Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 88


CHAPTER EIGHTY-EIGHT

BUMIBIYAHE na kami pauwi ni Kuya. Dumidilim na ang langit tanda na patapos na ang araw at papaumpisa na ang gabi. Nakabukas ang bintana ng kotse, nakalabas ang kamay ko at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Isinandal ko ang ulo ko sa braso ko at tumingin sa labas.

Inis na inis ako kanina kay Kuya dahil ang tagal nitong dumating kaya nagkaroon ng pagkakataon si Carl para mas lalo akong inisin at kulitin. Kung ano-ano ang mga tinanong nito sa'kin na hindi ko naman sinasagot. Maroong guguluhin ang buhok ko. Aalisin ang pagkakatali ng buhok ko. Pagbunggo sa paa ko at kung ano-anong pagpapansin ang ginawa. Nakakainis.

"That is so deep," wika ni Kuya na kinalingon ko sa kanya.

"H-huh?"

He smile, "I said it's so deep. What are you thinking?" tanong niya sa'kin habang pinagpapalit-palit ang tingin sa kalsada at sa'kin.

I frowned, "nothing," tipid kong sagot.

"Really?" natatawang tanong nito.

"Why are you laughing?" naguguluhan kong tanong dito saka umupo. He bite his lower lip.

"Nothing."

I face palmed. I think I already know why he is laughing. I throw him the empty bottle of water. I rolled my eyes at him.

"Stop! It's not funny anymore!" naiinis kong asik sa kanya.

"What?! I'm not saying anything!"

"But your face saying it all!"

"You know what? Carl is a good catc—"

Before he finished his sentence ay kinurot ko na siya sa bewang niya pero tinawanan lang niya ako. Nung dumating kasi kanina si Kuya ay kinukulit ako ni Carl, pagkatapos ay may kakaibang ngisi na siya simula no'n. Mga nang-aasar.

Imbis na mainis si Kuya sa ginawa ko ay mas lumakas pa ang tawa nito kaya mas lalo akong nainis. Hindi na ako umimik pa para pigilan ang sarili kong makapagsalita ng masama. Sumandal ako sa upuan ko at inilahad ang kamay sa bintana.

"Are you happy?" tanong ni Kuya makalipas ang mahabang oras.

"Hmm?" Tumingin ako sa langit.

"Are you happy with us?"

Napahinga ako ng malalim. "I didn't know shopping will make me happy," pag-uumpisa ko. "This is new to me... I mean... living outside the Philippines. Living with the people who I don't merely know, surrounding myself with new people... scary but also exciting,"

"You know that you're safe with us right?"

"I know..." malungkot akong napangiti. "Pero hindi mo rin naman mapapagkatiwalaan ang salitang 'yon... minsan, kung sino pa 'yung pinagkakatiwalaan mo sila pa pala ang wawalanghiya sa'yo," malungkot kong wika.

He frowned. "What are you saying?" nagtatakang tanong nito.

Inilingan ko ang lalaki bago muling tumingin sa labas ng bintana. Kaya ko nga tinagalog para hindi niya maintindihan eh. Pumikit ako at dinamang muli ang hanging galling sa bintana. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

****

NAGISING ako dahil sa pag-alog ng sasakyan namin. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Do'n ko nakita ang bahay. Naka-uwi na pala kami. Pinunasan ko ang bibig ko bago kinuha ang mga gamit ko at binuksan ang pintuan sa gawi ko.

Bumaba ako at sinarado ang pinto. Tiningnan ko ang likod ng kotse na nakabukas. Nakatayo mula do'n si Kuya na para bang may kinukuhang kung ano. Nagkibit balikat ako dahil wala rin naman akong maitutulong sa kanya. Inaantok ako at masyadong napagod sa pagllibot kanina sa shop. Pumanik ako ng hagdan at pumasok sa loob ng bahay.

May mga katulong akong nakita na nagliligpit sa sala. Lumakad ako papunta sa may hagdan at pumanik do'n. Nagtuloy ako sa kwarto ko. Ibinaba ko lang ang bag ko sa gilid ng pinto pagkatapos ay naglakad palapit sa kama ko. Humiga ako do'n.

Nakatingin lang ako sa kisame habang naghihintay tangayin ng antok. Ang bigat kasi ng mga mata ko at gusto na talagang matulog kaya lang ang utak ko ay ayaw makisama. Tumagilid ako ng higa at binuksan ang AC.

Siguro naman ay hindi nila ako guguluhin 'di ba? Gusto ko lang talagang magpahinga. Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti na rin akong tinangay ng malamig na hangin...

Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko. Sa harapan ng condo unit ni Hunter... kasalukuyan kong tina-type ang password ng pintuan. Wala akong lakas kausapin sila. Naghahalo-halo ang lahat sa isipan ko.

If my real father is Uncle, why he didn't tell me sooner? Bakit pa nila inilihim?! Bakit pa sila nagsinungaling sa'kin?! Lahat sila!!

Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ng kadiliman. Naglakad ako papunta sa kusina kung saan may ilaw na bukas.

Nang makarating ako do'n ay balak ko sanang takbuhin si Hunter ng makita ko siya do'ng may hawak na tasa ng kape habang may kausap sa telepono. Tumigil ako.

"Kaya ko lang naman siya tinutulungan ay dahil kay Divine. Ngayong alam ko ng hindi naman pala kay Divine ang mga mata nito ay pwede na akong tumigil. Oo... 'yun lang ang dahilan. Para kay Divine lahat ng ginagawa ko..."

What Hunter said broke my heart even more... natawa ako ng mapakla. Oo nga naman. He also have a hidden agenda. Hindi naman niya ako tutulungan at hahayaang tumira ng kasama niya kung wala siyang makukuha sa huli. Kaya pala nung humingi ako ng tulong ay balewala lang sa kanya lahat.

I bite my lower lip. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa makalabas ako ng unit ng lalaki. Pigil na pigil ang mga hikbi ko. Nang makasakay ako ng elevator ay do'n ko hinayaang lumabas ang mga luha ko.

I need to know the truth...

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa sunod-sunod at malalakas na katok galing sa pintuan ng kwarto ko. Wala sa sariling napahawak ako sa aking noo pababa sa aking leeg dahil sa pakiramdam ko ay basa ako. At oo nga. Basang-basa nga ako ng pawis.

Napahinga ako ng malalim at itinukod ang isa kong kamay sa kama bilang pangsuporta sa katawan kong naka-upo. Sinabunutan ko ang sarili ko kasabay ng pagpikit ko ng mariin. Ano bang meron at naalala ko pa ang tagpong 'yon?!

"Miss Klyzeme! Your father is calling you to eat breakfast with them!!" sigaw mula sa labas ng pinto.

Dumilat ako dahil sa sinabi nito. The fuck?! Pagtingin ko sa bintana ay inaasahan kong dilim pa ang makikita ko pero hindi, sinalubong ako ng maliwanag na araw. Kinuha ko ang orasan sa side table at tiningnan kung anong oras na.

Damn! It's already eighty-thirty in the morning. What the fuck happened?! I sleep that long?

"Miss?"

I let a sigh. "Okay! I will go down in a bit!" malakas kong sigaw dito. Hinagis ko ang orasan sa gilid at saka tumayo ng kama. Naglakad ako papuntang banyo, sinasabay ko na rin ang paghuhubad ng suot kong damit. Pumasok ako sa shower room na wala ng kahit anong saplot.

Tumapat ako sa ilalim ng dutsa, itinaas ko ang kamay ko at binuhay ang tubig. Bumagsak sa katawan ko ang malamig na tubig galing sa shower. Pumikit ako at lumunok. Pakiramdam ko kasi ay nagbabara ang lalamunan ko.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Sumasabay ito sa tubig.

Ayokong tanggapin na lahat ng pinakita ni Hunter ay hindi totoo pero hindi ko rin naman maitanggi. Isinandal ko ang noo ko sa malamig na tiles ng pader. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko.

Isang oras yata ang itinagal ko sa loob ng banyo. Kumukulubot na ang mga balat ko sa daliri dahil sa pagkakababad sa tubig. Lumabas akong nakasuot ng isang white robe, may isang towel sa ulo ko para hindi tumulo. Pumasok ako sa walk-in closet ko.

Lumapit ako sa maleta ko at kumuha ng isang pares na damit. I pick a ripped black jeans with black crop top. Kitang-kita ang pusod at ang makurba kong bewang. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Kapansin-pansin na ang pagkupas ng kulay ng buhok ko. Mukhang kaylangan ko na yatang magpakulay ulit.

Naglagay ako ng eyeliner sa gilid at ilalim ng mata ko. Kinuha ko ang kulay pula kong lipstick at naglagay sa labi, first time kong gamitin ang lipstick dahil puro lang ako tints. Nang makontento na ako sa hitsura ko ay lumabas na ako ng walk-in closet. Inayos ko sandali ang kama ko bago naglakad palabas ng kwarto ko.

Bumaba ako sa may hagdan, may iilang kasambahay akong nakakasalubong na nginingitian naman ako tapos kapag nakalagpas na sila sa'kin ay may maririnig akong sinasabi nila.

"She's the daughter?"

"Yes, I heard that she left her family in their country to be with Master and Sir!"

"Oh! They might be poor that's why she left them!"

"I don't know? Maybe!"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binilisan ko ang paglalakad para makapunta na sa kusina. Hindi na breakfast ang tawag sa pagkain naming ngayon, brunch na dahil sa tagal kong bumaba. Malaki-laki talaga ang bahay na 'to kaya medyo natagalan akong makarating sa kusina.

I sniff the air, may mabangong aroma. Hm... looks like our food is yummy. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakarating na ako ng kusina. Naabutan kong nag-uusap sa ngunit sa salitang espanyol. 'Di pa yata nila ako napapansin.

Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nila. Natigilan sa pagsasalita ang dalawang lalaki at sabay pang napalingon sa'kin. Tipid ko silang nginitian. Nakakatawa ang mga hitsura nila. Para silang nakakita ng multo sa putla ng mukha, naka-awang pa ang mga labi.

Lumakad ako palapit sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ni Kuya.

"Good morning, sweetheart," nakangiting bati sa'kin ni Uncle.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. "Good morning! Sorry If I take so long to go down," paghingi ko ng paumanhin dito. Bumaling ako kay Kuya. "Good morning."

"Morning, sis! You have a good night sleep last night, huh," nakangiting wika nito.

"Yeah! I didn't know I was so tired that I didn't wake up a bit last night," ani ko.

"U-huh... we know. We knocked on your door to asked you for dinner but you're not answering," ani Kuya. Kinuha nito ang isang plato na may lamang ham at ipinaglagay ako sa pinggan.

"Thanks." Humarap ako kay Uncle na nakatingin sa'ming magkapatid. "What?" natatawang tanong ko.

Napatingin si Kuya kay Uncle, "are you okay, Pa?"

Tumango si Uncle ng lumingon ito kay Kuya. Kinuha niya ang kamay naming dalawa ni Kuya saka hinahawak ng mahigpit. He eyes becomes teary.

"I'm just happy, niños... I'm happy," parang maiiyak na wika niya habang malambing na nakatingin sa'min.

Kahit papaano ay napagaan no'n ang pakiramdam ko. Hindi na ako sumagot at hinigpitan na lang ang kapit sa kamay nito.

"Damn. Don't mind Papa, Klyzene, he is being dramatic again," natatawang sabi ni Kuya sa'kin but when you look in his eyes it's telling me something.

"Ivan! I'm not dramatic!" mariing pagtutol ni Uncle sa anak.

Kuya laugh, "Really? Then what are you doing?"

"I'm just—happy! Yes! I'm happy!"

"Hi, happy. I'm Ivan!" malokong pambabara ni Kuya sa ama.

Binitawan ni Uncle ang kamay naming dalawa saka ibinato kay kuya ang table napkin sa tabi nito. Imbis na mainis ang lalaki ay natawa lang ito at ipinaglagay rin ng pagkain ang ama. Nakakatuwa ang ganitong eksena na makikita ko sa araw-araw. Wala 'yung fear ko na baka hindi nila ako tanggapin.

Nag-umpisa kaming kumain at panay pa rin ang pag-aasaran ng dalawang lalaki, hindi rin naman ako nakaligtas dahil isa ako sa mga pang-aasar nila. Lalo na ni Kuya.

"You know what, Pa? Klyzene already have a suitor!" biglang sabi ni Kuya.

Nabulunan ako dahil sa sinabi ni Kuya. Gulat akong tumingin dito. Si Uncle naman ay sumeryoso ang mukha.

"No! No! No! Iverson! No! I will not let any man court my daughter! She's still a baby!" mariing pagtutol ng matandang lalaki.

"He's not my suitor!" inis kong sigaw sa lalaki.

"Not yet!" maarteng pagkakabigkas nito bago tumingin kay Uncle. "You cannot say that, Pa. Klyzene is still a woman. She's a beautiful girl, do you really think men will not have interest on her? Nah, they will have," natatawang wika nito.

Umiling muli si Uncle, "no, not my daughter, Iverson. Not your sister, no!"

"And plus! He is not my suitor! He is just an annoying person!"

"A great love story with a great lover start with enemies to lover," nakangising wika pa nito.

"No!!"

"Yes!"

Hanggang sa matapos kaming kumain ay nag-aasaran pa rin kaming dalawa. Ayoko mang patulan pero hindi ko talaga maiwasan dahil naasar ako. Pikon.

****

Saktong twelve o'clock ng dumating ang mga binili naming mga furnitures. Katabi ko si Kuya habang pinapanood ang mga lalaking ipinapanik ang gamit sa taas ng kwarto ko. Nagkatinginan kami ni Kuya.

"Can you finish setting up your room today?" tanong niya.

I nod, "yes. If you'll help me," nakangising sagot ko.

He let a loud sigh. "Fine! Let's go upstairs so we can already start," aya niya.

Nauna akong maglakad papanik sa kwarto ko. Nakasalubong pa naming ang dalawang lalaking pababa na ngumiti sa'min. Tinanguan ko lang sila. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay naabutan kong nagkalat ang mga gamit na ipinasok.

It looks like I will have a long day. Lumapit ako sa bean bag na in-order ko. Cute.

Tiningnan ko ang dalawang bookshelf na nasa kahon pa.

"I think we need screwdrivers," ani ko saka nilingon si Kuya.

"Yeah, I'll get one downstairs," anito. Tumango ako.

Narinig ko ang papalayong yapak ni Kuya. Inabot ko ang gunting sa may side table bago sumalampak ng upo sa lapag. Inumpisahan ko ng buksan ang unang bookshelf. Inilabas ko lahat ng parte at pinagsama-sama ang mga magkakamukha.

Kinuha ko ang instruction at tiningnan 'yon. Inintindi ko kung paano ang pagkakasunod-sunod at kung ano ano ang mga magkakasama. Madali lang naman palang buoin ang isang shelf. Kaylangan ko lang ng katulong dahil masyadong mabigat 'yon.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Kuya dala-dala ang screwdriver at ang Philips. Tumabi ng upo sa'kin si Kuya.

"So... what's the first step?" tanong nito saka inabot ang turnilyo.

"We need to screw this first here and here," ani ko sabay kuha sa mga unang ituturnilyo.

Kinuha ni Kuya ang pinakamahabang tabla and nag-start na siyang ikabit ang mga 'yon. Nakakaalalay lang ako sa kanya habang inii-screw niya. Dumadating pa rin ang mga gamit na nabili naming kahapon. Dalawang oras din ang kinaylangan para matapos ang hakutan.

Naiwan kaming dalawa ni Kuya sa kwarto at ang butler ang naghatid sa mga lalaki palabas. Nabuo na namin ang isang bookshelf, isa pa ulit.

"What will you put in this bookshelf's?" tanong ni Kuya ng matapos ang isa pa.

"Books and my marvel collector's item," sagot ko habang binubuksan ang kahon ng study table. "I need to buy paints, kuya. I'll paint this one." Tinuro ko ang table ko.

Lumingon sa'kin si Kuya. "What colours?"

"Gray and white."

"Okay. I'll tell to Mr. Jacobs to buy you paints," anito.

Hindi na ako nagsalita at kinuha ang ibang screw para maitayo ko ang table. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro