Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 80


CHAPTER EIGHTY

HINDI ko alam kung paano pa ako nakatulog kagabi dahil sa saya na nararamdaman ko. Para akong nasa panaginip kagabi. I never had eighteen dances but it doesn't feel like incomplete. Nakangti akong bumababa ng hagdan dala-dala ang mga niregalo nila sa'kin kagabi. Sinabi kong bubuksan ko 'to pagkaharap silang tatlo.

Dito kasi sa condo natulog si Kuya Nat, may extra room for him kaya ngayon ay sabay-sabay kaming mag-aalmusal. Nang makababa sa hagdan ay ibinaba ko sa center table ang hawak kong mga regalo. At mula sa pwesto ko ay narinig ko an pag-uusap nila Kuya Ivan at Uncle, nag-uusap sila gamit ang Spanish language na hindi ko maintindihan.

Lumakad ako papunta sa may kusina. Sumilip ako pinto at tiningnan ang dalawang lalaki do'n. Nakita kong magkaharap ang dalawa. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil sa mga hitsura ng kanilang mukha.

"Cuando le diremos?" tanong ni Uncle kay Kuya. (Kaylan natin sasabihin sa kanya?)

"Sigamos el plan," ani Kuya. (Sundin natin ang plano)

Hindi na nagsalita si Uncle at seryosong tumango na lang kay Kuya. Ano kayang pinag-uusapan nila? Mukhang seryoso.

Gusto ko na talagang matuto ng Spanish para maintindihan ko sila. Kagabi ay naririnig ko ring nags-Spanish si Kuya Nat kaya dapat ako rin nakakasabay sa kanila dalawa.

"Good morning!" malakas kong bati ng pumasok akong tuluyan sa kusina.

Sabay napalingon sa'kin ang dalawang lalaki. Ang kaninang mga seryosong barako ay naging maamong tupa. Nilapitan ko silang dalawa.

"How's your sleep?" tanong ni Kuya habang hinahawi ang buhok ko.

Ngumiti ako. "Good! I don't even know how I fell asleep," sagot ko dito. "You?"

"Okay, I fell asleep right away last night after I got dressed."

"That's good, how 'bout you, Uncle?" baling ko sa matandang lalaki.

"It's okay too, sweetheart," nakangiting sagot niya.

Tinanguan ko sila at tumulong na sa pag-aayos ng lamesa. Malapit na kaming matapos ng pumasok si Kuya Nat na walang suot na pang-itaas. Hindi na ako nailang dahil nasanay na ako kapag walang suot na pang-itaas si Hunter. Pero kahit sanay ka na kay Hunter ay hindi mo pa rin maiwasan ang mag-iwas ng tingin sa katawan nito.

"Good morning, people! How you doin'?" masiglang tanong ni Kuya Nat ng maka-upo 'to sa upuan katapan ng sa'kin.

Umiling si Kuya Ivan bago ibinaba sa harapan nito ang plato, "it's good because the one who promised to cook breakfast this morning, wake up late!" sarcastic na sagot ni Kuya Ivan kay Kuya Nat.

Tumawa naman ng mahina si Kuya Nat.

"Sorry, bro! I overslept!"

"Yeah, and pigs can fly!"

"Stop it boys, you're in front of the foods," strict na pagpapatigil ni Uncle sa dalawa.

Sumunod naman ang dalawang lalaki Tumabi ng upo sa'kin si Kuya Ivan at kumain na kami ng almusal. Habang kumakain ay nag-uusap ulit sila tungkol sa business, hindi naman ako makasali dahil wala pa naman akong alam do'n.

After naming mag-almusal ay nagpunta kami ni Uncle sa sala dahil pumanik na sila Kuya para mag-ayos ng sarili. Papasok kasi kaming tatlo sa school ngayong araw tapos ay kaylangan ko ring pumasok sa trabaho, kahapon ay absent na naman ako.

Kinuha ko ang gunting na inabot sa'kin ni Uncle para mas madali kong mabuksan 'yung mga regalo nila. 'Yung iba kasi ay naka-bubble wrap. Inuna ko 'yung naka-bubble wrap.

"Ano naman kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko dahil mukhang galing pa 'to sa ibang bansa.

"I think I know that already!" nakangiting wika ni Uncle.

Nae-excite akong tumingin sa kanya. Binilisan ko ang pagbukas at umawang ang labi ko dahil sa nakita kong regalo. Inihiwalay ko ang kahon sa bubble wrap at binuksan 'yon. Napatakip ako sa bibig ko habang kinikilig na inilabas ang isang sapatos.

"Jeeez!!" sigaw ko habang hindi makapaniwalang tumingin kay Uncle. "Is this true? This is mine?!"

"Yes," tumatangong sagot nito.

Ang bigay kasing regalo sa'kin ay isang boots na bagong labas lang. Sa pagkakaalam ko ay wala pang may ganito sa Pilipinas. Niyakap ko 'to.

"Thank you!!" naiiyak kong pagpapasalamat sa kanya.

Tinawanan niya ako. "You're welcome, sweetheart."

Dahan-dahan kong ibinaba sa mesa ang boots, pagkatapos ay kinuha ko ang isang paper bag na may tatak na LV.

Nang ilabas ko 'to ay umawang ang mga labi ko. Isa kasing pink sapphire and diamond necklace. If I'm not mistaken it is worth one hundred thirty six thousand dollars or six point eight million in Philippine Pesos. God! Paano nila ako nagawang regaluhan ng ganito. This is my most expensive thing I have!

"Who gave this?!" exaggerated kong tanong saka pahablot na kinuha ang paper bag ng LV. Tiningan ko ang card na nakalagay do'n. Binasa ko ang pangalan ng nagbigay. "From Kuya Nat?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumingin ako kay Uncle, "You never mention he is a billionaire!"

"You never asked," sagot nito sa'kin habang umiinom ng tea.

Napa-iling akon tuminging muli sa hawak kong kwintas. Wow! Madidisgrasya pa ako kapag isinuot ko 'to sa labas.

"Did you like it? He thinks you may not like it," tanong ni Uncle.

"Yes, I like it but this is so expensive."

"Money doesn't matter, sweetheart. We will give you what you want," ani Uncle.

Hindi na ako nagsalita. Grabe sila. Wow! Kung mayaman yata ang mga magulang ko ay mas mayaman sila Uncle.

LUTANG na lutang pa rin ako ng makapasok ako sa school. Naglalakad akong mag-isa sa may parking lot ng school. Late na ako sa unang subject ko. 'Yung pangalawa ay sure na nag-uumpisa na at late na naman ako. Kelan ba ako nakapasok ng maaga sa school at saktong dumating sa mga subject ko?

Napahinto ako ng may humablot sa braso ko. Lumingon ako do'n at nakita si Hunter na magulo ang suot na damit, nagkakaroon na rin ng mga balbas. Lumalalim ang gitla sa noo ko.

"Let go of me!" malakas kong sigaw ko sa kanya ng bawiin ko ang braso ko at hindi niya pakawalan.

Umiling siya sa'kin. "I need to talk to you, Klyzene! Mababaliw na ako kapag hindi mo pa ako kinausap!" nahihirapang wika nito.

Umirap ako sa kanya. "Wala akong pake kung nahihirapan ka na! Ang gusto ko ay pakawalan mo ako!"

"No. Let's talk first! Please!"

Dahil sa pagka-inis ay tinapakan ko ng madiin ang paa niya.

"Fuck!!" malakas nitong sigaw sabay pagbitiw sa braso ko.

Malakas kong tinulak ang lalaki palayo sa'kin at saka nagtatakabo papunta sa kung saan. Basta malayo sa kanya. Nakukulitan na ako sa lalaking 'yon. Kahit kaylan talaga siya!

Hinihingal akong napa-upo sa upuan ko sa classroom. Sa pagkahaba-haba ba naman ng tinakbo ko sinong hindi hihingalin do'n. Sumandal ako sa upuan ko. Kinuha ko ang panyo kong nasa bag pagkatapos ay pinunasan ang pawis ko sa leeg at noo.

"Mukhang pagod na pagod ka ah," ani ng isa kong classmate na lalaki.

Tumingin ako sa kanya at hindi siya sinagot. Close ba kami? Tumabi 'to ng upo sa'kin. Now, he's feeling close.

"Pwede ka bang maka-usap, Klyzene?" nag-aalangang tanong niya sa'kin.

Pinagpatuloy ko lang ang pagpupunas ko at umaaktong hindi siya narinig. Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita ko kung paano 'to lumunok at uneasy na tumikhim.

"G-gusto ko sanang magp-patulong sa k-kapatid mo—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng masama ko siyang tiningnan. Padabog kong binitawan ang panyong hawak na kinatigil nito.

"K-kasi... m-matagal na akong may gusto sa kanya... b-baka lang—"

"Get lost!" malamig kong saad sa kanya bago tumayo at naglakad papunta sa ibang upuan. Nakita ko ang pagkapahiya sa mukha nito dahil sa'kin but who cares? Not me.

Dumating ang Prof namin para sa pang third subject at nagturo ng lesson, kasabay pa ang pagppaa-quiz nila. Nagsunod-sundo ang klase namin at nakalimutan ko ng kumain ng lunch dahil natambak ang gawain ko sa school. May mga ihahabol ba akong aralin na kahit may minus ay may grades pa rin.

Pagkatapos kong gawin lahat ng mga na-late kong activities ay nagpunta ako sa faculty room. Lumapit ako sa may pinto na binabantayan ng isa sa mga student council.

"I will just give this to my subject teachers," wika ko at itinaas pa ang hawak na mga papel.

Naglahad 'to ng kamay sa harapan ko. "Give it to me. I'll give that to them once they're done in their meeting," anito.

Inabot ko naman sa kanya 'yon at naglakad na paalis. Dahil mamayang four pa naman ang huling klase ko ay nagpasya na akong pumunta sa may café para magtrabaho. Si Kuya Nat ang huling subject namin kaya pwede akong mawala sa klase.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang mga pinag-uusapan nila Uncle sa ibang language. Ewan ko ba. I have this gut feeling na ayoko ng pansinin pero ayaw pumayag ng isipan ko.

Hanggang sa makarating ako sa café ay iniisip ko pa rin 'yon. Maka-ilang beses nga akong napagalitan nila Neon dahil nakabasag ako ng mga baso at platito, pati si Adi ay alam kong disappointed sa akin ngayong araw. Buti na lang wala si Dowell kundi gisadong gisado ako ngayon.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Adin g mag-break kami sa kusina.

Napahinga ako ng malalim at tumango. "Yeah."

"Kung hindi ka okay pwede mo kong kausapin ha?" anito.

"Okay."

Kinuha nito ang platito ng cake at kumain, "hindi namin knows na may kakambal ka pala! Grave! Na-shook kami nung nakaraan!" anito habang nanlalaki ang mata.

"Alam naman kasi ng mga kakilala namin na may twin sister ako," mahina kong sagot.

"Oo nga! Pero ang ganda niyo pareho noh?! Grave! Kitang-kita 'yung kaputian mo dahil sa kulay green mong buhok, tapos 'yung kakambal mo mukhang manika."

Ngumiti ako sa paraan ng pagd-describe niya sa kakambal ko. Totoo naman kasi 'yon. Madami pa siyang binangit na papuri sa kapatid ko hanggang sa matapos ang duty namin. Hindi dumating si Dowell ngayong araw na pinagtataka naman namin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro