Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Hi Belladonna's, 

HAHHA, di ko alam kung magsusunod-sunod na ang UD after nito pero ang masasabi ko lang ay  tuloy uloy na ang pagsusulat ko ng The Green Eye Devil, offline po dahil wala namang masyadong gagawin ngayon dahil kakatapos lang ng aming 1st Sem. 

Enjoy Reading! 

I love you 💙💙💙

CHAPTER FOUR

HINDI MAKAPANIWALANG tumingin ako kay Kuya. Ayaw niyang ipasabi ang totoo sa iba.

"Okay." Sabi ko at tumayo na pero bago pa man ako makapaglakad para lumabas ng common room ay hinawakan ako ni Kuya sa braso at pinaharap.

Nakakunot ang noo nito at nag-aalalang nakatingin sa'kin. Dahan dahan kong binawi ang braso ko at tiningnan siya sa mata. I remove all of my emotions and I'm back being a cold hearted girl. The devil.... Like what they say.

"Don't worry. I won't tell it to anyone." I assured him. "It's okay. I'm not going to tell this to anyone. But I'm giving you a deadline. Tell this to Alex or I will tell it by myself." Ani ko at lumakad na papunta sa pinto ng kwarto.

Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto don pagkatapos ay sinunod ko ang pinakapinto ng kwarto ko. Nang ma-sure ko ng naka-lock ay nagpunta na ako sa banyo at naglinis ng katawan, I want to sleep already. I'm tired, not just physically but also mentally.

After I finished cleaning myself. I climb my bed and lay down in my bed.

Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Stars are shining. Para talaga akong nasal abas ng bahay at nakatingin sa totoong langit. Ang buwan ay full moon dahil full moon rin ngayon. Ang nakakatuwang ginawa ng parents ko para sa'kin ay ang buwan. Nagpapalit-palit rin ito. Kaya kung full moon ngayon, sa susunod ay half-moon at iba pa.

Nakatitig lang ako don hanggang sa hindi ko napapansing hinihila na ako ng antok.

MALALAKAS AT sunod sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko ang nagpagising sa'kin. Iminulat ko ang mata ko at tiningnan ang orasan na nasa ibabaw ng side table. It's already Nine am.

"Ma'am Klyzene, pinapababa na ho kayo!" sigaw mula sa labas ng pinto.

"Aalis pa daw po kayo. Pinapagising na ho kayo." Ani ng katulong naming.

"I'm awake now! Tell them I'm coming down." Ganting sigaw ko dito. Pagkatapos ay bumangon ako at umupo. Nag-inat ako ng mga braso at tumayo na.

Nagtuloy ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Naligo ako ng mabilisan at mabilis din nagbihis. Nagsuot na rin ako ng contact lens ko at inayusan ang sarili. Naglagay ako ng eye liner itaas at baba ng mga mata ko. I used a beige lipstick.

Nang okay na ako sa histura ko ay lumabas na ako ng kwarto at naglakad pababa ng pinto. Nasasalubong ko ang iilan naming kasambahay. Akyat paanog sila at ang iba ay lumalabas pa ng bahay na may mga dala. Siguro ay yun ang dadahil sa bahay nila Alex.

Tumuloy ako sa kusina kung saan ko naabutan ang pamilya ko na nag-uumpisa ng kumain. Pumasok ako at tumabi ng upo kay Blue.

"Good morning, Twin!" bati niya sa'kin.

"Morning." Ani ko at tumingin sa mga magulang ko pagkatapos. "Good morning, Mom, Dad."

Ngumiti si Mommy at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Good morning too, sweetie. Late ka na yatang nagising?" puna ni Mom pero hindi ko na sinagot pagkatapos ay tumingin kay Dad na nakatingin samin ni Blue, tumaas ang kilay ko at nagtatakang tumingin din sa kanya.

"Why are you looking at us like that, Dad?" hindi ko maiwasang itanong habang kumakain ako. Ayoko kasi ng napapansin ako. Mas gusto ko yung walang gaanong nakakapansin sa'kin. Naiilang ako,

"Hm... nothing. Masama bang tingnan ang mga prinsesa ko?" malambing na tanong ni Dad saka tumingin kay Mommy. "Your son is still not here, Babe. Baka mamaya ay mahuli siya sa mismong pamamanhikan"

Hinawakan ni Mom ang kamay ni Daddy, "Babe, don't mind him. May inutos ako sa kanya. Ikaw ang dapat mag-ayos na dahil I'm sure mahuhuli tayo dahil sayo. Hindi ka pa rin kasi naliligo." Sabi ni Mom na kinabusangot ni Dad pero kinatawa naming ni Blue.

Ganiyan sila maglambingan araw-araw. Animo mga hindi tumatanda dahil sa sobrang sweetness sa katawan.

"Malapit na ang birthday ng kambal. Debut na nila. Saan gaganapin?" tanong ni Mommy makalipas ang ilang sandali. Napatigil ako sa pagkain at ganun din si Blue. Nagkatinginan kami.

"My princesses are now a lady, huh. Talagang hindi na sila pwedeng umalis ng walang bantay." Birong totoo ni Dad.

"Nah. I don't want to have a party, Parents. Nope, I don't want." Pagtutol ko dahil naguguni-gunita ko na kung anong mangyayari.

"We should have!" pagsalungat sa'kin ni Blue. "Minsan lang tayo maging debutant. Dapat ay sulitin na natin, Black. Minsan lang yon sa buhay natin." Pamimilit pa niya.

Umiling ako at I'm sure halata sa mukha ko ang di pag-sangayon. Nag-puppy eyes siya sa'kin saka tumingin sa mga magulang namin.

"Di ba tama naman ako? Minsan lang yon and kambal kami..." aniya na pinalungkot pa ang boses.

"Oo naman, anak. Tama ka naman don." Sabi ni Mom at lahat sila ay nakatingin na sa'kin.

Napaawang ang bibig ko. "M-Mo---"

Hindi ko pa nauumpisahan ang sasabihin ko ng unahan ako ni Blue.

"Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao? I mean, we are twins then iisa lang ang magkakaron ng party?"

Napatingin ako sa kanya at ang mga mata niya at nangungusap. Hinawakan pa niya ang kamay ko at pinsil-pisil.

"Black, please, this one. My birthday will be incomplete without you. You are my twin. The half of my heart and life, anong saysay mag-birthday na hindi ka kasama?" dagdag pa niya.

Bumigat naman ang dibdib ko dahil sa malungkot na mata ng kakambal ko. Napahinga ako ng malalim. Gumanti ako ng hawak sa kamay nito saka dahan dahang tumango. Napatili naman siya at si Mom samantalang si Dad ay nakangiti lang sa'kin.

"O.....kay. Now it settled, Mom. We will have a party! I'm excited!" sabi ni Blue at pinagpatuloy na ang pagkain niya.

Napahinga ako ng malalim. It will be a long day for me. Nag-uusap na sina Mom about sa debut namin ni Blue. Napailing nalang ako. Hindi pa nga tapos yung sa kasal ni Kuya yung debut agad naming ang iniisip. Hays.

AFTER namin mag-breakfast ay lumabas na kami ng bahay dahil nasa labas na si Kuya at naghihintay. He brought foods for Alex and her Family. Gamit naming ngayon ay Van dahil madaming dala na pagkain. Nasa may pinakahuli ako at nasa gilid ng bintana. Nakasuot ako ng ear phones at nakikinig sa kanta ni Taylor Swift na 'Love Story'.

Si Mom at Blue ay nasa harap ko at nag-uusap. Si Kuya ang nagmamaneho samantalang si Dad ang nasa passenger seat. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang sila tumawag ng driver para mag-drive. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako. Wala naman kasi akong sasabihin. Habang nakikinig ng iba't ibang music ay nakatingin ako sa labas. Nalilibang ako sa pag-tingin ng kung anong madadaanan namin.

NANG makarating kami sa bahay ng mga Villafuerte ay naunang bumaba si Kuya. Sumunod si Dad. Pinabuksan ni Kuya si Mommy ng pinto, sumunod na bumaba si Blue at ako ang huli.

Nakita kong naglalabasan na ang mga kasambahay nila Alex. Pinadala na sa mga ito ang mga dala naming pagkain papasok ng bahay.

Lumabas naman si Alex na na-star struck ata kay Kuya.

"She looks like a fool. It's obvious that she's drooling over Kuya." Ani ko kay Blue habang papasok kami ng bahay.

Napatango si Blue. "Yeah and who will not be, right? Kuya is handsome and malakas ang appeal niya sa mga babae." Sabi pa niya.

Tumango nalang ako at tumigil kami sa may likod ni Mom. nag-uusap sina ni Alex.

"Ahm...pasok po kayo." Sabi ni Alex, nauna si Mom kaya naman sumunod kami sa kanya.

"Nako, Ate ha censore kayo ni Kuya." Sabi ni Blue kay Alex bago kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok palang ng bahay ay makikita na ang pagiging simple nito. Maluwag ang salas at makikita ang hagdan. Napatango ako.

Nakita ko sa may hagdan si Allyson. Nakatingin lang siya sa'kin. Binigyan ko lang siya ng isang tingin.

NANDITO AKO NGAYON SA MAY BANYO AT NAG-AAYOS ng sarili ko. Hindi ko na kasi matagalan ang pagkabagot dito kaya umalis muna ako sa sala sandali. Sino naman kasing hindi mababagot di ba? Wala namang ibang gagawin dito.

Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa'kin si Allyson na siyang nagturo kung nasaan ang banyo. Napangiti ako sa isip ko. Lalabas na sana ako kay lang ay hinarangan nito ang daan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What are you doing?" I innocently asked her.

She also raised an eye brow and crossed her arm. Nagsusukatan kami ng tingin at siya ang unang tumapos. Napaatras ko ng mahina niya akong itulak papasok ng banyo at ni-lock ang pinto. Humarap siya sa'kin.

"I know what you're doing." Salubong niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Walang emosyon, walang kahit ano.

"You want me to ruin my own sister that's why you want me to stop their wedding. But as you can see, your diabolical plan will not work dahil gusto ni Jake si Alex so please. Stop and don't be harsh on my sister. She's a good person and you can get along with her." Mahabang sabi niya.

"Diabolical plan?" di ko maiwasang itanong saka tumawa ng mahina.

Nagtataka siyang tumingin sa'kin at ilang sandal pa ay huminto na ako. Tiningnan ko siya sa mata.

"This is not a diabolical plan, Missy. I'm just saving your sister's ass from being hurt but if you don't want to follow. That is not my problem anymore." Sabi ko at tumabi sa gilid para dumaan. Binuksan ko ang pinto at lumabas.

Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko siya. 




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro