Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 92


CHAPTER NINE-TWO

MANINIWALA ba kayong isang taon na ang lumipas? Isang taon na pala akong nandito sa New York at namumuhay ng tahimik. Now, naniniwala na akong kapag masaya ka sa kung saan ka nandoon ay mabilis lilipas ang oras.

Ang bilis kasi ng panahon... parang kaylan lang ay baguhan ako dito and look at me now. Laman na ako ng New York tuwing gabi. Yes, gabi... because I'm a car racer. A legal car racer. Lumalaban ako sa loob ng track at hindi sa mga kalye lang.

Ngayon ko nga lang nalamang may hilig pala ako sa pakikipag-race. Akala ko no'n sa kotse lang ako mahilig hindi pala. Nalaman ko lang 'yon ng minsan akong isama ni Linda sa isang car race.

Yes, Linda and I became friends. Nadala din nila ako ni Carl sa tiyaga. Hindi kasi nila ako sinukuan hanggang sa hayaan ko silang maging kaybigan ko. And... it feel so good to have real friends. I'm now socializing with other people, 'di tulad noon na lahat kaaway ko.

Bumaba ako sa kulay itim kong Porsche. Lahat ng tao ay humahangang tumingin sa'kin at sa kotse ko. I mentally smirked. Damn. Nag-park kasi ako sa may parking lot ng University dahil may mga students na break ay madaming tao dito.

Naglakad ako papasok sa Univeristy kung saan ako nag-aaral. Nahuli na ako sa first class ko dahil sa traffic. Pumanik akong kaagad sa second floor dahil nandoon ang classroom ko sa ngayon. I'm lucky dahil wala pang teacher ng dumating ako.

Umupo ako sa paborito kong spot. Iilan pa lang ang classmates ko do'n at lahat sila busy sa pag-aaral. Sinong hindi?! Mahigpit ang teacher naming ito at madalas pang mamahiya sa klase kaya dapat talaga may alam ka. Minsan na akong muntik mapahiya ng Prof namin, buti na lang naagapan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para itanong kay Linda kung nasaan na ito. Alam ko kasi ay classmate kaming dalawa mamaya sa susunod kong klase. Wala pang dalawang minute ay sumagot na ang babae.

Linda 👽

I'm here at the café. Where are you?

Mabilis akong nag-tipa ng sagot ko.

Me

Classroom. Who's with u?

Linda 👽

Carl. We'll go back there after we ate.

Hindi na ako nag-reply sa sagot nito. Ibinalik ko na sa bag ko ang phone ko saka inilabas ang notes pati na ballpens ko. I need to take down notes for reviewer. Dapat ay laptop ang dadalhin ko but I forgot it in our dining table. Naalala ko lang nung malapit na ako. Kuya us in a business trip in Europe while Papa is in Spain.

Yap! Nakapunta na ako sa Spain and I can also speak in Spanish. After a year of teaching marunong na rin ako. Sila naman ang pinapahirapan ko ngayon sa pagtuturo ng Tagalog. I'm always choosing old words or malalalalim na salita para hindi nila kaagad maintindihan.

Nag-umpisa ng dumating ang mga classmates ko and bandang ten o'clock ay dumating na pati ang Prof namin. Binigyan kagaad kami nito ng quiz kahit hindi pa naman nagtuturo. I almost perfect our quiz but I miscalculated one question kaya namali.

After naman mag-quiz ay nag-start na 'to ng Lesson Two. Habang nagtuturo ay nagsusulat din ako. Isinusulat ko lang ang keywords, meanings or definition and other important things para hindi mapuno ang notebook ko. Pag-uwi ko kasi sa bahay ay aaralin ko pa 'tong mag-isa.

****

I FINISHED my class twelve thirty in the afternoon and I walk fast because I'm going to be late in my third subject for this day. It's in another building so it's hassle for me to go there. Our Prof take extra thirty minutes to finish the lesson four.

Hinihingal akong dumating sa tapat ng pintuan ng classroom namin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Sa likod ako pumuwesto dahil mas kita do'n at tinuturo 'di mo nga lang mababasa 'yung sinusulat.

Pagka-upo ko sa upuan ay niyakap ko ang bag saka yumuko sa table. Pumikit ako para makapagpahinga ng kaunti dahil kinakapos pa rin ako ng hininga.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng maramdaman ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Umaamoy ang matapang nitong pabango. Humarap ako sa kabilang side upang huwag malanghap 'yun dahil napakasakit sa ilong.

Isang tao lang naman ang alam kong pinapaligo ang matatapang na pabango eh. Si Carl. Ipinatong pa nito ang kamay sa balikat ko.

"Remove it!" madiin kong utos dito.

"Don't want to," sagot nito sa'kin.

I tsk then shrug it. Naalis naman pero ibinalik niya lang din.

"Isa!" asik kong bilang.

"Dalwha!" pamimilosopo nito sa'kin.

Hindi na ako nakapagtimpi at mabilis na nag-angat ng katawan. Nilingon ko ang lalaking katabi ko. Nakangisi siya sa'kin na para bang tuwang-tuwa na nabuwisit ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko pagkatapos ay pinalipot ko 'yon bago inalis.

"Ahhhh!" nasasaktang ungol nito. Nanlalaki at may takot ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.

Padabog kong binitawan ang kamay niya saka umayos sa pwesto ko.

"Damn you!"

"Well, fuck you!" ganting mura ko dito.

He smirked. "You're not my type!"

"Ewww! As if I want you to fuck me! No!" nandidiring turan ko.

Inirapan lang naman ang isa't isa. Ganito talaga kami ni Carl, para kaming aso't pusang palaging nagbabangayan. Madalas kasi niya akong inaasar. He's fucking inventing ways how to annoy me every freaking day! Walang palya.

Like what he did yesterday. Galing ako sa Swimming Pool Area para mag-practice, nung umahon ako para magbanglaw na ay saka kumilos ang lalaki. Kinuha nito ang gamit ko saka itinapon lahat sa tubig!

Basang-basa tuloy lahat.

And what he did the day before? He put a large amount of spaghetti in my locker! Kaya ng buksan ko 'yon ay humagis sa'kin lahat ng spag. Lahat ng kami ko amoy Spag na.

Pero gumaganti naman ako. Gaya nung binasa niya lahat ng gamit ko? Kinuha ko ang damit niyang pamalit, extra clothes at 'yung mismong suot nitong hiubad dahil naliligo. Lahat 'yon ay tinangay ko. Isa-isa kong ikinalat sa buong Univeristy.

'Yung boxers and briefs niya? Nasa may flag fole. 'Yung shirts niya ay ihinagis ko sa may puno sa labas. 'Yung pants naman ay pinangatngat ko sa aso ng Univ. at kung akala niyo tapos na lahat pwes hindi pa. Kung siya naglagay ng Spag sa locker ko, pwes ako nilagyan ko ng patay na hayop ang locker niya.

His reaction to that is so satisfying. Sayang at wala akong picture o kaya naman ay video. Ang saya sana no'n.

"As if I want to! Nobody wants to get laid with you!" ani 'to.

"So? I don't fucking care~"

"Bitch!"

"Don't cry asshole!"

"CAN YOU PLEASE STOP FIGHTING EVEN ONCE?! YOU ARE SO LOUD!" malakas na singit ni Linda ng dumating na lang ito bigla.

Nakasuot ng isang white crop top ang babae at high waist jeans. Tumabi ito ng upo sa'kin.

"Then stop him pranking me!"

"No, she should stop—"

"FUCK!" malakas nitong sigaw na nagpatigil sa'ming dalawa. Masamang tumingin sa'min si Linda. "I said stop! So stop! I will not repeat myself again!" banta nito.

Sabay kaming tumango ni Carl. Inirapan niya kami bago lumagay sa gilid ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Carl. Lumapit siya sa'kin para bumulong.

"Is this the day of the month?" mahinang tanong nito.

Pasimple akong sumagot. "I don't know. Asked her!"

"NO!"

"I will not do it! Maybe yes, it's the bloody week so sshhh," mahinang wika ko dito. Sinasadya naming mahina parahindi marinig ni Linda.

Tumango si Carl bago ipinatong ang ulo sa balikat ko. Pinabayaan ko na lang siya. After ten minutes of waiting ay dumating na ang Prof namin. Nag-umpisa kaagad itong magturo. And as an obedient student, we listened to her.

Midterms are coming and hell week are starting.

"Do you understand what she teaches us? Because I don't," tanong ni Linda ng nasa parking na kami.

"A bit. I'll do self-studying later," sagot ko bago binuksan ang kotse. Pumasok ako sa driver seat at sumunod naman si Linda na nasa backseat, si Carl ang huling pumasok.

"Where do you want to eat?" tanong ng lalaki habang nags-search sa cellphone nito.

"I want to eat pasta. How about you, guys?" tanong ni Linda.

"Don't want to eat. I will have dinner in our house," sagot ko.

"Okay. Then let's eat snacks."

"Okay!" sabay naming sagot ni Linda.

Nag-drive ako sa pinaka-malapit na Mall dito sa'min. Nag-park ako sa basement parking lot pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagpunta sa loob ng Mall. Ginamit namin ang elevator sa basement para makapanik.

Pagpasok palang namin sa Mall ay nag-aya ng magpunta sa may food stall.

"Let's try the cereal milk soft," aya ni Carl.

Napatingin si Linda sa lalaki na para bang may nasabi itong mali. Namewang ang babae habang umiiling dito.

"Sorry, boy but we will have cheesecake today. I'm done with cereal," para bang nanunuyang wika nito.

"I want a cereal milk soft," pilit ni Carl.

"Hmp! I don't want it!"

"Please?"

Napa-iling ako sa dalawa. Pagdating talaga sa pagkain nag-aaway sila. Habang nauunang maglakad sa'kin ag dalawa ay nakaramdam ako na para bang may nagmamasid sa'kin. Tumigil ako sa paglalakad at inilibot ang tingin ko.

Wala naman akong kakaibang namataan. Am I being paranoid? Umiling ako. Maybe yes, I'm stressed that's why.

"Klyzene!" sigaw nina Linda sa'kin.

Tumingin ako sa kanila.

"Let's go!" aya pa nito bago tumalikod at naglakad na ulit. Ako nama ay nakatingin lang sa papalayong bulto ng dalawa. Muli akong tumingin sa paligid bago nagahawala ng malalim na hininga at sinundan na ang dalawa.

Kumain na lang kami ng pizza dahil hindi makapili ang dalawa sa kung anong gusto nilang kainin kaya ako ng namili.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza. Isinubo ko 'yon habang nagi-scroll ako sa Instagram ko. Isa pa 'yon sa natutunan k okay Linda. I'm not posting new pictures of me in my account. My photos are look so aesthetic. I also have a lots of followers now.

"Are you going tonight to the track?" tanong ni Linda.

Lumingon ako sa kanya. "Yes! I heard there's someone who wants to defeat me," interesadong wika ko.

Tumango si Carl. "I heard his name... A-Alessandro Ferrari!" anito.

"Really? Italian?"

"Yap!" he said while popping the 'p'.

Napansin ko ang pagtipa ni Linda sa screen ng phone nito. Tumingin ako dito at tiningnan kung anong ginagawa. I see... she's searching Alessandro Ferrari.

"Why are you searching him?" mahinang tanong ko para hindi marinig ni Carl.

"I need to know what he looks like so later I can easily look for him and ask him for a coffee," nakangising sagot niya sa'kin. Inilingan ko siya.

"Bahala ka nga, pag 'yan nalaman ni Carl lagot ka," pananakot ko pa sa kanya pero hindi na niya ako pinansin. Yes, nakaka-intindi sila ng Tagalog. I've been teaching them since last year. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro