Chapter 99
CHAPTER NINETY-NINE
PAGPASOK ko sa kwarto ko ay dumeretso na ako sa banyo para malig. It took me thirty minutes to finish. Lumabas ako ng banyo at nagpunta sa walk-in closet ko para mamili ng isu-suot I wore loose checkered polo with a color of light pink and a black high waist trouser. I chose a black rubber shoes too, so I will be comfortable.
Ngumiti ako ng makita ang reflection ko sa salamin. Ang ganda ko pala. Kinuha ko ang liptint ko at nagpahid ng kaunti sa labi, tapos ay naglagay ako ng eyeliner at blush, gano'n na. After kong mag-ayos ay tinalis ko sa pony tail ang buhok ko, naglagay na din ako ng pabango.
After kong makapag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa hagdan, dahil ang usapan ay sa receiving area kami maghihintayan. Dahil 'di ko pa alam kung saan ang receiving are ay nagpasama ako sa isang katulong.
"Dito po ang daan papunta sa receiving area," tinuro nito ang isang malaking pinto, ngumiti ako sa kanya saka tumango.
"Thanks."
Bumukas ang malaking pintuan, bumungad sa'kin ang eleganteng kwarto. May dalawang mahabang couch, tapos may apat na single couch. May dalawang painting na nakasabit sa may pader. Isa do'n ay ang family painting at ang isa ay solong portrait ng isang lalaking hindi ko alam.
Lumapit ako do'n at tiningnang mabuti ang family portrait. Mag-asawa at may tatlong bata. Dalawang lalaki at isang babae. Sa hula ko'y sina Abuela 'to at kanyang asawa, ang mga bata naman ay si Papa, at siguro mga kapatid niya. Kuya Nathaniel's father... but who's that little girl?
"That's my little girl, her name is Amanda."
Lumingon ako.
Nasa may likod si Abuela, walang kangiti-ngiting nakatingin sa Family Portrait. Napalunok ako. Lumapit siya palapit sa'kin.
Pareho kaming tumingin sa portrait.
"Who's Amanda?"
"She's my adoptive daughter..."
Wow, an adoptive daughter?
"How old is she?" lumingon ako dito.
"She might be thirty eight now."
Naging malungkot ang tono nito at naging malamlam ang mga mata. Kumunot ang noo ko before pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.
"She's dead," malamig niyang ani.
Umawang ang labi ko. Lumingon siya sa'kin. Walang boses na lumabas sa'kin kahit gustuhin ko mang magsalita. Itinikom ko ang bibig ko.
Bago ko pa man mahanap ang salitang babanggatin ko ay magkasunod na pumasok si Kuya Ivan at Kuya Nathaniel. Nakasuot sila ng polo, black and white tapos ay pants. Kung hindi ko sila kilala ay aakalain ko silang kambal.
Napatingin silang dalawa sa'min ni Abuela, nawala ang malolokong ngiti na napalitan ng pagtataka. Unang nakalapit si Kuya Nat.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong nito.
"Itinatanong ko lang kung sino si Amanda."
Imbis na sumagot ay tinanguan nila ako at tipid na nginitian. Inakbayan ako ni Kuya Nat at hinila palayo. Lumingon ako kay Abuela na kinaka-usap ni Kuya Ivan. Napahinga ako ng malalim dahil 'di ko marinig ang pinag-uusapan nila. Lumabas na kami ng bahay kung saan naka-abang ang 10 BMW X7 na kulay itim.
Lumapit ako do'n. Ibang kotse 'to.
"You owned this?" tanong ko saka sinuri ang sasakyan.
"Yeah," pinakita nito ang susi sa'kin. "Do you want to drive?"
Namilog ang mata ko.
"Will you let me?"
"Yes—"
"No."
Sabay kaming lumingon ni Kuya sa pintuan. Matikas na nakatayo do'n si Kuya Ivan habang nakapamewang at nakakunot ang noo. Lumapit siya sa'min.
"Hindi mo siya pagdri-drive-in, mamaya ay madisgrasya pa 'yan," pasuplado nitong pigil at kinuha ang susi sa kay Kuya Nathaniel. "I will drive."
Naglakad ito papunta sa driver seat. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya tapos ay pumasok na sa kotse. Sa backseat ako umupo at si Kuya Nat naman sa passenger seat. Nilingon ako ni Kuya.
"Ready?"
"Yes!" I smiled widely at him.
Ngumiti siya sa'kin at nag-start ng mag-drive. Sumandal ako ng upo saka tumingin sa labas ng bintana. Sa dinadaanan namin ngayon ay wala pang gaanong ilaw pero sapat na para walang madisgrasya.
May iilang tao sa daan, habang bumibiyahe at padami ito ng padami. Ngumiti ako ng makita ang buwan.
"Masaya ba sa night market?" tanong ko pagkaraan ng ilang minutong pag-titig sa labas.
Nilingon ako ni Kuya Nat.
"I think yes. Naalala ko pa 'yung huling punta ko do'n. I was in a vacation with my friends and yeah. We enjoyed our night," nakangising anito.
I pouted.
"I'm excited!"
INILIBOT ko ang tingin ko sa buong lugar. Nasa gitna kami ng plaza. Tumingin ako sa kapatid at pinsan ko. Tumitingin sila sa may mga stall do'n. Maliwanag ang buong lugar, madami ring tao. May mga stall na nagbebenta ng souvenirs, pagkain at kung ano-ano pa.
Lumapit ako sa nagbebenta ng souvenirs saka natingin-tingin.
Nginitian ako ng tindera.
"Anong gusto mo, hija?" tanong niya.
Gumanti ako ng ngiti. Kinuha ko ang mga bracelets with different designs na alam kong magugustuhan nila Linda and Carl. Kumuha ako ng tig-dalawa at inabot sa tindera.
"That's fifty euro," aniya.
Kumuha ako ng pera at ibinayad sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at ibinalot ang binili ko after that ay lumapit na ako sa kapatid ko at tiningnan kung anong tinitingnan niya.
It's a food, a chicken to be exact. Ngumiti ako, whole chicken kasi siya and malutong ang pagkakaluto. Napakagat ako sa labi ko. I want to try their drums stick.
"Gusto ko ng spicy drums stick," ani ko.
"Okay. Give us three orders of drums stick, two spicy and one not."
Tumango ang nagtitinda. Nilingon ko si Kuya Nathaniel. Nasa stall ito ng mga nagbebenta ng alak. Actually, bawat food stall dito ay pwesto sila kung saan pwedeng kumain ang mga bumibili, lumapit sa'min si Kuya tapos ay inabutan si Kuya Ivan ng beer at sa'kin naman ay isang juice. Tiningnna ko siya ng masama.
"I'm already eighteen if you forgot," sarcastic kong pagpapaaalala dito.
Tinawanan nila akong dalawa.
Inirapan ko sila tapos ay uminom ng orange juice ko. Sandali lang ay inabot na sa'min ang cups of drums stick na si Kuya ang nagbayad. Lumakad kami para maglibot. Tig-isa kami ni Kuya Ivan sa spicy one samantalang 'yung kay Kuya Nat is 'yung hindi.
Habang kumakain ay napahinto kami dahil may mga nag-sasayaw sa gitna. Napangiti ako dahil magagaling silang sumayaw, puno ng sigla ang bawat kilos nila, ang ganda ng mga suot nilang damit. Pati nga sila magaganda at gwapo.
Nag-umpisang mag palakpakan ang mga tao, sinabayan no'n ng indak ng mga mananayaw. Gusto kong makisali sa mga nagkakasiyahan kaya nakipalakpak na din ako. Gulat na napatingin sa'kin ang dalawa kong kuya.
Nginitian ko lang sila tapos ay kumagat sa kinakain ko. Nagpalakpakan ng malakas ang mga tao ng matapos sila mag-sayaw, pati ako ay napalaklpak. Lumakad kami paalis do'n tapos huminto sa mga nagtitinda ng pretzel.
"I'll buy us, find us a table," utos ni Kuya Nat bago kami iniwan do'n.
"Okay. Buy me a beer."
Hinawakan ni Kuya Ivan ang braso ko at hinila ako papunta sa isang table, medyo malayo sa mga tao, may mga punong nakapaligid tapos kitang-kita mo pa ang langit.
Kinuha ko ang phone ko and kumuha ako ng mga pictures, kinuhanan ko din ang pagkain namin pati na ang pagkain namin. Napangiti ko after kong makapag-picture.
"Kumusta si Abuela para sa'yo?' tanong nito.
"Okay lang naman." Tumingin ako sa kanya. "Sometimes she look so scary but sometimes she's not."
Tumawa ito ng mahina saka sunod-sunod na tumango.
"Yes, she's like that pero mabait naman siya. Don't worry." Kumagat ito sa kinakain.
"Can I asked where Amanda is? Makikita ko ba siya dito?"
Natigilan ito sa pagkain saka tumingin sa'kin. Uminom ng beer. Umiling siya sa'kin saka malungkot na ngumiti.
"Auntie is already dead," malungkot niyang pahayag.
"What?"
"She's dead."
Ibinaba ko ang hawak kong pagkain. "Since when?"
"Matagal-tagal na rin." Tumikhim siya. "Huwag na natin siyang pag-usapan. Baka magalit si Nathan," anito.
Kumunot ang noo ko.
"Why?"
Bago pa man niya ako masagot ay may nagbaba na ng pagkain sa lamesa namin. Umangat ang tingin ko at nakita si Kuya Nat na nakangiti sa'min.
Umupo ito sa katapat kong upuan. Nakatingin lang ako sa kanya. Kinuntan niya ako ng noo pagkatapos ay ngumisi.
"Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman akong titigan. Baka mamaya matunaw na ako," pang-aalaska niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Yuck!"
Tinawanan niya ako. Damn I still can't believe na ang Prof ko dati na akala ko'y masungit ay hindi pala. He's actually a talkative person, tapos masiyahin pa. Hindi mo talaga aakalaing siya 'yung cold professor namin sa school dati.
"Wow? Maka-yuck?!"
"Why not?! You're not even handsome!" pang-aasar ko.
He smirked at me. "Well, I don't believe you. Sa dami ba naman ng babaeng nagkakandarapa sa'kin sa'yo pa ako maniniwala?"
Umarte akong nandidiri sa kanya.
"Minus points ka na naman sa langit niyan!"
"At ano ka sa tingin mo? Add points?"
"Hindi pero at least stable lang 'yung akin 'yung sa'yo papunta na sa negative!"
"Hahaha, nagka-utang pa!"
Nginisihan ko siya at tiningnan ang mga dalang alak. Dalawang beer 'yon tapos may isang chocolate drink. Ang pagkain naman niyang dala is pretzel, barbeque, bocadillo, pinchitos, chorizo, and empanada.
"Gaano kadami ang papakainin mo?"
"Iinom kami. We need pulutan," anito saka tinuro ang apat na beer sa mesa.
Sinimangutan ko sila. "I thought igagala niyo ako ngayon? Bakit maglalasing lang kayo!" reklamo kong tanong dito.
"Oo nga, iikot ka namin. Don't worry. Hindi naman kami mabilis malasing," confident na sabi nito.
Napahinag ako ng malalim. "Fine, but ililibot niyo ko ha?"
"Yes, we will."
Sabay pang sabi ng dalawa bago nag-umpisang uminom. Ngumiti ako sa kanila. Nagkwentuhan na rin kami habang inuubos nila ang biniling mga beer. Hindi na ako nagtanong pa about kay Amanda, saka na lang siguro kapag nalaman ko na ang dahilan.
PAGKATAPOS nilang uminom ay niyaya na nila akong umalis, sumakay kami ng kotse at si Kuya Nathaniel naman ang namaneho. Gusto ko sanang ako na lang dahil naa-inom sila pero ayaw namang pumayag. 'Di hamak na mas matino akong makakapag-drive sa kanila. Nagpunta kami sa Seville, ang sabi nila'y may mangandang tourist attraction do'n kapag gabi.
Mga bandang ten o'clock ay nakarating na rin kami do'n. Ang swerte ko na talaga dahil hindi kami nadisgrasya habang nasa kalsada, si Kuya Ivan kasi ay nakatulog sa byahe ginising ko lang nung makarating na kami dito.
"Wow."
Tanging nausal ko ng makita ang buong lugar. Its circular form, right by the parquet de Maria Luisa, its bridges criss crossing the small lake. Mukha siyang palasyo sa laki. Ang daming ilaw na mas nagpapaganda sa buong paligid. Damn.
Ang gandang makipag-date dito. Nagpunta kami sa may bridge at huminto sa gitna, tumingin ako sa tubig. Malinaw 'yon kaya kitang-kita ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim, Klyzene Black with blue eyes is now gone. She's dead.
I smile a bit. Klyzene Black, who has green eyes are here now. From death, she arises. Now, this is the real me. I can show it to the world without any inhibitions, without being attacked for being different.
"I like your eyes," bulong ni Kuya Ivan habang nakatingin rin sa reflection ko.
Lumawak ang ngiti ko. "I love it too."
Tiningnan ko siya at niyakap ng mahigpit. Gumanti naman siya sa'kin.
"Hey! Sali ako!" sigaw mula sa likod namin.
Napatawa kaming dalawa ni Kuya ng takabong lumapit si Kuya Nathaniel saka nakipag-hug sa'min. Napahinga ako ng malalim. This is now my family....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro