Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 78


CHAPTER SEVENTY-EIGHT

WEEKS passed and today is a special day for me. Before, I don't want to celebrate it because I know they will just throw a party for my twin sister but now? It's different. I know the people with me will acknowledge my decision. They will support me.

Mabilis akong bumangon mula sa kama ko at agad na naligo. Maaga pa pero puno na agad ako ng energy. Nang matapos ako sa morning rituals ko ay nagbihis kaagad ako at nagpasyang lumabas na ng kwarto. Nagpunta ako sa kitchen para subukang magluto.

Napurnada ang plano ko ng tumapat ako sa pinto ng kusina. Nakita ko ang mesa na may mga nakahanda na. Naririnig ko rin ang mga boses nilang nag-uusap.

"Do you think that she's awake now?" tanong ni Uncle ng makapasok ako sa kusina.

Nagkibit balikat si Kuya Ivan. "Maybe not? I don't know, Dad. It's her eighteenth birthday, maybe she'll sleep longer."

Nakita ko ang pagtango ni Uncle sa sinabi ni Kuya. Walang tunog akong lumapit sa mesa at tiningnan kung anong niluto nila. Napa-wow ako ng mahina ng makita ang nasa mesa. It's barbeque with marshmallow, is this eatable? Nakita ko ang pasta, it looks like spaghetti.

Humarap ako sa dalawang lalaki na hanggang ngayon ay busy pa rin sa kung anong ginagawa sa may kalan. Napatawa ako dahil sa hitsura nila. Mukha silang aligagang-aligaga. Mayroon pa silang suot na party hat habang naka-apron huh.

Sumandal ako sa mesa at pinanood ang dalawang lalaki. Busy-ng busy na hindi nila napansin na pinapanood ko na silang dalawa.

"You know what? You should check her upstairs," ani Uncle.

"Dad! She's still sleeping. Don't worry. She's waking up like, seven or eight," ani Kuya.

"What if she woke up early? I woke up early in my birthdays."

"That's you, Dad. Klyzene's not."

"And good God! Your good watchmen. 'Yung may birthday kanina pa kayo pinapanood!" dismayadong wika ni Kuya Nat ng makapasok 'to ng kusina.

Sabay-sabay kaming lumingon dito. May dala itong box ng cake at mga lobo. Nakasuot din ng party hat. Ngumiti ako sa kanya bago lumingon sa dalawang lalaki. Nakaawang ang bibig ng mga 'to at hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.

Umayos ako ng tayo.

"Good morning!" I greeted them.

Napahampas si Kuya Ivan sa noo niya at umiling-iling naman si Uncle. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa.

"Don't be disappointed. I appreciate what you did today," nakangiting pagc-cheer up ko sa kanila.

Kuya let a sigh before he look at me. "Happy birthday, Klyzene!" bati niya.

"Thank you!"

"Happy birthday, sweetheart," bati ni Uncle kaya tiningnan ko siya.

"Thank you!"

"That's enough! Finish what you're cooking, I'm sure gutom na si Klyzene," ani Kuya Nat habang inaalis ang cake sa kahon nito. Nilapitan ko siya para tulungan.

Hinawakan ko ang kahon ng cake at siya naman ang nag-alis no'ng laman. Ibinaba niya sa mesa ang cake at kinuha sa'kin ang kahon. Tinabi niya 'to at nginitian ako.

"Happy birthday! What gift you want?" tanong niya sa'kin.

"Will you give what I want?" naniniguradong tanong ko. Back in my mind I have my request. A devilish.

Lumabi si Kuya sandali bago tumango at inakbayan ako. "Of course. Kung kaya ko ba, why not?"

Maloko akong ngumisi sa kanya. "Pass me this semester!" sagot ko saka ko sinabayan ng nakakalokong tawa.

Umawang ang labi nito at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawanan niya ako bago ginulo ang buhok ko. Tumango siya sa'kin.

"Matalinong bata pero magulang. Sige, papasa kita," natatawang sagot niya.

Tumingin kami kila Uncle na kakatapos lang magluto. Lumapit sila sa lamesa at do'n kami kumain ng sabay-sabay. They sing a happy birthday to me.

"What kind of debut you want?" tanong ni Kuya Ivan habang kumakain kami.

"Hm... a simple and memorable one," nakangiting sagot ko sa kanya.

"Don't you want a party?" tanong naman ni Uncle.

Umiling ako sa kanya bago ibinaba ang hawak kong kutsara saka inabot ang gatas.

"I don't to have a party. I like to have intimate dinner with my family. That's all," wika ko. Hindi na sila nagsalita at ipinagpatuloy na ang pagkain. Bago kami matapos ay tinatawan nila ang pagpapahid ni Kuya Ivan ng cake sa mukha ni Uncle. Gumanti naman si Uncle at dinamay na rin si Kuya Nat.

Namilog ang mga mata ko ng mapansing may kakaibang tinginan ng tatlong lalaki. Umiling ako sa kanila saka tumayo.

"No," natatawang pagpigil ko sa kanila bago tumayo at nagtatakbo para iwasan sila.

Pero hindi sila nagpatinag ang tatlo at hinabol ako.

"Stop!!!!" natatawang sigaw ko pero nahuli pa rin nila ako at nilagyan ng icing sa mukha, gumanti ako sa kanila. Napuno ng tawanan at kulitan ang buong lugar namin.

AFTER we eat ay nag-ayos na ako para pumasok sa school. They don't want me to go but I want to. Sinabay ako ni Kuya Nat papunta sa school dahil ayaw nila akong mag-commute.

Pagdating ko sa school ay dumerecho kaagad ako sa field dahil wala pang tao sa roon ng dumating ako. Umupo ako sa paborito kong pwesto at nagpahinga. Ilang sandali kong nalasap ang katahimikang gusto ko bago ko maramdaman ang pagtabi sa'kin ng isang tao.

Base pa lang sa amoy at init ng katawan na nanggagaling dito ay kilalang-kilala ko na siya.

"Happy birthday," mahinang pagbati ko kay Klyzia. I didn't open my eyes.

I heard her gulped. "H-happy birthday too, Black..." she greeted me in a broken voice.

Nagdilat ako ng mata at nilingon siya. Ang namumula niyang mga mata ang una kong napansin. Nangingitim rin ang ilalim nito na mukhang hindi siya nakatulog.

Pilit siyang ngumiti sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya na kina-iyak nito ng tuluyan.

"B-Black... uwi na tayo... p-please..." umiiyak niyang wika sa'kin. Ramdam ko na ang pagkabasa ng balikat ko dahil dito.

"Hindi ako sanay ng wala ka sa bahay... nalulungkot ako sa tuwing mapapadaan sa kwarto mo at sa common room na alam kong wala ka na do'n. H-hindi na katulad ng dati ng bahay natin," dagdag pa nito.

Tumingala ako para hindi tumulo ang mga luha ko. Hinaplos ko ang malambot nitong buhok at hinalikan siya sa noo.

"Please? D-do this as a gift for me!"

Bahagya kong inilayo ang katawan niya sa'kin at tiningnan siya sa mga mata. Pilit akong ngumiti sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan 'yon ng mahigpit.

"I-I want to do that but I-I can't... B-Blue... have you realize what you did to me? I mean... we're twins. You know what I feel every time our parents ignored me and my questions... I trusted you, Blue. I trusted you and you choose to betray me," pumiyok ako sa huling binitawan kong salita.

Hindi naman 'to nakasagot sa'kin at mas lalong umiyak.

"I'm near at forgiving you! Forgive the all of you... but that is not easy. I d-don't think I can trust you again. To trust them. I need to heal and fix myself first, Blue. I'm broken inside—"

"That's why I'm sorry! If you need time we can give you time but go home with me!"

Umiling ako sa kanya at lumayo. Pilit kong pinipigil ang sarili kong umiyak dahil ayokong maging mahina sa harapan niya.

"I feel so suffocated in that house, Klyzia! I really do! Ngayon lang ako naging malaya! Ngayon ko lang nagagawa ang gusto ko! Ang nagpapasaya sa'kin! 'Yung mga kasama ako ay sinusuportahan ako imbis na pigilan. They give me advice and they trust me!"

"W-we can—"

"They cannot trust me, Klyzia! Wake up!" madiin kong wika sa kanya. Ikinuyom ko ang kamao ko bago tumayo at tipid siyang nginitian. "Klyzia, I don't want to ruin this day for us. Ayokong mag-away tayong dalawa dahil dito. I respect your decision so respect mine!"

Umalis na ako do'n dahil siguradong mag-aaway lang kaming dalawa. Nagpunta ako sa restroom ng mga babae at nagkulong sa isang cubicle do'n. Rinig ko ang pagbukas at sara ng mga pintuan pati na rin ang pagbubukas sara ng gripo. May mga iilang babaeng nag-uusap sa kung kani-kanino.

Lunch break na ng lumabas ako ng banyo. Nagulat pa ang mga babaeng nasa banyo sa paglabas ko. Dere-derecho akong lumabas at nagpunta sa sumunod kong klase. Akala ko ba magsisipag ka na? Sana'y hindi ka na pumasok kung hindi ka rin papasok sa mga klase mo.

"Hindi ka namin nakita. Saan ka nagpunta?" tanong ng isa kong classmate sa'kin pagka-upo ko pa lang.

"Hindi mo na kaylangan malaman 'yon," mataray kong sagot sa kanya.

Yumukyuk ako sa lamesa ko at natulog pampalipas oras. Nagising na lang ako ay uwian na. Mag-isa na lang ako sa classroom at naka-upo sa may teacher's table si Kuya Nat habang nakangisi sa'kin. Inirapan ko siya.

"What time is it?" inaatok kong tanong.

"Seven pm," simpleng sagot nito.

'Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "S-seven?"

"Yeah! Sinabihan ko na lang 'yung teachers na masama ang pakiramdam mo kaya ka tulog," aniya. Napahinga ako ng malalim.

"Sorry. I didn't notice the time," paos kong wika sa kanya.

Hindi na 'to nagsalita at naglakad palapit sa'kin. Itinaas niya ang kamay niya at inabot sa akin. Kahit na inaantok ako ay kinuha ko ang kamay niya pagkatapos ay tumayo. Sabay kaming lumabas ng classroom at nagpunta sa parking lot.

Sumakay ako sa passenger seat, nag-suot ng seatbelt at sumandal sa may bintana. Ewan ko ba kung bakit antok na antok ako ngayon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro