Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven


CHAPTER SEVEN

BLACK'S P.O.V.

Napatingin ako sa Prof namin na nagtuturo about sa History of the Philippines before it Colonialized by another country. Napapikit ako ng biglang manlabo ang mata ko at sumabay pa ang kung anong pumupukpok sa ulo ko.

Umiling ako at nagbabakasakaling umayos ulit ang paningin ko at mawala ang sakit na dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng antok.

Nakaramdam siya na para bang may kung sinong nagmamasid sa kanya kaya tumingin siya sa buong silid. Nahinto siya sa kakambal niya na may pagtataka sa mukha. Tumaas pa ng kaunti ang kilay niya na para bang tinatanong kung okay lang ako.

Bahagya akong tumango saka pumikit. Ang mga talukap ko ay gusto ng bumagsak ngunit pilit kong pigilan. At ang paningin ko ay ganun pa rin. Halos wala akong makita sa kanila dahil sa pagka-blurred.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos ay dahan dahang dumilat at parang nawala ang kung anong mabigat na nasa dibdib ko ng malinaw ko ng nakikita ang lahat. Nakatingin rin sa'kin ang teacher namin at ang iilan sa mga classmates ko.

Mabilis kong kinuha ang bag ko saka ako tumayo. Naglakad ako palabas ng classroom at bago ko pa maitungtung sa labas ng pinto ay sumirit na naman ang kakaibang sakit sa ulo ko. Napahawak ako sa may pinto upang kumuha ng lakas dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang mga binti ko.

May kung sinong humawak sa likuran ko. Hindi ko na nilingon dahil kilalang kilala ko ang init ng katawang iyon. Mabilis akong tumakbo kahit na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Nagtuloy ako sa banyo ng sa third floor. I locked the door. I look myself in the mirror and I saw my eyes are swollen and I don't know why.

Mabilis akong naghilamos ng mukha pagkatapos ay huminga ng malalim. Dahil siguro sa puyat kaya sumasakit ang ulo ko. Ilang gabi na akong kulang ng tulog.

Sumandal ako sa sink at pumikit. Inaantok ako. Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga dahil ang sama ng pakiramdam ko.

Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa bag at di-nial ang number ni Mom. After a one ring. She pick up.

"Yes, sweetie. Do you need something?" tanong ni Mom sa kabilang linya.

"M-Mom... can you pick me up here at school? I'm not feeling well." Mahinang daing ko.

Narinig ko ang pagtatanong niya kung bakit pero hindi ko na nasagot. Ang huling naalala ko nalang bago ako tuluyang bukmagsak sa tile floor ng banyo ay ang pagtawag nito sa pangalan ko at ang malakas na kalabog sa pinto ng banyo.

I WOKE UP with dizziness. The smell of the medicines are answering my question where I am. Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at inilibot ang tingin ko sa buong lugar. The room color is pure white. There's a door here that I think the bathroom.

"Gising kana pala." Malamig na turan mula sa likod ko. tiningnan ko kung sino yon.

"Why I am here?" I asked while checking my body.

"Don't you remember what happened?" tanong ni Sir Nat.

Napahinto ako sandali at binalikan ang nangyari sa'kin. Binalikan ko ang mga nangyari kanina at napapikit ako ng maalala ko yon.

"I fainted." Mahina kong sabi at tumingin dito. "Thank you for taking me here." sabi ko at at inayos ang sarili ko. Patayo na ako ng bumukas ang pinto at pumasok don si Blue.

May pag-aalala sa mukha niya habang naka tingin sa'kin. Nang makitang gising na ako ay mabilis siyang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"Buti gising ka na Black. I was worried about you." Ani Blue.

Binaklas ko ang kamay niyang nakapalibot sa'kin dahil hindi na ako makahinga. Inilayo ko siya ng kaunti sa'kin saka ngumiti ng maliit.

"Blue, I'm okay. Yung yakap mo yata ang papatay sa'kin eh." Kunwang biro ko at tumingin sa likod kung nasaan si Sir. Nat pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko kay Blue. "What is he doing here?" mahina kong tanong.

Ngumiti ng malawak sa'kin si Blue saka umupo sa gilid ng kama ko. Umusod naman ako ng kaunti para hindi siya mahirapan umupo.

"Nung sinundan kita kanina sa banyo, si Sir yung nakasalubong ko. Sinira niya yung doorknob nung banyo saka ka binuhat palabas at dinala dito." Pagk-kwento nito sa'kin. Tumango ako.

Pagkatapos ay tumingin kay Sir.

"Sir, thank you for your help but I think you should go now. My twin is here now." Pagpapaalis ko dito. I not used to his presence.

Ngumiti ng maliit si Sir Nat saka lumapit sa'kin. Ginulo nito ang buhok ko saka umupo sa upuan na nasa gilid ng kama ko. tumingin lang sa'kin si Sir.

"Hindi pa pwede, Ms. Anderson. Umalis ang parents niyo para kausapin ang Doctor mo so I'm going to stay here until they came back." Sabi ni Sir at nag-cellphone.

Nagkatingan kami ni Blue at tumango nalang ito na para bang sinasabi na hayaan ko na lang. At ganun nga ang ginawa ko. Hinayaan ko nalang na mag-stay si Sir dito. Humiga ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Blue. Nakapaloob ako sa maliit braso ng kakambal ko.

Napahawak ako sa mata ko dahil sa nangyari kanina. Namumula kasi. Bumangon ako sandali at kinuha ang salamin na nakita ko sa may side table. Tiningnan ko ang mga mata ko. Ganun pa rin. Nakasuot pa rin sa'kin ang contact lens pero hindi na siya namumula.

Nakahinga ako ng kaunti dahil don. Sumandal ako sa balikat ni Blue at pumikit.

"Bakit daw ako nandito sa hospital, Blue?" mahina kong tanong habang sinusuri ang ilalim ng mata ko.

Hinawakan ni Blue ang buhok ko at pinaglaruan.

"Wala pang sinasabi, Black. Pero kinabahan ako kanina nung nakita kitang walang malay. Akala ko mawawala ka na sa'kin." Malungkot niyang sabi habang pinaglalaruan ang buhok ko.

Napangiti ako. "Mararamdaman mo naman kung sakaling mawawala na ako. Kambal tayo and we should be connected. Your heart and mine are one." I said and I intertwined our hands. Even though deep inside.... I have this feeling that you all lying to me. That you. My own twin sister are lying to me. I still love you.

I look at her and smile. She smile back and she hug me so tight.

NAGBUKAS ang pintuan at pumasok don ang parents ko. Guilt is written on their faces. I frowned and let go in my sister's hug. I get up from bed and look at them.

"Why your faces like that?" tanong ko at tumingin kay Daddy na mamula-mula ang mata na para bang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Si mommy kasi ay medyo maputla ang mukha pero pareho silang nag-aalangang tumingin sa'kin.

"Ano daw pong result nung test?" pagtatanong na rin ni Blue sa kanila. Nagkatinginan kaming dalawa dahil ayaw talagang sagutin ng parents ko.

Tumingin sila kay Sir Nat.

Si Sir naman ay tumayo na at ngumiti sa parents ko.

"I will go now, Sir... Ma'am." Anito at tumingin samin. "I'll go now, young ladies. Don't push yourself to go to school tomorrow Ms. Anderson if you're not still okay." Sabi niya na tinanguan ko nalang.

"Thank you, Sir!" pahabol ni Blue.

Ngayon ay wala ng ibang tao dito a kwarto ko. Kami nalang mag-anak kaya naman tumagilid ako ng upo. Pagkatapos at humarap sa mga magulang ko. Kakaiba ang pakiramdam ko sa tinginan ng mga magulang ko. Parang tinatambol ang puso ko.

"Will you tell me what happened to me or you just going to let me die because of overthinking?" naiinis kong tanong sa kanila.

Tumikhim si Dad at si Mom ay umupo sa inuupuan ni Sir Nat kanina. Hinawakan ni Mom ang pisnge ko at ngumiti ng maliit.

"Sweetie, don't make me worried with you anymore. I thought something bad happen." Mahina niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

Pumikit ako at tumango. "I'm sorry. I didn't know too why I fainted. I think this is just my little karma for not sleeping early."

Tumabi ng upo sa'kin si Dad.

"Honey, that is not true. You fainted because of head ache and that's because of you losing a sleep." Ani Dad.

Nagtatakang tumingin si Mom kay Dad at kumunot lang ang noo ni Daddy dito pagkatapos ay unti-unti ng bumalik sa dati ang hitsura ni Mommy.

Tumango-tango si Mom.

"Yes, dahil don yon sweetie. Sa susunod ay matutulog ka ng maaga ha. Pinagbawalan ka na ng doctor na magpuyat. It's not good for your health. Sabi nito.

"We will have a monthly check up for the both of you too. Ayokong pati si Zia ay magkasakit dahil sa pag-aaral niyo. Dapat ay aalagaan niyo rin ang sarili niyo." Sabi ni Daddy.

Tumango ako at hindi na nagsalita. Pinakikiramdaman ko silang dalawa dahil may kakaiba. May mali akong nararamdaman. Para silang nagtatalo gamit lang ang mga mata nila.

Hinawakan ako ni Blue sa braso at nginitian. I wish I can answer my own question easily.

Basta ang alam ko lang ngayon ay may kakaiba sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano pero may kakaiba sa kanila. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro