Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 83

CHAPTER EIGHTY-THREE

KUMAKAIN kami ng burger galing sa isang fast food habang umaandar ang kotse papunta sa school. Si Kuya Ivan naman ngayon ang nagmamaneho dahil kumakain si Kuya Nat. Kinuha ko ang isang coke at sumipsip do'n.

"When they asked you our relationship, just ignored them. I will talk to them privately," ani Kuya Nat.

Tinanguan ko siya saka kumagat sa isang fries bago uminom ng coke.

"Will they think she have a romantic relationship with us?" tanong ni Kuya Ivan.

"Yea, you know people. They will think whatever they want to think."

"Hmm."

Nang makarating kami sa school ay tumingin muna ako sa labas. May mga students na nakatingin sa kotseng sinasakyan namin at dahil na rin tinted ay hindi nila makita kung sino-sino kaming sakay ng kotse.

"Lalabas lang ba ako?" tanong ko sa kanila habang nakatingin pa rin sa labas.

"U-huh... ayaw mo ba?" ani Kuya Nat.

Masama kong tiningnan ang lalaki bago padabog na kinuha ang bag ko. Isinukbit ko 'yon sa likuran ko pagkatapos ay binuksan ko ang pinto sa gawing kaliwa ko. Bumaba ako at taas noong nilagpasan ang mga classmate kong naka-awang ang bibig, mga gulat sa paglabas ko do'n.

Sumunod sa'kin ang dalawa kong Kuya na nakasuot pa pareho ng shades. I shook my head before walking towards the Dean's office.

Habang nasa hallway ay pinagtitinginan kaming tatlo. Paano ba naman, mukha silang bodyguard sa mga ayos nila. Naka-shades pa. Tapos nasa magkabilang gilid ko ang dalawang lalaki na mukhang natutuwa sa nakukuhang atensyon.

Nang nasa harapan na kami ng Dean's office ay nanguna si Kuya Nat. Hindi man lang ito kumatok at basta na lang pinihit ang doorknob. Kasabay ng pagbukas ng pinto at pag-aangat ng tingin ng Dean. May binabasa 'to sa mesa at nakasuot ng makapal na salamin.

"Mr. Guevarra, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dean.

Pumasok kaming tatlo dahilan ng pagbaha ng pagtataka sa mukha ng Ginang. Tumingin 'to kay Kuya Ivan na ngayon ay inaalis ang shades. Si Kuya Nat naman ay diretsong naglakad papunta sa harapan ng table ng Dean. Huminto 'to.

"Well, Ms. Anderson will leave the country and she will get ready for college in New York. I will excuse her for this grading. She cannot come in their graduation too," ani Kuya Nat.

Kumunot ang noo ng Dean, "why? Is there any valid reason Ms. Anderson? Alam mong hindi pwede—"

"Is it a yes or no? If no, she will attend special class or take online class from New York," supladong pagpuputol ni Kuya Ivan dito.

Napalunok naman ang dean saka tumango.

"Yes then. Okay. Where is the paper she need to sign?" nagmamadaling tanong pa nito.

Lumapit si Kuya Nat sa table ng Dean at may kinuhang kung ano do'n. Kumuha na rin 'to ng ballpen at may sinulat sa papel. Inabot niya kay Kuya Ivan 'yon.

"Sign this," utos sa'kin ni Kuya at inabot sa'kin ang papel.

Kinuha ko 'yon at binasa muna. Malay ko ba kung anong papapirmahan nila sa'kin. Nang mabasang patungkol lang 'to sa excuse letter ko kung bakit hindi na ako makakapasok ng last quarter at hindi na rin ako makaka-attend sa graduation namin.

After kong mapirmahan ang papel ay kinuha sa'kin ni Kuya at ibinaba sa mismong desk ng Dean.

"Thank you, Dean. Have a nice day," nakangising wika nito bago tumalikod. Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso bago hinila palabas.

Nang bumukas ang pinto ay sinalubong kami ng mga iilang estudyate na mukhang nakikinig sa usapan namin sa loob kanina.

Nagbubulong-bulungan ang mga estudyanteng nakakakita sa 'min. Mga nagtataka kung anong nangyayari.

Dumaan muna kami sa may locker ko. Inilagay ko ang password ko at binuksan ang pinto ng locker. Tumambad sa 'kin ang mga kalat na hindi ko alam kung kanino.

"Fuck!" mahinang mura ko. Tumingin ako sa paligid kung meron bang kahina-hinalang tao pero wala.

"Your locker is a mess!" puna ni Kuya Ivan.

"I clearly see it!"

"Woaah!"

Padabog kong inalis ang mga basura sa locker ko at kinuha ang mga gamit ko. Habang hinahawakan ko ang mga 'yon ay nandidiri ako dahil 'yung iba ay ang lagkit-lagkit na. Hindi ko na kinuha 'yung mga hindi ko na magagamit pa. Kinuha ko lahat ng importante sa 'kin.

Nang matapos ako ay sinarado ko ang pinto saka nilingon si Kuya na prenteng nakasandal sa ibang locker. Hawak nito ang cellphone habang nakataas sa ulo ang shades. Kung ibang tao siguro ang makakakita nito ay mamamangha sila pero ako ay hindi.

"Let's go!" aya ko dito.

Nagtatakang nag-taas ng tingin sa 'kin si Kuya. Ipinakita ko sa kanya ang mga dala ko na kinatango niya. Mukhang nakuha na niyang aalis na nga kami. Lumapit siya sa'kin at kinuha ang mga dala ko. Naglakad kami paalis do'n.

PAGKATAPOS namin sa school ay umuwi na kami sa bahay. Pagod akong napahiga sa kama ko at napapikit. Ngayon ko nararamdaman ang antok at pagod ko. Pagkatapos kasi naming mang-galing sa school ay dumaan kami sa café kung saan ako nagt-trabaho para personal na makapag-paalam.

Malungkot ang mga naging kasamahan ko dahil hindi daw ako gaanong nagtagal do'n. Kahit ako ay nakaramdam ng kaunting lungkot dahil masayang kasama ang mga 'yon. Sana lang ay magkita-kita pa kami ulit.

Gusto kong matulog pero hindi ko naman magawa. Kaylangan ko pang mag-pack ng mga damit na dadalhin ko. Naghigab ako. bumibigat na ang mga mata ko at hindi ko na talaga kayang pigilan ang antok ko. Dumagdag pa ang malamig na hangin galing sa AC.

Maybe... I'll just take a nap. A simple nap!

Scam.

I took my off out and I went to clock. I tap the alarm and I set it when I want to. After that I put back my phone in the side table. I close my eyes and went to deep slumber.

When I woke up, it's already dark outside. Weird, I didn't hear my alarm to ring. I shrugged my shoulders. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama pagkatapos ay nagpunta sa sariling banyo. Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa lababo.

Binuhay ko ang tubig saka naghilamos para magising ako kahit papaano. Nang matapos ako ay kinuha ko ang face towel sa may gilid at nagpunas ng mukha. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nag-dry na ang mukha ko dahil sa stress, 'yung labi ko ay nagd-dry na rin.

I look directly in my eyes... we all have the same eye color. Me, Kuya Ivan and Uncle—should I still call him Uncle? Do I need to call him father now?

I feel so pressure about it.

Napakamot ako sa noo ko dahil sa pag-iisip na naman ng kung ano-ano. Overthinking became my habit now, huh.

Napabuntonghininga ako pagkatapos ay naglakad papunta sa pinto. Lumakad ako palabas at nagpunta sa kusina. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong napayakap sa sarili ko dahil sa malamig na hanging dumampi sa balat ko.

Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung bukas ba ang bintana at hindi nga ako nagkamali. Bukas nga 'yon. Hinaplos ko ang braso ko para mapalitan ng init ang lamig.

"You're awake."

Napatingin ako kay Uncle na kadarating lang. Mukhang galing 'to sa ibaba. Nagtataka siyang lumingon kung saan ako nakatingin kanina.

"Are you cold?" malambing nitong tanong ng malapitan niya ako.

I nod my head, "yeah, I'm okay. I'll drink hot milk later," sagot ko dito.

"Let's go down stair?" paanyayang tanong nito.

I nod and smile at him a bit, he replied it with his sweetest smile. I hold his arm and we both walk down stair.

When re reach the kitchen I go straight in front of refrigerator. I took out a box of milk. I pour it in a drinking glass before bringing back the milk where it was before.

"How's your sleep?" biglang tanong ni Uncle habang umiinom ako ng gatas.

"Good. I over sleep actually."

"Well... I dismissed your alarm a while ago because when I came in your room, you're sleeping soundly. So I let you sleep bit more," anito.

Nasagot na 'yung tanong ko kanina kung bakit hindi nag-alarm ang phone ko. Pinatay pala niya. Pinakiramdaman ko ang buong lugar. Hinahanap ko kung andito si Kuya pero mukhang wala.

"Where's Kuya?" tanong ko.

Lumapit si Uncle sa may kakalanan at kinuha ang isang bowl do'n na ipinasok sa loob ng oven. Nilingon niya ako ng matapos niyang i-set ang timer.

"He went out to do something so when we leave there will be no problem," ani 'to.

"He's with Kuya Nat?"

"I think, yes, Nat need to do something too."

Pagkasabi nito no'n ay hindi na ako nagsalita. Naging sobrang tahimik ang pagitan naming dalawa. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Pinakiramdaman ko si Uncle kung anong mga ginagawa nito. Naglakad si Uncle papunta sa may ref pagkatapos pabalik sa may kalan.

Makaraan siguro ang sampung minuto at nagtaas ako ng tingin. Nakita kong abala si Uncle sa pag-aayos ng pagkain sa plato. Tumalikod ito kaya nakakuha ako ng pagkakataon para magsalita.

"What should I call you now?" mahinang tanong ko.

Napatigil ang kamay ni Uncle sa ere, kukuha kasi dapat ito ng extra plate. Lumingon siya sa'kin, nagtataka ang mga mata.

I pouted my lips, "I mean... you said you're my f-father... s-should I call you D-Dad or P-papa already?"

He gulped. His eyes become watery.

I bit my lips. "Am I... fast?"

Hindi siya nagsasalita kaya kinabahan ako. I nod, "o-okay... let's not talk about—"

"O Jesus! No-no, hija! Y-you can call me... Pa-papa or Da-dad, whatever you want. I just don't want to pressure you. I know you're not used to it yet so it's okay with me if you call Uncle first ... I can wait," anito.

Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at niyakap ko siya ng mahigpit. Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa ko dahil nanigas ang katawan nito pero pagkaraan ng ilang minuto ay gumanti na ito ng yakap. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro