Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 72


CHAPTER SEVENTY-TWO

"I LOVE this food!" nasasarapang puna ni Uncle.

Tumango ako. Masarap nga naman kasi ang Toasted Ravioli. Were now eating our lunch. Naghintay kami ng thirty minutes bago dumating ang orders namin. Dumami na rin ang mga tao sa resto. Ang iba sa kanila ay mga artista with their assistants, I think.

"Yes, I will go back here again."

"Me too!"

We finish our foods in no time. We didn't order any dessert because I ask him if we can eat ice cream and he said yes.

Kumakain kami ng ice cream habang papanik sa unit namin. We take the stairs para na rin matagtag ang mga katawan namin. Okay lang daw kay Uncle dahil matagal na siyang hindi nakakapag-exercise and he need to be fit, healthy one.

"Are you ready to live alone in New York?" tanong nito.

Tinanguan ko siya, "yes po. That's one of a reason why I want to work."

"Hija, I will still give you allowance once your studying. Ivan said he will give you a new cards, right?"

Dinilaan ko ang ice cream ko sabay tango dito.

"That's good."

Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala naman na akong masasabi.

ANOTHER week passed and it was chaotic. Things happened like, Kuya Jake and Alex are separated. Alex leave my brother because of Katherine the bitch. Tsk. I want to blame her and her stubbornness but I can't. She just trust too much and I they betray her.

I know how it feels like to trust and to be betrayed, so I will not blame her. We didn't deserve that so I support her for leaving my brother!

Ngayon ay nandito ako sa bahay ni Kuya and I'm watching him to drown himself in alcohol. Did he think that it will bring Alex back?

I pity him.

"If I were you I'm going to start finding Alex instead of drinking liquors!" pangaral ko sa kanya. Actually wala naman talaga akong balak pumunta sa hinandang surprise party ni Alex kay Kuya but she message me in IG. Mukha ring wala siyang alam sa kung anong nangyayari kaya nagpunta na ako.

Halos hindi ko matagalan ang sarili kong pamilya nung mga oras na 'yon. Si Blue kinaka-usap ako pero hindi ko naman siya sinasagot. Ramdam ko ang titig sa'kin ni Hunter no'n. Alam na alam ko. Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari no'n.

Wala na rin naman akong magagawa dahil tapos na. Nangyari na.

Malamig ang mga titig ni Kuya ng lingunin niya ako. Tinuro niya ako.

"Leave," malamig niyang utos sabay turo sa pinto.

I shook my head. "I'm sorry, brother, but I can't leave you like this." Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Kinuha ko sa kamay niya ang hawak nitong baso ng alak. Ibinaba ko 'yon sa may center table at hinila siya patayo. Mabuti na lang at sumunod si Kuya.

Akay-akay ko siya habang umaakyat kami sa hagdan.

"E-eto na yata 'yung karma ko...." pag-uumpisa nito na kinatigil ko. Nilingon ko siya. Lumuluha. "A-alam mo? M-mahal na mahal ko si A-Alex... g-gusto ko pang mahalin siya!"

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto nilang mag-asawa. Magulo ang loob nito. Bukas ang walk in close, mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang mga nagkalat na damit. Mukhang nahulog ni Alex ang mga 'yon.

Pabagsak kong ihiniga si Kuya sa kama nila.

"K-Klyzene... a-anong mali sa'kin?" his voice break when he asked that.

I stopped. "You betray her."

"Did I?"

"Yes! Instead of bringing her in the ball, you go alone and look what happened? Maybe you didn't lie but you kept a secret to her. You betray her with Daisy and Katherine, Kuya. Hindi ko nga alam kung may sira ba siya sa ulo dahil niloko mo na siya hindi ka pa rin iniwan. You didn't tell her that you have Daisy. Pinagmukha mo siyang tanga lalo na't hinarap mo na siya sa altar."

Namuo ang mga luha sa mata nito.

"H-hindi ko naman ginusto!!! N-natakot ako! I'm scared to the fact that she'll going to leave me once she known!"

"And what do you think is happening now?! Is she here?! WALA! She left you with your maid, Abby!!" pinagdininan ko ang mga huling salitang binitawan ko dahil baka matauhan siya do'n.

Imbis na sagutin ako ay tahimik lang itong umiyak. Puro pasa ang mukha ni Kuya dahil nabugbug siya ng Father ni Alex at mga friends nito kanina. Hindi naman lumaban si Kuya, hinayaan niya lang kaya ayan. Mukha siyang ewan. Ang laki ng black eye niya sa magkabilang mata tapos ay may sugat pa rin ang labi. 'Yung ilong niya ay may bahid pa rin ng dugo.

Naglakad ako papunta sa banyo nila at kinuha ang first aid, tapos ay naglagay ako ng maligamgam na tubig sa isang lalagyan at binalikan na si Kuya. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Ini-start kong hubarin ang suot nitong damit saka pinabayaang suot lang ang boxers.

Sandali akong tumakbo papunta sa kusina nila at kumuha ng dalawang ice pack para sa mga mata nito.

"I'll put an ice pack ha," pagpapaalam ko sa kanya pero inungulan niya lang ako. Nagkibit balikat ako at binalikan ang nililinis kong sugat niya.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Kuya. Tahimik lang din siya nung pinupunasan ko ang katawan niya.

"A-Alex..."

"Baby.... I'm s-sorry!"

He murmur words that I cannot understand na kaya hinayaan ko na lang siya. Binabangungut na sa ginawa niya kay Alex. Nang matapos ako ay ibinalik ko sa dati ang mga nagamit ko, kumuha ako ng gamot sa sakit ng ulo at isang basong tubig.

Ibinaba ko 'yon sa ibabaw ng side table kung saan makikita niya kaagad. I also put a note saying na inumin niya 'yon tomorrow morning para mabawasan ang sakit ng ulo niya dahil for sure, kulang ang dalawang tablets ng gamot sa dami ng alak na inubos niya.

Nang masiyahan ako ay lumabas na ako ng kwarto nito. Naglakad ako pababa ng hagdan at lumabas ng bahay. Ni-lock ko muna bago ako umalis.

Tumigil ako sa paglalakad ng makita si Hunter na nakatayo sa may gate. Mukha kanina pa naghihintay.

Nanariwa sa isipan ko ang mga nangyari noon sa condo nito. Ilang beses akong napalunok. Ang akala ko ba'y hindi ka na masasaktan? Bakit ganito?!

Nag-angat ito ng tingin sa'kin at ilang sandaling natigilan. Pinagmasdan ko ng mabuti ang hitsura nito. Malalim ang mga mata at nangingitim ang ilalim, tinubuan na rin 'to ng balbas. Anong ginagawa mo sa buhay mo, Hunter? Ako naman ay naglakad lang ay nilagpasan ang binata. Ayoko siyang kausap dahil nasasaktan ako.

"Klyzene, let's talk," wika ni Hunter sa nagsusumamong boses.

Hindi ko siya pinansin saka huminto sa gilid na malayo dito. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kuya Ivan. Magpapasundo ako dahil malalim na rin ang gabi, mahirap naman mag-taxi sa ganitong sitwasyon. Naramdaman ko ang pagsunod sa'kin ni Hunter.

"Where are you living? Who are you with? Matagal na kitang hinahanap, Klyzene! Mag-usap naman tayo!"

Nagbingi-bingihan ako at umaktong nagc-cellphone.

"Kahit ikaw na ang mamili kung saan tayo mag-uusap, Klyzene. Kahit saan o kelan! Please!"

"Nagpupunta ako sa school kung saan ka nag-aaral pero wala ka do'n. O baka naman sadyang iniiwasan mo lang ako? Talk to me..."

"Zene..."

"I can't contact your phone. Unblock me please? Let's go home... Zene... my condo doesn't feel home since you left."

"I'm really sorry, Klyzene! Hindi ko sinasadya 'yung nasabi't nagawa ko nung araw na 'yon. Magulo lang ang isip ko no—"

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag-amba niyang humawak sa'kin. Mabilis akong humarap sa kanya at galit siyang tiningan.

"Can you please stop talking?! Stop reminding me those fucking things that I already forgot! If your conscience is not letting you sleep because of what you did, it's not my problem anymore! Stop pestesing me, Hunter! This is my last warning!" gigil kong wika sa kanya bago lumakad palayo. I can walk naman palabas ng village.

Napa-iling ako dahil mukhang mas mahihirapan akong iwasan siya. What he said is true. Nakikita ko siyang naglilibot sa school kaya minsan ay nagc-cutting ako o kaya naman ay tatambay sa office ni Kuya Nat. Madalas nilang sabihin sa'king panay hanap niya daw sa'kin.

Sampong minuto kong nilakad ang village bago ako nakalabas. Napangiti ako ng makita ang kotseng iyong. Mabilis akong lumakad patawid ng kalsada saka lumapit do'n.

Nang makalapit siya ay bumaba rin ang bintana ng kotse sa gawi niya. Nakangiti si Kuya Ivan na sinalubong ako.

"Hop in, Princess, we're going!" excited na utos niya sa'kin.

Kumunot ang noo ko pero sinunod ko naman ang gusto niya. Pumasok ako sa loob ng kotse saka siya nginisihan.

"Where are we going?!" nakangiting tanong ko.

"Well.... Dad saw a great resort near here and he said he wants to visit. He is already there with my assistant and waiting for us."

"Great!! Let's go! I want to swim!" excited kong pagmamadali sa kanya habang sinusuot ang seatbelt ko. Nginisihan lang ako ni Kuya saka binuhay ang makina ng kotse at pinaandar paalis ang kotse niya.

Hindi na namin namalayang may matatalim na mata na palang nakamasid sa'ming dalawa habang masayang nag-uusap. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro