali pero hindi ko pa rin malaman sa sarili ko kung lalabas ba ako o ano. Ganito na lang ang nangyayari sa'kin araw-araw.

Dahil sa tuwing nasa bahay ako ay naalala ko si Klyzene, kung paanong ang walang kulay kong bahay ay nagawa niyang tahanan.

Sumandal ako sa upuan ko at saka pumikit ng mariin. Ikinuyom ko ang kamao ko at saka pinaghahampas ng malakas ang manibela ng kotse. Galit akong napatingin sa rearview mirror.

"Fuck you!" mura ko sa sarili ko.

Kung pwede ko lang sanang gulpihin mag-isa ang sarili ko ay ginawa ko na dahil sa katarantaduhan kong nagawa. Gaano katagal pa ba akong maghihintay at magdudusa bago niya ako kausapin?

Isang oras siguro akong naghihintay sa loob ng kotse ko ng mapagpasyahan kong bumaba na. Naglakad ako papunta sa elevator at sumakay do'n.

Parang patay akong pumasok sa loob ng unit ko. Ini-lock ko ang pinto at nagpunta ako sa sala, umupo ako sa lapag at kinuha ang beer na binili ko. Nag-umpisa akong uminom.

MAAGA akong nagpunta sa school nila Klyzene para antabayanan ang dalaga, gusto kong maka-usap siya. Kung hindi umabra na kaming dalawa lang, susubukan ko kapag madami kaming kasama. Hindi ako bumababa sa kotse ko.

"Hunter, you look like a creepy stalker..." mahina kong sita sa sarili ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay ngumisi ako, "but who cares?"

Hinilot ko ang sentido ko dahil bigla 'yung sumakit. May hang-over pa ako dahil sa pag-iinom ko kagabi. Naghigab ako. Maaga pa rin kasi kaya wala pang masyadong tao. Tiningnan ko ang wristwatch ko, it's five am. Anong oras kaya pumapasok si Klyzene? Nung magkasama kami ay seven or eight, ngayon kaya?

Pinapakain ba siya ng maayos do'n sa tinutuluyan niya? Nakakatulog ba siya ng maayos? Ibinibigay ba ang kaylangan niya?

Pumikit ako ng mariin dahil may kung ano-anong theories ang pumapasok sa isip ko. Mayroong kahalikan niya ang gagong si Ivan, sweet sila sa isa't isa at kung ano-ano pang nakakapagpa-init sa ulo ko.

Huwag lang magkakamali ang gagong 'yon na hawakan si Klyzene! Huwag lang siyang magkakamali dahil hindi ako mangingiming basagin ang mukha niya at baliin ang lahat ng buto niya sa katawan.

Dalawang oras na akong naghihintay ng mag-umpisang dumami ang mga estudyanteng nagsisidatingan. Nakita ko na si Klyzia na mag-isang naglalakad papasok. Malungkot ang hitsura nito at namamaga ang mga mata at ilong, nag-iiyak siguro.

Wala si Abby dahil kasama itong umalis ni Alex kahapon. Oo nga pala, baka hindi pumasok si Klyzene dahil sa nangyari kahapon... pero hindi. Pumasok si Zia kaya sure na papasok din 'yon.

Matiyaga pa akong naghintay sa kanya ng mamataan ko ang kanyang pigura. Naka-suot ito ng itim na blouse at isang ripped jeans. Nasa harap ang bag nito. Mukhang nakikinig sa music ang dalaga dahil may earphones sa tenga nito.

Wala sa sariling napangiti ako. Ang ganda niya talaga. Kahit walang make-up o meron, maganda siya.

Bumaba ako sa kotse ko at sinundan si Klyzene. Nakita kong pumanik ang dalaga sa hagdan. Papunta sa classroom niya. Sumunod ako sa kanya. Ilang dipa ang layo ko upang hindi niya mahakatang nakasunod ako sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng makitang lumiko ito sa isang corridor, mas lalo akong nainis dahil nakita ko ang pagsunod ng isang lalaki dito. Who is that?!

Lumakad ako palapit do'n para makita kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. Sumilip ako para makita sila pero dapat pala ay hindi ko na lang ginawa dahil mas lalo lang akong nainis. Dahil si Klyzene at 'yung lalaking mukhang professor dito sa school ay nagtatawanan.

Ginulo pa nung lalaki ang buhok ni Klyzene na kina-inis ko lalo. Sino siya para guluhin ang buhok ni Klyzene?! Bakit hinahayaan ni Klyzene 'yon?!

"Where do you want to eat later?" rinig kong tanong nung lalaki.

"We should try to eat in Chowking. I heard the food there is good," sagot ni Klyzene dito.

"Okay. I'll order it later, go in my office."

"K!"

Umalis ako sa pwesto ko ng makitang tumalikod na 'yung lalaki. Mabilis akong pumasok sa isang classroom na walang tao. Narinig ko ang yapak ng paa palayo sa pwesto ko ay lumabas na ako. Sinundan ko ng tingin ang lalaking 'yon

Pagalit akong humarap at napa-urong ng makitang nasa harap ko na si Klyzene. Seryoso ang mukha niya habang nakataas ang kilay sa'kin.

"What are you doing here?!" seryoso at madiin niyang tanong.

Awkward akong ngumiti sa kanya. "A-ahmm..."

"Don't follow me, Hunter. I'm warning you!" malditang sabi nito bago ako nilagpasan. Imbis na mainis ako ay mas lalo ang natuwa dahil kahit papaano ay kinaka-usap na niya ako. Sinundan ko ng tingin ang likuran niya. Pumasok na ito sa classroom.

"No way that I'll stop, Klyzene... no way."

Sinundan ko siya kahit saan siya magpunta. Nakita ko ang pagpasok nito sa ikalawa nitong subject hanggang sa mag-lunch. Nakita ko rin kung sino-sino ang sumubok kuma-usap dito na hindi naman pinansin ng dalaga. Natuwa ako do'n, hindi namamansin ng lalaki si Klyzene.

Bukod nga lang do'n sa professor.

Nakita ko ang pasimpleng pagpasok ni Klyzene sa office ni Nathaniel L. Guevarra, a Math Teacher. I will investigate things about him. Hindi ko gustong pumapasok si Klyzene sa office ng lalaking 'yon.

Halos isang oras din ang itinagal ni Klyzene sa loob ng office ni Nathaniel. Anong kain ba ang ginawa nila sa loob? Bakit inabot ng isang oras? Ang pagkain ay dapat madali lang. Madaming kung ano-anong pumapasok sa isip ko na hindi naman dapat.

Mula sa pagkaka-upo ay napatayo ako ng makita ang pagbukas ng pintuan at ang paglabas ni Klyzene. Mawalak ang ngiti nito sa labi habang naka-akbay pa ang lalaki sa kanya. Natawa 'to sa kung anong sinabi ni Nathaniel na hindi ko nagustuhan.

Are they have a secret relationship?! That is prohibited in school rules!

Sinundan ko ng tingin si Klyzene ng umalis 'to. Pinalagpas ko lang ang ilang sandali ang pag-alis nito bago ako nag-umpisang sundan ito. Nahinto kami sa parking lot. Kumunot ang noo ko bago tiningnan ang relos ko. Anong oras pa lang? Bakit nandito siya at wala sa klase niya?

Tumigil ito sa paglalakad na nakapagpatigil sa'kin. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno para hindi niya ako makita.

Sumilip ako. Naglilibot ito ng tingin. Mukhang ramdam niyang nakasunod ako sa kanya.

"What do you want Hunter? Didn't I told you to stop?! I know your hiding there. Get out here!" nanggigigil nitong utos sa'kin.

Hindi ako gumalaw at bumalik mismo sa pagtatago.

"I'll count, Hunter. Don't test my patience!"

"One..."

"Two...."

"Two and a half!"

Mariin akong pumikit bago humakbang palabas. Nagtaas ako ng dalawang kamay para sabihing sumusuko na ako.

"You really doesn't know how to follow orders, Winchester," sarcastic niyang sabi.

Ngumisi ako. "I know how to but not when it came from other."

She crossed her arms. "What do you want, Hunter? I told you to stop!"

"I will not stop until you give me a chance to explain my side."

"It's not necessary anymore. I don't want you to explain. Anong mahirap intindihin do'n?!" medyo tumaas ang boses nito.

Lumakad ako palapit sa kanya. Tatlong hakbang lang ang layo ko sa kanya.

"I need to. Please, Klyzene."

Hindi ko maiwasan ang pagkatakot dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya o nararamdaman niya. Walang emosyon ang mga mata niya miski mukha.

"Hunter, move on! Anong mahirap intindihin sa hindi ko gustong malaman kung anong rason mo?! Ayoko! Just move on and don't go near me again! I will call the police next time! I'm warning you!" madiin niyang ani bago tumalikod at mabilis na naglakad paalis. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro