Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 73


CHAPTER SEVENTY-THREE

"THIS is so beautiful!!!" kinikilig kong sigaw habang nakatingin sa mahinahong dagat. Full moon pa man din at nagsasama ang tubig at buwan. Ang ganda pa ng langit dahil punong-puno ng mga nagkikislapang bitwin.

Inakbayan ako ni Kuya, "I'm happy that you like it here."

"I can live in this place forever, Kuya! I want to swim na!"

"Later or tomorrow morning. It's cold—"

"How about skinny dipping?!" natatawang tanong sa kanya.

Namamanghang nilingon niya ako. "You can do that?!" may paghahamong tanong niya.

I pouted my lips and shook my head. I can't do it if I'm with someone... maybe one time when I'm alone. I will try it. No, you will do it, girl.

Humalakhak siya sa tugon ko bago ako hinila.

Sabay kaming naglakad ni Kuya papunta sa loob ng hotel ng resort at sinalubong kami ng matahimik na lugar. Kumunot ang noo at inilibot ang tingin sa lugar.

"Where the people here?" nagtatakang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at binigyan lang ng isang kakaibang tingin. Mas lalo akong nagtaka dahil sa ikilikilos nito. Naglakad kami papunta sa isang function hall ng lugar. Nakapatay ang ilaw.

"There's no electricity?" Kinapa ko ang gilid at nagbakasakaling mayrong switch pero wala.

Naramdaman ko ang paghiwalay ni Kuya sa'kin. Hindi naman ako takot sa dilim pero nakadama ako ng takot dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na 'to. Naglakad ako pasulong kasi hindi ko na makapa ang doorknob ng pinto.

Muntikan na akong mapatalon ng biglang may pumutok kasabay ng pagbukas ng ilaw ang mga sigawan. Iniliit ko ang mata ko upang makapag-adjust sa liwanag. Namilog ang mga mata ko ng makita sila Uncle at Kuya Ivan na may hawak ng tarpaulin.

Madami ring mga tao na nasa loob. Lahat sila nakangiti sa'kin. Umawang ang bibig ko.

"SURPRISE!!!!" malakas na sigaw ni Kuya Ivan.

"W-what the fuck?!"

They laugh at my expression. Inabot ni Kuya and Uncle ang tarpaulin sa isang lalaki saka ako nilapitan. Ngumiti sila sa'kin.

"Mi hija..."

"So? What can you say?"

Sabay pang nagsalita ang dalawang lalaki kaya mas lalo akong naguluhan. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang madaming tables at may buffet pa sa may isang gilid. May mini stage sa gitna kung saan nakalagay ang mga salitang 'Congratulations!'

"What is this?" naguguluhang tanong ko.

Umakbay sa'kin si Kuya Ivan, "well, little sister... Dad saw this resort and the owner is selling it. We thought you might like this—"

"I buy it for you!" pagpuputol ni Uncle sa sinasabi ni Kuya Ivan.

Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya. Nabibingi na ba ako o tama ang rinig ko? He buy it for me?! For real?!!

"A-are you kidding me?!"

"No, of course not!"

Nanumig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "R-really? For real?"

Natawa ang dalawang lalaking nasa gilid ko at tumango. Tumingin ako kay Kuya Ivan at hinanap sa mukha niya ang sagot. 'Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko at tuluyan na akong mapa-iyak.

"I-I own this Resort now?" umiiyak kong tanong.

"Yes! Of course, sweetheart! This is yours now!" sagot ni Uncle sa'kin.

Wala sa sariling niyakap ko si Uncle ng mahigpit. Hindi naman nila ako kaano-ano pero bakit nila ako ibibili ng resort? I'm lucky to be with them.

"Why?" mahinang tanong ko. Inilayo ko ang katawan ko sa kanya.

"What do you mean, why?" marahang tanong niya sa'kin saka pinunasan ang luha sa pisnge ko.

"Why you buy this resort? I'm no one..."

He smiled at me and kissed my forehead but he didn't answer me. Hinila niya lang ako payakap na ginantihan ko naman.

"GROUP HUG!!!" malakas na sigaw ni Kuya saka ko naramdaman ang pagyakap niya sa'kin mula sa likod.

Lumapit naman ang mga tauhan at nakipag-akapan din sa'min. Ilang sandali kaming nasa gano'n posisyon bago sila humiwalay. Tumingin kami sa mga tao.

"This is Klyzene Black, and she is your new Boss!" pagpapakilala sa'kin ni Kuya Ivan.

"Hello po, ma'am Klyzene!"

"Welcome po!"

"Welcome ma'am!"

"Congrats po!"

"Party na!!"

"And remember, there will be renovation in this Resort. We will rename this resort too," wika ni Uncle.

Madami pang naging tugon sa sinabi ni Kuya pero hindi ko na naintindihan ang lahat. Para akong nakalutang sa pagkakataong ito. Hindi ko nalaman kung nananaginip lang ba ako o totoo ng nangyayari 'to sa'kin. Nag-umpisa ang kasiyahan sa lugar.

Hinila ako nila Kuya papunta sa isang table at do'n kami pumuwesto. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na namalayan.

NATAUHAN na lang ako na nasa labas na ako. Nasa may dalampasigan at naka-upo sa buhanginan. Ako lang mag-isa pero rinig na rinig ko ang ingay na galing sa loob.

Malamig ang simoy ng hangin at kalmado ang dagat pero may iilang waves na dumadating. Naabot ng tubig ang mga paa ko pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa buwan.

Sa hitsura ng buwan at tubig ay parang andon ang dulo. Sumasalamin ang buwan sa tubig na naghahalo na silang dalawa. Ang ganda lang.

Kumirot ang dibdib ko ng maalala ang resort namin. Ganitong-ganito ang ginawa ko noon kapag hindi ako makatulog. Nakamasid ako sa buwan at dagat, pampaantok sa'kin ang malambing na tunog na nanggagaling dito. Minsan kasama ko si Klyzia-ng magpa-antok, ayaw niya akong nag-iisa kaya sinasamahan niya ko.

Inaalala kaya nila ako? Nag-aalala kaya sila sa'kin? Lalo na 'yung mga magulang ko? K-kasi... antagal ko ng wala pero hindi ko sila nakitang hinanap ako. Ni hindi ko nabalitaan, bukod tanging si Klyzia lang ang panay ang lapit sa'kin.

Tumulo ang luha ko.

Ang sakit pa rin pala...

Ano bang mali sa'kin? B-bakit hindi nila magawang mahalin katulad ng pagmamahal nila kay Klyzia?! N-nung miminsan mahuli ng uwi si Zia ay halos mag-hysterical na sila sa paghahanap dito pero bakit sa'kin wala silang pakialam?!

Sinong magulang ang hahayaan lang ang anak nilang wala sa bahay nila?

Hindi ba talaga nila ako mahal?

I mean... yes, lumayas ako pero sana kahit text na, hindi ka na ba talaga uuwi? O kaya naman huwag ka ng uuwi dito, may gano'n sana pero wala eh. Miski si Kuya wala.

Bakit imbis na ayusin nila 'yung gusot ng pamilya namin, imbis na ipaliwanag sa'kin lahat hinahayaan lang nila ako.

Pinunsan ko ang pisnge ko. I should be happy right now dahil mayro'n akong Resort. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapa-iyak ng tuluyan.

Tangina! Kung sino pang hindi ko naman ka-dugo nagawa pa akong bilhan ng Resort pero 'yung sarili kong pamilya wala. Ayokong pagkumparahin silang dalawa pero—mas nagiging Ama pa sa'kin si Uncle... mas nararamdaman ko sa kanya na mahal niya ako na parang anak niya.

Mas naging kuya pa sa'kin si Kuya Ivan kesa sa tunay kong kuya. Si Kuya Jake never niya akong sinamahan sa trip ko. Si Kuya Ivan minsan siya pa ang nagi-initiate ng gagawin namin o kaya siya pa ang mags-set ng mga lugar na magugustuhan ko.

Bakit?!

Hindi ko ba talaga deserve mahalin?

Napayukyuk ako sa tuhod ko at do'n umiyak ng umiyak. Ikinuyom ko ang kamao ko at pinagsusuntok ang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko.

"K-kelan ka ba mawawalan ng pake?!! Kelan mo ba iisipin ang sarili mo? Kelan?! Bakit hindi pa ako maging manhid?" mahinang asik ko sa sarili ko.

Ilang minuto akong umiiyak do'n ng mapatayo ako. Hinubad ko ang suot kong mga damit saka nagtatakbo papunta sa dagat. Hindi ko inalintana ang malamig na tubig na nagpanginig sa katawan ko. Nang hindi ko na maramdaman ang lupa sa ilalim ko ang sumisid ako sa ilalim. Lumangoy lang ako ng lumangoy.

Nang makaramdam ng pangangapos ng hininga ay umaahon ako pero muli akong sumisisid kapag nakabawi na.

Muli akong umahon ng mapagod ako. Lumingon ako sa dalampasigan kung saan ako nanggaling. Malayo rin ang narating ko dahil maliit ng kaunti ang resort sa paningin ko. Humarap ako sa buwan. Ang ganda at laki nito ngayong gabi. Ang swerte ko.

Nag-floating ako saka tumingin sa langit.

I wish I'm one with the star...

Pumikit ako at dinama ang tubig. Malamig, oo... pero nakatulong itong kumalma ako. Para bang inalis nito ang sakit sa dibdib ko.

DUMILAT ako ng marinig ang tunog ng speedboat palapit sa'kin. Dahil disoriented pa ako ay lumubog ako sa tubig. Aahon na sana ako ng nag-umpisang mamulikat ang binti ko. Namilog ang mga mata ko at nag-umpisang bumilis ang tibok ng puso ko. Nauubusan na rin ako ng oxygen and I can't cry for help!

Magp-panicked na ako ng mapagtantong... okay lang 'to... there's no pain in afterlife.

I close my eyes and let myself drown...

I was ready to die when someone grab my waist and pulled me up. I open my eyes and I saw Kuya Ivan, with his worried face... his also looking at me.

And in that moment, natauhan ako. Why would I let myself died?! Iginalaw ko ang mga braso ko at binti kahit masakit para makaahom kaming mabilis.

Huminga ako ng malalim ng makaahon kaming dalawa. Binawi ko lahat ng hanging nawala sa'kin. Ang mga braso ni Kuya ay mas humigpit pa ang kapit sa bewang ko.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE KLYZENE?!!" nag-aalala ngunit galit na tanong rin ni Kuya sa malakas na boses.

Nanginginig akong humarap sa kanya.

"I was relaxing... I didn't know I slept then... when I woke up I drown..." pagk-kwento ko sa kanya.

Ang galit nitong mukha ay napalitan ng relived saka ako niyakap.

"Don't do that again! Next time swim near the shore! I almost had a heart attack when I saw you here floating. I'm shouting your name but you didn't hear me. Damn! Fuck it! Just don't do it again, Klyzenen!"

Gumanti ako ng yakap sa kanya. "I promised." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro