Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

hi Belladonna's, sorry hindi ako nakapag-UD kagabi dahil nawalan ng connection ng wifi. try ko makapag-UD sa story ni Leo mamayang madaling araw or bukas na. Goodnight! 

enjoy reading!

CHAPTER NINE

NAPATINGIN ako sa labas ng kotse habang umaandar ito. Papunta kami ngayon sa beach resort namin kung saan magkakaroon ng practice para sa kasal nila Alex at Kuya. Walang ibang maririnig sa loob ng sasakyan kundi ang radio na binuksan kanina at ang tunog ng makina.

Si Blue ay busy sa pags-sketch.

And as usual, nakasuot ako ng ear phones at nakikinig ng music. Habang nasa byahe ay nalilibang ako sa pagtingin sa mga puno at bulaklak na nadadaanan namin. Walang masyadong bahay at kung meron man iilan lang din.

Napatigil ako sa pagmumuni muni ng huminto ang kotse namin. Humarap ako sa mga magulang ko. Pati si Blue napatigil sa ginagawa at tumingin sa mga magulang namin.

"What happened?" Mom asked.

Napahinga ng malalim si Dad at tumingin kay Mom. "I think nasiraan tayo. Titingnan ko muna sa labas. Huwag kayong bababa." Sabi niya at bumaba na ng sasakyan.

Naglakad si Dad paharap sa kotse at tinaas ang hood. Biglang lumabas don ang makapal na usok.

"EHEM!" rinig naming ubo ni Dad. "Bullshit."

Nilingon kami ni Mom at nginitian. Hindi umaabot ang ngiti ni Mom sa mata niya.

"Are we going to walk, Mom?" tanong ni Blue.

Umiling si Mom.

"Of course not, honey. Makakagawa ng paraan ang Dad mo. Don't worry too much." Sabi niya at hinawakan sa pisnge si Blue at tumingin sa'kin. I just nod and smile.

Ilang minute pa kaming naghintay at hindi na ako nakatiis. Lumabas ako ng kotse.

"Klyzene!" tawag sa'kin ni Mom pero hindi ko na pinansin.

Lumapit ako kay Dad and I look what happened. Pinapaypayan pa ni Dad ang usok para mawala.

"Nag-over heat?" tanong ko habang sinusuri ang sasakyan.

"I think, yes. Kanina pa nag-iingay yung makina niyan."

Tumango ako at chineck yung tubig ng sasakyan. "I think natuyuan rin ng tubig 'to Dad. We need to get water para dito." Sabi ko at naglinga-linga.

Tumango rin si Dad at tumayo ng tuwid. I did the same and I saw him get his phone and call someone. Tiningnan ko ulit ang makina at ipinagpa-tuloy ang pag-c-check dahil baka mamaya ay may mga iba pa palang sira.

"Hey, son. We're almost there but our car stopped. I think it's broken." Ani Dad sa kausap sa phone. I think that's Kuya. He called it son eh.

"Okay. Yes, they're with me. Yes, we have luggages. Call someone to pick up here. Yes..... tell them to bring a rope for the car. Thanks' son." Ani Dad.

Sinarado ko ang hood. Sumalubong sa'kin ang mukha ni Mom na naiinip at may halong pag-aalala. Inakbayan ako ni Dad and naglakad kami papunta sa gawi ni Mom.

"What happened? Maayos niyo ba?" tanong ni Mommy.

Umiling si Dad at tumingin sa daan na dapat naming pupuntahan. Tumingin ulit siya kay Mommy.

"We need water and walang makukuhanan dito. Malayo pa ang sunod na kapit bahay but I call Jake, sususnduin niya tayo dito." Sabi nito.

I tap his back and he look at me.

"Go inside, Dad. I'm going to walk. Mataas ang sikat ng araw. Baka mamaya ma-heat stroke pa kayo dito. Open the car windows para hindi ma-suffocate." Sabi ko at kinuha mula sa backseat ang bag ko.

"But baka mamaya delikado." Sabi ni Mommy.

Ngumiti ako ng maliit sa kanya at inalalayan si Dad papunta sa driver seat. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya sa loob. Bago ko isara ay binuksan ko muna ang mga bintana yumuko para makita nila ako.

"Sandali lang po ako. I'll try to find water dahil baka matagalan pa sina Kuya. But don't leave this car, para kung dumating sila you can always call me. And Blue." Pagbaling ko sa kakambal ko. "Don't let them out of this car. Sandali lang ako." Sabi ko at sinara na ang kotse.

Pagkatapos ay naghanap ako ng malaking bato. Nang makakita ako ay inilagay ko sa isang gulong sa likod upang hindi umatras. Nang okay na ay naglakad ako pababa ng daan. I saw a near house before we stop. Sinuot ko ang shades ko dahil sa nakakasilaw na liwanag ngayon.

Habang naglalakad ay pinagpapawisan na ako. Maririnig mo lang ay ang huni ng mga ibon at ang alon ng tubig mula sa dagat na makikita sa matarik na bangin. At ang hangin, fresh at napakasarap sa pakiramdam. Tahimik lang. And I want this kind of life.

Malayo layo na rin ang nalalakad ko ng may makita akong mini-tindahan. Mabilis akong naglakad at lumapit don. Napatigil ang mga tao doon ng makita ako.

"Ahm... I'm just going to ask if—I mean. Magtatanong po sana ako kung may tubig kayo dito? Tumirik po kasi yung kotse naming and kaylangan ng tubig." Tanong ko at hinubad ko ang shades ko.

Tumingin ang matandang babae sa isang lalaking kaedaran ko lang at tumango. Ngumiti sa'kin ang batang lalaki saka umalis.

"Taga saan ba kayo, Ineng?" tanong nung matang babae.

Tumingin ako sa kanya. "Taga Manila po, but we own the resort near here." Sagot ko habang naglilibot.

Pumalatak ang ginang. "Ahhh! Sa inyo ba yong resort diyan?" tanong niya.

I nod and give her a small smile. "Yes, we own that po."

"Oo. Doon kasi nagtratrabaho ang anak ko." sabi niya.

Napatango ako don. "Can I ask his name or her name to give her or him a bonus?"

Mukhang hindi naintindihan ng Ginang ang sinabi ko kaya napangiwi ako. Apologetic akong ngumiti sa kanya.

"Sorry po. Ano... itatanong ko lang po ang pangalan ng anak niyo para po mabigyan ng kaunting tulong or bonus po." Tanong ko ulit.

Umaliwalas naman ang mukha ng babae at tumango tango.

"Si M-Michael po ma'am... nag-iisang anak ko po. Y-Yung bata kanina anak niya... maaga kasing nabyudo." Pagk-kwento niya. Tumango ako.

Akma pang magsasalita ang Ginang ng makita na namin ang pagdating ng batang lalaki na may dalang isang wilkins na tubig. Humarap ako sa ginang muli.

"Okay po. I will---sasabihin ko po kay Dad na bigyan ng bonus ang anak niyo." Tanginang nasabi ko at inabot sa'kin ng binata ang tubig. "Thank you." Sabi ko dito at tumingin sa Ginang. "Thank you po."

Ngumiti siya. "Walang anuman. Salamat rin, hija." Sabi niya. Tumango ako at naglakad na paalis.

Napatingin ako sa araw dahil napaka-sakit na nito sa balat. I hissed and I put on my shades. I don't really want to see the sun in hours like this dahil masakit na nga sa ulo ang init, masakit pa siya sa balat. Habang naglalakad ay in-enjoy ko na rin ang pagkakataon dahil mamaya ay wala na ang ganito kasarap na katahimikan.

Nang malapit na ako, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. tumigil muna ako sa gilid na natatakpan ng mga dahon at kinuha ang phone ko.

I answered it without looking who's calling.

"I'm near." Pambubungad ko at nagumpisa ng maglakad ulit.

"Near? Where are you?" tanong ni Sir Nat sa kabilang linya.

I stop, inilayo ko ang phone ko sa tenga ko at tiningnan kung sinong caller but damn! It was an unregistered number.

"Ahm... Sir Nat?" tanong ko ng ibalik ko na sa tenga ko ang telepono ko.

"Hmm... yes, it's me. Why?" aniya sa kabilang linya.

"Where did you get my number?" I ask and I start walking again.

I heard him chuckle in the other line.

"I have my source." Tipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Who's source?" tanong ko sa kanya para makutusan at makulam kung sino mang source na sinasabi niya.

"That's a secret."

I rolled my eyes and accepted the fact that he have my number now.

"Okay, what do you need, sir? As I can remember, today is Saturday and weekend. Rest day of students. Why are you calling me in my personal number?"

"Okay. Chill. No need to be masungit." Sabi nito at tumatawa-tawa pa sa kabilang linya.

Napairap ako at huminto sandali. Nangangalay na rin kasi ang braso ko na may hawak na tubig. Inalis ko ang suot kong salamin at huminga ng malalim.

"Sir, sabihin niyo nap o kung anong kaylangan kong malaman dahil kaylangan ko ng ibababa ang tawag." Naiinis kong turan at tumingin daan pabalik. Ewan ko kung anong nangyari sa'kin at bigla nalang akong nakaramdam ng pagsirit ng manipis ngunit napakasakit sa ulo.

Nabitawan ko ang cellphone ko at napaupo sa kalsada. Napahawak ako sa ulo ko at madiing sinabunutan ang sarili ko. Gusto kong sumigaw sa sakit pero walang boses na lumalabas sa'kin.

"Hello?! Klyzene?!" ani mula sa cellphone ko.

Dun lang ako natauhan at unti unting naglaho ang sakit sa ulo ko. napahinga ako ng malalim at sinabunutan ulit ang buhok ko bago kinuha ang phone ko at binaba ang tawag. I texted him that I need to do something. Inalog ko ang ulo ko.

Nang maramdaman kong okay na ako ay tumayo ako at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko pagkatapos ay binuhat na ang tubig at naglakad pabalik.

Natatanaw ko na ang kotse naming kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nang makarating ako ay ibinaba ko ang gallon ng tubig at lumingon sa'kin si Kuya Henry. My brother's friend.

"Yow, Klyzene, Yow!!!!" aniya

"You're such a weirdo!" ani ko at inirapan siya. Tiningnan ko ang kotse namin. Wala na sila, pati na rin ang mga gamit namin. I'm sure of that.

Napanguso naman siya sa'kin at nag-puppy eyes pa. "Ang hard mo naman shakin Klyzene." Sabi niya at nagpa-cute pa.

Seryoso ko siyang tiningnan at akmang lalapitan ng lumayo naman siya sa'kin na kinataas ng kilay ko.

"Wala namang ganyanan, Klyzene. Hindi naman tayo magka-away ah." Sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. Para siyang maamong tupa.

"And we're not even friends." Sabi ko at kinuha ang gallon ng tubig at lumapit sa hood ng sasakyan. Tinaas ko yon at nilagyan ng inilagay na ang tubig. Nang okay na ay chineck ko naman ang langis nito. Nang makitang okay naman ay naglakad ako papunta sa may driver seat.

Binuksan ko ang pinto at umupo sa driver seat. Nakita ko don ang susi kaya naman ini-start ko ang kotse.

Nag-ingay lang ito pero hindi nag-work. Parang yung relasyon niyo.

Tumigin naman ako sa may labas kung nasaan si Kuya Henry and he just looking at me but his eyes are laughing. He's laughing at me secretly.

Inirapan ko siya at sinubukan muling i-start ang makina at nag-ingay lang ulit ito pero hindi umandar.

Pumasok naman sa sasakyan si Kuya Henry.

"Let me drive, princess." Sabi nito.

Magkadikit ang kilay na humarap ako sa kanya "I'm not a princess." Malamig kong sabi sa kanya at pagalit na muling sinubukan ang pag-i-start.

Halos mapangiti ako ng umandar na ito sa wakas. Tumingin ako kay Kuya Henry na nakangiti sa'kin.

"Good job, Princess. I didn't know na kaya mo palang mapaandar 'to." Sabi niya.

Tiningnan ko lang siya saka pinasibad sa lugar na yon ang kotse ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro