Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 97


CHAPTER NINETY-SEVEN

HABANG naglalakad ako sa mahabang pasilyo ay nakita ko ang isang pintong nakabukas. And because curiosity, lumakad ako palapit do'n. Humawak ako sa doorknob at bago ko pa man buksan ay nilingon ko muna ang paligid para ma-sure na walang ibang tao.

Nakangiti akong tinulak ang pintuan. Sinalubong ako ng isang malaking silid na puno ng mga libro. Namilog ang mga mata ko, umawang ang labi dahil sa pagkamangha. Pumasok ako sa loob. Sinarado ko ang pintuan bago naglakad papunta sa gitnang parte ng silid.

"Wow! This room is so relaxing!" bulalas ko.

May dalawang malaking bintana sa magkabilang gilid ng silid. Mayroon ding dalawang sofa, isang lamesita, at napakadaming bookshelf. Maliwanag ang hitsura ng silid dahil sa kulay puting pader. Ang kulay ng mga kurtina ay dirty white with gold sa laylayan. Naka-carpet ang lapag kaya pwedeng do'n na lang umupo kung gusto mong magbasa.

Lumapit ako sa bookshelf. Binasa ko ang mga title ng libro na nasa spine. May book ni William Shakespeare, Jane Austen, Charles Dickens, Sir Arthur Conan Doyle, Virgina Woolf, J.R.R Tolkien, Mary Shelley, J.K Rowling and many more. If I'm not mistaken some of them are the greatest classis British novelist.

Kumuha ako ng isang libro do'n bago naglakad palapit sa upuan. Umupo ako at ipinatong ang paa ko sa maliit na upuan. Ang title ng book ay Harry Potter and the Goblet of fire. Hmm... napanood ko na 'yung movie nito but I never had a chance to read the book. Ngayon lang.

Binuksan ko ang unang pahina saka nag-umpisang mag-basa. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Naawat na lang ako sa pagbabasa ng may kung sinong kumatok, bahagya akong napatingin sa may pintuan. Kumunot ang noo ko ng mabukas iyon.

Nakangiting pumasok ang isang kasambahay. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko saka sinarado ang librong hawak ko.

"Senyorita, pinapatawag po kasi ako ng Abuela ninyo sa komedor. Pinapasundo po kayo."

"Paano mo nalamang nandito ako?" tumayo ako saka lumapit sa kanya.

"Wala po kasi kayo sa silid ninyo at sabi kasi ni Senyor ay mahilig kayong magbasa ng libro kaya dito ako dumeretso," sagot niya na kinatango ko.

Naunang maglakad sa'kin palabas ang babae at sumunod ako sa kanya. Bumaba kami sa hagdan. Nagtuloy kami sa napakahabang corridor, ang pader ay nasasabitan ng iba't ibang klaseng painting na sa tingin ko ay nagkakahalaga ng milyones.

Huminto kami sa isang malaking double door. Lumapit do'n ang kasamabahay at tinulak ang pinto. Tumambad sa'kin ang isang malaking dining area. Eighteen sitter table. Kulay puti iyon na may halong ginto.

Umalis ang kasambahay kaya naiwan akong mag-isang nakatayo sa may pinto. Itinapak ko ang kanang paa ko sa loob saka sinunod ang kabila. Inililibot ko ang tingin ko sa buong lugar. May dalawang cabinet sa kaliwang bahagi ng silid, naglalaman 'yon ng mga tasa, plato at kung ano-ano pang gamit na madalas kinokolekta ng matatanda.

Akala ko ay sa Pilinas lang may gano'ng mga lola pati pala dito sa spain. Sa kanang bahagi naman nandon ang malaking bintana at may verenda pa. Nagpunta ako do'n. Binuksan koi sang pinto at sumilip do'n.

Mula pala sa pwesto namin dito at kitang-kita ang malawak nilang bakuran. Puro green ang nakikita ko. What a nice place.

"O hija, andiyan ka na pala."

Napalingon ako.

"Nakatulog ka ba ng maayos? Anong masasabi mo sa kwarto mo?" nakangiting tanong niya sa'kin.

Ngumiti ako saka naglakad palapit sa matanda.

"Yes po. I slept well and the room is so beautiful! Gusto ko ang kulay at disenyo!"

"I'm happy that you like it! Ang sabi rin kasi ng designer ay karamihan sa mga bata ngayon ay hilig na kulay ay dark with a little touch of feminist," she said.

"O right! She's a good one, Abuela," lumingon ako sa paligid. "Where is Papa?"

Hinawakan ako sa kamay ni Abuela bago hinila papunta sa lamesa.

"He's upstairs. Maybe sleeping or taking bath! Don't think about him, hija. Gusto kong magkwetuhan muna tayo. How are you?! How's New York?!" masigla niyang tanong.

Umupo kami sa magkatabing upuan.

"New York is great, Abuela. I found new friends!" masayang pagk-kwento ko sa kanya.

"Really?"

"Yap! Actually... a year of living there teaches me new things I never thought I would like. Like having new friends, I thought being alone is good but having someone in the crowd of people that you know who's always there for is more great!"

She smiled fondly at me while I'm talking.

"That's great, my love! Remember there is no stronger than a person who knows how to be with someone and to be alone."

She's right about what she said. Dahil aalis at aalis din naman talaga ang mga tao na nakapaligid sa'tin. We only have a seasonal friends... may aalis, may papalit and someone will stay. Only few will stay with you. Kasi need natin mag-lose ng friends to grow.

"Abuela, you said ililibot mo ako sa buong lugar. Gusto ko ng maglibot," wika ko.

Nakangising tumayo si Abuela at tinalikuran ako. Sumabay ako sa paglalakad kay Abuela. Lumabas kami ng kusina at naglakad pa-deretso. May mga pinto na kaming nadadaanan.

"Anong mga silid 'yong nadaanan natin, Abuela?" tanong ko.

Nilingon niya ako. "The dirty kitchen, the kitchen where you can cook without the maids, the laundry room and maid's room."

Lumabas kami sa likod bahay kung nasaan ang malawak na garden. May iba't ibang magagandang bulaklak.

"I love gardening. Ikaw ba?" tanong ni Abuela ng makalapit kami sa mga rosas.

"Nope. I don't like flowers," sagot ko habang nakatingin sa rosas.

"Why?"

"I don't know I just don't."

Naiiling ang matanda dahil sa sagot ko.

"Nako! Mukhang nagmana ka sa Lolo mong walang karoma-romansahan sa katawan!" natatawang wika niya sa'kin bago inabot ang isang rosas na wala ng tinik. "Take it, hija. This is my favorite flower. It smells good."

Mas gusto kong tangkay na lang ang ibinigay ninyo. Gusto kong isatinig salitang 'yon ngunit hindi ko na itinuloy. Kinuha ko ang rosas na kunwari kong inilapit sa ilong ko para amuyin. Ewan ko sa mga babae kung bakit gusto nila ang amoy ng bulaklak, hindi ko naman maamoy. Nababahuan ako sa ganito.

Naglakad muli si Lola papunta sa kung saan. Nakasunod naman ako sa kanya. Napunta kami sa kwarda. Naglalabas masok sa loo bang mga lalaki. Tumigil lang ang mga ito ng mapansin si Abuela.

"Magandang araw, Senyora!"

"Senyora!"

"Magandang araw po!"

Madami pang bumati kay Abuela na ginantihan naman nito ng matamis na ngiti. Lumapit sa'min ang isang may katandang lalaki na sa tingin ko ay siyang namumuno sa mga trabahador dito sa kwadra.

"Magandang araw, Senyora. Bakit ho kayo napunta dito?" tanong nito bago nabaling sa'kin ang atensyon. "Siya na po ba ang nieta ninyo?"

Nag one step forward ako upang makatapat si Abuela. Magalang akong ngumiti sa kanya.

"Oo, siya na nga. Siya si Klyzene. Kaya kami napunta dito ay gusto kong mapag-aralan ni Klyzene kung paano sumakay sa kabayo. Handa na ba ang bagong dating na kabayo?" tanong nito.

Umawang ang mga labi ko sa narinig ko. Hindi makapaniwalang nilingon ko si Abuela. Totoo ba 'yung narinig ko? Pag-aaralan kong mangabayo?!

Nakaramdam ako ng excitement at takot. This is the first time I will ride a horse! Baka mamaya ay ihagis niya ako sa malayo.

"A-Abuela...hindi ba m-mukhang—"

"Huwag kang mag-aalala, Klyzene. Akong bahala," pagpuputol ni Abuela sa sinasabi ko.

Hindi na ako nakapagsalita dahil bakas na sa mukha nito ang pagka-final ng desisyon.

Nagpapalaking ngumiti ang lalaki.

"Oho, Senyora. Sa katunayan ay inaayusan na lang namin at pwede ng gamitin!"

"Nasubukan niyo na ba kung mabait? Baka mamaya ay ihagis lang niya ang nieta ko," nag-aalalang tanong ni Abuela.

Sunod-sunod na tumango ang matanda. "Aljohn! Ilabas dito ang kabayong bagong dating!" sigaw ng matanda sa isang tauhan.

Tumalima naman ang tinawag nitong Aljohn. Ngumiting humarap uli sa'min ang lalaki. Ilang sandali pa ay narinig na namin ang yabag ng kabayo pati na rin ang angil nito. Nag-taas ako ng tingin sa pintuan ng kwadra. Tumambad sa'kin ang isang malaking kabayo na kulay itim.

I felt like I'm enchanted to his beauty.

Hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa'min ang kabayo. Tumapat sa'kin ang mukha nito. Matapang ang hitsura ng mga mata niya. Parang may sariling buhay ang mga kamay kong tumaas ay hinaplos ang ulo ng kabayo.

Nung una'y umatras ito na kina-atras din namin. Baka kasi mamaya ay manipa.

Lumingon ako kina Lola at sa dalawang lalaking nakamasid sa'kin, muli kong hinarap ang malaking kabayo at tiningnan ito sa mata. I think he is scared.

"Sshhh... don't be scared..." mahinang bulong ko at muling sinubukang hawakan ang ulo nito. Iniwas nito ang ulo ngunit hindi ako tumigil. Sinubukan kong hawakan ulit ang ulo niya hanggang sa magpa-ubaya na ito.

Napangiti ako ng hindi na umaalma ang kabayo.

"Ang galing mong magpa-amo ng kabayo, hija," puna ng katiwala ng kwadra.

Nginitian ko siya. Sinubukan kong ibaba ang kamay ko sa leeg ng kabayo, nung una'y nag-aalangan ako ngunit ng hindi na pumapalag ang kabayo ay niyakap ko na ito.

"Magaling, Klyzene!"

Tumingin ako kay Abuela. "Gusto ko ng sakyan!" excited kong wika.

"Manuel, ikaw ng bahala," wika ni Abuela.

Lumapit sa'kin ang matanda at inakay ako papunta sa may katawan ng kabayo kung saan may saddle.

"Tumapak ka dito sa stirrup iron," turo ng matanda. Sinundan ko ng tingin 'yon at sinundan. Tumapak ako do'n. "Ngayon ay subukan mong i-angat ang sarili mo papunta sa kabila."

Sinunod ko ang sinabi niya. Inilipat ko ang kaliwanag paa ko sa kabila. Malawak akong napangiti ng ma-realize kong nakasakay na ako.

Gulat ang mukha ko na may halong saya na humarap ako sa kanila.

"Nakasakay na ako!!"

"Oo, hija," natatawang sagot ni Abuela sa'kin.

Malawak akong napangiti at tumingin sa tinawag nitong Manuel na siyang nag-guide sa'kin.

"Ano pong susunod kong gagawin?" tanong ko.

Kinuha nito ang bridle.

"Hawakan mo ito ng maigi at huwg mong hihigpitan at huwag mo ring luluwagan. Nasa ayos lang. Kung gusto mong patakbuhin ang kabayo ay sabihin ay tsk! Tsk! Pwede ring igalaw mo ang paa mong nakatapak dito sa stirrup iron. Kapag naman gusto mong patigilin ay Hooo or Whoa lamang ang sasabihin, kung gusto mong patakbuhin ng mabilis ay sabihin mo ang hiya," pagpapaliwanag niya sa'kin.

Nakaka-intindi naman akong tumango.

Simunukan ko ang sinabi nila. "Tsk. Tsk."

Namilog ang mga mata ko ng mag-umpisang maglakad ang kabayo. Lumingon ako sa kanila, nginitian lang nila ako at mukhang natutuwa sa nakikita.

Nakasunod sa'kin ang dalawang lalaki upang alalayan ako dahil baka mamaya ay mahulog ako pero sa isang oras namang pagsakay ko sa kabayo ay hindi ako nito ihinilog. Natutunan ko ang mga basics na tinuturo sa mga nag-aaral mangabayo. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro