Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 79

CHAPTER SEVENTY-NINE

NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na yugyug mula sa balikat ko. Dumilat ako at tiningnan kung sino man 'yon. Si Kuya Nat habang nakatingin sa'kin. Lumayo ito at sumilip ako sa labas ng bintana. Kumunot ang noo ko ng makitang wala kami sa tapat ng condo building.

Napa-ayos ako ng upo.

"Where are we?" inaantok kong tanong.

Instead of answering me ay lumabas 'to ng kotse at umikot sa gawi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalis ko ang seatbelt ko pagkatapos ay bumaba. Naghikab ako habang naglalakad papunta sa restaurant. Nakaakbay sa'kin si Kuya.

"What are we doing here?" pag-uulit ko ng tanong sa kanya.

"Secret!"

Inirapan ko siya dahil sa sagot niya. Inalis ko ang pagkaka akbay niya sa'kin at naunang pumasok sa restaurant.

Napa-atras ako ng makita ang ayos ng buong lugar. Napa-awang ang bibig ko sa nabasa.

Happy 18th Birthday

K l y z e n e

Umawang ang labi ko dahil sa nabasa ko. Na-touch naman ako dahil sa ginawa nilang ito. Lumabas si Kuya at Uncle na nasa gilid. May dala siyang isang cake at may pa-fireworks pa do'n.

Itinulak ako ni Kuya Nat palapit kila Uncle at do'n ako nag-stay.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday... happy birthday! Happy birthday to you!" kanta nilang tatlo sa'kin.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Huminga ako ng malalim at nginitian sila bago pumikit at nag-wish. Dumilat ako at nakangiting hinipan ang kandila .

"What is your wish?" tanong ni Kuya Ivan.

Dinilaan ko siya. "Hindi na matutupad kapag sinabi ko."

Kumunot ang noo nito. "Can you please talk more slower?" aniya na kinatawa ko.

"I said if I say my wish to all of you, I will not be granted anymore," nakangiting sagot ko bago tumingin kay Uncle. "Right, Uncle?" tanong ko dito. Kanina ko pa kasi napapansin na parang naiiyak ang hitsura nito.

Tumango siya sa'kin at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko pagkatapos ay hinila ako payakap. Gumanti naman ako kahit na naguguluhan sa inaasta nito.

"Cuantas veces he soñado con estar contigo hoym nunca pensé que ese sueño se haría realidad," maramdaming dagdag pa nito.

Ang dalawang lalaki ay parang natigilan sa sinabi ni Uncle pero ako ay hindi ko na 'yon pinansin. Masyado akong masaya ngayon para pansinin pa ang mga reaction nila.

"L-let's eat," ani Kuya Ivan at hinila ako papunta sa isang upuan. Umupo ako do'n at inilibot ang tingin ang buong lugar. It amaze me dahil ang ganda niya talaga.

"Who this of this idea?" tanong ko, nilingon ko silang tatlo.

Sabay tinuro ng dalawang lalaki si Uncle na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit. Ngumiti ako ng maliit sa kanya.

"Thank you for what you did, Uncle. I love you, Uncle. I love you all. Thank you for doing this for me," marahan ngunit puno ng pagmamahal kong wika sa kanya.

Pilit siyang ngumiti sa'kin at tumango-tango. Tumawa ako ng mahina.

"Don't cry anymore. This day should be happy," ani ko pa.

Tumango siya sa'kin at tinaas ang isa pang kamay. Lumapit ang mga waiter sa'min, dala-dala ang mga pagkain. Pumasok kasunod ng waiters ang isang banda. Pumuwesto ang mga 'yon sa isang gilid at nag-umpisang tumugtug.

Habang kumakain ay tinatanong na nila kung kaylan ako magpaparehitro bilang botante dito sa Pinas, hindi ko pa masagot dahil aalis kasi ako after my senior high. Mag-iisip pa ako ng paraan kung paano magagawa 'yon pero hindi pa talaga ako sigurado kung paano nga.

Kumakain na kami ng dessert ng tumayo si Kuya Nat. Sinundan ko siya ng tingin at umawang ang labi ko ng makitang lumapit ito sa isang vase na may pulang rosas, kinuha nito 'yon saka nakangiting lumingon sa'kin. Hawak-hawak ang rose ay lumapit siya at naglahad ng kamay sa harapan ko. Tiningnan ko siya ng maigi.

"Kaylangan ko pa bang sabihin kung anong gagawin natin?" malokong tanong niya.

Pabiro ko siyang inirapan. Nagpunas muna ako ng bibig bago kinuha ang kamay niya. Inalalayan niya akong tumayo at hinila papunta sa gitna ng silid.

Hinawakan niya ang bewang ko, samantalang ako ay humawak sa balikat nito. Ang tugtugin ay naging pang sweet dance. Nag-umpisa kaming magsayaw.

"Kaya pala hinayaan mo ako matulog kanina dahil dito ha," pang-aakusa ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin. "Kung ginising kita edi nawalan kami ng oras para maghanda."

I pouted my lips. "Sana sinabihan niyo ako."

"Kaylan pa nagkaroon ng surprise na sinabi sa isu-surpirse?"

"Today if you told me about this."

Mukhang namang wala ng masabi at hindi na 'to makapaniwala sa'kin kaya tinawanan niya na lang ako at inikot. Nakatatlong ulit kaming sayaw bago lumapit sa'kin si Kuya Ivan at naglahad ng kamay sa harapan ko. Kinuha ko naman 'yon at kaming dalawa ang nagsayaw. Nasa bibig nito ang rose na kinuha ko.

"Happiest birthday, little sis," marahang pagbati niya sa'kin.

"Thank you."

"I'm happy I'm with you now." Inipit niya sa likod ng tenga ko ang naghulog na piraso ng buhok ko.
"In this most special day of your life," madamdamin pa niyang wika.

Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa balikat niya. "I'm also happy to be with you guys today," ani ko pa.

He bit his lower lip and then pulled me in a hug. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at pumikit. Gumanti ako ng yakap. Our bodies are still swaying.

"Remember, Klyzene, I'm always here for you. I will and always stand in your side every time!" mariin niyang sabi.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya at imbis na sagutin siya ay tumingkayad ako para halikan siya sa pisnge dahil wala naman akong iba pang masasabi tungkol sa tinuran niya. Ang nakaka-overwhelm ang saya na nararamdaman ko.

Hindi ko akalain na sa ibang tao ko pa mararamdaman ang pagmamahal ng isang pamilya na nais ko. Matapos kaming magsayaw ay magkahawak ang kamay na nilapitan namin si Uncle, may hawak na rin itong red roses. Nang makalapit kami sa kanya ay tumayo siya at kinuha ang kamay kong inabot ni Kuya Ivan.

Nakangiti niya akong hinila papunta sa may gitna. Nag-iba na rin ang tugtugin. Kung kanina ay sweet brotherly love song, ngayon naman ay 'Dance with my father'.

Inabot niya sa'kin ang hawak na rosas. Nakangiting inabot ko 'yon, Humawak ako sa balikat niya at hinawakan naman niya ako sa bewang.

Sumayaw kami ng mabagal. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit ko nababasa sa mga mata nito ang sobrang kasiyahan, oo nga't may kaunting lungkot akong nakikita do'n pero mas lamang pa rin ang kasiyahan.

"I-I never thought that this thing will happen," panimula nito.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"This! To be with you in your special day," pabulong niyang wika pero sapat upang makarating sa pandinig ko.

Napatango ako at malungkot na ngumiti. "Me too. I never thought that my birthday will be special like this. I mean I already planned my birthday celebration, I will drink until I can't walk anymore. I should be celebrating alone because my parents will throw a party for my twin sister only. They will not consider what I want," paghahayag ko ng saloobin ko.

Nagpahakawala ng isang malalim na hininga si Uncle bago ako inikot at muling hinila palapit sa kanya.

"I'm sorry for that. I'll promise you... from now on, you will not feel neglected anymore."

"Thank you, Uncle... for doing this to me. This is actually too much." Yumuko ako dahil bigla akong na-guilty. Iniisip ko pa no'ng gamitin sila for my selfish reasons but today? They prove me how kind they are. I'm such a gold digger for using them.

Napaangat ako ng tingin ng itaas ni Uncle ang baba ko gamit ang kamay niya.

"Are you okay?"

"Yes."

"Really?"

"Hmm..."

He give me a quick smile, "you can tell me everything, sweetheart, I will listen to you," he said.

I nod while smiling awkwardly at him. I really feel so guilty. "Uncle... I'm sorry," totoong paumanhin ko. He frowned at me. "The first time I'm with you. The first time you let me in in your house. I thought that I'm just going to use you for my own good. I'm selfish, I know... but looking back in the memories when you give me things I don't needed, I feel so guilty. This is too much. You gave me a resort, you let me study and stay in your house without a rent. You give me a wonderful debut celebration... it slapped me hard.

"I'm such a bitch for thinking of using you all. I'm such a selfish person and I'm really really sorry for that. I'm sorry. I know—"

"I'm hurt a little bit but it is okay. I forgive you," mabilis niyang wika na nakapagpanganga sa'kin.

"Are you serious? Are you not mad?"

"I'm not... tea mo demasiado, hija para estar enojado contigo. Está bien que nos hayas utilizado, todo le falta a las personas que no estoy a tu lado, así que no te preocupes. Me parece bien. nuestro. no estamos enojados contigo, hija. Te queremos tanto," mahaba at madamdaming wika nito. (masyado kitang mahal anak para magalit sa'yo. Okay lang na ginamit mo kami, kulang pa ang lahat ng 'yon sa mga taong wala ako sa tabi mo kaya huwag kang mag-alala. Okay lang sa'kin. sa'min. hindi kami galit sa'yo, anak. mahal na mahal ka namin.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro