Chapter Seventeen
Good evening, Belladonna's!
HAPPY 110 READSSSSS SA TGED!!!!!!!! Thank you sa mga nagtitiyagang magbasa kahit na knows kong di kaayusan ang flow at matagal ang UD. Iloveyou!!
Enjoy Reading!
CHAPTER SEVENTEEN
Kanina ko pa hinahalughug ang bag ko at ang mga gamit ko dito sa kwarto pero hindi ko talaga mahanap ang cellphone ko. Nag-aalala ako na baka kung saan ko maiwan at may kung sino ang makakuha nito na hindi pwede. Kahit na alam kong may password ay hindi pa rin ako mapalagay.
Maayos ng kaunti ang pakiramdam ko. Nakatulog kami ni Blue kagabi na magkatabi. Hindi niya ako iniwan. Magkayakap kami magdamag.
Nang magising naman ako kaninang umaga ay nagisnan ko pa rin si Blue. Tulog na tulog. Siguro ay napuyat kagabi sa kakabantay sa'kin. Naligo agad ako non kahit na masakit ang ulo ko dahil sa kakaiyak. Ngayon ko lang naalala ang cellphone ko.
Umupo ako sa gilid ng kama at pilit inalala kung saan ko ito naiwan. Alam ko kasi nung umalis ako kagabi ay dala dala ko ito----
Napatigil ako ng may ma-realize ako. Dala ko ito kagabi nung nag-swimming ako. Nanlamig ang buong katawan ko. Nakita niya kaya? Nabuksan?
Anxiety run thru my veins. I feel so anxious. I stand up and walk back and forth.
Napa-igtad ako ng bumukas ang pinto. Namumulta akong lumingon don. Ulo ng nakasilip na si Kuya Jake ang nakita ko. May pagtataka sa mukha nito. Tuluyan itong pumasok.
Nag-iwas ako ng tingin at inalis ang kung anumang emosyon ang mababasa sa mukha ko. Humarap akong muli dito. Wala ng emosyon.
Napabuntong hininga si Kuya at tumabi ng upo sa'kin. Ngumiti siya ng maliit.
"Kumusta ang pakiramdam mo? I'm worried about you last night." Mahinahon niyang sabi at hinawakan ako sa pisnge.
Pasimple kong inalis ang tinaboy ang kamay nito at lumayo. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga at tiningnan ako ng mariin.
Hindi ko pinansin 'yon at tumayo. Humarap ako sa kanya.
"I'm good, Kuya." Maikli kong sagot. Tinalikuran ko siya at naglakad ako palabas ng kwarto. Sumunod naman sa'kin si Kuya.
"Anong nangyari kagabi? Bakit ka walang suot na damit?" napatigil ako sa paghakbang ng paa ko pababa ng hagdan dahil sa tanong nito.
"Anong nangyari? Hmmm..?" tanong pa nito.
Pumasok sa isip ko ang pambabastos ng lalaking yon. Gago nga talaga silang magkakaybigan. Walang pinagkaiba. Miski kapatid ko. Tsk.
"Walang nangyari kagabi, Kuya. I forgot my clothes in the shore. I saw a big dog and I run because of fear." Pagdadahilan ko at naglakad na ulit.
"You? Scared of d-dog?" di makapaniwalang tanong nito. Nilingon ko siya.
"Why?"
Nauna itong nakababa at hinarangan ang daraanan ko. Tiningnan ko siya. Seryoso ang hitsura nito.
"When did you start to be afraid of dogs?" takang tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo. Nanlaki ang mata nito. "Klyzene Black, the dog can be afraid of you but you? Hinid ka matatatakutin Klyzene, sinong niloko mo?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. He know me that much?
"People change. Do you expect me to be strong all the time? I'm not a robot. I have emotions too." Malamig kong saad at nilagpasan si Kuya. Nagtuloy ako sa kusina at napatigil sa may pinto ng magtama ang mata namin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayoko mang aminin pero natatakot ako. Takot nga ba?
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at lumapit sa may lamesa. I took five pieces of cookies and glass of milk. After that I walk out from kitchen. Nagtuloy ako sa labas ng bahay at umupo sa may lamesa doon.
Nakamasid ako sa dagat. Ang alon mula sa dagat ay parang nagngangalit pati ang hangin ay humahampas.
Nagumpisa na akong kumain at napatigil ng may umupo sa tabi ko. Eto na naman ang kakaibang bilis ng pagtibok ng puso ko. May sakit na ba ako?
"A-About last night---"
Hindi pa man niya nauumpisahan ang sasabihin niya ay tumayo na ako at iniwan ang pagkain doon. Ayoko ng maalala ang nangyari kagabi. Kung nandito nga lang ang earphones ko ay hinid ko na kaylangan pang umalis at iwan ang pagkain ko. Naglakad ako paalis doon. Pumasok ako sa bahay at umakyat sa kwarto. Nagkulong ako at hindi namalayang nilamon na naman ng kadiliman.
NAGISING AKO ay tirik na tirik na ang araw sa labas. Tiningnan ko ang orasan sa side table at nakitang saktong alas-dose na pala ng tanghali. Matagal tagal rin akong nakatulog. Bumangon ako at sumandal sa head rest ng kama ko.
Kasabay ng pagpikit ko ang pagkakaalala ko ng nangyari kagabi. Hinawakan ko ang labi ko at mariing pumikit.
Kinagat ko ang lower lip ko. Gusto kong sumigaw dahil sa galit. Galit sa sarili ko dahil hindi ko magawang sabihin sa iba ang nangyari. Baka mamaya sabihin nilang nagsisinungaling lang ako. Baka mamaya sabihin nilang hindi big deal yon.
Dahan dahan akong dumilat at umiyak.
Yung first kiss ko. Yung iniingatan kong first kiss wala na. Nawala pa sa hindi magandang paraan.
Lumingon ako sa pinto ng may magsalita.
"Kung sasabihin mo yung nangyari kagabi baka gumaan ang pakiramdam mo."
Nakatayo doon sa may pinto si Mom. Nakatingin lang siya sa'kin. Lumakad siya palapit.
"You can tell me everything, Sweetie. I'm your Mother." Malambing niyang sabi at hinawakan ako sa pisnge ng makalapit siya.
She smiled at me sweetly.
You can try...
"I-I...." napaiwas ako ng tingin at umiling sa sarili ko. I can't do it. "I'm okay, Mom. Nothing happened." Sagot ko at ngumiti ng maliit sa kanya. "I'm famished. I will go down." Ani ko at bumangon at iniwan ito doon.
Mabilis akong naglakad at bumaba sa kusina. Andito pa rin ang mga kaybigan ni Alex, narinig ko silang nagkakaingay na naman. Hindi ba sila marunong tumahimik?
Kumuha ako ng plato at nagsalin don ng pagkain ko. Sa pinakadulo ako ng lamesa umupo. Mag-isa.
Tahimik lang akong kumakain. Maingay sa labas at nagkakantahan. Napatigil ako sa pagsubo ko ng pumasok sa loob ang kaybigan ni Alex na isang babae at Gay?
Natahimik sila ng makita ako sa loob. Nag-iwas sila ng tingin saka binuksan ang ref at kumuha ng yelo. Ibinaba ko ang tingin ko't ibinalik sa pagkain.
"Iyan ba yung sisteret ni Jake? Bakit mukhang nangangain?" tanong nung lalaki.
"Hindi lang mukha. True nga atang nangangain eyan. Tara na baka mamaya magalit..." ani nung babae.
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nila. Sumeryoso ang mukha ko at napangisi. Nangangain pala? Pwes ipapakita ko kung paano ako mangain.
Sabay silang lumabas ng kusina at naiwan ako mag-isa sa kusina. Tinaas ko ang mukha ko. May kakaibang ngisi sa labi ko. Tinapos ko kaagad ang pagkain ko at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Naglakad ako palabas ng kusina.
Something bad will happen....
HUNTER'S P.O.V.
I tried to talk to her but she's not yet ready. Siguro ay na-trauma ang bata dahil sa ginawa ko. I'm holding her phone right now. Gusto ko sanang mag-sorry kanina dahil sa ginawa ko pero nilayasan niya lang ako.
Sa susunod na talikuran niya ako ay igagapos ko na siya sa kama ko.
Wait--- what?!
What did I fucking say? No Hunter... she's just a kid. Bata lang yon.
Napailing ako at nilingon ang mga kaybigan naming nagkakagulo ngayon sa tubig. Mga naghaharutan na parang mga bata.
"Kanina ko pa napapansin na malalim yata ang iniisip mo." Ani mula sa likod ko.
Napalingon ako at nakita si Alex na nakatayo don at nakangiti sa'kin. She's wearing a blue summer dress. Gumanti ako ng ngiti sa kanya. Lumakad naman siya palapit sa'kin. Tumabi siya ng tayo.
"How's your day?" tanong ko dito.
Maloko siyang ngumisi sa'kin. "Iniiba mo ang usapan ha. Ako ang unang nagtanong." Sabi niya.
Napatawa ako ng mahina saka tumingin sa kanya.
"I'm thinking about work. So, pwede mo na bang sagutin yung tanong ko?" tanong ko sa kanya.
Tumawa ito at tumango. "Maayos naman ang naging araw ko. Naging busy lang sa preparation ng kasal." Sagot nito.
Tumango ako. "I can see that you're happy."
"I am."
I saw in her eyes that she's telling the truth. Her eyes are shining.
"That's good to hear then. Kapag kaylangan mo ng tulong andito lang ako." Ani ko.
"Salamat! Tatandaan ko yan." Aniya.
Tumingin ulit ako sa dagat at pinanood lang sila. Ganun rin ang ginawa nito.
"Ano nga palang trabaho mo? Naalala ko kahapon bigla ka nalang umalis." Tanong niya.
"I'm a private investigator slash agent? Kung anong gusto mo mong itawag sa dalawa." Sagot ko.
Namimilog ang matang lumingon siya sa'kin. Tumingin rin ako sa kanya.
"Talaga? Parang si James Bond? Mala Tom Cruise?"
Napatawa na naman ako ng mahina at napailing na rin. Nilingon ko si Alex at nandoon pa rin ang pagkamangha sa mukha nito. Tumango ako sa kanya.
"Oo pero hindi katulad nila pwede akong mamatay sa bawat misyon kong gagawin." Sagot ko at tumawa naman ito.
"Syempre, hindi naman fictional ang buhay mo." Sabi niya.
"Ikaw, anong trabaho mo?" tanong ko.
Ngumuso siya. "COO ako ng company namin. Ako ang humahawak." Sagot niya.
"Nice."
"Ikaw, may sarili ka bang corporation like yung mga nagtratrabaho sayo na iba pang private investigator?"
"Yes, I have one. Pero hindi naman ganun kalaki. Kaayusan lang."
Napatango siya. "Bigatin pala ang mga kaybigan ng mapapangasawa ko. Si Benj, may-ari ng mga jewel store na matatagpuan sa buong mundo. Pagkatapos ay si Henry naman madaming Bar."
Umiling ako. "Hindi naman. Sakto lang." sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa dagat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro